EPILOGUE (2)

PAGDATING namin sa Philippines ay ang burol agad ang dinaluhan namin. Dahil kailangan na nandoon ako. Mommy iyon ng matalik kong kaibigan. Isinama ko roon si May Ann dahil hindi naman puwedeng pabayaan ko na lamang siya gayong kung tutuusin ay first time niya pa lang ito kahit minsan na talaga siya nagpunta rito pero matagal na nga iyon.

Kumunot naman ang noo ko nang hindi ko siya makita sa kuwarto niya. Literal na bumalik talaga ako. Nakatanggap naman ako ng text message from Reixen at nandoon daw si May Ann kasama pa niya ang nakababata kong kapatid na pinakapilyo pa naman sa lahat. Si Miko.

Agad akong nagtungo roon at nadatnan ko silang kumakain ng street foods. Mukhang nagkakasiyahan na nga silang lahat.

“Ano ’to reunion? Isinama niyo pa rito si May Ann? Miko,” agad na sabi ko at wala talaga kasing lamig ng boses ko.

“Nandito na pala si Gus. Man, alam mo bang dini-date ng utol mo ang fiancé mo?” Napatiim bagang ako sa sinabi ng kaibigan ko. Among dini-date naman iyon? Tss.

“Hindi,” sagot ko at umupo ako sa gitna nina Miko at May Ann. Literal na pinaghihiwalay ko silang dalawa.

“Kuya... Ang laki naman ng space sa kabila, ah. Huwag ka rito,” reklamo ng kapatid ko.

“Tumahimik ka, Miko,” suway ko lang sa kanya at saka ko ibinaling ang tingin ko sa fiancé ko.

Yes, she’s my fiancé now kahit hindi pa kami officially na pinapakilala sa lahat ay iyon na nga ang role namin. Walang emosyon ko nga siyang tiningnan.

“What? Why are you looking at me like that?” balewalang tanong niya. Siya talaga ang tipong babae na walang kinakatakutan. Masyado siyang matapang na babae at alam niya kung kailan siya mambabara sa isang tao.

“Hindi ka ba pagod sa biyahe natin kanina? Wala kang jetlag at nakuha mo pa ang lumabas ng ganitong kalalim ng gabi? At nakuha mo pa ang makipag-usap sa mga taong ito na hindi mo naman kilala?” I asked her coldly but inosenteng tiningnan niya lang ang kasama namin ngayon.

“Hey, Gus. Ano naman ’yan?”

“Ang harsh mong magsalita, ah.”

“May problema ka ba, Gus? Bakit ganyan mo kinakausap ang fiancé mo?” tanong sa akin ng mga kaibigan ko na kahit isa sa kanila ay wala akong pinansin.

“I’m just worried. She’s my girl at hindi pa siya nakakapag-adjust dito and besides hindi siya pamilyar sa lugar. At ayokong nakikipagkuwentuhan siya sa inyo dahil mahirap siyang pakisamahan,” sabi ko lang.

Napatitig naman ako sa leeg niya. Gusto ko tuloy ngumisi dahil lang sa nakita ko kaya inakbayan ko pa siya at humilig palapit sa kanya.

“Eh?”

“Overprotective ka na niyan?”

“Miss... Noong nagsuot ka ba ng damit mo ay wala kang napansin sa leeg mo?” I whispered.

“Why did you asked me that?” she asked in confused. Hindi niya ba ito napansin kanina? O baka wala lang siyang alam kung ano nga ba talaga ang nasa leeg niya?

“May chikinini ka rito,” sagot ko at hinagod ng daliri ko ang tinutukoy ko. Naramdaman ko naman na tumayo ang balahibo niya at nabigla pa siya.

“What is chikinini?” God. Too innocent at hindi man lang alam ang bagay na iyon.

“Kissmark. Wala ka ngang kaalam-alam sa bagay na iyon. Miss, confirmed that you are innocent,” I said and smirked. I stared at her neck again.

“Who are you to put that things on my neck? You bastard...” she hissed me. I just chuckled. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng ganoon

“I will put that things on your thighs, next time kung pagbibigyan mo lang ako, Miss,” I foolishly said.

“You’re such a pervert,” she blurted out and rolled her eyes.

“Uh-huh? And you have mole in your left breast.”

“Stop it, will you? You’re not even funny and remove your arm...” Tinanggal niya nga ang braso ko pero ibinalik ko pa rin iyon.

“Hindi ka ba nalalamigan sa suot mo?” tanong ko at napatitig ako sa balikat niya.

“Hoy, Gus. Huwag nga kayong magbulong-bulungan diyan. Nandito pa kami, ah...”

“Kuya, panira ka talaga ng date.” Doon naman nakuha ni Miko ang atensyon ko.

“Who gave you the permission to date my fiancé, Miko?”

“Just wow...”

“Gus, bakit hindi mo sinabi sa amin na ikakasal ka na pala?” tanong ni Reixen sa akin.

“Ikakasal? Wala pa ang engagement party namin at hindi pa alam kung kailan,” paliwanag ko.

“Kung ganoon, may pag-asa pa pala ako na kunin mula sa 'yo ang fiancé mo?”

“What do you mean by that?” Si Zero naman ang binalingan ko dahil sa sinabi niya.

“Balak kong itanan ang fiancé mo,” sabi niya.

“Kaya pala ayaw mo ng makikisiksik sa love triangle niyong tatlo dahil balak mo kina Kuya at May Ann na?” Miko asked him.

“I just feel it na ayaw naman ni Gus sa fiancé niya...”

“Zero, grabe ka naman, ay. Psychiatrist doctor ka lang at dapat iyong mga pasyente mo ang inaalala mo. Huwag ang feelings ni Gus,” suway ni Levia sa kanya.

