CHAPTER 3
Bonding
“Yow party pipooooool!” I screamed as I opened the door of our house
Tinignan naman ako ni Eloah nang naka kunot ang noo dahil naistorbo sa panonood ng movie habang si Ailey naman ay nakabusangot dahil nagising sa sigaw ko na tulog pala sa sofa. Sarreh not sarreh
My brother helped me to put my luggages inside my room at pagkatapos namin mag usap sandali together with our parents sumibat na sila.
“Mga vakla gusto niyo ba mag bakasyon?” tanong ni Eloah habang nakahiga sa carpeted floor at nag p-phone na. Parang kanina lang nanonood pa ‘to ah?
Kung maka bakasyon ‘to akala mo talaga! Pare parehas naman kaming young dumb and broke dito
“Okay lang naman. Saan ba?” hmmm mukhang marami rami ang naibalato kay mayora
“Depende. Gusto ko sana may beach kayo ba mga ses?”
“G ako sa kahit ano mga inday. Si Ailey naman manlilibre sa’kin” winiggle wiggle ko pa yung kilay ko sa kanya. Dibaaaa desisyon!
“Kapal naman ng mukha mo ghorl. Akala ko ba may sugar daddy ka?” humagalpak naman kami ni Eloah dahil sa sinabi ni Ailey
Napagkasunduan naman namin na i-chat si Averill sa balak at para makahanap na ng lugar na pupuntahan.
Since hindi namin afford mag international tour, dito lang tayo sa Pilipinas mga mare and after so many hours of discussing. May nakita si Averill na promo sa facebook na three days and one night tour, agad naman kuminang yung mga mata namin pagkakita ng word na ‘promo’ sa chat ni Averill. Well, perks of being a fresh graduate kaliwa’t kanan and discounts and promos.
Dapat lang no! yun na nga lang maiaambag nila e
And after a long time of discussion we decided to have a vacation in Isla Sauvettere. Pag mamay ari ‘yon ng may ari rin ng hotel na pagta-trabahuan namin. Averill said that there’s a discounted air fare na doon ang destination kaya G na mga mars. We immediately booked for the four of us and we will leave on next next Monday. Ipapahiram muna namin si Averill sa pamilya niya after ng graduation niya
“Klerah ikaw mag luto for dinner”
“Say ‘please master’ ka muna”
“Pakyu mare”
“No thanks mars, di kita type” tinataas baba ko pa yung isa kong kilay habang nakatingin sa kanya
“Wala tayong stock ng pagkain, inubos na natin nung nakaraan na nandito tayo diba?” luh? Nung nakaraan pa sila nandito tapos di man lang nag grocery? Ano kinakain ng mga ‘to?
It’s grocery time! Buti naman at hindi nag ala juan tamad ang dalawa at sumama mag grocery. I’m now in the snacks area dahil tapos naman na kami sa mga basic needs sa bahay
I am busy getting biscuits when someone accidentally bumped me and I even said sorry. Masyado talagang natural sa akin ang mag sabi ng sorry; kahit hindi naman ako yung dapat nagsasabi pero exemption yung sa bar last time!
When we got home I cooked chicken adobo just like what they wanted at dahil ako ang nag luto kanina chillax na lang ako dito sa kwarto ko ngayon.
I closed my eyes but after a couple of seconds napabalikwas ako at napaupo, tinititigan ko ang luggages ko habang nag tatalo ang isip ko kung iaayos ko na ba o bukas nalang pero dahil alam kong walang katapusan ang ‘bukas’ ko sige na nga ngayon na lang.
And with that I stand up at nag simula nang ilagay sa closet ang mga damit ko while on the other side of the room, inaayos ni Averill ang mga pinamili namin at si Eloah naman ang nakatoka sa mga hugasin.
As soon as I finished fixing my things I laid myself and fall asleep instantly
I woke up early today at dahil mga tulog mantika pa sila I played some music and started cooking for our lunch hindi naman uso breakfast sa amin. I decided to clean the house as well.
We’re living in a bungalow type of house; it is colored in blush pink and grey on the inside. We have a mini garden surrounding both sides of the house. When you enter the main door you’ll see a mini staircase that will lead to our rooms; two rooms on the left and two rooms on the right.
Just a few meters from the staircase is the television and our other electronics, the sofas are placed in front of the television while there’s a bookshelves behind. You’ll also see a sliding glass door that will connect to the outside garden that has some hanging orchids, plant leaves, and a hammock. There’s a staircase before the sliding glass door that leads to our terasa; we put a bed, pillows, light bulbs, plants, and coffee table. While, on the left side of the house there’s a hallway that parts the kitchen and dining room to the rest room and stock room.
