CHAPTER 41
Chapter 41: Business trip
KUMAPIT ako sa braso niya at itinaas pa niya nang bahagya ang long skirt ko dahil nahirapan ako sa paglalakad.
“Ang haba ng tela nito sa baba tapos sa itaas ay parang dibdib mo lang ang nakatakpan dito,” mahinang bulong niya sa akin at nang silipin ko ang mukha niya ay umigting na naman ang panga niya.
“Huwag kang magreklamo. Minsan lang naman ito, eh,” sabi ko at nang binalingan niya ako ay masama pa ang tingin niya sa akin. “Umayos ka. Ang daming tao, oh,” sabi ko sa kanya.
“Next time, ako na ang pipili ng damit na susuotin mo at ako ang magbibihis sa ’yo,” sabi niya at inilapit pa niya ang mukha niya sa tainga ko para lamang bumulong sa akin.
“Ewan ko sa ’yo,” sabi ko.
Nang makalapit na kami sa MC ay agad na ibinigay kay Mergus ang isang microphone. Kinuha niya iyon
“Good evening, thank you for attending our engagement party and tonight I can officially introduce you to the woman I will marry one day. My beautiful fiancé, May Ann Vallejos,” pakilala niya sa akin sa maraming tao kaya napuno na naman ng masigabong palakpakan ang buong hall. Tanging pagngiti lang ang nagawa ko. Huwag niya sanang ilipat sa akin ang microphone dahil wala akong maisip na sasabihin ko. Hindi nga kasi ako sanay sa ganitong event, tapos kami pa ang apple of the eye. Tss.
Hinawakan niya ang kamay ko kung saan suot ko na ang singsing na unexpected pa niyang binili.
May lumapit sa amin na isang lalaki at may dala siyang... Napatingin ako kay Mergus.
“May singsing na ako, right?” I said and he nodded.
“Ako nga ay wala pa. Dapat mayroon din sa akin,” nakataas ang kilay na sabi niya. Muli niyang itinapat ang mic sa bibig niya. “As you can see, my fiancé is wearing a ring even though we haven’t had our official engagement party yet,” he said.
“Is it because you immediately proposed to Ms. May Ann, Engineer Mergus?” the MC asked him.
“Nope. I gave her a ring unexpectedly because of the media’s mistake in identifying my real fiancé,” he answered.
“Or isa rin po ba sa dahilan na arrange marriage lang ang mangyayari sa inyo?”
“You can say that but before my grandfather chose her for me to marry May Ann, I saw her in the middle of the dark. I used my cellphone to see her and I was just enchanted by her beauty. Believe it or not I didn’t like her at first either. But as time went on, I got to know her little by little, but I also wanted to get to know her better because I knew she still had many hidden attitude that I should know about,” mahabang sambit pa niya at matiim niyang tinitigan ang mukha ko. Wala akong nakikitang emosyon na nagsisinungaling siya dahil sincere ang mga sinabi niya.
“Wow...”
“And this ring is a symbol of our engagement and tonight my happiness depends on her. I can’t see myself marrying another woman if it’s not her,” sambit niya at dinala niya sa bibig niya ang kamay ko para halikan ito. Suot ko na ang pangalawang singsing. Ibinigay niya agad sa akin ang kamay niya para isuot ko na rin iyong kanya. Napangiti ako at sumunod din ako sa gusto niya.
“Congratulations!” they said in unison.
“Can I have this dance with my beautiful fiancé?” he asked me.
“Of course,” I replied. Hinaplos pa niya ang pisngi ko saka niya ako hinila sa gitna ng dance floor para mas makita kami ng mga guest namin.
He placed both of my hands on his neck and wrapped his arms around my waist. The familiar song started but the music was acoustic. This is a song by Foreigner and it was in 1999.
“I’ve gotta take a little time. A little time to think things over. I better read between the lines. In case I need it when I’m older.”
“Ang daming mga lalaki na parang gustong kunin mula sa akin ang fiancé ko, ah. O baka naman gusto nilang isayaw ka... Especially the two brute friends of mine,” he uttered at bago ko pa masulyapan sina Reixen at Zerohian nang pinigilan ako ni Mergus. “Eyes on me, Miss. Wala kang dapat na tingnan na ibang lalaki ngayon habang kasayaw mo ako,” sabi niya.
