CHAPTER 53
Chapter 53: Space
“SA LAHAT ng taong pinagkakatiwalaan ko ay hindi ko inaasahan na ikaw ang magsasabi niyan sa akin, Mergus,” malamig na sabi ko. I didn’t expected na sa kanya talaga ako masasaktan nang ganito.
“Yeah right. Hindi ko rin inakala na may mga babae rin ang gagawa nito sa akin. Hindi ba...hindi ba gusto mo lang ito, May Ann?” tanong niya na nagsimula siyang maghubad ng suot niyang pang-itaas.
“What are you doing?” kunot-noong tanong ko sa kanya.
“What if I tell you na gusto ko rin makipag-sèx sa iyo, May Ann?” nakangising tanong niya at nang makalapit siya sa akin ay saka lang nanuot sa ilong ko ang amoy niya. Amoy alak siya.
Itinulak ko siya sa dibdib niya at bumagsak siya agad sa sahig. Nagawa ko iyon dahil lasing nga siya.
“Mag-usap tayo kung hindi ka na lasing, Mergus. Huwag mo akong harapin kung amoy alak ka,” ani ko pero mabilis siyang tumayo.
“No. Wala tayong pag-uusapan,” matigas na sabi niya at aakyat na sana siya sa hagdanan nang hinarangan ko ang dinaraanan niya.
“Bakit ang hirap sa iyo na pakinggan ang paliwanag ko, Mergus?”
“What do you want to explain, Miss?” bored na tanong niya. Wala nga siyang interest na makinig sa explanation ko.
“Ang narinig mo...kahapon.”
“Rather you say ay narinig namin pareho ni Mommy ang mga sinabi mo kahapon, iyon ba? Wala ka namang dapat ipaliwanag pa sa akin, Miss.”
“Mergus, nasabi ko lang naman iyon dahil hindi ko na nakayanan pa ang emosyon ko! Hindi ko... h-hindi ko naman iyon sinasadya... Hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin sa Mommy ko. Hindi ba naiintindihan mo naman ako?” tanong ko at nang hawakan ko ang braso niya ay tinabig niya lang ang kamay ko. Nasaktan ako sa ginawa niya. Dahil feeling ko ay bumabalik na naman kami sa dati.
“Naiintindihan kita, Miss... Naiintindihan naman kita... Alam mo na...gustong-gusto kita. Nandoon na ako, nandoon na ako sa puntong... Aalukin na sana kita ng kasal, eh. Pero dahil lang sa sinabi mo sa ginawa natin ay naapakan ang ego ko, Miss. Isa ka rin sa taong pinagkakatiwalaan ko. Pero...ayoko sa mga taong nanggagamit lang. Aalis na ako.”
“Mergus, what about our---”
“I don’t know... Hindi na ako ang magdedesisyon para ro’n. Hintayin na lamang natin---”
“Hindi kita bibitawan, Mergus...”
“Me...as well... Ayaw rin kitang bitawan, Miss, pero sa ngayon ay hindi pa kita kayang hawakan dahil parang...parang ang hirap pa ng sitwasyon natin. Gusto ko muna ng...space.”
“Space... Magulo ba ang...isip mo ngayon, kaya kailangan mong bigyan ng space ang relationship natin? Mergus... Ang babaw mo rin masyado,” sabi ko at mapait akong ngumiti.
“Totoo. Mababaw nga talaga ako pero tao lang din naman ako. May pakiramdam din naman. Aalis muna ako. Sa ngayon ay ayoko munang makasama ka rito,” wika niya. Ayaw niya rin na magpapigil sa akin. Gusto niya talagang umalis.
“Kailan natin aayusin ito? Gusto mo ba na tuluyan nang...masira, Mergus?”
“I told you, hindi ako magdedesisyon niyan. Just wait for our parents. Baka sila na ang magdedesisyon para sa atin.”
“Mergus... Paano kung ayaw na nila?” nababahalang tanong ko.
“Kung ayaw nila... Eh, ’di wala tayong magagawa kundi ang sumunod sa gusto nila. Bakit natin pipigilan ang hindi na puwede?” matigas ang boses na tanong niya sa akin.
“Mergus... May balak ka nga talaga na...bitawan ako kapag nakapagdesisyon na sila?”
“Kung gusto mo ay makiusap ka kay Grandpa. Baka sakaling pagbigyan ka niya pero huwag mong aasahan na mapapatawad ka agad ni Mommy.”
“Handa naman ako maghintay na mapatawad niya ako, Mergus. Magpapaliwanag din naman ako sa kanya na kung bakit iyon ang mga nasabi ko,” ani ko.
“Ako nga, hindi mo kayang pilitin na pakinggan ka. Ang Mommy ko pa?” he mocked me.
“Mergus...”
