CHAPTER 10

Boyfriend

“Pwede bang umuwi muna ako? Magpapaalam lang ako sa mga kasama ko sa bahay tsaka kukunin ko na yung mga gamit ko tsaka magfa-file na rin ako ng resignation sa pinagta-trabahuan ko”

I guess this is really my fate. I should learn how to use my brain now para hindi ako nalalagay sa alanganing sitwasyon.

He took a glance at me at ibinalik ulit ang atensiyon sa panonood ng interview ng isang model? Anong meron? Gerlpren niya?

“I already took care of it, you don’t have to file that thing and I’ll go with you when you go home”

“You don’t have to. Baka matagalan ako” tamad niya akong tinignan

“I don’t care Alessia. I’ll go with you”

“Okay, tara na. now na tayo umalis” he sighed as he turned off the tv and wore his white sneakers

Ngayon ko lang napansin na same outfit pala kami. Grey shirt, black pants though, he’s wearing short and white sneakers.

“Leave your bag here. Babalik ka rin naman dito” umirap ako sakanya at ibinaba ang bag sa sofa, kinuha ko na lang ang wallet at phone ko

Tahimik lang akong nakasakay sa BMW niya bukod sa iniisip ko talaga kung anong sasabihin ko sa kanila ngayon na nandoon pa naman silang tatlo sa bahay. Iniisip ko rin kung ilan bang sasakyan ang pagmamayari nito?

Napatingin ako sa side mirror at nakita ang buong itsura ng bahay niya pag nasa labas. Nasa medyo mataas na bahagi yung bahay niya kaya maganda ang makikitang view pag nasa loob at talaga ngang malaki ito kahit na tatlong palapag lang ang meron

Tumingin naman ako sa harap para abangan kung saan siya nakatira at nang makarating kami sa guard house banda may nakita akong nakalagay na El Haven Casa Village?! Sa pagkakaalam ko yung may ari nito yung may ari din ng Bellandi Heights Subdivision kung saan kami nakatira and based on what I’ve heard ang mahal ng mga house and lot dito.

Mukhang mayaman naman pala ang isang ‘to e, baka nga barya lang sa kanya yung pinambili niya sa Exelero

Wait? Bellandi? E diba Bellandi rin yung surname nung OB –GYNE ni Eloah? Tapos yung name ng hospital is Bellandi Medical Hospital kung saan ko hinalay yung sasakyan ni…. ni….. sino nga ‘to?

Oh my gosh? Sumasama na ako sa kanya e ni hindi ko pa nga pala siya kilala. Napa face palm naman ako sa narealized ko at tumingin sa lalaking nag da-drive ngayon

Seryoso ang mukha niya habang nag da-drive, nakatukod ang kaliwang siko sa bintana habang nasa bibig ang ilang mga daliri at ang kanang kamay ang tanging nakahawak sa manibela. He really got the looks huh. Ang amo ng mukha niya na mahahalata mo rin naman na may pagka playful

“Staring is rude” nagulat naman ako ng bahagya nang marinig ko siyang nag salita pero hindi ko na inalis ang tingin sa kanya

“Sino ka?” seryosong tanong ko habang nakatingin ng maigi. Napa baling naman siya sa akin agad

“Woman if this is your act again, you better stop it. I told you I won’t buy it” sabi niya at tumingin ulit sa harap

“Duh! Di ko naman binebenta tsaka I’m asking for your name. It’s so unfair na you know me tapos ako ni hindi kita kilala”
He smirked as he glanced at me

“You seriously don’t know me?” he asked with his raised eyebrow

“I wouldn’t ask you if I do. You used that head of yours” tinuro ko pa yung ulo niya “Not only that head” at tinuro ko naman yung isa pa

“Oh stop pointing Alessia and besides, you should have told that to yourself. Why are you in this situation right now huh? Maybe you’re not using your head as well” I gasped with what he said at tsaka siya pinalo sa braso

“How could you say that to me? That was just a mistake, okay? Just a mistaken identity” umayos ako ng upo as I crossed my arms at tumingin sa kalsada

“Mistaken identity my ass”

“Don’t believe if you don’t want to. Tsaka I’m just asking for your name hindi para magkwento”

“But I deserve to know why the hell you did that to my car! Huh? Why my car?”

