CHAPTER 28
Chapter 28: His three warning
“I’M YAM Vallejos po,” I uttered my name. Iyon ang ginamit kong name ko para magpakilala sa principal ng academy na ito.
“Nice meeting you, Ms. Yam. Glad to meet you, ang suwerte ko na makilala ko ang isa sa granddaughter-in-law ni Don Brill,” nakangiting sabi niya pagkatapos niyang makipagkamay sa akin.
“Take care of her, Ms. Acasia,” paalala naman ni Don Brill. Na parang isa nga akong babasagin na palamuti.
“I will, Don Brill, and by the way. Your name, Ms. Yam. It’s familiar. Parang narinig ko na siya somewhere,” sabi niya at napahawak pa siya sa chin niya na parang nag-iisip siya at pilit na inaalala kung saan niya ba ’yon unang narinig.
“Well, it’s for you to find out, Ms. Acasia,” Grandpa uttered. Kahit siya ay wala rin namang idea pero baka mayroon din. He remained silent.
“Ang hilig ninyo po sa secret, Don Brill. Ms. Yam, hayaan mong i-tour kita sa academy namin para malaman mo rin ang pasikot-sikot dito,” friendly na sabi niya na ikinangiti ko.
“Yes po. Thank you.”
“It’s my pleasure.” Binalingan ko naman si Don Brill. Ang aliwalas ng mukha niya.
“Sasama po ba kayo, Grandpa?” I asked him.
“Dito na lamang ako maghihintay, apo. Sige na, enjoy,” he said. Ginawaran ko agad siya ng matamis na ngiti. Tumango na lamang ako saka ako sumama kay Ms. Acasia.
“This is the whole campus, Ms. Yam. Hiwalay lang ang mga estudyante na may iba’t ibang bilang ng mga grades nila. Para maiwasan din ang gulo ng mga bata. But iisa lang din ang ginagamit nilang gymnasium,” her explanation at sinabayan pa niya nang gesture kung kaya’t sinundan ko nang tingin ang mga itinuturo niyang places.
Malaki nga ang campus nila pati na rin ang gymnasium nito. “Hindi po pala mababahala ang mga parents nila kapag masyadong maaraw at tirik na tirik ang araw dahil may masisilungan naman po sila habang nasa labas sila ng kaniya-kaniya nilang classroom,” sabi ko habang pinagmamasdan ko iyon.
“Ni-secure talaga namin iyan, Ms. Yam. Para mas marami pa kaming estudyante na mag-e-enroll sa academy. Una nila kasing tinitingnan ang campus, kung safe ba ito para sa mga anak nila, pati na ang environments. Ang ibang parents naman ay nagkukusa sila na maging isa sa sponsor namin.” Tumatanggap din pala sila ng sponsor. Kung sabagay elite member lang ang mostly students nila rito.
“Sa gymnasium po ba. . . Ano-ano po ang sports ninyo?” curious kong tanong.
“Halos nasa amin na ang sports and especially music. Iniba lang namin ang building ng music room together with our mini museum. There is the music room.” Light blue ang structure ng music room nila. “May playground din kami, a cafeteria and a soccer field.”
After the tour ay dinala ko naman si Don Brill sa music room. Na-excite pa siya noong sinabi ko na tutugtog ako para sa kaniya. Inakay ko pa siya roon at pinaupo sa tabi ko.
Isa na sa mga taong mahahalaga sa akin si Don Brill, dahil pinapahalagahan niya rin ang existence ko sa mundong ito. Bagay na hindi naman ginawa ng parents ko.
“May Ann, it seems I heard this somewhere,” he commented after kong nagpatugtog.
“Really po?” namamanghang tanong ko sa kaniya. Aminado ako na marami na rin ang nakarinig ng favorite song ko na iyon. Though it’s just a instrument music.
“Yeah, somewhere. . . Hindi ko lang maalala. Bakit kaya palagi nating nakalilimutan ang mga importanteng bagay na nangyayari sa buhay natin?” tanong niya na nasa boses ang pagtataka.
“Siguro po, baka wala lang kabuluhan ang mga iyon kaya madalas ay nakalilimutan na natin,” sagot ko, ayon naman sa paniniwala ko.