“I’m telling the truth. Mergus is physically attracted to his fiancé but deep inside...may ibang babae siyang nagugustuhan,” Zero muttered. Wala akong alam sa sinasabi niya.

“Miko, umuwi na tayo,” pag-aaya naman ni May Ann sa aking kapatid. Hinayaan ko na lamang siya.

“Ha?”

“Zero naman, eh!”

“Totoong mas gusto mo ang kapatid niya, Gus?”

“Tapos sinabi mo talaga iyon sa kanya?”

“Ano pa ang ginagawa mo, Gus? Sundan mo na siya.”

“Ayoko. Hindi naman kami magkasama na pumunta rito, ah,” I told them. Safe naman kung si Miko ang kasama niya kaya bakit pa ako mag-aalala sa kanya?

“Ganyan mo tratuhin ang magiging wife mo, Gus?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Levia.

“Gus, bad manners iyon. Tandaan mo na babae pa rin naman siya,” segundo ni Reixen.

“Shut up. Kailangan ko siyang iwasan dahil kinikilabutan ako!” sigaw ko at kinain ko lang ang fishball ni May Ann.

“What do you mean by that, Gus?” nalilitong naman ni Reixen.

“Alam ninyo na ba muntik nang may mangyari sa amin?”

“Ha?!”

“Kung hindi lang pumasok kanina si Miko ay baka ngayon ay hindi pa kami tapos sa kama,” I said flatly at napaubo naman si Levia.

“Ano naman ang ibig mong sabihin doon, Gus?”

“I don’t know, it’s just that when my body wash and shampoo that she used, her body was like a magnet and I didn’t realize that I was close to her. She smells so good and I feel like I’m losing myself. All I wanted was to smell her, kiss her and caress her skin. Shet... Her body was so soft and she was so hot that I liked being close to her. Nababaliw na talaga ako...” sabi ko at nagawa ko pang sabunutan ang buhok ko.

Ilang minuto pang naghari ang katahimikan saka sila nagsalita ulit.

“Tama ka nga, Zero. Attracted talaga siya kay May Ann,” Levia said.

“Tama. Baka iyon nga ang dahilan kung bakit...”

“Puwede rin na isang pagnanasa iyon, Gus,” seryosong sabi ni Zero at natigilan naman ako. “Normal ang makaramdam ng ganoon sa isang babae. A lúst...”

“No... Ngayon ko lang ito naramdaman o baka tama ka rin,” naguguluhan na sabi ko.

“Masama iyan, Gus. Dahil baka isipin ng fiancé mo na gusto mo lang na mag-ano, basta,” sabi naman ni Reixen. Napahinga ako nang malalim.

“Nagsisimula pa lamang ako bilang magkarelasyon. Kaya sa ngayon, dapat iwasan mo muna siya, Gus. Pigilan mo muna iyang nararamdaman mo na masyado pang maaga para gawin iyon,” sabi pa ni Zero.

“She’s my fiancé. Responsibilidad ko na siya ngayon dahil soon, titira na siya sa condo na kasama ko,” problemadong sabi ko. Kaya hinatid ng family driver namin ang mga bagahe niya sa condo ko dahil iyon naman talaga ang plano ni Grandpa.

“Gus, hayaan mo muna na kilalanin ninyo ang isa’t isa at dahan-dahan muna. Parang hindi nga kayo bagay, eh. Pss. Masyado kayong cold, iyon ang napapansin ko sa inyong dalawa kanina. But...kung titingnan din ay parang bagay naman kayo.”

“Me rin, Zero,” sabat ni Levia.

“Okay, fine. Iiwasan ko muna siya sa ngayon at hindi ko siya papansinin,” sabi ko.

Ginawa ko ang lahat para iwasan siya.  Pinipigilan ko lang din ang pansinin siya at sulyapan.

***

“Kadarating mo lang, Kuya?” tanong sa akin ni Miko nang maabutan ko pa siya sa labas ng kuwarto niya.

“Si May Ann?”

“Nasa kuwarto ko, Kuya. Pasok ka?” Binuksan ko ang pinto ng kuwarto niya at malakas siyang natawa.

“Miko.”

“Bakit naman po siya papasok sa loob ng kuwarto ko, Kuya?” natatawang tanong pa niya sa akin.

“Kanina ka pa, Miko. Isa na lang talaga,” banta ko sa kanya.

“Kuya, si May Ann. Parang si Theza baby lang siya. Tawagin ko kaya siyang May Ann baby? May Rea baby na rin si Kuya Markin. Si Kuya Michael na lang ang hihintayin ko,” nang-aasar na sabi pa niya sa akin. Malokong tao talaga siya kahit na kailan. “Nakikita ko na mabuting tao si May Ann, Kuya. Mabait siya kahit nakikita mo siyang malamig masyado. Kilalanin mo muna siya at sa tingin ko. Walang pinipili si Grandpa na puwedeng ikapahamak natin in the near future,” paalala pa niya.

Ginulo ko ang buhok niya at tinulak siya papasok sa kuwarto niya. “Matulog ka na lang, Miko,” sabi ko.

“Basta, Kuya. Huwag mong kalimutan iyon!”

“Oo na. Sige na magpahinga ka na,” saad ko at isinara ko pa ang pintuan saka ako nagtungo sa silid ko. Pero nagsalubong lang ang kilay ko nang pipihitin ko na sana ang doorknob nang hindi naman mabuksan. “Why did you locked this, May Ann? Open the door.” Wala akong narinig mula sa loob. Imposibleng tulog na siya. “May Ann! Bubuksan mo ba 'to o sisirain ko na lang? Isa... dalawa...” Wala talagang pakialam kung sisirain ko ang pinto kaya iyon na ang ginawa ko. “Alam mo ba---”

“Paano ko makukuha ang puso mo?” putol niya sa sasabihin ko. Nadatnan ko siya sa kama nakaupo lamang.

