CHAPTER 74

Chapter 74: She's back

"GRANDPA... P-Paano ko po siya hahanapin? Paano..."

"Ginawa rin iyan ng kakambal mo, Mergus. Kaya gawin mo rin ang ginawa niya... Alam kong... mahahanap mo pa rin siya."

Wala akong ibang nagawa noon kundi ang tularan ko rin ang kakambal ko. Ang maghanap sa kung saan-saan pero katulad ko ay nabigo rin naman siya.

Honestly speaking, mas masakit ang pinagdaanan ni Kuya Markin. Nakita na niya ang anak niya at nararamdaman na niya ang pagiging ama niya. Kabutihan at kabaitan ang ipinakikita niya sa mag-ina niya pero nagawa pa rin siyang iwan ng mga ito.
Katulad nga rin ng sinabi nila na may dahilan ang lahat.

Ako, naiintindihan ko ang biglaan na pag-iwan sa akin ni May Ann. Nagalit ako sa kanya, nagalit ako dahil sa pag-back out niya na maging donor ng kapatid niya. Ang dahilan niya ay ang magiging anak namin.

Hindi ko siya inintindi, hindi ko siya binigyan ng sapat na oras para magpaliwanag. Hindi ko binigyan ng pagkakataon ang pag-amin niya sa akin na buntis siya. Nagalit siya dahil lumalabas na pinili ko nga si Arveliah.

Pero tao lang din ako. Hindi ako perpekto, hindi ako si Zero para mabasa ko kung ano ang laman ng isip ng mga tao. Hindi ako kagaya niya na mahusay umintindi ng sitwasyon. Sa puntong ito ay hindi ako natulungan ng sarili kong instinct at hindi rin ako matatawag na magaling ako sa obserbasyon.

Dahil kahit ang anak ko ay hindi ko man lang naramdaman na nasa sinapupunan na siya ng Mommy niya. Kahit ang sitwasyon noon ni May Ann ay hindi ko man lang napansin. Kaya hindi ako matatawag na isang observant.

"Paano kung hindi na, Grandpa?" tanong ko at may kaba na sa dibdib ko.

Kilala ko si May Ann. May isang salita iyon at may paninindigan din. Kapag sinabi niya at may gusto siyang gawin ay hindi iyon magdadalawang isip na gawin ang mga bagay na naisip niya.

Matigas ang puso niya at pati na rin ang ugali niya kaya walang-wala sa kanya kahit iwanan pa niya ako. Kayang-kaya niyang indahin ang sakit na idinulot ko sa kanya.

Isang bagay rin ang mas naliwanagan ako. Isang bagay na hindi ko akalain na mayroon pala ako no'n at hindi ako mahihirapan na maramdaman iyon agad.

Habang lumilipas ang ilang araw na hindi ko siya nakikita ay mas tumitindi ang pagka-miss ko sa kanya. Kahit sa condo namin ay palagi ko pa rin siyang nakikita at naaalala. Hindi ko alam kung bakit naimbento ang ganitong klaseng nararamdaman.

Kung kailan alam mong mahal mo at mahalaga na sa iyo ang isang tao ay saka mo malalaman ang totoong halaga nito sa iyo.

Mahirap sa umpisa pero nakakaya ko pa rin kahit papaano. Isa sa ultrasound picture ng baby namin ni May Ann ang nagbibigay sa akin nang lakas ng loob at hindi ito nawala sa akin. Nasa wallet ko lang ito pero may mga pagkakataon na iniiyakan ko ito habang nakatitig ako rito. Hindi ko maiwasan ang masaktan. Napapaisip lang kasi ako na kung ano ba ang naging anak namin. Lalaki ba o babae?

Alam ko rin na pinagbabawal sa pamilya namin ang magkaroon ng isang anak na babae pero hindi ko masyadong prinoblema iyon. Wala akong pakialam kung naging babae pa ang unang anak namin ni May Ann. Dahil ang mas importante ay anak ko siya at mamahalin ko siya na higit pa sa sarili ko.

"Ano na ang balita sa hinahanap ninyo?" tanong sa amin ni Kuya Darcy. Ang pinsan namin.

