EPILOGUE (1)

EPILOGUE

MERGUS’ POV

WHEN WE arrived in Canada, we checked into the hotel immediately. I just went with Dad and Grandpa. My younger brother Michael was also with me.

Kuya Markus forced me to come but when he also told me that we had a birthday to attend. That’s when I remembered that it was Arveliah Vallejos’ 25th birthday. My friend, that’s not all I think of her.

She’s kind and considerate, maybe that’s why I like her character at gusto kong mas makilala ko pa siya ng lubusan.

“Do you like her, Kuya?” I frowned when my brother asked me.

“Sino?” balik na tanong ko sa kanya.

“Ang may birthday,” sagot niya at itinuro ng nguso niya ang hawak kong regalo para kay Arveliah.

“Bakit ka nagtatanong?”

“First time mong bumili ng handbag ng isang babae. I’m just curious. Wala ka pa namang oras para lang mag-shopping,” sabi niya. Siniko ko siya.

“Ang daldal mo talaga pagdating sa amin. Sa iba ay aloof ka at masyadong tahimik,” sabi ko sa kanya. Pero alam ko naman kung bakit siya ganito.

Komportable lang siya sa presensiya namin dahil mga kapatid niya kami. Pero kapag sinusumpong talaga ay tatahimik na lamang sa gilid at manonood sa amin. Sa aming magkakapatid ay siya ang may mas mahaba ang pasensiya. Palaging kalmado at wala lang sa kanya ang mga problema niya. Aba, tatahimik lang siya ay okay na ang lahat sa kanya. Pss.

One call away lang siya at maaasahan mo. Hindi siya magdadalawang isip na tumulong sa amin kapag kailangan namin siya sa oras na magigipit kami.

“Don’t change the topic, Kuya. Gusto mo siya, ’no?” giit niya sa akin. Nang akmang babatukan ko siya ay mabilis siyang tumayo para makaiwas.

Iisang suite lang ang kinuha naming dalawa kasi hindi naman kami magtatagal dito. Uuwi rin kami agad.

Hinabol ko siya hanggang sa pintuan pero may kumatok naman kaya binuksan niya iyon. Si Dad naman ang bumungad sa amin.

“Bakit po, Dad?” tanong ko.

“Prepare yourself. Aalis na tayo mayamaya,” sabi niya.

“Sige po, Dad.” Nang isara na ni Michael ang pintuan ay saka ko inipit ang leeg niya gamit ang braso ko. “Tsismoso ka talaga,” sabi ko sa kanya.

“Gusto mo nga siya, Kuya. Nananakit ka na,” nang-aasar na saad pa niya. Pinakawalan ko rin siya dahil mas lalo lang siyang mang-aasar sa akin dahil sa pagtawa niya nang malakas. Padapa niyang ibinagsak ang katawan niya sa kama. “Honestly speaking, Kuya. Hindi naman ako kailangan na sumama sa inyo, eh. Alam ko na po kung ano ang plano ni Grandpa,” sabi niya.

“Just shut up, Michael.”

“Kilala mo ba ang Bongon family, Kuya?” mayamaya ay tanong niya.

Lumapit ako sa sofa at doon na lamang ako humiga. “Ngayon ko lang narinig iyan,” sagot ko.

“Eh, ang nag-iisang anak nilang babae?”

“Why did you asked me that, Michael? May gusto ka ba sa nag-iisa nilang anak?” tanong ko.

“Bago tayo uuwi sa Pinas ay gustong manood ni Grandpa ng olympic games dito. Doon ko raw makikita ang apo ng dati niyang kaibigan. Bakit ganoon si Grandpa? Palagi na lang tayong pinapares sa ibang babae na hindi naman natin kilala. I hate him for being like that,” mahinang saad niya.

“Tanungin mo si Grandpa if you’re curious.”

“Kuya, gisingin mo ako kung aalis na tayo.” Ganoon na nga ang nangyari nang kumatok ulit si Dad sa pintuan namin.

Pero ginising ko lang ang kapatid ko noong tapos na akong nagbihis kaya nang makita niyang handa na ako ay saka siya nagmamadaling naligo. Tinawanan ko pa siya dahil sa pagmamadali niya.

Pangalawang beses na akong nakarating sa mansion ng Vallejos family at masasabi ko na hindi pa rin siya nagbabago. Maganda pa rin ang estruktura nito.

“Welcome! Thank you for coming, Don Brill,” salubong sa amin ng ginang, si Mrs. Vallejos. Malaki ang ngiti nito sa amin at magiliw niya kaming sinalubong.

Tahimik lang kami ni Michael at patingin-tingin lang din sa paligid. Dinala kami nito sa hall ng mansion nila kung saan gaganapin ang birthday party ng nag-iisa nilang anak.

“By the way, Daimor, Venus. This is my grandsons. Mergus and Michael,” pagpapakilala sa amin ni Grandpa sa mag-asawang Vallejos.

“Good evening,” sabay na bati pa namin ni Michael sa dalawang mag-asawa.

“Nice to finally meet you,” Mr. Vallejos said.

We settled on the table pero nagpaalam ako na pupunta lang sa guest room. Sinamahan ako ni Mrs. Vallejos at itinuro niya lamang sa akin ang comfort room nila.

“Thank you po, Mrs. Vallejos.”

“Tita Venus na lang, hijo. No need to be formal,” she uttered and I just nodded.

Umalis din naman siya pagkatapos no’n. Ang kaso nang palabas na rin ako ay biglang dumilim ang paligid. Ang akala ko lang noong una ay may blackout pero siguro nagsisimula na talaga ang party. May nakikita pa naman ako kahit papaano. Palakad-lakad lang ako at sinusubukan ko na makabalik sa hall pero naligaw lang ako dahil sa laki ng mansion nila.

