CHAPTER 30

Chapter 30: Wanted to Marry

“HINDI ba pagod ka na? Bakit hindi ka pa matulog?” tanong ko sa kanya. Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya.

“Fine,” malamig na sabi niya at ang akala ko ay matutulog na nga siya pero nilapitan pa rin niya ako. He sat down beside me at may hawak siyang disposable cup at may laman na itong tubig.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang isa pang tableta ng sleeping pills. Tumaas ang sulok ng mga labi ko at hindi ko na napigilan pa ang mapangiti. Tinaasan pa niya ako ng kilay.

“Sige na. Hindi na kita pipilitin pa. Drink this but you need to limits yourself, okay? Subukan mo na uminom nito twice a week, hmm?” malambing na sabi pa niya sa akin. Puwede naman siyang maging mabait talaga, eh. Hindi iyong palagi akong sinusungitan.

“Ano iyan? Nagiging mabait ka na naman sa akin? Ngayong gabi lang?” nakataas ang kilay na tanong ko rin sa kanya.

“Miss, hindi kita aawayin sa gabi,” sabi niya at nawala ang ngiti ko sa labi nang makita ko rin ang pagngisi niya. Dahil alam ko kung ano na naman ang iniisip niya.

“You...”

“Come on, drink this, and we’re going to sleep,” mariin na utos niya sa akin at sumunod naman ako sa kanya pero nang umiinom na ako ng tubig ay nakarinig naman ako ng tunog ng...

“What was that, Engineer?” nakangising tanong ko sa kanya. Ang tiyan niya mismo ang nag-iingay. I’m sure na hindi pa siya nag-dinner.

“Ngayon ka lang ba nakarinig ng ganoon?” nang-aasar na tanong niya sa akin.

“Are you hungry?” I asked him. Kinuha niya mula sa akin ang cup saka siya tumayo. Inubos niya ang laman nito saka niya ibinato sa trash bin.

“Ano naman? Itutulog ko pa rin ito,” masungit na sabi niya pero napahalakhak na lamang ako. “This is because of you. Sa lunch time kanina ay burger lang ang kinain ko,” he added.

“Ang sarap ng in-order ni Grandpa kanina sa dinner namin. Kung mas maaga ka sanang dumating ay baka nakasabay ka pa sa amin. Sana pala ay hindi lang burger ang kinain mo sa lunch time,” pagpaparinig ko sa kanya.

“Shut up, Miss,” sita niya sa akin. I stood up from my seat and approached him.

“Come on... Food trip tayo... Iyong sa... pinuntahan namin ni Miko? Tapos...tawagan mo siya,” sabi ko at marahas na bumaling pa siya sa akin.

“At bakit ko tatawagan ang kapatid ko? Ako ang inaaya mo pero ang gusto mo ay kasama pa si Miko? Nagpapatawa ka ba, Miss?” tanong niya sa akin at ngumuso lang ako.

Inirapan pa niya ako. “Parang babae, ah,” mahinang komento ko.

“What is it, Miss?” he asked me. I shook my head.

“Why are you so formal kung tawagin mo akong Miss, Mergus? May Ann ang itawag mo sa akin,” sabi ko.

“I just want to call you, Miss. Hindi dahil ayokong tawagin kita sa pangalan mo. I find it very cute, Miss...” I just shook my head dahil sa sinabi niya.

***

Nagpalit lang ako ng damit, pink blouse and a color brown bermuda types of short pants. “Talagang handa kang maglayas kanina?” may kalamigan ang boses na tanong sa akin ni Mergus. Habang nagsusuot na ako ng puting sneakers.

Nainis nga siya sa akin nang umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Sinadya ko naman kasi iyon dahil sa galit na nararamdaman ko. Pero ngayon ay wala naman na akong nararamdaman pa na pagkainis sa kanya.

Dahil siguro nalaman ko na buong araw siyang nasa labas at hinanap niya ako. Pero saan naman kaya ang naabot niya, ’no? Curious lang ako.

