CHAPTER 70

Chapter 70: Miko

“LET’S GO back to the Philippines. Umuwi na lang tayo,” ani ko at napaayos siya nang upo. Halata sa kanya ang pagkagulat. Kasi namimilog pa ang mga mata niya.

“I-Is that true, Miss? Sasama na talaga kayong umuwi sa akin pabalik?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. I made a facepalm. Hindi ba kapanipaniwala ang sinabi ko kanina?

“Mukha ba akong nagbibiro lamang?” I fired back. Sa sobrang tuwa nga niya ay napayakap pa siya sa akin. Hinalikan pa niya ang pisngi ko.

“Ano ba, Mergus? Sinabi ko lang sa iyo na sasama kami uuwi pero hindi pa kita binibigyan ng second chance! May pa-kiss ka pa!” reklamo ko at pinunasan ko pa ang pisngi kong hinalikan niya pero ngumiti lang siya sa akin.

“Mommy, your voice,” marahan na suway pa sa akin ang anak ko. Mariin ko na lamang naitikom ang bibig ko.

“By the way, hindi ka na ba talaga takot sa tubig, May Ann?” tanong niya sa akin. Pilit ko namang inalala ang tubig sa pool pero pinilig ko lang ang ulo ko dahil si Mayeese ang nakikita ko.

“Hindi ko alam. Siguro hindi na... Mas nag-focus ako kay Yeye kanina. A-Akala ko lang...ay mawawala na siya sa akin. Hindi pa ako marunong lumangoy at ang lalim pa ng tubig.”

“Pero nabuhat mo siya sa gilid ng pool, eh.”

“Ayoko lang na umatake ang aquaphobia ko dahil baka... Hindi rin. Hindi ko na nga inisip pa kung malulunod ako sa tubig basta ang gusto ko lang ay mailigtas ko ang baby natin,” sabi ko sa kanya at nang makita ko ang pagtaas ng sulok ng mga labi niya ay hinampas ko siya sa dibdib niya.

“Aw, ang sadista talaga ng Mommy mo, Yeye,” sabi niya at hinaplos pa niya ang dibdib niya.

“Why are you smirking then?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Natutuwa lang ako dahil kanina mo pa sinasabi sa akin na anak natin, baby natin. I’m just happy, Miss. Ganoon naman dapat dahil sabay natin siyang ginawa, ’di ba? A-Aw! Masakit na iyon!” daing niya dahil hinawi ko pa pataas ang laylayan ng shirt niya para lang makurot siya.

“M-Mommy naman!” Tumulis ang labi ni Mayeese at hinaplos pa niya ang nasaktan na tagiliran ng daddy niya. Napataas tuloy ang kilay ko.

“You’re so sweet, Yeye.”

“Maka-mommy ka, eh muntik ka ng mapahamak kanina!” I said.

“Miss, huwag mo namang sigawan ang baby natin,” suway sa akin ni Mergus. I rolled my eyes and I sipped my coffee again.

Nang dumating sina Mama at Uncle Glin ay sinabi agad namin ang planong babalik na sa Philippines. Akala ko nga ay malulungkot ang aking Mama dahil uuwi na kami pero hindi.

“Balak din namin na umuwi roon, May Ann. You have a nice decision,” Uncle Glin said.

“Sabay na tayong bumiyahe, anak. May private jet ang uncle mo.”

“Mama, you married a rich architect?” biro ko at natawa pa silang mag-asawa. “Ano po ulit ang age ninyo, Uncle?”

“I’m 41, I met your Mom at the age of 25,” he answered. Napatingin naman ako kay Mama.

“How about my Mom po?” curious kong tanong.

“35 years old, May Ann. Hindi tumatanda ang Mama mo, right?”

“Dahil po inalagaan ninyo nang maayos? Pero ang kapatid ko po ay 10 years old pa lang. Matagal po bang naging kayo?”

“Ah, nakunan noon ang Mama mo. Hindi pa rin kasi siya puwedeng magbuntis at that time.” Bigla namang gumuhit ang lungkot sa dibdib ko.

“Don’t worry about that, baby. Natanggap na namin iyon ng uncle mo. It’s okay,” ani Mama. Kung hindi lang pala siya nakunan ay baka dalawa na rin ang kapatid ko kay Mama.

“I’m so proud of you, Mama.”

“Thank you, anak. Ayos na ba ang apo ko, hijo?”

“Okay na okay na po siya, Mama. Naging sutil na baby lang po siya kanina.”

“Bakit ba Mama ang tawag mo sa mama ko?” salubong ang kilay na tanong ko sa katabi kong si Mergus. Sa halip na ma-offend siya ay ngumiti lang siya sa akin. Natawa naman si Mama.

