Chapter 11
Fucking shit. Napakalakas ng ulan ngayon at hindi pa dumarating si Manong Fred para sunduin ako. Maagang nasundo sila Margaux at naiwan akong naghihintay sa may gate nang biglang bumubos ang malakas na ulan.
Buti nakasilong ako sa bakanteng kariton sa may tabi ng poste. I am stuck in this place, I have no ways to call my Mama kasi nga walang sim card itong cellphone ko.
Mukhang dito na ako matutulog ngayong gabi. Bakit ko ba kasi naisip na magandang ideya na walang sim? Ito ang napala ko sa pagpipilit na maging anti social.
Ang suwerte ng Lunes ko! Inulan na ako at 'di sinipot ng sundo, pagkatapos kami ni Mark ay hindi rin magkasundo. Tumigil siya kakakulit sa akin noong sinabi ko sa kaniya ang confession sa akin ni Nathaniel doon sa rooftop.
Hindi ko alam kung nagalit ba siya o nagselos, basta nanahimik nalang siya at hinatid ako sa classroom. Ang gulo naman niya!
“Fuck!”
Habang pinanonood ko ang mga patak ng ulan ay may bumusina at tumigil na sasakyan sa may kalsada sa harapan ko. Kotse 'to ni Mark. Bumaba siya do'n at may dala siyang payong na kulay itim.
“Wala pa ba ang sundo mo?”
“Why do you care?” Humalukikip ako at halos umikot ng 160 degrees ang mata ko.
“Boyfriend mo ako, malamang may pakialam ako.”
“'Di ba galit ka sa 'kin?”
He pulled me close para pumailalim na rin ako sa umbrella na hawak niya, mahigpit ang kapit niya para magkasya ang mga katawan namin sa silong nito.
“Sinong may sabi na galit ako?”
“Hindi mo na kasi ako kinausap.” Lumabi ako at bahagyang tumingala sa kaniya. We're so close, I can actually hear his beating heart even under the sound of pouring rains.
“Hindi ako nagalit sa ‘yo, Miracle.”
“Really?”
“Mas malaki pa ang tyansang magalit ako sa sarili ko,” aniya.
Ikinangiti ko iyon at inilapat ulit ang ulo ko sa dibdib niya. Magkayakap kaming lumapit sa sasakyan niya at maingat niyang binuksan iyon para sa akin.
Pinayungan niya ako hanggang makapasok ako sa loob kaya naman medyo nabasa 'yong suot niyang black na t-shirt. Noong makasakay na rin siya ay napansin kong dumikit 'yong suot niya sa matipuno niyang dibdib pati na rin sa malaman niyang braso.
“Do you work out?” Wala sa sariling tanong ko.
“Minsan.” He darted his eyes at me and I immediately felt my cheeks burned.
Katangahang tinanong ko iyon sa kaniya! Baka isipin niya'y pinagnanasaan ko na 'yang katawan niya. Omg, I'm so stupid. Fuck!
“Hindi mo naman kailangang mahiya, puwede mong hangaan ang katawan ko. Boyfriend mo naman ako.”
“I'm not shy,” tanggi ko.
“E, bakit ka namumula diyan?”
“Kasi galit ako,” mabilis na sabi ko.
He chuckled and it sounded like music to my ears, pati ba naman tawa niya kumakanta? Vocalist nga talaga 'to ng banda nila!
“Galit na rin ako,” saad pa niya.
He's mad? Then bakit parang hindi naman? Nakangiti pa nga siyang pinaandar itong sasakyan niya. Inaasar niya ba ako? “You don't look mad.”
“Lady, masyado ka pang inosente para maintindihan 'yon.”
Isinawalang bahala ko nalang ang sinabi niya't hiniram ang cellphone niya, ako na mismo ang kumuha do'n sa bag niya. Itinanong ko nalang sa kaniya ang passcode at ibinigay naman niya 'yon kaagad. Great man!
I called Mama's number kasi kabisado ko ito dahil madalas nga lang akong manghiram ng phone since walang sim ang akin.
“Ma! Hindi dumating si Manong Fred!” sumbong ko kaagad kay Mama nang sagutin niya itong call.
“Baby, I am glad you called! Yes, hindi talaga siya nakarating kasi nag-collapse 'yong daanan sa may village natin dahil sa lakas ng ulan. Kasi naman–” Tuloy-tuloy si Mama sa pag-explain.
She even complained about the home owners association kahit hindi ko naman tinatanong.. She's totally loosing her cool!
“Ma, calm down.”
