CHAPTER 14
Meet the Family
We just watched movies and eat all through the day, nang mabusog ako ay nag focus na lang ako sa kapanonood na hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig ang alarm ko at nakitang nasa kwarto ko na ako.
Tumayo ako para magsimulang mag ayos dahil sabi niya hindi daw kami papasok ngayon para mapuntahan ang magulang ko. For sure nakalabas nanaman yung mga pikatatago at iniingat – ingatan ni mama na mga plato, baso at utensils
I just wore a simple black short slip dress with a white plain shirt under it. I wore my ring, get my bag and wear my white sneakers. I came out from my room right after I fixed myself.
Pagdating ko sa living room ay nandoon na siya at nag aantay sa akin. He’s sporting a cropped trouser partnered with his white button down polo dress; the sleeves we’re rolled up to his elbow. I saw his expensive rolex watch on his wrist that made my brow raised for a while. And just like me, he’s wearing white sneakers again. May iniabot siyang lemon water sa akin when we’re heading to his parking lot kaya tinanggap ko naman. I always drink lemon water early in the morning instead of coffee. I guess, he noticed it as well.
He opened the door for me and when I’m all seated he fixed my seatbelt again. Bagay na kailangan kong ipagsawalang bahala.
Tahimik lang kami habang nasa byahe, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano pero dama kong may hindi mapakali sa tiyan ko. Nagulat na lang ako nang mapansin na nagpa-park na siya at nang tumingin ako sa palaigid…… nasa bahay na kami!
This will be an acting time Klerah. I better nailed it again. Huh! Who’s not good at lying, Lucas?
I held my seatbelt tightly as I get a deep breath. He removed my seatbelt for me and looked like he’s examining me
“Let’s go?” bahagya lang akong tumango atsaka binuksan ang pintuan. Dumiretso naman ako sa gate para buksan ito.
“Mama! Andito na sila ate!” Sigaw ng kapatid kong nasa labas ng pinto nang makita niya kaming pumasok sa gate. Napaka walang hiya talaga
Agad naman na lumabas ang magulang ko pero ang mas ikinabigla ko ay…… nandito pati ang mga pinsan ko? Pati ang mga tito at tita ko sa side ng mama ko
Wow! Anong meron? May mini reunion ba?
Nagmano ako sa magulang at mga tito’t tita ko nang salubungin nila kami. Gulat na tinignan ko si Lucas nang makita na ginaya ang ginawa kong pag mamano
“Uhm, ano po. Ma, Pa, si Lucas po” sasaktan yung anak niyo, soon
“Good Morning Mr and Mrs Dela Fuente. I’m Lucas Bellandi po” Ngumiti si mama kay Lucas pero si papa tumango lang at nanatiling seryoso ang mukha. Luh seryus na yan?
“Good Morning rin hijo! Naku, napaka pogi mo naman pala” napa face palm na lang ako dahil sa sinabi ni mama. Ma! Kung alam mo lang
“Halika na sa loob nang makakain na” Yaya ng tatay ko. Alas-onse na kaya naman siguradong mga gutom na ang mga ‘to.
Magkasabay kaming naglakad ni Lucas papasok ng bahay. Naramdaman kong kumapit sa braso ko si Ate Wella sabay bulong ng ‘jackpot’
Naipikit ko na lang ang mga mata atsaka nailing. Ano bang pamilya meron ako? Napaka supportive! Hindi nga man lang kayo na-inform na ikakasal na pala ako tapos ganyan kayo? Tsk. Paano pag nalaman niyo yung totoong dahilan?
Nilingon ko si Lucas na ipinapalibot ang mga mata sa bahay namin. Or should I say sa mga framed pictures sa dingding? Myghaaad yung baby pictures ko!
Tumingin ako sakanya bago umupo at nakitang nangingiti siya. Pasimple naman akong napahilot sa sentido ko.
Tama lang naman yung laki ng bahay namin, kasya na para ma-cater ang buong pamilya. Nasa isang long table kaming lahat ngayon at ready nang kumain. So far so good naman dahil pampawala awkwardness yung mga pinsan ko na babae pero yung mga lalaki at yung kapatid ko puro mga seryoso. Why are they acting like that?
