CHAPTER 9
Chapter 9: Meeting the Brilliantes clan
HABANG naglalakad na kami ay naramdaman ko naman na may bumalot na mainit na tela sa balikat ko at nanuot sa pa sa pang-amoy ko ang gamit niyang perfume. Kung kaya naman ay napatingin ako sa likod ko.
White longsleeve na lang ang suot niya at nasa akin na nga ang coat niya. Humakbang naman ako palapit sa kanya para sabayan siya sa paglalakad at sinulyapan niya ako nang mapansin ang ginawa ko.
“Ano ka gentleman na ngayon?” walang emosyon na tanong ko sa kanya. Na-s-surprise ako sa moves niya.
“Ngayon lang ito dahil sa susunod na mga araw ay hindi na ako magiging mabait pa sa ’yo,” sabi niya nang diretso ang tingin niya sa daan.
“Don’t worry, Engineer. I’ll do the same way,” I said and rolled my eyes.
“Saan ka sasakay, May Ann baby?” Nagulat naman ako sa tanong ng kapatid ni Engineer Mergus. Well, wala namang nakagugulat sa tanong niya sa true lang but the last word he uttered ang ikinagulat ko.
Did he really just call me, baby?
“Ouch! Masakit ’yon, Kuya!” he complained dahil sa pagsiko sa kanya ng nakatatanda niyang kapatid na si Engineer Markus. “Kanina niyo po ako sinisiko ni Kuya Markin, ah...” parang batang sambit nito at tumutulis ang kanyang labi.
Sa kanilang magkakapatid nga ay si Mikael ang pinakaguwapo at si Miko naman ang pinaka-cute and soft.
Wait, may napansin lang ako. Ang mga pangalan nila ay nagsisimula talaga sa letter M? Markus, Mergus, Markin, Michael, Miko and Mikael. Ang simple rin ng names nila at iisa lang din. Hindi mahirap tandaan.
“Miko, son... Umayos ka naman, nakahihiya sa fiancé ng kapatid mo,” narinig kong suway sa kanya ng Mommy niya.
“It’s okay po, Tita. Huwag niyo na po siyang pagalitan pa,” sabi ko. Kung kaya ay matamis na ngumiti na naman si Miko. I guess isa rin siyang engineer, ’di ba? Hindi ko pa alam ang family background nila pero nasabi naman ni Don Brill na ang lahat ng apo niya ay engineer.
In the end ay nasa iisang kotse kami nina Miko, Mikael at katabi ko pa si Mergus na kanina pa nananahimik. I don’t care naman sa kanya, kahit hindi siya magsalita. Better iyon para hindi ako mairita sa presensiya niya.
“How old are you, Miko?” tanong ko kay Miko, siya ang naging driver namin kasi sa kanya naman ang car na ito and besides hindi naman niya gagawin na driver ang kuya niya dahil may jetlag pa.
“23 years old,” sagot niya. Tama nga ang hula ko na mas matanda ako kaysa sa kanya. It’s almost 5 years. Ilang taon din ang tanda ni Arveliah sa kanya.
“And at that age ay engineer ka na rin?” I asked him again.
“Yup, may mga malaking projects na akong hinahawakan ngayon—”
“With Kuya Markus’ guidance,” Mergus uttered and I looked at him. Sa labas ng bintana lang siya nakatingin pero nakikinig pa rin siya sa conversation namin ng brother niya.
“Yeah, that’s true, Kuya. Pero hinahayaan na kaya ako ni Kuya Markus, ah. May tiwala siya sa akin. Na magiging successful ang project na hinahawakan ko,” pagbibida pa nito. He’s really cute.
“I’m rooting for your successful, Miko,” I told him.
“Thanks,” he said at gamit ang rearview mirror ng kotse niya ay kumindat pa siya sa akin.
Sunod ko namang tiningnan si Mikael. Likas na tahimik talaga ang mga Brilliantes.
“How about you, Mikael?”
“We’re just the same age. Actually, we’re twins,” Miko answered and I was surprised again. I thought sina Engineer Markin and Mergus lang ang magkambal?
“Really? May lahi ba kayong twin sa family history niyo?” namamanghang tanong ko sa kanya.
