CHAPTER 69
Chapter 69: Drowning & Cure
TUMAGAL pa kami ng two weeks sa mansion nina Mama at Uncle Glin. Tinatawagan ko naman si Daddy for update para hindi siya mag-worry tapos isa o dalawang beses naman na pumupunta si Mergus dito para lang makita kami.
Araw-araw rin siyang nagpapadala ng bulaklak sa akin pero hindi ko naman tinatanggap. Si Mayeese lang ang kumukuha no’n at isinusumbong niya sa Daddy niya na ibinibigay ko raw sa kanya ang bigay na bulaklak nito. Ang bata-bata pa niya pero marunong na talaga siyang magsumbong, tsk.
“Daddy, look, oh! Ang Mommy ko po ay hindi na naman tinatanggap ang flowers mo!” Napahilot ako sa sentido ko dahil sa narinig kong sinabi ng anak ko.
Honestly speaking ay hindi ko nga kakampi si Mayeese dahil ang daddy niya ngayon ang kinakampihan niya.
“Ang ingay,” komento ko at sinadya kong iparinig iyon sa kanya kaya nagkandahaba-haba na naman ang nguso niya.
“You heard that po, Daddy? Niaaway na po ako ng Mommy ko! Balik ka na po, Daddy... Miss na po kita... Dito ka na lang po sa amin...” Napapailing na naman ako sa mga sinasabi niya. Ang galing mangumbinsi. Tsk. Tsk. “Okay po. Mommy?”
“Yes, sweetie?”
“I love you po...”
“I love you too, baby.”
“I love you too raw po sabi ni Mommy, Daddy!”
“Yeye?” Bumungisngis lang siya dahil naisip niya na naisahan niya ako roon.
“Hindi po kasi ako ang nagsabi no’n, Mommy. Pinapasabi lang po iyon ng Daddy ko,” natatawang sabi niya. Tumayo ako at nilapitan ko siya sa bed.
“Come here, bumaba tayo para kumain ng snack. Gusto mo ba?” I asking her.
“Siyempre po!” masayang bulalas niya.
“Ibaba mo na ang tawag. Hindi ka ba nagsasawa na marinig ang boses ng engineer na iyan?” tanong ko at inilahad ko sa kanya ang palad ko. May kung ano siyang pinindot doon saka niya ibinigay sa akin.
“Dalian mo na po, Daddy! Eat po tayo ng snack.” Narinig ko na naman ang mahinang halakhak ni Mergus from the other line.
“Tell your Mom na pati ako ay dalhan niya rin ng snack.”
“I heard you, Engineer,” mariin na sambit ko.
“Hello, Miss.”
“I-hello mo ang face mo. Tigilan mo na ang pagtawag sa anak mo at hindi na siya nakatutulog pa dahil hinihintay niya ang tawag mo,” masungit na sabi ko sa kanya.
“Mas lalo siyang maghihintay kung hindi ako tatawag. Bakit ba kasi ayaw ninyo pang sumama na lang sa akin pauwi rito?”
“Bakit bati na ba tayo, ha?” nang-aasar na tanong ko pa sa kanya at bumaba na kami ni Mayeese.
“Makipagbati ka na kasi sa akin, eh.”
“Ang kapal ng face mo, ha.”
“Daddy! May swimming pool sina Nonna, Dad. Balik ka na po, swimming tayo,” pag-aaya ni Mayeese sa Daddy niya.
“Okay po, Yeye. Pagbalik ko ay maliligo tayo sa pool ni Nonna.”
“Yehey!”
Nasa baba si Mama at si Uncle Glin. Mukhang may lakad yata silang dalawa.
“Hi, Mama,” I greeted her. Hindi naman siya naka-wheelchair. Dahil siguro nandiyan naman ang hubby niya.
“Hello, May Ann. Aalis muna kami saglit, ha?” paalam niya na tinanguan ko.
“May monthly check up ang Mama mo, May Ann. Iyong kapatid mo ay may pasok siya pero mamayang hapon ay uuwi siya para samahan kayong mag-ina rito,” sabi ni Uncle Glin.
“Okay lang po kami rito ng baby ko, Uncle. Thank you po sa pagpapatira rito sa amin.”
“Nah, wala iyon. Just feel at home. Marami tayong kasambahay riyan. Magsabi ka lang kung may kailangan kayo ni Mayeese.”