“Makuha ang puso---ano? Ano ang pinagsasabi mo riyan?” nagtatakang tanong ko.

“Ang puso mo... Paano ko iyon makukuha?”

“What are you talking about? I don’t understand. Ano’ng puso iyon?”

“Paano mo ako... magugustuhan?” muling tanong niya.

“Paano kita magugustuhan? Kahit magkamukha pa kayo ng kapatid mo ay hindi pa rin kita magugustuhan at kahit mas maganda ka pa kaysa sa kanya ay hindi pa rin ako magkakagusto sa 'yo. Si Arveliah, siya lang ang babaeng gusto ko,” sabi ko na parang labas sa ilong ko ang mga sinabi ko lahat pero tinawanan ko pa rin iyon.

“Paano kung sasabihin ko sa 'yo na gusto kita?” Natigilan naman dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

“Nagpapatawa ka ba? Paano mo---”

“I plan to like you. Huwag kang assuming. I just said that para maging aware ka sa gagawin ko next time.” Mabilis niya ring binawi. Shet.

“Seriously? Pinaplano ba ang pagkagusto sa isang tao?” naiinis kong tanong.

“Ano-ano ang mga katangian mo? Maliban sa...ang pangit nga ng attitude mo.”

“Hindi mo ako magugustuhan. Dahil ibang-iba ako sa mga lalaki---”

“Hindi ka gentleman, hindi ka marunong makiramdam sa feelings ng isang tao kapag nagsasalita ka ng hindi maganda sa kanila. Yes, straight forward kang tao pero tandaan mo na may kinalalagyan ang pagiging prangka mo. Hindi lahat ng mga tao ay makukuha ang salitang gusto mong sabihin. Masama man ito o hindi ay iba pa rin ang iisipin nila at tatanggapin nila na isang masamang judgement mula sa 'yo. Engineer Mergus, mas mahalaga nga ang opinyon mo sa isang bagay at ika ng lahat, saktan mo siya sa katotohanan at huwag ang puro kasinungalingan. Pero paano na lamang kung may sakit sa puso ang taong iyon at pinagsabihan mo siya ng masasamang salita? Paano na lang kung may depression ito at malaking problema ang kinakaharap? Para sumama lalo ang loob niya? Na kung minsan...mas ayos na ang manahimik ka na lamang at hayaan na sila. Tandaan mo rin na may kanya-kanya tayong buhay at imbis na pakialaman mo sila ay ang buhay mo na lang ang pagtuunan mo ng pansin. Kung mananahimik ka ay walang masasaktan,” mahabang saad niya na ikinatahimik ko.

“Matulog ka na lang at masyado ng malalim ang gabi,” utos ko pero hindi man lang siya nagsalita. “Go to sleep. Sa sahig ako matutulog,” I added.

Naglatag lang ako sa sahig para ro’n humiga. “Hindi ba kung ayaw mo sa isang tao...ay hindi mo siya natatagalan na makasama sa iisang lugar?”

“Kayang pagtsagaan. Alam mo, matulog ka na nga. Bukas ka ng magdaldal sa akin.”

Nang nagiging malamig nga ako sa kanya ay si Zero naman ang magpapansin. Paunti-unti ko naman nakilala si May Ann. Nalalaman ko ang dapat ko talagang malaman.

Allergic siya sa mga pusa kaya ganoon ang reaction niya kapag nakikita niyang may hawak akong pusa. Hindi ko man lang nalaman at napansin agad iyon. Nalaman ko na lamang nang makita ko na ang pulang pantal sa balat niya tapos napaso pa siya ng dahil sa akin. Si Zero lang talaga ang may alam sa lahat.

Isa siya hinahangaan ni Arveliah dahil matalino nga siya at isa pang engineer. Kaya ang plano ko para sa kanya ay gamitin ang profession niya rito. Isinama ko siya sa team namin pero hindi ko inaasahan na makukuha niya ang atensyon ng mga lalaki sa site. Iyon ang mas kinaiinisan ko.

“Come closer,” utos ko sa kanya.

“Ano po ba talaga ang relasyon ninyong dalawa?” tanong naman nila sa akin na hindi ko na nasagot pa.

“I heard...ang kapatid ni Engineer Vallejos ay girlfriend ni Engineer Brilliantes.”

“Wow, really? Wala naman sigurong magaganap na third party, right?”

“Stop it, nasa trabaho tayo,” sita ko sa kanila at hinila ko sa braso si May Ann dahil susuotan ko siya ng hardhat niya.

“I can handle naman,” she said and I nodded.

“Yes, you can. My future sister-in-law?” Ang sagot niya kasi kanina ay ang kapatid niya ang girlfriend ko.

“Mukhang favor naman sa ’yo, eh. Admit it, you like the idea that you’re my sister’s boyfriend,” she blurted out.

“I don’t think so, Miss Engineer,” I fired back. “At kung makakarating ito kay Grandpa---”

“Not my problem anymore,” sabat niya. “Hindi sa akin magagalit si Grandpa Don Brill,” utas niya.

“You stress me out, Miss,” nasabi ko na lamang at nang mahina siyang humalakhak ay napatitig na lamang ako sa maamo niyang mukha. Ngayon ko lang kasi siya nakitang tumatawa. “Ibang klase talaga.”

“Be kind to me and I do same way, hmm Engineer Brilliantes?”

“Stay still and don’t move,” matigas na saad ko dahil ang likot niya masyado.

“Akala ko ay sa ’yo na ako dahil sa sinabi mo kanina. Nagulat nga ang team natin, eh.”

“Ang kulit mo,” sabi ko.

“Tapos na kami, engineers. Tara na? Let’s check it?”