“You asked too much. Ang ingay mo. Can you just shut up and stay still? May jetlag pa ako at nahihilo ako sa boses mo,” supladong sambit naman ni Mergus.
“Ako rin naman. I have jetlag din, and even though silent ka lang diyan sa seats mo ay nahihilo rin ako sa presence mo na super dark pa,” I fired back na nahaluan ng English and Tagalog language ang pananalita ko dahil gusto ko lang siyang asarin.
“Mas nahilo lang ako lalo sa pagiging conyo mo,” reklamo pa niya at nagawa pa niyang i-massage ang sentido niya.
“Kuya, ang harsh mo masyado sa fiancé mo. Wala kang pinagkaiba kay Kuya Markus. Ang sarap niyong pag-umpugin sa isa’t isa,” natatawang sabi naman ni Miko at wala yata siyang takot sa kapatid niya. Dahil nagawa niyang sabihin iyon.
“Miko, puwede bang magmaneho ka na lamang diyan? Focus on the road!” he exclaimed.
“Kuya, ang init ng ulo mo,” sabi pa ni Miko at talaga namang hindi siya huminto sa pagtawa niya.
Hindi na lang din ako umimik pa at tumingin na lamang ako sa labas ng bintana. Pumasok sa isang subdivision ang kotseng sinasakyan namin ngayon at ang dami pang mga security sa guard house. Mahigpit din ang pagbabantay nila.
Tinitingnan ko rin ang mga naglalakihang mansion na nadadaanan namin at ang gaganda rin. May kalayuan ang space nila sa isa’t isa, na parang may sarili silang privacy. Kasya pa yata ang dalawang mansion kung nagkataon na may magpapatayo pa sa space na iyon.
“Exclusive lang ang subdivision na ito for our family, Ms. May Ann. Walang nakatira rito na ibang tao bukod sa amin,” pagkukuwento ni Miko.
“Really? Wow... Ang laki ng subdivision na ito tapos... Kayo lang ang puwedeng manirahan dito,” ani ko. Iba nga talaga sila.
“Haist... The voice is nakaiirita na," mahinang bulong ng isang bee riyan pero hindi pa rin iyon nakatakas sa pandinig ko. I moved my feet and when I felt his shoes ay mariin na inapakan ko iyon. “What the fvck!” he cursed.
“Your bunganga is nakaiirita na,” I told him and he glared at me.
“Hoy, Kuya. Ano ba ang nangyayari sa ’yo at bigla-bigla ka na lang nagmumura?” tanong ni Miko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. Namumula ang leeg niya dahil iyon siguro sa inis at galit sa akin.
“Just drive, Miko. Gusto ko nang makarating sa mansion,” sabi niya at nagawa pa niya akong irapan.
May mga lalake rin pala ang nang-iirap, ’no? Ngayon ko lang talaga nalaman iyon. Parang babae naman kung makaasta, ah.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na kami and Miko parked his car nang makapasok kami sa malaking gate. Katapat din nito ang magandang mansion na ngayon ko lang nakita na may ganito palang klaseng bahay sa Philippines.
Mas sanay ako na nakikita ko ito sa other country. I removed my seatbelt at si Miko pa ang nagbukas sa akin ng pintuan.
“Thanks.”
“No worries. Wala yatang balak ang Kuya ko na pagbuksan ka. Beast mode kasi siya ngayon, mukhang may kalalagyan na si Kuya sa ’yo,” nakangising sabi niya at napasunod na lang ang tingin ko kay Mergus. Pumasok siya sa mansion nila nang walang pasabi at hindi man lang nag-aya. “Pagpasensiyahan mo na siya, Ms. May Ann, bugnutin eh,” sabi pa niya at marahan akong tumango.
“Okay lang, masasanay na rin naman ako, soon, and tawagin mo na lang akong May Ann kung hindi ka naman comfortable na tawagin akong ate, at huwag kang masyadong maging formal sa akin,” sabi ko. Magaan talaga siya kausap.
“Let’s get inside, hija,” pag-aaya sa akin ng ginang at tumango na ako. Sumabay na ako sa paglalakad sa kanila.
And it was my first time nang mabigyan ako nang full attention ng isang family na ngayon ko lang makakasama sa tanang buhay ko.