Kung saan-saan na ako dinadala ng mga paa ko hanggang sa may natanaw ako na pigura ng isang tao. Marahan lang ang paglalakad niya kaya nagawa kong sundan siya nang tahimik.

Wala akong idea sa mga oras na ito na kung bakit sumunod ako sa taong naglalakad din sa gitna ng dilim. Hindi ko naman siya magawang tawagin at mag-excuse lang sa kanya. Sa halip parang isa rin akong anino niya. Not until I heard the familiar voice.

“Where are you going, Ate May Ann? Birthday ko po ngayon. Aalis ka na naman po ba?” Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Arveliah. “Ate? May party na po roon.”
Sino naman kaya ang tinatawag niyang ate?

“Arveliah...” Tumayo ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ng babae. Sobrang lamig.

“Please, Ate. Kahit ngayon lang na birthday ko. Huwag ka munang umalis, Ate May Ann...” narinig kong pakikiusap pa ni Arveliah. Ate niya?

Kapatid niya kaya ang babae kaya niya tinatawag niyang ate? Tapos May Ann... May Ann nga ang pangalan nito.

“I’m sorry,” the girl said at naanigan ko pa ang paglakad niya papalayo.

“Ate May Ann...”

“Go to the hall, Arveliah. It’s your day, just enjoy your birthday. May mga bisita ka na kailangan mong harapin ngayon,” sabi pa nito na pinipilit nga nito na bumalik sa party si Arveliah. “Arveliah...”

“Palagi mo na lamang tinatakasan ang birthday party ko, Ate. Why? Dahil ba ayaw ka namang ipakilala nina Dad at Mom sa mga bisita nila? Dahil palagi ka ring nagtatago sa likod ko? Dahil ginawa lang kitang anino ko? Ate, hindi sila ang kailangan ko para sa araw na ito! Ang gusto ko... ang gusto ko lang po ay ang makasama ka naman kahit saglit lang... Kahit ngayon lang po talaga, Ate May Ann.”

Sa narinig ko na pakikiusap ni Arveliah ay may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko. I can’t believe na ganito ang trato sa kanya ang nakatatanda niyang kapatid at ang dahilan lang nito ay ang hindi pagpapakilala nito sa kanya sa karamihan? Na naging anino lamang siya ni Arveliah?

Anong klaseng kapatid naman siya? Sobrang babaw ng dahilan niya.

“Don’t beg for me, Arveliah. Just go and leave me alone. You know that I hate this day... Arveliah.” Humihikbi na nga ito at nagagawa pa talaga niyang pagalitan.

“You hate me that much, Ate? Na kahit ang birthday ko ay ayaw mo rin?”

“I never. Punasan mo ang mga luha mo at bumalik ka roon. Bilang nakatatanda mong kapatid ay kailangan mong sumunod sa akin.” Tatlo pa ang nakababatang  kapatid ko, sina Michael, Miko at Mikael iyon pero ni minsan ay hindi ko ginagamit ang pagiging kuya ko para lamang utusan sila at pilitin na sundin ako.

Kaya roon pa lang ay nakaramdam ako ng inis sa babae. Kung siya man ang ate ni Arveliah ay masama nga ang ugali niya at masyado siyang mapagmataas na tao.

A-Ate...”

“I told you not to beg. Don’t do that, Arveliah,” kalmadong sabi pa nito at pinipigilan na ni Arveliah ang humikbi. Mabilis kong sinundan ang babae. Sa halip na iba ang lapitan ko ay sinundan ko pa ang walang manners na iyon. Pss.

“Alam mo ba na isa sa kinaiinisan ko ay ang taong nagpapaiyak sa mga kapatid nila?” malamig na saad ko na ikinahinto ng babae. “It’s her birthday, bakit hindi mo kayang ibigay sa kanya ang gusto niya? Why do you hate your sister too much, Miss? You’re so heartless to treat her like that,” I added. Huminto na nga siya sa paglalakad pero wala pang tatlong segundo ay nagpatuloy pa rin siya na parang wala rin siyang naririnig. “Stop,” mariin na saad ko pero talagang snob siya. “Wow, akala ko si Theza na lang ang nag-iisang babae na kilala kong rude. There is still one and the daughter of one richest and business man in all the towns of  Canada,” I added.

“Who are you?” Finally pinansin na rin ako.

“You’re so rude. May kausap ka ngayon na kababayan mo pa pero... nakatalikod ka lang mula sa akin? May problema ba sa mukha mo kaya ayaw mong pumunta sa party ng kapatid mo? Kaya rin ba tinatakasan mo rin siya? Kaya hindi ka pinakilala dahil...may problema nga sa mukha mo?” nang-aasar na tanong ko. “At bakit ba madilim sa parteng ‘to?” reklamo ko. I can’t even saw her face. Baka may itinatago talaga siya.

“You’re just a visitor. You’re not allowed to roamed around the mansion.”

“You’re so rude, Miss,” I blurted out.

“What are you doing here?” muling tanong niya sa akin. I didn’t respond. Dahil dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Gusto kong makita ang mukha ng babae.

“Good thing I have my phone with me. Don’t move and just stay put,” wika ko. “There...” Nang buksan ko ang flashlight sa phone ko ay mabilis kong itinutok ito sa kanya.

I know it’s rude to point a cell phone flashlight at someone’s face but I did it just to see her face. I couldn’t even move when I saw her. I was still stunned because I was shocked by her appearance.

I was still thinking that maybe she was ugly because her parents didn’t want to introduce her to other people. That she is jealous of her sister because she is also always Arveliah’s shadow. But I was wrong in everything I thought.