“Ang Mama ko ay Mama ko na rin. Puwede mo ring tawagin na Mommy at Daddy ang parents ko.” When he mentioned his parents ay naalala ko lang ang sinabi sa akin ng Mommy niya four years ago. I think hindi magandang idea ang magkita pa kami ulit. “What’s wrong, baby?”

“Ssh. Anong baby?” supladang sabi ko sa kanya.

“Hindi mo ba ipapa-check up ang aquaphobia mo, May Ann?”

“Noong nasa Canada pa po ako ay ilang beses na rin po akong nagpakonsulta sa psychiatrist doctor. Pero...palagi po akong pinapagalitan noon ni Mommy Venus. Hindi rin naman po ako gumaling agad,” kuwento ko at kumunot ang noo niya.

“Ang dami na talagang atraso sa iyo si Venus. Ang Lolo ko mismo ang nagbigay ng magandang buhay noon sa Lola niya. Naging Veracruz sila dahil sa Lolo ko tapos ikaw? Anak ka pa ng asawa niya ay hindi niya pinakitaan ng kabaitan at kabutihan? She treated you like a trash. Gusto ko tuloy ma-meet siya in person, baby. Gusto ko lang makita ang reaction niya.”

“Mama...”

“Nalaman ko rin sa boyfriend mo, anak, na kailan man ay hindi mo pinagtaasan ng boses si Venus. Hindi ka nagrebelde sa kanya.”

“Siya po kasi ang nagpalaki sa akin, Mama at malaki po ang respeto ko sa kanya, and sino pong boyfriend ang tinutukoy ninyo?” tanong ko.

“Hindi ba boyfriend mo si Mergus?”

Sinulyapan ko si Mergus para lang irapan siya. “Hindi ko naman po siya boyfriend, ah,” tanggi ko.

“May Ann, may blessing na siya from me and also sa Uncle Glin mo.”

“Dapat po pinahirapan ninyo pa siya. Ang apo ninyo ay hindi ko na kakampi. Mama, nine months po akong naghirap sa kanya. May three years pa rin po, Mama. But just look at her. Dinedepensahan niya po ang ugly Daddy niya,” pagbibiro ko pa at hindi na maipinta ang mukha ni Mayeese. Just because tinawag kong ugly ang Daddy niya.

“Hindi naman po ugly ang Daddy ko, Mommy.”

“See, Mama? Sumasagot na po siya sa akin.” Sa sinabi ko ay naiyak si Mayeese dahil inaaway ko na raw siya. Kahit ang Daddy niya ay hindi na siya napapatahan pa.

“Your Mom, she’s just joking, Yeye.”

Kinuha ko siya from her Dad. Idiniin ko pa ang mukha niya sa dibdib ko para lang tumahan siya. “Nagbibiro lang si Mommy, sweetie. Tahan na...” ani ko at hinalikan ko ang ulo niya. Nang tumahan siya agad ay inirapan ko si Mergus.

“Parang bata, oh.”

“Hindi mo naman kayang magpantahan ng baby, eh,” laban ko sa kanya.

Hindi na namin tuloy namalayan na nanonood na sa amin sina Uncle Glin at Mama. Aliw na aliw pa silang panoorin kami.

Ilang araw lang kami sa Italy saka kami umuwi sa Philippines. Of course, masaya ako dahil titira na rin for good si Mama kasama si Uncle Glin at ang brother kong si Niccolo. Siguro kung magkikita sila ni Arveliah ay magiging masaya rin ang kapatid ko.

Nakatulog nga si Mayeese along the way. Hindi naman talaga niya nakakayanan ang hindi makatulog sa isang araw.

May sumundo kina Mama at ang balak din nila ay sumama kami sa mansion na tutuluyan nila pero ayokong makaabala pa sa kanila.

“Ako na po ang bahala sa mag-ina ko, Uncle Glin, Mama,” sabi ni Mergus. May kung ano talaga ang lumilipad sa tummy ko, eh.

“Okay. Ingatan mo lang sila, hijo.”

“Yes po, Mama. May kaibigan din po akong psychiatrist. Pupunta na lang kami sa clinic para magpa-check-up si May Ann.”

“That’s good to hear, Mergus.”

“Niccolo,” tawag ko sa kapatid ko.

“Ate?”

“Ingat ka rin, okay?” ani ko at ginulo ko pa ang buhok niya.

“I will po.”

“Ipapakilala kita sa kapatid kong si Arveliah. Kapag nagkita na kami.”

“Sure po, Ate.” Humalik pa ako sa pisngi ni Mama at mahigpit niya rin akong niyakap.

“Huwag kang mag-alala sa akin, anak. Kasama ko ang uncle mo at ang kapatid mo.”

“Panatag na po ako roon, Mama,” I said.

“Okay, take care.”