“Cuz why not?” Nakita kong napapikit siya saglit dahil sa sagot ko. I will tell you naman pero not now. Tinatamad pa ako. Tumingin naman ako sa paligid ko at nakitang nakapasok na kami sa subdivision at isang liko na lang street na ng bahay namin

How the hell did he know?! At bakit hindi ko napansin na hinarang siya ng guard sa entrance? Tinignan ko siya with a visible questioning look in my face

He just chuckled as he sexily maneuver the steering wheel and the next thing I know is nai-park na niya ang sasakyan sa gilid ng gate namin

Ilang Segundo muna akong nanatili sa loob ng sasakyan at huminga muna ng malalim bago lumabas. Nang papalapit na ako sa gate bigla naman itong bumukas at nakita ko ang tatlong naka crossed arms. Napatigil ako at napalunok ng palihim

Damang dama ko ang kaba lalo na nung dumako ang mga tingin nila sa kararating lang na lalaki sa tabi ko

“Hi, you must be Alessia’s friends. I’m Lucas Bellandi. Her boyfriend. It’s nice to meet you” Boyfriend? Ah boyfriend! Boy……friend? BOYPREN?!

WHAT THE HECK?! Literal na nakanganga akong napatingin sa kanya at nakakunot pa ang noo

Nakita ko siyang inilahad ang kamay sa mga kaibigan ko para makipag hand shake.
Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nakangiti sa kanya habang tinatanggap ang kamay niya

Anong nangyayare?

“Nice to meet you too. Pasok tayo! Klerah, may utang kang explanation sa amin” Sabi ni Averill na may mapang asar na ngiti

Wala sa sarili ko lang silang tinignan dahil hindi ako makasunod sa mga nangyayari

“May utang ka rin na explanation sa akin” bulong ng lalaking nasa tabi ko. wow! Never in my life kong inasahan na mababaon ako sa utang!

When we’re inside already, I rushed to my bean bag placed beside the sofa bed in our living room and I just landed myself on it.

“Waaaaah! I missed you bean bag!” idinipa ko yung mga kamay ko na parang niyayakap ito. I’m really exhausted buti na lang at nawala na rin ang lagnat ko

“Klerah! Umayos ka nga, parang bata” sabi naman ni Eloah

Narinig ko ang lakas ng tawa ni Ailey. Ang lakas talaga tumawa nito e
“Bata naman talaga yan. Palagi nga napagkakamalan na high school yan everytime na magpupunta tayong bar” inabot ko yung unan sa sofa at ibinato sa kanya

“Pasmado ka tanga!” I pouted my lips as I sit properly still on my bean bag

“By the way, are you related to Doctora Laureen Bellandi?” Eloah asked the man sitting on the single couch na nasa tapat ko. Eloah and Averill are on the sofa tapos si Ailey naman ay nasa swing chair na nasa right side ko

But, why would he be related to Doc. Bellandi? Kilala nila siya? Nagpakilala na siya?!

“Yes, she’s my older sister” WHAT?! That’s why when I saw her I’m thinking of someone she looks like pero hindi ko matukoy

He’s a Bellandi…… Bellandi

What the hell! They’re really rich! They own the Bellandi Medical Hospital as well as the Bellandi Real Estate Corporations.

“So, how did you meet each other? Sorry ah, si Klerah kasi yung kilala namin na halos walang balak pumasok sa isang relationship kaya we’re really shocked at the same time happy knowing na may binigyan siya ng chance this time” Hindi ko na lang pinansin ang mga dinaldal ni Ailey at ininom ang juice na hinanda nila Averil

“We’ve met at the bar eight months ago, right baby?” Bigla naman akong nasamid sa narinig ko at nauubo – ubo ko siyang tinignan

He’s enjoying it! Such a demonic creature!

