CHAPTER 47
Chapter 47: Story of the Past
TILA nakakakita ng isang anghel si Mergus nang makita ang club house. Alam naman niya kung saan gaganapin ang pool party nila dahil napag-usapan na nga nila ito ng mga kasama niya pero hindi man lang nagsabi sa kanya ang fiancé niya na takot ito sa tubig. At isa siyang tànga para hindi mahalata ang isa sa kinakatakutan nito.
Pagpasok niya ay ang maiingay na tawanan sa loob ng mga customer ang maririnig niya at ang malakas na tugtog ng musika.
Nilapitan niya ang isang waiter at tinanong kung saan ang swimming pool. Itinuro naman nito at agad niyang pinuntahan.
Pero sa dami ng pintuan ay hindi niya rin matukoy kung saan ang daan patungo sa pool area hanggang sa marinig niya ang malakas na kalampag kaya iyon ang pinuntahan niya. Pinakinggan pa niya ang boses ng mga ito.
“Hey! May tao ba riyan sa labas?! Buksan ninyo naman ito, oh!”
“Sa loob! Sa loob iyan, eh!”
“Pag-aawayan ninyo talaga iyan? Kailangan na talagang makalabas ni Engineer Vallejos dito!”
Shet...
MAY ANN’S POV
Dahil sa panghihina ko at kinakapos na ako nang hininga ay nagsisimula nang dumilim ang paningin ko. Bumagsak ang ulo ko sa headrest at naramdaman ko na muntik na itong matumba pero may humawak dito para ipirmi ang balanse nito at hindi ako malaglag sa floor.
Sa panginginig ng mga kamay ko ay parang wala na akong mahahawakan pa dahil dumudulas na iyon sa palad ko.
“Building lang ba ang kaya ninyong gawin at hindi kayo marunong manira ng pinto?!”
“Hoy, grabe ka riyan!”
“Mabuti pa ay maghanap ka lang ng bagay na puwedeng ipaypay sa kanya!”
Naramdaman ko lang ang hangin na tumatama sa mukha ko at sa mga sumunod na nangyari ay wala na akong naririnig pa. Tila nabingi rin ako.
“May Ann... Baby...wake up... Open your eyes...” Marahan na tapik ang nagpagising sa akin at pilit ako nitong ginising. “Miss, open your eyes...”
“M-Mergus?” sambit ko sa pangalan niya dahil sure ako na boses iyon ng fiancé ko. Kahit nakapikit pa ang mga mata ko ay sinubukan ko pa rin na hawakan siya.
Mabilis niyang hinuli ang kamay ko at hinawakan niya ito nang mahigpit. “A-Ang lamig na ng kamay mo, Miss... Namumutla ka na rin,” nababahalang saad niya at hinawakan pa niya ang pisngi ko.
“Mergus?”
“Y-Yes, it’s me... It’s me, May Ann... Nandito na ako... N-Nandito na ako, Miss... I’m sorry... I’m so sorry...” sabi niya at nang naramdaman ko na siya dahil dinala niya sa pisngi niya ang kanang kamay ko ay binuksan ko ang mga mata ko.
“M-Mergus...” humihikbing sambit ko sa pangalan niya. Nababasa ko rin sa kanyang mata ang pag-aalala sa akin.
“I’m sorry...” Pinagdikit pa niya ang noo namin at pinunasan ang mga luha ko pero hindi ko sinasadya na mapatingin na naman sa baba. Mahigpit kong hinawakan ang collar ng damit niya.
“U-Umalis na t-tayo rito, M-Mergus... U-Umali na tayo rito, please...”
“Engineer Brilliantes, parating na raw ang ambulance.”
“Sige, mauna na kayong lumabas.”
“M-Mergus...lumalalim na ang tubig! Please...i-ilayo mo na ako rito... A-Ayaw ko na... N-Nababasa ka na rin...”
“Hindi. Hindi ako mababasa...”
