CHAPTER 27

Chapter 27: Piano instructor

UMUPO ako sa study table at kinuha ko ang cellphone ko. Naiinis ang kalooban ko dahil sa ginawa ng kapatid ko. Bakit sa iba pa siya magpapasundo? Wala bang mga tauhan si dad at nang iyon na lamang ang abalahin niya?

Pero bago ko pa man tinawagan si Arveliah ay si Dad muna ang inuna ko. Gusto ko lang sabihin sa kaniya ang ginawa ng paborito niyang anak.

I heaved a sigh. Cannot be reach ang phone ni dad. Si mommy na lang ang tinawagan ko na hindi rin nagtagal ay sinagot naman niya.

“Yes?” tipid na sagot niya lamang mula sa kabilang linya.

“Bakit hindi ninyo po sinabi sa akin na uuwi rito si Arveliah, Mom?” I asked her.

“SiArveliah? Next week pa ang flight niya. Why? Nandiyan na ba siya agad?” Parang wala siyang alam dahil halata sa boses niya ang gulat.

“Do you know what she did to me, Mom? Hindi niya sinabi sa ngayon ang uwi niya rito at pinahiya niya lamang po ako sa fiancé ko. Sinabihan ako na wala akong consideration dahil lang sa hindi ko pagsundo sa sarili kong kapatid sa airport. She didn’t even tell me about her arrival. Mom, sabihan ninyo lang po ako na kung si Arveliah ang gusto ninyong maging isang Brilliantes, dahil bukas na bukas ay magpapa-book na po ako ng flight pabalik sa Italy. Kahit hindi na ako uuwi riyan. Mabubuhay naman po ako sa sarili kong mga paa. Tama na po ang pagtrato ninyo sa akin na parang isang basura lang. Hindi ko na po kaya ang mga ugali ninyo,” hinaing ko saka ko ibinaba ang tawag.

Wala na akong pakialam pa sa sasabihin sa akin ni mommy at kung malalaman din ito ni dad. Hindi na ako takot na pagalitan pa nila. Wala na ako sa poder nila.

Nagtungo ako sa walk-in closet para mag-impake ng mga gamit ko. Iyong dinala ko lang from Canada ang dadalhin ko. Nakita ko naman agad ang stroller ko at kumuha ng iilan na mga damit.

“What the hell are you doing, Miss?” narinig kong malamig na tanong sa akin ni Mergus. Sinulyapan ko siya.

“Who are you? Si Mergus ka ba or si Markin? Dahil wala akong panahon na kilalanin ka,” malamig na sabi ko.

“Seriously? I’m asking you kung ano ang ginagawa mo?!” sigaw niya.

“Can’t you see?! Nag-iimpake ako ng mga gamit ko dahil babalik na ako sa Italy!” I fired back.

“And why did you do that? Sino naman ang nagsabi sa ’yo na aalis ka, ha?” tanong niya at mabilis niya akong nilapitan para pigilan ako sa pag-iimpake ko.

“Let me go!” naiinis kong sigaw dahil pagkatapos niyang sipain ang maleta ko ay pinasan niya lang ako sa balikat niya. Malakas kong hinampas ang likod niya. Ang higpit nang pagkakahawak niya at wala lang sa kaniya kung magwala ako.

As expected na ihahagis na naman niya ako sa bed niya. Mabilis akong bumangon at nanatili naman siya paanan ng kama. Wala rin siyang expression sa mukha.

“Galit ka ba sa ’kin dahil sa pang-iiwan ko sa ’yo kanina sa resto?” malamig na tanong niya.

“So, ikaw nga si Mergus. Kung ganoon?” natatawang tanong ko sa kaniya. Nagsalubong naman ang kilay niya.

“Hindi mo talaga nakikita ang pinagkaibahan namin ng kakambal ko?” iritado niyang tanong.

“There’s no doubt, Mergus. You’re twins at iisa lang ang mga mukha ninyo. Pero kami ni Arveliah? Hindi naman kami gaano magkamukha pero bakit hindi mo rin makita sa aming dalawa kung sino ako at kung sino siya? Bakit nakikita mo pa rin sa akin ang kapatid ko?” walang emosyon na tanong ko saka ako umalis sa kama.