“Yeah” tamad kong sagot

“Kaya pala hindi ka na nakapag paalam sa amin nung time na yon Klerah! Kalian pa naging kayo ni Lucas?” ah Lucas pala name niya. Ang chaka

Tinignan ko si Lucas dahil hindi ko alam ang isasagot. Tinaasan ko siya ng kilay habang kumakain ng grahams

“Three months ago, when we’ve met again at the hospital” Napaubo nanaman ako dahil sa nabilaukan ako bigla sa kinakain ko. walang hiya ‘tong lalaki na ‘to! Tinignan ko siya ng masama at nginitian niya lang ako habang naka patong ang siko sa arm rest ng couch at naka hawak pa siya sa labi niya

“Ano ba Klerah! Wag mo sabihing kinikilig ka? Kanina ka pa nasasamid dyan” pansin ni Averill

“Ba’t ako kikiligin? May masamang something lang talaga dito sa mga kinakain ko” Automatic naman na lumanding yung palad ni Eloah at Ailey sa magkabilang braso ko

“Araaaaaay! Napaka mapanakit niyo!”

“Loko ka e. sabihan mo ba naman na may problema sa mga kinakain mo e sila mga gumawa niyan” sabi ni Averill sa akin. Tinignan ko ang dalawa na nakataas ang mga kilay kaya binigyan ko naman sila ng flying kiss na sobrang ikinalukot ng mga mukha nila

“Three months ago? Sa hospital? Klerah kaya pala ang tagal mo akong sunduin noon! Hindi naman pala kaibigan nung college yung nakita mo e. Suitor! Suitor mo yung nakita mo!” napapikit na lang ako at napatigil sa pag nguya dahil sa sinabi ni Eloah

“At bakit pala ngayon ka lang umuwi ha? Sinundo ka ni Lucas sa pinsan mo?”

“She’s actually with me. Nilalagnat kasi siya nung pauwi na galing trabaho at buti na lang nakita ko siya nang mag passed out siya” Paliwanag niya. Wala na, buking na ang kasinungalingan ko

“You, liar! Sabi mo you’re with one of your cousin? Nasa jowa mo ikaw sis!” tinuro turo naman ako ni Averill. Nag peace sign na lang ako sa kanya at nag flying kiss

Hindi pa ba matatpos ‘tong araw na ‘to?
Umayos siya ng upo bago magsalita ulit

“I’m actually here to tell you personally that I want my Alessia to move in my place” napayuko ako at napapikit ng mas mariin.
Huminga ako ng malalim para tignan sila at lahat sila mga nakanganga

“Sara niyo yang mga bibig niyo dai, walang langaw” Nagsiayos sila ng upo at nag aantay pa ng idudugtong sa sasabihin ni Lucas

“She’ll be my executive assistant so I can make sure na hindi siya mapapagod unlike when she’s working as a receptionist. I know hindi naman siya papayag na hindi magtrabaho kaya it’s much better if she’ll just work for me. Besides, I wanted to take care and be hands on to my girlfriend, my future wife” tinignan niya ako na parang in love na in love siya habang ako literal na naka nganga.

Nangangati na yung palad ko na ihampas sa kanya kaliwa’t kanan, taas baba pa.
Narinig ko ang pag tili ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi niya. Luh? Parang mga tanga.
Mga shunga! Nililinlang niya kayo!

“Pero, hindi ba masyado pang maaga para magsama kayo ni Klerah?” tama ka dyan Ailey! Real quick lang? ano ako? ganon ka easy to get? At bakit ba mukhang naniniwala ‘tong mga ‘to?

He looked at me straight in the eyes before he speak
“She caught my attention since the very first moment we’ve met and I decided to court her after that. Now, that she’s already my girlfriend I won’t let her go. Besides, I have a plan to marry her very soon.”
Bakit ba kanina pa niya nababanggit yang kasal at wife na yan?! Kinikilabutan ako!

