THE COLD-HEARTED'S FIRST LOVE (BRILLIANTES SERIES #4)

THE COLD-HEARTED'S FIRST LOVE (BRILLIANTES SERIES #4)

PROLOGUE

"WHAT is this, Michael?" I asked him nang bigyan niya ako ng invitation card. Of course alam ko naman kung ano ito but I want to ask him if para saan nga ba talaga ito.

"Invitation card, obviously. There's a big party at kailangan mong pumunta." Ang suplado niya. Kulang na lamang ay ikutan niya ako ng eyeballs niya.

I thought at that time ay may surprise siya sa akin and magkakaayos na nga rin ang relationship namin just for our son Lenoah but hindi.

Um-attend nga ako ng party para lang masaktan ng sobra. Because it was their engagement party. Akala ko noong una ay nagbibiro lamang si Kalezy. Alam ko rin naman na boyfriend na niya si Michael pero iyong harap-harapan akong nasasaktan ay iyon ang hindi ko nakayanan. Mabilis akong nag-breakdown.

"H-Hindi pa natin naaayos ang problema natin sa nakaraan, Michael. I kept your son from you for two years and even though nasaktan ako noon that you let me go, I chose na ipakilala kita kay Lenoah as his father. I'm the first one who tried to fix our relationship but... I also suffered because you don't want me anymore. Alam kong ang laki ng kasalanan ko sa iyo dati, Michael. I'm sorry but you gonna hurt me like this na harap-harapan pa? Michael, w-wala na ba talaga ? Don't you really love me anymore? Are you really giving up?"

"Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao, Novy, and besides matagal na iyon," walang emosyon na sabi niya. Napangiti ako ng mapait. He's right. Nagbabago nga ang feelings ng isang tao.

"I understand. Sorry, k-kung masyado akong makulit. I'm sorry if I'm still trying to fix our relationship because I'm just thinking about our son," mahinang sabi ko.

"You planned to frame me up so I can get back to you, Novy. Iyon ang pinakaayaw ko sa ginawa mo," malamig na saad pa niya.

"I'm sorry... N-Nagkamali ako..."

Minsan ko nang binitawan si Michael noon at nasaktan pa ako ng sobra. Pero makakaya ko naman kung bibitawan ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon, hindi ba?

Mahal na mahal ko si Michael. Pero ibang Michael na ang kilala ko ngayon. Wala na ang Michael na minahal ko dati at ako lang din ang pinahalagahan niya pero ngayon.

Ibang babae na nga ang nagmamay-ari ng puso niya at hindi na ako iyon.

"S-Sorry... I promise you... Hindi na ako... Hindi na kita kukulitin pa. B-Bibisitahin ko na lamang si Lenoah sa condo mo---"

"Lilipat din kami sa subdivision namin." Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Sunod-sunod ang pagtulo nito at sumisikip ng husto ang dibdib ko.

"Kung ganoon. S-Sa labas na lang kami magkikita," sabi ko at napasinghot pa ako. Hindi lang luha ko ang tumutulo, pati ang sipon ko.

"Bibigyan na lang kita ng schedule." Tumango ako.

"S-Sige, ah. M-Mauuna na ako," paalam ko at dahil nanlalambot ang tuhod ko ay muntik na akong mawalan nang balanse. Mabilis na nahawakan niya ang siko ko para alalayan ako pero binawi ko agad ang kamay ko. "I'm fine..." sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko saka ako nagsimulang maglakad.

"Novy..."

Paglabas ko sa hotel ay walang buhay na napatawa na lamang ako. Pati ang panahon ay nakikisabay rin yata sa pagkabigo ko at lungkot. Umuulan nang malakas at sobrang lamig din ng hangin. Bumubuhos din ang mga luha ko at talagang walang tigil ito.

"Novy! Are you insane?!" sigaw sa akin ng cousin kong si Devillaine. Nang makita nga niya ako na naglalakad at nagpapaulan lamang. "Novy!"

"H-Hayaan mo na ako, Devi. G-Gusto ko lang... magpakabasa sa ulan."

"Nababaliw ka na talaga! Alam mong madali kang lagnatin kapag nababasa ka ng ulan!" sigaw pa niya sa akin sabay hila sa braso ko ngunit nagpumiglas ako.

"I told you to let me go!"

"Novy..."

"N-Nasasaktan ako, Devi... G-Gusto ko lang... makalimot kahit saglit lang."

"Kung ganoon ay sa bar kita dadalhin. Sasamahan kitang maglasing kung gusto mo. Huwag lang ang ganito, Novy..." sabi niya at niyakap niya lamang ako. Umiyak lang ako sa balikat niya.

***

Mainit ang balita tungkol sa engagement party nila at kahit hindi pa engage sina Michael at Kalezy noon ay palagi siyang pumupunta sa gym kung saan nagpa-practice ang mga tennis player.

Ganito rin ang ginagawa niya sa akin. Manonood siya ng practice namin kahit umaabot pa siya ng isang oras ay hindi siya nababagot sa kahihintay sa akin pero ngayon... Ibang babae na ang pinapanood niya.

Dahil nabasa ako ng ulan kagabi ay nilagnat nga ako pero pumasok din naman ako kasi may practice nga kami. Malapit na naman ang competition namin pero nang mapansin ako ng coach namin na wala nga sa sarili kaya binigyan niya ako ng break. Balot na balot pa ako ng varsity jacket ko at talagang nilalamig ako.

"Novy! Hinahanap ka ng pogi mong boyfriend. Umiyak nang hindi ka makita!" sabi sa akin ng kaibigan kong tennis player din.

