CHAPTER 60
Chapter 60: The first meeting
UMAASA ako na sana ay hindi niya ako makikilala pa. Dahil sa short hair ko na naghalo-halo ang kulay ng blonde at itim nito.
Iniba ko lang kasi ang looks ko. Kahit nasa UK pa ako ay itinuloy ko pa rin naman ang pangarap ko na maging isang pianist. Natupad ko rin naman iyon. Pero dahil hindi ko na ginagamit pa ang pangalan kong Yam Vallejos ay hindi matunog ang pangalan na gamit ko ngayon.
Kaya inihinto ko na lamang iyon para na rin maalagaan ko nang mas maayos ang baby ko.
“What, kuya? Bakit ako pa ang tatawagan mo? May appointment ako ngayon,” narinig kong sabi niya at mas yumuko pa ako para hindi niya mapansin.
Narinig ko ang sunod-sunod na footsteps niya at nang sulyapan ko siya ay nakalabas na siya ng resto. I felt relief.
Napahaplos pa ako sa dibdib ko dahil sa lakas nang kabog nito. Wala naman akong kasalanan, ah. Pero bakit natatakot akong magpakita sa kanya?
Feeling ko kasi ay galit siya, kahit wala ng dahilan pa para magalit sa akin nang umalis ako. Baka siguro puwede pa kung si Mayeese ang itinago ko sa kanya.
Tumikhim pa ako at naglakad palapit sa puwesto nina Ruthy at Mr. Mahler. Akala ko kaya siya umalis kanina ay para hanapin ako dahil nakita niya si Ruthy na mag-isa lang.
“Good morning, Mr. Klimt Mahler,” I greeted him as soon as I approached.
“Ms. Vallejos, hey. Akala ko ay ang secretary mo lang ang mami-meet ko ngayon.” I’m a little bit shocked nang magsalita siya ng Tagalog.
“Sorry about that, Mr. Mahler,” sabi ko.
“That’s okay. It’s been a long time, Ms. Vallejos. Have a sit.” I sat down on the chair at umupo rin naman si Ruthy.
“May idea ka na ba, Mr. Mahler kung bakit nakipag-set ako ng appointment sa iyo?” tanong ko sa kanya.
“Nagulat din ako dahil ilang taon akong walang update tungkol sa iyo and according to my sources ay ikaw pa rin naman ang CEO ng main company ninyo pero working from abroad ka. Kaya kahit ilang beses din kaming nagpa-set ng appointment sa iyo ay hindi pa rin natatanggap dahil nasa ibang bansa ka nga I wonder why,” mahabang saad niya.
“Yes. Nang mapansin namin na may kaunting problema sa pagitan ng company natin ay mabilis kaming nagpa-book ng ticket to personally meet you, Mr. Mahler. So we can talk the abbey properly,” I told him.
“Actually. May representative kami, also... Naging investor namin siya. He said that he wants me to backout kahit ayaw rin ni Dad pero dahil kasama siya sa major investors namin ay sumang-ayon kami,” paliwanag niya.
Sa hindi malaman na dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla at curious ako kung sino ang taong tinutukoy niya na nag-utos sa kanila na mag-backout kahit na may contract pa sila sa amin.
“Pero may kontrata kang pinirmahan, Mr. Mahler. Hindi puwedeng masira ang napagkasunduan natin dahil may babayaran ka sa amin. That is our policy,” seryosong sabi ko sa kanya at tumango siya.
“Yes, I know but he’s willing to pay that for us. So...”
“What are you gonna do if tuluyan kang mag-ba-backout? May chance pa ba kami para makuha ulit ang loob mo, Mr. Mahler? Because I know wala naman kaming naging problema sa construction. Maayos ang trabaho ng mga tauhan namin. Close na rin ang deal natin. So, why? Bakit bigla ay nagbago ang isip ninyo?”
“I believe it’s my turn to answer your question, Ms. Vallejos.” I stilled when I heard that familiar voice. My heart skips a beat and I feel like nabuhusan ako ng malamig na tubig.