Siya ang pangalawang apo ni Grandpa. Halos magkasing-edad lamang sila ni Kuya Markus. Mas nauna lang ng tatlong buwan ang kuya ko at kahit magkasing-edad lang kayo ay kung sa pamilya namin ay kailangan mo pa rin siyang tawagin na kuya dahil isa iyon sa pinaalala sa amin ni Grandpa. Respeto ang mas mahalaga sa amin at may paninindigan din.

"Wala pa," sagot ng kakambal ko. "Ayaw na yatang magpakita pa sa akin ang mag-ina ko, eh," dagdag pang sambit niya.

"Tularan ninyo na lamang ang kuya ninyo. Alam niya kung saan hahanapin ang girlfriend niya pero hindi naman niya pinupuntahan pa dahil sa dami ng trabaho na kailangan pa niyang asikasuhin," he said.

Ang dami ring nangyari at problema na dumating sa amin. Kaya minsan ay naaawa na ako kay Kuya Markus. Lahat ng trabaho na naiwan niya dati ay ngayon tambak na ito sa opisina niya.

Kahit gusto niyang sumunod kay Theza ay hindi naman niya magawa pa. Lalo na noong namatay si Miko at sunod na nawala rin sa amin ang nag-iisa naming kapatid na babae.

Hindi ko naman alam na babae pala si Mikael. Kaya naman pala naging overprotective rin si Miko sa kanya dahil may dahilan pala. Kami naman na nakatatanda, ang ginagawa lang namin ay ang hindi siya pansinin na parang balewala siya sa amin.

Ngunit hindi naman iyon ang totoo. Kapatid namin siya at mahal namin si Mikael. Ginagawa rin namin ito para sa kanya. Kung bibigyan namin siya ng maraming atensyon ay mas mapapansin siya nina Dad at Grandpa. Mas hihigpitan lamang siya dahil iisipin din ng mga tito namin na ini-spoiled namin ang bunso namin. Kaya dumidistansya na lamang kami sa kanya. Alang-alang na rin sa makabubuti para sa kanya.

Not until we learned about her real identity. Anak din sa labas si Mikael at nag-iisa lang siyang babae sa pamilya namin at doon na rin sinimulan namin ang pagpoprotekta sa kanya pero sa huli ay nabigo pa rin namin siya. Hindi namin siya nagawang protektahan hanggang sa kahuli-hulihang buhay niya. Pinagsisisihan namin iyon lahat.

"Ikaw, Mergus? Engaged na ang nakababatang kapatid ni May Ann. Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring update about her whereabouts?" he asked me and I shook my head.

Kung alam ko lang ay wala sana ako rito, 'di ba?

"Kuya, napuntahan na ni pinsan ang Italy at Canada. Baka pati ang kasuluk-sulukan ng dalawang bansang iyon ay napuntahan na niya," sabat naman ng nakababatang pinsan ko na si Daziel. Kapatid siya ni Kuya Darcy.

"But bro, hindi lang naman ang dalawang bansa na iyon ay puwedeng puntahan ni May Ann. Bakit hindi mo subukan sa ibang bansa?" suhestiyon sa akin ni Kuya Markin.

"Iyon lang ang alam ko, Kuya. Naitanong ko na rin kay Tito Daimor. Napuntahan ko na nga rin ang mansion nila pero matagal na talagang hindi napupunta iyon simula nang lumipat na sila rito," sabi ko. Kahit ang daddy niya ay wala ring kaalam-alam. Mas nagulat pa nga ito nang sabihin ko na buntis ang anak niya.

"Gusto mo ng advice, pinsan?" Siya namang pagdating ng kambal naming pinsan na sina Demilion at Jemelion. Sila naman ang pangatlo at pang-apat na apo ni Grandpa. Isang taon lang naman ang agwat namin. Si Kuya Demilion naman ang nag-suggest no'n.

Isa sila sa mga pinsan namin na iisa rin ang tumatakbo sa isip nila. Matalino sila pareho at parang iisang tao rin talaga kung mag-isip. Kung may gusto ang isa ay nagugustuhan din ng pangalawa. Kumbaga iisa rin ang mga nagugustuhan nilang bagay. Kaya nababahala sa kanila ang parents nila na baka raw iisang babae rin ang mapipili nila sa huli.

"Mga busy kayo, 'di ba? Anong ginagawa ninyo sa villa ni Grandpa?"

"Pinsan, kung ano ang pag-aari ni Grandpa ay welcome na welcome tayo," sabi naman ni Kuya Jemelion. Napailing tuloy ang iba naming pinsan sa kanya.

