CHAPTER 24

Chapter 24: Iingatan

HE STARTED this. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pagsasabihan ako nang ganoon when it comes to my family dahil wala naman silang nalalaman tungkol doon. Wala silang alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa Vallejos family.

Dahil ako ang palaging nakikita nila na may mali, na ako lang ang nagkakasala sa parents ko even though wala naman talaga akong ginagawa. Na kahit may ginawa na nga akong kabutihan sa parents ko ay hindi naman nila iyon kayang ma-appreciate.

Isa pa, may mga tao pa rin naman ang walang alam tungkol sa akin. Ang akala rin nila ay nag-iisang anak lang si Arveliah ng parents namin. Kaya nasabi ko rin na balewala ang existence ko sa mundong ito.

“May Ann, wait!” sigaw niya sa pangalan ko. I ignored him. “May Ann!”

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko lalo ang pagsikip nito. Marahan ko na lamang tinapik-tapik upang mabawasan naman ang paninikip nito. Panay rin ang paghinga ko nang malalim.

Since uwian na ay naisipan ko na lang ang lumabas. Hindi naman mahirap kumuha ng masasakyan.

“Pauwi ka na ba, Engineer Vallejos?” tanong sa akin ni Architect Larvae. Hindi nila napansin ang pagkadismaya ko dahil totoo naman si Michael. Magaling akong magtago ng totoong nararamdaman ko kaya hindi ako mahihirapan na gawin iyon lalo na kung kaharap ko ang ibang tao.

“Yes,” tipid kong sagot at sinabayan ko na rin nang pagtango.

“Dumating na rin naman si Engineer Brilliantes kanina.”

“Oh, nandiyan na pala siya.”

“I’ll go ahead,” paalam ko at diretso lang ang paglalakad ko.

“I told you to wait for me, May Ann,” malamig na saad niya pero pilit ko pa rin siyang binabalewala. May taxi naman ang huminto sa tapat ko at binuksan ko agad ang pinto nito pero mabilis na isinara iyon ni Mergus. “Sabay tayong uuwi, Miss,” mariin na saad niya at hinarap ko naman siya.

“Don’t stop me, Mergus. May kasama kang pusa at hindi ako sasakay sa kotse mo. Uuwi ako ng mag-isa,” walang emosyon na saad ko.

“May Ann...” sambit niya sa pangalan ko at maingat na hinawakan niya ang siko ko na nagbigay nang kilabot sa aking katawan. Napatingin ako sa guwapo niyang mukha na nakikitaan ko na iyon ng guilt.

“Let go,” I said.

“Fvck, I’m sorry, Miss.” Marahas kong binawi ang kamay ko at pinukulan ko siya nang malamig na tingin.

“Hindi sa lahat nang oras na nagkakaatraso ka sa akin ay sorry lang ang puwede mong sabihin. May isip at pakiramdam din ako. Hindi ako makukuha sa isang sorry lang, keep that in mind,” sabi ko at tuluyan na akong sumakay ng taxi.

Nakita ko pa ang pag-ikot niya sa driver seat at kinausap niya ang driver. Hindi na lang ako tumingin pa roon at binigyan ko na lang nang pansin ang mga braso ko na nagsisimula nang mangati at may pantal na siya agad. I heaved a sigh and the driver started to maneuver his taxi.

But when I turn my head on the back ay nakasunod na agad ang car ni Mergus. Mayamaya lang ay dumating na kami sa condominium and I was about to pay my pamasahe nang magsalita na ang taxi driver.

“Binayaran na po ni Sir kanina, Ma’am.” I frowned and just got off from the car.

Hindi madali para kay Mergus ang sumunod sa akin dahil kailangan pa niyang i-park ang car niya kung kaya naman ay kinuha ko na ang pagkakataon na iyon upang hindi na siya makasunod pa sa akin. May inis pa rin ako sa kanya. Kaya huwag muna siyang lumapit sa akin.

Sa elevator naman ay nakita ko pa ang paghabol niya pero hindi ko na iyon pinindot pa para makapasok din siya. Nagsara na ang elevator. Kitang-kita ko ang pagtagis ng bagang niya at malakas na hinampas pa niya iyon. Tumaas ang sulok ng mga labi ko. Kahit gaano pa siya kabilis ay hindi pa rin siya makasusunod agad sa akin. Poor engineer.

Pagpasok ko sa condo niya ay mabilis na naligo lang ako. Nagtaka pa ako nang hindi pa siya dumarating paglabas ko sa bathroom. I just shrugged my shoulder at nagbihis na lang ako. I wore my light brown v-neck shirt and black denim shorts. Hinayaan ko lang na basa ang maikli kong buhok. Tinatamad na kasi akong magpatuyo ng buhok ko.

Sa balkonahe ako nagtungo at tiningnan na lang ang buong paligid pati na rin ang nasa baba nito. Maganda nga itong gawin na safe haven. I was about to seat sana when someone hugged me from behind.

