CHAPTER 79
Chapter 79: Housewarming
BUMALIK na rin kami sa mansion namin---goodness. Kay Mergus lang naman iyon, eh. Kahit sa living room ay may mga laruan din doon kaya enjoy na enjoy naman si Mayeese sa paglalaro niya.
Nanatili rin akong nakaupo sa sofa habang pinapanood ko siya. Nagtungo si Mergus sa itaas para makapaghanda na rin. May work kasi siya, eh.
"Miss?" Nag-angat ako nang tingin nang tinawag na naman niya ako. Puro miss siya, eh. Bakit hindi na lamang niya ako tawagin sa pangalan ko? Bakit miss pa?
"What?" I asked him.
"Sure ba kayo na hindi kayo aalis dito ni Yeye?" tanong niya. Nababahala siyang iwan kami dito dahil baka raw aalis kami.
"Hindi nga," sagot ko at tumayo ako para lapitan siya.
Inayos ko ang necktie niya dahil hindi maayos ang pagkakatali nito. Dumausdos agad ang magkabilang braso niya sa baywang ko. Napapitlag pa ako dahil sa paghawak niya sa akin.
"Work ka na po, Daddy?" tanong naman ni Mayeese at sumingit sa gitna namin. Nakatingala pa siya sa amin. Binitawan ko na ang necktie niya at saka niya binuhat si Yeye.
"Malulukot ang damit mo, Mergus," paalala ko sa kanya dahil ang paa ng anak niya ay lumusot pa sa coat niya. Bumungisngis lang ito nang mapansin niya na roon na ako nakatutok. "Sweetie. May work pa ang Daddy mo. Halika rito," ani ko at nang sinubukan ko siyang kunin ay nahila niya ang pin sa necktie ng kanyang daddy.
"Gusto mong mag-stay muna rito si Daddy?"
"Mergus," I warned him. Dahil sa pagiging clingy ni Mayeese ay gusto niyang pagbigyan ito na mag-stay siya sa bahay kahit may work pa siya.
"Wala pang laman ang ref, May Ann. Sasabihan ko na lang si Mommy na dalhan kayo ng lunch ninyo rito," sabi niya na inilingan ko.
"Sabi mo ay kapitbahay lang natin ang family ng kakambal mo, 'di ba? At sina Theza? Ihatid mo na lamang kami sa bahay ni... Mark," ani ko.
"Sinong Mark? Maraming Mark ang nakatira rito, May Ann," sabi niya.
"Iyong kakambal mong si Markin. Maliban kay Kuya Markus ay sino pa ang may kapangalan na Mark dito? Ah... Si Markhanniel," tumatangong saad ko.
"Doon na lang kayo kina Rea. Hindi mo pa sila nakikilala, 'di ba?" I nodded. "Tara." Pinagsiklop na naman niya ang mga daliri namin at saka kami lumabas.
Kasing laki lang ang mga bahay sa subdivision na ito pero iba't ibang style lamang sila.
"Knock-knock," mahinang sambit ng baby namin nang marating namin ang pintuan sa kabilang mansion. Bumukas iyon at ang kakambal niya mismo ang nagbukas. "Aw... Daddy 2," Mayeese uttered.
"No, it's your Uncle Markin, anak. Ako lang ang Daddy mo," sabi naman ni Mergus. Ayaw niyang may tinatawag na ibang daddy ang anak niya. Pss.
"Hi, Mayeese. Lumipat na pala kayo sa kabila, May Ann."
"Napilit lamang kami, eh," I reasoned out.
"Grabe kung mamilit ang isang Brilliantes, 'no? Hindi mo siya kayang ayawan," he said.
"True," tipid na sabi ko.
"Sino ba ang dumating, Markin?" narinig ko naman ang boses ng isang babae.
"Baby, may bisita tayo. Kasama ng kakambal ko ang mag-ina niya," sabi ni Markin at tuluyan ko nang makita ang babae.
Maganda siya, sobrang ganda niya. Na parang isang manika lang pero halos black ang suot niya pati na ang hair niya na may pagkakulot din. Bumagay sa kanya ang kulay nito dahil mestiza siya.
"Pamilyar ka," sabi niya sa akin. Napatingin pa ako kay Mergus dahil sa sinabi nito.
"Ikaw ang pinagselosan niya dati, May Ann. Akala niya kasi ay nag-cheat ako sa kanya," paliwanag sa akin ni Markin. Nag-aalangan na tiningnan ko ang katabi niyang babae.