“Okay po,” sagot ko.
“Sige, baby. Aalis na kami.”
“Mag-iingat po kayo, Mama.”
“Ingat po,” ani naman ni Mayeese at kinawayan pa niya ito.
“Stay ka muna rito, sweetie. Manood ka muna ng TV habang naghahanda ng snack natin si Mommy, okay?”
“Okay po.” Ibinaba ko siya sa sofa at hinalikan ang pisngi niya. Binuksan ko ang TV para makapanood na siya ng cartoons.
Sinulyapan ko pa siya bago ko siya iniwan doon sa living room. Kampante ako na iwanan siya roon dahil hindi naman siya nagpupunta sa kung saan-saan. Maliban na lamang kung makaririnig siya ng pag-doorbell.
Habang busy naman ako sa paghahanda ay tinutulungan ako ng isang kasambahay na Pilipino rin. Kahit kaya ko namang gawin ang bagay na ito.
“Thank you,” I told her and ako na ang nagdala ng tray. Nang makabalik ako sa living room ay nagsalubong ang kilay ko nang hindi ko na makita pa ang baby ko sa sofa. Nakabukas naman ang TV pero wala siya rito. Ibinaba ko na ang hawak kong tray sa center table. “Mayeese, sweetie? Nasaan ka, anak?” Tumingin ako sa itaas kung saan ang kuwarto naming mag-ina. Medyo kinabahan ako dahil hindi ko siya agad nakita kaya pumanhik ako sa room namin para hanapin siya roon. “Yeye? Nasaan ka ba, anak? Mayeese?”
Nagsimula na akong kabahan nang hindi ko talaga siya mahanap. Malaki pa naman ang mansion na ito.
Nagmamadali akong bumaba ulit at nakasalubong ko pa ang isang kasambahay.
“Have you seen my daughter?” I asked her.
“Hindi po,” she politely answered me.
“Iniwan ko na lang siya kanina sa living room habang nanonood ng cartoons. Saan naman kaya siya pupunta?” nag-aalala kong tanong.
“Daddy! May swimming pool sina Nonna, Dad. Balik ka na po, swimming tayo.”
“Okay po, Yeye. Pagbalik ko ay maliligo tayo sa pool ni Nonna.”
Siguro naman hindi iispin ng anak ko na pumunta sa swimming pool, ’di ba? Hindi naman sana niya maiisip iyon dahil kung nandoon siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Sa tagal kong nasa kitchen kanina ay baka matagal na rin siya roon. Hindi na ako nagdalawang isip pa na pumunta sa pool area.
“Yeye! Mayeese, sweetie! Where are you?!” Napahinto pa ako nang maramdaman ko na ang presensiya ng swimming pool. Nanindig agad ang balahibo ko pero nang napako na ang tingin ko sa tubig ay agad na akong nilukob ng takot. Nanginig ang mga kamay ko at pakiramdam ko ay hihimatayin na ako. “Mayeese!”
“M-Mommy, h-help! M-Mommy, help me! I can’t swim po!”
At that moment ay wala na akong naisip pa no’n kundi ang tumalon sa tubig para sagipin ang anak ko sa pagkakalunod niya. Nabasa ako agad ng tubig pero hindi ko na pinansin pa iyon at sinubukan ko nang lapitan si Mayeese na nahihirapan na siyang umahon.
“H-Hold on, baby... Please...” Malalim masyado kaya tiyak kong lulubog talaga siya.
Pilit niya ring inaabot ang kamay niya sa akin at kitang-kita ko ang paghihirap niya. Pulang-pula ang ilong niya. Nang mahawakan ko na ang kamay niya ay agad ko siyang niyakap at inahon.
“M-Mommy...”
“A-Are you okay, Yeye? Oh, God... Anak ko...” Pinunasan ko ang mukha niya at panay ubo siya dahil siguro nakainom siya ng tubig.
Nagtataas-baba ang dibdib niya at nararamdaman ko na hindi maganda ang paghinga niya.
“M-Mommy... I-I’m s-scared...” umiiyak na sumbong niya sa akin. Hindi ko rin maiwasan ang maiyak dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kanya.
Naglakad ako at ibinaba ko siya sa gilid ng pool. Sinuri ko ang mukha niya at sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya.