She is very beautiful. She has long hair that only reaches her back. The color of her eyes is beautiful, I just don’t know what the exact color is. Malalim ito pero may kalamigan din kung makatitig, iyon nga ang ginagawa niya sa akin. Masyado ring mapanuri. Her eyebrows are thin, but it’s as if they were drawn just for beauty. She has a small, pointed nose.

Red pouty lips but it looks kissable. Her face is heart shaped. She is literally beautiful. She’s the kind of girl you wouldn’t be ashamed to be with. She is also the type of woman that many men will adore. What a head-turner she is.

However, she only lacked one thing. Her facial expression was very cold. Mas gaganda pa yata siya kung nakangiti.

“Alam mo ba na isa sa kinaiinisan ko ang tutukan ako ng flashlight niya sa mukha ko?” By that dumulas na nga mula sa kamay ko ang phone ko.

“Shet!” I cussed.

The pounding in my chest was strong, I think it was just now that my heart beat was not normal. Her dark aura and she has a heavy presence. But I’m a man, I’m not afraid of just one woman. Sino naman siya para katakutan ko, hindi ba?  Kapatid lang siya ni Arveliah.

“Go back to the party,” mariin na utos niya sa akin. Hindi man lang siya nabigla na makita rin ang mukha ko?

“Naliligaw ako!” sigaw ko na parang iyon lang ang naisip kong sasabihin pa sa kanya. Ngunit totoo namang naliligaw ako. Hindi ko na nga alam kung paano pa ako babalik sa hall, kung saan ang party. Tiyak akong hinahanap na ako nina Dad at Grandpa.

“At ano naman sa akin kung naliligaw ka?” she fired back. Wala nga siyang manners at wala pang awa.

“Kadarating ko lang kasi...” I lied.

“I didn’t ask you that. Problema mo kung naliligaw ka,” sabi niya lang na ikinaawang ng labi ko.

“Ikaw...” I uttered.

“Ate? What’s going on?” Sumulpot naman bigla si Arveliah. “Bakit ba naka-off itong light dito? Wait lang...” Nang bumukas ang ilaw ay wala na siya agad. “Hala, Engineer Mergus!”

Niyakap pa ako ni Arveliah nang makilala niya ako. Ginantihan ko naman siya agad nang mahigpit pang yakap. Napaka-approachable niya.

“Happy birthday, Arveliah,” I greeted her.

“Thank you. Hindi na kita na-invite agad pero si Dad na ang gumawa no’n. Thank you for coming, Mergus. I miss you, friend,” sabi pa niya.

“I miss you too,” I uttered.

“Ano pala ang ginagamit mo rito? Ikaw ba ang kasama ni Ate May Ann? Wala na siya agad. Ang bilis talaga niyang mawala,” sabi niya at dumaan pa ang lungkot sa maamo niyang mukha.

“May kapatid ka pa pala, Arveliah. Ngayon ko lang nalaman,” I said.

“Yeah. Ayaw kasi ni Ate sa ganitong event. Naiingayan siya sa dami ng tao. Hindi siya mahilig makipag-socialize sa iba,” paliwanag niya. Baka ang dahilan ay ang sinabi niya kanina pero pinagtatakpan niya lamang ang kapatid niya. Mabait nga talaga siya, wala ng duda iyon. “Pero ano ulit ang ginagawa mo rito?” pag-uulit niya sa tanong niya sa akin kanina.

“I went to comfort room. Sinamahan ako ng Mommy mo. Unfortunately ay naligaw ako dahil madilim kanina,” I’ll explained.

“Ah... Kaya naman pala. Let’s go ihahatid na kita pero hindi pa ako puwedeng magpakita sa mga visitors ko. Maybe later,” she said.

Sa pintuan niya lang ako hinatid saka siya umalis. Nang makabalik na ako sa puwesto ko kanina ay inusisa na naman ako ng aking kapatid.

“What took you so long, Kuya?” curious nitong tanong.

“Wala,” sagot ko lamang na inilingan niya.

Later on ay nagsalita na ang emcee na dumating na raw ang birthday girl at ito agad ang nagsalita.

“Ladies and gentlemen, eyes here! I am Arveliah V. Vallejos, I’m with my big sister May Ann, she is one of our Dad’s heiress and now she is able to run one of our company. I know most of you guys didn’t meet her. She’s so aloof and hardworking. So, we were all lucky to see her tonight. You know what? She is my role model and the second woman I admire in this world. That’s why you should know one of the reasons why I became successful, except for our parents, of course. That’s it and thank you very much for attending my birthday. Enjoy the party!” Makikita sa mukha niya ang kasiyahan habang ipinakikilala niya sa lahat ng mga bisita niya ang kapatid niya. Ang lapad din ng ngiti niya at nilapitan pa niya ito.

Doon ko lang ulit nakita ang babae. Mas matangkad ito kaysa kay Arveliah. Iyong kutis niya ay kakaiba compare rin sa nakababata niyang kapatid. Mas nadepina ang maputi niyang balat sa color violet red. Too expose ang katawan niya, dahil nakulangan yata sa tela.

“Mom, Dad, hi. I’m with Ate May Ann na po,” Arveliah said as soon as they approached us.

“Good evening,” the girl greeted us. Nanatili akong nakayuko kaya hindi ko nakita sa malapitan ang mukha niya.

“Good evening too, pretty ladies,” Grandpa greeted them. “Venus and Daimor, napakasuwerte niyo na nabiyayaan kayo ng dalawang magagandang anak na babae. Tinignan niyo nga naman... Napakaperpekto.” Ang hilig talaga ni Grandpa sa compliment. May napupusuan na naman siya, tiyak ako.

