CHAPTER 34
Chapter 34: The right one
WALA SA sariling napaupo ako sa swivel chair ko at napahawak ako sa ulo ko nang biglang kumirot ang sentido ko. Ngayon pa ba talaga nanakit ang ulo ko kung ang dami ko na agad problema na kakaharapin ngayon?
Kadarating ko lamang at ngayon pa lang ako magpapakilala sa mga board members pero mahirap kunin ang mga loob nila. Mas nabigyan ko lang sila ng pagdududa tungkol sa pagkatao ko at kakayahan ko, lalo na sa balitang nabasa nila.
“Ngunit paano kami magtitiwala sa isang tao na ngayon lang namin nakilala, Ms. Vallejos? Na ngayon lang namin nakita? Kahit na malaki pa ang pagkakahawig niyo ng kapatid mo ay paano namin ibibigay sa iyo ang suporta namin kung wala ka pang ipinapakita sa amin na isang bagay na kaya mo ngang hawakan nang maayos ang kompanyang ito?”
Siguro kung si Arveliah iyon ay hindi sila magdadalawang isip na tanggapin ito at bigyan ng approval. Ganoon kalaki ang tiwala nila sa aking kapatid. Hindi naman kasi sapat sa kanila ang company na hinawakan ko dahil wala naman silang naririnig tungkol doon.
“Can we discuss this next time, Ms. Vallejos? Pag-iisipan naming lahat ang isasagot namin para sa bagong CEO ng kompanya natin at pati na rin ang pahayag ni President Vallejos. Hindi kami makakapag-decide agad.”
Naiintindihan ko naman ang bagay na iyon dahil ngayon lamang nila ako nakilala bilang anak ng Daddy ko. Isa lang din ang alam nila na anak ni Dad. Kaya hindi nila inaasahan ang pagdating pa ng isang anak, na tinuring hindi naman importante pa ang existence niya.
“Kung ganoon ay totoo nga ang balita?”
“Ang tungkol sa nalalapit na engagement party ni Ms. Arveliah at si Engineer Mergus? Ang isa sa kambal ng Brilliantes clan.”
“Breaking news, there is rumored about, Don Brill having another granddaughter soon. He also said before in the interview that he will choose the woman for his grandsons to marry and here is the news. Another member of the Brilliantes clan will get engaged to a woman chosen by his grandfather and it looks like their engagement party is soon to be announced.Spotted the newly couple in a fancy restaurant last night as they were eating their dinner. Their closeness can be seen as they portray happiness. Finally we will meet the woman who will capture the heart of an engineer, the daughter of President Vallejos, the owner of V. Real Estate Company and CEO of first branch in Canada which is Ms. Arveliah Vallejos. Her soon-to-be fiancé is Engineer Mergus S. Brilliantes.”
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil tumindi lang ang kirot ng ulo ko. Ayos lang naman kung kakain sila sa labas kahit wala ako pero sa public place pa talaga? At paano nila nalaman ang pangalan ng kapatid ko? Paano nila naibalita agad iyon? May nagpa-interview ba agad?
Ang dami kong tanong na gusto kong masagot at malaman ang katotohanan pero parang napagod na rin akong mag-isip.
“Uminom ka muna ng tubig, Ms. May Ann.” Nagmulat ako ng aking mata at kinuha ko ang basong tubig. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
“Ruthy...”
“Ano po iyon, Ma’am?”
“Sabihan mo ang board members na sila ang pipili ng araw para sa second conference meeting natin. Kung hindi ko agad makukuha ang approval nila ay wala silang choice kundi ang tanggapin ako as their new CEO. Hindi nila kailangan ang statement ni Dad dahil nakaplano na ang lahat ng iyon at gusto mismo ng presidente ng company natin,” pahayag ko.
“Ako na po ang bahala, Ms. May Ann. Huwag na po kayong mag-alala pa.”
“Thank you. Puwede kaya ako mag-out nang maaga, Ruthy?” tanong ko.
“Oo naman po, Ma’am. Ako na po ang bahala na mag-ayos ng papers sa table niyo.” I just smiled at her and stood up from my seat.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang basement floor pero nang nasa fifth floor naman ay may sumakay na staff. Marami pa ang hindi nakakakilala sa akin kaya parang isa lang din akong ordinaryong staff.
“What do you think about Ms. Vallejos?” Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan kong binigkas ng isang lalaki.
