CHAPTER 16

Chapter 16: Friendship

SI LEVIA lang ang kasama ko buong maghapon dahil hindi na natuloy ang plano ni Mergus na ipapakita niya sa akin ang working place ko.

Na-guilty rin yata siya sa ginawa niya. Na wala nga siyang kaalam-alam na may allergy ako sa mga pusa. Halos hindi na nga ako matingnan pa nang diretso.

Tapos si Dr. Zerohian ay pinapaalala pa talaga sa kanya ang nangyari. Gusto niya lang talaga itong pagsabihan at dapat daw mas maging maingat pa sa mga kilos niya lalo na kung kasama ako nito. Sana lang ay mapagsasabihan nga niya ito at magbabago na.

Nag-enjoy naman akong kasama ang best friend ni Mergus, si Levia. Hindi ito katulad niya na walang manners. Masayang kausap at kahit hindi pa kayo magkakilala ay hindi ko ma-f-feel ang pagkailang namin sa isa’t isa. Professor nga siya, madaling pakisamahan at hindi siya nahirapan sa akin katulad na lamang nang sinabi ni Mergus sa kanila noong isang gabi lang.

“Ako na muna ang bahala sa outfit mo, May Ann,” tuwang-tuwang saad pa ni Levia.

Tumango ako. “Sige lang,” nakangiting sabi ko.

Nasa isang boutique na nga kaming dalawa. Kanina pa umaaligid-ligid sa amin ang saleslady para i-entertain kami pero si Levia lang ang nakauusap nila.

Nagtungo ako sa isang white couch at doon umupo habang hinihintay ko ang kasama ko na makakapili ng susuotin namin. Wala naman sa akin kung ano ang mapipili niyang damit. Lahat naman sinusuot ko, maliban kung working hours ko na. I usually wear my office attire, longsleeve with a cardigan or blazer, slacks or skirt. Mga ganoon na outfit lang naman. Kung minsan pa ay naka-flats lang din ako.

Inilagay ko sa center table ang handbag ko at inilabas ko ro’n ang cellphone ko. Nagtipa ako sa keyboard ng phone ko para sana tawagan si Dad. Gusto ko siyang tanungin regarding sa work ko here in the Philippines. Na kung agree ba siya sa ginawa ni Mergus na gagamitin ko ang profession ko na kung dati ay ayaw ni Dad pero pinag-aral pa rin niya ako sa engineering.

Kaya ko siya tatanungin ay duda ako sa pinili niyang desisyon. Dahil hindi talaga ’yon kapani-paniwala.

Dalawang beses na pag-ring lang ang narinig ko ay sinagot na niya ang tawag ko. “Yes?” sagot niya mula sa kabilang linya. Even though over the phone pa rin kami nag-uusap ay ramdam mo ang lamig ng boses niya.

“Dad, bakit po ipinagkakatiwala ninyo ang work ko kay Engineer Mergus? Hindi po ba ang usapan natin ay hahawakan ko ang third branch ng company natin, dahil ako naman ang CEO? Kaya bakit hahayaan mo siya na gawin ang gusto niya, Dad?” tanong ko at sana bigyan niya ako ng magandang dahilan upang tanggapin ko rin ang suggestions na ’yon ng fiancé ko.

Kahit na...oo na, nagustuhan ko ang ideyang magagamit ko na rin mismo ang pinag-aralan ko pero natatakot lang ako na baka may consequence ’yon kapag tinanggap ko.

Hindi ka kilala ng mga board of directors, kasama na ang mga humahawak din ng company habang wala ako. Mas kilala nila ang kapatid mong si Arveliah. Inaasahan nila na si Arveliah ang magiging granddaughter-in-law ni Don Brill,” sagot niya at ipinaliwanag niya rin sa akin ang reasons na kung bakit nga ba ganoon ang nangyari.

“Kung ganoon pala... Nakaplano na ito, Dad? Bago pa pala dumating sa mansion natin ang Brilliantes clan ay inaasahan ninyo na rin na si Arveliah nga ang mapipili nila. Dad, kasalanan ko po ba na hindi ako kilala ng mga tauhan ninyo sa company niyo? Kasalanan ko po ba ang maging invisible rin sa paningin ninyo? Kung ganito lang po pala ang mangyayari, ay eh ’di sana po pinilit ninyo na rin si Don Brill na ang bunso ninyong anak na lang ang ipakasal sa kanyang apo. Hindi po kayo mahihirapan doon,” mahabang saad ko na halata na naman sa boses ko ang hinanakit.

Si Arveliah na naman ang naging dahilan. Siya na naman ang napansin. May magandang plano na para sa nakababata kong kapatid.

May Ann.”

“Gusto niyo ba’ng makiusap ako sa Grandpa ni Mergus na i-cancel ang engagement namin at si Arveliah na lang ang ipapalit sa akin, Dad?” tanong ko. Dahil kung papayag lang siya ay iyon ang gagawin ko. Hindi ako magdadalawang isip na gawin ang bagay na iyon. Hindi na bale na ma-disappoint ko si Don Brill.