“Ah, yes. Salamat, Don Brill,” Mr. Vallejos said.

“Pero isa lang ang nakilala namin noon. Ang bunso niyong anak, samantalang may panganay na anak pa pala kayo.”

“I’m sorry for that, Don Brill. My daughter is a workaholic and if it’s not important ay hindi naman siya umaalis sa kompanya namin.” Workaholic? Tatakas na nga sana ito kanina, eh. Pero hindi yata natuloy. Siguro ay guilty lang siya dahil birthday nga ng kapatid niya at saka pa siya mawawala?

“Nah, no need to explain that to me, Daimor. Paupuin mo na ang mga anak mo.”

“Thanks, Dad.”

“What are you doing, Mergus? Ipaghugot mo rin si Ms. May Ann ng upuan.” Nabigla naman ako sa pag-utos sa akin ni Grandpa.

“Grandpa?” Bakit naman ako pa ang inutusan ni Grandpa? Puwedeng naman kasi si Michael. At bakit ko paghuhugutan ng upuan ang babaeng ito? Ano ko ba ito, ha?

“Be a gentleman, apo,” sabi niya lamang kaya wala na nga akong nagawa pa.

I walked towards her at susundin ko lang ang inuutos sa akin ng lolo ko pero nagsalita siya. “No need,” saad niya at dahil una kong hinawakan ang upuan niya ay naramdaman ko tuloy ang malambot niyang palad na dumampi sa akin. Pero mabilis kong nabawi ang aking kamay dahil sa naramdaman kong kuryente na nagmumula sa kanya?

Nagtataka kong tiningnan tuloy ang kamay ko at naguguluhan ako kung ano ba iyon? Parang hindi lang naman ako ang nakaramdam no’n. Siya rin. I cleared my throat before I pulled the chair for her.

“Thank you,” mahinang pagpapasalamat niya at napatingin ako sa kanya na salubong ang kilay ko. Magpapasalamat na nga siya ay mahina pa? Na parang ayaw niyang may makarinig sa kanya?

“Hindi ko narinig,” I said. Akala ko nga ay uulitin pa rin niya ang sinabi niya sa akin pero hindi na siya kumibo pa. Snob.

“Here, May Ann. Kumain ka,” her Mom said.

“Let’s drink this whiskey, Daimor.” Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Si Michael ay kanina pa niya niyuyugyog ang binti ko.

“She’s very beautiful, Kuya. Pasok sa standard ng isang Brilliantes. Look at her beautiful body. Nakikita ko na sa kanya ang isang Mrs. Brilliantes,” bulong nito sa akin. Ano namang Mrs. Brilliantes?

“Shut the fvck up, Michael,” I hissed him.

“Cheers, this is for you Arveliah. Happy 25th birthday!” Itinaas ko naman ang wine glass ko at napansin ko na nakatungo lang ang babae at wala talaga siyang pakialam. Pero iyong may laman na juice lang ang itinaas niya.

“Thank you po, Don Brill!”

“And also, for the merge of our family.” Sabi ko na nga ba. May kahulugan talagang meeting na ito sa party mismo ni Arveliah. Kaya ako pinilit ni Kuya Markus na sumama rito.

“Yes, cheers to my future granddaughter-in-law,” Grandpa uttered.

“Ikaw na iyon, Kuya,” bulong na naman ng katabi ko.

“Michael,” I warned him.

“Yeah, we have already talked about this with her Mom.”

“Hindi rin tayo magkakaproblema.” Pero sigurado naman ako na pipiliin nila ang bunsong anak ng Vallejos family. But what if iyong panganay lang pala? Hindi na masama.

“Since, na-settle na natin ang lahat. Siguro naman...puwede na akong pumili ng mapapangasawa ng apo ko, Daimor?” What? Pipili pa si Grandpa?

“Pardon, Don Brill?” tanong ni Mrs. Vallejos.

“How old are you, hija?” sa halip na sagutin ito ng lolo ko ay siya pa ang nagtanong kay... Sa panganay mismo.

“I’m 28 years old, Don Brill,” she answered.

“28, ang apo kong si Mergus ay kasing edad mo lang. I wonder kung sa buwan naman kung sino ang mas matanda? Your birthday, hija?” Shet. May napili na nga si Grandpa.

“January 17 po,” she replied again.

“January, hmm... Sa December 21 naman ang birthday niya. Aba, malapit na maging isang taon ang agwat niyong dalawa. Pero puwede pa naman.”

Naramdaman ko pa ang pagtingin niya sa akin pero nanatili rin akong nakayuko habang pinaglalaruan ko ang straw ng juice sa kanilang wine glass.

Marahan na sinipa ni Michael ang binti ko. Kanina pa talaga siya. “She’s staring at you, Kuya Mergus.”

“Kanina ka pang bata ka. Tumahimik ka na lang diyan, Michael,” mariin na sambit ko sa kanya.

“This is interesting...”

“Don Brill? May...may napili—”

“Can I go out? I just want to go to comfort room,” paalam nito na halatang iniiwasan niya ang ganitong topic.

“May Ann, may pinag-uusapan pa tayong lahat dito. Sit down, honey.”

“Mom, I don’t need to stay here because of what you’re talking about. I believe, wala na po akong kinalaman pa, right?”

“No, hija. You need to stay here dahil kayo ng apo kong si Mergus ang napili kong ipakasal sa isa’t isa, and I guess are you still single, am I right?” Geez, Grandpa. Direct to the point po talaga? Wala man lang paligoy-ligoy?

“Yes po... W-What? Don Brill...” gulat na saad niya. Hindi niya rin inaasahan iyon.

“B-But, Don Brill—”

“Ganoon naman dapat, ’di ba Daimor? Ang mga panganay na mga anak natin ang pinipiling ipakasal. Agree ka ba, Arveliah hija?”