“Don’t forget to visit us, May Ann. Our house is always open for you and your family.” Tinanguan ko si Uncle Glin saka namin sila pinanood na sumakay sa kotse nila. Nag-wave pa sa amin sina Mama at Niccolo.

“Uuwi na rin kami ni Mayeese sa condo ni Kuya Markus,” ani ko kay Mergus.

“Ayaw ko po. Sasama kayo sa akin. Sinabi mo na iyon, Miss.”

“Sinabi ko nga na uuwi na kami kasama mo pero hindi ko sinabi na sasama kung saan man ngayon ang bahay mo at saka may mga gamit pa kami ni Mayeese doon.”

“Nah, uh. Nadala ko na lahat sa condo ko.”

“Mergus.”

“Miss, pamilya ko na kayo ngayon. Anak ko si Mayeese at ikaw ang ina ng anak ko. So technically pamilya na rin tayo.”

“Ewan ko sa iyong engineer ka.”

“Malapit na ang kasal nina Kuya Markus at Thez. Invited tayong lahat. Miss...” Pinitik ko ang labi niya dahil sa pagtulis nito.

“Hindi ka si Yeye. Sino ang susundo sa atin?” tanong ko at ’saktong may isang  kotse naman ang huminto sa tapat namin.

“Speaking of the devil,” he uttered. Siguro ay ang sundo na namin.

Bumaba ang driver no’n at ang akala ko noong una ay namalik-mata lamang ako or normal na ganoon nga ang paningin ko at first kasi magkamukha naman talaga silang magkakapatid pero nang makalapit ito sa amin ay nagulat pa ako. Napahawak ako sa braso ni Mergus para sana kumuha ng balanse dahil feeling ko ay hihimatayin ako in no time.

Walang facial expression at kahit iba na nga ang emosyon na nakikita ko sa kanya dahil hindi na katulad pa ng dati but his familiar presence.

“Uhm, Mergus...”

“Yes, baby?” Itinuro ko sa kanya ang nakababatang kapatid niya.

“Masyado ko lang ba na-miss si Miko kaya nakikita ko siya ngayon?” tanong ko sa kanya.

“What the hèll, baby?! Anong na-miss?!” pagmumura niya bigla at muntik nang magising si Mayeese sa bisig niya.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pamilyar na tawa ni Miko, ang klaseng tawa niya na nang-aasar.

“Geez. Yakapin mo ako kung nami-miss mo ako, May Ann baby.”

“Miko...” Mabilis akong bumitaw kay Mergus at itinaas ko ang dalawang kamay ko para abutin ang mukha ni Miko. Sa tangkad niya ay nahirapan din ako na abutin siya ngunit kusa siyang yumuko.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang maramdaman ko na siya at matiim kong tinitigan ang mukha niya.

“I-Ikaw nga si Miko...” hindi makapaniwalang sambit ko. Hinapit niya ako sa baywang para yakapin at doon na tumulo ang mga luha ko.

“Hala, sobrang na-miss niya nga ako, Kuya. Tingnan mo ang higpit pa nang yakap niya sa akin. Puwede ko pa pala siyang agawin sa iyo.”

“Tumigil ka, Miko. Hindi ka nakakatuwa.”

Grabe ang nararamdaman kong saya nang mayakap ko na siya at wala na ngang duda ito. Siya na nga si Miko. He’s alive.

“S-Saan ka ba nagpunta, Miko? A-Anong nangyari sa iyo?” umiiyak na tanong ko sa kanya. Hinagod pa niya ang likod ko.

“Secret kung saan ako nagpunta,” biro pa niya. Kahit na kailan talaga ay ganito pa rin ang ugali niya. Wala talaga siyang pinagbago.

“Miko...” Humiwalay pa ako sa kanya para titigan ulit siya. Hindi ko pa rin mapigilan ang hindi mapaluha dahil nakita ko ulit ang mukha niya. Ang matamis at magaan niyang ngiti.

“Masama na ang tingin sa akin ng kuya ko, Miss. Tahan na,” aniya at marahan na pinunasan pa niya ang pisngi ko.

Hinampas ko ang dibdib niya at napangiwi pa siya. “You’re so annoying! Akala ko ay hindi na kita makikita pa ulit.”

“I’m sorry. Kasalanan ito ng mga taong iyon but I’m with my sister Mikael. Kailangan ko rin siyang samahan dahil nagkaroon siya ng head injury, nauna nga lang ako pinaglamayan ng pamilya ko. Grabe sila, ’no? May amnesia pala si Mikael, hindi ko puwedeng iwan ang kapatid ko, Miss. Nagkaroon din ako ng injury sa paa.”

“You okay now?” tanong ko sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya. Hinawakan niya iyon at saka siya ngumiti.

“I’m fine.”

“Nadamay pati ang kapatid mo? And sister?”