“Well, parang nakikita ko naman sa kanya si President Vallejos, but I can’t still decide for the position that she wanted it. Hindi pa natin siya lubos na kilala at masasabi kong minamadali niya lamang ang conference meeting. Wala pang sinasabi ang president natin.”
“Tama ka, pero wala namang masama siguro ang magtiwala sa kakayahan niya lalo na isa rin pala siyang engineer at panganay na anak ng presidente.”
“Iyong tiwala pa ang wala tayo para sa kanya.”
I took a deep breath. Sumandal na lamang ako sa malamig na pader ng elevator at hinintay ko pa ang paglabas nilang lahat bago ako sumunod.
Ring nang ring ang cellphone ko at nang makita ko ang caller ay bumigat lalo ang dibdib ko. Bakit siya tumatawag ngayon sa akin?
Wala sana akong balak na sagutin iyon kung hindi ko lang naalala ang ibinigay niya sa akin na warning. Muli akong bumuntong-hininga at sinagot ko na lamang ito.
“What?” malamig na sagot ko.
“M-May Ann... Nakita mo na ba ang...NEWS sa internet?” tanong niya sa akin at sa himig ng boses niya ay parang kinakabahan pa siya.
“Ano naman sa ’yo?” supladang saad ko lamang sa kanya.
“I will explain my side, Miss. Huwag mong bigyan---”
“Tumawag ka lang ba dahil doon? Pakialam ko ba kung may dinner date kayo ng kapatid ko?!” sigaw ko sa kanya at ibinaba ko na agad ang tawag. Frustrated lang ako kaya nag-burst out ako agad.
Malalaki pa ang bawat hakbang ko patungo sa car kong naka-park sa hindi kalayuan. Sumakay ako agad at pinaandar ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong maisip pero nang maalala ko ang pagiging piano instructor ko ay nagtungo ako sa academy. Every Monday and Wednesday lang ako magtuturo.
***
“Glad to see you here, Ms. May Ann. Bukas pa ang pagtuturo mo sa mga bata,” nakangiting sabi sa akin ni Ms. Acasia.
“Yes, may kaunting problema lang akong kinakaharap ngayon at naisipan ko lang na pumunta rito, Ms. Acasia. Can I borrow your music room for awhile, Ma’am?” I asked her.
“Of course! Puwedeng-puwede naman, the music room is yours, Ms. May Ann.”
“Thank you.” Hinatid pa niya ako sa music room at iniwan niya rin ako after that. Nagpalipas lamang ako nang ilang minuto sa loob at nagpatugtog ng piano para lang gumaan ang pakiramdam ko.
Naisipan ko naman na tawagan si Dad, hindi na katulad ng araw na iyon ay sinagot na niya ang tawag ko.
“Yes, May Ann?”
“Dad, hindi ba... Si Arveliah ang gusto niyong maging granddaughter-in-law ni Don Brill?” tanong ko.
“May Ann, we already talked about that. Huwag mo nang pag-initan pa ang kapatid mo. Ikaw ang pinili ni Don Brill at wala kaming choice ng Mommy mo kundi ang sumang-ayon na lamang sa gusto niya. Alam ko na ayaw mong maikasal sa kahit na sino, anak. Especially if arrange marriage. Pero sa tingin ko naman, magandang idea na iyong ikaw ang nakilala ni Don Brill at napili niya para sa apo niya. Kilala ko na mabubuting bata ang mga apo niya at hindi ka naman pababayaan ng fiancé mo,” mahabang sabi niya at ramdam ko ang concern niya para sa akin. Hindi nga ba ako pababayaan ng fiancé ko, Dad? Pero iba naman ang gusto niya at hindi pa niya kayang isagot kung ano ba talaga ako para sa kanya.
“Puwede pang magbago, Dad. Ako na lamang po ang makikiusap kay Don Brill na si Arveliah na lamang.”
“Bakit iginigiit mo palagi ang kapatid mo, May Ann? May problema ka ba riyan?” tanong niya sa marahan na boses. Ganito ba siya kapag nasa malayo ako? Hindi siya ganoon kalamig sa akin?
“Ang dami kong problema, Dad. Naguguluhan na rin po ako at napapagod na akong mag-isip ng solusyon. Ano pa ba ang gagawin ko?”
“May Ann, spill it.”