“Kailan pa kayo nagkakilala ni Klerah hijo?” tanong ni mama habang kumakain
“Last May 28 po Ma’am” Palihim akong natawa nang marinig ko siyang tawagin na ‘ma’am’ si mama. If you just know mama na ‘Sir’ ang tawag ko sa nilalang na yan.
“Bakit parang napaka aga mo naman yatang niyaya magpakasal ang anak ko?” this time si papa na ang nagtanong kaya medyo kinabahan ako
“I like her since the very beginning po Sir kaya po niligawan ko siya and I promised that once she became my girlfriend I’ll definitely ask her for marriage. I’m sorry if I wasn’t able to ask for her hand to you sir” LIES.
Nanatiling tahimik ang tatay ko pero si mama sinisiko siko ako sabay bulong ‘swerte talaga ang birthday mo anak’ I gave a face to my mama kaya naman kinurot niya ako sa tagiliran na dahilan ng bahagyang pagsigaw ko
“Tita hanggang ngayon kinukurot mo pa rin sa tagiliran si Klerah?”
“Oo naman, kahit mag asawa pa siya”
“Nako tita! May iba nang kukurot diyan” pinanlakihan ko ng mata si ate Wella pero natawa rin nang makita ko na binatukan siya ni kuya Drew na nasa tabi niya. Nice kuya! May nagawa ka ring tama
“Nabanggit mo kanina Lucas, nung May 28 kayo nagkakilala? Paano? Kasama ka namin non diba? Birthday mo yun” tanong naman ni ate Prim. Napatingin si Lucas sa akin na parang gustong i-confirm yung birthday ko so I just wiggled my eyebrows on him
“May madaling araw ate. Bago ako umuwi dito, nagkakilala kami”
“Saan kayo nagkakilala?” nilunok ko yung kinakain ko bago sumagot sa kapatid ko
“Uhm sa ano…. Sa bar” lahat yata ng mga tanders dito ngayon nanlaki yung mata dahil sa narinig habang yung mga pinsan at kapatid ko napataas lang ng kilay at yung iba tumatango tango habang naka ngiti
“Anong ginagawa niyo sa bar Klerah Alessia?” tanong ni papa. OA nito ni papa minsan e
“Pa, ‘di ako uminom okay? Nagkayayaan lang after ng out namin nung last day ng internship kaya ayon umabot ako ng madaling araw. Umuwi naman akong hindi nakainom”
“Ikaw Lucas?”
“Nagkayayaan lang din po kami nung time na yon. Doon po kasi nag celebrate ng birthday yung kaibigan ko”
“Hay nako, hayaan niyo na kung paano nagkakilala yung dalawang yan” sabat ni mama. Thank you ma! Medyo kabado talaga ako dahil medyo bumabalik na sa utak ko yung mga nakita ko nung oras na ‘yon
“Kailan ang magiging kasal niyo at saan? Nakapag prepare na ba?” Tanong ni Mama
“Our wedding will be on May 28 and it will be held in Italy po. You don’t have to worry on the expenses and everything’s settled already. We’re just waiting for Alessia to have a decision on the dress she’ll wear”
“Bakit sa Italy?”
“Pa, kasi diba that’s my favorite country kaya ayon. Masaydong masunurin e” sabi ko at tinuro turo ko pa si Lucas
“Basta hijo, wag mong sasaktan yang batang yan. Alaga namin yan dito kaya sana ngayon mas alagaan mo siya” bahagya akong nagulat sa mga narinig ko galing kay tito Ben na tatay ni ate Wella. Wow! Alaga pala ako dito?
“Makakaasa po kayo” I chuckled with what he said. Hay nako Lucas! Kung ako sa’yo magtatago tago na ako pagkatapos nating maghiwalay. May mga samurai yang mga yan
“Nakahanda ang mga itak at samurai namin dito hijo oras na saktan mo yang pamangkin namin. Bunso si Klerah sa kanilang mga babae na magpipinsan kaya asahan mong sobrang protective namin” This time si Tito Drei ang nagsalita, tatay nila kuya Drew. Kapatid ni mama si Tito Ben, Tito Drei at Tita Caryll na nasa ibang bansa dahil isinama sila ng asawa niya nang makakuha ito ng malaking offer.