"I'm sorry about that. Markin and I are just friends, I guess," I told her.
She shook her head at ngumiti na siya sa akin. "Huwag kang mag-alala. Narinig ko na ang paliwanag ng iisang mukha na ito," sabi niya at ang kanyang tinutukoy na iisang mukha ay sina Mergus at Markin. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa.
"I'm May Ann Vallejos, anak namin ni Mergus, si Mergia Mayeese," pakilala ko sa aming anak.
Kinuha ni Markin ang pamangkin niya at pagkatapos niya itong halikan sa ulo ay inilipat niya sa...uhm... Ano ba ang dapat kong itawag dito?
"Wow, ang suwerte ng Brilliantes clan. May kamukha na nga at pareho pa ang pangalan," sabi nito. "Baby, kamukha siya ni Mackrenz. Puwede silang maging kambal, oh," tuwang-tuwang sabi niya. "By the way, May Ann. Ako si Rea, fiancé pa lamang ako ni Markin."
"Nice meeting you, Rea," I said. Kakaiba rin naman ang ideal girl ni Markin.
"Pasok kayo..."
"Narinig ko kay Miko na hindi ka pa raw sinasagot ni May Ann?" narinig kong mahinang bulong ni Markin. Hala, may pabulong-bulong pa eh naririnig ko naman.
"Hindi naman ako nagmamadali, Kuya," sagot naman ng isa.
"Wala akong kakambal na babagal-bagal," Markin uttered.
"Maybe same age lang si Mayeese sa bunso namin, May Ann."
Sa living room namin nakita ang dalawang bata. Nanonood ang mga ito ng cartoons at dinig na rinig ang malakas na volume nito.
"Paano pala nangyari na nagselos ka sa akin?" curious na tanong ko. Gusto kong malaman.
"Kasama ko ang panganay namin ni Markin. Ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi sa amin at halos wala na rin kaming communication sa isa't isa. Nakita kita sa may parking," paliwanag niya.
Hindi ko maalala kung saang parking iyon at kung ano ba ang ginagawa namin ni Markin para magselos siya sa akin. Hindi naman siguro pinagkamalan niya lamang si Mergus. Dahil nagpaliwanag na daw ang dalawang engineer na iyon.
"Ilang beses lang kaming nagkita noon ni Mark," sabi ko kasi hindi ko maalala.
"Love, nandito ang pinsan ninyo, oh," pagkuha naman niya ang attention sa dalawang bata. Ibinaba ni Rea ang anak ko at kusang loob itong lumapit sa dalawa.
"Hi, I'm Mergia Mayeese, but you can call me Yeye for short," malambing na bati nito at nag-wave pa siya ng kamay.
"Wow... Napakalambing na baby."
"Who's your Dad?" nakataas na kilay na tanong ng panganay nila. Grabe, pati ang baby girl nila ay ang pretty rin. Pero sa hitsura pa lamang nito ay mukhang maldita rin.
"My Daddy Gusgus," sagot nito at itinuro pa niya ang Daddy niya.
"Love, huwag mong sungitan ang pinsan mo. Mabait pa iyan kaysa sa iyo, eh," ani naman ni Markin kaya napanguso ito.
Bumaba naman ang batang lalaki na tinutukoy nilang bunso nila. Tama nga rin si Rea na kamukhang-kamukha ito ni Mayeese, parang boy version lamang ng baby ko.
"I'm Mackrenz," pakilala ng isa. "Hello, Yeye." Humalik sa pisngi niya si Mayeese at niyakap naman niya ito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil ang sweet lang ni Mayeese.
"Come, come. Sit ka, tabi tayo. You're so pretty."
"Okay po."
"I'm Markiana Reyan, call me Ate. Kasi iyon ang tawag sa akin ng baby brother kong si Mackrenz and the twins," ani ni Markiana.
Tinulungan pa niyang ihila ito para makaupo sa tabi niya at sumunod naman ang isa.
"Okay po, Ate Markianan... You're so pretty rin po," sabi nito at hayan na naman ang paghalik niya sa pisngi.
"Markiana, Mackrenz, siya naman si Aunt May Ann. Siya ang magiging wife ng Uncle Mergus ninyo."
"Hello po, Aunt May Ann," magkasabay na bati sa akin ng dalawang bata.
"Hi," sambit ko lang.
