CHAPTER 33
Chapter 33: The rumours
“MA’AM, hindi po ba kayo kakain ng lunch ninyo?” tanong sa akin ni Ruthy. Napatingin ako sa wristwatch ko at 12:24 na pala nang hapon. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Kahit ang gutom ay hindi ko naramdaman.
“Mamaya na lang, Ruthy. May tinatapos pa akong basahin. Importante ito,” sabi ko at tumutok lang ako sa pagbabasa ko.
“May nagpadala po kasi ng lunch niyo, Ms. May Ann,” sabi niya na ikinahinto ko sa ginagawa ko.
“Kanino galing?” I asked her.
“Sa fiancé niyo raw po, Ma’am.” Tumayo ako para kunin ang hawak niyang paper bag. Sa nalaman ko na sa kanya lang pala nagmula ay parang bumalik ang magandang mood ko. Dahil worried din siya sa akin kaya nagpadala pa siya ng lunch ko.
“Thank you for this, Ruthy. Kumain ka na rin,” nakangiting sabi ko. Kinain ko ang pinadala niyang foods for me. Sana lang ay hindi siya galit sa akin. But I doubt it, galit iyon. Sino ba naman ang hindi magagalit?
Binantayan ko ang orasan para lang malaman kung malapit na bang mag-5PM. Usually sa ganoong oras ang off namin sa work kaya gusto ko ring sumabay sa mga staff.
Excited akong umuwi, ewan ko ba sa sarili ko. Dahil siguro sa fiancé ko. Napatingin ako sa intercom sa table.
“Ruthy?”
“Bakit po, Ma’am? May kailangan po ba kayo?”
“Puwede ka bang pumasok sandali? May itatanong lang ako sa ’yo tungkol sa mahahalagang bagay,” sabi ko saka ko ibinaba ang interview.
Curious ako na kung paano hina-handle ni Dad ang company niya habang wala siya. “Ano po iyon, Ma’am?” tanong niya nang makapasok sa loob ng office ko.
“Have a sit,” I told her at itinuro ko pa sa kanya ang visitor’s seat. “I just want to know, Ruthy kung paano ka nagtatrabaho rito na wala ang CEO or president ng company natin. Paano ito nagagawang hawakan ni Dad nang maayos kung nasa ibang bansa naman siya? Paano ang mga staff?”
“Marami po ang mga taong pinagkakatiwalaan ni President Vallejos, Ma’am. Loyal po sila sa Daddy ninyo. Sa HR department, accounting at sa mga board members, and directors. Partnership din po ang firm ng Brilliantes clan, kaya natatakot din po sila na magkamali sa mga trabahador nila. Three times every month po ay binibisita ni Engineer Brilliantes, si Don Brill ang company po natin, Ma’am. Ang ginagawa ko lang po ay ipinapasa ko ang mga mahahalagang files through gmail at ang new projects na gusto ng presidente,” paliwanag niya sa akin na ngayon ay alam ko na kung paanong nasa mabuting kalagayan pa rin itong company kahit wala silang CEO na nakabantay sa kanila.
“Now I know. Thank you for your time, Ruthy,” I said with a smile.
“You’re welcome po, Ma’am.”
***
Along the way ay iniisip ko kung paano ko kauusapin si Mergus at kung galit pa ba siya sa akin. Gusto kong malaman, dahil baka rin dinibdib niya ang sinabi ko. Kahit siguro kung para sa akin ang mga katagang iyon ay hindi ko rin maiwasan ang magalit and worst is masaktan din. Ngunit nakauwi lang ako sa condo ay wala akong naisip.
But wala pa siya sa unit niya. Alam naman niya kung ano ang passcode dahil sinabi na sa kanya ng kakambal niya pero bakit nga wala pa siya sa condo niya? Nasa construction site pa kaya siya?
Sa naisip ko nga na hindi pa siya umuuwi ay siguro ako na lang ang maghanda ng dinner naming dalawa? Napangiti ako sa magandang idea na naisip ko.
Nagpalit ako agad ng damit sa room ni Mergus at itinali ko pa nang maayos ang maikli kong buhok. Bumaba rin ako agad at tinungo ko ang kitchen.
