CHAPTER 25

Chapter 25: Sweet argument

“KAILAN naman iyon?” tanong ko sa kanya. Hindi ako naniniwala na si Arveliah nga ang nakita niyang nagpapatugtog ng piano dahil nasisigurado ko na hindi talaga marunong sa keyboard ang kapatid ko.

Kaya sino? Sino naman kaya ang nakita niyang babae na nagpapatugtog ng piano at pinagkamalan pa niyang si Arveliah?

“It’s about two years ago. Hmm, sa isang hotel iyon sa Italy. Hindi ko na maalala pa ang exact date, basta a birthday party iyon. Masquerade ball ang theme. She was wearing a dark gown,” paliwanag niya na parang inaalala pa niya ang gabing iyon.

Unless nag-piano lessons nga siya ng hindi namin nalalaman? But it’s very impossible. Walang oras si Arveliah para ro’n at kahit binabalewala ko siya ay alam ko ang mga ginagawa niya. Kahit ang schedules niya ay alam ko rin. Naka-monitor din ako sa mga flight niya. Hindi siya pumupunta sa other country kung hindi lang tungkol sa business.

Italy, birthday party and masquerade ball. Hmm... Ano naman ang gagawin ni Arveliah sa Italy para lang sa...

“I believe na hindi ang kapatid ko ang nakita mo,” sabi ko at nagpatuloy na sa pag-akyat.

“What do you mean by that?” naguguluhan niyang tanong. Naalala ko na nga, may birthday party kaming dinaluhan noon pero hindi lang iyon isang beses. Hindi ko na rin maalala pa. Matagal na rin kasi iyon. “May Ann.”

Kumuha ako ng isang unan at ibinigay ko iyon sa kanya. Nagtataka pa siya nang tingnan ako, kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Sa living room ka matutulog, ’di ba?” tanong ko. Salubong ang kilay niya nang tanggapin niya ang ibinigay kong unan saka siya tumingin sa ibang direction pero ibinalik niya rin ang tingin sa akin.

“Paano mo naman nasabi na hindi si Arveliah iyon?” curious niyang tanong na ikinangiti ko sa kanya.

“We’re business minded. We never tried to enter the music industry. So, we don’t have time for that. Ang alam ko rin naman...hindi marunong sa keyboard ang kapatid ko,” I answered at umupo ako sa gilid ng bed. Tumaas ang sulok ng mga labi ko nang makitang naguguluhan na nga siya. Napahilot na siya sa sentido niya.

“I will ask her instead,” sabi niya lamang at nagtungo siya sa sofa bed. Mabilis akong tumayo at nilapitan siya.

“Hey, you told me na sa baba ka matutulog!” sigaw ko at hinila ko ang braso niya dahil pahiga na siya sa sofa.

“Sinabi kong sa living room nga ako matutulog. Pero mini sala ko rin naman ito at may sofa bed pa. Puwede naman ako rito kahit hindi na sa kama ko,” he reasoned out.

“No! Sundin mo ang sinabi mo sa akin kanina na sa living room ka matutulog! Meaning sa labas ng bedroom mo!” sabi ko pa. Ayaw niya akong hanapan ng condo dahil nagpresenta siya na sa labas na siya matutulog kaya kailangan niyang sundin ang sinabi niya.

“Pinapalayas ako sa sarili kong kuwarto, pss,” narinig kong mahinang sambit niya.

“I heard that,” I told him. Hindi siya nagpatinag kaya nang makita ko ang phone niya sa center table ay hindi ako nagdalawang isip na kunin iyon. “Si Zerohian na lang ang tatawagan ko o kaya naman si Reixen,” sabi ko. Lalayo na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya bumagsak ako sa ibabaw niya. Namimilog ang mga mata kong tiningnan siya.

Ito ang isa sa iniiwasan ko, eh. Kung masyado kaming malapit sa isa’t isa ay kung ano-ano lang ang ginagawa naming dalawa. Na parang nawawala kami sa sarili at iyong mga kababalaghan lang ang naiisip naming gawin.