“M-Mergus... Si...si...” Itinuro ko ang swimming pool at dinala lang niya ang ulo ko sa dibdib niya.
“Wala... Wala iyon. Tara, ilalabas na kita rito...”
“Si...si...”
“Shh... Baby, nandito naman na ako... Hindi ako aalis sa tabi mo...” Napapikit ako nang binuhat na niya ako. Umaalog ang katawan ko dahil parang tumatakbo na rin siya. Hindi ko na rin nakayanan pa at nawalan na ako nang malay.
Nagising ako ay nasa hospital na ako agad. Bumungad sa akin ang nag-alala pa ring mukha ni Mergus. Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko na nakadampi sa pisngi niya. Puting kurtina ang makikita sa paligid at naririnig ko ang maingay sa labas. Baka nasa emergency room pa rin kami hanggang ngayon.
“Thanks, God, you’re awake, baby. How are you feeling? I was worried about you,” mahinang sabi niya. Hindi lang worried ang nakikita kong emotions niya. Iginalaw ko ang kamay ko at hinaplos ko ang panga niya.
Hindi ko magawang magsalita dahil may suot akong mask oxygen at may IV rin ako sa kaliwang pulso ko. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at tinanggal ko ang mask oxygen.
“Did you cry?” mahinang tanong ko sa kanya. Mabilis siyang umiling.
“Hindi, ah...”
“Then...why... Your eyes are red?” I asked him.
“N-Napuwing lang ako kanina,” he reasoned out. Napatingin ako sa white curtain nang may humawi roon at nakita ko ang kasamahan namin kanina sa pool party.
“Gising na siya?”
“Obvious ba? Nakita niyo naman, oh.”
“She’s fine now. You can go home everyone,” ani Mergus. Tipid ko silang nginitian. Baka kasi na-guilty sila sa nangyari sa akin.
“Okay. Babalik na lamang kami bukas dito,” ani Sy. Napalingon ulit ako kay Mergus nang mas lumapit pa siya sa akin.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa aquaphobia mo?” seryosong tanong niya at mariin kong itiniklop ang bibig ko.
“Did you...ask me that?” I fired back. Mariin siyang napapikit at nagmulat agad. “Miss...you broke my rules again...”
Matiim ko lang siyang tinitigan. “Really? N-Napahamak na nga ako... Ang rules mo pa ang paiiralin mo, Engineer Mergus?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Nag-iwas siya nang tingin sa akin at huminga nang malalim.
“I’m sorry... Kung alam ko lang nang mas maaga ay sana... hindi ito mangyayari. Ang mga kasama natin ay na-guilty sila dahil sila raw ang nag-suggest kung saan ang celebration natin. Wala rin silang alam na may aquaphobia ka. Sobrang manhid ko sa nararamdaman mo sa tuwing nakakikita ka ng tubig... Oh...kaya rin pala gusto mong tanggalin ko ang aquarium ko at ayaw mo ring maligo sa bathtub. Ngayon ko lang na-realize... Marami pa nga talaga akong walang alam tungkol sa ’yo. Miss, magsabi ka naman, please... Kung may mga bagay pa akong walang alam tungkol sa ’yo ay sabihin mo sa akin. Lalo na kung may kinalaman sa kaligtasan mo.”
“I’m good...” sabi ko lang at narinig ko ang bayolenteng paghinga niya nang malalim.
“Ganyan ka nga palagi. Kahit hindi ka okay ay nagsisinungaling ka pa rin sa akin.”
“Kaya ko naman... K-Kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ko. “Ang... meeting ninyo?”
“Pinalabas kami ni Grandparents kahit hindi pa natatapos ang meeting namin. Ayos lang iyon dahil kung hindi, baka hindi ko malalaman ang nangyari sa ’yo. Sinabihan ko na rin ang Mommy mo pero kanina pa sila hindi dumarating, eh.” Mapait akong ngumiti. Alam ko naman na kung bakit hindi pa sila dumarating.
“Hayaan mo na sila...”