“So, behave at sumabay ka na lang sa kanta para sa ’yo ako mag-focus,” sabi ko at napangisi siya.
“Now, this mountain, I must climb. Feels like a world upon my shoulders. Through the clouds, I see love shine
It keeps me warm as life grows colder.” Mariin kong naitikom ang aking bibig nang sumabay na nga siya sa kanta. Tama si Levia, maganda ang boses niya na may kalamigan pa.
“In my life, there’s been heartache and pain. I don’t know if I can face it again. Can’t stop now, I’ve traveled so far. To change this lonely life.”
“I wanna know what love is. I want you to show me. I wanna feel what love is. I know you can show me.”
“I’m gonna take a little time. A little time to look around me. I’ve got nowhere left to hide. It looks like love has finally found me.”
“Baby, won’t you be afraid if with you I will discover what the song says that what love is?” he asked her suddenly at bumilis din bigla ang heartbeat ko dahilan ngayon lang siya mag-o-open topic about love kahit wala pa akong experience... Maybe mayroon na pero naramdaman ko lamang iyon sa family ko.
“I will only be afraid if I discover it alone and if I feel it myself,” I said.
“I will hold your hand tightly and together we will learn about love...” Dahan-dahan na akong tumango at sa pagtapos ng kanta ay hinalikan pa niya ang noo ko saka niya ako niyakap. Dahil sa presensiya niya ay hindi ko na napansin ang mga taong nanonood sa amin at sa gabing iyon ay nagsimula na rin ang party.
***
Nag-check-in kami sa hotel dahil tinamad na raw siyang mag-drive pauwi na isa pa matagal bago natapos ang engagement party namin. Kahit sinabihan ko na siya na ako na lang muna ang magda-drive.
Nang hinubad na niya ang sapatos niya ay padapa pa siyang tumalon sa bed. Private suite ang kinuha niya kaya may sofa sa loob. Suot ko ang coat niya dahil noong natapos nga ang pagsasayaw namin ay isinuot niya iyon sa akin habang kumakain na nga kami ng dinner namin. Hindi niya pinayagan ang mga kaibigan na isayaw ako.
Umupo ako sa sofa as I removed my heels. Marahan kong minasahe ito dahil nanakit bigla.
“Miss?”
“What?” I asked him without looking at his side.
“Hindi mo ba talaga kilala si Yam Vallejos?” tanong niya sa akin na ikinahinto ko pa.
“Bakit mo ba ako tinatanong tungkol sa pianist na iyon?” curious kong tanong sa kanya at binalingan ko na siya nang tingin. Dahil may nararamdaman ako na gusto niya lang malaman kung kilala ko nga ba iyon o kung iisa lamang kami.
“Because...the curve of her body is familiar to me.”
“Paano mo naman nalaman na siya si Yam Vallejos?”
“Dahil isang pianist lang ang nandoon sa mga oras na iyon.”
“Why are you interested in her?” I asked.
“Because maybe...my fiancé knows that girl.” May hinala na talaga siya na ako iyon? Pero paano naman niya nalaman ang bagay na iyon?
“Inaantok ka na nga. Just go to sleep,” ani ko.
“Okay,” sagot niya saka siya bumangon at lumapit sa akin. “Doon ka na sa kama at ako na rito sa sofa,” sabi niya at tinanggal ang necktie niya. Tatlong butones na ang nakabukas.
“Gentlemen?” Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil himala na hindi siya nangulit sa akin na matulog sa tabi ko.
“I don’t want to be rude to you and from now on I will respect you. Even though I’m still your fiancé, it doesn’t mean I can do the things I want without your permission. I just don’t want you to think na mababa ang tingin ko sa ’yo dahil lang na fiancé nga kita, but remember my rules. Doon lang ako hindi magiging gentleman sa ’yo,” sabi niya at kumindat pa sa akin.
