CHAPTER 61

Chapter 61: Meeting his Daughter

“KUNG talagang may anak ka nga sa akin, sige hanapin mo. Kilalanin mo siya ng wala kang hinihinging tulong mula sa akin. Just don’t call her by her name. If she is your daughter ay sa unang tingin mo pa lang ay makikilala mo na siya kahit hindi ko ituturo sa iyo si Mayeese,” sabi ko. Kahit labag sa loob ko ang ginagawa kong ito ay no choice na lamang ako.

Nakuha niya ako sa pagmamakaawa niya dahil nararamdaman ko na desperado siyang makilala si Mayeese. May pasuntok-suntok pa siya sa pader. Gigil na gigil pa nga siya dahil wala man lang akong sinasabi sa kanya tungkol kay Mayeese.

Kaya dahil sa sobrang inis niya ay napasuntok na lamang siya sa pader. Wala siyang pakialam kung dumugo man ang kamao niya.

Kaya noong lumabas na kami ay natulala na naman siya at isa-isa niyang tiningnan ang mga bata. Pasimple kong tiningnan ang anak ko.

Malapit lang siya rito sa amin. Nakaupo siya kasama ang dalawang bata, nasa gitna siya ng mga ito. May book silang binabasa tapos maririnig ang bungisngis nilang tatlo. Nangingibabaw nga ang boses ni Mayeese. Agaw pansin nga siya dahil parang kakaiba siya sa lahat o baka naman sinasabi ko lang ito dahil ako ang Mommy niya? Nakikita ko kasi na malaking kaibahan niya sa mga ito.

Busy pa rin si Mergus sa paghahanap. Paano niya makikita ang anak niya kung nasa ibang direksyon naman siya nakatingin? Tapos busy-busy pa ang isa.

“Miss... Kahit isang clue lang, please... Tell me... Dámn it, I wanna see her badly...” I rolled my eyes.

I cross my arms around my chest. Nagtago pa ako para hindi ako makita ng baby ko. Gusto kong makita ang reaction niya, o kung paano niya makikilala si Mayeese. Patunayan niya sa akin na kung deserve niya ba talagang makilala ito after niyang talikuran noon. May pasabi-sabi pa niya mas mahalaga sa kanya ang unang minahal niya kaya iyon ang pinili niya.

“No. Sinabi mo naman noon sa akin na selfish akong tao. Kaya bakit ko sasabihin sa iyo?” Natahimik tuloy siya sa sinabi ko. Gusto ko lang ipaalala sa kanya ang tawag niya noon sa akin. Isang selfie na tao, na kahit sarili kong kapatid ay hindi ko man lang matulungan at mas pinili ko rin ang talikuran.

“I’m sorry.”

“Diyan ka magaling, eh. Sa isang sorry. Wala ka nga talagang ibang masasabi pa kundi ang sorry na lang palagi,” saad ko pa.

“Gusto ko lang... mailigtas noon ang kapatid mo---”

“Dahil mahal mo siya,” sabat ko at kumuyom ang kamao niya. “Nagagalit ka sa akin noon dahil nag-back out ako sa pagiging donor ko sa kanya. Selfish ako kaya hanggang ngayon ay kasama ko pa rin si Mayeese. Sana nga ay hindi mo na talaga nalaman pa na may anak ako.”

“Kahit ngayon lang... May Ann... Puwede bang...huwag mo munang ungkatin ang nakararaan?” pakiusap niya.

“Mauungkat talaga kung guguluhin mo pa kami.”

“Hindi ko hinihiling sa iyo na makuha ko ang karapatan ko sa kanya. Alam kong galit na galit ka sa akin pero hayaan mo naman ako na makita siya ngayon.”

“Hey, those are Mayeese shoes!” sigaw ng isang bata kaya nailipat ang tingin ni Mergus sa kanila.

“I will just borrow it!”

It’s just a white shoes na may heels pa.  May pink flower sa ibabaw nito. Iyon kasi ang gusto niyang isuot, eh.

“Please, let her be,” malambing na sabi niya. Sa sobrang bait niya ay wala na siyang pakialam pa kahit wala na siyang sapin sa mga paa niya. Nakasuot din naman siya ng puting medyas niya na may ribbon naman ito.

Sure ako ang pag-uugali niya ay hindi niya nakuha sa Daddy niya. Dahil hindi naman ito mabait. Pss.

