CHAPTER 48

Chapter 48: Her Father’s Reasons

“DAHIL sa pagiging strict kong ama sa ’yo ay nakalimutan ko na rin na kumustahin ka. Kung okay ka ba... Kung hindi ka ba naiipit sa sitwasyon ninyo ng kapatid mo. Dahil nakikita mo na mas inalagaan namin si Arveliah. Hindi iyon ganoon, anak,” mahinang saad niya at punong-puno siya ng pagsisisi. Mababasa iyon mismo sa mga mata niya.

I was so shock to see his reaction just because na nalaman niya na may aquaphobia ako at sinasabi na niya sa akin ang lahat ng ito. “Dad... Don’t blame yourself... You did well naman po. Kung ano man po ang ginawa ninyo sa akin, I understand po.” Ilang beses hinalikan ni Dad ang kamay ko.

“No, I am not. Hindi ko ipinakita sa ’yo kung gaano ka kahalaga kay Daddy... Hinayaan kita na isipin mo na mahalaga ka lang dahil nagagawa mo ng maayos ang mga bagay na pinapagawa namin sa ’yo ng Mommy mo. May Ann, I’m so sorry, anak... Ang dami ko nang pagkukulang sa ’yo.”

Napatingin ako kay Mergus nang hinawi niya ang kurtina at sumenyas sa akin na aalis muna. Tinanguan ko lamang siya.

“I’m fine, Dad. Wala lang po iyon sa akin dahil alam ko... Para lang sa nakabubuti sa akin ang palagi mong sinasabi noon. Ginawa ninyo po iyon dahil para magiging matatag at matapang ako,” nakangiting sabi ko.

“But when did you know you had aquaphobia?” he asked me. Nasa boses niya ang pagkakaroon ng interest.

“Naalala ninyo po ba noong...nalunod sa swimming pool si Arveliah, Dad?” Tumango naman siya agad. “Naalala ko rin po noon na minsan na rin akong nalunod when I was five. Ang alam ko lang po ay takot na takot ako sa tubig. Naulit lang po ang pangyayaring iyon noong 10 years old naman ako. Pero college na ako nang nalaman ko ang totoo, kung bakit takot po ako sa tubig, sa pool o kahit sa dagat. Nagpakonsulta po ako noon sa psychiatrist. N-Nagalit pa po sa akin noon si Mommy kung bakit sa dami-rami po ng doctor na makakausap ko ay ang psychiatrist doctor pa. Nagkataon po kasi na nandoon ang mga amega niya,” mahabang kuwento ko sa kanya.

Ayokong sabihin ang tungkol doon dahil baka pag-awayan pa nila ni Mommy. Simula pagkabata ko ay ayaw ko na talaga silang makita na nag-aaway. Mas gusto pa nga noon na pagalitan ako ni Mommy Venus kaysa ang nagsisigawan naman sila ni Dad.

“What happened after that?”

“Pinakilala niya po ako sa kaibigan niyang psychologist doctor. Para po sana sa therapy ko pero...hindi ko po nakayanan... T-Takot po talaga ako sa tubig. Kahit po ang pag-shower ko ay mabilis lang dahil ayokong magbabad nang matagal,” sabi ko. Nag-undergo therapy ako pero katulad nga nang sinabi ko ay hindi ko nakayanan. Dahil siguro matagal ko nang dala-dala ang takot na iyon.

Ni hindi ko nga nakalimutan kahit ang tagal nang lumipas ang mga panahon na iyon. Parang sariwa pa nga sa akin ang lahat nang pangyayari.

“I didn’t know that. Kung alam ko lang nang mas maaga ay sana nagawa natin iyan ng paraan,” umiiling na sabi niya.

“As long as wala po akong makikita na tubig na magti-trigger sa aquaphobia ko ay wala naman pong mangyayari sa akin ng masama. Don’t worry about me, Dad.”

“Hindi ka ba magtatanong sa akin kung bakit... Maraming board members natin ang hindi ka kilala? Na kahit ang naging client ng kompanya natin? Ang alam nila ay isang anak lang ang mayroon kami ng Mommy mo.”

“M-May dahilan po ba iyon, Dad?” nagtatakang tanong ko kahit may idea naman na ako kung bakit na si Arveliah lang ang naipakilala na anak nila ni Mommy.