"Aunt, wala pa po bang baby brother si Yeye? Bigyan ninyo na po siya, ha?" Namanhid ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi ng batang ito.
"Naku, love. Huwag mong bigyan ng idea ang Uncle Mergus mo," sabi ng Mommy niya.
"Daddy, punta po ako kina Mark and Azeth!"
"Kahit may bata na talaga rito ay hindi pa rin enough sa kanya. Naghahanap siya ng batang lalaki na katulad niya para maglaro," pahayag naman ni Rea.
"Ihahatid na kita, son. Maiwan ko na muna kayo rito, May Ann. Walang pasok ngayon si Rea," paalam ni Markin at hinalikan pa niya sa noo si Rea.
"Sasabay na ako, Kuya," ani naman ni Mergus at bago pa man siya maglakad patungo sa pinto ay nilapitan pa ni Mayeese at hinalikan sa pisngi. Humalik din siya sa pisngi ni Markiana. "Take care of your baby cousin, Markiana."
"Yes po, Uncle Mergus."
Pinagtaasan ko siya ng kilay nang humarap naman sa kanya kaya natawa si Rea.
"Okay lang, Mergus. Sige na."
Hinaplos lang ni Mergus ang pisngi ko at pinagdikit ang noo namin saka siya umalis. Napanguso ako dahil sa simpleng gesture niya. Alam ko naman na hahalik siya sa akin pero naunahan ko na siya sa pagtaas ng kilay ko.
Nakipagkuwentuhan na lamang ako kay Rea. Nakatutuwa talaga sila. Hindi pa ikinakasal ay talagang binabahay na sila ni Markin. Kami nga ni Mergus ay hindi pa official ang relationship namin ay mukhang wala na ring balak si Yeye na bumalik kami sa condo.
Doon ko mas nakilala si Rea. Isa pala siyang artist, sikat na painter. Compare sa buhay na mayroon ako ay naging successful din siya ayon sa talent niya at nagsimula rin siya sa pagiging underrated painter niya. Nasunog lang daw ang studio niya na ngayon ay maayos na dahil kay Markin.
Una niya ring nakilala si Grandpa ay noong may mini exhibit ang barangay nila at talagang doon pa lang ay gusto na siyang ipares sa fiancé niya ngayon dahil sa mga oras na iyon ay nandoon si Markin.
One night stand lang daw ang nangyari sa kanila at nakabuo agad sila. Iyon na si Markiana. Kakaiba rin ang kuwento ng dalawang ito.
"Naalala ko na pala, Rea. Kung sa parking ay baka iyong panahon na inaya ako ni Mark na mag-coffee," ani ko.
"Tama, iyon nga ang narinig ko," sabi niya.
"Sorry, tinawagan ako noon ni Mark at sa mga oras na iyon ay hindi kami okay ni Mergus. Dumating pa nga siya at nasuntok lang siya ng kakambal niya. Excited si Markin noon, dahil tiniis niya na huwag kayong magkita na mag-ina para lang makuha ang...uhm... Elvo street iyon, 'di ba?"
"Yeah. Kilala ko na si Markin, pero hindi ko lang naiwasan ang magduda sa kanya dahil noong nalagay kami sa kapahamakan ng anak namin ay hindi man lang siya dumating at umuwi lang kami sa probinsya namin ay hindi talaga siya nagpakita sa amin tapos...noong sinubukan namin siyang puntahan ay kayo pa ang nakita ko."
"I'm so sorry, Rea," paghingi ko ng paumanhin sa kanya at hinawakan ko pa ang kamay niya.
"Wala iyon. Ang mahalaga ay nabuo na ulit kami at alam kong kayo ni Mergus at ng baby ninyo ay magiging masaya na rin," sabi niya at may bigla namang kumatok sa front door nila pero nakabukas na iyon. "Si Theza," nakangiting sabi niya at napatayo siya para salubungin ang bago niyang bisita.
Hindi nag-iisa si Theza dahil may kasama pa siyang dalawang babae. May benda sa ulo niya ang isa at iyon ang inaalayan ni Theza tapos sa left side naman niya ay ang pangalawa pang babae na nakahawak sa braso niya.
"Hindi kayo nagsabi na may bonding pala kayong dalawa," sabi niya at wala man lang ekspresyon ang mukha niya. Pero mayamaya lang ay ngumiti siya sa amin.
"Hindi rin naman kasi kayo nagsabi sa akin na bibisita na kayo agad. Sino pala...ang kasama mo?"