***

“Hindi ba magseselos ang girlfriend mo, Engr. Brilliantes, kung ang kapatid niya ang kasama mo ngayon?” tanong ni Architect Larvae sa akin. Oras iyon ng lunch namin at sabay-sabay kaming kumakain.

“Stop it. She’s my fiancé.” Hindi ko na nga napigilan pa na sabihin sa kanila ang katotohanan. Bakit ba kasi ako dini-deny ng babaeng ito.

“Fiancé mo na pala? May LQ kayo kaya ganito ang trato ninyong dalawa sa isa’t isa?”

“I’m done,” I uttered and stood up from my seat.

“Hindi pa tapos ang pagkain mo, Engineer,” sabi naman ni Engineer Larvae.

“I’m full,” tipid na sagot ko.

***

“Wake up, Miss...” Tulog mantika siya. Kanina ko pa siya pinipilit na gisingin pero ni hindi man lang siya umungot. Ang himbing pa rin ng tulog niya. Kaya nagawa ko siyang pagmasdan ng ganitong katagal. Tapos na nga rin akong nagluto ng breakfast namin bagay na hindi ko naman madalas ginagawa.

I caressed her face. Sobrang lambot nito at ang kinis pa. Wala man lang akong nakita na kahit na anong pimples. Ang tangos ng ilong niya.

Dahan-dahan na bumaba ang mukha ko at kinintalan ko nang marahan na halik ang mga labi niya. Hinaplos ko pa ang gilid nito at inulit ko ang ginawa ko. Walang reaction kaya ang ginawa ko ay binuhat ko siya para ipasok sa banyo at doon lang siya tuluyan na nagising.

***

“What?” masungit na tanong naman niya nang mapansin ang matagal kong pagtitig sa kanya. Kasalukuyan na kaming lulan ng kotse ko at patungo na sa site.

“Nothing,” sagot ko lang.

“Kakain na ako here. Wala kang coffee?” she asked. Nagluto na nga ako ng breakfast at hinanda pa iyon para makakain siya habang bumibiyahe kami.

“Sa blue tumbler. Alam kong mahilig ka sa kape at ang isa naman ay tubig ’yan,” sabi ko at sinulyapan ko siya. Hindi pa niya nasusuot ang seatbelt niya. “Miss, fasten your seatbelt.”

“Alright.”

“May rice omelet diyan,” ani ko dahil ang sandwich lang ang kinakain niya.

“Ba’t ang dami mong hinanda for breakfast? Maliit lang ang appetite ko.”

“Later. Nagmamaneho pa ako,” tanggi ko nang ilapit niya sa akin ang sandwich na kinakain niya.

“Ikaw na ang sinusubuan ay ayaw mo pa? Si Michael, mas gusto niya yata ang sinusubuan siya.” Isa pang batang iyon. Binibida niya sa akin na sinubuan daw siya ni May Ann ng pizza pero napagalitan ko rin dahil ibinigay niya rito ang alaga kong pusa. Eh, allergic ang isang ito.

“Iyong pizza ba iyon? Iyong kinukulit niya sa akin kanina pa. Iyong rice omelet ang gusto ko.” Nanadya talaga siya. “Paano ako kakain kung nagmamaneho ako?”

“That’s your problem,” she answered.

“Feed me,” mariin na utos ko na ikinangisi naman niya.

“Beg, beg it, Engineer Mergus.” Fvck that.

“Feed me, baby please?” Naging masurunin naman siya pero ang daming sinubo sa akin na halos hindi ko na malunok pa. “Shet, pápatayin mo yata ako, eh,” reklamo ko sa kanya.

“I won’t do that,” I told me.

We’re pretty I can say that pero nagagalit talaga ako sa tuwing naaalala ko na ayaw niya sa kapatid niya.

Nagawa pa niya itong paghintayin sa airport kaya iniwan ko siya sa restaurant para lang sundin ang kanyang kapatid. Ang kaso lang ay pinagsisisihan ko pa rin ang ginawa kong pang-iiwan sa kanya.

Iba naman ang iginanti niya sa akin. Ang kakambal ko pa kaya sobrang nagalit na naman ako lalo na ng hindi niya ako agad nakilala.

Muntik pa siyang umalis sa condo namin nang mag-away nga kaming dalawa.

Kinabukasan nga ay nagising ako na wala na siya kaya tinawagan ko ang phone niya pero cannot be reach naman.

Sa kung saan-saan ko na siya hinanap. Hindi pa naman siya pamilyar dito, eh. Naisipan ko rin na magpunta sa mansion ni Grandpa at doon ko lang nalaman na magkasama sila kaya nagtipa ako ng mensahe para sa lolo ko.

“Grandpa, kasama ninyo po ba ngayon ang fiancé kong si May Ann?”

Hindi sumagot si Grandpa sa text message ko at ilang beses din akong tumawag sa kanya bago siya sumagot.

“Grandpa, ang sabi po ng kasambahay ninyo sa mansion ay may kasama kang magandang babae kanina. Fiancé ko po ba iyon, Grandpa?” agad na tanong ko.

“Sigurado ka ba na fiancé mo ang kasama ko, hijo? Bakit mo hinahanap sa akin ang fiancé mo? At bakit mo pala siya hinahanap? Inaway mo ba siya?” seryosong tanong ni Grandpa. Bayolenteng napalunok tuloy ako. Baka malaman niya na inaaway ko nga ang fiancé ko.

“No, Grandpa. Hindi na po kami bata para mag-away pa,” tanggi ko.

“Eh, bakit sa akin mo hinahanap ang fiancé mo? Nasa iisang bubong lang kayo, apo.” Iyon nga ang hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

“Hindi po ba ninyo kasama si May Ann, Grandpa? Baka kasi dumaan siya sa mansion kanina?” giit ko kasi malakas ang kutob ko na kasama niya si May Ann. Ayaw niya lang talagang sabihin sa akin ang totoo.

