CHAPTER 11

Alessia


Unti – unti kong iminulat ang mga mata at tinignan ang paligid. Hindi ito yung kwarto kung saan ako nagising kahapon. Mas maganda ang kwarto na ito at mas mukhang pang babae dahil sa color combinations and interior design.

Pero siya ang nagdala sa akin dito? Naalala ko lang na natulog ako habang nasa byahe kami pauwi.

Kinuha ko ang phone ko na nasa gilid ko lang
Ala – sais pa lang ng umaga? Bakit ang aga ko naman nagising yata ngayon? Usually ay tulog ako hanggang tanghali lalo na kapag sobrang pagod ko

Tumayo ako at dumiretso sa walk –in closet nagbabakasakali na nadoon ang mga luggage ko at holy cow! Parang isang buong kwarto ang walk – in closet at nandoon nga ang mga damit ko.

Siya ang nag ayos? Bakit siya? May sakit ba siya?

Humablot ako ng nasa ibabaw na short and shirt, hinanap ko naman ang mga undergarments ko and thankfully hindi niya sinama sa mga inayos niya ang mga iyon

Pagka pasok ko ng cr napaharap ako sa salamin at ngayon ko lang napansin na naka pony tail ang buhok ko. napaisip ako saglit kung nag tali ba ako kahapon pero ang alam ko ay hindi. Inilapit ko ang sarili ko sa salamin at nakita na ang linis ng mukha ko, walang bahid ng mga cream na nilagay ko kahapon
Siya rin ba ang nag hilamos sa akin? Dumako ang mga mata ko sa mga skin and body care, pati hygiene kit ko at iba pa na naka ayos rin sa mga wall rack nitong cr

He’s really organized huh?

May nakita naman akong bathtub pero kailangan kong maka usap na siya para sa magiging trabaho ko pero mamaya ka sa’kin!

Bakit parang mukha naman akong reyna dito? Sa maids quarter talaga ang inaasahan ko na magiging kwarto ko e. Speaking of maids, bakit mukhang wala akong nakikita na maids dito? Ang laki laki ng bahay niya tapos siya lang mag isa? Grabe buti walang nakikipaglaro sakanya! Kaya siguro siya nag hanap ng housemate
Wala naman sigurong masamang espiritu dito sa kwarto ko no? Napapikit at iling na lang ako dahil sa mga iniisip ko

Pagkatapos kong makaligo at makapag ayos ay kinuha ko ang phone ko at hinanap ang daan papunta sa baba. Napansin ko na dito rin ang hallway na dinaanan ko kahapon kaya nag tuloy tuloy na ako sa pagbaba.

Nasa third floor ang mga kwarto ng bahay at from here matatanaw mo rin ang second floor. The second floor more like a perfect place for gatherings dahil sa wide space ng living room tapos there’s a piano bago mag balcony kung saan ko siya nakitang nakatayo kahapon. Dito rin sa second floor ang diretso pag pasok mo sa main door kung saan ako tumakbo at paglabas mo may pathway sa gilid na pababa para makapasok sa first floor kung saan kami pumasok nung hindi ako nagtagumpay na makatakas. Nasa first floor ang main living room, kichen at ang daan sa outdoor pool area pati sa gym niya and parking lot

In all fairness! Maganda talaga yung bahay niya

I look for him around at medyo nakakapagod siyang hanapin. I saw him standing and having his coffee in the pool area. He’s now in his two piece office attire and I could say that he’s really hot! Likod pa lang ‘tong nakikita ko ah

I cleared my throat to get his attention

He turn around and looked at me as he sips on his cup. I swallowed lightly when I realized how he looks good early in the morning

Teka nga self! Kanina mo pa siya pinupuri ah

“Uhm, anong magiging trabaho ko today?”

“Eat your breakfast first then changed your clothes, you’ll go with me in the office” tumango lang ako sakanya at hindi na nakipag sagutan pa

Pagkatapos kong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto para maghanap ng maisusuot. Shocks! Paano ba ang trabaho ng isang executive assistant?