“Miss... Puwede ko bang malaman kung paano ka nagkaroon ng aquaphobia?”
“Why? Why do you want to know?” I asked him.
“It’s part of your life. Is it bad for me to know that? I want to get to know my fiancé better. Can that be, Miss?” Kakaiba na naman ang tono ng boses niya ngayon. Super lambing. “Now I know why you don’t want to enter my white house. Because you are also afraid of the sea.”
“That incident is the most painful memory, Mergus. I don’t want to go back... Do you still need to know that?” I asked him.
“Miss...” Sinuklay naman ng daliri niya ang maikli kong buhok.
“Mergus... you might be mad at me when I tell you,” I said.
“Nope. I promise, I won’t be angry. There is no reason for me to be angry, May Ann... Why would I?” umiiling na saad niya.
“Because, because my sister is involved in this, Mergus.”
“Say it... But if you can’t, it’s okay... I can still wait...”
“Pero kung mapilit ka ay sige... Ikukuwento ko na lamang sa ’yo ang pangyayari... My aquaphobia started when... I was only eight years old and Arveliah was only five years old then.”
“What? Are you only 8 years old? You were too young then... so you’ve been carrying your fear of water for 20 years?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at marahan akong tumango.
“Yes, that happened again when I was only ten years old... Actually, that happened to me when I was only five years old,” ani ko at umawang na ang labi niya sa gulat.
“Miss, why are you lowering the age?”
“Totoo iyon, eh. I just fell into the pool. That’s where it really started. I remembered my fear then and I cried a lot but I was still young so I gradually forgot that but I only remembered that I had a fear of water when I was eight years old.”
***
Nakangiti kong pinapanood ang nakababata kong kapatid habang nilalaro siya ng Mommy at Daddy namin. Maririnig ang malakas na tawa niya dahil kinikiliti siya nito. Five years old na siya pero...parang baby pa rin siya kung laruin siya ng parents namin.
Napatingin ako sa hawak ko. My pencil and notebook. I bit my lower lip. This is our situation when we are eight, right? You can’t play with your Mommy and Daddy anymore because you have to study hard so that your parents can be happy with you and they can be proud of you.
When I finished my assignments, I approached them but my Mom immediately looked at me badly. Napaatras ako dahil sa takot, she’s always like this especially if I’m trying na lapitan ko sila.
“I finished my assignment, Daddy. Can I play with Arveliah na po?” I pleaded.
“No, May Ann. You will read your lessons and then your sister will go to sleep,” my Mom said. Lumungkot ang facial expression ko because of that. How sad. I want to play with my sister.
“Mommy, Ate May Ann and I are going to play na,” Arveliah said and she tried to approach me but Mom stopped her.
“No, honey. Matutulog ka pa, ’di ba?”
“Daddy?” I called my Daddy.
“Come here, I have something to answer for you and you have to finish it, May Ann...”
“O-Okay po... When can I play with Arveliah, Dad?” tanong ko nang igiya niya ako sa table ko kanina.
“May Ann, you will be my heiress. You’re grown up and you shouldn’t be playing games anymore. Just study so that one day you can replace me.”
“Why do I have to change you, Dad? I still want to play po, eh,” I reasoned out.
“No, anak. You need to study hard and I should be proud of you even if not of your Mommy.”
“Do you love me, Daddy?” I suddenly asked him.
“What kind of question is that, May Ann?” he asked me back.
“Because if you love me, you will let me do what I want,” I answered.
“I love you, so you should do the things I want too, understand?”
“You are strict with me, Daddy.”
“Because I want what’s good for you. You have to be brave and not show others your weakness. So that, they will treat you well when you are like Daddy,” he said while tapping my head.
“Okay po, noted.”
***
“Ate... Let’s play po...”
“No, Arveliah. I have to finish my assignment that daddy gave me,” I told her but she pulled my skirt.
“Well, that’s not your school assignment. Let’s play first, Ate. Mommy isn’t here, eh. Come on, please!”