“Marami na ang nag-alok sa akin na makipag-merge hindi lang para sa kompanya kundi para rin sa pamilya natin. Alam ko, hindi lang ako ang nakakita ng mga potensyal mo pagdating sa pagma-manage ng kompanya natin, kaya rin nasa second branch ka naka-assigned. Kung makikilala ka nila ay ipipilit na nila iyon sa akin kaya... paulit-ulit kong sinasabi na bata pa ang anak ko at si Arveliah ang tinutukoy ko para hindi na nila bubuksan ang usapin tungkol sa pagpapakasal. Pero...noong birthday ng kapatid mo. Sinadya kong hindi ka ipakilala sa lahat pero...mas nauna ka na palang nakilala ni Don Brill bago ko pa man iyon magawa. Dahil siguro... nakatakda ka nga sa Brilliantes clan at hindi ko na maiiwasan pa iyon. Tama nga ako na pati si Don Brill ay mahuhumaling sa ugali mo, May Ann.”

Napangiti na lamang ako dahil naalala ko nga ang gabing iyon. Kung saan naabutan ako ni Grandpa na nagpapatugtog ng piano.

“That was unexpected moment, Dad. I was busy playing with piano when he suddenly approached me,” I said.

“From now on. Gagawin mo na ang kung ano man ang gusto mo at hindi na kita pipigilan pa. Dahil nagawa mo na rin ang gusto ko noon sa ’yo, anak.”

“Because I want what’s good for you. You have to be brave and not show others your weakness. So that, they will treat you well when you are like Daddy,” magkasabay na sambit namin ni Daddy at natawa lang kami pareho.

Masaya ako. Masaya ako dahil ipinapakita na sa akin ni Dad na mahal niya ako at pinahalagahan niya ako ngayon. Masaya ako na ganito na ang trato niya sa akin. Sana lang ay hindi ko siya madi-disappoint para walang magbago sa relasyon naming mag-ama. Gusto ko ang ganito. Gusto ko na palagi niya akong inaalala at nagsisisi siya na iba ang pagpapalaki niya sa amin ng kapatid ko.

My father stood up from his seat. “Ako na ang bahala sa bills mo, anak,” sabi niya at hinalikan pa ang noo ko pero hinila ko ang sleeves ng suot niya.

“Dad... Puwede po bang...umuwi na lang kami ng fiancé ko? Ayoko pong mag-stay rito,” ani ko.

“Anak... Kahit isang gabi lang ay manatili ka na muna rito para makapagpahinga ka,” I shook my head.

“May insomnia po ako, Dad. Hindi po ako makakapagpahinga nang maayos sa hospital.” Sa sinabi ko ay muli siyang umupo.

“Marami nga talaga akong walang alam tungkol sa ’yo kahit palagi naman akong nakabantay sa ’yo,” sabi niya at bumuntong-hininga.

“Nakuha ko po yata ito noong bata pa ako. Hirap na po akong makatulog sa gabi dahil palagi kong naaalala ang nangyari sa akin noong nalulunod ako sa pool at paulit-ulit ko pong...nakikita si Arveliah,” sabi ko na lumungkot pa ang boses ko. Hinaplos niya ang buhok ko at nginitian ako.

“Sige, kung gusto mong umuwi ay ako na ang mag-aasikaso ng discharge paper mo,” sabi niya saka siya umalis.

Nagulat naman ako nang biglang nahawi ang kabilang kurtina. “Bakit ka ba nanggugulat, ha?” may bahid na inis na tanong ko sa kanya. Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina which is ang puwesto rin ni Dad kanina. “Namamawis na ang kamay ko sa kahahawak ninyo ni Daddy,” reklamo ko dahil sa paghawak nga niya sa kamay ko.

“Sa akin naman ito, ah. Bakit mo pinagdadamutan ang fiancé mo, Miss?” tanong niya at pinagtaasan pa niya ako ng kilay kaya sinimangutan ko siya.

“Kamay ko ito, ha,” sabi ko at naninimbang na tiningnan ko naman siya. “Mergus...”

“Hmm?”

“Hindi ka ba galit sa akin dahil ang babaeng gusto mo dati ay muntik nang...mapahamak?”

“Are you blaming yourself, Miss?” tanong niya.

“Because... Hinayaan ko na malunod sa tubig ang sister ko.”

