CHAPTER 13

BelLANDI


It’s funny to see people around us being fooled by our act. Congratulations are being heard all over the event hall. I don’t have any choice but to show them how happy I am with it.

I entered his car as soon as he opened the door for me. Hinayaan ko na rin na siya ang mag ayos ng seatbelt ko, bagay na halos araw araw niya yatang ginagawa.

This is all an act Klerah!

I check my phone and saw lots of messages. I guess my friends and some of my families know about the engagement already.

Naramdaman ko naman na tumingin siya sa akin bago magsimulang mag drive kaya itinago ko sa bag ang phone at ipinikit ang mga mata nang maisandal ang ulo sa bintana. I’m really frustrated and drained! I heard his sigh pero wala na akong pake


Naramdaman kong lumapat ang likod ko sa malambot na kama. Hindi ko naiwasan na maikunot ang noo dahil sa bahagyang pagkataka

Nakatulog pala ako sa buong byahe namin pauwi. Bakit hindi na lang niya ako ginising? Naramdaman kong may umupo sa gilid ko kaya naman hindi ko naituloy ang balak na pag mulat

He removed my heels and after doing that he caressed my right cheek

“I’m sorry Alessia” Why is he saying sorry now?

I stilled as I felt his lips landed to my forehead and after some seconds he stood up and leave my room

I took a deep breath before I open my eyes.
He’s really confusing me with his gestures. Why does he have to do such things?
If he wanted to say sorry, then say it right in front of my face!

Tumayo ako at hinubad ang jewelries habang naglalakad papunta sa dressing table para ilapag ang mga ito. Sinunod ko naman na hubarin ang suot kong dress na ipinatong ko na lang sa sofa tsaka dumiretso sa cr

Binuksan ko ang shower at hindi na namalayan na kasabay ng pag agos ng tubig ay ang pag agos ng mga luha sa mata ko.

Bakit ba ako umiiyak? Hindi ko na alam kung alin sa lahat ng nalaman ko ngayong araw ang talagang dahilan ng pag iyak ko. Dahil ba sa engagement? Sa katotohanan sa pakikitungo niya sa akin? O sa nararamdaman ko para sa kanya?

Kung tutuusin ay hindi ko dapat naramdaman ang ganon una pa lang. Kasalanan ko naman. Binigyan ko ng ibang kahulugan lahat ng ipinapakita niya sa akin sa loob ng tatlong buwan na magkasama kami.

Bakit ba kasi hindi ko itinatak sa utak ko na may atraso ako sa kanya na kailangan kong pagbayaran.

I build a wall to protect myself and I thought I build it strongly but all of a sudden, it was shattered. The worst part is I keep on fooling myself na okay pa siya, hindi pa siya natitibag ng kahit sino but the real thing is hindi ko lang tinatanggap na isang bagong kakilala lang ang makakapabagsak ng pinaghirapan kong itayo.

After I took a shower I read the messages I received

From: Kuya Drew

‘What is it that I am hearing Klerah? You’re now engaged?!’

From: Ate Wella

‘Congrats Kle! Libre naman!’

From: Ate Prim

‘Tsk, you wouldn’t need the condoms na pala Hahah. At least you’ll use the PT’s soon. Congrats Kley!’

From: Mama

‘Klerah! Bakit engaged ka na pala hindi mo man lang sinasabi sa amin at ipinapakilala yung boyfriend mo? Aba! Wala ka na bang magulang? Umuwi ka dito at ipakilala siya sa amin Kle’

From: Ailey

‘Sus! di mo man lang chinika sa amin na engaged ka na pala! Dumadami na utang mong explanation sa amin ah. Anyway, Congrats girl!’

From: Eloah

‘Aba aba aba bruha engaged ka na! Real quick ka rin e, hindi lang pala ako. Iba nga lang nauna sa akin HAHAHA. But I’m happy for you though, we miss you here. Wala akong maaway na pikon’

From: Averill

‘Hoy babae! Nung nakaraan mo pa kami ginugulat ah! I Hope you’re happy with him Klers. Finally! May nakatibag din ng wall’

Haaaay if all of you just know…..
I forgot about my parents. May mga magulang pa nga pala ako

Paano ko naman dadalhin sa kanila si Lucas? Sabi ko noon hindi ako magpapakilala ng lalaki na hindi ko pa naman sigurado.

