Chapter 10

Mabait si Mama kay Mark at madali silang nagkasundo na dalawa. He is a really smooth talker and he knows how to use his charisma.

Kaya nga sinagot ko na rin siya noong Friday nang gabi na 'yon, magdadalawang araw na kaming mag-on.

     “Where's Clarisse?” tanong ni Sam, narito kami ngayon sa cafeteria dahil katatapos lang ng klase namin sa isang subject.

"Idk, kanina ko pa nga hindi nakikita.” Sumubo si Lovie ng fries at inilibot ang mga mata niya sa paligid.

    “Clarisse! Andyan ka pala!” ani naman ni Margaux.

Napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. And then I saw Clarisse, she looks pale tapos ang itim ng ilalim ng mga mata niya. She looks like she haven't slept for days. Parang namayat din siya, palapit na sana siya sa amin but nag-collapse siya!

"OMG!" tili ni Lovie.

Tumayo agad kami nu'n para puntahan si Clarisse pero may nauna na sa amin. Si Mark.

   "Clarisse." Hinawakan niya ang mukha ni to pero nakapikit lang ito at parang lantang gulay kaya binuhat niya nalang ito. Dali-dali siyang nanakbo papunta sa direksyon kung nasaan ang infirmary.

My feet was stucked, I couldn't move from where I was standing. Naiinis ako sa sarili ko. Why do I have this bitterness in my heart? Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Tara!" Hinila ako nila Lovie para sumunod roon kila Mark. Sobrang nag-aalala na rin ang pinsan niyang si Margaux kaya nagmamadali na sila.

Nang makarating kami roon ay halos mag-collapse na rin ako, para akong tinakasan ng lakas. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Lovie habang pinanonood sila Mark at Clarisse dito sa may entrada ng infirmary.

Hawak ni Mark ang kamay ng nakapikit na si Clarisse, pagkatapos ay hinahalik-halikan pa niya ang likod noon. Bakas sa mukha niya ang  labis na pag-aalala. Ni hindi nga niya napansin na naroon kami.

Hindi ko kinaya ang bigat ng nararamdaman ko so I walked away from the infirmary. Umupo ako sa isang baitang ng hagdan at doon nag-isip.

Hindi naman ako nalulungkot, hindi rin ako naiiyak pero sobrang pait nitong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Wala akong magawa kundi ang mapatulala nalang sa hangin.

Alam ko naman na magkaibigan sila ni Clarisse. Isa pa, ako ang girlfriend niya. Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng oras at panahon para sa akin kung hindi ako ng gusto niya.

Pero kasi, nagseselos  pa rin ako. Maganda si Clarisse at kumportable siyang kasama, palagi siyang nakangiti at palakaibigan. I'm far from her.

   “How are you?" Tumabi sa akin si Nathaniel.

“What do you need from me?"

Ngumisi siya at hinawakan ako sa pala pulsuhan, hindi niya rin sinagot 'yong kaisa-isa kong tanong. Hinila niya lang ako papunta sa elevator at pinindot niya roon ang button ng roof top.

    “Why did you bring me here?” Inalis ko ang kapit niya sa akin at hinilot ang sarili kong pulso.

“May sasabihin lang ako sa ‘yo.”

Inis kong inirapan si Nathaniel, hindi naman niya nakita iyon dahil nakatalikod siya sa akin at papunta siya doon sa railings. “Dapat sinabi mo na kanina doon. Why do you have to bring me here?”

   "Mahal kita! Mahal pa rin kita at ang gago ko kasi pinakawalan pa kita!"

Yes, gago ka talaga! Cheater!

“Yan lang ba sasabihin mo? Babalik na ako sa baba.”

    “Miracle, lasing lang ako noong gabing 'yon. Napagtripan lang kami nila Xian noong babae–“

“You're still a cheater kahit pagbali-baliktarin pa natin ang mundo. And you know me, I hate cheaters.” I fucking hate men who are like my father. Mga hindi marunong makuntento sa isa!

  “Then why are you dating that playboy?” Humarap siya sa akin at bahagyang lumakad papalapit.

“He is not like you.”

   “Mira, mahal mo na ba talaga siya?"

I licked my lips then nodded my head.

