CHAPTER 71
Chapter 71: Beach resort
SA CONDO na tinutuluyan pa rin namin dati ni Mergus. Dito niya nga kami dinala at napangiti na lamang ako nang makita ko ang mga gamit sa loob. Wala siyang binago, parang ganito pa rin noong unang dumating ako at nag-stay rito ng mahigit isang taon.
Buhat-buhat naman ni Miko si Mayeese. Ayaw na yatang umalis ng baby sa kanya. Si Mergus ang nagbuhat ng mga bagahe namin.
Nandoon pa rin ang keyboard sa dating puwesto ng fishpond niya. Na sinadya niya ngang tanggalin ng malaman niya na may aquaphobia ako.
“Have a sit, Miss. Or if you want. Mag-rest ka muna sa kuwarto natin?”
“Gusto ko ng tubig. Ayoko munang mag-rest,” ani ko at lumapit ako sa sofa para umupo.
“Ikaw Miko? Kailan ka aalis?”
“Kuya, kadarating lamang natin.”
“Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo, ah.”
“Hindi iyon. Mabait ang girlfriend ko.”
“Talaga? Eh, gusto mo kayang mataguan ng anak.”
“Well, hindi naman niya iyon gagawin pa. Huwag lang talagang makialam ang kuya niya dahil lagot talaga ako. Sige na nga, aalis na ako. Yeye, next time na lamang tayo mag-bonding, okay?”
“Okay po,” tumatangong sagot ni Mayeese.
“Kiss mo na ang pinakaguwapo mong uncle,” request pa niya at matunog na hinalikan siya nito sa pisngi.
“Good girl.”
“Take care, Miko,” sabi ko naman. He approached me at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
“Miko!” Natatawang lumabas na lamang si Miko at pati si Mayeese ay naiwan ding tumatawa.
“Parang ano ito!” I shouted dahil sa pagpunas ni Mergus sa pisngi ko. Tinulak ko siya sa dibdib at nilapitan ko na lamang ang anak namin. “Punta tayo sa room, Yeye,” pag-aaya ko sa kanya saka ko siya binuhat. “Mergus, iyong tubig ko nasaan na ba?”
“Right away,” sabi niya lamang.
“Oh, wow. Mommy, may piano po there, oh.”
“Yes, sweetie. Kay Uncle Michael mo iyan, eh.”
“Can you play it po?” her request.
“Next time, Yeye.”
“Okay po.”
I miss the ambiance of our room. Four years din naman akong nawala rito at hindi nga lumipat si Mergus kahit ang yaman-yaman ng engineer na iyon.
Maingat kong ibinaba si Mayeese sa bed at humiga agad siya. “This is our room, sweetie.”
“Wow...” sambit niya lamang. Mayamaya lang ay pumasok na sa loob si Mergus. Kinuha ko agad sa kanya ang basong may laman ng tubig.
“Feel at home, Yeye.”
“Sure po. Mommy, I told you po na hindi iyon si Uncle Miko.”
“What do you mean by that, Yeye?” Mergus asked his daughter as he sat down on the bed.
“I told Mommy po na wala roon si Uncle Miko. That’s he’s alive po.”
“How sure you are, anak?” Mergus asked her.
“Hmm... Because gusto ko pong makita ang brother mo, Daddy.”
“Talaga? Iyon lang?” naaaliw na tanong pa niya rito.
“Yup po.” Ibinaba ko sa center table ang baso na wala ng laman at umupo ako sofa bed.
“Ang daming na-scam ng uncle mo, Yeye.”
“Uh-huh? He’s good then po?”
“You can say that. Yeye, gusto mo na bang ma-meet ang Mommy at Daddy ko?”
“May Mommy and Daddy ka rin po like my Mom?” Napalingon naman ako sa dalawa. What’s his plan? Plano niyang i-meet namin ang parents niya?
“Ano naman ang plano mo, Mergus?”
“Ipapakilala ko na kayo kina Dad at Grandpa. Well, kilala ka naman nila. Si Mayeese lang ang hindi,” he stated.
“Kung si Grandpa, okay pa but your parents? Mergus, hindi pa ako handa para riyan,” umiiling na sabi ko at nagtaka pa siya kung bakit ayaw ko.
Naaalala ko lang kasi ang sinabi ni Tita Jina noon sa akin. Nasaktan ako sa mga katagang lumabas mula sa bibig niya. Dahil lang kay Mommy Venus ay nahusgahan niya ako agad.
“Why? Dahil ba...hindi mo pa ako binibigyan ng second chance?” tanong niya na parang lumungkot pa ang boses niya. Umiling ako. Hindi iyon ang dahilan ko.