The house is really spacious mayaman kasi si mamang Averill kaya wala kaming say nang mapili niya ito. Sakanya naman ‘to siya naman talaga bumili, nag hahati hati lang kaming tatlo sa electricity, water and internet bills. Sa grocery na lang namin pinapaambag si Averill dahil food is life, kailangan namin ng maraming supply dito
“Wow teh ano trip mo? Eloah! May bagong trip si Klerah” I just smirked to Ailey nang makita niya akong may hawak na walis at sinasabayan yung kanta. Feel na feel?
“Walang pakealamanan cyst! Sabay ka kung gusto mo”
“Aga mo nagising ah, sobrang nakakapanibago! nag babagong buhay ka?”
“At least nalaman ko na may pag asa pa ako mag bago unlike sayo, malalang case ka na sama mo na rin si Eloah tsaka Averill. Mga wala nang pag asa. Kawawa naman”
“Aguyyy ginaganyan ganyan ka lang niyan ni Klerah Ailey? Kung ako sa’yo papalayasin ko na yan dito” sabat naman ni Eloah. Bida, nakikisali
“Wow nakakahiya naman sa’yo mare, kain, tulog, hilata, reklamo, repeat ka na nga lang e”
“Magka away na kayo niyan?” sabi ni Ailey nang naka pameywang pa sa gitna namin
“Hindi naman! nag uusap pa lang kami sa lagay na ‘to. Para naman di mo kami kilala mars” sabi ko sabay dumila pa ako bago pumasok sa kwarto para kumuha ng damit dahil lagkit na lagkit na ako sa sarili ko teka nga! Bitbit bitbit ko pa yung walis hanggang dito sa kwarto ko, leche
Days passed so fast and well, Averill already graduated yesterday and she’s with us right now dahil tapos naman na daw ang celebration kahapon besides her parents have work today
We’re currently having our ‘paartehan session’. We already had our facial treatments, manicure and pedicure and massage done and by now, kakain muna kami bago tumuloy sa dental clinic for our teeth cleaning
We really enjoyed our bonding today kahit na napaka gastos. Wala na, wala na talaga akong pera pag nasa bakasyon na kami. Nauna pang naubos yung pera ko kesa sa makarating kami sa pupuntahan namin nakakaloka! Sa mga gantong pangyayari ko talaga naf-feel na nagkamali ako ng mga kinaibigan e
When we got home I immediately wash up, may mga kanya kanya naming cr yung kwarto namin kaya hindi na kami nag uunahan pa. I also sort out everything I’ll need for the whole vacation and the clothes I’ll be using.
This is it mga fren! Konting tulog na lang feeling ko nga di makakatulog si Eloah e. excited mag dive sa beach, wag ko kaya siyang hayaan makalapit sa dagat don? Hmm great idea, right?
It’s already ten in the evening and we’re all still up
Paano ko nalaman?
Dahil mag kaka chat kaming apat sa gc namin
Mga tamad magsilabas sa kwarto amp. Tamang chat na lang
Ailey: Sino magluluto bukas?
Averill: Ano bang babaunin natin?'
Eloah: gusto ko chicken curry, caldereta o di kaya afritada
Ako: luto ka. Dami gusto. Puro naman mabibilis mapanis gusto mo mare
Eloah: talk to yourself Klerah
Ako: tologo? Azar ka na niyan?
Eloah: utot mo pink
Ako: di mo sure
Ailey: tumigil nga muna kayo. Bukas niyo na tuloy yan.
Averill: kaya nga, kaloka ‘tong dalawang ‘to e. pero anong lulutuin bukas?
Ako: nilagang itlog
Ailey: Klerah! Parang sira ulo
Ako: bakit? Pagkain naman yun e. tsaka meron bang may gusto mag luto? Diba alaws. Kumain na lang tayo sa fast food or resto tomorrow tapos may mga snacks naman tayo na pwedeng kainin pag nasa biyahe na. good night pipol op the Pilipins
Ailey: Good night pips. MAG ALARM KAYO AH!
Averill: Sige ganon na lang. let’s all sleep maaga tayo gigising tomorrow. Good night everyone
Eloah: Good night everybody. @Klerah Alessia Dela Fuente mag tutuos tayo bukas, oki?
Hineart ko na lang yung chat niya. Palavern! HAHAHAHA hindi ko talaga alam kung bakit madalas kaming mag sagutan at maglaitan ni Eloah pero hindi naman talaga kami na o-offend sa isa’t isa. Siguro sobrang boredom lang talaga, napag t-tripan na namin isa’t isa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top