Tumakbo ang dalawang bata kaya nabitawan ng isa ang sapatos ni Mayeese. Akala ko ay makikilala na ni Mergus ito dahil sa shoes pero hindi lang pala nag-iisa si Mayeese. Ang katabi niyang batang babae ay wala ring sapatos.

Humakbang pa palapit si Mergus kaya kitang-kita na niya ang tatlong bata at sumulyap pa siya sa akin.

“So... One of them is my daughter,” he uttered. Hindi na iyon isang tanong. Hindi naman niya siguro mahuhulaan base lang sa kulay ng sapatos, ano? Because white and pink ang mga suot nila. Naka-dress na pink naman ang isa.

Lumapit naman siya sa isang batang babae. Lumuhod pa siya para mapantayan ang taas nito. “Give me these shoes, little girl.”

“Mayeese borrowed these to me. Hindi po sa akin, eh,” sagot ng bata at napanguso pa.

“Let’s play a Cinderella story. If I found out who’s shoe this is, I’ll give a rewards. You want a gift?” Sa sinabi niya ay sunod-sunod ang pagtango nito. Nabola niya ang bata, grr.

Lumapit na sa amin si Ms. Calvary at mukhang narinig niya ang pinag-usapan ng dalawa. Kaya naman ay tinawag nila ang attention ng mga bata. Nagtagpo ang mga mata namin ni Mayeese. Matamis siyang ngumiti sa akin. Nang inilingan ko siya ay lumipat ang tingin niya sa iba.

“Children, let’s play a Cinderella story. Kapag mahuhulaan daw nitong si Sir, kung kanino ang sapatos na ito ay may matatanggap kayong regalo.”

“Like a Santa Claus po?” sagot ng iba na tinanguan ni Ms. Calvary kaya napasigaw sila sa tuwa.

“Miss... Kay Mayeese ito, ’di ba?”

“Narinig mo na ang sinabi kanina ng bata na kay Mayeese iyan. Paulit-ulit ka naman,” pambabara ko sa kanya at inirapan ko pa siya.

“I just want to ask. Ang liit masyado ng paa niya. She’s only three years old.” Pati age ni Mayeese ay talagang alam niya o binilang niya?

Naglagay pa ng maraming chair ang mga bata at lihim akong napangiti. Dahil may umupo doon kaya ten na ang bilang nila. Ang iba ay mas bata kay Mayeese at may mga kaedad din niya.

Nakita ko pa ang pasimpleng pagpisil niya sa tungki ng ilong niya at pinasadahan ulit nang tingin ang mga nakapila na naghihintay na sa kanya. Sana lang mahirapan siya.

“Hahayaan mo kaming makaalis kapag hindi mo nakikilala riyan si Mayeese.”

“Bigyan mo ako ng sapat na oras, May Ann. Makikilala ko pa rin ang anak ko. Kahit hindi ko nakita ang mukha niya ay sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay makikilala ko na siya,” seryosong sabi niya. Buo ang loob niya nang sambitin niya iyon. Na parang hindi rin talaga siya binibigo ng instinct niya.

“Ang yabang mo. Hindi mo naman siya kamukha,” sabi ko.

“Let’s see. Kapag nakilala ko siya ay hahayaan mo akong makilala ko siya.”

“Sana nga ay hindi mo na siya makikilala pa. Wala sana akong problema ngayon,” mahinang bulong ko. Wala na akong pakialam pa kung narinig niya iyon o hindi.

Pinanood ko ulit ang mga ito. May iba ay natatawa na lamang dahil kahit hindi sa kanila ang sapatos ay pumila rin sila. Dapat nga ay paboran nila ito dahil kapag mahuhulaan nito ay may rewards pa rin sila. Pero naging fair ang mga bata sa larong ito. Na pakana ng isang engineer.

Tahimik si Mayeese pero nang may bumulong na katabi niya ay natawa siya at napatakip sa bibig niya pero nasa iisang tao naman siyang nakatingin.

Hinaplos pa ni Mergus ang dalawang pares ng sapatos at dahan-dahan siyang lumapit doon. Hinintay ko lang kung kanino siya lalapit at sana ay hindi niya malalaman. Pero hindi dininig ng nasa itaas ang munting hiling ko. Parang kakampi sa kanya o sadyang ito na nga ang kapalaran nilang mag-ama? Na makilala nila ang isa’t isa?

Napaayos ako mula sa pagkakatayo ko nang makita ko kung kaninong bata siya lumuhod. Mabilis na pintig ng puso ko agad ang narinig ko.

“P-Paanong...”