“Miss. . .”

“Kung gusto mo talaga si Arveliah. Sa kaniya ka magpakasal,” mariin na sabi ko at tatalikuran ko na sana siya nang hawakan niya ang siko ko. “Bitawan mo ako!” sigaw ko at ilang beses akong nagpumiglas.

“Hindi ka aalis. Dito ka lang. . .”

“Hindi mo ako mapipigilan! Nandiyan naman si Arveliah kaya sa kaniya ka na lang!”

“Miss, bakit ka ba nagagalit ng ganyan? Calm down, okay?” pag-aalo niya pero tinulak ko lang siya sa dibdib niya.

“I hate you, so much!”

“Sorry na nga!” sigaw niya rin pabalik.

“H-Hindi ko kailangan ng isa pang tao na ang kapatid ko lang ang nakikita!” Dahil sa biglaan ko namang pag-burst out ay naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Nang dahan-dahan naman niya akong niyakap ay inipon ko naman ang buong lakas ko para itulak siya palayo sa ’kin. “Get out! Get out!” sigaw ko at nagtaas-baba pa ang dibdib ko.

“Fvck, fine! Hindi mo kailangang sumigaw!” Umupo ulit ako sa kama at hindi ko na siya tiningnan pa. Narinig ko lang ang malakas na pagsara ng pintuan.

Dumapa ako sa bed at sinubsob ko ang mukha ko ro’n. Nag-iinit man ang sulok ng mga mata ko ay alam kong hindi naman ako iiyak. Isa iyon sa mga na-master ko na pigilan ang pag-iyak kahit masakit ang kalooban ko. Na kahit ang puso ko mismo ang nadudurog.

Dahil hindi pa ako umiinom ng sleeping pills ko ay hindi naman ako agad nakatulog. Kaya namalayan ko pa na may nag-ayos sa pagkakahiga ko. Nilagyan ako nito ng unan saka niya ako kinumutan.

“I’m sorry, Miss. . .” mahinang sabi niya na mabilis nanlambot ang puso ko pero dahil sa idinugtong niya ay naglaho iyon agad. “But I really like your sister, so damn much. . .”

THE next day ay maaga akong gumising at nadatnan ko siya sa living room. Natutulog siya roon at wala naman siyang kumot. Inirapan ko siya saka ako maingat na lumabas ng condo niya.

Hindi naman niya ako hahanapin pa kung mawawala na lang ako bigla. I texted my sister kung saang hotel siya ngayon. Sumagot naman siya agad. Iniwan ko sa center table ang phone na bigay ni Mergus. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa nasabing hotel.

When I reached there ay ang nakangiting mukha pa ng kapatid ko ang sumalubong sa akin pero mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Dinig na rinig sa apat na sulok ng suite niya ang tunog nang pagkakasampal ko sa kaniya. Wala akong naramdaman na kahit na ano kahit nakita ko pa ang bakas ng palad ko sa namumula niyang pisngi.

“A-Ate?” gulat na sambit niya. Nakahawak na siya ngayon sa nasaktan niyang pisngi at namimilog pa ang mga mata niya.

Isinara ko ang pinto sa likod ko at humakbang ako palapit sa kaniya. Umatras naman siya at kitang-kita ko na ang pagtulo ng mga luha niya sa kaniyang pisngi.

“Bakit hindi mo sinabi na napaaga ang pagpunta mo rito, Arveliah?” malamig na tanong ko.

“Ate kasi. . .” Namula ang mga mata niya na handa nang umiyak.

“Kung sinabi mo sa akin noong tumawag ka ay sana ako na ang sumundo sa ’yo,” matigas lang saad ko.

“Ate, tinawagan po kita. . . H-Hindi ka po sumasagot, eh. . .”

“Kaya ang fiancé ko mismo ang tinawagan mo at nagpasundo ka sa kaniya?” naiinis kong tanong.

“Ate, wala na po akong choice—”

“Sa ating dalawa, Arveliah ay mas pamilyar ka sa bansang ito. So, why? Bakit kailangan mo pa siyang tawagan at nagpasundo ka pa sa kaniya?! Ang sabi ni mommy ay sa next week pa ang flight mo. Baka. . . gusto mo rin siya kaya napaaga ang punta mo rito?” I mocked her.