“Hubarin mo ang longsleeve mo. Hihiramin ko,” utos ko na agad niyang sinunod. Naiwan ang puting sando niya kaya lumitaw na naman ang magandang muscles niya.
Nang gabing iyon ay hindi ako nakainom ng gamot ko pero nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Umuwi rin kami in the next day.
Dahil na rin sa official engagement namin ay paunti-unti akong tinanggap ng mga board directors namin sa company at hindi na rin ako nahirapan na pakisamahan pa sila. Ramdam ko na ang suporta nila sa akin.
Kahit sobrang abala ako sa work ko ay pinagsabay ko pa rin ang three task ko sa loob lang ng one week. Kapag pumupunta ako sa academy ay nagpapaalam na ako sa fiancé ko at tinitingnan ko talaga kung hindi ko na napipindot pa ang aeroplane mood dahil baka may rules na naman akong malabag and so far, tumagal pa iyon at nanatili pa rin ang last warning ko.
But one morning ay nagising na lamang ako na wala siya. Nakapaghanda naman siya ng breakfast at kumain din ako nang mag-isa. Hindi ko rin ma-contact ang phone niya.
Inisip ko rin na baka nauna na siyang pumasok since hindi sa company ang punta ko at kahit sa site. Alam na rin niya na nagpupunta ako sa academy.
Pero noong out ko na rin sa company ay hindi rin siya umuwi. Nagsimula na nga akong kabahan dahil hindi ko alam kung nasaan na siya. Na kung pumasok ba siya kanina sa site and until now naka-off pa rin ang phone niya.
Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na tawagan si Zerohian. Good thing na nakuha ko ang contact number niya.
I just meet him sa isang café. “Si Gus,” sabi pa niya nang makarating ako.
Mahinang suntok sa braso niya ang natanggap niya sa akin dahil gusto pa niya akong lokohin. Umupo ako sa katapat nilang chair at nangalumbaba ko pang pinagmamasdan ang lalaking kaharap ko ngayon. Hindi siya nakangiti nang tingnan niya ako.
“Hi, Miss,” bati pa niya sa akin at tinanguan ko siya.
“What are you doing here, Engineer Markin?” I asked him.
“I told you makikilala niya ako,” sabi niya kay Zerohian. Napapalakpak pa si Zerohian.
“How? Paano mo nakilala na hindi siya si Gus, May Ann?” namamanghang tanong niya sa akin.
“Mas cold ang aura ng isang iyon,” sagot ko. “Nasaan ang magaling mong kakambal, Markin?” tanong ko naman kay Engineer Markin.
“Hindi nga siya nagpaalam sa ’yo na may business trip siya sa Canada. Kaya naman pala ang sabi niya sa akin ay kausapin kita. Urgent kasi iyon, Miss. At saka nagmamadali rin siya kaya siguro hindi siya nakapagpaalam sa ’yo nang maayos,” paliwanag niya. Parang invalid reasons naman iyon, eh.
“Ano ba ang silbi ng phone niya?” malamig na tanong ko at napakamot siya sa kilay niya.
“Hindi ko alam---”
“At paano mo naman siya nakausap? Naka-off kaya ang phone niya,” sabi ko pa.
“Siguro pinatay niya ulit ang phone niya dahil nga sa flight niya. I tried to call him,” he said and I shook my head.
“Sabihan mo ang kakambal mo. Walang bisa ang warning niya dahil may atraso siya sa akin,” sabi ko at tumayo na ako pero pinigilan naman ako ni Zerohian.
“Dito ka muna. Mag-o-order ako ng iced tea. Huwag ka munang umuwi,” aniya.
Umupo naman ulit ako at pumunta siya sa counter. Tiningnan ko si Markin na sinusubukan na niyang tawagan ang kakambal niya.
“Bakit naman naka-off ang phone mo?!” pagalit na tanong niya.
“Shet, Kuya. Kahit over the phone pa ay ang sakit sa tainga ng boses mo.” Boses na nga iyon ng magaling kong fiancè.
“Nasaan ka na at hulaan mo kung sino ang kasama ko ngayon?”
“I don’t know... Wait, sinabi mo na ba kay May Ann na nasa Canada ako? Baka... naghihintay na iyon sa akin sa condo.”