Ang balahibo ko sa batok ang tumaas agad nang maramdaman ko ang presensya niya at ang init nang yakap niya ang mas nagpabilis nang tibok ng puso ko. Feeling ko nga rin ay maririnig na niya ang malakas na kabog nito.

“I’ll make it up to you, Miss,” he said at hinalikan ang dulo ng balikat ko saka niya ako dahan-dahan na pinaharap sa kanya.

But wala pa ring emosyon ang mukha ko nang tiningnan ko siya. Hinila niya ako patungo sa round table, there’s an umbrella there. Malaki iyon at kasya ang table. Nagpaubaya ako nang pinaupo niya ako at pinanood ko lang siya sa mga ginagawa niya. May ointment na naman siyang inilabas sa isang plastic bag at kaya siguro siya natagalan ay dahil bumili siya niyan? “Ibinalik ko kay Michael si Maryan. Siya na muna ang mag-alaga—”

“Hanapan mo ako ng bagong condo. Ako na lang ang aalis dito,” putol ko sa kanyang sasabihin. Napahinto siya sa paglalagay ng ointment sa braso ko at nag-angat siya nang tingin sa akin. “What?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

“Malaki ang condo ko,” sabi niya and I roamed my eyes around the area.

“Yes, it was big but I want a new one. Just tell me kung hindi mo ako mahanapan because si Zerohian ang tatawagan ko. Give me his phone number, so I can contact him,” sabi ko at binitawan niya ang kamay ko. Inayos niya ang pagkakatakip ng ointment.

“Sa living room na lamang ako matutulog. Doon ka na sa kuwarto ko,” sabi niya at basta na lamang niya ako iniwan sa kinauupuan ko. Sinundan ko na lamang siya nang tingin at muli akong napabuntong-hininga.

Bakit naman kaya iyon pa ang sinabi niya sa akin? Nagpapahanap na nga ako ng bagong condo para sa akin o kung hindi niya kayang gawin iyon ay nandiyan naman si Zerohian, o kaya naman si Levia. So, why? Why nga ganoon?

Nang makasagap na ako ng sariwang hangin ay saka lamang ako pumasok sa loob at hinanap ko agad si Mergus. Hindi ko siya nakita sa room niya. Kaya baka nasa labas na siya? Sa living room?

I couldn’t find him naman there. Ewan ko kung saan na siya nagpunta. But I smells something from the kitchen so I went there at nandoon na nga siya. He is currently cooking something. He’s still wearing his white longsleeve and his pants, and naka-roll up to his elbow ang sleeves nito, and also suot niya rin ang apron.

“Come here. Have a seat, and wait for me. Patapos na ako rito,” he said without even glancing me. His voice, iba iyon. Malamig man pero may lambing.

“You don’t need to cook for me next time,” I said as I sat down on the chair. Dahil hindi na ako matutulog pa rito at baka ito na rin ang last dinner naming dalawa na magkasama.

“I’ll cook our breakfast and dinner from now on,” he said and my eyebrows form into line.

“You don’t need to,” I blurted out.

He took a deep breath and in-off niya ang stove saka niya ako tinapunan nang tingin. “Walang aalis sa condong ito kaya hindi ka aalis dito,” aniya at napaayos naman ako nang upo.

“That’s your suggestion anyway. So, I took that chance,” I told him. “Saka this is your condo kaya. Kaya maghahanap na lamang ako ng akin.”

“Bakit? Hindi ko ba puwedeng bawiin ang sinabi ko?” he asked me in a serious tone.

“What’s wrong with you?” I asked him instead. Naguguluhan na ako sa kanya. Bakit bigla yatang nagbago ang ugali niya ngayon? Guilty pa rin ba siya hanggang ngayon? Dahil sa ginawa niya sa akin kanina? “You know what? You don’t need to be guilty anymore, Mergus. I used to it kaya parang wala na lamang sa akin ang lahat ng iyon. So, stop it already.”

“You are my fiancé. You’re my responsibility, I promised your Dad that I will take care of you. Kahit ang kapatid mo pa ang gusto ko ay kailangan pa rin kitang ingatan,” sabi niya at walang halong pagbibiro ang mga iyon. Halos umawang ang mga labi ko sa kanyang sinabi.

Sa mga sinabi niya nga ay hindi ko na naman maiwasan ang mamangha sa kanya at lumalambot ang puso ko but... Ang Daddy ko pa rin naman ang dahilan nang lahat ng iyon kung kaya’t gusto niya akong alagaan at ingatan. Hindi dahil sa gusto niya lang, na gusto rin ng puso niya. Na hindi lang siya napipilitan. Ibinaba niya sa table ang ulam na niluto niya. It’s adobo.

