Chapter 1

   “Mag break na tayo.” Ilang beses ko na nga bang sinabi ang linyang 'to? I don't know anymore.

Ewan ko ba? Hindi naman ako malandi pero marami na akong naging ex.


“May nagawa ba akong mali?” Hinawakan niya ang kanang kamay ko. He tried to kneel infront of me but I pulled him up.

     “Tumayo ka nga diyan! Lee kasi, ay Leo pala.” Fuck! Ngayon ko pa talaga nakalimutan ang idadahilan ko. Nagpractice pa naman ako kagabi sa harap ng salamin. Sayang naman 'yon?


   “Leo, sorry talaga.” Pinagmukha kong nalulungkot ang sarili ko at nag-iwas pa rin ng tingin. Medyo naiilang kasi ako ngayon dahil tinititigan niya ako ng maigi habang hinihintay ang paliwanag ko.

  “May iba kasi...” I looked around trying to think of some made up some excuses.

      “Anong iba?”

Pumadyak ako ng mahina sa lupa. “May iba akong nagugustuhan.”

“At sino naman 'yon?”

    “I'm so sorry Leo! Mahahanap mo rin ang tamang tao para sa ‘yo.” Tinapik ko ang balikat niya at tsaka siya tinalikuran.

     “SZZ will hear about this.”

Natigilan ako sa banta niya at agad na pumihit paharap. Nakalimutan kong miyembro nga pala ang isang ito noong Silent Zone Zero.

     Mukhang mase-zero ako ah?

“Uhm...” Nagtayuan ang mga balahibo ko kaya mas naramdaman ko ang lamig ng gabi.

Ngumiti ako sa kaniya at ipinilig ang ulo sa gilid. Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan dito sa field ng eskwelahan. Tanging mga kuliglig lang naririnig rito sa ilalim ng puno ng mangga.

   “Ano? Makikipaghiwalay ka pa ba sa akin?” Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

    This guy is blackmailing me! Sino ba siya sa tingin niya? Akala niya yata, porke kasali si sa basurang grupo na Silent Zone Zero na 'yon matatakot na ako sa kaniya.

“'Di na magbabago ang desisyon ko.”

     “I warned you.” Ngumisi siya.

Ngumisi rin ako at tinaasan siya ng kilay, “E 'di thank you sa pa warning mo. Gusto mo gawin ko pang reminder 'yan sa phone ko eh?”

     “Sino ba 'yang pinagmamalaki mo at ganiyan ka katapang?” nanggigigil na tanong niya.

  “'Yung vocalist na gwapo ng magaling na banda nyo? Si Mark Daniel Reyes yata 'yon.”

Gusto kong masuka sa pagpuri sa banda nila.

    “Ano?!” Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Leo at lumabas ang ugat sa leeg. Parang gusto niyang manakit pero hindi niya magawa.

Subukan niya lang saktan ako ngayon!

Dahil sa frustrasyon ay wala na siya nagawa kun'di tigilan nalang ako, umalis siya habang nagpupuyos pa sa galit. That was close though! Thank God, I'm so smart at nakaisip agad ako ng reason.

Bumuga ako ng hangin at humawak sa dibdib upang mailabas ang kaunting kaba na naramdaman ko.

I'm too pretty to be stressed!

Kinabukasan ay ngiting-ngiti akong pumasok sa school, wala na kasi akong pinoproblema dahil naitaboy ko nang maayos si Leo. I was walking to the hallway confidently when I heard something that made me frown.

“Siya ba 'yan?”

     “Siya nga yata 'yan!”

Tuloy parin ako sa paglalakad pero nakatuon ang pandinig ko sa kanila. Ako ba ang tinutukoy ng mga 'to? Ano na namang ginawa ko sa kanila na hindi ko alam?!

“Maganda naman pala.”

     “Siya 'yong girlfriend?”

“Oo nga daw...”

       “Ba't ang bilis naman? Ang alam ko kahapon lang rin naging si Beverly at Mark 'di ba?–”

   “Uhm... Hi! Excuse me?” May dalawang estudyante na humarang sa harapan ko.

'Yung isa sa kanila ay may salamin na makapal at ang isa naman ay kulot ang buhok na malaki ang front teeth.

     Ngumiti ako ng pilit. “Yes?”

“Are you Chrishelle Miracle Alvarez?”

    Kung gano'n ako nga ang pinag-uusapan ng mga estudyanteng nadaraanan ko kanina pa. “Yes.”

   “Ah, thank you!” Umalis kaagad 'yong dalawa habang nagbubulungan. Narinig ko rin sa kanila 'yong mahiwagang phrase na, "Siya pala talaga.”

Umiling ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad. I wonder what is that all about... baka naman may pinakalat nang kung ano 'yong si Leo tungkol sa akin? Ang gagong 'yon talaga... Masasampal ko siya kapag nagkita ulit kami.

  “Hey.” Bati nitong isang lalaki at umakbay pa sa akin.

Hinila niya ako sa may sulok palayo sa view ng ibang mga estudyante. Itinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag.


    “Excuse me?!” I hissed.

Ngumisi pa siya ng nakakaloko. I looked at him from head to toe, and I noticed that he looked fucking familiar but hanggang don lang 'yon. Hindi ko siya makilala o malala!