“I’m not agree though. Gusto ko pa rin na maalala kung saan ko unang napakinggan iyon,” naiiling na Sabi niya.
“Grandpa, hindi po ba kayo magtatanong sa akin na kung bakit. . . Yam Vallejos ang ibinigay kong pangalan sa principal?”
“Hija, kung isa kang writer ay iyon ang penname mo. Kung artista ka naman, iyon naman ay screenname mo. You, as a pianist ay ikaw naman si Yam Vallejos,” paliwanag niya at talagang understanding siya.
“Thanks, Grandpa. Kayo lang po ang nag-appreciate ng pagiging pianist ko,” I told him.
“You’re always welcome, apo. Wait, kanina pa nag-r-ring ang cellphone ko,” he said at tiningnan na nga niya ang phone niya. “Can you read it for me, May Ann?” pakikiusap niya na tinanguan ko naman.
“Sure po,” sabi ko at inabot na niya sa akin ang phone niya. Hindi ko na nabasa pa ang pangalan dahil binasa ko agad ang message. “Grandpa, kasama ninyo po ba ngayon ang fiancé kong si May Ann? Ha?” gulat na sambit ko naman at nilingon ko si Don Brill.
“It’s your fiancé? Si Mergus?” Tumango ako nang mabasa ko na ang name nito. Nagulat pa ako nang lumabas naman ang mukha nito sa screen at tumatawag na nga siya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita na umabot na ito sa hundred missed calls.
“K-Kanina pa po siya tumatawag, Grandpa?” gulat na tanong ko. Ngumiti lang siya sa ’kin bilang tugon saka ko ibinalik sa kaniya ang cellphone niya.
“Yes, apo?” sagot niya.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Mergus. Naka-loudspeak pa. “Grandpa, ang sabi po ng kasambahay ninyo sa mansion ay may kasama kang magandang babae kanina. Fiancé ko po ba iyon, Grandpa?” agaran na tanong nito na ikinataas ng kilay ko. Bakit naman niya ako hinahanap, ha? Hindi naman ako si Arveliah.
“Sigurado ka ba na fiancé mo ang kasama ko, hijo? Bakit mo hinahanap sa akin ang fiancé mo? At bakit mo pala siya hinahanap? Inaway mo ba siya?” seryosong tanong ni Don Brill sa kaniyang apo at sinulyapan pa niya ako.
“No, Grandpa. Hindi na po kami bata para mag-away pa,” sagot nito na ikinairap ko sa ere. Talaga lang, ha?
“Eh, bakit sa akin mo hinahanap ang fiancé mo? Nasa iisang bubong lang kayo, apo,” casual na sabi lang ni Don Brill.
“Hindi po ba ninyo kasama si May Ann, Grandpa? Baka kasi dumaan siya sa mansion kanina?” pangungulit na tanong pa nito.
“Malay ko, hijo. Hindi ko naman siya fiancé, ah,” pambabara ng lolo niya sabay kindat sa ’kin kaya napangiti lamang ako.
“Opo, hindi po ninyo fiancè. Sa akin nga po siya. Grandpa. Nasaan po ba kayo ngayon? Nasa golf club po ba kayo? Ako na po ang susundo sa inyo,” sabi pa ni Mergus. Parang inuuto niya lamang ang kaniyang lolo. Pero sa sinabi niyang sa kaniya lang ako? Pss. Isang biro lamang iyon.
“Hmm. No need. Uuwi ako mamaya. Kasama ko ang assistant ko. Sige na, hanapin mo na ang nawawala mong fiancé. Baka mamaya pa niyan ay nasa Italy na iyon,” ani Don Brill.
“Baka sa Canada po, Grandpa. Bakit naman siya pupunta sa Italy?” nagtataka nitong tanong. Ang boses niya. Parang maamong tigre.
“Aba malay ko naman. Alamin mo kung curious ka. Sige na, busy ako, Mergus.”
“S-Sandali lang po, Grandpa—”
“Ang batang iyon talaga,” umiiling na sambit niya at inilipat naman niya ang tingin sa akin. “Hija, may ginawa na naman ba sa ’yo ang apo ko?” tanong nito sa akin.