“Sweetie, breathe... Inhale and exhale,” mahinahon na sabi ko sa kanya na sinunod naman niya pero wala siyang tigil sa paghikbi niya. Takot na takot din siya. “A-Ano ba ang ginagawa mo rito sa pool, anak? B-Bakit pumunta ka rito ng mag-isa lang?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Mahigpit ang yakap niya sa leeg ko at sumiksik siya roon. Nararamdaman ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ramdam na ramdam ko talaga ang takot niya.
“I...I-I j-just want... Mommy... I just want...to swim po...”
“Yeye, sinabi naman sa iyo ng Daddy mo na sasamahan ka niya mag-swimming, ’di ba? Bakit... Bakit pumunta ka pa rin dito?! Pinag-alala mo ako, anak...” umiiyak na sabi ko at mahigpit ko siyang niyakap habang nasa tubig pa rin ako at nasa gitna ako ng hita niya. Nakaupo na kasi siya sa gilid ng pool.
“I’m s-so sorry, M-Mommy... I’m s-sorry po...”
“I told you to stay kanina sa living room!”
“S-Sorry, Mommy... S-Sorry na po...” Ayaw ring tumigil sa pagtulo ang mga luha ko at sunod-sunod ang pagbuhos nito. Umaalog ang balikat ko dahil sa pag-iyak ko.
Iniangat ko ulit ang mukha ko at tinitigan ko siya. Kinulong ng dalawang palad ko ang magkabilang pisngi niya.
“M-Magsabi ka naman sa akin, Yeye. Sabihin mo kay Mommy kung gusto mong pumunta rito... P-Paano na lang kung nahuli ako? Paano kung hindi ko sinubukan na hanapin ka rito? God...sweetie... Don’t do that again, please...” Ilang beses kong hinalikan ang pisngi niya at napapatingin ako sa tubig.
Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi rin nawala ang kaba sa dibdib ko pero hindi na ang aquaphobia ko ang dahilan. Hindi ko alam kung bakit balewala na iyon sa akin pero nang ibaling ko ulit ang tingin kay Mayeese ay naiiyak ako sa pag-aalala.
“Shet, baby!” Narinig ko naman ang pagsigaw ni Mergus sa kung saan.
“D-Daddy!”
Nilingon ko siya na nagmamadaling lumapit sa amin ni Mayeese. Hinubad pa niya ang suot niyang coat at ibinalot iyon sa anak namin. After that ay lumusong siya sa tubig. Pumulupot ang braso niya sa baywang ko.
“Miss, what happened? B-Bakit nasa pool kayong dalawa?” he asked me with a worried voice. Nanginig ang labi ko. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas kaya niyakap na lamang niya ako. Dinala niya sa dibdib niya ang ulo ko. Mas lalo lang akong naiyak. “Shet, kailangan mo na palang umalis dito.”
Binuhat niya ako para iupo sa tabi ni Mayeese. Nagawa pa niyang punasan ang mukha ko.
“Si... M-Mayeese...” sambit ko at nabasag pa ang boses ko. Humilig sa akin si Mayeese na umiiyak pa rin.
“Tell me what happened, baby.”
“I-Iniwan ko lang siya k-kanina sa living room dahil...d-dahil naghahanda ako ng snack namin pero...pagbalik ko... W-Wala na siya roon...” sambit ko na sinabayan ko pa nang paghikbi.
“May Ann.”
“P-Paano kung nahuli ako ng ilang segundo lang? Paano kung maabutan ko siya na— I can’t even imagine!” I said. Parang lumalabas na nagsusumbong din ako sa kanya kaya sinasabi ko sa kanya ang lahat pero hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa naalala ko kanina.
Ang sakit na makitang nahihirapan kanina ang anak ko. Sumisikip ang dibdib ko sa nakitang nalulunod siya at umiiyak siya dahil nanghihingi siya ng tulong.
“Ssh... Okay na siya ngayon, baby... Huwag ka nang umiyak... She’s fine now...”
“A-Ang tagal ko sa kitchen. Baka...b-baka noong umalis ako ay saka siya pumunta rito... Umakyat pa ako sa namin para hanapin siya... P-Paano kung maabutan ko siya...n-na wala siya, Mergus? H-Hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Hindi ko mapapatawad!” sigaw ko at nagawa kong hampasin ang dibdib niya.
“Then after that? Ano na ang nangyari? May Ann, may aquaphobia ka. Imposible na pupunta ka sa pool area para lang hanapin si Yeye.”