“Go na Klerah sumama ka na” tinulak tulak naman ako ni Ailey para tumayo

Bakit ang dali nilang maniwala? Tsaka bakit ang bilis nila akong ipamigay?
Mygosh! Traitors!

“Ingatan mo yang kaibigan namin ah. If you did anything wrong to her I’ll make sure I’ll use all of my connections just to get even to you, Lucas Bellandi” napakunot ang noo ko sa tono ng boses ni Averill. She’s serious sometimes but this is the first time I heard her talking like that. I just shrugged my shoulders and looked at Lucas

He nodded his head “I’ll take note of that Averill Valdemero” Magkakilala ba sila?

“You go to your room sis, isama mo na si Lucas mag ayos ng gamit mo” sinunod ko na lang ang sinabi ni Eloah at tumayo na para pumunta sa kwarto. Naramdaman ko naman na nakasunod si Lucas sa akin

He roamed his eyes around my room at tumatango tango pa. I sighed heavily at tinignan ang mga gamit ko. mag pa-pack naman ako ng gamit ko. nakakasawa na!
Kinuha ko ang mga luggages ko at binuksan yung closet ko pero tinitigan ko lang ang mga ito

“You know what? I’ll just ask someone to do that. I know you’re tired already. Let’s go home” sabi niya ng nakasandal sa pader sa gilid ko habang nakatingin ng maigi sa mga mata ko. I AM HOME!

I sighed again and pouted

“Hindi na, ako na lang. Di ko naman dadalhin lahat” Humarap naman ako sa kanya ng nakapameywang nang may maalala.

“Bakit mo pala pinakilala yung sarili mo as my boyfriend? Ha?”

“Don’t you like that? You have a boyfriend now”

“Kung ikaw lang naman wag na! Okay pang tumandang dalaga na lang ako” He stared at me for a while and then shifted his gaze to somewhere. Foul ba yung sinabi ko? Napansin ko rin ang pagdaan ng sakit sa mata niya pero agad din niyang naiwala iyon

“Hoy Lucas, wag mo akong artehan ha. Magtutuos pa tayo. Kung ano anong sinasabi mo sa mga kaibigan ko” He bite his lower lip and a playful smile appeared

I started scanning my clothes, nilabas ko lahat ng mga dadalhin ko at inilagay sa kama habang siya naman ang nag tutupi at naglalagay sa luggages ko

I can’t really understand him. Nagugulat talaga ako whenever he does nice things to me, parang palagi kasi siyang may masamang dulot sa akin e. Maybe first impression lasts nga talaga

After almost two hours of packing my things, natapos din kami. Wala naman kaming pinag uusapan kaninang nag aayos dahil sobrang pagod ko na talaga at gusto ko na lang matapos sa ginagawa namin. It’s really exhausting! Nakahiga at nakapikit ako ngayon sa kama ko, wala pang balak na tumayo habang siya ay nasa ulunan ko na nakaupo at minamasahe ang ulo ko

I stilled when I realized kung anong ginagawa niya. Why is he nice to me all of a sudden? Baka naman scam ‘to? Maybe he’s just letting me get a rest for now tapos balik nanaman siya sa demonic side niya

I checked the time it’s already six – thirty in the evening. Nag inat ako ng katawan at kinusot kusot ang mata ko habang tumatayo

Sakto naman na narinig kong may kumatok at pinapababa na kami ni Ailey para sumabay sa dinner

Tahimik lang akong buong dinner at pagkatapos ay nagpaalam na kami. Buti na lang rin at hindi ganon kalayuan ang village nila Lucas dito kanila Averill para madali dali rin akong makakapunta

“You can sleep first, I’ll wake you up when we’re home” Lucas told me as he fixed my seatbelt

Isang malaking question mark talaga ang lahat ng kinikilos niya sa akin ngayong araw. Kung tutuusin ay dapat pinapahirapan niya ako dahil sa mga nagawa ko sakanya; imagine, I used my self –defense strategy to him during our first meeting tapos I even made his super expensive car an art pad.

I sighed again lightly and just position myself to sleep

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top