“Wala kang tatawagan kahit sino, kahit si Levia pa ’yan,” mariin na sabi niya. “Oo na, sa labas na ako matutulog,” pagsuko niya at ipinagpalit niya ang posisyon namin.

“Okay, umalis ka na riyan,” sabi ko at inirapan pa ako bago siya umalis sa ibabaw ko.

“Malamig sa labas,” sabi niya.

“Wala namang pinagkaiba ang bedroom at living room. Parehong may airconditioner,” sabi ko. Para lamang mapilit ko na siyang lumabas.

“Iba pa rin kapag nasa loob ka ng kuwarto mo. May unan at kumot,” sabi niya. Tinanggal ko ang unan sa ulo ko at umupo. Binato ko iyon sa kanya.

“Hayan na ang pillow mo. Hahanapan kita ng extra comforter. Siguro naman may ganoon ka pa, ’di ba?” tanong ko. Mahinang dumaing lang siya at nagtungo sa bed niya para humiga na naman.

Hinayaan ko siya at naghanap ako ng bagong kumot para sa kanya. Pumasok ako sa walk-in closet niya at hindi naman ako nahirapan sa paghahanap. Pero nang silipin ko ang mukha niya ay nakapikit na siya at pantay na ang paghinga niya.

Napahilot ako sa sentido ko. Ang bilis naman yata niyang makatulog, eh hindi pa yata umabot ng limang minuto.

“Bakit ang daya mo? Hindi ka tumutupad sa usapan!” Padabog na tinapon ko sa katawan niya ang kumot at dumiretso na lamang ako sa sofa bed.

Hindi marunong sumunod sa usapan, eh.

“Heaven...” I heard him uttered that word.

“Heaven your face,” I blurted out.

Maaga pa para matulog at hindi naman ako dadalawin agad nang antok dahil sa insomnia ko. Nagsimula lang naman ito noong nagkaroon ako ng aquaphobia. Dahil iyon sa trahedya na involve ang biological mother ko. Pinilig ko ang ulo ko dahil baka maaalala ko na naman iyon. Iyon na ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko.

May isang pitcher ng tubig sa study table niya kaya hindi ko na kailangan pang bumaba para lang kumuha ng tubig. Uminom na rin ako ng sleeping pills and expected na late na ako magigising in the next day.

Nagising lang ako nang maramdaman ko ang lamig na bumabalot sa katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na nasa bathtub na ako. Nabasa na ng tubig ang katawan ko.

“What are you doing, Mergus?!” inis kong tanong sa kanya. Kumuha ako ng balanse sa kanya para makaalis sa bathtub at napahilamos din ako sa mukha ko dahil sa tubig.

“8:12AM na, pero natutulog ka pa rin. Ayaw mong bumangon dahil sobrang hirap mo ring gisingin kaya dinala kita rito. Effective naman,” sabi niya.

“Iniwan mo na lang sana ako at pumasok ka na sa work mo ng hindi na ako kasama pa,” sabi ko at tinabig ko ang braso niyang nasa baywang ko. “Lumabas ka na at maliligo na ako,” pagtataboy ko pa sa kanya at inilahad ko pa ang palad ko para ituro sa kanya ang pintuan ng banyo.

“Bilisan mo. Sa site na lamang tayo kakain ng breakfast,” sabi niya saka niya ako iniwan.

Lumapit ako sa sink at tiningnan ko ang mga gamit doon. “After work ay ihatid mo ako sa grocery store. May bibilhin lang ako,” pahabol na sabi ko.

“Okay,” narinig kong tipid na sagot niya kasabay nang malakas na pagsara ng pinto. Iyong body wash and shampoo niya ang gamit ko. Wala naman akong choice pa na gamitin ito.

Kaya kailangan ko na rin itong palitan. Kahit gusto ko pa ang amoy nito ay hindi na puwede. Mergus is such a pervert.

***

“Hindi mo kailangan na magbihis ng ganyan kapag nasa site lang tayo,” paalala niya sa akin nang makita niyang nakasuot na naman ako ng skirt. Tiningnan ko naman ang suot niya.