“Oo naman po, Don Brill and...kilala ko naman po talaga ang ate ko. Hindi po siya katulad ng ibang babae riyan. Maaasahan ninyo rin po siya.”

“May Ann... Just look at my grandson, pasok na ba siya sa standard mo, hija?” tanong ni Grandpa sa kanya. Bakit kailangan pang tanungin iyon?

“Standard?” nalilitong tanong pa nito.

“Ito pala ang Daddy ni Mergus at nakababatang kapatid niyang si Michael.”

“Nice meeting you, hija,” ani ni Dad.

“Same here, Sir.” Kahit malamig ang boses niya ay formal pa rin kung makipag-usap.

“No, just call me, Tito M.”

“It’s Michael, nice to meet you.” Tumayo pa si Michael at inabot ang kamay nito saka niya dinala sa labi niya para halikan ang likod nito. Talaga namang tuwang-tuwa siya na makilala ito at hindi siya mismo ang pinili na ipakasal dito.

“Likewise,” tipid na sabi lang nito sa kanya.

“Don Brill, did you ask your grandson if he agree to marry the girl he doesn’t like at ngayon niya lang po nakilala?” she asked my grandfather politely.

“Masunuring bata ang mga apo ko, hija. Hindi ako magkakaroon ng problema sa kanila,” Grandpa answered.

“But...you can’t force them na gawin ang mga bagay na hindi naman po nila gusto. Let them...choose what they want to do and besides, they are matured enough at may sarili na rin po silang desisyon sa buhay. They are adults at sa tingin ko naman po...may nagugustuhan na silang mga babae na tipo nila,” the girl explained. Hindi ko akalain na ganoon kalawak any iniisip niya.

“May Ann, that’s below the belt,” suway ni Mr. Vallejos sa kanyang anak.

Kahit ako nagulat dahil ang straight forward niya rin kung magsalita. Parang iyong iniisip niya ay sasabihin niya agad. Hindi siya nagdadalawang isip na magkomento pa.

“Hayaan mo siya, Daimor. Dapat matuwa ka dahil napalaki mo ang anak mo na inaalala niya ang kapakanan ng iba at sa tingin ko... Mapapalaki niya nang maayos ang magiging anak nila ni Mergus.” Sa isip-isip ko ay malutong akong napamura.

God, anak agad?  Pinapares pa niya lang kami ay gusto niyang magkaroon kami agad ng anak? Iba talaga si Grandpa. Hindi na nga nakapagsalita pa ito.

“You know what... Mergus, why would you go to the dance floor and invite your soon-to-be-wife? Dance with her, apo.” May pa-request pa talaga si Grandpa, oh.

I stood up from my seat and approached her. “May I have this dance?” I asked her. Sa una ay tinitigan niya lamang ang kamay ko. Parang ayaw niyang makipagsayawan sa akin. Nagdadalawang isip siya.

“May, what are you doing? Paghihintayin mo pa ba si Engineer Mergus?” It seems she was just force to dance with me.

Take it
If she gives you her heart
Don’t you break it
Let your arms be a place
She feels safe in
She’s the best thing that you’ll ever have

I was still staring at her beautiful face. There was no facial expression at all, it was really cold. I immediately grabbed her waist when we reached the dance floor. Her sweet fragrant scent hit my nose.

It made me think because her beautiful face, she is so perfect and she even surpasses actresses and models.

“You know what... Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nagsuot ng ganitong klaseng kasuotan. What do you call this, Miss? Crop top? Well, marami naman akong nakita na babaeng nagsusuot din ng backless dress but you...you hit different... Paneled skirt?” I said.

“How did you know the style of my skirt?” she asked me curiously.

“I heard your Mom. Hmm, not her voice, actually. Nasundan lang din ng mga labi ko ang binigkas niya,” sabi ko. Hindi talaga nakatakas sa mga mata ko iyon kahit ko narinig ay masusundan ko ang sinasabi ng isang tao.

“And...so what?” supladang sabi pa rin niya at humigpit ang hawak ko sa baywang niya. Ang sungit, ha.

“I don’t want to get married...” I told her. Hindi dahil ayaw ko talaga pero kasi hindi pa ako handa. Mas focus ako sa pagtatrabaho ko.

“You can decline, go tell your grandfather that you don’t want to get married,” sabi niya na parang ang simple lang para sa kanya. But for me, hindi ganoon kasimple. Na sasabihin ko lang na hindi ako papayag. Baka siya ay kayang-kaya niyang sabihin.

“Pero hindi iyon ganoon kadali,” problemadong sabi ko.

She always has trouble
Falling asleep
And she likes to cuddle
While under the sheets
She loves Pop songs
And dancing, and bad trash TV
There’s still a few other things

“It’s easy...just say no to him, and end of the conversation,” she said and I chuckled. Hindi naman ako katulad niya na straight forward kung magsalita.

“I don’t know how to date a woman. So, the song... It’s okay if I cuddle you while under the sheets and do nothing... You loves Pop songs and dancing? A bad trash TV?” Sinabi ko lang iyon ayon sa lyrics ng kanta.

“I’m not kind of that girl, excuse me...”

“Honestly speaking... Kaya ayaw ko sa marriage proposal ni Grandpa sa family niyo because... I don’t like you, hindi ko rin nakikita ang sarili ko na ikakasal sa katulad mo...” sabi ko.