"Nagpatulong ako sa tauhan ni Markus. I kidnapped them. Ito kagigising pa lamang niya from her coma kahapon, na-discharge siya sa tulong ni Grandpa, kahit hindi pa puwede. Siya si Novy Marie, ang Mommy ng anak ni Michael. Please, alalayan ninyo siya para sa akin. May hand injury kasi siya, eh."
Ako na ang lumapit at inalalayan ko agad siya. "I'm May Ann," I uttered my name. Tipid man ang kanyang ngiti ay alam kong hindi iyon pilit lamang.
"N-Novy na lamang. Novy Marie V. Bongon, that's my full name," sabi niya. Halatang galing pa nga siya sa hospital dahil ang tamlay niya masyado. Pero bakit naman kaya dinala rito agad ni Theza sa halip na magpapahinga pa ito sa hospital? "Thank you, May Ann..." pagpapasalamat niya sa akin nang maiupo ko na siya sa sofa.
Kinuha ko ang unan at ipinatong ko iyon sa lap niya. "Gusto mo ng tubig?" tanong ko.
"Salamat," sambit niya kaya nagsalin ako ng tubig sa baso. May pitcher na kasi sa table. Ibinigay ko rin iyon sa kanya.
Maikli ang buhok niya dahil siguro sa sugat niya. Siya ang babae ni Michael. Iyong in coma.
Binalingan ko naman ang isang babae. Hanggang balikat lang ang haba ng hair niya at may bangs pa siya. Sa baba lang siya nakatingin pero maaliwalas ang bukas ng mukha niya.
"Siya si Donna Jean, May Ann... Hmm... Girlfriend ni Miko," sabi ni Theza. Napatango-tango ako.
"Maganda siya," ani ko. Napahawak siya sa pisngi niya at matamis na ngumiti.
"Thank you. Alam ko rin na maganda ka. Pero puwede ko bang hawakan ang mukha mo?" Mabilis akong napatingin kay Theza. Kasi bakit gusto niyang hawakan ang face ko? That's weird.
Si Rea agad ang nakapansin na tila nalilito nga ako sa inaasal ni Donna. "Ako muna, Donna," sabi niya at lumapit pa siya kay Donna. Dinala niya ang mga kamay nito sa mukha niya kaya hinahaplos na nito ang pisngi niya.
"She's blind, May Ann. Pero ginagawan na ng paraan ni Grandpa ang eye transplant niya," Theza explained. Kaya naman pala na palagi siyang nakatungo at hindi makatingin sa akin ng diretso dahil wala siyang nakikita. Napakahirap ng situation niya.
After ni Rea ay ako naman ang sumunod. Mabait si Miko at wala siyang pakialam kung bulag man ang girlfriend niya. Sa tingin ko nga ay tinutulungan pa niya ito.
"Ang ganda mo rin, May Ann. Matangos ang ilong mo at may kaliitan ang chin mo," she said.
"Maganda ka rin," ani ko.
"Ate Theza. Iyong sasakyan po ni Kuya Michael, nasa labas na." Noong una ay clueless pa ako kung sino naman ang magandang babae na bigla na lamang sumulpot at tinatawag niyang ate si Theza. Mas bata nga ito kaysa sa amin.
"Ang bilis talaga niya," Theza uttered. "May Ann, siya si Mikael. Ang bunso at nag-iisang babaeng apo ng Brilliantes clan."
"Hello, nagkita na tayo dati, right?" she asked me and I nodded. Naalala ko siya kahit paminsan-minsan ko lang siya nakikita dati. Aloof siya, eh.
"At nakasuot ka pa no'n ng panlalaking damit," sabi ko naman na mahina niyang ikinahalakhak.
"I don't have any choice," she reasoned out.
"Siya rin naman ang bumasag sa maling paniniwala ng mga eldest ni Grandpa."
"Where is Novy, Mikael?" Dumagundong na ang malamig na boses ni Michael sa loob ng mansion at ang seryoso ng mukha niya nang tuluyan siyang makapasok. Isa-isa pa niya kaming tiningnan at nang makita niya ang taong hinahanap niya ay mabilis din na lumambot ang facial expression niya.
Sa likod naman niya ay si Kuya Markus na kasama ang tatlong bata. Iyong kambal niya iyon at si Mackrenz. Patakbong lumapit ang mga ito kina Mayeese at Markiana.