“Nagpakilala na po ako kanina sa board members niyo, Dad. Pero hindi nila ako kilala at wala silang tiwala sa kakayahan ko. Ganoon din po kayo sa akin, ’di ba, Dad? Kaya ang ibinigay mo lang sa akin ay ang third branch ng company natin at na kay Arveliah ang main. Hindi naman po iyon problema sa akin at ayoko lang makipagkumpitensya sa kapatid ko. Pero Dad, bakit palaging si Arveliah lang ang nakikita niyo ni Mommy? Napapaisip din po ako... Anak po ba ninyo talaga ako? O hindi niyo lang po ako anak sa labas at isa lang akong adopted daughter niyo ni Mom?” I don’t know where I got that question, all I know it just came out of my mouth.
“Don’t ever ask me that. There’s no reason to doubt that you’re not my daughter. I raised you, even if you are another woman’s daughter you will still be my eldest child. You are a Vallejos, May Ann. Always remember that, Daimor Vallejos is your father. Kung pinagdududahan ka ng karamihan ay ako hindi, pinagbubuntis ka pa lamang ng Mama mo ay alam kong anak kita. Uuwi kami ng Mommy mo bukas na bukas at ako ang kakausap sa mga board members.” Dad hang up the phone after he said those words. May tumulo pang luha sa pisngi ko. Siguro sapat na iyon para sa akin? Na kahit anak niya lang ako sa labas ay hindi niya ako pinagdududahan na ibang tao lang ako.
Tumayo na rin ako and I decided to go home early. Pero napahinto lamang ako nang makita ko ang lalaking naglalakad na rin palapit sa akin.
Walang emosyon ko lang siyang tiningnan. Kitang-kita ko pa ang pagmamadali niya para makalapit lang siya sa akin. Hinawakan niya agad ang siko ko at nagprotesta ako.
“Bati ba tayo para hawakan mo ako?” tanong ko sa kanya.
“Miss, sorry na. Sorry na sa hindi ko pagpansin sa ’yo but the dinner---”
“Alam mo ba nang gabing iyon ay nagluto ako para sa dinner natin? Naghanda pa ako, naghanap din ako ng wine kung mayroon ka bang ganoon. Alam mo ba ang naisip ko? A romantic dinner with my fiancé pero hindi naman na kailangan pa iyon. Dahil may ka-dinner ka na sa isang fancy restaurant,” may pangungutyang sambit ko.
“I know. I know that you cooked for our dinner that night... I even ate those foods inside the refrigerator. Kung alam ko lang... kung hindi lang ako pumayag ay umuwi sana ako nang maaga... I’m sorry...”
“Hindi mo na kailangan pang mag-sorry sa akin and I don’t need your explanation, Mergus. Hindi naman masarap ang luto ko, eh. Baka hindi mo pa magustuhan,” I said at nagsimula na akong maglakad palabas ng academy. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako.
“Miss! May Ann!” Humarang pa siya sa dinaraanan ko pero sinusubukan ko pa rin na lagpasan siya hanggang sa nainis na rin siya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Makinig ka muna sa akin, okay?”
“Mergus, grab the chance. Kilala na kayo ng lahat na kayo ang mag-fiancé. Hayaan mo na lang ako at huwag mo na lang akong idawit---” he cut me off.
“Do you trust me?” seryosong tanong niya sa akin and I stilled. “Miss, do you trust me?” I avoiding looking at him. “Miss...”
“I-I don’t know...” I answered. Dahil iyon ang hindi ko alam kung may tiwala pa ba ako sa kanya.
“Well, bakit ko ba iyan tinatanong pa sa ’yo? Pagkatapos kong sabihin sa ’yo nang paulit-ulit na ang kapatid mo ang gusto ko. Kaya alam kong wala kang tiwala sa akin,” sabi niya na sinabayan pa nang mahinang pagtawa.
“Ni hindi mo nga alam...kung ano ako sa ’yo. Na kung ano ba ang tingin mo sa akin. Kaya bakit kita pagkakatiwalaan? May ginawa ka na bang bagay na ikinasaya ko?” malamig na tanong ko sa kanya.
“Ano pa ba ang saysay para sabihin ko sa ’yo kung ano ka sa akin, Miss? Kung wala ka naman palang tiwala sa akin.”