Kahit may sakit ako ay napangiti pa rin ako. Dahil kilala ko kung sino ang tinutukoy niyang poging boyfriend ko. It's my son.

Nakaharang ang net sa pagitan namin pero madalas ay iyon ang eksena naming dalawa. Nakahawak siya roon kaya lumuhod ako para mapantayan ko ang mukha niya. Namumula nga ang mga mata at ilong niya.

"Hi. Hinahanap mo ba ako, babe?" tanong ko sa kanya at napanguso siya.

"M-Mommy..."

"Bakit umiiyak ang poging boyfriend ko?" malambing na tanong ko sa kanya at akmang hahawakan niya ang magkabilang pisngi ko nang iniwas ko iyon. "May sakit ang girlfriend mo, babe. Bawal ang kiss, hug and touch dahil baka mahawa ang poging baby ni Mommy."

"I just miss my girlfriend," he said and chuckled softly.

"I miss you too, baby ko."

"Lapit ka po, Mommy. Ililipat mo sa akin ang fever mo tapos ilipat ko naman po kay Daddy."

"Ah. Kasama mo na naman ang karibal ng girlfriend mo, hmm?"

"Mommy..."

"I love you, Lenoah. Kita na lang tayo next time, babe. Promise puwede na ang kiss, hug and touch. Magiging okay rin si Mommy. Gusto mo cuddle in bed din?" tanong ko at kahit gusto ko siyang yakapin ay hindi naman puwede.

"I love you too, Mommy. Wait po kita," he said at nag-flying kiss pa siya sa akin. Nakangiting sinalo ko iyon at dinala sa dibdib ko.

Patakbong lumapit din siya sa Daddy niya. Hindi rin naman sila nagtagal pa rito at umalis na rin sila. Nakita ko pa nga ang paglapit ni Kalezy sa mag-ama ko at parang sinasaksak lang ako ng patalim sa dibdib.

"May lagnat ka naman pala, Novy. Bakit pumasok ka pa?" tanong ni coach sa akin at nakapamaywang pa siya.

"Practice po kasi, Coach," sagot ko.

"Kahit na. Go home, Novy. Magpagaling ka muna," she said and tapped my head.

"Sige po, Coach," ani ko at siya namang paglapit sa akin ni Kalezy. Alam kong aasarin na naman niya ako.

"Alam mo, Novy. After ng engagement party namin. Nag-check in pa kami sa hotel. Kaya pala patay na patay ka sa fiancé ko dahil ang galing pala niya sa kama. Grabe... Wala siyang tigil sa pag-angkin sa akin kagabi at umaga na kami natapos. Ngayon nga ay nararamdaman ko pa rin ang pagod ng katawan ko. Pero okay lang... Nag-enjoy rin naman ako. Nakailang rounds kami at wala kaming ginamit na protection kaya baka masusundan na rin ang anak niyo. Excited na ako sa magiging anak namin." Tila isang kutsilyo na naman ang mga katagang lumalabas mula sa bibig niya at kumikirot na naman ang dibdib ko. Pero hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kanya. Nanatiling matigas ang facial expression ko.

Mariin na napapikit ako kasi feeling ko ay sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit nito.

"Wala akong panahon na makipag-argument sa iyo, Kalezy. Tigilan mo ako."

"Apektado ka lang naman sa sinabi ko, Novy. Talagang hindi ka na nga mahal ni Michael. Don't worry, bibigyan pa rin kita ng invitation card para sa wedding namin," nakangising sabi niya.

"Kalezy, katulad nga ng sinabi ng fiancé mo ay tapos na kami. Wala na akong pakialam pa sa inyo kaya...tigilan mo na rin ang panggugulo sa akin," malamig na saad ko at saka ako tumalikod.

"Talaga? Nasasaktan ka lang, eh. Ginawa mo ang lahat para makuha ulit siya. Ginamit mo nga ang katawan mo pero wala pa ring epekto sa kanya kasi ako na ang mahal ni Michael." Mas lalong nanlalabo ang mga mata ko at parang nahihilo na rin ako dahil gumagalaw ang paligid ko.

"Sa 'yong sa iyo na si Michael, Kalezy. Wala na rin talaga akong pakialam pa sa isang bagay na binasura ko na," sabi ko pa at alam kong nagalit siya sa sinabi ko.

Naramdaman ko na lang ang pagtulak niya mula sa aking likuran at dumulas ang paa ko sa hagdanan. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon kaya ang alam ko lang ay nawalan ako nang balanse. Sa pagbagsak ko ay nadaganan ko pa ang kanang braso ko pero nakatukod din ang palad ko. Ramdam na ramdam ko ang mariin na pagkirot nito pero hindi lang iyon ang nangyari sa akin.

Parang isang gulong lang ako sa hagdanan at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay.

Naririnig ko ang malakas na sigawan sa paligid ko pero unti-unti ay humihina ang pandinig ko. Hindi ako sure if hanggang dito na lamang ba ako pero inaamin kong natakot ako. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Ilang segundo ang nakalipas ay kinain na ako ng kadiliman.

P.S: Next year pa po ito, dudes at hindi pa rin po tapos ang story nina Mergus at May Ann. 75 chapter na po siya.

Reminder: No cheating po ito, pero si Michael walking green flag po siya pero hindi na sa susunod.🤣 At saka next time ay ang side naman ni Michael ang isi-share ko.

Hayan na rin ang prologue ng TCFL.💗
Author: Lyn Hadjiri

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top