Nakita kong napalunok si Lucas dahil sa mga narinig niya. Yan! Matakot ka!
“O-opo” bahagya siyang tumango sabya lingon sa akin kaya naman natawa ako
“Wag niyo naman takutin hahaha”
“O siya sige na, dun na muna kayo sa sala nang mailigpit namin dito” sabi ni tita Wenna. Kanina pa talaga kami tapos kumain kaso ang daldal nila
Papunta na ako sa sala kaso inaya nila papa na uminom si Lucas. Wow? Tanghaling tapat?
Nag aalinlangan ko siyang tinignan. He just smiled at me assuring that he’ll be fine
“It’s okay. I have a high tolerance when it comes to alcohol” I just nod my head and mouthed ‘sorry’
My girls cousins held me in my arms at sapilitan akong ipinasok sa kwarto ko
“Grabe ka sa swerte Klerah! Do you know how rich he is?” Magiliw na tanong ni ate Wella sabay sampa sa kama ko
“Duh! Of course I’m aware of it. Pero nung una hindi e. I don’t even have an idea who he is” Mga naka nga-nga naman silang napatingin sa akin
“Grabe siya! That’s because you don’t give a care to every single man. I mean you care if it’s a family pero when it comes to your love life? Wala girl”
“But I’m not after his money no! I can earn on my own.” Talaga ba Klerah? The last time I checked you’re broke
“For sure, he’s spoiling you so much”
“Nako ate tigil tigilan niyo ako”
“Suuus! Ikaw ah. Pero we’re happy na you have finally given someone a chance. We always wanted our bunso to be happy” Sabi ni ate Prim habang yakap ako
“True Klerah! We don’t want you to be like us. We build strong walls and we don’t let any man destroy it, kasi bakit? We worked hard in order to protect our self and our heart and then may bigla na lang papasok sa buhay mo na hindi mo naman sigurado kung pangmatagalan. Prim and I tend to push them away kaya look, hanggang ngayon we’re freaking singles!”
Napatahimik ako sa sinabi ni ate. I was like that before. But I guess it’s not as strong as theirs kaya maagang napabagsak. For me, there’s no wrong in building a wall. It’s just that sometimes, people lacked in the department of patience, hard work and understanding kaya madaling sumuko. At minsan din naman sumosobra na yung pagpu-push natin sa taong gustong mapalapit sa atin. Just like what my two cousins did. I saw how they pushed away their suitors before, just because of being scared to be scarred and hurt.
“Soon, makikita niyo rin ang para sainyo. Balita ko nga hindi pa nakaka move on mga nanliligaw sainyo dati e. yieeee gandara!” Sabay naman nilang hinampas yung unan sa’kin kaya pinanliitan ko sila ng mata pero hindi na lang sumagot. Humiga ako sa higaan ko at nagsabi sa mga pinsan ko na matutulog muna ako. Lagi na lang akong natutulog!
Nagising naman ako nang maramdamang may nakayakap sa akin. Napaisip ako kung kailan pa nang yakap sila ate Wella kapag natutulog? Pare parehas kasi kaming hindi magugulo matulog at hindi nang yayakap
Kasalukuyan akong nakadapa at nakabalot sa kumot ng maisipan kong tumihaya. Automatic naman akong napatigil nang makita ang katabi ko. Pumayag sila mama na patabihin sa akin ‘to?!
Tinignan ko siya na mahimbing na natutulog. He’s really handsome with his super clean and soft looking face though, he's kinda playful look can be noticed as well. I could say that he’s indeed a headturner, sa gantong pangangatawan at mukha ba naman e.
Okay Klerah tama na sa pagpapantasya! I looked at the time and it’s already six pm. Anong oras silang natapos mag inuman?! Ganon katagal ako nakatulog? Paano kami makakuwi nito, may pasok pa bukas.
Tatayo na dapat ako para bumaba kaso pumulupot sa baywang ko ang mga braso niya. What the heck?! Sinubukan kong tanggalin pero mas humihigpit lang ang kapit niya
“Where are you going?”