She loves love notes and babies
And likes giving gifts
Has a hard time accepting
A good compliment
She loves her whole family
And all of her friends
So if you're the one she lets in

“Maybe...and I don’t love notes, babies either... Nakita mo naman kanina na mahilig akong magpaiyak ng sarili kong kapatid. I’m not a perfect person...not a perfect sister, and I hates compliment. You can back out, Engineer Mergus. Wala ka ngang magugustuhan na kahit ano’ng pag-uugali ko.” Marunong din siyang makipagbiruan, ’no? Balak niya sanang dumistansya sa kanya pero pinigilan ko siya at hindi ko hinayaan iyon. Hindi pa kami tapos.

“Hindi ganoon kadali,” I said and reached her cheek. ”Grandpa, he has a good choice and he never disappointed us. However, we hated him because he always do this nonsense we called it arrange marriage. Pero sa dami ng mga babae sa loob ng ball na ‘to? Someone already caught my attention and not you...” Sinabi ko talaga iyon sa kanya para malaman niya ang kapatid niya ang gusto ko. Kahit hindi ako masyadong nag-expect na siya ang pipiliin.

“My...sister?”

“Yes... I already know her for years, and we’re friends. I wanna dance with the girl I like the most, tonight.”

“Go ahead...” malamig na sabi pa rin niya at tinulak niya ako but again, I didn’t let her. “What are you doing? Let me go...” Nagtitimpi lamang siya.

Take it
If she gives you her heart
Don’t you break it
Let your arms be a place
She feels safe in
She’s the best thing that you’ll ever have
She’ll love you
If you love her

Hinila ko naman siya palapit sa isang lalaki. Kanina ko pa siya napapansin na nakatingin sa babaeng sinasayaw ko.

“Here, you can dance with my partner. You like her, do you?” I asked him. Napatiim bagang pa ako nang mamula ang magkabilang pisngi niya.

“W-What?”

“E-Engineer Mergus...” I let that man to dance with her but, May Ann face me and she was about to slap me nang mabilis kong nasalo ang pulso niya. Not so fast.

“Oh...you’re so harsh...” I blurted out.

“Kung ayaw mo sa akin ay hindi mo na ako kailangan pang insultuhin,” pagalit na wika niya at babawiin na naman niya ang kamay niya pero mahigpit pa rin ang hawak ko. Hindi ko alam kung bakit ang hirap-hirap niyang bitawan. There’s something...

“Chill. May mga tao na ang nakatingin sa atin. Baka sinasabi nila na inaaway kita,” sabi ko at pinasadahan ko pa nang tingin ang paligid. Lumapit siya sa akin pero naramdaman ko lang na inapakan niya ang paa ko. Masakit iyon dahil ang sakit nang pagkakaapak niya.

“What the fvck?!” mura ko sa kanya at saka siya nagmamadaling umalis. Mabilis ko rin naman siyang sinundan at nakatayo lang siya. “Hey, my soon-to-be Mrs. Brilliantes...” Umiwas din siya after that.

Bumalik din ako at pasimple akong sinamaan nang tingin ni Dad. “Nakita ko iyon, Mergus.”

“Sorry, Dad.”

“Mananatili pa tayo rito para pag-usapan ang tungkol sa engagement party ninyo.” Engagement party agad?

***

Sa swimming pool ako tumambay at nahagip ng mga mata ko si May Ann na naglalakad na palapit sa akin.

“Para sa akin?” I asked him. Hindi rin naman kasi ako nakakain kanina nang maayos.

“My Mom’s brought you this. Don’t assume too much,” she said. “Nasa loob ang party and not here. Masyado mong inaabala ang ibang tao,” she added. Bakit ba ang sungit ng babaeng ito? Iba talaga ang ugali niya sa nakababata niyang kapatid na si Arveliah.

“I don’t want to go back. I just remembered what you did to me awhile ago,” I reasoned out, ”And besides, hindi ka na nga ibang tao sa akin dahil nag-announce na si Grandpa kanina. Magiging parte ka na ng pamilya namin.”

“W-What...”

“Stay,”  saad ko.

“I need... to go back.”

“Are you... afraid of me? Kaya hindi mo ako kayang tingnan man lang?”

“You know what... K-Kumain ka na lang diyan sa halip na kulitin mo pa ako.”

“Miss... Kumakain na nga ako. You know what, too... Puwede tayong magpanggap na okay tayo...”

“But the truth is...we’re not. We’re not even close. You disrespected me too.” Somehow nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya. It’s my fault.

***

“What happened to your phone, Kuya?” tanong sa akin ni Michael nang makita niya ang cellphone ko na basag na ang screen nito.

“Bibili ako bukas. Nakakainis lang,” sabi ko.

“Ano nga po ang nangyari?”

“Nadulas sa kamay ko,” sagot ko.

“For what reason? Hindi ka naman careless.”

“Nakakita ako kanina ng anghel, happy now?” naiinis kong saad.

“Hmm... Dahil ba iyon sa future wife mo? Maganda naman po siya at kakaiba nga ang looks niya. Parang hindi siya pure Filipina. Baka... may half siya?”

“I don’t know. Ask her if may lahi ba siya or what,” sabi ko.

“Ang sungit.”

The two of us did not treat each other well. Because we both have the same cold attitude. What happened was that we were fighting, but I don’t think I was happy to fight because I could see her emotions. Nagagalit ako.

Sinamahan ako ni Michael na bumili ng cellphone at dalawa pa ang binili ko. Nang makakita naman ako ng pusa ay pati iyon binili ko.

Kaya habang naghihintay ako kay May Ann sa bahay nila ay nasa bisig ko ang alagang pusa ko.

Pinatawag naman ako ni Mr. Vallejos at ngayon nga ay nasa loob kami ng library niya habang umiinom ng kape.