“Pinapasabi niya na walang bisa ang warning---ano ba iyon?”
“Okay lang. Tulog kasi siya kanina kaya hindi na ako nakapagpaalam pa.”
“Sana nag-iwan ka ng notes, ’di ba?” sabi ko.
“May Ann?”
“Uuwi na ako, Markin,” sabi ko at nang ’saktong dumating si Zerohian ay agad ko nang kinuha mula sa kamay niya ang iced tea na in-order niya. “Thanks, Zerohian. I’ll go ahead,” sabi ko.
Nang sakay na nga ako sa loob ng sasakyan ko ay nag-ring na ang cellphone ko. Napangisi ako nang makita ko ang caller ID. Sinagot ko naman ito.
“Miss...”
“Gusto mo bang gumanti sa akin dahil sa ginawa ko noon? Na umalis din ako ng walang paalam sa ’yo?” naiinis kong tanong sa kanya.
“I’m sorry, Miss... Tulog ka---”
“Sinubukan mo sana akong contact-in kanina, eh. Pero hindi mo naman ginawa.”
“Hindi na iyon mauulit pa, I’m sorry.”
“Sorry your face. Hindi tayo bati!” sigaw ko saka ko pinatay ang tawag. Hindi ko na sinagot pa ang mga tawag niya.
May business trip siya pero ni hindi siya nagpaalam sa akin kahit message lang naman ay ang hirap na para sa kanya na gawin iyon. Ayos lang naman kung umaalis siya at sana maging fair din siya sa akin. Ayoko lang na hanapin siya and yes, worried ako sa lalaking iyon.
Simula rin na sabihin niya sa akin na sabay namin tutuklasin ang love na iyon ay ibinigay ko na nga sa kanya ang tiwala ko. Wala na nga akong inisip na posible pang may mangyari sa relationship namin. Ewan ko kung normal lang ba iyon.
Inubos ko muna ang iced tea ko saka ako tuluyang umuwi. Nagulat pa ako nang pagpasok ko sa condo ay nakabukas ang ilaw sa loob. Imposible naman kasi na si Mergus ang nandito pero hindi. Si Levia lang pala.
“Hello, good evening, May Ann,” she greeted me. “Inutusan ako ng fiancé mo na pumunta rito. Wala ka raw kasing kasama, eh. Kaya matutulog ako rito sa condo niyo,” sabi niya. Nakaupo nga siya sa couch at may kinakain siyang popcorn habang nanonood siya ng movie.
Ang engineer na hindi nagpaalam sa akin ay mag-aalala rin pala na wala rin akong kasama na matutulog sa unit niya. Inabala pa niya ang kaibigan niya.
“Thank you, Levia.”
“Okay lang naman, ’di ba, May Ann?” Tumango ako.
“Kumain ka na ba?” I asked her.
“Tapos na. Kaya nanonood na lamang ako ngayon,” sagot niya at tumutok na nga siya sa pinapanood niya.
Nag-ring ulit ang cellphone ko. “Aakyat muna ako sa room namin, Levia. Bababa ako after,” paalam ko at sinagot ko na ang tawag ni Mergus.
“Bakit ba tumatawag ka pa? Magpapahintulot na nga ako, eh,” sabi ko.
“Nandiyan na ba si Levia?” tanong niya sa akin pabalik.
“Yeah, kaya ko naman matulog nang mag-isa, eh,” ani ko.
“Alam ko. Babawi na lamang ako pag-uwi ko riyan. Sorry na, ha? Bati na tayo,” he said. Lumubo ang pisngi ko dahil sa boses niya na sinadya pa niyang liitan.
“Fine. Pero kung gagawin mo pa rin ulit ito ay hindi na kita pagbibigyan pa,” I told him.
“Noted. Tatandaan ko talaga iyan. Sige na, magpahinga ka na.”
“Okay.” Binaba ko na ang tawag at pumasok ako sa bathroom para maligo na rin. Hindi rin naman ako nagtagal kasi nasa baba si Levia. Ayoko naman siyang iwan siya roon nang mag-isa lang. Mo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top