“Uhm, sa baba”
“Why? Hungry?”
“Nope, magtatanong lng sana ako kanila mama kung anong oras kayo natapos mag inuman. Tsk Lasinggero”
“Why don’t you just ask me? I’m here naman. We finished drinking around three and baby I can’t say no to you family a while ago” Hanggang ngayon nanatili pa rin siyang nakapikit kahit kinakausap ako
“Anong oras tayo uuwi? May pasok pa tayo bukas” idinilat niya ang isa niyang mata at tumingin sa akin
“What’s the time now?”
“Uhm, 6:20” Tumayo siya at nag inat
“Mag ayos na tayo. I promised we’ll buy groceries today” gulat ko siyang tinignan dahil tototohanin talaga niya?
“Come on, stand up now Alessia” tumayo naman ako sa kama at nagkanya kanyang ayos kami ng sarili. Hindi rin nagtagal ay bumaba kami at nakita si mama at kapatid ko na nasa sala. Umuwi na rin ang mga pinsan ko kasama ng mga magulang nila.
“Ma, uwi na sana kami. Si papa?”
“Tulog pa ang papa mo. Dito na muna kayo mag dinner, hayaan mo na muna yung tatay mo na lasinggero” Natawa naman kami ng kapatid ko sa sinabi ni mama
Pagkatapos namin mag dinner ay umalis na rin kami. Kung ano ano pa ang binilin ni mama kay Lucas nang malaman na mag go-grocery pa kami.
Buti na lang at naaalala ko pa yung mga kailangan kuhain na stocks para sa bahay niya.
“Alessia, we’re here to buy your foods not the supplies for our home”
“Lucas, we’re here na rin naman tsaka naaalala ko yung mga kailangan bilhin. Wag kang ano dyan. Oo nga pala may naglinis ba sa bahay mo?” I asked as I am checking the expiration date of the food I am getting
“Yeah, may pumunta doon para maglinis. I have it cleaned today habang wala tayo” tumango tango naman ako habang nag lalagay sa cart ng mga kinukuha. Looks like he doesn’t mind at all
Maraming napapatingin sa kanya at lalong marami ring masama ang tingin sa akin. Nakakatawa lang na nakikita yung mga mukha nilang nawawalan ng pag asa
Inabot lang ng halos isang oras ang pag go-grocery namin at pagkatapos non ay dumiretso nang umuwi. Inayos ko naman sa mga dapat lagayan lahat ng pinamili namin para hindi makalat.
“You don’t have to go with me in the office tomorrow. My real executive assistant is back now from her leave” My lips parted. What am I gonna do now?
“E di wala na akong trabaho? Can I just go back to my previous work?”
“Nope. You’ll be busy with our wedding preparations. I can’t let you work” Nilabas niya ang wallet at may inilabas na black card.
What the fudge?! Mas lalong nalaglag yung panga ko dahil sa nakita kong iniabot niya sa akin
“Here. Use this if you need anything. If you’re going to do shopping, let me know. So, I can be with you.” Hindi pa ba ako titigilan ng lalaking ‘to? Parang bawat sasabihin niya malalaglag ng malalaglag yung panga ko
“You don’t have to give me that Lucas” sapilitan naman niyang ibinigay sa akin yung card
“Why not? I worked hard so my wife can use that” Napapikit ako ng mariin. Ayoko na! Ayoko na talaga
“Fine! Hindi rin naman ako mahilig mag shopping. Thanks for this” window shopping lang
“Tsk. I want to be with you when you shop okay? By the way, my mom will be here tomorrow for the wedding preparations. Damit mo na lang naman ang kulang pero kung may gusto kang baguhin, just tell them.”
“Okay. Thank you”
“Go take a rest now, I’ll just make some call” sabi niya sabay kabig sa akin palapit at humalik sa noo ko.
Juicemother ka Lucas! Yung puso ko nagwawala! Ayusin mo ‘to!
Napatigil ako sa ginawa niya at nung makabalik sa wisyo ay agad tumakbo pa elevator. Narinig ko nanaman ang lakas ng tawa niya dahil sa inakto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top