CHAPTER 37
Chapter 37: His fiancé
“BROAD bean and pecorino bruschetta. Broccolini mushroom and ricotta conchiglie. Grilled ricotta bruschetta with sweet and sour tomatoes. Eggplant rotolo ragu. Ravioli salad with summer greens. Chilli con carne lasagne.” Namangha ako sa mga nakahain sa hapag. Ang daming hinanda ni Grandpa. Parang special ang gabing ito na tila may birthday rin.
“Seriously, Miss? Alam mo ang lahat ng nakahain diyan sa table?” gulat na tanong sa akin ng fiancé ko. I smirked at him.
“Mas marami akong alam kaysa sa ’yo, Engineer” nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.
“Grandpa, masyado pong malakas ang aircon niyo sa dining room. Pakihinaan po,” aniya at inapakan ko ang paa niya. Iginanti niya lang ang paghawak niya sa legs ko. Kaya tinabig ko iyon. Skirt lang ang suot ko sa ibaba at mararamdaman ko talaga ang init ng palad niya sa balat ko.
“Ewan ko sa ’yong bata ka,” supladong sabi ng lolo niya sa kanya at binalingan naman ako nito. “Hija, sige lang kumain ka.”
“Thank you po, Grandpa.”
Kasama rin namin sa dinner ang parents ni Mergus. “I’m sorry sa pagkakamali, hija. Nadamay tuloy pati ang kapatid mo,” hinging paumanhin sa akin ni Tita Jina. Ngumiti ako sa kanya.
“Wala po iyon, Tita. Ayos na po,” ani ko.
“Ano ba kasi ang naisip niyong magkambal at nag-aya kayong kumain sa labas na hindi mo kasama ang fiancé mo, Mergus?” tanong naman ng Daddy niya.
“Uhm... Hindi po kami bati ng fiancé ko sa mga oras na iyon, Dad,” sagot niya. Mabuti at sinabi niya ang dahilan.
“Why?” his father asked him again.
“Inaway ko po kasi ang fiancé ko. Kumain na lamang po tayo. Nagutom ako kanina, eh,” sabi niya para lang hindi na siya tanungin pa ng parents niya.
“Kain ka lang nang kain, May Ann...”
“Opo, Tita. Salamat po talaga, Grandpa. Nagpaluto pa po talaga kayo ng Italian foods,” wika ko pero napahinto rin ako nang may naalala ako. Nag-angat ako nang tingin at napako iyon kay Don Brill na may ngiti sa labi. “Paano niyo po nalaman na gusto ko ang Italian foods?” I asked him at na-curious din tuloy sina Tito at Tita Jina.
“Bukambibig kasi ng apo ko ang bansang Italy. Takot na takot siya na pumunta ka roon. So, naisip ko na baka gusto mo ang Italian foods. Alam naman ng chef natin kung paano lutuin ng mga iyan, kaya huwag kang mahiya na kainin iyan lahat.” Mas lumapad ang ngiti ko lalo sa sinabi niya.
“Thank you, so much, Grandpa. You’re one of a kind po. Hindi ho nagmana sa inyo ang apo niyo,” sabi ko at sinundot ko ang kaliwang pisngi ni Mergus. Napahinto ito sa pagkain at kunot-noong nilingon ako nito.
Humalakhak lang si Grandpa at sumang-ayon sa sinabi ko. Sumabay rin ako sa pagtawa pero nang maramdaman ko ang palad niyang humahaplos sa hita ko ay tumigil na ako sa pagtawa. Pasimple ko siyang sinamaan nang tingin.
“By the way, hija. Congratulations, dahil sa bago mong posisyon dito sa company niyo. Ang kompanyang nandito ay ang main business company niyo.”
“Alam niyo po ang tungkol doon, Grandpa?” tanong ko at tumango siya.
“Ang namayapa mong Lolo ang nagpatayo niyan. Sa Canada lang nanatili ang Daddy mo dahil doon nakatira ang iyong ina.” Nagbaba ako nang tingin sa plate ko nang sabihin niya iyon. Taga-Italy po ang Mama ko.
“Now I know po,” I said.
“Bakit gutso mo roon sa Italy? Ano’ng mayroon doon?” Mergus asked.
“I just want,” I answered. Ibinalik ko sa kanya ang kanin na inilagay niya sa plate ko. “Hindi ako kumakain ng kanin if maraming ulam sa table---Mergus...”
“You’re skinny, that’s why. But you need to eat more rice.” Nagbangayan pa kami ni Mergus sa dinner at tahimik lang nanonood sa amin ang parents niya at si Grandpa.