“Okay fine... Fine!” I surrendered and nagpahila ako sa kanya but... “Bakit pumupunta tayo sa pool?”
“Gusto ko ay swimming tayo, Ate...”
“I don’t know how to swim, Arveliah!”
“Please, Ate!”
“But...”
Kahit hindi ako marunong lumangoy ay sumama pa rin ako sa kapatid ko kasi ayoko siyang mag-isa lang sa tubig, eh but...
“Dito na lang ako, Arveliah... Ako na lang manonood sa ’yo? Just don’t go sa malalim, ah. Dito ka lang sa mababaw, ha?”
“Yes po, Ate!”
Kahit na sinamahan ko pa ang kapatid ko ay dala-dala ko pa rin ang notes ko. Dahil titingnan ulit ito ng Daddy ko. So, makikita na niya ang assignment ko.
“Because I want what’s good for you. You have to be brave and not show others your weakness. So that, they will treat you well when you are like Daddy.” I remembered my father’s words. That’s make me smile everytime I heard his voice in my mind.
Pero dahil busy ako sa assignment ko ay nakalimutan ko si Arveliah. I just saw her hands...and...
“Arveliah!” I shouted my sister’s name. She’s nalulunod. “Arveliah! Yaya! Yaya, please help us! Yaya! Si Arveliah po! Si Arveliah, she needs help po! Mommy! M-Mom---” I was about to jump into the pool even though I don’t know how to swim when the memory suddenly appeared that I didn’t know that it had happened to me.
Like Arveliah, I’m also drowning but Mommy... My Mommy just watches me...
“Mommy! H-Help me, M-Mommy! Mom, I c-can’t swim! Mommy! Please, help me, Mom!”
“Oh, my God, Arveliah!” Mabilis na tumalon ang Mommy ko to save my sister. Iyak ako nang iyak nang makita kong habol-habol na niya ang hininga niya and later on ay umiyak na siya.
“M-Mommy...”
“Hon? Hon, what happened?”
“Si Arveliah, muntik na siyang malunod sa tubig!” But she’s nalulunod na kaya.
“W-What?” Lumapit si Daddy para alalayan si Mommy na makaahon mula sa pool at binuhat niya si Arveliah. “You okay, honey?”
“D-Daddy, n-natatakot po ako... Daddy...”
“May Ann! Tingnan mo ang panganay mo! Hinayaan niya lang sa tubig ang kapatid niya!”
“Stop it. May Ann, ang sabi ko sa iyo ay mag-aral ka lang, ’di ba? At bakit ka umiiyak?”
“D-Daddy... I’m hurt...”
“Nasaktan ka?! Ang kapatid mo ang nasaktan! Sinabi ko na sa iyo na huwag kang makikipaglaro sa kapatid mo!”
“M-Mommy...”
“Halika nga rito... Pinapainit mo ang ulo ko!” Lumapit sa akin si Mommy at lumakas ang iyak ko nang mariin niyang kinurot ang braso ko.
Dad, he put down my sister at nagmamadali siyang lapitan ako. “Stop hurting our daughter, Venus!” Binuhat ako ni Daddy at hinagod niya ang likod ko.
“D-Daddy...”
“Paano naman ang bunso mo, Daimor?! Siya ang muntik nang mapahamak!”
“Walang kasalanan dito ang anak natin! Hindi niya kasalanan na malunod ang kapatid niya sa swimming pool! Kaya huwag mo siyang pag-iinitan ng ulo!”
“Daddy... No... H-Huwag niyo na pong awayin ang Mommy ko...” sabi ko kay Daddy dahil nagsisigawan na silang dalawa. Ayoko, ayaw ko silang mag-fight.
Umupo si Daddy sa bench at kinandong niya ako. “Yaya, nasaan ang medicine kit?”
“W-Wala po akong sugat, Daddy...”