"Kuya ang fiancé mo, hindi pa fully recover si Novy at kagigising lamang niya from her coma ay iniuwi na agad siya," sumbong nito sa nakatatandang kapatid niya.
"Ginusto iyon ni Novy, Michael," ani ni Kuya Markus at naglakad na siya palapit dito. Nang hawakan niya ang siko nito ay mabilis na tinabig ang kamay niya.
"Don't you dare touch me," malamig na sabi ni Novy sa kanya. Hala galit si Novy.
"Shet, baby. Hinahanap ka ni Lenoah."
"Michael, hey. Distance, she's not your fiancé, anymore," Theza blurted out.
"But sis... She's the mother of my son."
"Ano ngayon?" masungit na tanong sa kanya ni Theza at umupo siya sa gitna ng mga ito para lang hindi makalapit si Michael kaya bumuntong-hininga na lamang ito.
"Kuya, ilayo mo nga ang fiancé mo."
"Novy told you, don't touch her, Michael. Dapat wala rito ang party. Sa bahay dapat nina May Ann at Mergus," agad na sabi niya.
"Sa mansion ninyo, May Ann. Housewarming," Rea commented. "Ipagsama-sama natin ang magpipinsan."
"Sige," wika ko. Sasabihin ko na lamang kay Mergus pag-uwi niya.
Akala ko ay wala ng darating pa pero nagsalubong na lamang ang kilay ko dahil mukhang hindi pumasok sina Mergus at Markin. Kasama na nila si Miko. Another baby boy na naman ang kasama nila.
"Bakit nangunguha kayo ng baby ko, ha?" mapaglarong tanong nito sa amin. Akala ko ay una niyang lalapitan ang girlfriend niya pero kay Mikael siya tumabi. Bumaba nga sa lap niya ang batang lalaki. Siguro ay iyon na ang anak nina Michael at Novy.
Nasagot ang tanong ko dahil sa paglapit niya sa Mommy niya.
"Si Mikael ang baby mo, Miko?" nang-aasar na tanong ni Rea. Lumipat ang tingin ko kay Mergus.
"Anong ginagawa mo? Akala ko ba ay papasok ka na sa work mo?" I asked him.
"May housewarming daw sa bahay natin," sagot niya sa akin.
"Pinag-uusapan pa lamang namin, paano mo naman nalaman iyon agad?" nagtatakang tanong ko.
"Secret, Miss."
"Bakit hindi gumagalaw ang manika na katabi mo, Rea?" Nang-aasar na naman si Miko. I wonder kung paano niya ring i-treat ang girlfriend niya.
"Manika? Manika ang tingin mo kay Donna, Miko?" naaaliw na tanong ni Rea.
"Oo. Ang ganda ng manika. Puwede ko bang iuwi sa bahay ko?" Napapailing na lamang ako.
Kaya mayamaya lang ay nilapitan na niya ito at umupo sa tabi nito. "Hi, Miss," bati niya at hinalikan niya sa pisngi si Donna kaya hinablot nito ang buhok niya saka hinila pababa.
"Palagi ka na lang ganyan sa akin, Miko."
"Sorry, guys. Sadista lang po talaga ang girlfriend ko," sabi niya sa amin.
***
Hindi lang isang simpleng party ang naganap para sa gabing ito. Dahil invited ang lahat ng family ni Mergus. Ang mga pinsan niya, since nakatira ang mga ito rito sa subdivision.
Mas nagulat lang ako nang makita ko na kanya-kanya silang may buhat na mga bata. Kasama rin ni Mikael ang boyfriend niya.
"Sorry, magulo ba sila, Miss?" tanong sa akin ni Mergus nang yayain ko siya na lumayo na muna sa karamihan.
Inilingan ko siya dahil hindi naman iyon ang dahilan ko. Nakatutuwa lang na makita na ang laki nga ng Brilliantes clan. Si Mama lang ang hindi ko tinawagan dahil ayokong mapagod siya sa biyahe.
"Hindi. Iyong mga pinsan mo," ani ko at ininguso ko sila.
"Bakit? May umaway ba sa iyo?"
"Parang bata naman ito, oh. Ang mga pinsan mo, puro babae ang anak."
"Bihira lang sa amin ang magkaroon ng babae sa clan namin. Kaya tingnan mo ang reaction ni Grandpa. Tuwang-tuwa siya." Sinundan ko naman nang tingin si Grandpa. Ang lapad-lapad nga ng ngiti nito.