“Hindi po iyan totoo, Ate May Ann. . .”

“Sasabihan ko si Don Brill na ikaw na lang ang ipakasal sa apo niya at babalik na lang ako sa Italy,” sabi ko at pinihit ko ang doorknob.

“Ate, don’t do that, please! Hindi ko naman po gusto si Mergus! He’s just my friend po, Ate. . . Don’t go po sa Italy, Ate please!” pagmamakaawa niya.

“No. Hindi ko naman gusto ang maikasal sa lalaking iba naman ang gusto niya!” sigaw ko at tuluyan na akong lumabas.

Pumunta ako mismo sa mansion ni Don Brill. Nagulat pa siya nang makita ako pero kalaunan ay ngumiti rin siya. Gusto kong mag-back out, to be honest.

“Oh, may maganda pala akong bisita. Lumapit ka, apo.” Nakita agad ako ni Don Brill. Kinuha ko ang kamay niya para magmano sa kaniya. Katabi niyang nakaupo si Grandma Lorainne na ngumiti lamang. Hinalikan ko siya sa pisngi pagkatapos kong magmano. “Maupo ka. Napadalaw ka, hija. . .”

“May gusto lang po akong hingin sa inyo, Grandpa, Grandma,” ani ko at napangiti siya nang marinig ang pagtawag ko sa kaniya.

“Mukhang importante ’yan, apo,” sabi naman ni Grandma.

“Sige, ano iyon, May Ann?” tanong naman ni Don Brill.

“Before that, Grandpa. Bakit po. . . bakit po ako ang napili ninyo na ipakasal sa inyong apo? Bakit. . .hindi na lang po ang kapatid ko?” I asked him. Nagkatinginan pa sila ng wife niya at ngumiti sila pareho.

“Puwede ko bang malaman kung bakit mo itinatanong iyon sa akin, hija?” tanong niya at napahinga ako nang malalim.

Kahit walang inutos si Don Brill sa mga maid niya ay agad na nag-serve sila ng maiinom.

“Kasi po. . . Hindi po uso sa akin ang arrange marriage, ayoko rin po na pilitin ang isang tao na magustuhan ako. Sa case po namin ng apo ninyo ay alam ko. . . Iba naman po ang gusto niya at imposible rin po na magugustuhan niya ako. Grandpa, ang kapatid ko po at si Mergus ay kilala naman nila ang isa’t isa. They are good friends po. Kaya bakit. . . bakit hindi po si Arveliah ang pinili ninyo? Bakit ako pa ho?” tanong ko sa kaniya at nasa boses ko ang interest na malaman ang dahilan. At ang kanyang isasagot.

“May Ann, hija. Naniniwala ka ba sa akin na sa isang tingin ko pa lamang sa isang tao ay alam ko na ang mangyayari sa kaniya sa hinaharap?” Naguluhan ako sa sinabi niya dahil ang labo naman iyon. Tahimik lang nakikinig si grandma.

“What do you mean by that, Grandpa?”

“Parang isa akong matchmaker. Lahat ng mga apo ko ay talagang pinapangunahan ko when it comes to pick a girl for them. Because I know, may mga busilak na puso ang mga babaeng nakikilala ko at sila ay may kaniya-kaniyang kuwento sa buhay. Ikaw rin, ’di ba? Gusto mo bang ma-spoil kita tungkol sa fiancé ng Kuya Markus ninyo?” Tumango ako sa tanong niya.

“What is it, Grandpa?”

“Kilala ko na noon pa man si Theza Marie, halos kaugali mo lang siya, hija. Hindi rin siya transparent na katulad mo. Marami rin siyang pinagdaanan pero hindi niya lang sinasabi sa iba at hindi siya palakuwentong bata. Gusto ko. . . ang mga apo ko mismo ang makatuklas ng mga iyon. Gusto ko na kusa nilang malalaman ang kuwentong pilit ninyong itinatago sa lahat. Ang gusto ko rin, na hindi lang ang mga taong kilala na nila dahil alam na agad nila ang mga kuwento nito. Gusto ko na maintindihan nila ang halaga ng isang tao na kahit hindi mo pa nakikilala ay magkukusa ka na mas kikilalanin mo pa ang pagkatao nila,” mahabang paliwanag niya.