“Miss, you’re just 8 years old. Ano ba ang kaya ng isang bata na iligtas ang kapatid niyang nalulunod sa tubig ng ganoon pa ang edad niya? Baka pareho pa kayo ang mapahamak. Na isa pa, dahil nga sa nangyari kay Arveliah ay naalala mo noong nasa sitwasyon ka naman niya,” sabi niya at saglit pa siyang natigilan na tila nag-iisip. Nag-iba na yata ang tingin ko sa Mommy mo, eh. Papaano niya natitiis na makita ang batang nalulunod sa swimming pool? Kahit ibang tao pa iyon ay dapat makaramdam naman siya ng awa. Ikaw, anak ka nga ng asawa niya at parang anak ka naman na niya kahit ibang ina pa ang nagsilang sa ’yo. Pero wala man lang siyang naramdaman na kahit na ano?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Walang pakiramdam si Mommy, awa at guilt? Wala sa kanya ang mga iyon. Dahil galit, galit ang mayroon siya, Mergus. Nagagalit siya sa akin dahil nabuhay ako sa mundong ito. Ayaw niya sa akin dahil anak ako ni Dad sa ibang babae. Lahat naman ng legal wife ay magagalit kapag may ibang anak ang mga asawa nila,” I said and he took a deep breath. Iyon ang realidad, hindi maiwasan ang mga ganoon.

Masuwerte ka lamang kung mabait sa ’yo ang stepmother mo at tunay na anak naman ang turing niya sa ’yo.

“Ang hindi ko lang maintindihan. Bakit ikaw pa ang naging anak niya sa labas kahit ikaw pa ang panganay niya?” salubong ang kilay na tanong niya.

“Kasi... baka kasal na sila ni Mommy nang malaman niya ang tungkol sa akin---”

“Don’t ever ask me that. There’s no reason to doubt that you’re not my daughter. I raised you, even if you are another woman’s daughter you will still be my eldest child. You are a Vallejos, May Ann. Always remember that, Daimor Vallejos is your father. Kung pinagdududahan ka ng karamihan ay ako hindi, pinagbubuntis ka pa lamang ng Mama mo ay alam kong anak kita.”

Pero buntis pa nga lang noon si Mama ay alam na niya na magkakaroon na siya ng anak at ako na nga iyon. Paano kaya nangyari iyon ang bagay na iyon?

“Miss, kung okay ka na ay saka kita sisingilin sa mga warning mo,” sabi niya na ikinakunot ng noo ko at nahinto na ako sa pag-iisip ko tungkol sa life ko.

“Bakit ba nag-imbento ka pa ng sarili mong warning?” malamig na tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin.

“Mas lalo kitang nagugustuhan dahil paunti-unti kong nalalaman ang mga sekreto mo,” sabi niya at humilig pa siya sa akin para lang bumulong. “What if I punish you while you play the piano, Miss Yam Vallejos?” I pushed him away because he teasing me again.

Yam Vallejos... Narinig niya yata ang sinabi ko kanina.

“Stop it, Mergus. Nasa hospital tayo at may pasyente sa kabila,” suway ko sa kanya. He just chuckled softly. “At wala akong alam sa pinagsasasabi mo,” tanggi ko sa kanya.

“Sisingilin pa rin kita, Miss...”

“Ewan ko sa ’yo. Umuwi na lamang tayo,” pag-aaya ko sa kanya at bumalik din si Daddy para sabihin na ayos na ang discharge ko. Binalaan pa siya ni Daddy na ingatan ako.

***

“Okay na ang fiancé ko. Hindi niyo na kailangan pa na pumunta rito. Malalim na kaya ang gabi.” I looked at the door nang marinig ko ang boses ni Mergus na mukhang may inaaway siya na kaibigan niya.

Nasa room na niya ako at nakaupo sa bed. Nagtimpla siya ng gatas para sa akin. Kahit ayokong uminom nito ay no choice naman ako dahil binantaan na naman niya ako sa rules niya. Na baka raw dadami na ang punishment ko.

Hindi na niya napigilan pa ang mga ito dahil si Reixen mismo ang nagbukas no’n at sumunod na pumasok si Levia.

“Hi,” I greeted them. Mabilis na lumapit sa akin si Levia.

“Levia!” sigaw ni Mergus sa pangalan ng best friend niya nang tumalon na lamang ito bigla sa kama kaya nag-bounch pa kami pareho.

“We’re just worried, Gus, eh. Kasi kami ang unang nag-aya sa kanya para magkaroon ng pool party kahit may aquaphobia siya pero wala naman tayong kaalam-alam noon. Kaya naman pala nanlalamig ang mga kamay niya nang gabing iyon, eh,” mahabang saad ni Levia. Pati siya ay guilty sa nangyari sa akin.