   “Gusto kong sabihin mo sa akin, sabihin mo nang nakatingin sa mga mata ko.”

Bigla akong kinabahan sa titig niya kaya nauutal-utal akong sumagot. "Oo at k-kung iniisip mo na hindi pa kita nakakalimutan ay nagkakamali ka.”

  "Ganu'n ba?" Muling tanong niya habang nakatitig parin sa mga mata ko.

"Oo, bakit ba?"

Hinawakan niya ang mag-kabila kong balikat at hinarap niya ako sa kanya, “Sasaktan ka lang niya, Mira. Nandito ako, ako nalang ang piliin mo.”

Inalis ko ang kamay niya, “Ikaw ang piliin ko? Naririnig mo ba ang sarili mo Nathaniel? E 'di ba sinaktan mo na rin ako? Niloko mo pa nga ako, you fucked another girl while you were dating me.”

  "Nagsisisi na ako doon, Mira. Kailan mo ba ako patatawarin ha?"

Ano ba itong mga pinagsasabi niya?

      "I-I can be your Friend, Mira."

"Thank you, but no, I don't need a friend like you."

   "Crishelle!"

Napalingon kaming pareho sa pinanggalingan ng boses and then I saw Mark. Dali-dali siyang lumapit sa amin at sinapak si Nathan dahilan para mapahiga ito sa semento. Napatili pa nga ako at napapikit dahil sa gulat.

   "'Wag ka na ulit lalapit kay Miracle, kun'di mas malala pa diyan ang gagawin ko sa'yo."

"Itigil mo na 'to Mark, kausapin nalang natin ang buong SZZ!" saad ni Nathan habang sapo ang dumudugo niyang labi.

Tumayo siya at akmang lalapit ulit sa amin, 'di yata siya magpapatinag sa banta ni Mark.

    “Huwag kang mangingialam dito Nathan!" Nagpupuyos na sa galit si Mark at parang handa na itong manakit ulit sa oras na lumapit pa sa amin si Nathaniel.

Dinala ako ni Mark pabalik sa loob ng elevator at gigil niyang pinindot 'yung button ng ground floor. Nag-iigting pa rin ang mga panga niya at salubong ang kaniyang mga kilay.

Galit na galit siya kaya naman hindi na ako sumubok pang magtanong kung anong pinagtatalunan nilang dalawa doon sa roof top.

   Anong bang ititigil? Bakit nila kakausapin ang buong SZZ?

Marahas niya akong hinila palabas sa elevator nang marating na namin ang ground floor. “Ouch, be gentle!”

“I'm sorry.”

        “Bakit ba kasi galit na galit ka? You even punched him in the face–”

“Ayokong makikipag-usap ka pa sa Nathan na 'yon.”

Bakit naman niya ako pagbabawalan na kausapin si Nathan? Sila ba ni Clarisse pinagbawalan ko? “You don't have the right to decide kung sino ang gusto kong kausapin.”

    “Boyfriend mo ako at ex mo si Nathan.”

“And so? Kayo ba ni Clarisse pinipigilan kong maglandian sa harapan ko?”

Natigilan si Mark at nagbukas-sara ang bibig bago siya makapagsalita ng diretso. “Magkaibigan lang kami ni Clarisse.”

   Friends? Pero kung makahalik siya sa kamay ni Clarisse kanina'y parang wala siyang girlfriend. Kung makapag-alala siya kanina... “M-Magkaibigan lang rin kami ni Nathan.”

Of course I don't mean that. I don't want to be friends with that cheater, sinabi ko lang iyon dahil ayaw kong magpatalo kay Mark. Tinalikuran ko siya at naglakad palayo, narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya bago siya sumunod sa akin.

     “I'm sorry, Crishelle.”

Hindi ako sumagot, patuloy lang ako sa paglalakad kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. I just don't want to talk to him yet.

  “Ano bang sinabi ni Nathan sa‘yo?”

I didn't answer, mainly because I don't like talking to someone when I am mad. Kasi alam kong kung anu-ano naman ang mga masasabi kong salita, kaya I choose to stay quiet, gaya nalang rin ng turo sa akin ni Mama.

  “Miracle, kung ano man ang sinabi niya sa'yo–”

I heave a sigh, “He told me that he still loves me.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top