"Ikaw ang dapat nang umalis, Kuya Darcy. Kailangan ka ni Kuya Markus," sabi ko.

"Oo nga pala. Muntik ko na ring makalimutan," sabi niya at nagpaalam na rin siya sa amin.

"Ano naman ang plano ninyong dalawa?" tanong ni Kuya Markin sa kanila.

"Sa inyong magkambal ay isa lang ang paborito ko, ito si Markin."

"Si Mergus naman ang paborito ko, dahil matigas ang damdamin nito, eh," my cousin Demilion blurted out at tinapik pa niya ang dibdib ko. Sumimsim lang ako ng wine na iniinom namin.

"Alam mo, pinsan. Hindi taguan ang ginagawa ng future Mrs. Brilliantes."

"What do you mean by that?"

"Ano naman?" curious na tanong ko.

"Habulan," sagot ng kakambal nito kaya nagsalubong lang ang kilay ko.

"Umaalis sila hindi dahil gusto nilang magtago. Si Theza nga, alam na ni Kuya Markus kung saan siya mahahanap pero kailangan lang...ang habulin siya," paliwanag niya.

"Alam mo rin kung ano ang ginagawa ng magaling nating Grandpa?"

"Hinahanapan tayo ng isang babae na sa tingin niya ay magiging apo niya nga in the near future. Alam ninyo, si Grandpa ang gumagawa ng tadhana para sa atin pero...nakasalalay naman sa atin ang sarili nating kaligayahan. Siya lang ang magiging daan at bahala na tayo sa susunod na mangyayari."

"Alam ko rin na iisang tao din ang may alam kung nasaan ang mga babae na pinipili ni Grandpa."

"Si Grandpa iyon for sure."

"Hindi. Tapos na ang role ni Grandpa. Ang ipakilala lang tayo sa isa't isa. Pero alam ninyo kung sino ang sumunod sa yapak niya?"

"Ano?" Halos magkasabay na tanong naming lahat kay Kuya Demilion.

"Siyempre sino pa ba? Eh, ang panganay na apo niya," sagot naman ni Kuya Jemelion kaya nagkatinginan kami ng kakambal ko.

"Si Kuya Markus?" sabay na tanong pa naming dalawa.

"Hindi ko masyadong problema ang mag-ina ko sa ngayon. Dahil nandito ang pamilya niya. Uuwi at uuwi pa rin sila. Ang problema ko lang ay kung paano ko malulutasan ang engagement party namin ni Myrah," sabi ni Kuya Markin.

"Kailangan mong pumunta. Bawal ang hindi ka sisipot doon, Mergus."

"Ako hindi. Hindi ko nga alam kung ano ang naging anak namin ni May Ann," ani ko at nauna pa akong umalis para puntahan si Kuya Markus.

Pumunta ako sa main company namin at sa opisina agad ng nakatatandang kapatid ko ang pinuntahan ko. As usual ay abala na naman siya sa trabaho niya. Tambak nga ang lahat ng paper works niya.

"Kuya, tulungan na kita riyan," sabi ko at nagtaka pa siya sa biglaan kong pagdating.

"May trabaho ka rin, Mergus," seryosong sabi nito sa akin.

"Madali lang ang trabaho ko. Hindi ako busy ngayon," sabi ko at tiningnan ko ang mga papel sa mesa niya. Halos numero lang ang nandoon.

Isa sa itinapos ni Kuya ang kursong business management kaya mahusay nga siya magpatakbo ng firm namin. Mas madalas lang kami sa site.

"Kung si Markin ang gumagawa nito ay maiintindihan ko pa pero ikaw? Spill it, lil brother. Alam kong may kailangan ka sa akin." Kuya ko nga siya. Malalaman at malalaman pa rin niya ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

"Saan ko puwedeng hanapin ang mag-ina ko, Kuya?" diretsong tanong ko at nakuha ko agad ang buong atensyon niya.

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan, Mergus? Hindi ba...hinahanap mo sila?" balik na tanong niya.

"Nang araw na iyon, Kuya. Napansin ko...na panay ang pag-sorry mo sa akin at alam ko rin na hindi ka agad makakaalis sa kompanya dahil may trabaho ka pa. Baka sa araw na iyon ay alam mo na po kung ano ang gagawin ni May Ann, 'di ba?"