“Si Mikael iyon, okay na siya ngayon. Kasama na niya ang boyfriend niya. Grabeng reaction ang nakukuha ko sa mga sister-in-law ko, ah.”

“Tama na iyan. Ihatid mo na kami sa condo, Miko.”

“D-Daddy?”

“No. Ipakilala mo muna ako sa pamangkin ko, Kuya.”

“Haist. Nagising na tuloy ang Yeye ko,” reklamo ni Mergus.

“Oh... Akin na... Akin na nga.” Walang nagawa si Mergus nang sapilitan na kinuha ni Miko ang pamangkin nito at ’saktong nagising na nga ito.

She seems sleepy because she rested her head on her Uncle Miko but later on ay napansin niya siguro na iba na ang bumubuhat sa kanya dahil tumaas ang maliit na kamay nito para lang abutin ang pisngi ni Miko at marahan itong haplusin. Hinalikan ni Miko ang kamay niya.

“Uhm... Hi, who are you?” sa inaantok na boses na tanong niya.

“Wow. Hindi pala siya umiiyak kung may stranger na kumukuha sa kanya,” namamanghang sabi ni Miko.

“Yes. Napaka-approachable niyang bata, Miko.”

“Well, there’s no doubt na kay Uncle Miko nga nagmana ang isang ito.”

“I agree,” sabi ko at napapasinghot pa ako. Binigyan naman ako ni Mergus ng puting panyo niya.

“What? Uncle Miko? Ikaw po ang brother ni Daddy Gusgus?”

“Yes, I’m your pinakaguwapong uncle sa lahat ng brother ng daddy mo. Daddy Gusgus, dapat gusgusin na lang. Magandang pakinggan, eh. Another baby girl in the clan. Welcome to our family, missy. What’s your name?”

“I’m Mayeese po...”

“Mayeese. Kuya ako yata ang Daddy ni Yeye---”

“Mayeese.”

“I heard you kanina na Yeye ang nickname niya. Baka ako nga ang Daddy niya. Kamukhang-kamukha ko, eh,” nakangiting sabi niya at ilang beses niyang hinalikan ang pisngi ni Mayeese. Napabungisngis na lamang ang pamangkin niya.

“Stop it, Miko! Hindi na ang pisngi niya ang hinahalikan mo!” Kinurot ko ang braso ni Mergus dahil sa kasusuway niya sa nakababata niyang kapatid.

“Hayaan mo na nga.”

“Miss, hindi mo ba nakita? He’s kissing my daughter’s lips!”.

“Kapatid mo lang iyan. Ano ka ba? You’re so OA talaga,” saad ko sa kanya at sumimangot pa siya.

“Ano ba ang nagustuhan ninyo sa kapatid namin?”

“Mabait lang siya, joker and may sense of humour at saka guwapo. Isa sa nagustuhan ko sa kanya ay ang killer smile niya,” sagot ko at nagkibit-balikat pa. Napabuga siya ng hangin sa bibig at hayon na naman ang nang-aasar na tawa ni Miko.

“Tara na nga. Umalis na tayo rito baka mainitin pa ang baby namin ni May Ann.”

“Kanina ka pa, Miko.”

“Hayaan mo na ako, Kuya. Hindi pa ako natataguan ng anak, eh. Kakaiba talaga kayong apat. Si Kuya Michael lang naman talaga ang masuwerte, eh.  Kusang nagpakita sa kanya si Novy pero siya itong umayaw. Kaya anong napala niya?”

“What is it?” interesadong tanong ko naman.

“Hayon. Hindi lang siya tinaguan, tinulugan pa. Parang babae kasi nagpapakipot pa,” sagot niya na medyo hindi ko naintidihan.

“Ano ang ibig niyang sabihin, Mergus?” tanong ko naman kay Mergus. Marahan niya lang pinitik ang noo ko.

“Tsismosa,” sabi niya lamang saka niya ako hinila. “Let’s go, Miko.”

Sa halip na si Miko nga ang driver namin ay si Mergus pa ang nag-drive. Nasa backseat ang dalawa at tinatawanan pa ni Miko ang kanyang pamangkin dahil titig na titig sa kanya ito.

A/N: Wait ninyo po ang chapter 71. Yup, 75 chapter na po siya. Uunahin ko lang pong tapusin ang ECHOES OF YESTERDAY'S LOVE. Epilogue and special chapter na lamang po kasi ang kulang at patapos na siya. Also, try ninyo po ang collab namin nasa reading list ko. Complete na rin po iyong novel ko.

Heto pa, isi-share ko po sa inyo ang prologue ng Brilliantes Series #4, wala pa po iyong kay Miko. Sa kanya po ang series 5.

Salamat po sa pagbabasa! Malapit na po tayo sa 400k reads.💗

Love Lots,
Ate Lyn

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top