“I’m done talking with you, May Ann. Magdadala lang ako ng kaunting damit. Huwag mong hintayin ang pagbabalik ko dahil baka matagalan pa,” sabi niya.
Hinayaan ko siya. Hinayaan ko siya na umalis nang araw na iyon at inaasahan ko na babalik din siya agad, kahit na sinabi niya na hindi siya makakauwi soon pero kahit ang tawagan man lang ako ay hindi niya ginawa. Talagang.. nagalit nga siya sa akin. Nagalit siya dahil lang sa mga sinabi ko na hindi ko naman sinasadya na iyon ang lumabas mula sa aking bibig.
Pumasok pa rin ako sa company at doon ay ipinatawag ako ni Dad. Siguro...nasabi na rin sa kanya ni Mommy ang lahat. Mabilis ang tibok ng puso ko nang papasok na ako sa loob ng opisina niya. Maybe nagalit na naman siya sa akin.
“Good afternoon, Dad,” I greeted him.
“Have a sit, May Ann,” sabi nito at hindi naman malamig ang boses niya, medyo kumalma nga ako.
“Alam mo ba kung nasaan ang kapatid mo ngayon, anak?” tanong niya sa akin na ikinabigla ko pa dahil parang wala pa nga siyang nalalaman.
“Hindi po, Dad. Sinusubukan ko po siyang tawagan pero naka-off po ang phone niya,” I replied and shook his head.
“Hindi niya pinapatay ang phone niya. Hindi lang siya sumasagot. Ewan ko sa batang iyon kung bakit umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam kung saan siya pupunta.”
Kahit ang problema ng kapatid ko ay hindi ko na nabigyan pa nang oras kung paano ko nga ba siya matutulungan. Kasi naman bigla niya akong iniwan sa hospital at sa ginawa niya ay parang ayaw niyang magpagamot. Natatakot siyang magpaopera kahit sinabi ko na hindi ko naman siya pababayaan at iiwan doon nang mag-isa.
“Dad, w-wala po bang sinabi sa inyo si Mommy?” I asked him.
“What is it? May kailangan bang sabihin sa akin ang Mommy mo, May Ann?” nalilitong tanong niya at tumango ako.
“Nang isang araw lang, Dad ay kasama ko po si Arveliah. But dinala po namin siya sa hospital dahil may iniinda siyang sakit pero pagkatapos pong lumabas ang CT scan results niya ay bigla po siyang umalis sa hospital. Alam ko po...na hindi kayo agad maniniwala sa akin, Daddy. Arveliah, she was diagnosed with myeloid leukemia at kailangan niya pong maoperahan agad para sa bone marrow transplant niya. I’m willing to be her...donor po. We need to find her, ASAP.” I thought my father ay hindi siya maniniwala sa mga sinabi ko sa kanya, just like my Mom.
Pero dahil doon ay napatayo siya sa gulat at rumehistro sa mukha niya ang pag-aalala.
“W-What...”
“Sinabi ko na po ito kay Mommy, Dad. Ipinakita ko rin po sa kanya ang CT scan and other test results po ng kapatid ko pero hindi niya po ako pinaniwalaan... Daddy...hindi lang po iyon ang problema natin... Baka po ika-cancel ng Brilliantes clan ang pakikipag-merge natin sa family nila,” paliwanag ko pa.
To be honest ay hindi ko kaya kung paano iyon ayusin dahil sarado pa ang tainga ngayon ng fiancé ko. Ayaw niya akong tulungan na ayusin ang relationship namin.
“What are you talking about?” kunot-noong tanong naman niya.
“I did a mistake, Dad... Galit po sa akin si Tita Jina. Daddy, gumawa po kayo ng paraan para maayos pa natin ang relasyon natin sa kanila. Dad...mahal ko po si Mergus. Ayoko po siyang bitawan dahil lang sa pagkakamali na nagawa ko. Hindi ko naman po iyon sinasadya. Please, Daddy,” nakikiusap na saad ko at napahilot na lamang siya sa sentido niya.
“Hindi ko na alam... Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Posible na bumalik nga ang sakit ng kapatid mo pero sa ngayon. Mas priority natin siya, May Ann. Ang Mommy mo muna ang mag-aasikaso sa tinutukoy mong isa pa nating problema. Hindi sinabi sa akin ng Mommy mo ang tungkol dito. Uuwi muna ako ngayon para kausapin siya. Hanapin mo muna ang kapatid mo,” sabi niya.
***
Ilang beses akong bumuntong-hininga at pinagmamasdan ko lang ang mansion ng parents ni Mergus. Dito na naman ako dinala ng mga paa ko. Hindi ko kasi alam kung saang lugar ba lumipat si Mergus. Isang araw pa lang ang nakalilipas ay nami-miss ko na siya agad.