***
Nasa living room naman kaming lahat nang nagpa-serve na naman si Grandpa ng dessert namin. Chocolate and pistachio biscotti, pumpkin gingersnap tiramisù. Zabaglione with strawberries. Rapsberry jam bomboloni. May Italian red wines din kami.
“Grandpa, sobra na po itong paghahanda niyo. Hindi naman po kayo ganyan dati,” ani Mergus. Ang dami talaga niyang reklamo sa katawan.
Kumuha ako ng rapsberry jam bomboloni at inilapit ko iyon sa bibig niya. Nagulat pa siya sa akin pero sinubo niya rin naman iyon.
“Dahil special ang bisita ko ngayon, apo,” sagot sa kanya ng Lolo niya.
“Iyon pa, pumpkin iyon, right? Subuan mo ako no’n, Miss,” utos niya at ibinigay ko lang sa kanya ang spoon.
“Kumuha ka. Gusto mong kumain, ’di ba?” Umawang ang labi niya sa gulat.
“Hay...baby, akala ko pa naman.”
“Wow! Kumakain na pala kayo ng dessert! Katatapos ko lang kumain ng dinner sa bahay.” Dumating naman si Miko at umupo pa siya sa gitna namin ng kuya niya. Nagreklamo pa si Mergus dahil sa pagtulak nito sa kanya para lang mabigyan siya ng space.
“Miko, ano ka ba?” suway ni Tita Jina. Inagaw niya ang spoon ng nakatatanda niyang kapatid at kumuha ng pumpkin. “Ang sarap naman nito!”
Napahilot na lamang sa sentido niya ang daddy niya. Salamantalang si Grandpa ay umiling lamang habang kumakain na ng dessert.
“Hindi ka invited, Miko. Hindi porket isa ka sa apo ni Grandpa ay basta-basta ka na lamang pumapasok sa mansion---”
“Kuya, welcome ako palagi sa bahay ni Grandpa. Hindi naman po nakahihiya ang mga kapitbahay natin. Last night nga ay nag-dinner ako roon kina Kuya Darcy at naisipan ko na pumunta naman kina Daziel.”
“Miko... Kumain ka na nga lang, anak,” ani ng Mommy niya at sinalinan siya nito ng red wine.
“Bakit po nandito si Ms. May Ann? Ang alam ko po ay si Ms. Arveliah ang fiancè ni Kuya Mergus,” nang-aasar na sabi pa niya.
“Miko.” Napapangiti na lamang ako sa tuwing kasama namin si Miko. Talagang nakatutuwa siyang kasama. Ang kulit niya masyado.
Naunang umuwi ang mga magulang ng fiancé ko at pati na si Miko. Pagkatapos naming kumain ng dessert. Kaming tatlo na lamang ang naiwan.
“Umuwi ka na, apo. Dito na muna si May Ann matutulog ngayong gabi. Alam kong pagod na rin kayo,” ani Grandpa.
“At bakit naman po?” salubong ang kilay na tanong niya.
“May bahay ka naman dito. Hindi ba, hija? Dito ka muna ngayong gabi?” Tumango ako.
“Opo, Grandpa. Ayoko na rin po kasi akong umuwi. Tinatamad na po ako,” sabi ko at nagpatawag siya agad ng kasambahay namin para ihatid ako sa magiging silid ko.
“Miss, what do you think are you doing?” seryosong tanong sa akin ni Mergus. I approached him.
“Bukas na lang tayo mag-usap, okay? Umuwi ka na,” sabi ko at humalik pa ako sa pisngi niya saka ako sumunod sa kasambahay ng Lolo niya.
“Miss...”
“Good night,” I uttered.
“Gabi na, Mergus. Umuwi ka na.”
“Grandpa, bakit naman matutulog dito si May Ann?”
“Ano ang masama kung matutulog siya rito? Apo ko na rin siya.” Iniwan ko na sila roon na nag-uusap pa.
“Eh, matutulog din ako rito.”
“No. Just go home. Ang lapit-lapit lang ng bahay niyo.”
“Grandpa...”
“Dito na po, Ma’am. Kukuha lamang po ako ng mga damit niyo pampalit.” Tanging pagtango ko lang ang naisagot ko.
Hinubad ko ang white blazer ko at matira na lamang ang red tube top ko. Humiga ako sa bed at nagkumot pa. Hinintay ko lang ang makabalik ulit ang babaeng naghatid sa akin to take my shower.
Akala ko noong bumukas na ang pinto ay siya na ang bumalik pero si Mergus lang pala.
“Matutulog ka rito?” I asked him.