Ugh!

I am wearing a light blue ruffled short sleeved v-neck button down blouse, an above the knee white skirt with a mini front slit and I partnered it with a white heels and peach hand bag

I applied my facial sunscreen and cream foundation; I fixed my eyebrows, curled my eyelashes and applied mascara. I applied peach colored eyeshadow lightly and light red lipstick also. I pony tailed my hair at nag iwan lang ng iilang hibla sa magkabilang gilid

I took a last glance of myself on the full length mirror and went out of my room.

I made sure that I have a journal, sticky notes, planner and pens here inside my hand bag. I sighed heavily as I walk down the stairs.

There’s actually an elevator here pero ayokong gamitin pag mag isa ako. I look for Lucas around. I saw him sitting on the sofa while his head is resting on the head rest and is he sleeping?

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya napatigil lang ako malapit sa arm rest ng sofa nang dumilat siya at dumako ang tingin sa akin

I stand still as he scanned me
Nag aantay ako na sabihin niyang umalis na kami pero iba ang narinig ko

“We’re going to the office Alessia” I frowned a bit

“Yeah I know. You told me a while ago” tumayo siya at lumipat ng upo sa arm rest ng sofa na nasa harap ko

“Change” I raised my eyebrow on him. Aba aba aba! Bakit ako magpapalit? Tumingin ako sa suot ko, okay naman ‘to ah?

“No way! Ayoko nga. Okay naman ‘to for office attire ah” he cross arms and stared at me blankly. Ayan nanaman nakikita ko nanaman yung arm muscles niya! Hindi naman sobrang fitted nung polo dress niya pero nade-define talaga yung body shape niya

Bakit ba ayaw niya sa suot ko? e di sana he gave uniform dibuh? Duh! Use your brain Lucas

Joke lang!

I bit my lower lip and sighed lightly. Nakakailang buntong hininga na ba ako ngayong araw? Masyado na ‘tong napapadalas ah

“Hindi tayo aalis hangga’t hindi ka nagpapalit” scary naman

I playfully shrugged my shoulder “Okay lang naman” He raised an eyebrow

“Alessia, I fixed your closet last night. I know you have plenty of pants there. Wear those pants instead of that skirt” I shake my head and cross my arms as well

“I can wear whatever I want Lucas tsaka don’t tell me in – character ka pa rin hanggang ngayon sa boyfriend act mo kahapon?” He stared for a while and nod his head as he stand up. He put his hands inside his pocket

“Alright. Let’s go then” he told me coldly.
Sinusundan ko lang siya papunta sa parking lot niya nang maalala ko yung Exelero niya. Gusto ko sanang itanong kung nasaan na iyon kaso mukhang na bad trip ko yata

Ano ba kasing problema niya sa suot ko? As if naman titignan ako ng mga tao, goodluck na lang kung makita nila ako

I saw different cars parked in his parking lot at grabe hindi ko kinaya! Bukod sa ang gaganda talaga, puro pa mga latest models yung nandito. Sureball nang hindi mag hihirap ang taong ‘to

When we arrived to his company, kinabahan ako bigla dahil kakaiba yung tingin sa akin ng mga employee niya. May mga nakangiti kaya nginitian ko rin, yung iba naman ay parang gulat na makitang may kasama siyang babae, yung iba ay alam kong malungkot; awww I can feel you ganyan din ako dati kay sir Trek yung may ari ng hotel na pinag tatrabahuan ko dati ahahaha.