“Engineer Mergus,” Mr. Mahler uttered his name. Mariin akong napapikit.
So tama rin pala ang hula ko na may kinalaman siya sa bagay na ito? Ano na naman ba ang pinakialaman niya? May sarili siyang kompanya kaya bakit inuutusan niya ang client namin to backout? What is the reason? Urgh, Mergus.
“Can you give us some privacy so I can talk to her?” he asked coldly.
Kung aalis naman ako bigla ay pagkakamalan talaga ako na may iniiwasan ako kahit... Fine, mayroon nga talaga akong iniiwasan na tao at kinakatakutan ko na makikita ko ulit.
“But Engineer Brilli---”
“Sige na, Ruthy. Ako na ang bahala rito,” sabi ko.
Hindi ko siya tinitingnan dahil baka makita ko lang ang nakaiinis niyang mukha. Naibaba ko ang magkabilang palad ko at dahan-dahan na kumuyom ito.
“If you don’t mind, Ms. Ruthy. Doon tayo sa kabilang table. Let’s have a coffee.”
“Sige po, Mr. Mahler.” Nang mapansin ko ang papalayong presensiya nilang dalawa ay saka naman ako tumayo.
“Where are you going, Engineer Vallejos?” malamig na tanong nito sa akin.
“Washroom,” tipid na sagot ko. Dinala ko pa ang handbag ko at naglakad patungo sa CR.
Nang nasa loob na ako ng banyo ay bigla ko na lang naisip ang umalis sa lugar na ito. Hindi rin dahil takot ako sa kanya kundi, hindi pa ako handang makita siya. Hindi sa ganitong pagkakataon pa. Ayoko pa siyang makausap dahil nahuhulaan ko na kung bakit naging investor na siya ni Mr. Mahler.
Alam niya talaga kung paano ako makalalabas para makita na niya. Plano niya ito. Akala ko ba ay hindi na nga niya kami hinahanap pa? Ayon sa sinabi sa akin ni Kuya Markus. Pero bakit ngayon... I took a deep breath.
I went to sink at naghugas lang ako ng kamay. Paano kung tatanggapin ko na lang na mawawala na ang deal namin ni Mr. Mahler? Hahayaan ko na lamang para hindi ko na haharapin pa ngayon ang engineer na iyon?
Ngunit kailangan nga namin ang project na iyon. Dahil hawak iyon ng company ng kapatid ko. Hindi puwedeng mawala na lang bigla ang pinaghirapan ni Arveliah.
Haharapin ko na lang ulit siya at pag-usapan ang tungkol doon? Siguro naman ay hindi siya magtatanong tungkol sa anak namin, ano?
Lumabas din ako pagkatapos ko pero napaatras ako nang makita ko si Mergus sa labas ng washroom. Nakahilig siya sa pader habang nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng pants niya.
Nag-iwas ako agad nang tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Sobrang lamig no’n at kinikilabutan lang ako.
“What are you doing here?” I asked him, there’s no emotion written on my face.
“To keep an eye on you. Because you might run away,” he answered and I gritted my teeth.
“Why would I do that?” malamig pa ring tanong ko. When he tried to step towards me ay mabilis na akong naglakad para bumalik. Ayokong makalapit pa siya sa akin.
Pag-upo ko ay kinuha ko agad ang baso at uminom. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko rin ang pag-upo niya ulit at pinapanood na niya ako. Pabagsak ko pa ibinaba ang baso sa mesa kung kaya’t gumawa iyon nang ingay. Bahagyang tumaas pa ang kilay niya.
“Pag-usapan na natin ang tungkol sa deal namin ni Mr. Mahler. Alam mong wala kang karapatan na pumasok sa usaping iyon,” matapang na saad ko.
“Sino ang kausap mo?” he asked suddenly.
“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at tinitigan ko na siya. Kailangan pa ba talagang itanong iyon sa akin? Kung sino ang kausap ko? Nababaliw na ba siya?
“Sino ba ang kausap mo at sa iba ka pang nakatingin?”
“Besides the two of us at the table who else am I gonna talk to if not you?” I asked him again.