“Just call me Tito Daimor, son. I just want to tell you that my daughter is not an ordinary child. She is an independent woman and one of the things she hates the most is being messed with, but you won’t have a problem with her because she is obedient. She is a private woman and prefers to be alone. So if you don’t like her behavior, just forgive her. All her life she did nothing but work. She also has no experience when it comes to being in a relationship with a man but expect her to have a good wife.”

“You have nothing to worry about, Tito. I will take care of your daughter and we will try to make our relationship work,” sabi ko. Kahit ngayon pa nga lang ay parang aso’t pusa na kami kung magbangayan.

“I really thought that your grandfather would choose our youngest daughter kasi ang kuwento sa amin ni Arveliah ay magkaibigan kayong dalawa,” aniya. Hindi ko alam kung nagsisisi ba siya na pinili ni Grandpa ang panganay niyang anak.

“Siguro po ay pinili lang ni Grandpa ang panganay ninyo kasi masyado pang bata si Arveliah para magpakasal,” sabi ko. Iyon lang ang naging usapan namin ni Tito Daimor. Ang tungkol kay May Ann.

Naghintay ako mismo sa labas ng mansion nila at nang makita ko siya ay naglakad ako patungo sa kanya.

“Get away from me,” she warned me.

“Pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako,” I blurted out.

“Inutusan ba kita na hintayin ako rito?” pagalit na tanong niya.

“No.”

“What was that?”

“I bought this little kitty. Don’t you like it?” Umiiwas talaga siya kapag sinusubukan ko siyang lapitan. Na parang may nakahahawa akong sakit.

“Don’t you dare...”

“What... Ayaw mong mag-alaga ng pusa?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

“Stop following me, will you?” I hissed me. She looks so cute when he’s angry. Nagsasalubong ang manipis niyang kilay.

“You need to take care of this little kitty for me, Miss.”

“I hate pets,” mabilis na sabi niya lamang. Wala nga siyang balak na mag-alaga ng pusa.

“I see... I don’t think na kaya mong alagaan ang magiging anak natin. Kahit ang maliit na pusa lang ay inaayawan mo na,” pagbibiro ko pa sa kanya.

“Really? Magiging anak natin? I thought you don’t want to get engage with me. So, may plano ka na sa magiging anak mo sa akin?” she asked me with her lips rose up. I clinched my jaw. Ang bilis din niya talagang makaganti sa akin. Matalino nga.

“Totoong bumili ka nga, Mergus! Hala, ang ganda naman niyan!” Dumating naman si Arveliah at doon lang siya umalis. Sinundan ko pa siya nang tingin.

“Yes.”

“Bakit ang suplada ng ate mo, Arveliah? Sobrang lamig din niya,” ani ko.

“Ganoon lamang ang ugali niya, Mergus. Pero alam kong mabait din si Ate May Ann.”

“I don’t think so. Where is her room?”

“Type mo ang ate ko, ’no?”

“Arveliah.”

“Aminin mo na. Type mo si Ate May Ann. Akin na muna si kitty. Sige na puntahan mo na ang ate ko,” pagtataboy niya sa akin.

Nadatnan ko nga ito na hindi pa sa maayos na posisyon. Nakikita ko tuloy ang hindi ko dapat na makita.

“Bumaba ka riyan.”

“Bakit kita susundin?” malamig na tanong niya lang sa akin. Mahirap nga siyang utusan.

“Dahil ang ikli ng damit mo at nasisilipan ka,” sagot ko kaya bumaba siya agad sa upuan. Muntik pa nga siyang mawalan nang balanse kung hindi ko lang siya nahawakan sa siko niya pero tinabig niya lamang ang kamay ko.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” naiinis niyang tanong.

“Ako ang kukuha para sa 'yo,” ani ko lang pero siniko niya ako kaya napadaing ako.

“Hindi ko hinihingi ang tulong mo o sa kahit na kanino man.”

“Your Dad, he said... Hindi raw ikaw ang tipong babae na kung nagkakaroon ng problema or something ay hindi ka humihingi ng tulong ng iba. Dahil sinasarili mo lang ang mga iyon at alam mo ba kung ano ang opinyon ko sa bagay na 'yon?”

“What?”

“Masyado kang nagmamagaling at tiwalang-tiwala sa sarili na makakaya mo ang lahat.”

“You need to remember this, Engineer Mergus. Ang sarili mo lang ang dapat mong pagkakatiwalaan, sa mundong mala-fairytale ay kahit ang family mo or your close friends ay hindi dapat pagkatiwalaan. Hindi porket na ganoong klaseng tao ako ay masyado na nga akong nagmamagaling. Hindi ba puwedeng may tiwala lang ako sa sarili ko at lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko ay kaya kong...harapin ng mag-isa lang?” mahabang saad niya. “Ang lakas mong maka-judge sa isang tao na hindi mo pa lubos na kilala,” I told him.

“You know... Sapat na rin ang mga nakikita ko,” usal ko.

“Yeah right. Alam mo rin na madali na nga iyon para sa mga katulad mo na husgahan kami.”

“Ang dami mo talagang sinasabi, tss,” iritadong saad ko kaya hindi ko tuloy naingatan ang family portraits nila. Nadulas ito sa kamay ko. “S-Shet...” Akmang kukunin ko ang nabasag na portrait nang pigilan niya ako.

“Are you stupid? May balak ka pa talagang pulutin 'yan, eh may bubog na?!” sigaw niya sa akin.

“Hindi naman ako bingi para sigawan mo, ah,” ani ko. Dahil nakagugulat naman kasi siya. Pinagtataasan niya ako ng boses.

“This is the reason why... Ayokong may ibang tao ang tumutulong sa akin dahil mas lalo lang lumalala ang situation. Just look what have you done, Engineer. Sa halip na makatulong ka nga sa akin ay nagkaroon ka pa ng kapalpakan,”

“Fvck that. I’m sorry...” Okay, it’s my fault. Importante pa naman yata sa kanya ang family portrait nila pero nabasag ko lang.