“I just remember her words awhile ago. Ayokong isipin na pumunta nga siya rito pero...I have a strong guts na baka tama rin ang hinala ko, and... She called me and I saw her, she can’t swim at humihingi siya ng saklolo... I didn’t hesitate to jump into the pool just to save our daughter...” mahabang saad ko pa. Nanlalabo ang mga mata ko dahil wala ngang tigil ang pagbuhos ng mga luha ko.
He wiped my tears again. “Hindi ka ba natakot na tumalon kanina sa tubig?”
“Iyong kaba ko, ang takot na lumulukob sa dibdib ko... Doble ang kaba ko nang makita ko si Mayeese nalulunod... Ang gusto ko lang sa mga oras na iyon ay ang iligtas siya...”
“Baby... You did a great job...” Malakas kong hinampas ang dibdib niya dahil sa compliment niya bigla sa akin.
“Paanong naging great job iyon?! M-Muntik nang mapahamak ang anak natin! That’s because pinabayaan ko siya kanina!”
“Sorry po, M-Mommy...”
“Yeye, ano ba ang ginawa mo, anak?”
“I told you po... I wanna swim... P-Pumunta ako rito at hindi ako nagpalaam sa Mommy ko... I-Ibinaba ko lang po ang mga paa ko, Daddy, then lumubog po ako sa water and... Ayaw ko na po rito, D-Daddy... I’m scared po... A-Ayaw ko na po sa t-tubig...” Doon na ako napahinto sa pag-iyak ko dahil sa narinig kong sinabi ni Mayeese.
Hinalikan pa ni Mergus ang noo niya. “Yes. Aahon na tayo rito.” Sa pag-ahon naman niya ay pinangko niya agad si Mayeese kasabay na inalalayan niya rin akong tumayo.
May isang maid ang lumapit sa amin at nagmamadali siya. May dala siyang white towel. Ibinigay niya iyon kay Mergus.
“Thank you.” Kinuha ko ang isa at kahit hawak pa niya ang anak niya ay gusto niyang ibalot pa rin sa akin ang tuwalya. “Puwede ninyo po ba kami dalhan ng kape sa kuwarto?” Umakyat na nga kami sa room at parang wala pa ako sa sarili. Lutang na lutang pa rin ako sa nangyari. “Miss, magbihis ka na muna. Ako na ang bahala kay Yeye.”
When I glanced at my daughter, a tear escape my eyes again. Balot na balot siya ng coat ng Daddy niya at nakasiksik ang mukha niya sa leeg nito.
I can’t help to think, just what if nahuli nga ako ng ilang segundo? Makakaya ko pa bang sagipin ang baby ko kung nahuli na ako masyado? Sana pala hindi ko na siya iniwan kanina. Dahil kung napahamak talaga siya ay hinding-hindi ko na mapapatawad pa ang sarili ko.
“Yeye...” I uttered her name at binalingan naman niya ako. Mabagal ang pagkurap niya na parang inaantok pero hindi rin. Mugtong-mugto ang mga mata niya at nanginginig pa siya ginaw.
“Okay na siya. You don’t need to worry, Miss. Sige na, change your cloth. Baka lamigin ka pa at magkasakit.”
Mabilis lang akong naligo at nagbihis agad. Nakabihis na rin si Mayeese at sinusuklay pa ng Daddy niya ang buhok niya. Kahit si Mergus ay nakapagpalit na rin ng damit niya, I don’t know kung sa kanya ba iyon o hiniram niya lamang. Puting v-neck t-shirt kasi ang suot niya at itim na pants.
“Come here, baby...” Kumunot pa ang noo ko nang tawagin na naman niya ako sa endearment niya dati sa akin but still I approached them.
I sat down beside him. Ipinuwesto niya agad ang braso niya sa headrest ng sofa. Kaya nagmumukhang nakaakbay na siya sa akin.
Kinuha ko ang cup of coffee. May nakahain na rin na pancake. Siguro iyong hinanda ko kanina para sa amin.
“Mommy...” malambing na tawag pa sa akin ni Mayeese. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya. “I’m sorry po kanina, Mommy... Promise po... I won’t do that again...” she said sincerely.
“Yeye, kaya ka palaging nire-reject ng Mommy mo ay dahil may aquaphobia siya,” paliwanag ni Mergus. I don’t even know kung maiintindihan iyon ng anak niya.