“Don Brill has a good choice. Mahirap man ito para sa ’yo ay alam kong malalagpasan mo ang lahat. Huwag mong intindihin ang sinabi sa ’yo ng Mommy mo. Ang tandaan mo lang, nangyayari ang mga bagay-bagay na ito dahil nakatakdang mangyayari sa ’yo. Sumang-ayon ako dahil nakikita ko na may magandang kinabukasan ka kasama si Engineer Mergus. Alam ko rin na masyado ka nang napapagod sa amin, ang pakisamahan kami ng Mommy mo dahil alam mo at naisip mo na wala kang halaga sa amin. Kung sa Mommy mo lang iyon, ibahin mo ako, May Ann. Anak kita, kapatid ka ni Arveliah, iba man ang trato ko sa ’yo ay tandaan mo rin na ginagawa ko lang ito para sa ’yo. Sige na. Mag-usap na lang tayo sa susunod,” mahabang sabi niya at nagpaalam na pero...

“Dad, alam mo ba’ng gagawin akong engineer ni Mergus? Okay lang ba ’yon sa inyo? Dahil kung mag-a-agree ka rin ay ipu-pursue ko rin ang passion ko as a pianist. Gagamitin ko ulit ang pangalan kong Yam Vallejos,” sabi ko.

Ang pangalan na iyon ay ginagamit ko bilang isang pianist. Naging mas maingat pa sana ako noon nang hindi lang ako nahuli ni Mom. Three years ko rin ’yon nailihim sa kanila pero masyado talagang strict ang parents ko at walang secret akong maitatago sa kanya.

Gawin mo ang gusto mo, May Ann. Dahil alam kong hindi na darating pa ang ganitong pagkakataon sa ’yo, aniya at saka niya ibinaba ang tawag. Napahinga ako nang malalim.

Ayos lang talaga sa kanya? Talaga naman...

Maganda ba’ng senyales ’yon na hindi na niya ako hahadlangan pa sa mga gusto kong gawin?

O baka ginagawa niya lang din ito dahil makaaaalis na ako sa poder nila ni Mommy. Kahit ako ay naguguluhan na rin. Parang hindi si Dad ang kausap ko kanina lang. Parang ibang tao siya sa akin dahil okay lang sa kanya kung i-pursue ko ang pangarap ko sana kung hindi nila lang kinokontrol ang buhay ko.

“Ang lalim ng buntong-hininga mo, May Ann. Ayos ka lang ba?” Napukaw naman ni Levia ang malalim na pag-iisip ko.

Ngumiti ako sa kanya para hindi niya mapansin na problemado ako. “I’m fine,” tipid na sagot ko lang sa kanya.

“May napili na akong susuotin mo mamaya. Wear this red bikini. Baka maisipan mo ang mag-swimming later. Tapos, itong black strap top naman. Sa akin ang tube para hindi ka mailang na ganyan ka-sexy ang suot mo. Don’t ’ya worry, hindi pervert ang mga kasama nating lalaki. Malaki ang respeto nila sa mga babae,” pahayag niya pero duda ako kay Mergus.

“Eh, si Mergus? Sigurado ka ba na may respect nga siya sa isang babae?” birong tanong ko.

“Hindi. Ito naman ang skort ang susuotin natin. Hindi ka masisilipan diyan dahil shorts style naman siya.” Tumango na lang ako at kinuha ’yon.

Ipinakita niya rin sa akin ang slingback shoes. A shoes with a strap that crosses behind the heels. Maganda nga ’to.

“Thanks, Levia.”

“Nah, don’t mention it.” Tinitigan ko naman ang maamo niyang mukha.

“Ano ba...ang relationship mo kay Reixen? Or Zerohian?” I asked her. Curious ako sa status niya with the two guys. Kung sino rin sa dalawang lalaki ang boyfriend niya.

“Love triangle, ika ng lahat. Mutual ang feelings namin ni Reixen, technically ay nililigawan pa lamang niya ako. Huwag mong pansinin si Zero, crush-crush lang ang nararamdaman niya para sa akin pero hindi naman ’yon naman big deal sa amin. Sanay siyang binibiro niya kami palagi. Kaya hayaan mo na ’yon,” paliwanag niya na nalinawan naman ako agad.

“Kailan ba nagsimula ang friendship ninyong tatlo?” tanong ko pa. Isa iyon sa dapat kong malaman.

“Mas nauna sina Zero at Gus. Simula pa yata noong pinagbubuntis na sila ng mga Mommy nila ay magkaibigan na sila,” natatawang sabi pa niya. “Since grade school pa yata, tapos kami naman ni Reixen ay noong highschool na kami nagkakilala at hanggang sa umabot ng college and now, kaya heto magkaibigan pa rin kaming apat,” dagdag pang kuwento niya.