Hindi naman niya siguro namukhaan ito, ’di ba? Kaya bakit kay Mayeese siya lumapit at ngayon ay nakaluhod na siya sa tapat nito na nakaupo lamang at titig na titig sa mga mata niya.

Mas lumapit pa ako roon para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Nakita pa ng dalawang mga mata ko ang panginginig ng mga kamay niya kaya roon pa lang ay talo na ako. Ang lalaking ito. Nakilala niya agad si Mayeese. Baka tiningnan niya talaga ang mukha nito. Tss.

“Can I wear this on you?” tanong ni Mergus. Nasa boses niya ang lambing at napakamarahan ang pagsasalita nito para yata mas maintindihan siya kasi alam niya na bata ang kausap niya at ayaw niya rin itong matakot.

“Why?” simpleng tanong lang nito sa kanya.

“Uhm, what do you mean about why?” naguguluhan niyang tanong.

“Why would you wear this on me? Are you sure this is mine?” tanong ni Mayeese na diretso ulit ang pagbigkas niya pero may kaunting bulol-bulol pa sa words niya.

“But why? Because I look like Cinderella?” she fired back.

“No. You’re prettier than Cinderella.” Naaaliw naman ang isa dahil nakausap niya ito at narinig ang boses.

“Oh... Really?” Natuwa yata siya nang sabihin nito na mas maganda pa siya kaysa kay Cinderella. Eh, Disney princess iyon samantalang siya ay anak lang ng engineer.

“Yes. Kasing ganda mo ang Mommy mo,” sabi nito na ikinairap ko. Pati anak ko ay binobola na niya. Paano naman siya nakasisiguro na ako nga ang Mommy nito?

“I agree, but...my Mommy is beautiful than me.”

“Hmm. Yeah, I know. Can I?”

“Do it, please. If you can guess whose shoes this is I will reward you too but if not, you are the one giving rewards for my friends.” Natuwa ako sa sinabi ni Mayeese. Dahil parang nakikipag-deal lang siya sa client niya. Hindi nga naisip ng iba riyan.

“Deal, you are so thoughtful. You are such a good kid. But still, I’m giving rewards to all of you.”

“Sir... I don’t want to be a princess.”

“Why?”

“Because, I wanna be an...engineer.” Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Wala na. Alam na nito kung sino talaga siya. Kusa na niyang sinabi.

“You spoiled me for who you really are.”

“Oh. Please, wear this to me, already. My friends are waiting for us,” malambing na sabi niya kaya hinawakan nito ang kanang paa niya at isinuot sa kanya pati na ang isa pa.

Pagkatapos nitong isuot sa kanya ay naglahad pa ng kamay na mabilis niyang tinanggap. Itinayo siya nito at inikot.

“Did I guess correctly?” Mergus asked her.

“Hmm... Yes. I’m Mayeese, and that pretty woman behind you...it’s my Mommy May Ann.” Sa sinabi ni Mayeese ay dahan-dahan na lumingon sa akin si Mergus.

Hindi ko na magawang mag-iwas pa dahil ang emosyon sa mga mata niya ay naghalo-halo na iyon na hindi ko na mapangalanan pa.

“C-Can I just... suggest my reward?”

“Of course. What do you want?”

“I want to hug you,” Mergus uttered at lumuhod ulit siya. Ikinulong ng mga bisig niya si Mayeese at mayamaya lang ay umaalog na ang balikat niya.

Sumikip ang dibdib ko nang marinig ko na ang paghikbi niya. Naguguluhan man ang anak niya ay nagawa pa rin siya nitong yakapin at marahan na tinapik pa ang likod niya.

“I’m s-sorry... I’m so sorry... Mayeese... I d-didn’t know... I didn’t know that... F-Forgive me... Forgive me, baby... I-I’m sorry for hurting...your Mom... I’m sorry for hurting you... I’m v-very sorry...” umiiyak na sambit niya at tuluyan na siyang sumalampak sa sahig. Napaupo na sa lap niya niya si Mayeese.

Sobrang higpit nang yakap niya pero sa paraan na hindi naman ito masasaktan. Ilang beses niya ring hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Kahit isa lang siyang stranger ay nagawa siyang aluhin nito.

“It’s okay... It’s okay...”

“I love you... I-I love you, baby... Halos...hindi ako makatulog...nang araw na iyon dahil... dahil hindi ko na naabutan pa ang Mommy mo... Ilang taon ko kayong...hinanap... Nagsisisi na ako, Mayeese... Nagsisisi na ako sa ginawa ko... Parang masisiraan ako ng bait...”