“What was that po, Daddy?”
“Your Mom takot siya sa tubig hindi dahil hindi siya marunong lumangoy. That because, just like you when she was five ay nalunod din siya pool. That’s why, Yeye. Don’t do that okay? Don’t scare your Mom again.”
“S-Sorry po again, Mommy...” hinging paumanhin niya sa akin na nangilid naman ang luha niya. Inilapag ko ulit ang coffee ko sa tray at binuhat ko siya para ilipat sa lap ko. Mahigpit naman siyang yumakap sa akin.
“It’s okay, sweetie... Basta next time ay hindi mo na iyon gagawin pa sa akin ulit, ha? You don’t have any idea kung gaano nag-worry sa iyo si Mommy,” sabi ko.
“Yes po, Mommy, and thank you saving me.”
“Nah, you did a same thing, sweetie. You also saved Mommy, Yeye...”
“Ha? I did po, Mommy?” namamanghang tanong pa niya sa akin.
“Yes, you cured my aquaphobia, sweetie.”
“Wow... It’s good then?”
“Not,” mabilis na sagot ko.
“Why?” inosenteng tanong pa niya.
“Tinakot mo ako kanina. Hindi iyon maganda,” sabi ko. Tumango-tango lang siya. I kissed her cheek. “Thank you, Mayeese. Hindi ka rin nag-give up kanina kahit hindi ka na makahinga.”
“I tried to swim po but I don’t know how to!” reklamo niya na tinawanan ni Mergus.
“Mergus.”
“Yeah?”
“Baka... magkaroon din ng aquaphobia si Mayeese. Ayokong matulad siya sa akin. Gumawa tayo ng ways para hindi siya matakot sa tubig. I saw her kanina, ayaw na niyang tumingin pa sa pool,” ani ko.
“Don’t worry, hindi mangyayari iyan. Gagawa pa rin ako ng paraan. Ayoko ring maranasan niya ang nangyari sa iyo noon,” seryosong sabi niya.
“Then how?” tanong ko. Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya kaya napataas ang kilay ko. Parang may naiisip na naman siya ng kung ano. “Tell me, ano iyon?” I asked again.
“Remember my beach resort? Let’s go there? But of course kailangan ninyong sumama sa akin na umuwi sa Pinas. Hmm?”
“Ginagamit mo lang ang anak mo, Mergus,” matigas na saad ko. Ngumisi lang siya sa akin.
“Of course, siya na lang ang alas ko para makuha ko ang Mommy niya,” sambit niya. “Hindi ba, Yeye?”
“Yup po, Daddy.”
“Wait a minute. Hindi ba nasa Philippines ka pa? Anong ginagawa mo rito, Mergus?” curious kong tanong sa kanya.
“Nandito ang mag-ina ko, eh. Gusto ko lang i-surprise ang Yeye ko. Kahapon pa niya ako kinukulit kasi. Daddy...balik ka na. Miss na kita,” sabi niya at nang ginaya pa niya ang boses ay pinigilan ko ang matawa. Inirapan ko siya nang tumaas ang kilay niya dahil nahuli niya ako sa pasimple kong pagngiti.
“Bakit pala nasa pool ka agad?”
“Ang daming tanong, ah. Tumatawag ako pero hindi niyo sinasagot. Hinanap ko kayong dalawa kasi nakita ko ang snack sa living room. So... Sa pool area ako dinala ng mga paa ko. Natakot lang ako nang makita ko na kayong dalawa roon. But I’m confuse dahil hindi kita nakita na nag-panic. Umiiyak nga lang kayong dalawa,” mahabang pahayag pa niya.
I rested my chin on my daughter’s head. “I was just scared nang nakita ko siya kanina. Siyempre naramdaman ko rin ang takot ko kanina sa naisip ko na nasa pool nga ako but when I saw her. Balewala na ang aquaphobia ko. Mas concern ako sa baby natin, ang iniisip ko lang noon ay mailigtas siya,” sabi ko.
“I can’t even imagine that... I promise you, hindi ko na kayo iiwan dito. Ayokong maulit ang kanina, Miss.”
“No,” sabi ko.
“Hmm?”
“Let’s go back to the Philippines. Umuwi na lang tayo,” ani ko at napaayos siya nang upo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top