“Mergus, sinisimulan ko na ulit ang magtiwala sa iyo and do you think sasama kami sa iyo kung hindi ko pa iyon ginagawa? Dahan-dahanin na lamang natin ang lahat. Hindi ka naman siguro nagmamadali, hindi ba?” I asked him and he nodded.
“Of course, bakit naman ako nagmamadali? Ang importante sa akin ngayon ay kasama ko kayo ni Yeye. Thank you, May Ann. Sasabihin ko na lamang kina Dad,” he said. “Pumunta na lang tayo bukas sa beach resort para kay Mayeese. Sa tingin mo...may aquaphobia na siya?” I glanced at my daughter.
“Wala. Natakot lang naman siya dahil sa nangyari sa kanya,” wika ko. Nagulat lang siya at natakot pero alam ko na hindi naman iyon magtatagal pa.
“Nagpaalam ka ba kay Kuya Markus na kinuha mo ang mga gamit namin ni Mayeese, Mergus?” curious kong tanong.
“Of course, sa kanya ang condo, eh. Ah, no. Kay Thez iyon.”
“I’m happy for them,” I said. “By the way, how about your twin brother? Alam mong...may baby girl din siya, ’di ba?”
“May dalawang anak na siya, a girl and boy. Alam na iyon ni Grandpa at hindi lang naman si Mayeese, Markiana ang babae sa clan namin. My sister Mikael.” I nodded. Mukhang tama rin ako ng hula. Hindi nga siya isang lalaki. Babae siya.
“Mommy, I’m thirsty na naman po.”
“Ako na ang magtimpla ng milk mo, Yeye.”
“Ako na. Kanina ka pa lakad nang lakad,” pigil ko sa kanya. Pagod siya dahil sa biyahe namin kanina at siya pa ang nag-drive ng car ni Miko. Ni hindi pa yata umiinit ang inuupuan niya.
Hinubad ko ang suot kong cardigan kaya ang white t-shirt ko na lamang ang natira.
“What are you... Oh...”
Itinaas ko ang dulo ng shirt ko at pati na rin ang suot kong bra. Mapangiti pa si Mayeese nang ibi-breastfeed ko na nga siya. Umunan siya sa braso ko at idinantay pa ang kaliwang binti niya sa baywang ko.
“I miss this,” sambit niya lang at hinawakan niya ang shirt ko. “Don’t peek, Daddy.”
“Seriously, Yeye?”
“She’s just shy,” I said and kissed her head.
“Hindi na ako nagulat pa kung nagbi-breastfeed pa sa iyo si Mayeese, Miss. Kahit ang kambal ni Kuya Markus ay minsan lang din sa baby bottles nila.”
“Hindi si Mayeese. Minsan niya lang ito ginagawa. Sinasanay ko siya sa baby bottle niya,” ani ko.
“Why? Kaya pala ang sabi ay na-miss niya.”
“Daddy... Come here na lang po, rest ka na. Dito ka po sa tabi ko, oh,” pag-aaya niya. Humiga na lang si Mergus sa tabi ng anak namin. Hinalikan pa niya ito sa ulo na halos magtago na sa shirt ko dahil makikita na raw siya.
Talagang pagod nga si Mergus dahil mayamaya lang ay nakatulog na siya. Bumalik din sa pagtulog si Mayeese. Kaya inayos ko na ang pagkakahiga niya. Kinumutan ko pa silang dalawa.
It was 2:04 in the afternoon. Dinala ko ang baso para ibalik sa kitchen at tiningnan ko ang laman ng fridge niya. Nagsalubong pa ang kilay ko nang makita na puro beers ang nasa loob at wala man lang puwedeng iluto rito. Hindi pa naman ako gutom pero for our dinner later. Kumuha ako ng isang beer saka ako bumalik sa room.
Binuksan ko iyon and I was about to drink nang may mabilis na kumuha no’n sa kamay ko. Kumunot pa ang kilay ko at si Mergus lang pala ang kumuha no’n sa akin. Aba, gising agad siya.
“That’s my drink, Mergus,” saad ko.
“This is beer, Miss. Bawal ka uminom nito,” sabi niya. Pinagkrus ko naman ang magkabilang braso ko sa tapat ng dibdib ko.
“Bakit puro beer ang laman ng fridge mo, Mergus?” malamig na tanong ko sa kanya.
“Dito lang ako sa condo natin natutulog pero kumakain ako sa mansion namin at sa labas din. Why?”
“Bakit nga puro beers ang laman?”
“Umiinom ako no’n,” he replied and shrugged his shoulder.
“Itapon mo iyan lahat,” sabi ko.