“Hindi,” tipid na sagot niya lamang sa akin at lumapit sa kama. Kinuha niya ang hinubad kong blazer, pati na ang pumps ko, saka niya hinila ang kumot ko.
“What are you doing?” Pinaupo pa niya ako at pinatong sa balikat ko ang blazer ko. Inabot niya rin ang handbag ko saka niya ako pinangko. “Mergus, nagpapahinga na nga ako. Saan mo ba ako dadalhin?” kunot-noong tanong ko sa kanya.
Iniwan niyang nakabukas ang pinto para hindi na siya mahirapan pa na lumabas habang buhat-buhat ako. Humawak na lamang ako sa leeg niya.
Nandoon pa rin sa sala nila si Grandpa at umiling lang nang tingnan kami nito.
“Saan mo ba dadalhin si May Ann, apo? Gabi na, ah.”
“Ayoko pong iwan dito ang fiancé ko, Grandpa.”
“Ano?”
“Sa akin naman po siya, ’di ba, Grandpa? Kaya bakit ko siya iiwan dito sa inyo? Kung nasaan po ako ay dapat nandoon din siya.”
“Put me down, Mergus,” utos ko sa kanya pero hindi naman niya ako pinakinggan pa.
“Ayaw niyo akong patuluyin sa bahay niyo kaya isasama ko na lamang po siya sa bahay namin. Uuwi na po kami, Grandpa,” paalam pa niya at inayos niya ang pagbubuhat sa akin.
Kahit gabi na ay hindi siya madilim sa labas dahil sa dami ng mga ilaw. “Ibaba mo na lang ako. Sasama naman ako sa ’yo,” ani ko. Sinulyapan niya lamang ako at hindi niya rin ako ibinaba. Humilig na lamang ako sa dibdib niya.
Malayo-layo pa ang nilakad niya at hindi man lang nangalay ang mga braso niya hanggang sa pumasok kami sa isang mansion. Malaki rin ito pero mas may kalakihan nga ang bahay ni Don Brill.
“Oh, Mergus? Bakit buhat-buhat mo si May Ann? May nangyari ba?” Boses iyon ni Tita Jina at nang tingnan ko ang side nila ay mabilis lang akong nag-iwas nang tingin dahil marami sila roon. Nandoon ang mga kapatid niya.
“Mom, puwede po bang manghiram sa inyo ng damit para kay May Ann?”
“Ha? Ah... sige. Ihahatid ko na lamang sa kuwarto mo.”
Maingat niya akong ibinaba sa malaking kama niya at nag-stretch pa siya ng katawan saka braso niya. Nakita ko pa ang pamumuo ng pawis niya sa noo at leeg.
“Sabi ko naman sa ’yo ay ibaba mo na lamang ako. Sasama naman talaga ako sa ’yo,” naiiling na sabi ko. “Hindi ako makikipag-argument sa ’yo dahil pagod na rin ako.”
“Nah, exercise naman iyon. Saka ang gaan mo lang dalhin,” he uttered. May kumatok naman sa pintuan niya at pumasok ang Mommy niya.
“Heto na, son.”
“Thanks, Mom.” Umupo ako at bumaba sa kama para makuha ko ang damit na pampalit ko. Sleeves dress iyon, pero pantulog naman siya. May underwear na rin.
“Salamat po rito, Tita.”
“Wala iyon, hija. Sige na lalabas na ako,” paalam niya.
“Labas ka muna, maliligo pa ako,” ani ko.
“Sa bathroom ka lang naman,” aniya at siya naman ang humiga sa kama.
Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lamang siya roon. Bumuntong-hininga pa ako nang makita ko ang pamilyar niyang body wash and shampoo. Hanggang kailan ba ako gagamit nito? Tss.
Pagkatapos kong naligo ay sumunod naman siya. Uminom ako agad ng gamot ko kaya hindi ko na rin alam kung ano na ang ginawa niya after that dahil nakatulog na ako.
Nagising ako na tulog pa siya at nakayakap sa akin. Kaya naman pala mabigat ang tiyan ko ay dahil sa kamay niya.
May mga damit na rin ang ibinigay sa akin ni Tita Jina at sabay pa kaming nag-breakfast dahil maaga rin umalis ang mga anak niya.
Pero si Michael ang nakasalubong ko sa labas. Nang makita ako nito ay sandali lang siyang ngumiti sa akin. Nasa bisig niya ang alagang pusa ng kuya niya.
“Alam mo ba, Miss? Pinagalitan ako ni Kuya nang bigla kong ibinigay sa ’yo si Mayann,” sabi niya at bahagya siyang lumayo sa akin para siguro ilayo niya rin ang pusa.
“Why?” I asked him.