“Malay ko, hijo. Hindi ko naman siya fiancé, ah.” Parang bata naman si Grandpa, oh.

“Opo, hindi po ninyo fiancè. Sa akin nga po siya. Grandpa. Nasaan po ba kayo ngayon? Nasa golf club po ba kayo? Ako na po ang susundo sa inyo,” suhestiyon ko para lang malaman ko kung nasaan siya ngayon.

“Hmm... No need. Uuwi ako mamaya. Kasama ko ang assistant ko. Sige na, hanapin mo na ang nawawala mong fiancé. Baka mamaya pa niyan ay nasa Italy na iyon.” Nagsalubong naman ang kilay ko. Bakit naman sa Italy? Eh, sa Canada iyon.

“Baka sa Canada po, Grandpa. Bakit naman siya pupunta sa Italy?”

“Aba malay ko naman. Alamin mo kung curious ka. Sige na, busy ako, Mergus.”

“S-Sandali lang po, Grandpa---” pinatay na nga niya ang tawag. Napabuntung-hininga na lamang ako at wala na akong choice pa kundi ang humingi ng tulong kay Kuya Markus.

“May ginagawa ka na naman na hindi maganda sa fiancé mo, Mergus?” seryosong tanong nito sa akin nang puntahan ko na siya sa opisina niya at nakikita ko na abala nga siya sa trabaho niya. Ang daming paper works ang nakatambak sa mesa niya.

“Nagkasagutan lang po kami kagabi, Kuya. Nagising na lamang ako na wala siya sa condo,” paliwanag ko.

“Sa mga oras na ito ay nasa hotel na sila.”

“Ano naman ang gagawin nila sa hotel, Kuya?!” I asked him in surprise.

“Lower down your voice. Wala silang gagawin. Umayos ka nga, parang may gagawin sila kung makaasta kang ganyan. Sige na, puntahan mo na siya,” pagtataboy nito sa akin.

Pati ang number ng private suite ay ibinigay sa akin ni Kuya Markus kaya nang mag-doorbell ako ay siya agad ang nagbukas nito pero mabilis naman niyang isinara.

“Open this dámn door, May Ann!” sigaw ko dahil pinipilit niyang isara ito kaya nagtulakan lang kami sa pintuan.

“Ayaw ko nga. Sino ka ba para sundin ko ang inuutos mo, ha?” malamig na saad niya.

“Buksan mo ’to at papasukin mo ako,” utos ko.

“Malalim na ang gabi. Hindi na puwedeng pumasok pa ang mga lalaking katulad mo sa room ng girls.”

“Miss, I’m your fiancé!” may bahid na galit ang boses na sigaw ko sa kanya.

“And you left your fiancé inside the restaurant just to fetch the other girl. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng fiancé mo sa ginawa mong iyon?” she fired back. Shet, nagsisisi na nga ako, eh!

“I was just angry dahil naghihintay siya sa ’yo sa airport pero hindi mo siya sinundo!” It’s my fault, okay fine...

“Engineer, I didn’t know about her arrival and it’s too late to read her text message because you already fetched her! Pabida-bida ka kasi!”

“Exactly!”

“Yes, exactly! She’s my sister at ako lang dapat ang mag-aalala sa kanya. Hindi ikaw! So, go away at huwag mo na akong guguluhin pa! Just marry my sister and leave me alone!”

“Masasaktan ka kapag hindi mo binitawan ang pinto at buksan iyan, Miss,” pananakot ko sa kanya.

“I will call the guards at sasabihin ko na nanggugulo ka sa akin! Paano mo ba nalaman kung nasaan ako ngayon, ha?!” naiinis niyang tanong.

“Miss... Bubuksan mo ba ang pintuan o wawasakin ko na lamang ito? Mamili ka...” Kanina pa talaga ako nagtitimpi.

“Ayoko. Puntahan mo na lang ang kapatid ko at sa kanya ka na lang manggulo! Ang pinto ng room niya ang wasakin mo, cause I don’t care!” Malakas na binuksan ko na lamang ito at mabilis ko naman siyang hinawakan sa siko para hindi siya bumagsak.

“This is your first warning, Miss. Kung mauulit pa ito ay baka kung ano pa ang gawin ko sa ’yo. Tatlong warning lang ang mayroon ka at ngayon ay dalawa na lamang,” I warned her. Seryoso ako sa sinabi ko na bibigyan ko siya ng warning. Matigas pa naman ang ulo niya.

“At ano naman ang gagawin mo sa akin, ha? Are you going to hurt me?”

“Miss... Wala sa pamilya namin ang nananakit ng pisikal sa mga tao. Especially girls. Baka ibang sakit ang mararamdaman mo,” giit ko naman.

“What? What are you talking about?”

“Your punishment? Buong magdamag ay hindi kita titigilan,” sabi ko.
“Ewan ko sa ’yo, hindi kita maintindihan!” she exclaimed at tinulak pa niya ako. Mabilis siyang sumampa sa kama at nagbalot ng kumot. “Get out. I’m goin’ to sleep na.”
Hindi siya nagreklamo na bigyan ko siya ng warning. Kahit alam niya na mapapagod nga siya pero baka hindi niya lang naintidihan agad dahil napabalikwas pa siya nang bangon. “You’re such a pervert!”

“Ngayon naintindihan mo na. Tandaan mo na may two warning ka na lamang, Miss. Seryoso ako sa parusang ibibigay ko sa ’yo. Hindi ako titigil hangga’t hindi ka makikiusap sa akin na tigilan na kita.”

“Urgh! Get out of my room!”

“Matutulog ako rito sa ayaw mo o sa gusto mo.”