I heared her slightly muffled voice on the other line, still complaining. “Matagal ko na kasing nirereklamo ang daan na 'yon! Now look at what happened!”
“As in bawal talaga?” Sinapo ko ang noo ko gamit ang aking kaliwang kamay.
Paano naman ako makakauwi nito? Lalanguyin ko 'yong lubak sa kalsada na napuno ng tubig ganoon?
“Yes, maki-stay ka nalang muna siguro kina Lovie. Take care baby, I love you.”
“I love you too, Mama.” I ended the call then looked outside. Malakas pa rin talaga ang ulan, madulas na rin ang kalsada at madilim na.
“Anong sabi ni Tita?” tanong ni Mark.
“Ihatid mo nalang ako kina Lovie.”
“Bakit sa kanila?” tanong niya.
“Nasira nga raw kasi 'yong way, bawal pa dumaan ang mga sasakyan kasi malalim 'yung tubig.” I yawned after explaining kasi inaantok na ako.
“Sa amin nalang tayo umuwi.”
“What?” Napamulat ako at parang biglang nawala ang antok na nadarama ko kanina. I got excited noong sinabi niya na uuwi kami sa bahay nila kasi ibig sabihin makikilala ko na rin ang parents niya.
“Malapit na dito ang village namin.”
“A-Alright.”
Noong makarating kami sa bahay nila ay medyo tumitila na ang ulan, binuksan na rin ng katulong nila ang gate para maipasok agad itong sasakyan. They have a huge garage, it fits three cars and one motorcycle.
Malaki rin ang bahay nila and it looks modern, sa malaking gate pa lang na kulay white ay makikita na iyon. The theme of the house is a minimalist black and white.
“Nice home,” bati ko pagpasok namin sa loob.
“Salamat.” Bumaling siya do'n sa medyo may kaedaran na babae. “Puwede niyo ho ba kaming ipagtimpla ng kape? Pakihatid na rin sa kwarto ko.”
Tinanong niya ako kung gusto ko ng may cream at tumango naman ako, nginitian ako nito bago tumungo sa kusina para magsimula na sigurong magtimpla.
“Your mother?”
“Hindi, tara na?” Pinagsaklop niya ang mga kamay namin at umakyat sa hagdan na glass ang gabay. Dinala niya ako sa loob ng kwarto niya at pinaupo sa king sized bed habang naghahalungkat siya ng damit doon sa closet niya.
“Ito nalang ang isuot mo.” Inabot niya sa akin ang isang kulay puting t-shirt at grey na sweatpants.
“Thank– Fuck!” Hinubad niya kasi sa mismong harapan ko 'yong damit niya pang-itaas. “Nice abs.”
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. I answered his kisses but after a minute or so ay pinutol niya iyong halik.
“Nagmura ka kasi.” Nagsuot na siya ng panibagong t-shirt, pagkatapos ay tinuro niya 'yong isang pinto. “Doon ang banyo ko, magbihis ka na. Isampay mo nalang rin do'n ang uniform mo.”
Tumayo ako kaagad at tumungo sa banyo, napatitig ako sa salamin at kitang-kita ang pamumula nitong pisngi ko. Lumapit ako sa sink at nagmumog, napapikit ako nang maalala ko ang nangyaring halik sa pagitan namin kanina lang.
Hindi ko makalimutan.
Nagbihis nalang ako at pilit na iwinaglit iyon, hindi na ako nagsuot ng bra dahil mas kumportable akong wala noon kapag natutulog. Pagkatapos ko'y naabutan ko si Mark humihigop ng kape sa itim na tasa, tapos napansin kong may harang na unan sa gitna ng kama.
“What is that for?” Inilagay ko ang isang kamay ko sa bulsa ng pants at itinuro 'yong unan na nakaharang.
Lumingon siya sa aki n at iniabot 'yong isa pang tasa ng kape. “Baka lang hindi ka sanay na may katabi.”
“No, okay lang.” Sumimsim rin ako. The coffee tastes nice!
Inalis niya ang mga iyon at tinapik 'yong kama. “Sige.”
Inilapag ko 'yong tasa sa bed side table tapos lumapit na ako sa kabilang side ng kama't don humiga. May espasyo pa rin kami sa isa't-isa kasi nga'y medyo malaki itong bed niya na may black na bedsheet.
“Goodnight, my lady.” sabi niya bago pindutin ang isang remote, konektado pala ang mga iyon sa lights kaya namatay ang lahat ng ilaw. Pwera nalang sa lampshades sa magkabilang sides nitong kama.
“Goodnight... my man.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top