Haaaaay! I had enough for today. Bukas ko na lang ulit iisipin ang mga bagay bagay.


I woke up late today. Mag mamadali na sana akong kumilos nang maalala ko na wala pala akong pasok pag Sabado.

I am so damn tired from last night at kahit tinatamad tumayo sa higaan pinilit ko pa rin para makaligo na. Balak ko lang sanang mag kulong buong araw dito sa kwarto kaso nakaramdam ako ng gutom.

Humarap ako sa vanity mirror ko at nakita na medyo namamaga ang mata. Naglagay na lang ako ng cream para kahit papaano ay matabunan. Siguro naman ay pumasok na si Lucas ngayon. Kinuha ko ang phone ko tsaka bumaba

Habang naglalakad ako ay napapaisip ako kung paano sasabihin sa kanya na gusto siyang makilala ng pamilya ko. Dumiretso akong elevator dahil tinatamad akong mag hagdan ngayon. Nagpalinga linga pa ako sa paligid nang makarating sa first floor at nang wala akong nakitang Lucas dumiretso na ako sa kusina.

“Alessia” napahawak ako sa dibdib ko at bahagyang napatalon nang marinig ang boses niya, pumikit ako sandali bago humarap.

“Bakit?” Casual kong tanong

“Let’s talk about what happened last night” I just look at him blankly. Tatango na sana ako nang biglang kumalam ang tiyan ko. Pati mga alaga ko mga traydor!

I pouted at wala sa sariling humawak sa tiyan. I saw a ghost of smile from him
Anong nginingiti nito?

“Tsk. Come on, you have to feed those monsters inside your stomach” Tinaliman ko siya ng tingin tsaka hinampas sa braso

Pasimple ka Klerah!

Sapilitan niya akong ipinaupo at siya ang nag hain ng pagkain ko. Why is he doing all of this?! He’s freaking confusing the hell out of me!

Wag kang magpa apekto Klerah. This is all nothing, okay?

Nagkakaintindihan ba tayo self?

“You know, you don’t need to do this Lucas” He glanced at me at patuloy pa rin sa pag hahain.

“You’ll be my wife soon. Masanay ka na” napanganga ako sa sinabi niya. Ano bang meron bakit push na push niya ang kasal?

“Bakit ko sasanayin yung sarili ko? Alam ko naman na hindi para sa’kin yung pwesto na yan” nakatingin pa rin ako sa pool kaya hindi ko na nakita kung nag react ba siya

“…Eat first Alessia. We’ll talk about that thing later” malumanay niyang sabi nang mailapag ang plato sa harap ko

Sinunod ko naman siya at tahimik na binusog ang sarili. Bakit ba nandito siya?

Syempre bahay niya ‘to. Navovo na, self?

Nang matapos akong kumain, niligpit ko ang mga nasa lamesa at hinugasan ang pinag kainan. Alam kong pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko kaya naman parang medyo kinabahan ako

Uminom ako ng tubig pagkatapos kong mag hugas. Nakita ko siyang tinititigan ako kaya tinaasan ko siya ng kilay kaso nakita ko lang siyang napakagat labi na tila pinipigilan ang labis na pag ngiti tsaka umiwas ng tingin

Putang…..ina?
Ang pogi?
Ang hot?!

Self, shut up! Dakilang maharhar ka

Inilapag ko ang baso tsaka siya tumayo at hinila ako papuntang living room. Tamad kong ibinagsak ang sarili sa sofa pahiga. Ibinalot ko pa ang sarili ko sa kumot na naroroon. Inaantok pa kasi talaga ako

Siya naman ay umupo rin sa sofa sa bandang tagiliran ko. Luh?! May iba pang upuan

“Anong pag uusapan?”