"Indeed."
"Ang sabi ni Grandpa, five years from now ay may ihahanda raw siyang isang malaking event na para lang sa atin, sa Brilliantes clan," sabi niya.
"Ano naman iyon?"
"Reunion daw iyon at alam mo kung ano ang habilin niya?"
"What is it?"
"Dapat daw marami tayong mga kamay dahil may hinanda rin siyang games. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin," aniya.
"Maraming kamay?" nagtatakang tanong ko naman sa sarili ko.
"Maraming kamay na tutulong sa atin. I don't know if ano ang kahulugan no'n."
"Maybe, iyong tinutukoy niya ang mga apo niya," I told him at natawa lang siya. "Mergus..."
"Hmm?" tugon niya at hinapit pa niya ako sa baywang ko. Humilig din siya sa akin kaya dumampi ang labi niya sa tungki ng ilong ko at nagtaas baba na rin ang isang kamay niya sa baywang ko kaya mariin kong pinisil ang pisngi niya.
"Paano mo mapatutunayan sa akin na mahal mo nga talaga ako at hindi mo na ako iiwan ulit, ha?" seryosong tanong ko sa kanya. Bumaba naman ang ulo niya sa leeg ko at hinalikan ako roon kaya kinurot ko ang tagiliran niya.."Tinatanong pa kita, Mergus," ani ko.
Malaya siyang halikan ang leeg at balikat ko dahil nakasuot ako ng sleeveless tee-length dress.
"Paano ko patutunayan sa iyo?" tanong niya at diretso akong tinitigan sa mga mata ko. May kislap ang mga iyon at sa mga mata pa lamang niya ay makikita ko na kung ano ang nararamdaman niya para sa akin at kung gaano ako kahalaga sa kanya.
"What is it?" Naghihintay ako sa isasagot niya. Kahit halatang-halata na rin ang pagmamahal na iyon. "Gusto ko lang ng assurance," dagdag pang sambit ko.
"Paano ko nga ba patutunayan ang pagmamahal ko sa iyo, May Ann?"
"Bakit parang nag-iisip ka pa?" may bahid na inis na tanong ko sa kanya.
"Isa lang ang alam ko, Miss," nakangising sabi niya at inilapit na naman niya ang bibig niya sa tainga ko. "Sa kama..." Mariin akong napapakit nang kagatin niya ang punong tainga ko at mas idinikit niya ang katawan ko sa kanya. Pero sa huli ay niyakap na niya ako habang marahan siyang gumagalaw na parang isinasayaw niya ako.
I snaked my arms around his neck at nakipagtitigan ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at sinuri ng mga mata niya ang buong mukha ko.
"What?"
"Hindi mo gustong malaman kung bakit sa kama ko lang kayang patunayan ang pagmamahal ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi talaga nagbago ang pagiging pervert mo, 'no?"
"I'm just kidding, May Ann," sabi niya at naging seryoso na ulit ang expression ng mukha niya. "I'm in love with you. Sabi ko dati ay sabay nating tuklasin ang bagay na iyon. Mukhang...mag-isa lang natin naramdaman noong mga panahon na hindi na natin kapiling ng isa't isa," aniya at pinitik ko ang tungki ng ilong niya.
"Na-brainwash ka ng Mommy ko, right?" I asked him and he nodded.
"Arveliah is one of my friends, she's precious but...dahil sa pinili ko nga ang kapatid ko ay ikaw naman ang nawala sa akin. May Ann... Can I ask you something?" tanong niya sa akin at dinala niya ako sa isang hammock chair. May ganito pala sa may garden, kaya pareho kaming namahinga rito. May kalayuan pa rin ang puwesto namin sa kasamahan namin na maririnig ang malakas na tawanan.
"Ano iyon?"
"Bakit hindi ka man lang nagalit kay Tita Venus? Bakit hinayaan mo siyang saktan ka? At nalaman ko nga rin na pinilit ka niyang maging donor ni Arveliah kahit alam niyang... buntis ka na noon sa Mayeese natin," sabi niya.
Curious siya dahil parang hindi man lang ako nagalit sa Mommy ko or rather say stepmom ko. Lahat ng ginawa nito ay alam kong mahirap kalimutan dahil simula pa noong bata pa lamang ako ay iyon na ang tumatak sa puso at isip ko.
Walang taong hindi magagalit sa ginawa sa iyo pero kasi ako...