Bear stew, stuffed cabbage and steak. This is fine na, I think. Tiningnan ko pa iyong pinaglalagyan ni Mergus ng wine niya. But I stop when I realized something. Kakain lang naman kami ng dinner at bakit may pa-wine pa ako? Wait a minute. Did I just prepared a romantic dinner for my fiancé?
Napanguso ko at nangalumbaba lamang sa table. Hindi naman ito nakahihiya, right? This is just a dinner, period.
While waiting for him ay inabala ko na lamang ang sarili ko sa phone ko. Sumimangot lang ako nang makita ko ang wallpaper ko. Hindi tinanggal ng engineer na iyon? Tsk. Sa halip na palitan ko rin iyon ay hinayaan ko na lamang.
I remembered his wallpaper. Sa picture frame nila ni Arveliah ay matagal na silang magkakilala dahil graduation day iyon ng kapatid ko pero kailan naman kaya niya kinuhanan ang picture na nasa home wallpaper niya? Saan ko nga rin ba iyon unang nakita dahil familiar din siya sa akin.
Sino nga ba ang babaeng iyon? Dahil imposibleng si Arveliah iyon. Kilala ko na ang kapatid ko. Iyon kaya ang sinasabi ni Arveliah na kahit nakatalikod siya ay kilala pa rin siya ni Mergus? So, inamin nga niya na siya ang babaeng nagpapatugtog ng piano? May alam nga ba siya sa keyboard?
Nang lumampas na sa 8PM ay sinubukan ko nang tawagan si Mergus dahil lumalamig na ang foods na hinanda ko tapos mukhang wala pa siya. Unfortunately, he didn’t pick his phone.
Nasaan na ba siya? Bakit hindi siya sumasagot?
I’m not fond of texting but I just did because of him.
To: Mergus
“Where are you?”
Marahan kong tinapik ang table at hinintay ang reply niya. Baka nga nagtampo iyon sa akin at sinadya niya na huwag niyang sagutin ang calls ko. So, ang reply na lamang niya ang hinintay ko pero wala pa rin.
“Gabi na, Engineer Mergus. Bakit hindi ka pa umuuwi?”
“Galit ka pa ba sa akin?”
“Sorry na...”
“Sorry na sa sinabi ko kanina.”
“Sorry na, umuwi ka na...”
“Sorry na nga, umuwi ka na.”
I took a deep breath. Hindi na nga siya uuwi pa. Kaya ang ginawa ko ay inubos ko na lamang ang niluto kong dinner namin. Bahala siya sa life niya. Ako na nga ang may gustong makipagbati sa kanya ay tapos hindi pa niya ako sinasagot. Tss.
Hindi ko nga lang naubos ang lahat ng pagkain kaya itinabi ko na lamang iyon sa refrigerator. Pumanhik na ako sa room na tinutuluyan ko at humiga sa bed. Nakatutok pa rin ako sa phone ko, umaasa na may message na siya. Uuwi pa ba ang lalaking iyon?
Hindi ako uminom ng sleeping pills ko at hinintay ko lang talaga siya. Narinig ko ang pagpindot ng passcode sa baba kaya nagmamadali akong bumaba para salubungin siya.
“Bakit ngayon ka lang umuwi?” malamig na tanong ko sa kanya.
Nasa kaliwang braso na niya ang hinubad niyang coat at saglit niya lamang akong sinulyapan. Humakbang siya palapit sa akin pero sa malamang, iyong hagdanan lang naman talaga ang purpose niya. Umakyat na siya sa room niya.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang nilagpasan niya lamang ako at parang wala lang ako sa kinakatayuan ko. Kaya mabilis akong sumunod sa kanya.
“Mergus.” Hinubad niya ang longsleeve niya at pumasok sa banyo. Aba, hindi niya nga ako pinansin. Galit na galit nga talaga siya sa akin?
Nagsusuplado na naman siya? Bumabalik na naman ba siya sa dati na parang hindi na naman ako nag-e-exist sa buhay niya? Lumapit ako sa pintuan at kumatok. “Mergus... Galit ka ba sa akin? Sorry na... Sorry na sa sinabi ko kanina. H-Hindi ko na...uulitin pa iyon.” Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kundi ang malakas na kaluskos ng tubig.