Doon ko rin nalaman na may insomia niya at nahihirapan nga talaga siyang matulog sa gabi. May iniinom pa siyang sleeping pills. Gusto ko pang mas makilala siya, that’s my plan to do.

She lost her first warning and that’s my cue na ipakita sa kanya kung ano ba ang kaya kong gawin sa kanya but in the end ay umiyak pa rin siya.

“Hush now, baby...” pagpapatahan ko sa kanya pero panay pa rin ang pagbayo niya sa likod ko. Parang sobrang saya ko lang sa mga oras na iyon habang nakikita ko siyang umiiyak dahil alam ko naman kung ano ang dahilan.

“What do you think about my nípple, it’s just a toy that you can bite whenever you want, ha?!” sigaw niya sa akin. Okay, that’s my fault. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko na kagatin ang pink nípple niya. That’s one of my favorite parts of her body.

“Dámn it, baby. Nasaan na ang fiancé ko na super strong ng personality niya? Bakit nasa harapan ko na ngayon ang May Ann na cry baby pala?” nang-aasar na tanong ko sa kanya at umiiyak lang siya.

“I-I hate you...” humihikbing sambit niya kaya mas natawa lamang ako nang malakas.

“You’re such a cute baby,” I said as I planted a kiss on her lips. “Ano ba ang gagawin ko para mapatahan ka na?” malambing na tanong ko sa kanya.

“Kanina ka pa nanghahalik sa akin!” reklamo niya pero iniangat ko lang ang baba niya at mariin kong siniil ng halik ang mga labi niya. Nagawa ko pang kagatin ang pang-ibabang labi niya. I’m addicted to her lips and kiss. Fvck this addiction.

“Ang cute mong panoorin habang umiiyak ka. Namumula ang ilong mo,” sabi ko at ibababa ko na sana ang bra niya nang malakas niyang pinalo ang kamay ko. “Wala na akong gagawin sa ’yo. I just want to check it, Miss.” Nang tingnan ko iyon ay namumula na nga at bakas ang ngipin ko rito. Mas lumakas naman ang pag-iyak niya nang makita niya ito. “Hmm... Sumobra yata ang pagbaon ng ngipin ko at alam kong mamamaga ito mayamaya lang. I’m sorry...”

“Pagkatapos mong kagatin iyan ay mag-so-sorry ka lang sa akin?!”

“I just want to give you a lessons. Remember your last warning, May Ann... Hindi ako magiging mabait sa ’yo kapag may punishment ka na ulit,” I muttered.

“H-Hindi ko pa nga nalalabag ang three warning mo ay may punishment ka nang Ibinigay sa akin,” malamig na sabi niya.

“Kasi...hindi mo ako siniseryoso,” laban ko naman sa kanya.

“Hindi mo rin siniseryoso ang relationship natin. May araw ka rin sa akin,” banta pa niya na ikinailing ko naman.

“I’ll wait for my turn then, baby. Let’s see kung ano ang gagawin mo sa akin. Kukuha lang ako ng yelo, wala tayong ice compress.” Nang kukuha na nga ako ng yelo ay may kumatok sa pintuan ng opisina ko rito sa site. “Who was it?”

“It’s me, brother. Bakit ba naka-lock ang pintuan mo? Buksan mo.” Boses iyon ng kakambal ko.

“Mamaya ka na pumasok, Kuya. May ginagawa pa ako,” sabi ko at nilapitan ko ulit ang fiancé ko.

“What? Ayokong maghintay sa labas. Mainit dito, open the door. Papasok ako.”

“Mamaya na nga. Sa labas ka na lang po maghintay,” sabi ko.

Dinukot ko mula sa bulsa ng pants ko ang puting panyo ko para paglagyan ng yelo.

“Mergus.”

“Mamaya na nga, Kuya, eh! May ginagawa pa kami ng fiancé ko!” sigaw ko pero kinurot lang ako ni May Ann sa tagiliran ko. “Aw, shet, May Ann! Huwag mo akong ipitin!” sabi ko at sinadya ko talaga iyon para marinig ni Kuya Markin.

“What the fvck, Mergus?! Ano’ng akala mo sa opisina mo ay isang hotel lang?! Dinadamay mo pa ang fiancé mo sa kahálayan mo!” sigaw nito mula sa labas.

“We didn’t do anything!” defensive na sigaw naman ni May Ann.

“Really, Miss?” May kutob ako na sasabihin pa rin niya ang totoo.

“Yes. Kinagat niya lang ang nípple ko---”

“The hèll...”

“I told you, Kuya!” malakas na bulalas ko na sinabayan ko pa nang pagtawa. “Sabi na, eh. Madudulas ka, kasi alam kong... sobrang inosente mo pagdating sa bagay na iyon,” I told her as I kissed her cheek.

“You’re so annoying,” she blurted out. “At kanina ka pa panay halik sa akin. Tigilan mo na iyan!”

“This is the proof na may ginawa nga tayo, Miss.” May kissmark na naman siya.

“Ikaw lang ang may ginawa at mukhang ikaw lang ang nag-enjoy,” malamig na utas niya.

“I agree.”

May Ann? She is an independent woman and she doesn’t really accept any help from other people because she can solve her problems.

She is really brave, she is not afraid of anything but I know that she really has a problem that she carries in her chest. One bad memory is that she has aquaphobia.

I really enjoy being with her. Those things that I could not do, I have done. I only know one. He’s not hard to like. I’m not even sure if I feel love for her. But I’m sure of one thing---she is important to me and she is special in my heart too.

Hindi ko lang maiwasan ang masaktan siya nang madalas but I do everything, to be a good person to deserve her.

***

“Ang ganda. Kukunin ko ito, Ma’am,” I told the girl. Itinuro ko sa kanya ang isang anklet na alam kong babagay sa anak ko.