"Hindi ko mahanap," ani ko at lumalim ang gatla sa noo niya kaya hinaplos ko iyon para magpantay ulit. "Hindi ko mahanap sa puso ko ang galit, Mergus."
"Eh, bakit ako nagalit ka pa?" tanong niya na may pagtatampo sa boses.
"Si Mommy, siya na ang kinalakihan ko na Mommy ko. Siguro mas mahal ko siya kaysa sa iyo kaya galit ako sa 'yo," paliwanag ko sa kanya at tumaas na naman ang sulok ng mga labi niya.
"Deserve kong maramdaman ang galit mo sa akin, Miss. Wala akong ginawang maganda sa 'yo kundi puro sakit lang," he said. Lungkot na naman ang mayroon sa boses niya.
Hinawakan ko ang panga niya. "Mayroon. Mayroon kang ginawang maganda," nakangiting wika ko. Nagtaas siya ng kilay.
"At ano naman iyon?"
"Si Mayeese," sagot ko agad at siya namang pagsulpot nito sa gitna namin.
"Daddy, hala may hammock chair!"
"Be careful, sweetie," paalala ko sa kanya dahil sa pagsampa niya. Hindi niya kami hinintay na iupo siya.
Umupo na lang din siya sa gitna namin at ang pareho niyang kamay ay nasa paa namin ng Daddy niya. Nakangiting humilig siya sa headrest.
"Kumusta ang pinsan mo, Yeye? Mababait na sila?" tanong ni Mergus sa aming anak.
"Super kulit and bait din po, Daddy! Ang pretty-pretty po nila tapos pogi rin po ang mga cousin kong boy," paliwanag niya na sa sobrang lapad ng ngiti niya ay parang mapupunit na rin ang pisngi niya.
"That's good to hear, Yeye," Mergus said.
"Mommy, kailan po ako magkakaroon ng baby sister or brother?"
"Anong tanong na naman iyan, sweetie?"
"Si Aunt Theza po ay sabi may plan na magka-baby ulit, si Aunt Rea at saka ang iba ko pa pong auntie. Preggy na rin po sila, may baby na," nakangusong sagot niya at hinawakan pa niya ang tiyan ko na parang magkakaroon ng himala at mabubuntis na ako.
"At kanino mo naman natutuhan ang salitang preggy, anak?" nagdududang tanong ko.
"Kay Ate Markiana po, Mommy. Siya po pala ang first na first na apo ni Great Grandpa. Parang si Uncle Markus lang po."
Tiningnan ko naman si Mergus na may aliw na naman sa bawat pagtitig niya sa anak niya. "Iyong anak mo talaga ang tsismosa, eh. Alam na niya agad kung sino ang unang apo sa tuhod ni Grandpa," naiiling na saad ko. Natatawang kinandong niya si Mayeese at hinalik-halikan ito sa pisngi.
"Tama ang nasagap mong tsismis, anak. Good girl talaga." Aba't pinuri pa niya.
"Daddy, hindi naman po iyon tsismis, ah!" nagtatampo na sabi nito.
"Babae ang bunso namin sa clan at ngayon ay babae naman ang naging apo sa tuhod ni Grandpa. Mukha ring...mas dadami na ang mga lahi natin dahil iyong kakambal ko at si Kuya Markus ay nagpaparami na. Kaya, Miss. Kailangan na nating magmadali baka maiwanan na tayo ng lahat," aniya kaya ang buhok na niya ang hinila ko.
"Tandaan mo na ngayon pa lang kita binibigyan ng second chance. Gusto mong sundan natin agad si Mayeese, ha?" masungit na ani ko. Nanigas naman siya mula sa kinauupuan niya.
"Seryoso na iyan, Miss? Binibigyan mo na talaga ako ng second chance? Wala ng bawian?" Umiling ako. "Talaga?" I rolled my eyes. "Yes! Yes!" masayang bulalas niya but later on ay umiyak na naman siya sa balikat ko.
"Napapansin ko ang madalas mong pag-iyak, ha," komento ko.
"Niaaway mo always ang Daddy Gusgus ko, Mommy," naiiyak na sabi ni Yeye.
"I'm just happy, Yeye. Thank you, May Ann... Pangako na hindi na kita bibiguin pa... Aalagaan at mamahalin ko kayo ni Mayeese... God... I'm too happy," sabi niya na may butil na luha sa mga mata niya. Natatawang pinunasan ko iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top