CHAPTER 9
Executive Assistant
Paglabas na paglabas ko ng main door ay bumungad sa akin ang diretsong pathway na may mga halaman at green field sa magkabilang side ng pathway. I could say that his house is really really pretty. Gusto ko na lang tuloy mag stay dito pero NO! Kailangan ko siyang matakasan dahil hindi ko pa napagpa-planuhan kung papaano ko siya babayaran sa ginawa ko sa Exelero niya
Nang makarating ako sa gate akala ko makakalabas na ako pero hanggang akala lang pala ang lahat. Grabe siya! Kailangan daw ilagay yung pass code. E di siya na. siya na talaga! Sana all de – passcode ang gate
Hingal at bagsak ang balikat akong tumalikod sa gate at nakitang naglalakad siya habang nakapamulsa papalapit sa akin pero this time naka suot na ang shirt sa kanya. Sayang!
“I told you I won’t let you ran away from me this time”
“Happy ka na?” I rolled my eyes to him at kumuha ng panyo sa bulsa ng bag ko
“I’ll be happier if you’re going to pay me” Luh?! I’ll admit I’m really Young, Dumb; like super dumb sis, and Broke. I guess I’ll be more broke kapag ipagpapabayad niya pa ako ng cash. Omygosh! Saan na lang ako pupulutin?
“Uhm you see, I don’t know what you are talking about” sige push mo pa talaga Klerah! Feeling may amnesia pa more
“Oh stop fooling around Klerah Alessia” nanlaki ang mga mata ko nang mabanggit niya ang pangalan ko
“How did you know my name? ewww stalker” he chuckled and walked closer to me. Yan nanaman siya sa paglapit lapit e.
Pag usap. Usap lang walang biglang lapit
“Do you think I won’t know that it’s you who made my car a fucking art pad? Think again Alessia. I have my connections” sana all may connections. But what did he call me? Alessia? Close tayo sis?
“Okay sabi mo e. but, can we talked about it next time? May pasok pa kasi ako. You see, I need to earn money so I can pay you just like what you wanted” ibinaba ko naman ang kamay ko na nakapameywang habang kausap siya. Bastos ka talaga Klerah!
He crossed his arms as he stood firmly. Oh look at those defined arm muscles!
“You won’t go anywhere. You’ll be staying here until you’re done paying me” ay gago ba ‘to? Paano ko siya mababayaran kung nandito lang ako? Ano ‘to kikita ako sa pagtambay ko dito? Kung ganon….. magiging certified tambay na lang ako dito for life!
“You know what? Ang gulo mo. Paano ako kikita dito mars ha?”
“I didn’t say that you’ll pay me cash, Alessia. You’ll be my executive assistant” sabi niya habang tamad na nakatingin sa akin
“Tsk ‘di mo kasi nililinaw e. linawin mo next time oki? Executive Assistant lang pala, sus! Maliit na bagay” kinumpas ko pa yung kamay ko na parang pinapalo yung hangin
My eyes widened again when I realized what I just said at nakita ko nanaman ang pag smirk niya bago tumalikod at nag simulang maglakad pabalik
“Wait lang! mali ako ng nasa–”
“We’ll talk about it inside” ay cold treatment siya oh! wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Paano na ako ngayon? Kung mag tatrabaho ako sa kanya for sure wala akong kikitain dahil hindi naman niya ako su-swelduhan. Siya lang at ang mahabagin niyang katawan ang tanging makikita ko pag nag stay ako dito sa bahay niya!
Huminga muna ako ng malalim bago tumuloy sa pagpasok sa bahay niya
Sinundan ko naman siya na pumunta sa right side ng bahay niya kung saan naroon ang living room. Umupo siya sa single couch at ako naman umupo sa sofa bed na nasa right side niya. Naka de kwatro siyang upo habang naka cross arms pa habang ako nag aantay ng maihahatol niya sa akin
“As what I’ve said, you’ll be my Executive Assistant. You will be with me whenever there’s a meeting and events I needed to attend. Sasama ka rin sa akin everytime I’ll go abroad or just somewhere here in the country”
“What?! Paano naman yung work ko? tsaka kung sasama lang ako palagi sayo saan naman ako kukuha ng pera ko aber? Hindi mo naman ako babayaran tsk. That’s against the labor code! Baka mamaya abusadong amo ka!” tinuro turo ko pa siya, agad ko rin naming binaba shocks! Nakakahiya talaga ako tsaka kung dito ako titira paano ko naman sasabihin kanila Averill?
“You’ll get paid alright. Besides, I can pull some strings baby you don’t have to worry” he said as he smirk at me showing his dimple. Di mo ‘ko madadaan dyan sa dimple mo!
“Can you stop calling me baby or even Alessia? Nanggigigil ako sayo e. baka madagdagan babayaran ko sayo. Tsaka bakit I’ll get paid when I’m the one who supposed to pay you?”