Pagkarating namin sa office niya ay na amazed nanaman ako dahil ang ganda mga mars! Ang ganda ng view na makikita mo sa full glass window niya at yung mga paintings ng office niya ang gaganda rin. I wonder who picked them kasi parang hindi ko ma imagine na siya ang pumili ng mga iyon. Maybe, the interior designer

Tinignan ko isa-isa yung mga painting at napadako ang mga mata ko sa isang painting na nasa tabi ng isang kwarto. Parang nakita ko na ‘to e, hindi ko lang maalala…… saan nga ba?
Itinagilid ko ang ulo ko pa kaliwa baka sakaling maalog ng konti yung utak ko at maalala

“Alessia”

“Bakit?” tanong ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa painting

“Come here. I’ll explain to you everything you need to do and know” wala naman akong nagawa kundi lumapit sa kanya at makinig. Umupo ako sa swivel chair niya habang siya naman ay nakatayo sa gilid ko.

I’m enjoying sitting here. Masaya pala umupo sa swivel chair? makabili nga!

Habang nakikinig ako sa kanya parang gusto ko na lang talagang mag trabaho sa hotel at maging front desk receptionist

Ngayon ako napaisip kung ilang tamang desisyon pa lang ba ang nagagawa ko sa buhay ko, haaay!

“Alessia you’re not listening” I looked at him and he’s now partially sitting on the table

“Huh? I am listening”

“What did I say then?” I crinkled my nose and smiled at him sweetly

Napahawak naman ako sa noo ko na pinitik niya. Such a nice man you are, Lucas!

He explained to me everything again and this time I listen carefully. Kaya ko naman sigurong maging executive assistant niya. Pwe! Pinaganda lang ang tawag, e nung inexplain niya yung mga magiging trabaho ko sa kanya ‘di na lang sinabi na magiging personal alalay niya ako at utusan.


“Alessia!” rinig kong tawag ng demonyo – este ni Lucas. Ano nanamang ipapagawa nito? Ilang araw na makalipas nang simulan ko ang pagiging secretary

Kumatok muna ako at tsaka pumasok sa office niya
“Bakit po sir?” He told me that I should address him like that. Daming eme

“Where are the papers I needed to sign? I told you to bring it here” oh! Those folders!

“Wait sir” tumakbo naman ako para kunin lahat ng folders na kailangan niyang pirmahan

“Here. Yan na po lahat. Sorry” Kinuha naman niya ang mga inilapag ko sa table niya

“Tsk, do your work properly” Pumameywang ako at bumwelo bago ipaalala sa kanya ang bagay na nakalimutan yata niya

“Ay aba Mr. Lucas Ryder Bellandi sabi mo kanina wag kitang istorbohin diba? I tried to give those folders kanina pero anong sabi mo? ‘I told you not to interrupt me’ ginaya ko pa yung boses niya nung sinabi niya iyon sa akin

“I am doing my job properly sir. Di po ako galit ah, nag e-explain lang ako” tumalim naman lalo ang tingin niya sa akin

Umayos ako ng tayo bago magsalita ulit “Sir, I’ll just remind you that you’ll be having a meeting with an investor at two – thirty pm and you’ll have a board meeting at five pm” tumango lang siya sa akin kaya umalis na ako at ipinag patuloy ang ginagawa ko sa desktop.

Pinapagalitan niya ako kapag pumapalpak minsan tapos pagagalitan ko rin siya. kalma ka lang Lucas!




It’s been exactly three months since I started working for Lucas. Nasasanay na ako sa mga ipinapagawa niya sa akin at sa pagiging Executive assistant sa kanya.

Scam naman yung sinabi niya na hindi niya hahayaan na mapagod ako pag sa kanya ako nag trabaho. For acting purposes lang talaga!

Nagiging maayos na rin ang turingan namin lalo na kapag nasa bahay niya, bihira naman kaming magkausap dahil rekta kwarto ako pagka uwi namin. Lalabas lang ako kapag kakain na o di kaya kapag tatambay sa living room. Pero sa tatlong buwan hindi pa rin namin maiwasan na magsagutan at magka inisan. Lalo na kapag pinupuna niya yung mga suot ko

Ngayon ay nagising ako ng napaka aga dahil magsasabay kaming pumasok at mag hahanda ako ng agahan. Pagkaligo ko ay bumaba na ako, nagulat na lang ako nang makita ko siyang nagtitimpla ng kape.