“Engineer, hindi naman ako maglalayas kanina. Gusto ko lang lumabas ng walang nakabuntot sa akin na fiancé ko at saka galing kay Grandpa ang mga gamit na ito,” my explanation.

“Wow, binibilhan ka ni Grandpa ng mga damit? Samantalang ako ang apo niya pero kahit isang brief ay hindi niya ako----” he didn’t finish his words when I stared at him.

“Gusto mong bilhan kita ng brief mo? Para hindi ka na magtampo pa sa Grandpa mo?” I mocked him at nang makita ko ang pamumula ng leeg at tainga niya ay hindi ko na naman napigilan ang pagtawa ko.

“Kanina ka pa, ah,” iritadong sambit niya.

“Tara na,” pag-aaya ko.

Nang nasa parking lot na kami ng hotel ay naglahad agad ako ng kamay. “What?” nalilitong tanong niya.

“Ako ang mag-da-drive,” sagot ko.

“May license ka ba?”

“International license,” I blurted out.

“Ang yabang, ah.”

“I am not,” depensa ko sa sarili ko. May international license ako at hindi naman iyon pagmamayabang, ah. Kung ano-ano ang pinagsasabi niya.
Ibinigay naman na niya sa akin ang key ng car niya. Ang sabi niya kasi ay pagod na siya at inaantok na. Kaya naman hindi kami safe pareho kung siya pa ang magmamaneho nito kaya nag-volunteer na lamang ako. “Just lead me the way.”

“Can I ask you something?” Saglit ko siyang sinulyapan at ibinalik ko rin ang tingin ko sa road.

“Nagtatanong ka na sa akin, Engineer,” ani ko.

“Is there any chance na magkakaroon ka rin ng interest sa music?” he asked me.

“Why’d you asked me that?” Nakapagtataka lang na magtatanong siya sa akin about the music. May nalaman kaya siya?

“Just answer me.”

“Maybe yes and no, both answer I guess,” I replied. “Oy, let go of my hand. Maaaksidente tayo sa ginagawa mo!” sita ko sa kanya dahil sa paghawak niya sa kanang kamay ko. Naramdaman ko pa ang marahan na pagmasahe niya sa mga daliri ko. “Mergus...” may pagbabantang sambit ko sa pangalan niya.

“Sa nakikita kong mga kuko ng isang babae ay napapansin ko na mahahaba iyon at may nakalagay pang nail polish. Eh, bakit iyong kuko mo ay maikli lang ang kuko mo? Ayaw mo sa mahaba?” tanong niya sa akin. Bakit ba iyon ang napapansin niya?

“Kailangan na maikli lang ang kuko ko kasi mahirap magtipa ng keyboard sa laptop dahil sumasagi ang kuko ko. Masakit at nababali naman siya kung minsan, and besides mas mabilis kung maikli lang. Bakit ka ba nagtatanong tungkol doon? At bakit pinapansin mo ang nail polish ng babae? Gusto mo bang magpalagay?” kunot-noong tanong ko.

“Sinasabi mo bang bakla ako kaya napapansin ko ang mga iyon dahil gusto ko ring magpalagay?” tanong pa niya.

“Ikaw lang naman ang nagsasabi niyan, ha,” sabi ko.

“I just noticed your sister’s fingernails. Mahaba at may pink nail polish pa. Bakit siya ay hindi naman nahihirapan sa pagtipa ng keyboard?”

“Tinanong mo rin iyon sa kanya?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Binitawan na niya ang kamay ko at tumingin sa labas ng bintana.

“Just forget it,” he said.

“Okay whatever you say...”

***

Titig na titig sa akin si Mergus nang makita ang excitement ko. Umuusok sa init ang sauce ng street foods at nanunuot sa aking ilong ang maanghang na amoy nito.

Hinintay ko lang na lagyan niya ako ng fish ball, kikiam at ang mga gusto ko pang kainin ngayong gabi. Pero tinanggal niya lamang ang takip ng bottled water na binili niya at inilipat iyon sa akin.