Kung sa una ay naiilang ako sa mga presence nilang lahat, na lalo pa ang dami pala nila tapos... Puro lalaki pa sila, ang mga nakikita ko lang na babae ay ang mga asawa ng anak na lalaki ni Don Brill. Napatingin ako kay Mikael.
“Nagtataka ka ba kung bakit puro lalaki kami, Ms. May Ann?” tanong sa akin ng isa sa mga pinsan ni Mergus.
Second grandson siya ni Don Brill, si Engineer Darcy, tapos ang mga kapatid naman niya ay sina Darius at Daziel. Ang bunso niyang kapatid ay parang si Miko lang na maloko and a joker too. Ang guwapo nga nilang lahat, there’s no doubt.
“Yes,” tipid kong sagot sa kanya.
“Nasa family history namin ang bawal na pagkakaroon ng anak na babae sa clan namin,” sagot niya at nagulat naman ako sa revelation na iyon.
“Son, hayaan mo ang pinsan mo ang magkukuwento sa fiancé niya dahil baka matakot si Ms. May Ann,” suway ng isa pang ginang na siguro ay Mommy niya.
Nasa living room kami at sa sobrang laki nito ay nagkasya kaming lahat. Paano naman, eh pa-circle ang sofa nila at ang iilan sa kanila ay nanatiling nakatayo lang. Habang pinapanood ako kaya nabibigatan ako sa atmosphere ng paligid.
“Mabuti pang magpahinga na muna kayo, Mergus. Ihatid mo na sa kuwarto mo ang fiancé mo,” sabi ng isa sa mga tita niya and expected na magpoprotesta siya.
“Tita, marami pong guest room ang mansion ni Grandpa at bakit ko po siya dadalhin sa kuwarto ko?”
“Mergus, sige na.”
“Nice to meet you again, hija, and welcome to our family,” halos magkasabay na sabi pa nila. Tanging pagngiti lang ang naisagot ko sa kanila. Sa dami nila ay magagawa ko pa ba silang i-thank you?
“Sa mansion natin, Mergus.”
“Haist,” he hissed at hinawakan ang siko ko para alalayan niya akong makatayo.
Nagpaalam din ako sa family nila bago kami lumabas ng mansion. Sa Grandpa pala nila ang malaking bahay na ito, eh.
Nang makalabas naman kami ay binawi ko ang braso ko at dumistansya mula sa kanya. Kunot-noong nilingon niya ako.
“Maglakad ka na lang at marunong naman akong sumunod nang hindi mo na ako hinahawakan pa,” malamig na utas ko at napabuga pa siya ng hangin sa bibig. “Ano pala ang tungkol sa family history niyo?” curious na tanong ko sa kanya. Sana naman ay sagutin niya ako dahil gusto kong malaman na kung bakit pinagbawal ang pagkakaroon nila ng babaeng miyembro sa family nila.
“Call it weird belief but that was true. It’s prohibited na magkaanak ng babae ang clan namin,” sabi niya at nagsalubong ang aking kilay.
“Prohibited? Paano naman kaya nakasisigurado na bawal nga iyon sa inyo?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“As you can see na wala kaming kapatid na babae o pinsan man lang,” sabi niya.
“Puwede rin naman kasi na mahirap lang sa inyo ang pagkakaroon ng anak na babae, hindi iyon matatawag na prohibited kasi...tingnan niyo, puro mga lalaki nga kayo. Just what if na bihira lang talaga sa inyo iyon? Na super rare ang babae sa clan niyo. Dahil kung bawal ’yan ay sana hindi na nag-asawa pa ang mga tito mo and your dad. Dahil kung totoo nga ang err—weird belief niyo ay puwede rin sa pagkakaroon ng asawa ng mga anak ni Don Brill—”
“Bawal kasi isa lang iyon sa...”
“Pestilence? I don’t think so... Paano naman kung may magbabago? Na sa generation niyo ng mga pinsan niyo ay magkakaroon kayo ng anak na babae? Itatakwil mo ba ang sarili mong anak? Para lang sa family history niyo?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya at napahinto siya sa paglalakad niya. “Kayo yata talaga ang weird,” sabi ko at nahulog lang siya sa malalim na pag-iisip. “Let’s go na nga,” ani ko at inunahan ko na siya sa paglalakad pero hinila niya ang kamay ko.