“You can’t blame me, Engr. Mergus. Wala pang isang buwan tayong nagkakilala at alam kong alam mo na mahirap magtiwala sa isang tao na hindi mo pa nga lubos na kilala. Alam ko rin na ganoon ka, ni hindi mo pa ako kilala kaya expected ko na wala ka ring tiwala sa akin,” sabi ko.
“Naniwala ka ba sa akin na ikaw ang gusto kong pakasalan?” malamig na tanong niya rin ako at marahan akong umiling. “Kung ganoon... Patutunayan ko sa ’yo,” sabi niya at impit akong napatili nang binuhat na naman niya ako. But this time ay hindi na niya ako isinampay lang sa balikat niya. A bride-style.
“What are you doing, Mergus?!” naiiritang tanong ko sa kanya at malakas kong hinampas ang dibdib niya. Hindi ko rin naman magawang magpumiglas sa takot ko na baka mabitawan niya ako pero mahigpit ang paghawak niya sa isang binti ko. “Mergus!”
Isinakay niya ako sa car niya at mabilis na kinabitan ng seatbelt sa katawan. Ilang beses kong pinalo ang kamay niya.
“Ilang araw rin akong nagtiis sa ’yo,” sambit niya.
“Nagtiis na makita ang pagmumukha ko dahil naiinis ka sa akin, ha?!” pagalit na tanong ko. Isinara pa niya ang pintuan at mabilis din siyang sumakay. I tried to open the door pero na-lock ito agad. “Mergus... Wala akong panahon makipag-argument sa ’yo. Masakit ang ulo ko!” sigaw ko.
Hindi niya ako pinansin at napatingin ako sa kotse kong naka-park sa tabi lang ng sasakyan niya.
“Grandpa, can I ask a favor? Puwede po bang magpa-schedule kayo ngayon ng interview ngayon? Kami mismo ang pupunta sa studio ng kakilala mong director, Grandpa.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano’ng interview naman iyon? “I’m with my fiancé, Grandpa at gusto kong...burahin niyo ang kumakalat na balita na hindi naman totoo. Grandpa, no! Hindi lang po siya ang kasama ko. Si Kuya Markin, Grandpa! Please, do something para mawala iyon.”
“Where did you taking me, Mergus?” mahinahon na tanong ko sa kanya. Wala akong mapapala kung sisigaw lang ako rito.
“Sa studio. Magpapa-interview,” mabilis na sagot niya.
“Ano naman ang gagawin natin doon? Hindi ako ang dapat mong makasama para sa interview!” sigaw ko. “Pull over...” Umawang ang labi ko nang mas binilisan niya ang pagmamaneho niya. “Mergus, ibaba mo na lang ako!”
“Ayoko,” mariin na sabi niya sa akin.
Huminto pa ang sasakyan niya sa jewelry shop at agad siyang bumaba para lang umikot sa side ko. Binuksan niya ito at tinanggal ang seatbelt ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan na bumaba.
“Ano ba ang gagawin natin dito?” Tila may kung ano naman ang humaplos sa dibdib ko nang pinagsiklop pa niya ang mga daliri namin at sabay na pumasok sa loob ng jewelry shop. Binati pa kami ng mga staff pero hindi sila sinagot ni Mergus.
“Good morning, Ma’am, Sir,” the girl greeted us.
“Pumili ka,” utos niya sa akin at nagsalubong lang ang kilay ko. Nang hindi nga ako sumagot ay inutusan niya ang babae na ilabas ang mga singsing at mataas ang price noon.
“Mergus...” Kinuha niya ang isang singsing na may maliit na diamond pero iyon na raw ang mas mahal kaysa sa mga malalaking bato. Hindi ko alam kung bakit mas mahal pa ang maliit na batong ito.
Itinaas niya ang magkasiklop naming mga daliri at isinuot niya iyon sa akin. Nagkasya iyon at naglabas agad siya ng cards niya.
“5.2M, Sir.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
“Kukunin namin,” he said.
“No. Ayoko ng singsing,” tanggi ko at sinubukan kong tanggalin iyon pero pinigilan ako ni Mergus. “Mergus!”
“Here it is, Sir. Thank you, so much po! Please, come again.”
“Ma’am, remember this beautiful lady,” sabi niya at itinuro pa niya ako. Nakangiting tumingin naman sa akin ang babae. “She’s the one I want to marry someday, she’s May Ann Vallejos,” he added.
“Congratulations po sa inyo!” she happily said.