Gustong-gusto ko na siyang makita ulit at nasabi ko na rin... Nasabi ko na rin kay Dad kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko para kay Mergus.
I know na hindi rin ako nagkamali na pangalanan ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot lang ako na baka hindi siya maniniwala sa akin, sa ngayon.
“What are you waiting for, Miss? Hindi ka ba papasok sa loob? Nandiyan ang kapatid mo.” Napatingin ako kay Michael nang magsalita siya.
“Hi,” tipid na bati ko sa kanya. Nasa bisig na naman niya ang alaga niyang pusa at may kalakihan na nga ito.
“What happened? Bakit ang tamlay mo ngayon?” tanong niya sa akin. I shook my head at pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
“Novy... Ang dati mong amo ay nginitian ako ng hindi naman totoong ngiti,” sabi niya sa pusa niya. Mahinang natawa ako. Klaseng tawa na hindi ko na pinipilit na gawin. Natawa lamang kasi ako sa bagong pangalan nito.
“Hindi ba ang pangalan niya ay Mayann?” tanong ko at inilingan niya ako.
“Iba na kasi ang amo niya ngayon, meet him, he’s Novy.”
“Lalaki pala siya?”
“Nakalimutan mo agad?” gulat na tanong niya.
“Hindi ko naman kasi siya tinitingnan, eh,” sabi ko.
“Ah, okay,” nakangiting sabi niya.
“Bakit pala Novy ang pangalan niya?” I asked him.
“Hmm... That’s because of that grumpy pretty lady,” he answered.
“Who was that?” interesadong tanong ko.
“Makikilala mo rin siya soon,” sabi niya. “Let’s get inside, Miss. Bakit ang kapatid mo ang kasama ni Kuya na pumunta rito at hindi ikaw? Nakapagtataka iyon, ah.” Hindi ko na magawang sumagot pa dahil sa dibdib kong nagsisimula na namang sumikip.
Huwag lang talaga akong bibigyan ng dahilan na magalit pa ulit sa kapatid ko. Dahil ayoko nang maramdaman pa ang galit, inis at selos ko sa kanya. Maayos na ang relasyon naming magkapatid.
Hindi pa man kami nakalalapit sa living room ay maririnig na ang tawanan sa loob. Pamilyar sa akin ang isa dahil si Arveliah na nga ang tumatawa. Mukhang ang saya nang kuwentuhan nila at tahimik lang nakaupo si Mergus. Malalim yata ang iniisip niya. Magiliw rin na nakikipagkuwentuhan si Tita Jina sa aking kapatid.
“Hmm? Ate May Ann?” Si Arveliah agad ang nakapansin sa akin. Mabilis na napatingin sa gawi ko si Mergus. Wala pa rin siyang emosyon, mainit pa rin yata ang ulo niya sa akin, eh.
“I’m sorry kung...n-nakaabala ako sa inyo,” sabi ko at nag-iwas na ako nang tingin sa kanya dahil hindi ko iyon nakakayanan. Feeling ko ay matutunaw ako. Hindi umimik ang Mommy ni Mergus.
“Mom, nandito po ang fiancé ni Kuya. Hindi ninyo po ba siya aalukin na umupo?” singit ni Michael.
“Michael, it’s okay. H-Hindi naman ako magtatagal pa rito. Gusto ko lang...sunduin ang kapatid ko,” sabi ko.
“Ako na ang maghahatid sa kapatid mo. Ako ang nagdala rito sa kanya dahil gusto siyang makita ni Mommy,” walang emosyon na sabi ni Mergus. Hindi ko tuloy magawang mag-angat nang tingin sa kanila.
“Kuya...”
“Okay. Aalis na po ako, Tita...” paalam ko saka ako nagmamadaling lumabas.
“Wait, sis... Kuya, bakit ganyan ang tono ng boses mo?” narinig ko pang tanong ni Michael sa nakatatanda niyang kapatid.
Napahawak pa ako sa sentido ko nang makaramdam ako nang pagkahilo. Muntik pa akong mawalan nang balanse pero mabilis din na may umalalay sa akin.
“May Ann? Are you alright?” Boses iyon ni Markin.
“Y-Yes,” sagot ko at ngumiti ako sa kanya.
“Okay ka lang ba talaga? Namumutla ka, eh,” sabi niya. Marahan akong umiling.
“I’m fine. Mauna na ako, Mark...Markin.”
“Wew, call me Mark if you want. Oks lang sa akin,” sabi niya na ikinangiti ko.
“See you,” I said.
Hindi na ako nakabalik pa sa company namin, dahil bumalik ang pagkawala ko sa mood at alam ko rin naman kasi na hindi ako makakapag-focus sa work ko.