“Nandito ang bahay namin,” sabi niya.
***
“Sa condo ako matutulog ngayong gabi,” paalam niya sa akin nang makaupo na ako sa paanan ng bed niya. Malaki siya at malambot din na parang gusto kong lumundag.
“Wala akong pakialam kung saan ka man matutulog ngayong gabi,” supladang sambit ko at tinanggal ko ang coat niya. Hinagis ko ito sa kanya kaya sapol iyon sa face niya.
“The heck...”
Humiga ako sa bed niya at inabot ko pa ang kumot. Malamig ang aircon ng room niya. Malaki rin ito at malawak. Amoy na amoy ko ang familiar perfume niya and so manly ng wall structure sa loob. I like it, pero sana dark brown or light ang color, instead blue.
“Ang layo nga talaga ng pag-uugali mo sa kapatid mo. She’s soft and a kind-hearted woman. Not like you...”
“We have a different attitudes, Engineer Mergus, and this is me... Hindi mo rin naman ako pinakitaan ng good manners when we first met, so I’ll do the same way. This is the best revenge, believe me,” I said at narinig ko pa ang pagsinghap niya.
My eyes are nailed sa isang malaking picture na sa wall ng room niya. Napabangon ako at lumapit doon. Sinulyapan ko pa siya na naka-crossed ang arms niya sa chest niya at tinitigan pa ako.
“Alam mo ba na ikaw lang ang unang babae na nakapasok sa loob ng kuwarto ko?” tanong niya.
“I’m a lucky, then?” I asked him and I stared at him, sa picture nila na nakasuot ng itim na toga. Napataas pa ang isang kilay ko. Tatlo sila ang nasa picture frame. “Hindi ba kayo marunong ngumiti? Hindi ba dapat happy kayo kasi... na-achieve niyo ang goals niyo sa college? Bakit ang seryoso niyo masyado?” tanong ko at iniangat ko ang isa kong kamay para sana hawakan iyon pero mabilis siyang nakalapit sa akin. Hinawakan niya ang pulso ko para lang pigilan niya ako.
“Mukhang gaganti ka sa family portrait niyo, ah. Nag-iisa lang ang ’yan,” sabi niya at nagpumiglas naman ako. Marahas kong binawi ang kamay ko.
“Masyado kang OA. Wala akong gagawin at hindi ako isip bata para isipin din ang ganoong klaseng bagay. Gaganti? Pambata, tss,” sabi ko at bumalik ako sa kama. Ibinagsak ko ang katawan ko nang padapa sa bed. “I’m tired...”
“Tired? Paano naman ako na ginawa mong unan buong biyahe? Halos tulog ka nga tapos napagod ka pa rin?” reklamo niya sa akin.
“Bakit nga ba ako nakahilig na sa shoulder mo, Engineer?” I asked him.
“Bumagsak ang ulo mo,” mabilis niyang sagot.
“Goods na hindi nagdugo ang head ko,” pambabara ko sa kanya at napako ulit ang tingin ko sa bedside table niya. Ang picture nila ni... Arveliah. Sa hindi malaman na dahilan ay nanikip na naman ang dibdib ko. “Nasa graduation day ka pala ng kapatid ko. Matagal na kayong magkakilala,” sambit ko and I started to crawl sa bed sana but... Ngumiwi ako nang lumundag siya sa kama niya at mabilis na inagaw ang picture nila ng kapatid ko.
“Don’t touch anything kahit may permission ko pa,” malamig at mariin na sabi niya.
“I’m not careless like you, Engineer Mergus. May gagawin nga lang ako riyan,” sabi ko at umupo ako saka ko itinuro ang hawak niyang frame.
“Ano naman?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
“Hindi magandang tingnan na may picture ka kasama ang kapatid ng fiancé mo at nag-confess ka pa na may gusto ka kay Arveliah,” walang emosyon na sabi ko.
“This is just a friendly picture. Totoong may gusto ako sa kapatid mo,” he confessed. See? May gusto nga talaga siya kay Arveliah.
“But...na-one sided of love ka ba sa kanya?”I asked him, nasa voice ko ang interes.
“What? What was that?” he asked.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top