“Do you want me to do the same way, Mergus?” I asked him and I stared at his face. “Do you want me to take care of you too? Because if I’ll do that...ikaw ang unang lalaki na iingatan ko at hahayaan na maging parte ng buhay ko.”

Hindi niya ako nagawang sagutin at naglumikot lang ang mga mata niya pero bigla ring pumungay iyon. Nakita ko rin ang paghawak niya sa kanyang dibdib at ang dahan-dahan niyang pag-upo.

Kinuha ko ang spoon at sumubo ng niluto niyang adobo. There’s no doubt na marunong nga talaga siyang magluto. Masarap siya, malambot ang chicken at tama lang ang lasa niya. Naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga.

“Siguro naman...may kanin tayo, hindi ba?” I asked him at doon lang siya natauhan. Mabilis siyang tumayo at nagsandok siya ng kanin sa plato. Inilagay niya ito sa gitna at naglagay na rin siya ng dalawang plato. Isang baso at pitcher na may laman na orange juice.

I ate silently but I keep glancing him. Ewan ko kung naiilang siya dahil sa panonood ko habang kumakain siya dahil mabilis din siyang nag-iiwas nang tingin sa akin. Hindi niya rin kaya na salubungin ang tingin ko.

Dahil baka takot lang siya na ma-reject ako sa sinabi ko kanina? Na gusto ko rin siyang alagaan at ingatan? Ayaw niya ba kaya pilit niya akong iniiwasan ngayon?

Natapos lang kami sa pagkain ay walang salitang namutawi sa kanyang bibig. Siya na rin ang naghugas ng mga platong pinagkainan namin. Lumabas na lamang ako at nagtungo sa living room.

Binuksan ko ang TV at pumili ng panonoorin but I ended up watching the pianist na currently namang nagpapatugtog siya ng piano. Dahil sa pag-focus ko sa panonood ko ay hindi ko na napansin pa si Mergus.

“Puwede ko bang pag-isipan ang sinabi mo sa akin kanina?” tanong niya.

“Ha?” gulat ko namang tugon. Dahil bigla-biglaan naman siya, eh. Hindi ko agad nakuha ang tanong niya.

“Iyong sinabi mo sa akin kanina,” sabi niya ngunit nasa TV pa rin nakatutok ang attention ko.

“Alin doon ang mga sinabi ko sa ’yo kanina?” I asked him.

“That thing,” he replied.

“Ano nga iyon?” tanong ko pa rin at nang mapansin niya siguro na sa iba ako nakatingin ay nagtungo siya sa unahan para i-off ang TV. Napatayo ako dahil nasa exciting part na, eh. “What did you do?” inis kong tanong sa kanya at nilapitan siya para buksan ulit ang TV but I forgot na nasa akin pala ang remote.

“Talk to me first bago ka manood,” aniya but I’m too focused with that movie. Hindi niya ako puwedeng pigilan dahil lang sa pinagsasasabi niyang pag-iisipan niya. Wait, what? Ano naman ang pag-iisipan niya?

Inalala ko naman ang sinabi ko sa kanya kanina. “Do you want me to do the same way, Mergus?”

“Do you want me to take care of you too? Because if I’ll do that...ikaw ang unang lalaki na iingatan ko at hahayaan na maging parte ng buhay ko.”

Napailing na lamang ako at diretso kong tinitigan ang mga mata niya. “Kailangan mo pa ba talagang pag-isipan iyon? Hindi naman na kailangan pa, nasa sa ’yo kung gusto mo,” ani ko at hinawi ko siya para hindi siya humarang sa TV. Bumalik din naman ako sa sofa at uupo na sana ako nang pumuwesto na naman siya roon. “Umalis ka nga muna riyan, Mergus. Ang tigas ng ulo mo, ah,” saad ko.

“Kapag sinabi ko na oo ay isang commitment na iyon, Miss,” he said.

“Commitment? Fine, pag-isipan mo na ang sinabi ko. Okay, puwede ka nang umalis diyan. Alis na,” mariin na utos ko at doon lang siya umalis.

Umupo siya sa dulo ng sofa at inirapan ko pa siya. Hinintay niya rin na matapos ang movie na iyon saka niya ako kinausap.

“Do you like music?” he asked me.

“Ano naman?” balewalang tanong ko at tumayo na ako para bumalik sa room niya. Naramdaman ko agad ang pagsunod niya sa akin.

“Marunong si Arveliah tumugtog ng piano, hindi ba?” Napahinto ako sa paghakbang ko sa hagdanan at binalingan ko siya.

“Marunong?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Doon ko siya unang nakilala. Nagpapatugtog siya ng piano at that time. Kaya ko rin nang kaunti, kaya iparirinig ko sa ’yo next time. Ang eksaktong pinatugtog niya.”

Duda ako sa sinabi niya. Dahil ang alam ko. Hindi naman marunong sa keyboard ang kapatid ko. Kaya paano niya nasabi iyon sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top