“Kasi allergic ka pala sa mga pusa. Kilala mo ba ang fiancé ni Kuya Markus?” tanong niya sa akin pero umiling lang ako. Hindi ko pa siya nakilala pero naikuwento na rin siya sa akin ni Grandpa at saka si Mergus? Ah, hindi ko na maalala pa. “Mahilig iyon sa pusa. Maru ang pangalan yata, hindi niya iyon binili dahil pusang gala iyon pero inuwi niya sa condo niya. Kaya siguro bumili rin ng pusa si Kuya Mergus.” Palakuwento naman pala talaga siya.
“I don’t hate cats pero hindi ko talaga sila kayang hawakan man lang,” sabi ko at tumango siya.
“You know what, Miss? Nagkagusto si Kuya Mergus kay Thez. Sige, mag-ingat ka.” Ewan ko rin sa isang iyon na kung bakit sinabi pa niya sa akin ang tungkol sa pagkakagusto ni Mergus sa fiancé ng Kuya niya pero akala ko ba ay ang kapatid ko lang ang gusto niya? Kaya bakit may ibang babae na naman? Pss. Sa fiancè pa ng kuya niya?
Nagpahatid lang ako sa family driver nila dahil hindi ko naman dala ang car ko. Ayoko rin naman na gamitin ko ang kotse ni Mergus.
Habang nasa biyahe ako ay nag-type ako sa keyboard ko para sabihin sa magaling kong fiancé kung nasaan ako. Baka kasi mamaya niyan ay mawala na agad ang first warning ko.
Inilagay ko rin sa silent mode ang phone ko pero may vibration naman siya kaya kapag tatawag si Mergus ay sasagutin ko naman.
***
“Here’s the piano lessons. Basic muna iyong itinuturo namin, Ms. May Ann,” ani ni Ms. Acacia at ibinigay niya sa akin ang book.
10 student lang for today and nasa third grade pa lamang silang lahat. Nakaupo sila ngayon at tahimik na nakikinig saka nanonood sa amin.
“Thank you, Ms. Acasia. This is my first time, you know.”
“Lahat naman tayo ay nagkakaroon ng experience na first time. So, Ms. May Ann, maiwan na kita with your students. May naiwan na akong mark diyan kung saan ang last lessons namin.”
“Sige po.”
Binasa ko muna ang tinutukoy niyang mark. Chapter 1: How to choose a piano or keyboard. Chapter 2: Piano learning methods. Chapter 3: Proper piano technique. Chapter 4: Starting to play piano. Chapter 5: Reading piano sheet music (the Basics) Chapter 6: Piano practice. Chapter 7: Piano goals and motivation. Chapter 8: Reading piano notes, timing and dynamics. Chapter 9: Piano pedals. Chapter 10: Piano learning questions and answers. At ang naka-marka nga rito ay ang nasa chapter 6, kung saan na magsisimula silang magpatugtog.
“Hi, good morning,” I greeted them all.
“Good morning po!” masayang bati nila sa akin pabalik. Tatlo lang ang lalaki and the rest mga babae na sila. Hindi ko alam kung paano nga magturo sa mga bata pero dahil passion ko nga ang maging pianist. So, gagawin ko rin ang makakaya ko.
“I’m May Ann Vallejos, you can call me...”
“Teacher V!” sabay-sabay na sigaw pa nila at napangiti ako. Teacher V, iyon pa ang naisip nilang itawag sa akin kaya baka hindi pa ako masasanay in case na tawagin nila ako sa kung saan man kami magtatagpo ay baka hindi ko pa sila mapapansin.
“Teacher V it is. I’m your piano teacher, and also, I’m a pianist. Anyone who want to ask me a question?” I asked them at may nagtaas naman ng kamay. “What’s your name?”
“I’m Brian Daley, Teacher V. Puwede po ba kayong mag-play ng piano for us? Gusto po namin makita kung paano ka po mag-play.”
Pinagbigyan ko ang batang si Brian. Halos makuha ko na nga ang oras para sana sa pagtuturo ko sa kanila pero nag-enjoy naman sila at wala naman sigurong masama kung mauuna ang kasiyahan nila bago kami mag-le-lessons.
Sa lunch break ay sumabay akong kumain kay Ms. Acasia, sa morning session lang naman ako at wala na sa afternoon. Kaya naisipan ko na rin ang pumasok sa company later on.
Pagpasok ko pa nga lang sa company ay medyo nagulat pa ako kung bakit binabati ako ng mga empleyado. Nalaman ko na lamang kay Ruthy na nasa magazine na naman daw ako but this time ay bilang CEO na pero nandoon pa rin ang pangalan ni Mergus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top