“If you are talking to me then look at me straight in the eyes,” he blurted out.
“You know what? If we just fight like this the conversation will be pointless. I better just leave. Masyado kang nakaaabala sa ibang tao. If you have plenty of time to joke around, please I don’t. I’m a busy person at wala akong oras para sa iyo,” I said and stood up from my chair.
Malalaki ang bawat hakbang ko para lang makaalis na ako at nang hindi na rin ako maabutan pa ni Mergus.
Ang plano niya na sirain ang deal namin kasama ang client namin ay hindi lang dahil gusto niyang mawala iyon dahil iyon sa sarili niyang kagustuhan. Para makita niya lang ang anak ko.
“Miss, hindi pa tayo tapos mag-usap!” sigaw niya at umalingawngaw pa sa loob ng resto ang boses niya.
Kakaiba ang boses niya ngayon compared sa narinig ko noon sa airport. Umiiyak siya at nagmamakaawa sa akin kahit over the phone pa.
Nang may taxi ang huminto ay agad kong pinara iyon at nagmamadaling sumakay. Sinabi ko agad sa taxi driver ang pupuntahan ko. Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Ruthy. Nagulat naman ako nang bumukas ang pintuan ng sasakyan ko at sumakay rin si Mergus.
Umawang ang labi ko sa gulat. “A-Anong... Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko at namimilog pa ang mga mata ko.
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay mariin ang titig niya sa akin. Kaya iniwasan ko iyon.
“Saan po ang punta ninyo, manong?” tanong niya sa driver na mabilis naman siyang sinagot nito. Naramdaman ko ulit ang pagsulyap niya sa akin. “So... Kasama mo nga siya?” tanong niya at binalingan ko naman siya.
“Sino naman ang tinutukoy mong kasama ko, ha?” naiinis na tanong ko sa kanya.
“Iyong pupuntahan natin, Miss,” balewalang sagot niya. Napairap ako.
“Ako lang naman ang pupunta sa place na iyon at hindi ka kasama,” sabi ko sa kanya. The corner of his lips rose up. So irrating.
“Kasama mo ako ngayon. So technically, tayo ang pupunta sa lugar na iyon,” mariin na saad niya.
Napahilot ako sa sentido ko at pakiramdam ko ay puputok ang ugat ko rito. Kaya nang makarating kami sa pupuntahan namin ay parang ayaw ko na tuloy na pumasok pa sa loob.
Kung bakit ba kasi nakalimutan ko ang ultrasound picture ng baby ko at naiwan ko pa iyon sa condo niya? Dahil sure ako na hindi na niya ako hahanapin pa kung wala siyang nalalaman tungkol sa pinagbubuntis ko noon. Wala rin naman siyang pakialam pa sa akin.
Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko nang magsalita na siya agad. “Keep the change, Manong.”
“Maraming salamat po, Sir.”
Nagdadabog ako nang bumaba ako mula sa taxi and I was about to enter the children’s house when I remembered him. Nag-iinit talaga ang ulo ko.
Hinarap ko siya at talagang plano niya akong sundan. “Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Umalis ka na!” sigaw ko sa kanya. Parang wala lang sa kanya kung sisigawan ko siya nang ganito dahil kahit walang emosyon ang mukha niya ay parang chill-chill lang siya kung titingnan.
Namimilog ang mga mata ko na sumunod ako sa kanya nang pumasok siya sa loob. Sa haba ng legs niya ay halos patakbo na iyong ginagawa ko para lamang maabutan ko siya.
Nakaiinis naman kasi! Sana wala na lang siyang kaalam-alam pa tungkol sa anak ko! Hindi sana kami aabot sa puntong ito!
Nang makita ako ni Ms. Calvary ay inilingan ko siya na huwag akong lapitan. Mabilis naman niyang nakuha ang mga pahiwatig ko at napatingin siya sa kasama ko.
Napahinto lang din ako nang makita ko na hindi na siya gumagalaw pa mula sa kinakatayuan niya. Pero malikot ang mga mata niya na tila ba may hinahanap siya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Hindi naman niya mahahanap pa ang gusto niyang makita dahil hindi naman niya kilala si Mayeese.