Hindi na lang paghikbi ang ginawa niya dahil umalingawngaw na sa loob ang boses niyang umiiyak. Ito ang unang beses na makikita ko siyang umiiyak nang ganito kalakas.

Ramdam na ramdam mo sa boses niya ang sakit, lungkot at pighati na naramdaman niya. Pero hindi ako dapat maawa sa kanya dahil lang sa ipinakita niya ngayon sa akin.

Hindi niya ako inintindi noon. Hindi niya pinakinggan ang mga paliwanag ko o ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Tinalikuran niya lamang ako at siya rin ang unang nang-iwan sa akin.

Kaya ayaw ko pa talaga siyang makita, ayokong magkrus pa ang landas namin dahil ayoko ring pag-usapan ang tungkol sa nakaraan. Magsusumbatan lamang kami. Mas mabuting huwag na lang talaga kaming magkita pa.

“Hush... Hush now... Don’t cry. I have my Mommy... Do you want me to share my Mommy with you, Sir?” Sweetie, hindi mo alam ang sinasabi mo.

Tumagal pa ang pagdadrama ni Mergus. Hinayaan siya ni Mayeese at hindi siya nito nilayuan. Ni hindi natakot dahil sa biglaan niyang pag-iyak.

***

As his rewards ay binilhan niya ng ice cream ang mga bata kaya naman masayang-masaya ang mga ito habang kumakain.

Nasa iisang table kami. Pinagmamasdan lang ni Mergus si Mayeese habang kumakain ito ng ice cream. Kaya naman nitong kumain dahil maliit lang ang gamit na disposable spoon.

Halos hindi siya kumurap. Akala mo naman ay mawawala ito bigla kung kukurap pa siya. Kaya dapat nakatutok talaga siya. Kitang-kita niya tuloy ang marahan na paggalaw ng bibig nito. Marahan pa naman kung kumain si Mayeese.

“Ayaw niyo mag-eat ng ice cream, Mommy?” Sabay tingin sa akin at sumulyap siya kay Mergus. Kami ang magkatabing nakaupo ni Mayeese at nasa tapat niya lang ang Daddy niya.

“I’m good, sweetie,” sabi ko.

“Ikaw po?” tanong niya rito. May lambing talaga sa boses niya kasi natural na iyon sa kanya.

“I’m...”

“Hmm. Ayaw niyo po sa a ice cream, ’no?” nakataas ang kilay na tanong pa niya.

“Kumain ka na lang, Mayeese,” ani ko.

“Okay po,” sabi niya at sumubo na naman siya. Kaya ngumuya siya habang nakatingin nang diretso. “I’m curious po. Paano...mo nalaman na akin itong shoes?” Pati ako ay na-cu-curious rin kung paano iyon nalaman ni Mergus.

Na kung bakit si Mayeese ang nilapitan niya agad. Paano niya nakilala ito nang ganoon lang kadali?

“It’s just my instinct. Unang tingin ko pa lang sa iyo ay alam kong...si Mayeese ka.” Impossible. Pss.

“You know po... Kamukha mo si...iyong uncle ko po,” daldal pa niya at napatingin tuloy sa akin si Mergus pero mabilis kong iniwas ang tingin ko.

Huwag na niyang subukan pang magtanong sa akin dahil hinding-hindi ko siya sasagutin. Ang kapal ng face niya. Hindi na kami close.

“It’s your Uncle Markus?” May idea na nga siya kung sino ang tinutukoy ni Mayeese na kamukha ng uncle niya. Alam din niya na baka ang nakatatandang kapatid niya ang nagtago sa amin.

“Oh, you know him?” namimilog ang mga matang tanong ni Mayeese.

“Yes. He’s my brother.”

“Then you’re my uncle too?”

“No,” mabilis na sagot ni Mergus at sinusubukan niya talaga akong kausapin pero mas pinipili ko ang manahimik. Iyong tingin niya kasi ay nangungusap.

“Oh. Sad. Who are you then?”

“I’m your dad---”

“Umuwi na tayo, Mayeese. Tapos ka na, ’di ba” tanong ko. Tumingin siya sa kinakain niyang ice cream. Kaunti na lamang ang natira, alam kong marami na rin siyang nakain.

“Uhm. Okay po. Bye-bye, Sir.” Tumayo na ako para alalayan ko ang anak ko na makababa.

“Miss,” tawag sa akin ni Mergus na may diin pa sa boses niya.