Kahit hindi pa oras ng pagtuturo ko sa academy ay pumunta pa rin ako at doon na ako nagpalipas nang ilang oras. Nakatulog pa ako habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa malamig na pader ng music room.
Pagabi na nang umuwi na ako pero sa halip na sa condo ay ang mansion ng parents ko ang pinuntahan ko.
Nadatnan ko na umiiyak si Mommy habang yakap-yakap niya si Arveliah at dahil lang sa nakita ko ay nakaramdam ako ng selos. Dahil mabuti pa ang kapatid ko ay naranasan niya ang magkaroon ng ina na katulad ni Mommy Venus. Na sobra-sobra siya nitong inalagaan at minahal.
Nandoon din si Dad at hawak naman niya ang ulo niya. Alam ko ang nararamdaman nila ngayon.
“Bakit... B-Bakit hindi mo sinabi sa amin ang totoo, anak? Bakit naglihim ka sa amin?” umiiyak na tanong ni Mommy.
“I’m sorry, Mom... A-Ayoko lang po na...mag-alala pa kayo sa akin.”
“Sa tingin mo ba ay hindi kami mag-aalala sa iyo? Arveliah, mag-aalala pa rin kami sa iyo, malalaman at malalaman pa rin naman namin ang totoo,” seryosong sabi ni Dad.
“S-Sorry po, Daddy... N-Natatakot lang po talaga ako... Natatakot po akong magpaopera kasi baka...baka po ay hindi ko makayanan. Mom, Dad...gusto ko pa pong mabuhay...” humihikbing sambit niya.
“Then magpaopera ka na, anak... Kung gusto mo pa kaming makasama ay please lang... Magpagamot ka at hindi ka namin iiwan. Sasamahan ka namin, Arveliah... Oh my God... A-Ang baby ko... Sa dami-rami ng tao sa mundo na...hindi na kailangan pang mabuhay ay bakit hindi na lamang sila ang binigyan ng ganitong klaseng sakit? B-Bakit ang anak ko pa? B-Bakit ikaw pa, Arveliah?” Napayuko ako sa sinabi niya.
Bakit...ganoon ang sinabi ni Mommy? Bakit ganoon na sa dinami-rami raw ng tao sa mundo na hindi na kailangan pang mabuhay ay iyon pa ang hindi binigyan ng sakit ng kapatid ko?
Lahat ng tao sa mundo ay deserve na mabuhay. Alam kong nasaktan lang siya sa nalaman niya na may sakit ang anak niya pero huwag na sana niyang damayin pa ang mga tao.
“Hon, let’s go. Dalhin na natin sa hospital ang anak natin para ma-confine na siya at kausapin mo ang magiging doctor niya.”
“Mom, k-kailangan ko po ng bone marrow transplant...” sabi ni Arveliah.
“Hindi tayo mahihirapan na maghanap ng compatible donor mo, anak. Nandito ako, at nandiyan ang Daddy mo.”
“Mommy... Gusto ko po si Ate May Ann ang magiging donor ko. Gusto ko po na siya ang makakasama ko sa operating room kung sakali man na magpa-undergo surgery ako. Please po, huwag na kayo ni Dad. Si Ate May Ann na lang po...”
Napasulyap sa side ko si Mommy at nagtaas ang dibdib niya. “Puwede naman ako, anak, eh.”
“Please, Mommy... Si Ate May Ann na lang po,” pakikiusap pa ni Arveliah.
“Sinabi na rin ng Ate mo ang tungkol diyan, Arveliah. Huwag na tayong magsayang pa nang oras. Pumunta na tayo sa hospital at asikasuhin ang dapat na asikasuhin doon,” seryosong sabi ni Daddy.
“Sige. Mag-iimpake lamang ako ng mga gamit na dadalhin mo, anak.”
“Mabuti pa ay magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Halika.”
“May Ann?” tawag sa akin ni Daddy.
“Yes po, Dad?”
“Lumapit ka,” sabi niya. Humugot muna ako nang malalim na hininga saka ako dahan-dahan na naglakad palapit sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at napatingin pa ulit sa amin si Mommy na ngayon ay inaalalayan na niya si Arveliah. “Kahit gusto mong tulungan ang kapatid mo ay magboboluntaryo pa rin ako na maging donor ni Arveliah.”
“Dad, ako na po,” sabi ko at inilingan siya.
“Sapat na ang isang beses ka lang na naging donor niya, anak. Kung nakauwi lang ako noon ay baka ako pa ang naging donor niya. Ang sabi mo sa akin ay may insomnia ka kaya baka rin hindi ka puwede kasi may gamot kang iniinom,” paliwanag niya.
“Paano po kung puwede naman, Daddy? Paano po kung ako lang ang pag-asa para sa bone marrow transplant ni Arveliah?” tanong ko.
“Then we don’t have any choice.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top