CHAPTER 8
Baby
Days and months passed so fast again. Hindi ko na rin masyadong naiisip yung katangahan na nagawa ko last three months sa parking lot ng Hospital. Hindi na rin ako ang sumasama kay Eloah sa mga check-ups niya dahil nagbago ang schedule ng pasok ko. I’m so thankful ng nagbago ang pasok ko at napunta ako sa night shift pati ang araw ng day off ko nag bago na rin.
Kinuha ko ang payong ko at nag paalam na kay Eloah and Averill. Mamaya maya lang ay uuwi na si Ailey, siya kasi ang na-assign sa time slot na eight am to five pm while si Averill four am to one pm ang time slot tapos ako ito five pm to two am.
Eloah is on leave since she’s six months preggy now and she’ll be having a baby boy!
Tsk. Screw you Enzo! We decided not to take any news about Enzo dahil bawal ang bad vibes sa buntis kaya naman hinayaan na rin namin at nag focus na lang sa pregnancy niya
Hinawakan kong maigi ang payong ko dahil malakas lakas ang hangin baka tangayin pa. Third week of January naman na pero may humabol pa na bagyo at kanina ko pa rin talaga nararamdaman na ang bigat ng pakiramdam ko, nalala ko na naulanan nga pala ako kaninang madaling araw nung pauwi na.
Pagkarating ko sa Hotel ay dumiretso ako agad sa locker room. Nag hanap ako ng gamot sa bag ko pero wala na pala akong stock ng gamot para sa lagnat puro na lang ito sa tiyan. Uminom na lang muna ako ng tubig, bibili na lang ako mamaya bago umuwi
“Good Evening maam, sir!” I greeted the familiar old couple. They are usually here whenever there’s a business events happening here kaya naman kilala ko na sila
“Good evening to you too young lady” I smiled sweetly to her. She reminds me of my grandmother; oh I miss her!
I saw the owner of this hotel siguro ay malaking event nanaman ang ginaganap ngayon. Busy-ng busy lahat ng employees at almost occupied na lahat ng rooms ngayon. Nangangalay na rin ang paa ko katatayo maging ang panga ko sawang sawa na sa pag ngiti at pag greet tapos yung iba tatarayan ka pa. oki ka lang cyst? Atichona talaga yung ibang guest pero smile lang!
“Good evening!”
“Good Evening, two Presidential Suite please”
“Let me check first, sir” I checked if there’s still available room dahil sa pagkatatanda ko occupied na halos lahat ng Presidential at Penthouse
“Sorry sir but all of our Presidential and Penthouse Suites are already occupied. But, there are still available rooms in Regular Suite sir”
He looked at the girl he’s with and the girl just rolled her eyes on him tapos umirap din sakin. Bakit parang kasalanan ko? I smiled at her para mas maasar siya lalo. Joke lang
“We’ll take one Regular Suite miss” she said with finality
Binilisan ko naman ang pag process para maibigay ko na ang room card nila. Mukhang galit talaga si ate girl kay kuya. LQ yata
“Bye Klerah!”
“Bye Riv ingat!” si Riv ang kasama ko front desk at naging close na rin kami
Sobrang nakakapagod ngayon dahil inabot ng anong oras ang events sa hotel at ang daming guests. Hindi pa man lang kami makapuslit ng upo dahil sa sunod sunod na dumarating ang mga tao at dumidiretso sa amin
Dumaan muna ako sa isang drug store para bumili ng gamot pagkatapos ay nakita ko naman na open ang isang convenience store kaya pumunta rin ako. Naalala ko na nagpapabili pala si Eloah ng chocolates at ice cream.
Pagkakuha ko ng ice cream umikot ako dahil alam ko na nasa likod ko ang rack ng mga chocolate kaso napahawak ako bigla sa katabi ko nang mahilo ako sa ginawang pag ikot.
“Sorry” hindi ko na nagawang tumingin sa kanya dahil ang tangkad niya at alam kong mahihilo lang ako lalo pag tumingala pa ako sa kanya
“In which thing you did are you saying sorry for?” I heard that voice before! nakanganga naman akong napipilitan na tumingala para matignan siya
Naisara ko ang bibig ko at marahas na napalunok ng laway na naging sanhi pa ng pagkaka bilaok ko
“Hmmm? Is it for accidentally holding me? For the first meeting we had? Or for what you did to my car?” inemphasize pa niya yung ‘my car’
Mierda! Mierda! Mierda!
Think Klerah think! What should I say? Should I act like I don’t know him at all and I’m not the one who did that to his car?
“Uhm what are you talking about? Do I know you?” He laughed humorously
“Oh baby, really? You don’t know me?” Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya.
BABY?!
“Tabi nga di naman kita kilala” sige Klerah push mo pa
“Hmm, I’m your boyfriend. Don’t you remember the moments we shared together? You, staying in my house and every night, our steamy–” anong pinag sasabi nito?
“I don’t have a boyfriend! Kadiri ‘to! Sabihin mo marami ka lang talagang binabahay. Kung tactics mo ‘to tigil tigilan mo ‘ko baka majombagan kita”
tumalikod na ako sa kanya para makapag bayad at makauwi dahil nararamdaman ko na yung sobrang pagkahilo at pang hihina. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nalalakasan ang boses sa pakikipag usap sa kanya and besides, kailangan ko siyang matakasan!
How did he know that it was me who did that to his car?
It’s been three months!