“Nakita at nakilala mo na siya, Mergus. Kaya hanggang doon lang muna kayo,” malamig na sabi ko sa kanya.

“May Ann... Hindi pa nga ako nagpapakilala sa kanya.” Binuhat ko si Mayeese pagkatapos kong isukbit sa balikat ko ang backpack niya.

“Mergus, paninindigan ko ang pagiging selfish kong tao. Kung gusto mong magpakilala sa anak ko ay gumawa ka ng paraan na kilalanin siya at huwag mo siyang biglain. Approachable si Mayeese, nakikita mo ang pagiging malambing niya at mabait siyang bata. Na kahit ang stranger na kagaya mo ay kinakausap ka pa rin niya. Ayokong sa paraan lang iyon ay makukuha mo ang loob niya. Paghirapan mong makuha ang loob niya hindi dahil sa ugali niya na malayo naman sa iyo,” mahabang saad ko at saka kami umalis doon.

“Miss... Gusto ko pa siyang makasama...”

Pumara ako agad ng taxi. Maingat kong isinakay si Mayeese saka ako sumunod. Nang isara ko ang pintuan ay nakita ko pa ang paglabas niya. Sobrang bagal no’n.

Nakabalik kami ni Mayeese sa condo na tinutuluyan namin. Salamat naman at hindi na niya kami sinundan pa. Hinayaan niya kaming umalis.

***

“Nakita na nga ni Engineer Mergus si Yeye?” tanong ni Ruthy sa akin. Dumating din siya sa condo dahil nag-alala raw siya nang bigla akong umalis. Nakalimutan ko siyang tawagan kanina.

Yeye, iyon ang nickname niya kay Mayeese na minsan ko rin itong tawagin na ganoon.

“Yes. Nakilala niya ang anak niya kahit wala pa man akong sinasabi,” sagot ko.

“Siguro nga dahil iyon sa lukso ng dugo,” wika pa ni Ruthy.

“Oh, baka dahil iyon sa looks ni Mayeese,” saad ko.

“Anyway mabuti ay hindi niya kayo sinundan ngayon? Sa nalaman natin na baka po may kinalaman siya, Ms. May Ann,” sabi niya.

“Dapat nga ang kapatid ko ang kausapin niya tungkol dito. Dahil company iyon ni Arveliah pero dahil ako ang unang nakakuha ng deal kay Mr. Mahler ay ako pa rin ang naipit sa sitwasyon kasi ako rin ang CEO ng main company. Hawak ko pa rin iyong kay Arveliah. Tapos plano niya lang pala iyon para ilabas ko ang anak ko,” sabi ko at napahinga nang malalim.

“Ano po ang plano mo ngayon, Ms. May Ann?” tanong ni Ruthy.

“I’ll talk to him about that matters, Ruthy. Magpa-set ka ulit ng appointment sa kanya. Gusto kong matapos na ito agad para makabalik na tayo sa UK,” sabi ko.

“Ms. May Ann. Ayaw ninyo na po bang mag-stay rito for good?” Nabigla ako sa tanong niya. Ayaw na kaya niyang umalis dito? Sabagay hindi ko siya puwedeng pigilan sa gusto niyang mag-stay rito. Nandito ang buhay ni Ruthy, ang pamilya niya.

“Ruthy, wala naman talaga akong dahilan pa para mag-stay rito.”

“How about the company? Kayo po ang CEO roon, Ms. May Ann. Kayo po ang inaasahang namin. Four years ka ring nawala. Kung hindi po kayo magpapakita sa mga board members ay puwede ka nilang palitan. Isa sa kanila ang magiging representative ng CEO.” I took a deep breath.

Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dapat nasa UK lang talaga kami.

“Pag-iisipan ko iyan, Ruthy.”

“Hinahanap ka po sa akin ng Daddy mo.”

“Pass na muna. Baka makita ko pa si Mommy. Ayokong huhusgahan na naman niya ang anak ko. Gusto ko munang ilayo si Mayeese, lalo pa na babae siya,” sabi ko at tiningnan ko si Mayeese na naglalaro na naman.

May dala kaming laruan para sa kanya. Baka kasi ma-bore lang siya rito kung wala siyang pagkakaabalahan.

Author's note:

May Chapter 62 pa po ako na hindi natapos, dudes. If hindi matapos ngayon ay bukas ilalapag ko. Hehe.

Hayon nga po, if gusto niyo talaga na maghabol si Mergus. Paabutin po natin hanggang 70 chapter.

Happy reading po!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top