“Anklet? Para saan naman iyan, bro?” tanong ng kakambal ko.

“This is my first ever gift for my daughter, Kuya. Ang cute nga. Bagay ito sa Yeye ko,” sabi ko.

“Ah... Dati nga ay ako pa ang inaasar mo dahil bumili ako ng couple bracelet para sa mag-ina ko,” sabi niya.

“Worth it naman iyon. Nasuot na rin ng bunso ninyo ang isa pa,” sabi ko.

“Yeah. Iyon din ang naging patunay ko na anak ko si Mackrenz. Hindi ko lang alam na noong nawala sa akin ang Mommy niya at ang Ate Markiana niya ay siya namang pagdating niya,” saad niya.

“How much, Ma’am?” I asked the girl.

“The anklet is worth 1.5 million. This is a limited edition, Sir.” I.5 million, hindi na masama. Worth it naman talaga ang pagbibigyan ko niyo, eh.

“I’ll take it,” sabi ko.

“What about her Mom? You donçt plan to marry her, bro? You need to bought a ring for your marriage proposal,” sabi pa ni Kuya Markin.

“I bought a ring for her a long time ago, Kuya,” I said and showed him the ring I bought that I made a pendant on my necklace.

“That’s three,” saad niya at tinitigan pa niya ito.

“Yes,” I answered.

“Pero bakit pabalik-balik ka rito? Philippines then to Italy?”

“Hindi ko pa naaayos ang relasyon namin ni May Ann. Malamig pa rin siya sa akin. Hindi pa niya ako napapatawad.”

“Work for it, isa iyan sa kailangan mong gawin, brother. Ang napatawag niya para bigyan ka niya ng second chance. Don’t worry, worth it naman ang mga luha mo,” sabi niya at tinapik pa niya ang balikat ko.

“Bakit ikaw ay hindi ka nahirapan kay Rea?” curious kong tanong kasi napatawad siya nito agad.

“Sino naman ang nagsabi sa iyo na madali akong napatawad ni Rea? Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan noong pinagsasarahan niya ako ng pintuan sa tuwing binibigyan ko sila ng makakain ng mga anak namin,” paliwanag niya. “Pasalamat na lamang ako na nakuha ko agad ang loob nina Markiana at Mackrenz. Sila ang alas ko pagdating sa Mommy nila,” dagdag pang sabi niya at napaisip naman ako..

Simula nga nang malaman ni Mayeese na Daddy niya ako ay mas naging close na kaming dalawa. Dámn, na-miss ko na naman siya. Palagi niya akong kinukulit kung kailan ko na naman siya makikita. Kaya kinabukasan ay nagpa-book na ako ng flight to Italy para dalawin ang mag-ina ko.

“Daddy!” masayang tawag niya sa akin at sinalubong ko agad siya nang mahigpit na yakap. Binuhat ko siya at hinalikan sa tuktok ng ulo niya.

“I miss you, honey,” I told her.

“I miss you too, Daddy!” sabi niya at hinalikan naman ako sa pisngi ko.

“Where’s your Mom, Yeye?”

“There po sa room namin,” sagot niya sabay turo sa hagdanan.

“Ah, okay.” Umupo ako sa sofa at pinaupo ko naman siya sa kandungan ko. Para maisuot ko na sa kanya ang binili kong anklet.

“Wow... This is pretty po, Daddy,” namamanghang sabi niya na tinanguan ko.

“This is for you, Yeye.”

“Thank you po, Daddy. You’re so sweet,” she said at dahil nakayuko nga ako ay nagawa niyang halikan ang pisngi ko.

“You’re welcome, anak,” utas ko.

“Kanina ka pa, Mergus?” Napatingin naman ako kay Uncle Glin kasama niya si Mama Llanecia.

“Opo. Dito agad ako dumiretso kasi kinukulit ako ni Yeye.”

“I just miss my Daddy po kasi,” she reasoned out at mahaba pa ang nguso niya. I chuckled.

“Wait for her, hijo. Alam kong kaya ka pa ring patawarin ng anak ko,” sabi ni Mama.

“Iyan po ang ginagawa ko, Mama,” ani ko.

Ganoon lang ang routine namin habang hindi ko pa nauuwi kasama ko ang mag-ina ko. Pero ang anak pa rin namin ang dahilan kung bakit gusto na nilang sumama sa akin pabalik sa bansa.

Iyon ang mga panahon na nilalabanan niya ang tubig at hindi siya natakot dahil sa aming anak. Mas matimbang ang pag-aalala niya kay Mayweather kaysa ang takot niyang malunod sa tubig. Mas lalo tuloy
akong nahanga sa kanya.

***

Nang mabalik naman kami sa Manila and from our honeymoon, kasama pa si Yeye ay biglang sumama ang pakiramdam niya.

“May Ann...”

“Mommy.” Magkasabay na tawag namin ni Mayeese na basta na lamang niya na ibinaba. Kinuha ko ang anak ko at sumunod sa asawa ko.

“Okay ka lang, Miss?” nag-aalalang tanong ko sa kanya dahil nasa loob na siya ng banyo. Naririnig ko ang pagsusuka niya.

Nang makapasok kami ni Yeye ay ibinaba ko naman siya para tingnan ang Mommy niya.

“Hindi. Kanina pa yata masama ang pakiramdam ko sa biyahe,” sagot niya.

“Kaya pala tahimik ka masyado. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” tanong ko pa.

“Nakaya ko naman hanggang dito. Kaya okay lang.”

“Tara na sa kuwarto. Take a rest first. Tatawagan ko lang ang family physicians natin to check you up,” sabi ko at hinawakan niya sa kamay ang aming anak para igiya ito palabas.

Inalalayan kong makasampa sa kama si Mayeese at agad siyang tumabi nang higa sa kanyang ina.