“I’m sorry for dragging you in this situation”

“It’s fine. This is how I can pay you for what I did months ago”

“I know it’s not fine for you Alessia” My lips formed into a thin line. I don’t know what to reply to him kaya tinignan ko lang siya

“We’ll get married next month. May 28. Don’t worry, It’ll be held on Italy. We can file a–

“Yeah divorce. That’s the end game” tumango tango pa ako

“Alessia….” Malambing niyang tawag sa akin. Ipinatong pa niya ang kanang kamay sa kaliwang tagiliran ko

“What? I told you its fine. Besides, may divorce naman. Siya nga pala, my parents wanted to meet you. I don’t know how they know it”

“We’ll go meet them tomorrow”

“Okay” May mga gusto pa sana akong itanong sa kanya pero baka hindi niya rin sagutin kaya wag na lang

Nailang ako sa pagtitig niya sa akin kaya itinalukbong ko yung kumot sa akin

“Alessia! I’m missing my old Alessia. Yung palasagot na Alessia. Please bring her back” sabi niya habang sinusubukan na matanggal ang pagkakatalukbong ko. Parang timang naman ‘to!

“Di ako sayo Lucas kaya wag mo akong angkinin dyan”

“Paanong angkin ba ang gusto mo? Hmm baby?” I breathed heavily as I felt the butterflies on my stomach.

Shit! Ugh! Di ka pwedeng kiligin self
Tinanggal ko ang pagkaka talukbong ko tsaka umupo

“Alam mo ikaw masyado mong pinanindigan yung apelyido mo! BelLANDI! Ikaw ma LANDI!” hinampas hampas ko sanya yung unan pero tawa lang siya ng tawa. Shox! Pati sa pag tawa niya kinikilig ako? This can’t be happening! Waaah such a nightmare!

“Baby, you’ll be Mrs. BelLANDI soon. Let’s flirt with each other then” I gasped with what I heard. My gosh, this man!

“Ayoko ngang makipag flirt sayo. Masyado kang expert sa bagay na yan tsaka may expiration date ang marriage natin” Bakit parang tanggap na tanggap ko na?

“Hey! I’m not expert in that area”

“Yeah? And pigs can fly” I rolled my eyes at tatayo na sana but he was quick to pull me back. I crashed into his hard chest and he enveloped me into a tight hug

Sinubukan kong pumalag at makawala pero hindi niya ako hinayaan

“We’re going to talk more. Where do you think you are going? Huh?”

“Ano pa bang pag uusapan natin? You already told me the details about the wedding diba? Tsaka I’m going to the kitchen” Nakita ko ang gulat sa mukha niya

“You’re hungry again? Kakakain mo lang ah?” Tinaasan ko siya ng kilay

“Anong pake mo ba? E sa nag ke-crave ako e” tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin nang maramdaman ko na lumuwag ito

“What do you want?” Nagtataka ko siyang tinignan

“Why?”

“I’ll make it” biglang nalukot ang mukha ko sa sinabi niya

“Uh, why?” tamad niya akong tinignan tsaka ipinatong ang ulo sa balikat ko

“Alessia, just tell me what you want so I can make it. Let’s satisfy your cravings, baby” Parang may humigit lahat ng hininga ko dahil sa mga salitang narinig ko. Nakakaloka naman ‘tong tao na ‘to

“Is it spaghetti and ice cream again?” how did he know?

“What? How did you kn–”

“You craved for it every time you’ll have your period” My lips automatically parted. Buong araw ba akong magugulat sa lahat ng lalabas sa bibig ng lalaking ‘to?

He looked at me as he smirked
“I just noticed it. Before, I thought you’re pregnant e wala pa naman nangyayari sa atin kaya I disregarded that thought”  Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng mas lalong pagkalaglag ng panga. Marahas ko siyang itinulak

“Walang hiya ka! Hoy! FYI hindi ako magpapabuntis sayo no. Kaloka ‘to” kinurot kurot ko siya at napahawak sa sentido

Jusko naman! Bakit ko ba kinakausap ‘to? Ang alam ko kailangan kong sanayin yung sarili ko na hindi mapalapit sa kanya e.

Ano ka ngayon Klerah? Lumayo ang plano mo e bakit ang lapit niyo ngayon?