Nanatili akong nakatayo sa tabi ng lamesa at nakapameywang habang iniisip kung hahatian ba niya ako sa mga hinanda niya

“Bakit ikaw ang nagluto?”

“Good morning to you too, Alessia. Eat your breakfast now” inilapit niya pa sa’kin ang plato

“Morning!” yan na lang ang tangi kong nasabi. Nagtataka man ay umupo na ako at nagsimulang kumain.

Pagkatapos kumain ay nagkanya-kanyang ayos na kami tsaka sabay na pumasok sa opisina niya.


“Sir, you’ll be attending a presenta –

“Cancel my meetings Alessia, we’ll be attending an event tonight” bastos di man lang ako pinatapos.

“Okay sir”

“We’ll go home after you cancel all of my meetings” Dumiretso ako sa desk ko at tinawagan lahat ng mga supposed to be meetings niya at pina cancel na rin ang presentations.

This is actually the first time na kasama niya akong pumunta sa isang event actually. I wonder what is this event at isasama niya pa talaga ako

When we got home nagsimula na akong mag ayos ng sarili ko.

I scan my closet to find a dress. Nauna pa akong mag ayos kaysa maghanap ng masusuot.

I chose the black deep v-neck, short sleeve, off shoulder and back less but it has a crisscross strap on the back. This dress is really fitted on the waist part kaya GG na later pag kumain

I wore my moon necklace and dangle earrings and next my stiletto. Itinali ko naman ang buhok ko into a messy yet elegant looking bun. Oha! Nag iwan lang ako ng mga strand sa gilid gilid. I saw my rose gold crown ring kaya isinuot ko na rin. Hindi ko ito nasusuot dahil tinago ko lang pagkabili ko. I actually bought this ring day before my graduation as a promise ring.

Kinuha ko na ang clutch bag ko at bumaba na. Nakita ko si Lucas sa balcony na may kausap sa phone at sakto naman na pag baba kong tuluyan sa hagdan ay humarap siya sa akin

He’s overly handsome tonight huh. Akalain mo nga naman nag mukhang tao pa sa formal attire niya. Sanay naman na akong makita siyang naka formal attire but I guess hindi talaga siya nakakasawang tignan

I saw him raised an eyebrow habang nagsasalita pero nakatingin pa rin sa akin.
I raised my eyebrow on him too nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin, don’t tell me pag papalitin niya pa ako ah.

Tumalikod ako para sana maglakad pero hinigit niya ang palapulsuhan ko
“Don’t you have any other dress Alessia?” I sighed heavily. I knew it!

“I do have pero wag ka nang umasa na mag papalit ako. Why do you have to be always like that Lucas?” Pumameywang naman ako at napansin na dumako ang mga mata niya sa ring finger ko saglit at ibinalik sa akin ang mapungay na tingin

“That’s too revealing Alessia” I don’t know why but everytime he calls me Alessia, it gives me chills but I loved hearing it from him

What is it that I am feeling?!

“This is fine Lucas! Wala kang magagawa ‘cause I won’t change my dress” He sighed and removed his coat para ibalot sa akin.

Kinuha naman niya ang left hand ko at nagsimula ng mag lakad. Naramdaman ko naman ang paghaplos at paglalaro niya sa singsing ko habang naglalakad kami.

Ano ba ‘tong mga ginagawa mo Lucas?

Tatlong buwan pa lang tayong magkasama sa iisang bahay pero bakit parang ang tagal tagal na kitang kilala sa pagiging kampante ko sayo and it seems like you have the ability to shatter the wall I build for a long time just to protect myself from any harm.

I am really clueless for these unexplainable nice things you are doing.

Ayoko nitong nararamdaman ko sayo!

I should stop this.

I shouldn’t expect anything from you Lucas Ryder Bellandi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top