“I won’t buy that amnesia acting of yours. I had given you enough time and now, you won’t escape baby. I won’t let you”
Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso na lang sa counter para mag bayad. I sighed in relief nang makita ko siyang lumabas ng convenience store. Baby siya ng baby e kung gusto niya ng baby gumawa siya! Kung sino sino tinatawag na baby e
Dali dali kong kinuha ang mga napamili ko at nang palabas na ako ay may biglang naka bunggo sa akin ng malakas dahil nag mamadali siyang makapasok para hindi mabasa ng biglang buhos ng ulan
Narinig ko pa siyang nag sorry pero tumuloy na lang akong naglakad kahit na nagdidilim na ang paningin ko at parang anytime soon ay mag pa-pass out na ako
Naikunot ko ang noo ko habang nakapikit pa dahil naalala ko yung panaginip ko na nakita ko daw yung lalaki…. Yung lalaki na nasa bar noon at yung may ari ng sasakyan na pinaint-an ko
Ibinaon ko ang ulo ko sa unan at napatigil ako sa ginagawa nang marealize na hindi ganito ang amoy ng kwarto ko, mas lalo ng unan ko!
Dumilat ako at iniikot ang mata sa buong kwarto. Maganda ito at minimal lang ang interior. I was amazed by the color combinations ang mahal siguro ng binayad dito grabe yung mga furnitures e
Wait!
Where am I?
Pinipilit kong maalala yung nangyari nung pauwi na ako.
Pumunta akong drug store tapos dumaan ako sa convenience store
Tapos….
Tapos nakita at nakausap ko yung…..
Oh shit?
Hindi yun panaginip?!
Napasabunot naman ako sa sarili ko nang mapansin ko na naka suot ako ng sweater. Sweater? Wala naman akong dalang sweater kahapon e. tinignan ko ang buong suot ko at naka pajama din ako. Pambabae naman yung pajama pero itong sweater? I don’t think so, masyado ‘tong malaki tsaka amoy lalaki ‘to.
Pero sino ang nag palit sa akin? Ugh!
Tumayo ako at kinuha ang pouch ko sa bag dahil may hygiene kit ako doon. Dumiretso naman ako sa nakita kong restroom sa loob nitong kwarto at inayos ang sarili.
Pagkatapos ay tinignan ko ang closet na may mga damit na pang babae. Kung siya ang nagdala sa akin dito….. Omygosh! Baka sa mga binabahay niyang babae ‘tong mga ‘to!
Naalala ko na palagi akong may extrang mga damit sa bag ko kaya naman naligo na ako sa restroom at mapalitan yung suot kong damit.
I wore a simple plain grey shirt at black pants buti na lang din at palagi akong may extra sneakers sa bag kaya pagkatapos kong maligo inayos ko na ang mga gamit ko. Nakita ko naman ang uniform ko sa couch kaya kinuha ko na rin at isiniksik sa bag
I checked my phone at shocks! Ala – una na ng hapon? May pasok pa ako mamaya!
Nakita ko naman ang texts at missed calls nila Averill
I messaged them saying that I am fine
Averill called me as soon as she received my message
“Where are you Klerah Alessia?”
“Just somewhere sis. I’m staying at one of my cousin’s place. You don’t have to worry. I am really fine kagigising ko lang kasi kaya hindi ko kayo kaagad nareplyan”
“Why didn’t you inform us ahead of time Klerah? We’re worried sick!”
“I’m sorry sis. I’ll talk to you later okay? Bye!”
Ugh! Cousin my ass!
Binibit ko yung bag ko at lumabas na ng kwarto. Laking pasalamat ko ng walang tao pag bukas ko ng pinto at nang makababa ako ng hagdan
What the heck?!
This place is so superb! I guess the designer really got the skills. The whole house is so cozy kahit na black, white and grey ang mga angat na kulay
Umikot ang paningin ko sa buong bahay. Napako ang tingin ko sa balcony sa right side dahil bukod sa magandang view ng paligid ay nandoon siya….
Si Mr. Assuming! Siya yung nasa bar eight months ago at yung may ari ng eight million dollars – worth na Exelero. Lecheng eight yan! Akala ko ba lucky number ang eight? Sabi sakin feng shui swerte number eight akin. Anyare ngayon?
SCAM!
Tinignan ko siya na naka pamulsa sa black drawstring short niya at may nakasabit naman na grey shirt sa balikat niya kaya in short topless siya. Ang t shirt sinusuot hindi sinasampay sa balikat.
Gusto lang ibalandra yung maganda niyang katawan. Well, I could say that he’s really sexy lalo na yung broad shoulders niya tapos yung muscled arms niya na bagay talaga sa katawan niya tapos dagdag mo pa yung veins, ha! Mapang akit! Tapos yung waist niya parang gusto kong ipulupot yung arms ko don. I bet he have that nice abs din. Nakatalikod kasi e,sige nga harap nga nang makilatis natin yan
Wait! What am I talking about?
Nagdahan dahan ako sa paglalakad papunta sa pinto para hindi niya ako mapansin
“Where are you going?” Ay napansin nga! I stilled as I heard his deep voice
Bakit ka humarap? Ngayon pa? kung kalian tatakasan kita
“Dyan lang sa tabi tabi kung saan wala ka” tumakbo na ako palabas pagkatapos na pagkatapos ko siyang sagutin. Shit naman bakit parang ang layo ng gate? O baka dahil maiksi lang ang bias ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top