"Kumusta?" tanong pa niya.

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. “Sino ka? Magkakilala ba tayo?”

    "Nakalimutan mo na kaagad ang boyfriend mo? Ako 'to, oh?"

Sandali lang, boyfriend daw? Wala naman akong boyfriend – fuck!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ulo at batok nang mapagtanto ko kung sino siya. Hindi ko kaagad nakilala kasi ngayon lang naman kami naging ganito kalapit sa isa't-isa! He is Mark Daniel!

   “Wala akong pakialam sa ‘yo," asik ko at nilagpasan siya. Kunwari nalang ay hindi ko pa rin siya nakilala, tsaka hindi naman talaga kami magkakilala!


   “Not so fast, baby girl.” Makakalayo na sana ako kasi bigla niyang hinawakan niya ang braso ko at ipinaharap ulit sa kaniya.

“I'm not your babygirl, dumb ass.”

He chuckled then tilted his head so his eyes appeared under his shades. I swallowed hard while looking straight into his jet black eyes.

    “Parang kagabi lang, sinabi mong nagugustuhan mo ako, ah?”


“A-Anong sinasabi mo diyan?” Nandoon ba siya? Wala naman siya doon ah?

      “Limot mo na?” he chuckled.

Napalunok ulit ako pero pinili ko pa rin na magtapang-tapangan, humalukipkip ulit ako at tinaasan siya ng kilay.

“You don't have proof.”

   “Meron.”

Ibinaba niya 'yong shades niya nang tuluyan. Dahil doon ay nakita ko ang literal na black eye niya sa kanang mata. Kulay ube na iyon at namamaga pa.

Itinuro niya 'yon, “Ito ang pruweba ko.”

“Iyan ba?” I tried hard not to laugh, but I couldn't.

  “Ngayon tinatawanan mo ako? Miss, kasalanan mo 'to.” He looked really pissed.

“Uh, yeah? Hindi naman ako ang sumapak sa ‘yo, ba't ako ang sinisisi mo?”

Natawa ulit ako kaya lalong nalukot ang ekpresyon ng mukha niyang may bangas. Nai-imagine ko kasi siyang kumakanta sa stage na may ganitong hitsura.

   “Huwag mo akong tawanan kasi kasalanan mo 'to.”

“Stop fucking blaming me!”

     “Nasapak ako sa mukha dahil sa ‘yo. Iniwan pa ako ng girlfriend ko dahil rin sa ‘yo.”

“E, ni hindi nga kita kilala!” I exclaimed.

      “Hindi 'yan ang sinabi mo kagabi sa kagrupo ko. Bakit nagpapaka-inosente ka na parang wala kang ginawa?”

Hindi ko gaanong pinagtuunan ng pansin ang mga ginawa niyang panunumbat, humikab lang ako at tumingin sa wrist watch ko. “Tapos ka na ba?”

   “Tang–”

Mukhang namumula na siya sa galit. “Bye-bye na, Mister Black eye, may klase pa kasi ako. Ayaw ko pa namang nalelate.”

I flipped my hair then left him there, his mouth wide open. Narinig kong nagdatingan ang mga kabanda niya at kinantyawan siya. Napangiti tuloy ako lalo.

Alam kong kasalanan ko pero bakit ang satisyfing pa rin na makitang ganoon ang itsura ng mayabang na iyon. Subukan kaya ng banda nilang tumugtog ng may black eye sila lahat? Concept lang.


Noong uwian na my plastic friends are swarming around me. They are constantly asking about my 'relationship' with that stupid vocalist.

   “Nagdedate na talaga kayo?”

“Paano mo ginawa?" one of them asked.

Anong paano ko ginawa? Is it that hard na magpapansin sa lalaking 'yon? Baka nga kahit anong bagay lagayan lang ng palda'y papatulan na niya.

“It's not that hard,” simpleng sagot ko.

   “I mean, type daw kasi talaga noon malalaki ang boobs or butts.” She looked down to my chest. “'Yang iyo.”

Aba, bastos ang isang ito.

I rolled my eyes, “Well.”

Biglang may humablot na  naman sa akin palayo sa table naming magkakaibigan. Dinala na naman sa may sulok na hindi gaanong kita ng ibang estudyante.

    “Tuwang-tuwa ka talaga sa ginagawa mo 'no?”

“What are you talking about?” balik na tanong ko.

He was trying his best not to shout and it's obvious. “Bakit mo ba ginagawa 'to?”

    “I'm just having fun! Ano bang masama do'n?”

He scoffed, “Having fun? Kung anu-anong kuwento ang iniimbento mo. 'Yan ba talaga ang paraan mo para magsaya?”

“Maybe, what do you think?”

       “Seryoso ako, Miss.”

I did not pay attention. Tinitigan ko ang mga kuko at humikab. “Okay, puwede na akong umalis?”

    “Kung tungkol 'to sa paghihiganti mo kay Nathan, huwag mo na akong idamay pa.”

I frowned. “Fuck you!”

Awtomatikong kumulo ang dugo ko dahil sa pangalang binanggit niya. I pushed him hard as I can, then punched his shoulder. How dare he accuse me of something na ganoon kababa? Wala na akong pakialam do'n!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top