“Ano pa ba ang magagawa ng sorry mo kung binasag mo na ang family portrait namin, ha? Kaya bang ibalik iyon sa isang sorry mo?” tanong niya at lumuhod siya para kunin iyon sa sahig kaya hinawakan ko ang kamay niya. “What are you doing?”

“Sino ba sa atin ang stupid? Ako ba o ikaw? Bakit mo hahawakan 'yan kung alam mong may bubog na?” salubong ang kilay na tanong ko at pinalo niya lang ang kamay ko.

“Alam ko ang ginagawa ko. Don’t stope me, mas lalo lang nag-iinit ang ulo ko sa 'yo. Did you know that we have a family belief?” she asked.

“Akala mo ba kayo lang ang may ganoon? We have a family belief too,” laban ko. Iyon ang bawal sa amin ang magkaroon ng anak na babae.

“Once the portrait of your family broke...it means, may mawawala na isang miyembro ng family mo. Hindi lang basta mawawala dahil puwede ring sa susunod na family portrait ay wala na ang isang tao roon. Just like on a tree and a branch will fall, and it will slowly lose its balance,” she stated.

“That’s was an accident, I’m sorry,” I sincerely apologized.

“That’s it. An accident, pero kahit na. Kahit na hindi mo nga sinasadya ang lahat ay kailangan mo pa ring mag-ingat. Now get out of my room.”

Itinaas ko ang dalawang kamay ko dahil susunod na ako sa kanya. Baka tuluyan na siyang magalit pa but before that ay may pahabol pa ako.

“You know what. Puwede rin na magkatotoo ang sinabi mo na sa apat na taong nasa portrait na 'yan ay may mawawala riyan na isa pa.”

“Mabuti at naintindihan mo,” aniya.

“Puwedeng ikaw ang mawawala riyan sa susunod. Puwede sa susunod ay ako na ang kasama mo sa family portrait,” I told her.

***

“Bakit po kami mauunang babalik sa Philippines, Grandpa?” nagtatakang tanong ko dahil kaming dalawa lang ni May Ann.

Kahit si Michael ay ayaw niyang isama sa amin. “Yes.”

“Si Michael po, Dad?”

“Apo, mas mabuting mauna na kayo at dapat kayong dalawa lamang ang bibiyahe para naman maging close kayo. Pareho pa naman kayong malamig kung titingnan. Be kind to her, okay? Siya ang gusto ko para sa iyo.” Lahat kaming mga apo niya ay talagang no choice na. Mas gusto naman na makita siyang masaya. Kahit minsan ay nakaiinis na rin siya.

“Sige po,” I said but I tried. “Michael, ikaw na muna ang bahala sa pusa ko,” ani ko at ibinigay ko na iyon sa kanya.

“Okay.” See? Masunurin din siya.

***

Hinatid pa nila kami sa airport at nang nasa himpapawid na kami ay saka ko ibinalik ang topic about the bracelet. Nabili niya iyon sa auction.

“Sumama ka sa auction at sinugal mo ang 1.8M mo para lang sa bracelet ng kapatid mo?”

“Why? It’s a big deal? At hindi ko gusto ang ginamit mong terms about that. Sinugal talaga?” may inis na tanong niya.

“I just thought na...hindi mahalaga sa 'yo ang kapatid mo, but I was wrong. Barya lang pala sa 'yo ang 1.8M. Whoa, I just remembered my twin brother,” I said. Iba naman kasi iyon. Mag-ina niya ang binilhan niya no’n. Yes, may alam na ako tungkol doon kahit wala pa siyang sinasabi sa amin. Mahahalata ko naman na may pinagkakaabalahan siya.

“Do you have a twin brother?” she asked and I nodded. “I wonder kung may pagkakaiba ba sa pag-uugali niyo ng kakambal mo,” she added at napatikhim naman ako.

“None of your business,” supladong saad ko. Inunahan ko na siya.

“Walang modo,” she whispered.

“I heard that. Can I ask you something?”

“Dude, you already asked me,” she said factly at muli akong napatikhim.

“Hindi ko naitanong sa parents mo kung nakapunta ka na ba sa Philippines. So, that’s my question.”

“What about that? I’m 25 years old when I went to the Philippines. I just stay there in two weeks. I’m not that familiar pero madali rin naman sa akin ang makaalala sa mga lugar na napupuntahan ko. Hindi ako madaling maligaw,”

“No need to explain me that. Tinanong lang kita kung hindi mo ito first time. Ang dami mo na agad na sinabi,” pambabara ko at doon na naman nagsalubong ang kilay niya.

“Seriously? Wala ka talagang manners. What are you doing?” curious niyang tanong. “A cellphone?”

“Take it. Magagamit mo 'yan pagdating natin. Nasa...speed dial niyan ang number ko but I don’t want you to disturb me. So, huwag mo akong tatawagan. Busy akong tao at mahal ang oras ko. Message will do.”

“Old phone ba 'to?”

“No, bumili lang ako ng new phone at nagkataon na dalawa sila kaya kinuha ko na,” I lied.

“Do I need to say a thank you to you?”

“No need. Hindi ako mabait baka ma-disappoint ka lang sa akin,” sabi ko at nagsuot na lamang ako ng shades ko para makatulog na.

“Wala ka pa ngang ginagawa ay disappointed na ako sa 'yo,” mahinang saad niya.

********************

A/N: Hindi pa po tapos. Mahaba-haba pa siya. Hehe. Don't worry, may special chapter pa. Wait ninyo lang po.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top