Pabagsak na dumapa lamang ako sa bed at naghintay na matapos siya sa shower niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan pero hindi muna ako bumangon dahil alam ko naman kung ano ang suot niya ngayon. Naghintay pa ako saglit saka ko siya sinundan pero palabas na siya ng room.
“Don’t follow me. Matulog ka na lang,” malamig na sabi niya sa akin.
“Mergus. Galit ka pa ba sa akin?” tanong ko. “Mergus. Mergus!”
“Pagod ako. Huwag mo akong kausapin.” Bumabalik na nga siya sa dati. Hindi ko na lamang siya kinulit pa at hinayaan ko na lamang.
Ganoon ba magalit ang isang iyon? Magtampo? Sa inis ko ay napagdesisyunan ko na lamang ang matulog. Itinapon ko pa sa sahig ang comforter. Uminom na rin ako ng gamot at nakatulog din ako after that.
I just woke up in the next day na may kumot na ang nakabalot sa akin. Ang naalala ko lang ay nasa carpeted floor ito kagabi pero baka nga ay kinuha ko ulit ito? I shook my head ng wala akong maalala. Mabilis din ako nag-ayos at pinalitan ko ang band-aid sa sugat ko.
I went to living room at wala na roon ang unan saka comforter niya. Baka nasa kitchen na siya at nagluluto ng breakfast namin?
Pero ang nadatnan ko lang ay ang breakfast na nakahain na nga sa table. Kinuha ko pa ang maliit na notes na nakadikit sa pinagtakipan niya ng hinanda niya.
Kumain ka.
-M
I made a facepalm. Two words lang ang isinulat niya rito? Hanggang ngayon ay may tampo pa rin siya sa akin? Grr. Kumuha ako ng bottled water sa refrigerator at kumunot pa ang noo ko nang makita ko na wala na roon ang niluto ko kagabi.
Nasaan na iyon? May kumain ba ng niluto ko kagabi?
Hinanap ko pa ang pinaglagyan ko at malinis na nga iyon. Kinain ba iyon lahat ni Mergus? Pero bakit naman niya ako iniwan?
***
Sa site ay sinusubukan ko pa rin siyang lapitan pero tila naging isang mabangis na tigre siya at ang hirap niyang lapitan. Kahit nasa iisang team na nga kami ay balewala na naman ako sa kanya.
Sina Arch. Sy at Larvae lang ang pumapansin sa akin. Nang naglakad siya sa ibang direksyon ay sinundan ko siya.
“Mergus---”
“Nasa trabaho tayo, Engineer Vallejos. Don’t call the head engineer like that,” malamig na sabi niya sa akin at nakatutok sa iba ang kanyang tiningin.
“You still mad at me?” I asked him.
“I don’t know what you were talking about. Back to your work,” he said at muli na naman niya akong nilagpasan.
Hinubad ko ang suot kong hardhat at sinadya kong ibato iyon sa ulo niya. May suot naman siya na isa pang hardhat kaya hindi siya masasaktan pero natigilan pa siya at muntik na siyang madapa. Nanlaki pa ang mga mata niya nang balingan niya ako.
“What the fvck did you do?!” asik niya sa akin.
“Minumura mo na ako ngayon, ha?” malamig na saad ko at matapang na nakipagtitigan lamang ako sa kanya. He walked towards me at marahas na hinila pa niya ang siko ko. Nagpumiglas ako agad.
Hinapit niya ako sa baywang ko at muli niyang isinuot sa akin ang hardhat.
“Don’t fvcking remove this thing, it’s dangerous, Engineer Vallejos,” he said in a cold voice at pagkatapos niya akong suotan ulit ng hardhat ay tinalikuran na niya ako.
Nagpatuloy pa nang dalawang araw ang hindi namin pagpansinan ni Mergus. Kahit iyong pina-schedule kong conference meeting sa company ay na-delay rin. Sinukuan ko na ang pakikipagbati ko sa fiancé ko dahil wala naman akong napapala pa.
Bumalik lang siya sa pagiging cold niya at iniiwasan na ako kahit nasa iisang condo lang kami. Ang lalaking iyon, ni hindi pa ako nakagaganti sa kanya ay ngayon balik cold na siya at mukhang wala na naman siyang pakialam sa akin? Hinahayaan na niya rin ako na mag-drive sa car ko.