Tiningnan niya tuloy ako at humakbang pa siya palapit sa akin. “Nasaan ang...anak ko, Miss?” tanong niya sa akin. Kahit kinakabahan ako sa unang pagkikita nila ng anak niya ay pinipilit ko pa rin ang maging malamig sa kanya. Matapang ko na sinalubong ang kanyang tingin.
“Bakit? May anak ka ba sa akin? Nawawala ang anak mo?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Umigting lang ang panga niya at mariin na pumikit pa. Ibinalik niya ang tingin sa maraming bata.
Lalaki, babae, iba’t ibang gesture ang mga ginagawa nito. Super gulo nga nila dahil naglalaro silang lahat. Maririnig ang tawanan nila. Sa dami ng mga ito ay alam kong hindi niya malalaman kung sino ang anak niya. Hindi rin naman niya kasi alam ang hitsura nito. Iniiwasan ko lang din na huwag tumingin kay Mayeese para hindi niya ako mapansin.
“Miss, just tell me kung nasaan diyan ang anak ko,” sabi niya na nagpipigil na siyang sumigaw dahil sa takot na magulat ang mga bata.
Kailangan ko na ring umalis dito para hindi ako makita ng baby ko. Kasi natitiyak ko na kapag nakita niya ako ay sasalubungin niya lamang ako.
“Wala kang anak sa akin, Mergus,” sabi ko at tumalikod ako.
But he followed right away and pulled me somewhere. Pumasok kami sa loob ng banyo kung kaya’t napatili pa ang mga babae nang makita si Mergus. Nagmamadali silang lumabas pero nakita ko pa ang matagal na pagtitig nila sa kasama ko hanggang sa malakas na isinara nito ang pintuan.
Naglakad ako at pumasok sa isang cubicle. Mabilis kong ini-lock ito. Ang kapal talaga ng face niya para hanapin niya sa akin si Mayeese. Pagkatapos nang ginawa niya sa akin noon? Ha! Sinusuwerte siya.
Pagkatapos niya akong talikuran at bigla na lamang siyang humingi sa akin ng space dahil lang naapakan at nasaktan ko ang ego niya? Nagpapatawa ba siyang lalaki siya?
“Buksan mo ito, Miss. Mag-usap tayo.” Hindi ako sumagot. Ayokong magsalita dahil ayokong kausapin siya. Manigas ka riyan, Engineer. “Buksan mo ito at mag-usap tayo,” pag-uulit niya at umikot lang ang eyeballs ko.
Malakas niyang kinatok ang pinto and feeling ko ay masisira na talaga ito nang tuluyan pero hindi ko pa rin binuksan. Titigil naman siya kung mapapagod na siya sa ginagawa niya. Hindi nga ako nagkamali dahil tumigil na siya but nanatili pa rin ako sa loob.
Idinikit ko ang pisngi ko sa door para pakinggan kung may kaluskos bang maririnig sa labas pero nang marinig ko na sa ibang direction pala iyon at sa itaas mismo ay tumingala ako. My eyes widened in shocked. Bago pa man ako makapag-react ay nakababa na siya. Napasandal na lamang ako sa malamig na pader at huminga nang malalim.
Ano naman ang akala niya? Superman siya at kaya niyang lumipad? Tsk.
“Ano ba talaga ang gusto mo sa akin, ha?! Bakit mo ba ako ginugulo?!” asik ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa balikat ko at idiniin niya ako sa pader.
“Marami akong gusto sa iyo. Hindi ko maisa-isa, eh,” sabi niya at napaka-vulgar niya talaga kung magsalita.
Pinihit ko sa left side ko ang ulo ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi na nawala pa ang kaba sa aking dibdib at ang mabilis na pintig ng heartbeat ko.