Ugh! Siya yung lumapit!

Bakit hinayaan mo?

Ugh! Lintek na utak ‘to. Nag sagutan pa.

Tinanggal ko ang kumot sabay tumayo pero hawak hawak ko pa rin yung throw pillow.

Naramdaman ko ang pag higit niya sa akin at nang tignan ko may ngiti na naglalaro sa mga labi niya. Sana all masaya.

Hinayaan ko siyang hilain ako at gawin ang gusto niyang gawin. Ipininaupo niya ako sa bar stool chair at nagsimulang ihanda ang mga gagamitin.

“I’ll help you na lang” sabi ko habang nakapangalumbaba at nakatingin sa kanya

“Shh just sit there. What ice cream do you want? Rocky road?” he knows my favorite flavor too?

“Uhm yeah and strawberry” I told him before I absent mindedly pouted my lips because of being so demanding

He walked closer to me and chuckled as he pinched my cheeks. I furrowed deeply with what he did

“Cute but don’t pout your lips” My eyebrow instantly raised

“Why? Ba’t naman kita susundin?” He gets his phone beside mine and entered his password before he took a glance at me

“You wouldn’t like what I’ll do next time I saw you pouting Alessia”

“Scary naman” I told him sarcastically
Patagilid siyang sumandal sa counter table at pinagkrus ang mga paa.

“Rocky road and strawberry only?” He asked me at busy pa rin sa kakakalikot sa phone niya

“Yeah” tamad kong tugon. Ipinatong ko ang unan sa lamesa tsaka inihiga ang ulo. I felt his hands slightly brushing the strands of my hair

“Let’s buy groceries tomorrow after we visit your parents, so we can have stocks of your foods here”

“What? Why?” nginitian niya lang ako tsaka ibinalik ang phone katabi ng akin, pagkatapos ay naglakad na para ipagpatuloy ang pag luluto.

Lucas is really good at cooking. Siguro kung hindi ko alam na businessman ‘to iisipin ko talaga na Chef siya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko kaysa tignan siya

I suddenly remembered what happened a while ago and that makes me closed my eyes more. How could I let my guard down again?!
Why is he acting like a real boyfriend to me?
I really can’t understand him!


Napakurap kurap ako nang may nararamdaman akong tumatapik sa pisngi ko. Nauwi pala sa tulog ang pikit ko lang sana kanina.

Nag inat inat ako at napatigil nang makita ang mga nakapatong sa lamesa. Boxes of pizza, gallons of ice cream, different chocolates and the pasta he cooked are all set on the dining table

I unbelievably looked at him and he just shrugged his shoulder
“Go, satisfy your cravings, baby. Tell me if you need anything else”

Shit ka Lucas Ryder Melendez Bellandi! Yung puso ko ayaw manahimik!

Kalma self. Wag kang sobrang rupok. Sa pagkain ka lang rurupok, oki?

“Thank you!” I happily said to him as I began to walk towards my babies. My eyes are forming hearts, I bet

Ipinaikot ko sa tinidor yung spaghetti tsaka itinapat sa bibig ni Lucas. Syempre try niya muna baka mamaya may kung anong naka lagay dito e

Bahagya niyang nailayo ang mukha, nagulat yata “Just eat Alessia”

“You try it first. Just making sure na walang something dito” I giggled when I saw his disappointed reaction

“Here I thought you’re being nice and sweet to me this time”

“Why would I do that?” I asked as I get a slice of pizza using my free hand dahil hindi pa rin niya kinukuha sa kamay ko yung tinidor. Aba, ginawa pa akong tagahawak niya

“Tsk. Want to watch a movie?” I glanced at him at mapang asar na tumingin. Kinain na rin naman niya yung spaghetti na sapilitan kong pinapakain sa kanya. Tumango na lang rin ako dahil ngumunguya pa rin ako.

He asked me to look for a movie so I headed to the living room and scan his netflix while he’s busy transferring the foods.

Nang makapili ako ay sakto naman na pagkatapos niya sa paglilipat. Umupo siya sa tabi ko habang ako ay busy sa pagkain at panonood.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top