Pero hindi ko rin matukoy kung may galit pa ba talaga siya sa akin. Because he always cooked for our breakfast and dinner. Sa gabi lang kami nagkakasabay na kumain pero hindi naman sa umaga. Palagi siyang umaalis nang maaga at nakahanda lang sa table ang niluto niyang breakfast. Hindi ko siya maintindihan.
To: Mergus
“Hindi ako papasok ngayon. Sa company ako magtutungo.”
***
“Ms. May Ann, everything is ready.” I felt a little nervous when Ruthy told me that everything is ready. I nodded and gave her the folder. I brought my laptop too.
Ruthy and I were just on the door when I heard what the board members were talking about inside the conference meeting.
“President Vallejos’ daughter is here, is that true?”
“Yes, it was also reported that she was engagement with of one of Don Brill’s grandson.”
“But when is that?”
“Just waiting for President Vallejos to arrive in the country, I guess so.”
“That sounds like a good idea because their company will grow more and especially the partnership.”
“I am also expecting that Ms. Arveliah will be the CEO of V’s second branch.” By that I opened the door and they immediately became silent when they saw me. Ayoko talaga ma binabanggit ng karamihan ang pangalan ng kapatid ko. Lalo na kung sa ganitong situation.
I headed towards the chair that was meant for me and felt multiple pairs of eyes following me.
“Ms. Arveliah, good morning.”
“I’m sorry but you mistook me for someone else, Mr. Conrad. I’m not Arveliah Vallejos,” I corrected him as I shook my head. They were all surprised by what I said. I’m really looking forward to this, that they might see Arveliah again because they don’t even know me.
“Pardon, young lady?”
“It’s an insult to me to know me as someone else and I’m also disappointed at the same time because I’m not what you expect to come and see now. First of all I apologize for the delay of our meeting today, sorry everyone. But now, I’m going to introduce myself. I am May Ann Vallejos, I’m the one in charge of managing the third branch company of Vallejos in Canada, in other words, I’m a CEO. I was also expecting this scene to happen. You haven’t seen me yet and we’ve never seen me in person either. I’m not just a relative of our president, or a niece. Because I am the eldest daughter of President Vallejos and Arveliah Vallejos is my youngest sister. I’m sorry if you’re disappointed to see me, not the person you expected to be,” mahabang introduction ko sa kanilang lahat.
Nasa white board ang picture ko at ang pangalan ko. Pati na ang company na hinawakan ko sa Canada at sunod na ipinakita ko ay ang family portrait namin.
“Right, matagal ko nang narinig ang pangalan na CEO May Ann Vallejos. We’re sorry for that, Ms. Vallejos. Pero totoo ang sinabi mo na hindi ka namin nakilala in person.”
“Ngayon ka lang namin nakita pero may tanong ako.”
“Yes, Mr. Dela Fuentes?” tugon ko. Sa sinabi kong pinaghandaan ko rin ang araw na ito ay totoo iyon. Pati na ang mukha, pangalan nila at posisyon ay hiningi ko kay Ruthy kaya alam ko na ang mga pangalan nila.
“Huwag ka sanang ma-o-offend sa sasabihin ko pero ano ang ginagawa mo sa second branch ng company?”
“At kung ikaw ang ipinadala ni President Vallejos ay bakit wala siyang sinabi sa amin na may bago ma siyang CEO ng kompanyang ito? O kaya naman sinabi niya na darating ang anak niya?”
“Sa pagkakaalam din namin ay isa lang talaga ang anak niya pero sa nakita namin na family portrait iyon ay isa ng patunay na anak ka nga ni President Vallejos. Ngunit paano kami magtitiwala sa isang tao na ngayon lang namin nakilala, Ms. Vallejos? Na ngayon lang namin nakita? Kahit na malaki pa ang pagkakahawig niyo ng kapatid mo ay paano namin ibibigay sa iyo ang suporta namin kung wala ka pang ipinapakita sa amin na isang bagay na kaya mo ngang hawakan nang maayos ang kompanyang ito?”