White longsleeve na walang necktie at nakabukas ang dalawang butones nito, may suot naman siyang dark blue coat at pants naman pababa. White sneaker ang suot niyang panyapak. Undercut ang style ng buhok niya. Eh, bakit siya ay ganyan ang ayos niya?

“Huwag mo akong pakialaman,” malamig na saad ko.

“You’re my fiancé. So, pakikialaman talaga kita,” matigas na wika niya.

“The last time I check ay gusto mong ako mismo ang magba-back out,” sabi ko. Since naka-light brown three-fourths na blouse ako ay pinalitan ko ang suot ko sa ibaba. White slacks and blue sneakers. “Happy now?” I mocked him after niyang pasadahan nang tingin ang outfit ko.

“Brown is your favorite color, am I right? Huwag kang magtaka, dahil napapansin ko na halos lahat ng mga damit mo ay ganyan ang kulay. Kung hindi man dark ay light naman.” Observant.

“Just let’s go,” I said at kinuha ko ang shoulder bag ko sa bed. Nakatali ang buhok ko. Tamang lipgloss lang din ang inilagay ko sa mga labi ko.

“Bakit pala sa sofa bed ka na natulog? Hindi ba dapat sa kama ka?”

“Nakuha mo pa talagang tanungin iyan sa akin? Ilang beses kitang pinilit na sa baba ka matulog at hindi sa room mo,” ani ko. He licked his lower lip pero unti-unting tumaas ang sulok no’n.

“Bakit kailangan pa natin maghiwalay sa pagtulog? We’re already made out, Miss,” he said.

“That’s one of the reason na kung bakit kailangan mong sa labas matulog. Dahil pervert ka,” sabi ko at sinuksok niya ang isang kamay niya sa bulsa ng pants niya.

“Nag-enjoy ka naman, Miss. You even moaned my name, remember? My finger—”

Tinakpan ko ng dalawang palad ko ang tainga ko at nauna na akong lumabas. Ayokong marinig pa ang sasabihin niya!

***

Nang nasa car na niya kami ay naninimbang na tiningnan pa niya ako. I can’t help but to raise my eyebrows. Don’t tell me ibi-bring up na naman niya ang pinag-usapan namin kanina? Subukan niya lang.

“What?”

“Nothing,” he replied and I rolled my eyes. He started maneuver his car when he handed me a paper bag.

I didn’t ask him kung ano ang laman nito dahil baka ito na ang breakfast na sinasabi niya. Nang buksan ko ito ay dalawang sandwiche ang nasa tupperware at dalawang tumbler naman.

“Kakain na ako here. Wala kang coffee?” I asked him.

“Sa blue tumbler. Alam kong mahilig ka sa kape at ang isa naman ay tubig ’yan.” I shook my head. “Miss, fasten your seatbelt,” he said.

“Alright,” I said at kinalabit ko na lamang ang seat belt ko.

Kinagatan ko ang sandwich at napatango pa ako nang malasahan ko ang tamis nito. Kahit isang sandwich lang ay mabubusog na ako.

“May rice omelet diyan,” he said at tiningnan ko pa ang isang lunch box.

“Ba’t ang dami mong hinanda for breakfast? Maliit lang ang appetite ko,” I said at kinuha ko ang isang sandwich saka ko inilapit iyon sa bibig niya.

“Later. Nagmamaneho pa ako,” tanggi niya.

“Ikaw na ang sinusubuan ay ayaw mo pa?” sabi ko at ibinalik ko lang sa pinaglalagyan nito. Kumain na rin ako ng rice omelet. He’s good in cooking nga. “Si Michael, mas gusto niya yata ang sinusubuan siya,” ani ko na ikinalingon niya sa akin.

“Iyong pizza ba iyon? Iyong kinukulit niya sa akin kanina pa,” he said. I shrugged my shoulder. “Iyong rice omelet ang gusto ko.” Ibinigay ko lang iyon sa kanya at bumuntong-hininga naman siya. “Paano ako kakain kung nagmamaneho ako?”

“That’s your problem,” I said.

“Feed me,” mariin na utos niya. Napangisi lang ako.