***
We finally reached our destination at nang makita ko ang daming tao sa labas ay parang dumoble lang ang sakit ng ulo ko.
“What is your plan, Mergus? Bakit ba...idinadawit mo ako sa gulo mo?” inis kong tanong sa kanya. “At sino ba ang mga iyan?” May kanya-kanya silang hawak na camera at sa mga looks pa lang nila ay alam ko na kung sino sila. A media. Pagkababa niya lamang sa sasakyan niya ay nag-uunahan nasa paglapit sa kanya ang mga media. Binuksan niya ang pintuan sa passenger’s seat. “Ayoko. Ayokong bumaba, Mergus,” sabi ko.
“Itatama ko lang ang pagkakamali nila na kilalanin ang fiancé ko, Miss,” aniya at binawi ko ang kamay ko sa kanya.
“A-Ayoko, Mergus... Ayoko sa maraming tao. S-Sumasakit lang ang ulo ko sa mga iyan...” Mariin akong napapikit nang sunod-sunod na ang pag-flashed ng camera sa amin. Hinawakan niya ang mukha ko at ramdam na ramdam ko ang mainit na palad niya sa pisngi ko.
“Do you trust me?” I shook my head.
“I...don’t know,” I answered.
“Trust me this time, please...” he uttered and he guided me to get off from the car.
“Mergus...”
“You don’t need to ask me a question. I’m going to tell you the truth,” he said. Pagkababa ko lang ay ibinalik niya sa mahigpit na pagkakasiklop ang mga daliri namin. Hindi ko sila magawang tingnan dahil sa dami nila.
Nang mapansin iyon ni Mergus ay binitawan niya ang kamay ko at dumausdos pababa sa baywang ko ang braso niya at hinawakan niya rin ang kanang balikat ko kaya nagsumiksik ako sa dibdib niya para lang itago ko ang mukha ko.
“Engineer Mergus, si Ms. Arveliah po ba talaga ang fiancè niyo?”
“Nakita po kayo mismo sa fancy restaurant habang nagdi-dinner last night.”
“Ms. Arveliah, puwede niyo po ba kaming sagutin para lang sa confirmation?” Mahigpit kong hinawakan ang coat ni Mergus at dahan-dahan siyang naglakad.
“Totoo ang nakita niyo na si Arveliah Vallejos ang kasama ko last night. But I’m with my twin brother too, at huwag niyo nang uulitin pa ang pagkakamali ninyo. Hindi si Arveliah ang kasama ko at hindi rin siya ang fiancé ko.” Nanigas lang ang katawan ko nang marahan niya akong idinistansya sa kanya para lamang makita ako ng lahat. Hinila ko ang coat niya.
“Mergus...”
“Don’t you see the difference between Arveliah and the woman I’m with now? She is not Arveliah Vallejos, she is May Ann Vallejos my real fiancé,” mariin na sabi niya at nakarinig pa ako nang bulong-bulungan, saka pagsinghap nila.
“Paanong ibang tao po ang kasama niyo, Engr. Mergus?”
“She’s the eldest daughter of President Daimor Vallejos, Arveliah’s sister.”
Nakarinig naman ako ng pagbusina ng isang sasakyan at doon lang ako nag-angat nang tingin. Mula roon ay bumaba si Engineer Markin at mas naguluhan lang ang mga reporter nang makita ang pagbaba ng kapatid ko.
“I’m Arveliah Vallejos,” agad na bati nito na may ngiti pa sa labi.
“Teka lang. Baka nagkamali tayo, baka si Engr. Mergus ang kadarating lamang?”
“But he’s with Ms. Arveliah---”
“I told you, she’s not Arveliah,” malamig na sabat ni Mergus.
“Ako po iyon. Kapatid po ako ni Ate May Ann at hindi lang po tayo nagkaintindihan. Hindi po ako ang fiancé ni Engr. Mergus, si Ate May Ann po iyon. Please, huwag po kayong gumawa ng isang statement na wala naman pong katotohanan.”
“Kung ganoon. Dalawa ang anak ni President Daimor Vallejos?” tanong nila at kanya-kanya naman silang tumutok sa cellphone nila.
“Totoo nga. May family portrait sila at dalawa ang anak ni President Vallejos.”
“Ayon din sa article ay panganay na anak nga si Ms. May Ann Vallejos, she’s a CEO of third branch company and also an engineer.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top