"Sa anong dahilan naman kaya mo nasasabi iyan sa akin, Mergus?"

"Wala ka naman talagang ginawa sa araw na iyon, Kuya. Alam ko na hindi ka man lang gumawa ng paraan para pigilan si May Ann. Kasi posible rin na tinulungan mo siya na makaalis sa bansa. Tama po ako, 'di ba Kuya Markus?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Tama ka. May alam na talaga ako. Bago siya umalis ay nag-usap pa sila ni Grandpa at ang ating lolo nga ang nagsabi rin sa akin. Nagpaalam kasi si May Ann sa kanya na aalis na muna raw siya. Simula roon ay pinasubaybayan na siya ni Grandpa. Sa Mexico ang punta nila pero ginawa ko rin naman ang parte ko, ang paghingi mo sa akin ng tulong, Mergus. Iniligay ko sa backlist ang pangalan ni May Ann para hindi siya makaalis sa bansa pero... tinulungan ko pa rin siya. Para maging patas naman ako sa inyong dalawa."

"Kuya, buntis po siya sa mga oras na iyon. Bakit mo siya hinayaan?"

"I didn't know about that, Mergus. Dahil kung alam ko lang ay pinigilan ko na sana siya. Dahil naaalala ko ang sinabi ni Theza Marie. Ilang beses niya akong pinilit noon na panagutan ko si Frinelle dahil nabuntis ko nga raw ito. Mas pinili niya ang bitawan ako alang-alang sa bata. Kung alam ko lang talaga ang kalagayan niya ay hahayaan din sana kita na ayusin ang relasyon ninyo. But on second thought, kailangan din niya ng space. Masyado mo siyang nasaktan. Mergus, tama si Grandpa. Ikaw ang dapat na makahanap sa mag-ina mo. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, lil brother. Hindi lang physical ang gawin mo sa paghahanap. Hindi lang dahil sa nalalaman mo. Gamitin mo minsan ang utak mo, mapapakinabangan iyan. Isipin mo ang isang bagay na puwedeng magpabalik sa kanya sa bansa," mahabang saad niya.

"Alam mo naman kung nasaan sila, Kuya. Bakit hindi mo na lang po sabihin sa akin?"

"It's your turn, Mergus. Wala na akong magagawa pa para riyan. Sa tingin mo ay gugustuhin niya rin na makabalik dito?"

Hindi na ako humingi pa ng kahit na anong tulong mula sa kuya ko. Ang kakambal ko na lamang ang naging kakampi ko para hanapin ang mag-ina ko dahil pareho lang ang sitwasyon namin.

"Dapat mahanap mo na agad si May Ann."

"Ikaw rin," sabi ko.

"Engagement party na namin mamayang gabi. Si Grandpa talaga, oh..."

"Goodluck diyan, Kuya. Kapag nalaman iyan ng girlfriend mo ay wala ka ng pag-asa."

"Panakot ko na iyon sa kanya. Eh, ikaw ba? Alam ko na may babaeng naghahabol din ngayon sa iyo, 'di ba? Doon mismo sa kasal ni Kuya Darcy."

"Shut up, Kuya. Alam mong may anak na rin ako," sabi ko sa kanya at iniwan ko na siya roon.

Ilang beses ko ring inisip ang sinabi sa akin ni Kuya Markus hanggang sa napagpasyahan ko na lamang ang isang bagay na alam kong igagalit niya.

Pero mas mabuti na ang magalit siya basta harapin niya ang problemang ako mismo ang nagbigay no'n sa kanya.

"Are you sure na darating sila?" tanong ko kay Mr. Mahler. Isa siyang client ni May Ann at may contract sila na napag-usapan.

"Why are you doing this, Engineer Mergus?"

"I have my reasons," sagot ko at ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa dumating na nga ang taong hinihintay namin.

Pero nag-iisa lang si Ms. Ruthy. Natanaw ko kanina na may kasama siya kaya napatayo ako.

"Saan ka pupunta?" Hindi ko na nagawa pang sagutin ang kasama ko at nagmamadali na akong naglakad palabas ng resto pero nahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakaupo sa isang table.

Nagsalubong ang kilay ko nang pasadahan ko ito nang tingin. A girl with a short hair, blonde and a black?

Bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil parang kilala ko na siya. Hindi ako dapat magkamali. Halatang may pinagtataguan din siya. Kinuha ko ang phone ko at basta ko na lamang pinindot-pindot ang keyboard ng cellphone ko.

"What, Kuya? Bakit ako pa ang tatawagan mo? May appointment ako ngayon," sabi ko.

"What? What did you say, Kuya Mergus?" Si Michael ang natawagan ko.

Paglabas ko ng resto ay nagtago pa ako saka ko siya nakita sa puwesto niya. Tama nga ang hula ko na siya ang babaeng nakaupo roon.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Sabi na, eh. Pagtataguan niya talaga ako. Nakita na niya ako agad at alam kong hindi niya gusto pang makita ako dahil galit siya.

Hinintay ko na muna siya na makalapit sa puwesto nina Mr. Mahler at ang secretary na kasama niya.

"Hey, Kuya. Nandiyan ka pa ba?" tanong sa akin ng nakababatang kapatid ko mula sa kabilang linya.

"Nandito na si May Ann," sabi ko saka ko ibinaba ang tawag.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko lalo na noong bumalik na ako at nag-uusap na sila.

"Pero may kontrata kang pinirmahan, Mr. Mahler. Hindi puwedeng masira ang napagkasunduan natin dahil may babayaran ka sa amin. That is our policy." Shet. Pinakalma ko ang puso ko dahil pakiramdam ko ay lalabas na ito sa sobrang lakas ng kabog.

"Yes, I know but he's willing to pay that for us. So..."

"What are you gonna do if tuluyan kang mag-ba-backout? May chance pa ba kami para makuha ulit ang loob mo, Mr. Mahler? Because I know wala naman kaming naging problema sa construction. Maayos ang trabaho ng mga tauhan namin. Close na rin ang deal natin. So, why? Bakit bigla ay nagbago ang isip ninyo?"

"I believe it's my turn to answer your question, Ms. Vallejos," sabat ko sa usapan nila. Doon ko rin nakita ang pagkagulat niya.

Dàmn it, ilang taon ko siyang hinahanap. Hindi ko siya hinintay dahil talagang naghanap ako sa tungkol sa whereabouts nila pero nabigo ako. Hindi naman sa pagkakataon na ito, dahil gumawa lang naman ako ng pain para makabalik siya rito.

"Engineer Mergus," Mr. Mahler called my name.

"Can you give us some privacy so I can talk to her?" I asked them

"But Engineer Brilli---"

"Sige na, Ruthy. Ako na ang bahala rito," she said.

"If you don't mind, Ms. Ruthy. Doon tayo sa kabilang table. Let's have a coffee."

"Sige po, Mr. Mahler."

"Where are you going, Engineer Vallejos?" tanong ko naman sa kanya nang bigla siyang tumayo. Balak niya ba akong iwan dito? Tsk.

"Washroom," tipid na sagot niya lamang. Hindi nga lang siya nakapagtimpi.

Sobrang lamig na naman niya sa akin at nagbago na rin ang trato niya. Parang ang hirap ulit niyang abutin kahit ang lapit-lapit niya lang sa akin.

"Miss, hindi pa tayo tapos mag-usap!" sigaw ko sa kanya dahil sa pang-iiwan na naman niya sa akin.

Mabilis ko siyang hinabol dahil sasakay na siya ng taxi kaya binilisan ko rin ang paglalakad ko. Hanggang sa makasakay na rin ako.

"A-Anong... Ano ang ginagawa mo rito?" nagugulat na tanong niya.

Halos walang nagbago sa mukha niya, mas gumanda siya lalo kahit naghalo-halo na ang kulay ng buhok niya. Fvck, baby... Na-miss kita...

Tinanong ko ang taxi driver kung saan sila pupunta at patungo ito sa children house kung saan na iniiwan nga roon ng guardian ang mga anak nila. Sa isipin na nandoon nga ang anak namin ay nagsisimula na naman akong kabahan.

"Sino naman ang tinutukoy mong kasama ko, ha?" supladang tanong niya sa akin.

"Iyong pupuntahan natin, Miss," I answered her question. Wala siyang balak na ipakilala sa akin ang bata, eh.

"Ako lang naman ang pupunta sa place na iyon at hindi ka kasama."

"Kasama mo ako ngayon. So technically, tayo ang pupunta sa lugar na iyon," saad ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top