“Beg, beg for me, Engineer Mergus,” I said.

Umiling lang siya at akala ko ay hindi niya ako susundin. “Feed me, baby please?” Sinunod ko na lamang siya. Halos mapuno ang bibig niya dahil sinadya ko iyon. Painumin ko lang siya ng water kapag kaya na niyang ilunok iyon hanggang sa tinapik na niya ang dibdib niya.

Uminom muna ako bago siya. “Shit, papatayin mo yata ako, eh,” reklamo niya sa akin at umigting ang panga niya.

“I won’t do that,” I told him.

Pagdating namin sa site ay sinalubong pa kami ng kasamahan namin. Ibinigay nila agad sa amin ang white hardhat. Sinuot ko na iyong akin bago pa lamang gawin iyon ni Mergus.

Nagkanya-kanya na rin kami ng work namin, of course hindi na namin kasama ang team nina Mergus dahil nasa kabila na sila. Kung oras ng trabaho pala ay hindi talaga namamansin si Mergus.

Focus siya masyado at kahit nagkakasalubong pa kami ay ni hindi niya ako sinusulyapan. Hindi ko rin naman siya pinansin pa dahil alam kong busy siya masyado kahit pareho lang ang task namin.

Kahit noong lunch time na ay hindi siya sumabay sa amin. Mas pinili niya ang kumain nang mag-isa. Ewan ko talaga sa attitude ng isang iyon. I can’t even reach him.

“What if sabay na lang tayong kumain ng dinner later?” suggestion ni Architect Larvae.

“Hindi ako puwede,” agad na tanggi ni Engr. Valenzuela.

“Ako rin,” sabi naman ni Mr. Calveson.

“Maiintindihan din ako ng asawa ko. Ayos lang sa akin,” ani Architect Sy na ikinatuwa ng friend niya.

“We can’t make it tonight. May pupuntahan pa kami ni Engineer Vallejos,” sulpot naman ni Mergus. I looked at him.

“Where to?” I asked him in confused.

“You forgot that I will take you to the grocery store?” he asked me and I nod my head.

“Yeah,” sabi ko at binalingan sila. “Next time will do,” I told them.

“That’s okay, Engineer Vallejos. Pero siguraduhin ninyo na free na kayo that day,” he said. We all agreed naman sa kanya.

“Bago tayo umuwi ay mag-dinner na lang tayo sa restaurant.”

“Akala ko ba ay ikaw na ang magluluto ng dinner natin?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.

“Ngayon lang ito,” pagdadahilan niya.

When we settled inside his car, my phone rang. My sister was calling me, pero ayoko siyang sagutin kapag kasama ko si Mergus. Kaya hinayaan ko na lang mag-ring iyon. Hindi naman siya maingay dahil vibration lang naman siya.

***

“Ano ba bibilhin mo rito?” tanong niya sa akin. Itinuro ko sa kanya ang push cart at masunurin naman siyang engineer. Siya ang nagtulak no’n.

“I just want to buy my own body wash and shampoo. Ayoko ng gamitin iyong sa ’yo,” sagot ko na ikinalingon niya sa akin.

“Why is that?” he asked me.

“Ayaw ko lang. Halos singhutin mo na ang balat ko,” sabi ko at napahalakhak naman siya.

“Halos? Miss, I already smells your scent,” sabi niya at hinapit pa ako sa baywang ko. Sumiksik agad ang mukha niya sa leeg ko kaya tinulak ko na siya.

“You’re such a pervert engineer,” I commented.

“Gusto ko lang amuyin ang body wash at shampoo ko sa ’yo. I just feel na nakadikit na nga ang pabango ko sa ’yo. Maybe next time natural na didikit ang amoy ko sa katawan mo.” Kinilabutan lang ako sa sinabi niya at nag-init agad ang magkabilang pisngi ko.

“Shut up,” malamig na sabi ko at isa-isa ko nang kinuha ang mga gamit na bibilhin ko.

Bumili na rin kami ng stock sa kitchen and meat. Nakita ko rin na iilan na lamang ang ingredients niya sa refrigerator niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top