Nang sumiksik siya sa leeg ko bigla ay malakas ko siyang itinulak but hindi ko nakayanan na humiwalay siya sa akin nang tuluyan dahil sa lakas niya. Hinuli ng dalawang kamay niya ang magkabilang pulso ko at pinihid ito sa gilid ng ulo ko. Sa ginawa niya ay napagod lang ako sa pagpupumiglas ko.
“Do you want me to look for an evidence that I have a child or ikaw mismo ay may anak din?” tanong niya.
“Nakita mo naman sa akin na wala akong batang kasama kaya ano ba ang pinagsasabi mo riyan at iginigiit mo sa akin na may anak ka?” laban ko sa kanya. I just said that but it doesn’t mean ay ni-deny ko ang sarili kong anak. I love my daughter so much, higit pa nga sa buhay ko.
“Then let me do this.”
“H-Hey!” I exclaimed when he sniff my neck. Nanindig tuloy ang balahibo ko sa katawan, especially sa batok ko.
“Kabisado ko ang amoy mo, Miss. Alam ko kung ano ang gamit mong...shampoo,” sabi niya at sininghot niya ang buhok ko. Dumampi pa ang tungki ng ilong niya sa batok ko. “Your body wash...” Ang sunod naman niyang inamoy ang suot kong damit pero bumalik iyon sa leeg ko pataas sa panga ko. Nanigas lang ang katawan ko at parang paralisado lang. “Your perfume...” Nanginig ang labi ko at hindi na ako makapagsalita pa. Bayolenteng napalunok lamang ako. “Also your natural scent. But... dalawang klaseng amoy ang dumikit sa ilong ko. Bago lang iyon dahil dati wala ka no’n.”
Malamig na tinitigan ko ang mukha niya. “You’re such a pervert, Engineer Mergus. Basta-basta ka na lang nangha-harass ng isang babae,” saad ko.
“Call me whatever you want, I don’t care anymore. What is matters to me ay ang makita ko na ang anak ko na itinatago mo sa akin,” sabi niya.
“Ang kapal ng face mo, ha! Bakit mo pa hahanapin si Mayeese, hindi ba tinalikuran mo na siya?!” sigaw ko sa kanya at doon niya lang ako nabitawan. I hit his chest at napaatras pa siya. I don’t know why kung bakit parang natulala siya.
“M-Mayeese? That’s... It’s a girl then? B-Babae ang...anak natin?”
“Anak ko lang,” I corrected him but he ignored me.
“Mayeese... Miss, gusto ko siyang makita, please. Gusto kong makita ang anak ko. Please, let me see her. May Ann.”
Hindi ako agad nakapag-react dahil nagbago na naman ang tono ng boses niya. Punong-puno ng pagsusumamo.
Tinanggal ko ang kamay niya. Hindi na ako katulad nang dati na kayang-kaya niya lang mapa-oo. Hindi na niya iyon makikita pa.
“Ayoko. Wala kang karapatan kay Mayeese,” matigas na saad ko.
“Kahit ngayon lang... Kahit isang beses lang... Hayaan mo naman akong makita siya. Hayaan mo akong...makilala siya, Miss... Please...”
“Bakit pa? Bakit mo pa siya gustong makita?” walang emosyon na tanong ko sa kanya.
“A-Anak ko pa rin iyon... She’s my daughter, May Ann...”
“She’s a girl, Mergus. Katulad mo ay alam kong...kaya rin siyang talikuran ng pamilya mo.” Maliban kay Kuya Markus dahil tanggap niya ang pamangkin niya.
“She’s mine, Miss. Nagawa ko man siyang talikuran noon ay wala akong alam tungkol sa kanya. Kaya hindi ko rin alam na buntis ka sa mga panahon na iyon. Dahil wala ka namang sinabi!” sigaw niya sa akin at napasinghap ako nang sinuntok niya ang pader.
“Nababaliw ka na talaga...” sambit ko at sinipa ko ang tuhod niya nang dadapo pa sana ang kamao niya sa pader. “Tatakutin mo lang ang anak ko kung makikita niya iyan!” sigaw ko pa.
Mabilis niyang dinukot ang puting panyo niya at ibinalot niya iyon sa kaliwang kamay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top