“Opo, iniwan po niya ako kahapon sa restaurant. Hindi niya na po ako binalikan, eh,” sumbong ko at napabuntong-hininga siya. Bahala na si Mergus kung mapagalitan siya ng grandpa niya. Basta sabi malaman ni Don Brill ang ginawa niya sa ’kin.
“Haist. Magpapa-book ako ng suite sa hotel. Doon ka muna pansamantala. Hayaan mo ang apo ko na mag-alala sa ’yo, hija. At siya naman ang gagawa ng paraan kung paano ka niya hahanapin.” Napangiti ako sa suggestion ni Don Brill. Parang favor nga siya sa ’kin at siya pa ang gumagawa ng paraan kung paano ko magagantihan ang apo niya.
“Sige po, Grandpa.”
Bago nga kami naghiwalay ni Don Brill at sinamahan pa niya ako sa hotel ay sabay pa kaming kumain ng dinner. Inutusan pa niya ang babaeng assistant niya na magdala ng damit para sa akin.
Ilang oras pa akong nakatunganga sa kisame at nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Totoo kayang hinahanap ako ng engineer na iyon?
Bakit naman niya kasi ako hahanapin pa, eh wala naman siyang pakialam pa sa katulad ko? Iba naman kasi ang gusto niya, ’di ba?
Siguro takot lang siya sa Grandpa niya na baka nga bumalik na ako sa Italy at tuluyan na akong mag-b-back out sa pinagkasunduan ng parents namin para sa arrange marriage? Well, nandito naman na si Arveliah. Puwede na niyang pakasalan pa ang kapatid ko.
I rolled down on my bed. Dahil sa sinabi ko ay nanikip ang dibdib ko. Parang ayoko sa idea na ikakasal sila ni Arveliah. Napabuntong-hininga na lamang ako. What’s wrong with me ba?
Naitukod ko ang chin ko sa malambot na kama. Bahala siyang maghanap. Oo, nagalit nga ako sa ginawa niya. Inis na inis ako, na kulang na lang ay tirisin ko na siya ng pinong-pino pero hindi naman tumatagal ang sama ng loob ko. Madali akong magpatawad. Ilang oras lang ang lilipas ay okay na ako. Hindi naman ako marupok, ah. Sadyang hindi lang ako nagtatanim ng sama ng loob. Baka sa parents ko ay oo.
Sa pagmuni-muni ko ay nakarinig naman ako ng pag-doorbell sa suite ko. Napatingin pa ako roon. Wala na akong inaasahan na bisita ngayon. Dahil baka nakauwi na si Don Brill. O baka may ipinadala na naman siya sa akin?
Tinatamad pa akong bumangon at nagtungo ako sa pinto para buksan iyon. Nang pinihit ko ang doorknob para mabuksan na ito ay gayon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang lalaking walang emosyon na nakatayo sa harapan ko. Ang dilim masyado ng aura niya.
Mabilis kong isinara ang pinto pero humarang ang kamay niya kaya naipit ’yon pero hindi ko binitawan ang pintuan. Pinipilit ko pa rin itong isara. Malakas siya at kayang-kaya niyang itulak ito patungo sa akin pero hindi niya ibinigay ang buong lakas niya. Nakapagtataka lang.
“Open this damn door, May Ann!” sigaw nito sa akin kaya mas lalong hindi ko siya papapasukin sa loob.
“Ayaw ko nga. Sino ka ba para sundin ko ang inuutos mo, ha?” malamig na saad ko.
“Buksan mo ’to at papasukin mo ako.”
“Malalim na ang gabi. Hindi na puwedeng pumasok pa ang mga lalaking katulad mo sa room ng girls,” I reasoned out at napangiwi ako nang mas lumalakas ang pagtulak niya. Tumalikod na ako sa pintuan at itinulak ko rin ito sa kaniya.
“Miss, I’m your fiancé!” pagalit na sigaw niya.
“And you left your fiancé inside the restaurant just to fetch the other girl. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng fiancé mo sa ginawa mong iyon?” I fired back.