“Hindi pa ho ba sapat ang kompanya natin sa Canada? Alam kong alam niyo rin na kung sino ang humahawak ng first branch ng kompanya natin. Masyadong pribado ang aking ama at hindi na niya ako ipinakilala pa sa inyo dahil alam niya rin na hindi ako mahilig makisama sa maraming tao. Kaya ang inaasahan niyo rin na magiging CEO ng kompanyang ito ay ang kapatid ko. Maybe the rest of your questions are reserved for my father because I can’t answer them. Tungkol naman sa pagdadalawang isip ninyo sa akin na susuportahan ako at pagkatiwalaan ay gagawa rin ako ng paraan upang makuha ang mga iyon. But I’m not only a CEO because I’m also an engineer and one of the handlers of our company’s new project. Kasama ko sa trabaho ko ang isa sa miyembro ng Brilliantes clan.”
“Can we discuss this next time, Ms. Vallejos? Pag-iisipan naming lahat ang isasagot namin para sa bagong CEO ng kompanya natin at pati na rin ang pahayag ni President Vallejos. Hindi kami makakapag-decide agad.”
“I understand,” usal ko. Ano pa ba ang choice ko? Kundi ang pagbigyan ko na lamang sila.
“Teka lang...” Napatingin naman ako sa kanilang lahat nang isa-isa silang tumingin sa mga cellphone nila at may kung ano silang binabasa roon.
“Kung ganoon ay totoo nga ang balita?”
“Ang tungkol sa nalalapit na engagement party ni Ms. Arveliah at si Engineer Mergus? Ang isa sa kambal ng Brilliantes clan.”
I looked at Ruthy when she immediately approached me. “Ma’am, heto po tiningnan ninyo.”
“Breaking news, there is rumored about, Don Brill having another granddaughter soon. He also said before in the interview that he will choose the woman for his grandsons to marry and here is the news. Another member of the Brilliantes clan will get engaged to a woman chosen by his grandfather and it looks like their engagement party is soon to be announced. Spotted the newly couple in a fancy restaurant last night as they were eating their dinner. Their closeness can be seen as they portray happiness. Finally we will meet the woman who will capture the heart of an engineer, the daughter of President Vallejos, the owner of V. Real Estate Company and CEO of first branch in Canada which is Ms. Arveliah Vallejos. Her soon-to-be fiancé is Engineer Mergus S. Brilliantes.”
“May naalala lang ako na pinag-usapan namin dati ni Don Brill. Totoong makikipag-merge nga siya sa Vallejos family at inaasahan niya raw na ang magiging bagong CEO natin ay ang napili niya para sa apo niya.”
“So, Ms. Vallejos. Can you explain this to us?” Sunod-sunod na tanong pa ang natanggap ko from them, about the news pero kahit isa ay wala akong naisagot. Parang nakalutang lamang ako sa ere.
Ni hindi ko na sila nabigyan pa siya ng pansin dahil nag-focus lang ako sa nalaman ko na may dinner pala sila kagabi. Kaya naman pala late na siyang umuwi at ako naghintay pa sa kanya dahil naghanda rin ako ng dinner namin.
Pero masarap na dinner na pala sa fancy restaurant ang kinain niya kasama pa ang kapatid ko. Kaysa naman sa luto ko na hindi pa ako sigurado kung nagawa ko ba ng tama at nakuha ang lasa ng mga pagkain na iyon.
“Pasensiya na po, ang mga tanong po ninyo ay sa susunod na lamang sasagutin. Wala na pong kinalaman si Ms. May Ann tungkol sa lumabas na balita. Excuse us.” Halos hindi ko na rin maalala pa kung paano ako hinila palabas ni Ruthy at nagawa nga niya akong ilabas doon.
Nanikip ang dibdib ko at may kaunting kirot pa akong naramdaman. Ganoon pala ang nangyari.
Sila naman talaga ang dapat na ma-engage. Hindi kami. Si Arveliah na talaga ang napili nila pero nakita lang ako ni Don Brill. Sana nga ay si Arveliah na lang at sana nga rin ay wala ako ngayon sa harapan nila.
Sa lumabas na news tungkol sa kanila ay parang may sumampal lang sa akin. Hindi ko pa nga nakukuha ang mga tiwala nila ay ngayon pinagdududahan na nila ang pagkatao ko.
Napahiya ako dahil lang doon. Napahiya ako mismo ng sarili kong kapatid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top