“Drink this before you eat,” utos niya. Kinuha ko iyon at kaunti lang ang ininom ko.

May kasama rin kami na customers at kumakain din sila ng street foods. Na sinamahan pa ng softdrinks. Nakaupo naman sa tapat ko si Mergus.

“Come on, lagyan mo na ang bowl ko,” sabi ko at hindi na talaga ako makapaghintay pa na kumain. He heaved a sigh therefore my gaze shifted to him. “What’s wrong? Ayaw mo sa street foods?” I asked him. He shook his head at pinuno na nga niya ang bowl ko. “Uubusin ko ito lahat, Mergus...”

Nanginig ang katawan ko nang malasahan ko ang mainit na malambot na fishball at super anghang niya nga na dumaan pa lalamunan ko kaya napaubo ako.

“Dahan-dahan naman!” suway niya sa akin sabay na hagod sa likod ko.

“I’m fine,” sabi ko at hindi ko siya pinansin. Sunod-sunod lang ang pagsubo ko. Kumakain din naman siya pero napapansin ko na nakabantay talaga siya sa akin.

Hanggang sa tumayo siya at tinanggal ang suot niyang coat. Naiwan ang black v-neck t-shirt niya. Magtatanong pa sana ako kung ano ang gagawin niya pero ipinatong na niya sa balikat ko ang coat niya. He was acting like a gentleman na naman pero sure ako na hindi naman niya ako mapapansin kapag kasama na namin si Arveliah.

Kaya kung puwede lang ay sana hindi kami magtatagpo na tatlo. Ayokong maging invisible sa paningin ni Mergus. Ayaw ko lang... Hindi ko naman mahanap ang dahilan na iyon, basta ayoko.

“Dito ka lang,” sabi niya at patakbong nagtungo sa kung saan. I just shrugged my shoulder. Hindi naman niya siguro ako iiwan ulit, dahil alam niya ang gagawin ko kapag ginawa niya iyon ulit, right?

Hindi pa nakababalik si Mergus ay ang nga kaibigan naman niya ang dumating. I’m glad to see them naman.

“Hey, May Ann! Nandito ka pala!” masayang bulalas pa ni Levia at umupo sa tabi ko. Isusubo ko na sana ang hotdog nang mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at iniumang iyon sa bibig niya.

“Levia, bakit ka ba nang-aagaw ng pagkain?” tanong ni Reixen.

Napatingin ako sa lalaking umupo sa puwesto kanina ni Mergus. Una kong nasilayan ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi niya bago ang mga mata niyang may buhay. Kumikislap, eh.

“Zerohian, hi,” I greeted him at nangalumbaba na naman siya.

“Bakit ang fresh mo pa ring tingnan sa gabi, May Ann? What I mean to say ay ang ganda mo palagi,” he said. Bago pa man ako makasagot nang sumingit na agad si Mergus.

“What are you doing here?” malamig na tanong niya sa mga kaibigan niya.

“Nice to see you here too, Gus,” ani naman ni Reixen pero alam kong nagsisimula na naman siya sa pang-aasar niya.

“Gus, gusto ko rin ng ice cream,” sabi ni Levia at ice cream lang pala ang itinakbo ng engineer na ito?

“Binili ko ito sa isang tao lang,” supladong sabi niya kay Levia at ibinigay na nga ito sa akin.

“Ang bait mo ngayon, Gus, ah,” puna naman ni Zerohian.

“Dahil hinahanap niya kanina si May Ann, ’di ba? Akala niya ay nasa clinic mo, Zero,” natatawang sabi ni Reixen.

“Really? Pinuntahan ka niya?” namamanghang tanong ko kay Zerohian at tumango naman siya bilang tugon.

“Saan ka ba nagpunta kanina, May Ann? Halos màmatay na sa pag-aalala itong best friend namin dahil sa ’yo,” sabi naman ni Reixen. I looked at my fiancé. Humila siya ng isang upuan at inilapit iyon sa akin saka siya umupo.