“Noted, Miss. Bukas na lang tayo pumunta sa beach resort. Hmm?”
“Bahala ka,” sabi ko lang.
***
Maaga pa nga lang ay bumiyahe na kaming tatlo. Nag-grocery pa kasi si Mergus at nagising siya ng sobrang aga rin. Ni hindi niya kami ginising para maghanda ng dadalhin namin. Siya lahat ang nag-asikaso. Nakikita ko ang effort niya for us.
“Daddy, saan po tayo pupunta?” curious na tanong nito sa daddy niya. Nakaupo siya sa lap ko at nakatanaw lang sa labas ng bintana.
“Sa beach resort, Yeye.”
“Beach resort?”
“Yes po, beach resort.”
“Mommy, ano po ang gagawin natin doon sa beach?”
“A bonding time with your Dad,” sagot ko sa kanya at napapalakpak lang siya pero hindi pa naman niya alam kung ano talaga ang gagawin namin doon. Aside from bonding. Sasanayin lamang ulit siya sa tubig.
“Ayay. So excited.” Malayo sa sinabi niya ang naramdaman niya nang dumating kami.
Nakita niya lang ang dagat ay namula na agad ang mga mata niya. Kaya habang binibihisan ko nga siya ng pink swimsuit niya ay umiiyak na siya.
“Sweetie, kasama mo kami ng daddy mo. Tahan na, anak. Para rin ito sa iyo.”
“But I hate water, Mommy... I’m scared po...”
“Yeye, kung hindi natin ito gagawin habang mas maaga pa ay baka matutulad ka kay Mommy na umabot pa ako ng 33 years old bago ako gumaling sa aquaphobia ko. Sige ka, hindi ka na ulit makakapag-swimming sa pool.”
Pinunasan ko ang mga luha niya sa pisngi. Hindi pa nga kami nakalalabas sa white house ng daddy niya ay nanginginig na siya sa takot. Nagsuot din ako ng blue bikini and a summer dress.
Nang pumasok sa loob ng kuwarto si Mergus ay nagmamadali pa siyang lumapit kay Mayeese.
“U-Uwi na lang po tayo, Daddy...” umiiyak na sambit nito at mahigpit na yumakap sa leeg ng kanyang Daddy.
“Kanina ka pa umiiyak, Yeye. Tahan na, anak ko.”
“Uwi na po tayo, Daddy ko...” humihikbing sambit nito. Ang boses niya ay nagmamakaawa talaga.
“Nah-uh, baby... Dito muna tayo. Nag-promise si daddy na mag-swimming tayo, right?”
“B-But ayaw ko na po, Daddy...”
“Let’s go,” pag-aaya ko sa kanilang dalawa.
Malaki ang white house ni Mergus. Second floor din ito at may five rooms lang. Kompleto nga ang TV set niya, and he also said na twice a month nagpupunta rito ang caretaker niya para maglinis. Ewan ko sa lalaking ito kung bakit may beach resort siya.
Paglabas namin ay may tent na malapit sa tabing dagat. Nag-set up kasi si Mergus kanina nang pinauna niya kaming pinapasok pa sa loob ng house niya.
May barbecue pa at bumili pa siya ng food na kakainin na lamang namin dahil ayaw na niyang magluto.
“Kasama mo naman si Daddy, Yeye.” Iyak nang iyak pa rin siya. Takot nga ang baby namin. Hinubad na ni Mergus ang polo niya at naiwan na lamang ang board shorts niya. “Subukan nga natin kay Mommy.” Naglahad siya ng kamay sa akin. I didn’t hesitate to accept his hand naman saka kami naglakad sa tabing dagat.
Nakasiksik sa leeg niya si Mayeese. Ayaw niya talagang tumingin sa dagat. Napaatras pa ako nang mabasa ang paa ko.
“Uhm... Mergus,” kinakabahan na sambit ko sa pangalan niya. Napakapit na nga ako sa kaliwang braso niya.
“Relax, you can do it. Nawala na ang aquaphobia mo, Miss,” he said. I took a deep breath at tumingin ako sa ibaba. Hindi na ako kinakabahan at parang normal na lamang ang nararamdaman ko.
“I’m good,” sabi ko lang. Hinalikan pa niya ang sentido ko. Hindi na ako nagreklamo pa sa pasimpleng halik niya.
“Zero told me. All of a person’s phobias can be fought. It takes courage. In your case, it was not obtained only through the treatment of a doctor. Because you did two things; one, you fought your fear of water because of the second thing you did. Mayeese is your weakness and because of her your aquaphobia was cured. You have two weaknesses but Mayeese is more dominant,” mahabang sambit niya at napatango ako. “How about our Yeye? Do you want to try, baby?”