I feel a bit envy towards their friendships at tumagal nga hanggang ngayon. Dahil ako, ni minsan ay hindi talaga ako nagkaroon ng kaibigan at never ko na rin yata mararanasan pa ang magkaroon nang tinatawag na matalik na kaibigan.

“Ang gandang kuwento naman ’yon,” sambit ko at tumango.

“Dadaan tayo later sa store para bumili ng chocolate liqueur. Kasi alam ko na mayatapang na wine ang bibilhin ng mga iyon. Vodka and whiskey,” sabi niya.

“Okay,” I uttered.

***

Si Levia pa rin ang kasama kong umuwi and this time ay sa condo na ni Mergus. Ba’t kaya sobrang ganda ng room ng engineer na ’yon?

Pagdating sa mga gamit ay ganoon din, na-appreciate ko rin ang ganda ng color theme nito. The structure, maganda ang ambiance sa loob at mukhang hindi naman siya boring. O baka naman na-appreciate ko lang ito as an engineer?

Malaki ang space ng living room. Two black long sofa at isa rin ang one-seater. May glass table sa gitna ng mga ito. Expected mo sa isang sala na may malaking TV flat screen at makikita rin sa blocks nito ang iilan na DVD player and his two stereo.

Sa right side nito ay may isang pintuan. Siguro iyon ang kitchen. Tapos sa gitna ng mga ito ay isa pang pintuan. Nang maglakad naman ako ay napahinto lang ako dahil may malaking fish aquarium siya. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagbilis nang pintig nito.

Hindi lang pusa ang inaalagaan niya. Dahil may iba’t ibang isda rin sa tubig na ’yon. Hindi ko natatagalan ang pagtitig ko ro’n dahil ibang bagay lang ang nakikita ko. I heaved a sigh.

“Dito, between the kitchen and sala ay isang kuwarto lang ang mayroon si Gus,” ani Levia at iginiya niya ako palapit doon. Iniwasan ko lang ang mapatingin sa bagay na ayaw ko ngang makita. “Tada! Mas malaki ito, paminsan-minsan ay tambay kami sa room niya kahit hindi niya gusto ang idea na ’to.”

Triple ang laki sa room niya sa kanilang mansion ang kuwarto naman niya rito sa condo niya. Sa right side ay may dalawang sofa bed at isa pang maliit na table. May TV din siya rito. Kaya pala sinasabi ni Levia na palagi silang standby rito dahil comfortable naman pala siya sa loob.

Nasa dulo ang study table niya. May mga gadgets doon sa may table, computer, laptop and his tab. Marami rin ang makikita mong pantay-pantay na pagkakalagay ng folder. There’s a lampshade over there. Dalawang degulong na chair din at walang headrest naman ang isa.

Malaking white curtain sa wall at nilapitan ’yon ni Levia para hawiin. Namangha ako lang dahil glass wall pala siya kaya sigurado rin ako na kitang-kita ang city kapag diyan ka nakatayo sa harap.

King-size bed din ang mayroon siya, dark blue ang color ng comfort room niya, white pillow and its side naman bed-side table na may lampshades din.

Isang painting lang ang mayroon siya. Portrait nila ’yon na pinasadya nila sa painter.

“'Lika rito, May Ann. Ipapakita ko sa ’yo ang university na pinagtatrabahuhan ko,” pag-aaya niya sa akin. Inilapag ko muna sa bed ang paperbag na dala ko at tiningnan ko ang itinuturo niya.

It was already 4:24 in the afternoon, mababa na nga ang sikat nang araw kaya magandang tingnan ang paligid at tama nga talaga ako sa ganda ng view mula rito sa kinakatayuan namin.

“This is beyond beautiful,” I muttered the fact. I can”t help but smiled too. Always inspired yata si Mergus whenever inuuwi niya rito ang paper works niya.

“True. Sa bandang iyon naman ay ang company ni Reixen. Hindi natin makikita ’yong hospital ni Zero. Hindi kasi kita mula rito, eh. May kalayuan ’yon.” I nodded. “Dito ka na rin sa unit ni Gus mag-stay? Naku, technically na nagli-live in na kayong dalawa. Kaya expected na ang mangyayari sa inyong dalawa,” sabi pa niya.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang...ano raw? Live in? Tapos expected na nga raw ang mangyayari sa amin?

“Ano namang expected na mangyayari sa amin?” curious kong tanong.

“Make out, alam mo ’yon? Sinabi ni Zero na physically attracted sa ’yo ang best friend ko kaya expected na nga ang making out o baka mas higit pa ang mangyayari sa inyo. Ayos lang naman ’yon. Nasa tamang edad naman kayo. Ayaw ninyo ’yon? Magkakaroon na kayo agad ng baby,” sabi niya at mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko.

“T-That won’t happen,” tanggi ko. Hindi pa ako handa para sa bagay na ’yon.

“Why? Doon naman kayo patutungo, ah,” natatawang sabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top