“Grandpa, kilala na ninyo na po ba kung sino ako? Na kung ano po talaga ako?” tanong ko at umiling naman siya.

“Hija, kung gusto ko ang isang tao para sa aking mga apo. Hindi ko tinitingnan ang family background nila. Ang sa akin lang ay gusto kong i-monitor ang mga ginagawa nila at hinihintay ko lang din sila na magkuwento tungkol sa mga babaeng pinapares ko sa kanila,” sabi niya na sinabayan pa nang pagtango.

“Ako rin, apo,” pagsang-ayon na saad naman ni Grandma.

“Now I understand po, Grandpa.”

“Inumin mo muna ang kape mo, hija. Ang sabi daddy mo ay mahilig ka sa kape.” I nodded at tipid na ngumiti. “Did you miss your parents already?”

“Yes po, Grandpa,” I lied.

“Don’t worry, mapapaaga raw ang punta nila rito dahil sa nalalapit ninyong engagement party,” he said.

“Maiba po ako. Maliban po sa inyo ni grandma ay sino pa ho ang kasama ninyo rito?” tanong ko. Dahil sa sobrang laki nito ay alam kong may mga pagkakataon na hindi na sila nagkikita-kita pa.

“Kasama namin dito ang bunso kong anak, apo. Pero. . .ang batang iyon ay lumilihis ng daan. Mas masunurin pa nga ang panganay kong apo kaysa sa kaniya,” naiiling na sabi niya.

“May bunso pa ho kayong anak na nakatira pa rito?” namamangha kong tanong.

“Ang Uncle Godfrey mo. Haist, ang batang iyon. Mas gusto niya yata ang magpalipad ng eroplano kaysa ang gumawa ng building,” natatawa na sabi niya.

“Hayaan mo na siya, mahal ko,” his wife uttered.

“Wala pa po ba siyang pamilya?” tanong ko.

“Mayroon na, pero ang komplikado lang. Halos kaedad niya lamang si Markus.”

“Ganoon po ba.”

“One of your dreams is to become a pianist, right hija?” he asked me.

“Yam Vallejos po ang gamit kong name kung isa po akong pianist,” nakangiting kuwento ko. I missed that name.

“Gusto mo bang. . .ipasok kita bilang isang piano instructor sa isang school pero mga bata ang tuturuan mo? Para naman may iba ka pang pinagkakaabalahan and mostly sa mga instructor ay binibigyan sila ng chance na magkaroon ng performance sa isang masquerade party.” Napaisip naman ako sa offer ni Don Brill. That’s a good idea. I nodded.

“I’m in po, Grandpa,” I said at lumapad lalo ang ngiti niya. Saka siya pumalakpak.

“Alam mo na isa ka na sa nagsabi tungkol sa relasyon mo ng fiancé mo, May Ann. Mas concern pa kayo sa kanila kaysa sa nararamdaman ninyo.”

“Sumasang-ayon ako.”

“Ayaw mo bang sumama sa amin, mahal ko?” tanong ni grandpa. Ang sweet nilang tingnan. I just smiled.

***

“This is my granddaughter-in-law. Hindi kayo magsisisi na kunin siya bilang isa sa mga piano instructor ninyo,” pagpapakilala ni Grandpa. Ang principal mismo ang kakilala niya. This is a private academy for the children na mahilig sa music.

“Don Brill, parang hindi naman po yata bagay sa granddaughter-in-law ninyo ang maging piano instructor namin. Mas bagay po siyang maging artista,” sabi ng principal na si Ms. Acasia. Dahil sa sinabi niya ay napahalakhak si grandpa.

“Pero natitiyak ko naman na hindi papayag ang apo ko na pumasok sa showbiz ang mapapangasawa niya,” pagbibiro pa niya. As if din na makikialam ang engineer na iyon sa akin, Grandpa? Baka sa kapatid ko ay sigurado ako na pipigilan pa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top