Humiwalay ako kay Mergus dahil susubukan na nga niyang ibaba si Mayeese pero mabilis na itinaas nito ang mga paa niya.
“Ayaw ko po, Daddy!” malakas na sigaw niya. Natawa pa si Mergus dahil itinukod nito ang paa sa legs niya para lamang hindi mabasa ng dagat.
“You can do this too, Yeye. Mana ka kay Mommy kaya alam ko, kayang-kaya mo rin ito. Sige na.”
“N-No! No, no! No, Daddy!” Ang ginawa niya ay inilubog niya ang maliit na katawan nito. Napaluha ako nang makita ko ang mariin na pagpikit niya at pulang-pula na ang ilong niya.
“A-Ako na, Mergus. Tama na... Umiiyak na siya.”
“Kanina pa siya umiiyak, baby...” Inilipat niya sa akin si Mayeese. Ramdam na ramdam ko ang takot at panginginig ng katawan niya.
“Malamig ba, sweetie?” malambing na tanong ko sa kanya at hinalikan ko ang balikat niya.
“A-Ayaw ko na po, M-Mommy...”
“You’re brave, right? Just like Mommy ay natulungan mo rin siyang labanan ang takot niya sa tubig and I know you can do this... Yeye... Kayang-kaya ng Yeye namin ito.”
“Open your eyes, Yeye,” ani Mergus at hinilamusan pa niya ito.
“Daddy!”
“Open your eyes... Kung hindi mo gagawin ay sige ka. Wiwisikan ko kayo ng Mommy mo,” pananakot pa niya at nang hindi nga siya sinunod nito ay ginawa niya ang banta niya. Mabilis akong humarap sa kanya dahil baka direstong masasabuyan ng tubig alat si Mayeese.
“Mergus!”
“Open your eyes, anak. Gantihan mo si Daddy. Sige na... Look, oh. Basang-basa na ang Mommy mo.”
“Daddy, please stop it!” suway ni Mayeese.
“Yeye...”
“Daddy, you’re so kulit!” Ako naman ang natawa kay Mayeese hanggang sa hindi na nga niya nakayanan pa at kusa niyang ibinababa ang kamay niya. “Hala po...” gulat na sambit niya dahil sa paglalakad ko sa malalim na tubig. Nasa likuran naman namin si Mergus.
Nakaalalay pa nga sa likod ko. “Kung kaya mo na, Yeye. Kakain tayo ng barbecue roon, oh. Magluluto si Daddy.”
Ginawa nga ni Mergus ang lahat para hindi na matakot ang anak namin at mahirap man sa una ay hindi naman kami nabigo. Kaya na nga nitong maglakad sa tabing dagat lang at naglalaro na siya.
“Siguro kung nakilala rin kita noong bata pa tayo ay ganyan din ang gagawin ko. Hindi ko hahayaan na aabot ka pa ngayon sa edad mo bago mo nalabanan ang aquaphobia mo.”
“Maybe si Mayeese lang ang hinihintay ko,” sabi ko. “Mergus...”
“Yeah?”
“They say that it is never too late to correct all the mistakes that have been made. Second chance? It is said that kung nagsisisi na nga talaga ang isang tao and ready to make amends, they deserve a second chance, but for me, Mergus. The mistake can no longer be corrected. Because that has already happened and hindi na iyon kaya pang ibalik,” seryosong sabi ko.
“You’re right about that, Miss.”
“Kung gusto mong bigyan kita ng isa pang pagkakataon ay gusto kong malaman ang tungkol sa nangyari sa iyo sa nakaraan,” ani ko.
“That you left me before? It was one of the saddest things that happened in my life,” he said.
“Did you know that I also had no intention of letting you know that I was pregnant then? I just forgot Mayeese’s ultrasound picture,” I told him.
“Until now ay nasa akin pa iyon,” aniya.
“Why do you still have that?” I asked him.
“That’s all I have, a memory from you,” sabi niya. “Ikukuwento ko sa iyo ang nangyari sa akin. Come here, Yeye. Kain ka muna, anak.” Patakbong lumapit naman sa amin si Mayeese at binuhat niya ito agad. “Tara, Miss. Magtsismisan tayong dalawa,” sabi niya at umawang ang bibig ko.
“Baliw,” saad ko.
A/N: Next chapter, bibigyan ko na po ng POV si Mergus. Iyong nangyari lang po sa kanya after siyang iwanan ni May Ann at nalaman niya na may baby sila. Matatagalan po ang next dahil priority ko pong tapusin ang isang nobela ko. Wait ninyo lang po.
Happy reading po, dudes!
Love lots,
Ate Lyn
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top