“Alam na niya iyon. Just ask him,” I told him and he nod his head.

“Saan nga ba, Gus?”

“Kung nandito kayo dahil gusto ninyong kumain ng street foods ay kumain na lamang kayo. Hindi iyong ang dami pa ninyong pinagsasabi riyan.” Tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya. Kahit na kailan talaga ang lalaking ito ay napakasuplado.

“Kumusta ka, May Ann?” tanong sa akin ni Zerohian na may ngiti pa sa labi niya. Una ko talagang napapansin ang dimple niya.

“Kanina ka pa, Miss.”

“Hmm?” Baling ko kay Mergus dahil sa biglaan niyang pagsasalita.

“Gusto mo bang burahin ko ang mukha ni Zero para sa ’yo?” malamig na tanong niya at nagtaka naman ako sa sinabi niya.

“What?” Mabilis naman nailipat ang tingin ko kay Zerohian nang malakas siyang tumawa. “What’s going on?” I asked them.

Ngumisi lang sa akin si Reixen at mas pinili ang manahimik. Si Levia naman ang tiningnan ko.

“You didn’t smell that, May Ann?”

“What? What was that?” Clueless pa rin ako.

“May nagseselos dito,” sabi niya at marahas na tumayo si Mergus. Nagtungo siya sa vendor para magbayad yata, bumalik siya sa side namin para alalayan akong makatayo.

“Wait... Saan naman tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“We’re going home,” mariin na sabi niya. Kinuha ko naman ang ice cream na binili niya. Ayokong iwan iyon at gusto ko pang tikman ang flavor niya. “We’ll go ahead,” paalam niya sa tatlo.

“You’re just jealous over me, Gus,” Zerohian blurted out.

“Shut the fvck up, Zero.”

Bumalik kami sa hotel at naubos ko naman ang ice cream kanina habang nasa biyahe kami.

“You okay, Mergus?” I asked him. Ang seryoso masyado ng looks niya at umiigting pa ang panga.

“Hindi ba uminom ka na kanina ng sleeping pills mo, May Ann?” tanong niya sa akin sa halip na sagutin ako.

“Uhm, yes. Why?”

“Hinayaan pa kita na mag-drive kanina samantalang ikaw ang mas delikado kanina at bakit hanggang ngayon ay gising ka pa?” nagtatakang tanong niya sa akin.

“I don’t know. Bigyan mo na lang ulit ako para makatulog ako agad,” sabi ko at hinubad ko ang coat niya. Inilagay ko ito sa paanan ng kama saka ako humiga rito.

“No. Sapat na ang kanina. We’ll meet Zerohian tomorrow then. He’s a psychiatrist doctor,” he said and I just nod my head. “Okay lang sa ’yo?” gulat na tanong naman niya.

“Yeah. It’s fine,” I uttered.

“Ayos lang sa ’yo na dalhin kita sa psychiatrist doctor? Hindi ka ba na-offend sa sinabi ko? Kung sa ibang tao ko sinabi iyon ay sasabihin din nila agad na hindi sila baliw para makipagkita sa isang psychiatrist.”

“Baby, I already meet one of the psychiatrist doctor in the world. Why so big deal?” tanong ko at nang tingnan ko ang mukha niya ay kakaiba na ang naging reaction niya. Mariin na naitikom niya ang bibig niya at namumula na naman ang tainga niya.

“Did you just...called me baby?” I rolled my eyes.

“To shut your mouth. Go to sleep at dapat maaga tayo uuwi bukas sa condo. Come on, I let you sleep beside me, Engineer...” I heard him sighed again before he lay down beside me. I felt him staring at me but I remained my eyes closed.

“Good night,” he uttered.

“Night.” Bago ako nakatulog ay naramdaman ko pa ang paghigpit nang yakap niya sa akin. To be honest, hindi naman ako agad makakatulog pero naamoy ko ang madalas naming pinag-aawayan na body wash niya and his shampoo. Gumaan ang pakiramdam ko at nakatulog ako ng dahil lang doon.