Tinawagan ko naman ang family physicians namin pero hindi nakapaghintay ang asawa ko dahil nakita kong nakapikit na siya.

“She’s now sleeping, Daddy,” sabi sa akin ni Mayeese.

“Masama talaga ang pakiramdam ng Mommy mo, Yeye,” sabi ko at hinaplos ko ang pisngi ni May Ann.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang hinihintay ko. Kasama niya si Kuya Markus.

“Kadarating ninyo lang, ’di ba? Ano ba talaga ang nangyari?” my brother asked me worried.

“I don’t know, Kuya. Bigla na lang po siyang nagsusuka, eh,” sagot ko. “Come here, honey,” pag-aaya ko sa anak ko. Gumapang naman siya palapit sa akin at saka ko siya binuhat.

“I will start examining her,” said the doctor. Pinapanood lang namin siya.

“Hello po, Uncle Markus.” Nagawa pang batiin ni Yeye ang uncle niya.

“Hi, baby. Are you having fun with your Mom and Dad?”

“Yes po, Uncle.”

The doctor is a woman, it’s not the only doctor in our family. There are many of them and there are also women.

She first checked my wife’s heartbeat and firmly held her wrist. “Her heartbeat is normal.” Then he checked May Ann’s blood pressure. “Even her blood pressure. It would be better if she was awake, so we can ask her. You said earlier that she was vomiting?” the doctor asked me and I nodded.

“Yes, doc,” I replied.

“Is she feeling dizzy?”

“That’s what happened earlier so she fell asleep immediately,” I explained.

“When was the last time you and your wife had intercourse? And it’s been a long time or not?” I bit my bottom lip. I covered my daughter’s ears before I answered.

“About four months, doc, and we are still active in that matter,” sabi ko pa.

“Actually, doc. They just came back from their honeymoon,” Kuya Markus uttered.

“Congratulations then. I’m not sure yet but I’m 97 percent sure what your wife is experiencing now is a pregnancy symptom. Her heartbeats are even faster. But you have nothing to worry about. But to be sure, I will take a blood sample to test it.”

We only had to wait a few minutes before the result came out. The doctor immediately smiled widely.

“Ano na po, Doc?” Kinakabahan talaga ako. Baka may sakit ang asawa ko nang hindi ko na namamalayan pa.

“It’s confirmed. Your wife is pregnant. To find out how many weeks this is, you need to take her to the clinic of an OB-Gyne.”

Napatitig pa ako sa asawa ko nang sabihin iyon ng doctor. Natulala na lang ako bigla kasi hindi ako makapaniwala sa narinig. O baka nagkamali lamang ako?

“P-Puwede po bang pakiulit, doc?” tanong ko.

“Your wife is pregnant,” sagot niya at ilang beses akong napakurap. Hindi ako nakaimik kahit noong hinatid na ni Kuya ang doctor at kaming dalawa na lamang ni Yeye ang naiwan kasama ang Mommy niya na tulog pa rin hanggang ngayon.

“What is it po, Daddy?” inosenteng tanong sa akin ni Mayeese.

“Goodness... Your Mom is pregnant, honey... We’re having a new baby!” masayang sigaw ko at nanlaki pa ang mga mata niya. Pinugpog ko siya ng maraming halik saka ko siya ibinaba sa kama at tumalon-talon pa siya.

“Yes! Yes, yes! We’re having a baby! S new baby in the clan!”

“Oh, geez. Yeye... Magigising ang Mommy mo,” natatawang pagpipigil ko sa kanya.

Iyong nararamdaman ko ay parang si Mayeese lang dati. Nang makita ko lang ang ultrasound picture ay natuwa ako pero nalungkot din at the same time kasi lalayo na siya sa akin.

Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha ko na mabilis ko ring pinunasan.

“I’m sleepy na rin po, Daddy. Goodness... I’m so happy.” I chuckled softly.

“Go on, honey.” Inayos ko ang kumot sa kanya at hinalikan ko pa ang noo niya.

Mayamaya pa ay nagising na ang asawa ko. “Ano? May mangyayari ba? Nasaan na ang family physicians ninyo?” she asked me. “Nakatulog kasi ako,” she added.

“Dumating na kanina, umuwi na rin naman siya after ka niyang i-check up.”

“Ano raw ang nangyari sa akin? Bakit ako nahihilo at nagsusuka? Wait...”

Natigilan naman siya at mukhang nag-iisip na rin.

“Mukhang may idea ka na rin,” sabi ko.

“Ano nga?” pangungulit pa rin niya. Akala ko pa naman ay may idea na siya.

“God, baby... Pinasaya mo na naman ako...”

“Ano? Ano nga iyon ulit?”

“We’re having another baby... May kapatid na si Yeye.”

“Too fast,” sabi niya na ikinaawang ng mga labi ko. Anong too fast?

“Baby, anong klaseng reaction naman iyan? Ilang buwan na tayong magkasama at nabuo ulit tayong tatlo, may baby na naman tayo.”

“Alam kong sinadya mo naman ito, eh,” sabi niya pero napangiti rin ako sa huli. Napahawak ako sa sinapupunan ko. “Alam na ba ni Mayeese?”

“Tuwang-tuwa pa nga siya, eh. Pero hindi ka man lang nagising kahit ilang beses tumalon-talon diyan sa kama natin si Yeye,” natatawang sabi ko na ikinasimangot naman niya.

“Sayang naman hindi ko nakita,” sambit niya.

“Thank you, baby... Thank you, dahil naging Daddy na naman ulit ako...” I said as I hug her.

“Ate na ang baby Yeye namin, ay,” sabi niya at doon lang nagising si Mayeese.

“Uhm, Mommy?”

“Our Ate Yeye...”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top