“I was just angry dahil naghihintay siya sa ’yo sa airport pero hindi mo siya sinundo!” sigaw niya pabalik sa akin.
“Engineer, I didn’t know about her arrival and it’s too late to read her text message because you already fetched her! Pabida-bida ka kasi!”
“Exactly!”
“Yes, exactly! She’s my sister at ako lang dapat ang mag-aalala sa kanya. Hindi ikaw! So, go away at huwag mo na akong guguluhin pa! Just marry my sister and leave me alone!”
“Masasaktan ka kapag hindi mo binitawan ang pinto at buksan iyan, Miss,” pananakot niya at napairap ako.
“I will call the guards at sasabihin ko na nanggugulo ka sa akin! Paano mo ba nalaman kung nasaan ako ngayon, ha?!” naiinis kong tanong sa kaniya.
“Miss. . . Bubuksan mo ba ang pintuan o wawasakin ko na lamang ito? Mamili ka. . .”
“Ayoko. Puntahan mo na lang ang kapatid ko at sa kaniya ka na lang manggulo! Ang pinto ng room niya ang wasakin mo, cause I don’t care!” Namilog ang mga mata ko nang puwersahan na nga niyang binuksan iyon.
Ang akala ko ay babagsak na ako sa floor pero mabilis niyang nahawakan ang pulso ko at hinila pa ako nito. Marahas niya akong isinandal sa pintuan pagkatapos niyang isara ito nang malakas.
Bayolenteng napalunok ako nang makita ko ang malamig na mga mata niya. Napapikit pa ako nang marahas niya ring itinukod sa gilid ng ulo ko ang kamay niya.
Nanginginig lang ang katawan ko sa kaba nang malanghap ko ang pamilyar niyang pabango. Pero kakaiba naman ang pakiramdam na iyon. Hindi naman ako takot na saktan niya ako physically. Dahil alam kong hindi naman niya iyon magagawa sa akin.
Napapitlag ako nang namahinga ang ulo niya sa kaliwang balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya na tumatama sa leeg ko. Kaya iyong batok ko ay namamanhid na naman. Sunod-sunod ang paghinga niya nang malalim.
“This is your first warning, Miss. Kung mauulit pa ito ay baka kung ano pa ang gawin ko sa ’yo. Tatlong warning lang ang mayroon ka at ngayon ay dalawa na lamang,” he warned me.
“At ano naman ang gagawin mo sa akin, ha? Are you going to hurt me?” seryosong tanong ko sa kanya.
“Miss. . . Wala sa pamilya namin ang nananakit ng pisikal sa mga tao. Especially girls. Baka ibang sakit ang mararamdaman mo,” pagbabanta pa niya sa akin. Nagsalubong ang kilay ko.
“What? What are you talking about?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Your punishment? Buong magdamag ay hindi kita titigilan,” sabi niya pero hindi ko naman iyon naintindihan.
“Ewan ko sa ’yo, hindi kita maintindihan!” I exclaimed and pushed him away from me. Mabilis akong sumampa sa bed at nagbalot ng kumot. “Get out. I’m goin’ to sleep na,” pagtataboy ko sa kanya at pumikit na ako.
Nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya sa loob at wala yata siyang balak na umalis. But I’m curious. Ano’ng hindi niya ako titigilan buong magdamag? Ano ba ang gagawin niya sa akin?
And suddenly pumasok sa isip ko ang memories na ginawa namin sa loob ng banyo. Napadilat ako. Doon ko lang na-gets ang ibig niyang sabihin.
Kinuha ko ang isang unan at hinagis ko iyon sa direksyon niya. Dahil nakatingin siya sa akin ay mabilis niyang nasalo iyon.
“You’re such a pervert!” akusa ko sa kanya. Well, that’s true naman. Pervert siyang engineer.
“Ngayon naintindihan mo na. Tandaan mo na may two warning ka na lamang, Miss. Seryoso ako sa parusang ibibigay ko sa ’yo. Hindi ako titigil hangga’t hindi ka makikiusap sa akin na tigilan na kita.”
“Urgh! Get out of my room!”
“Matutulog ako rito sa ayaw mo o sa gusto mo.”
Ang tigas ng ulo niya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top