“You can do whatever you want but I’m reminding you, I’ll tighten my grip on you in every trouble you’ll make” scary naman oooh nangangatog ako sa sobrang scary
“You’ll get paid by being my Executive assistant. I’ll tell you next time how are you going to pay me and oh, I can call you whatever I want” uh-oh wala naman siguro siyang gagawin na masama diba? Diba?! I rolled my eyes to him as I remembered the question playing in my head
“Anyway, how did I end up here?”
“Tsk ano ka may hang over?” may pa iling iling pa siya
“Duh! I just remember the part where I passed out. Why didn’t you take me home? May mga ID naman ako sa bag para malaman mo ang address ko. tsk, you took advantage on my situation! And who changed my clothes?”
“Yeah, I take you home. I take you to my home. You’re sick Alessia, I have you checked by my sister siya rin ang nag bihis sayo.” tumango tango naman ako kahit na hindi niya ako inuwi sa amin
“Hanggang kalian pala ako mag ta-trabaho sayo?” He just shrugged his shoulder at tumayo para pumunta sa kitchen
I really need to go home. Pero ano naman ang sasabihin ko sa kanila kapag sinabi kong sa iba ako titira at hindi muna ako papasok?
I guess I have to tell them the truth. Hay nakakaloka! Ano ba naman kasi ‘tong pinasok ko e
I walked to his kitchen at nakita ko siyang pinapainit ang mga ulam. I sit to the high chair at pumangalumbaba sa lamesa habang nakatingin sa likod niya
“Baka mamaya magpupunta dito yung babae mo ah. Awayin pa ako” he looked at me at itinaas ang isang kilay niya
“Wala akong babae” joke ‘yon?
“Sus! I won’t judge nakita na nga kitang nakikipag ano e” shit! Napatakip naman ako ng bibig dahil sa sinabi ko
Humarap siya sa akin at may hawak pang sandok
“Still can’t forget that huh? Why? Did I amazed you that much?” nalukot naman ang mukha ko sa mga tanong niya. Isang malaking EWWW!
“N-no! Of course not!” Iniiwas ko naman ang tingin ko sakanya at tumingin sa gilid ko kung saan naroon may sliding door papunta sa pool area.
"Really huh?” He playfully asked me as he put the foods in front of me
“Eat your lunch”
“Kumain ka na?” tinignan niya ako ng may pagtataka
“Why?”
“Wala lang tinanong ko lang. Hoy walang lason ‘to ah?” I actually asked him dahil hindi na ako sanay na walang kasabay kumain ngayon. Parang ang lungkot kasi pag mag isang kumakain
I started eating the foods he prepared nang mapansin kong umupo siya sa tapat ko at may nag lalagay ng pagkain sa plato niya
“Ayaw pang sabihin na gusto mo lang akong kasabay kumain e” ay tibay ng loob ang puhunan
“Duh sanay akong kumain mag isa no wag kang malakas ang loob masyado dyan”
He stared at me and chuckled
“Liar. Why do you have to lie all the time?” Aray naman! Di ako nakailag don
“Paano mo naman nasabi na nagsisinungaling ako?”
“You’re not good at it Alessia”
“Tsk. Anyway, why do I have to stay here? Hindi na kita tatakasan promise!” tinaas ko pa ang right hand ko para mas kapani paniwala
“I’m having my own way of making sure na hindi ka makakatakas Alessia and there are instances that I have to attend an urgent meeting. Mas madali kitang masasabihan if you’re here”
“Duh! May phone calls and texts naman may messenger din”
“That won’t do. What if I needed you in the middle of the night?”
“At b-bakit mo naman ako kakailanganin in the m-middle of the night? Ha? U-umamin ka! May binabalak ka no?” napatigil na talaga ako sa pagkain at itinutok ko pa sa kanya yung tinidor
“Hmmm” and he just shrugged his shoulder as he continue eating. Hmmm? Yun lang? yun lang yung isasagot mo sakin? Automatic naman akong napatayo
“Sit down woman and finish your food. You’re not my type tho” ay pasmado bunganga. Umupo naman ako ulit at nagsimula nang kumain pero kinakabahan pa rin talaga ako
“I don’t care. You’re not my type din naman. Quits lang tayo”
Nang matapos siyang kumain tumayo siya at kinapa bigla ang noo at leeg ko
“How could you run that fast a while ago and talked to me as if you’re not sick? Drink your medicine after you eat. I’ll be in the living room” nakita ko naman na nilapag niya yung gamot sa tabi ng baso ko at naglakad na papaalis
What was that? Ba’t parang may mali? Bumait siya?
Kinapa ko naman ang sarili ko at shet may lagnat nga pala ako pero buti na lang ay hindi na kasing lala kaninang madaling araw
Ininom ko yung gamot at hinugasan yung mga pinagkainan namin
Naglakad ako papuntang living room habang iniikot ang paningin sa buong bahay. Is he living here all alone?
Sad naman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top