“Ang isang ito ang may alam, oh,” ani Mergus at mahina niyang sinuntok ang braso ni Zerohian. Hinimas-himas naman ng isa ang nasaktan niyang braso.

“Hindi pa naman ako sigurado, eh. Saka promise hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng aquaphobia. Hindi ako nagtanong sa kanya kahit na doctor pa ako,” depensa ni Zerohian. Sinamaan pa siya nang tingin ng fiancé ko.

“Hindi lang aquaphobia ang mayroon siya. May insomnia rin siya, may sleeping pills siyang iniinom gabi-gabi. Puwede bang magpa-schedule kami ng check-up sa clinic mo, Zero?”

“Bakit? Mag-u-undergo therapy ba si May Ann?” balik na tanong nito. Napalingon sa akin si Mergus pero inilingan ko lang siya.

Ayokong magpa-therapy dahil wala namang mangyayari. Sayang lang ang oras namin. Hindi ako gagaling kasi nandoon pa rin ang takot ko.

“Bakit ayaw mo, Miss?”

“Sinabi ko na rin sa ’yo dati, Gus. Na tanggalin na rin ang mga anak mo roon sa aquarium. Puwede pang ma-trigger ang aquaphobia niya. Pero ang tigas ng ulo mo, eh,” ani Zerohian.

“Wala akong alam tungkol sa bagay na iyon, eh.”

“Ang sabihin mo sa akin ay manhid ka lang kaya hindi mo alam ang mga nangyayari sa kanya sa tuwing dinadala mo siya sa lugar na pinakaayaw niyang puntahan,” sabat naman ni Reixen.

“Ano pa nga ba ang ginagawa ninyo rito? Nakita niyo na ang fiancé ko kaya puwede na kayong umalis,” pagtataboy niya sabay hila sa braso ni Zerohian.

“Kanina ka pang fiancé ko, fiancè ko, ha. Noong nakaraan lang ay wala ka namang pakialam kay May Ann.”  Napakagat ako sa lower lip ko nang magsalita rin si Levia. Natahimik tuloy siya at mukhang na-stress sa mga kaibigan niya.

“Bakit ba kayo nanggugulo rito, ha?”

“Hindi naman talaga kami nanggugulo sa inyo, Gus. Worried nga kami para kay May Ann,” wika ni Reixen.

“Levia, hindi naman para sa ’yo ang gatas na iyan, ah. Bakit nakiki-share ka?” supladong tanong niya kay Levia. Hinayaan ko nga ito nang uminom din siya ng gatas.

“Ubusin mo na iyan, Levia,” sabi ko.

“Thanks! Nilalamig kasi ako kanina pa, eh!” hyper na saad niya. Bayolenteng bumuntong-hininga na lamang si Mergus.

Lumabas din naman sila pagkatapos at nakatulog na rin ako. Si Mergus na ang nakausap nila.

Kunot-noong napatingin ako sa paligid nang may napansin ako na kakaiba. Hanggang sa napako ang aking mata sa isang direction kung saan na dating pinaglalagyan ng aquarium.

Naglakad ako patungo roon at napaupo ng wala sa oras dahil nabigla ako sa nakita ko.

“Ang engineer na iyon. Akala ko ba ay anak niya ang mga isda na iyon? Kaya bakit pinalitan niya ito ng keyboard?” nagtatakang tanong ko sa sarili ko at napanguso. “Nalaman niya talaga ng walang kahirap-hirap,” I added.

Bubuksan ko na sana ang takip sa keyboard nito nang makarinig ako na pag-click ng camera. Salubong ang kilay na tiningnan ko si Mergus.

May multong ngiti sa mga labi niya habang dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa akin. He sat down beside me at inakbayan pa niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ipinakita niya sa akin ang dalawang litrato.

“Sabi ko na nga ba, eh. Iisang tao lang ang dalawang picture na ito,” sabi niya.

“Paano ka naman nakasisiguro?” nanghahamon kong tanong sa kanya.

“Ang isang tao kapag wala siyang interest sa isang bagay ay hindi siya matitigilan. Unless gusto niya talaga iyon. Eh, napansin mo nga ang piano na ito.”

“Kailan mo naman ito inilagay rito?” tanong ko.

“Nakipagpalitan ako sa kapatid ko. Ibinigay ko sa kanya ang mga isda ko. Display niya lang ito, eh.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top