“Wala pa. Pero kailangan na lagyan ng ointment iyan. Tingnan mo, oh... May bakas na kuko ng Mommy mo. May Ann, next time. Huwag ka nang makikipaglaro sa kapatid mo, okay? Alam mong...magagalit sa ’yo ang Mommy mo dahil gusto niya ay nag-aaral ka lang. Mag-promise ka kay Daddy, anak...”
“Pero po, Daddy...”
“Sa akin ka na makikinig simula ngayon, okay?”
“Okay po, Daddy...”
***
“May Ann?” It’s like I woke up from a deep sleep and my dream was the past.
Daddy loves me, he is always there by my side. It’s not true that he doesn’t care about me. He’s just like that because he notices that Mommy always scolds me whenever he notices me.
“Mahal ako ni Daddy...” sabi ko at naramdaman ko ang mainit na luha sa aking pisngi.
“May Ann... Sinasabi mo ba na hindi...maganda ang trato sa ’yo ng Mommy mo?”
”Mommy doesn’t care about me. It’s like I don’t exist in her life.”
“Fvck... Why? At bakit noong nakita ka niyang nalulunod ay hindi ka man lang niya sinagip?!” hysterical na sigaw niya at hinila ko ang kamay niya. Inilingan ko siya.
“Mergus, may patient sa kabila, eh...”
“Ano’ng klase siyang ina? Akala ko... Akala ko ay sobrang bait niya, dahil iyon ang mga nakikita ko sa kanya.”
“Mergus.”
“Kaya pala parang hindi siya nag-aalala sa ’yo kanina nang tinawagan ko siya. How about your Dad, May Ann?”
“Huwag kang mag-alala, hindi naman ganoon kasama ang Dad ko,” nakangiting sabi ko. “Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit si Arveliah lang ang mahal ng Mommy ko?” tanong ko.
“Ano?”
“Handa ka bang malaman iyon? Walang magbabago sa nararamdaman mo sa akin? Kasi baka...ayawan mo ako,” sabi ko.
“Let’s see then,” sabi niya at hinalikan ang pisngi ko..
“Anak lang ako ni Dad...sa labas... Wala na ang biological ko...” Nabigla siya at hindi agad nakaimik.
“Anak sa labas... Iba ang Mommy mo...”
“July 11, ang araw kung kailan nawala siya.”
“Wait... Birthday iyon ng kapatid mo!” nanlalaki ang mga matang sabi niya. “How come?”
“Kaya ayokong i-celebrate ang birthday ni Arveliah kasi naaalala ko si Mama...” sabi ko at mapait na ngumiti.
“Tagasaan ba ang Mama mo, Miss?” interesadong tanong niya sa akin.
“She comes from Italy,” I replied.
“That’s why you want Italy because of your Mom. If your mother is Italian then... you...”
“My mom is pure Italian,” I said.
“So, if that’s how you are... That’s why your eyes, because you’re half-Italian.”
“Yes...” Nahawi naman bigla ang kurtina and this time ay si Dad na ang nakita ko. “Daddy?” Umalis naman sa tabi ko si Mergus para makalapit sa akin ang Daddy ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko pa ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata niya. “Dad...”
“Hindi ko alam... Hindi ko alam na may...may aquaphobia ka... Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin, anak? Bakit hindi mo sinabi kay Daddy?” nag-aalalang tanong niya sa akin at nag-init ang sulok ng mga mata ko.
“Hindi na po iyon mahalaga, Dad...”
“No, importante iyon sa akin... Kumusta? Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Mabuti na po ang pakiramdam ko, Dad...”
“May Ann...”
“I’m sorry po...”
“Ako ang ama mo, pero wala akong alam tungkol sa aquaphobia mo?”
“Daddy...”
____
A/N: Sabi ko naman po sa inyo ay ihahabol ko ang Chapter 47 kung kakayanin. HAHAHAH! Chos.
Heto na po siya, wait niyo po ang prologue, baka nasa gitna ng chapter 50. Don’t worry, malapit na malapit na po siya, dudes.
Maraming salamat po sa pagbabasa!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top