The next day, maaga nga kaming umuwi sa condo and pareho na kaming naghahanda but...

“Mergus, hey!” tawag ko sa kanya at kinatok ko pa ang pintuan sa banyo. Alam kong nasa loob siya ng room niya. Tapos na siya naligo, eh. Baka nakabihis na rin siya.

“What?” he asked.

“Where’s my soap and shampoo here?” I asked him.

“Nandiyan lang sa sink,” sagot niya at napatitig ako roon pero wala naman doon ang binili namin ng isang araw. Iyong sa kanya lang ang nandoon.

“Wala roon. Iyong sa ’yo lang ang nakikita ko,” sabi ko. Napaigtad ako nang kinatok niya ang pintuan pero hindi ko naman iyon binuksan.

“Miss, kung ano ang nakikita mo riyan ay iyan na ang gamitin mo. Why so choosy?” Napaisip naman ako sa sinabi niya. Wait a minute...

“Mergus, did you just throw them inside the trash bin?!” sigaw ko sa kanya at nang silipin ko iyon ay nandoon na nga lahat. When I tried to put it ay wala na pala siyang laman! “Mergus! You intentionally throw it, do you?! Do you?!”

“Exactly, baby...”

“Engineer Mergus you’re so immature!” naiinis kong sigaw at ang malakas na halakhak niya lamang ang narinig ko. Nagpapadyak ako sa super frustrated ko sa kanya.

Anong klaseng pag-iisip ba ang lalaking iyon at naisipan pa niyang itapon ang mga gamit ko?! Nagsasayang lang siya ng pera, eh.

***

“Hmm... Smells heaven...” I immediately hit his right shoulder. Alam ko kung ano ang pinagsasabi niya na smells heaven. Ngayon bumabalik na naman kami sa pakikipag-away namin sa isa’t isa.

Sinadya niya nga talaga na itapon ang binili kong body soap at shampoo ko tapos ang daming stocks ng sa kanya. Itinapon na rin niya sa trash bin at para wala na nga akong magagamit ay pati ang laman nito ay ibinuhos niya rin. Iyong inis ko sa kanya kanina ay parang sasabog ang dibdib ko pero pinipigilan ko na lamang ang emosyon ko.

Gusto niya lang kasi na gamitin ko iyong body wash at ang shampoo niya. Tsk.

“I’m going to buy another,” I told him and he just shrugged his shoulder.

“Gagawin ko rin ang ginawa ko kanina. Just watch it, May Ann,” nakangising sabi niya sa akin.

“You’re so unbelievable, Mergus. Gamit ko iyon at ayokong gamitin iyon sa ’yo dahil panlalaki naman iyon,” mahinahon na sabi ko at tumango lamang siya. Nang tumingin ako sa labas ay napansin ko na hindi ito ang daan patungo sa site. “Saan tayo pupunta, Mergus? Hindi ito ang daan papunta sa site,” sabi ko at tumango naman siya.

“Just wait,” he just said. “About your sister---”

“Marry her as soon as possible, if you don’t want to get engage with me,” sabat ko. “Dahil sa oras na dumating na ang parents ko ay alam mong mamadaliin na nila ang engagement party,” I added.

“The hèll. Ako ang fiancé mo tapos pinapamigay mo lang pala ako sa ibang babae?” iritadong tanong niya sa akin.

“Hindi naman siya ibang tao sa ’yo, right? You like her. So, what do I expect? Na gusto mo lang siya pero ayaw mo naman siyang---”

“What if I tell you that you’re the woman I want to be my wife in the near future? That I want to marry you?” My heart skips a beat. Totoo ba ang mga naririnig ko na sinabi niya? O baka nagkamali na naman ako.

Marunong pa naman siyang magbiro at napakaimposible na ako pa ang gugustuhin niyang maging wife niya. Eh, hindi niya nga ako gusto. Sinasabi pa niya sa akin na nakikita niya sa akin ang kapatid ko. Na naalala niya si Arveliah kapag ako ang kasama niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top