CHAPTER 13
Chapter 13: Engineer
“TRUE. I can even see that your Kuya Markin, magkaiba nga talaga sila ng attitude,” I agreed. Nakita ko rin naman iyon kanina. Tinanong pa niya ang kapatid niyang walang manners na kung ano ba ang nangyari sa akin, and Engineer Markus, pinagsalinan pa niya ako ng tubig kanina.
“Strict si Kuya Markus. Ganoon din naman si Kuya Markin pero mapagbigay siya, eh. Hilig no’n pagalitan ang bunso namin dahil alam niyang si Dad ang magagalit kapag nakagawa siya nang mali sa trabaho niya. Kaya madalas niya itong pinapaalahanan at pinupuna. Si Kuya Mergus naman ay observant iyon,” his statement. Well, agree ako sa sinabi niyang observant pero may hindi pa siya napapansin na mga bagay-bagay sa paligid nito.
Ni hindi nga niya napansin na ayoko sa pool area dahil takot ako sa tubig.
“How about Michael? Mas...tahimik yata ang isang iyon,” sabi ko.
“Oo, tahimik nga rin si Kuya Michael pero mas tahimik si Mikael,” sabi niya sinabayan pa nang pagtango. “You already meet Kuya Michael pala. Tara na? Uwi na tayo?” Tumango ako at hinubad naman niya ang jacket niya.
“Thanks,” tipid na pagpapasalamat ko dahil ibinigay niya sa akin ang jacket niya. Kaya pasimpleng tiningnan ko pa ang mga naiwan naming kaibigan ni Mergus.
Nasa amin ang atensyon ng tatlo habang wala namang pakialam ang isa pa. I don’t care naman sa kanya. Ganyan na ang attitude niya, magagawa mong sumuko na lang bigla.
“Mauna na po kami, Kuyas and Demily!” pagpapaalam pa ni Miko sa kanila at hindi ko na sila tiningnan pa.
***
“Sige na. Magpahinga ka na, Miss May Ann.” Hanggang sa room talaga ng kuya niya ako hinatid. Hindi lang siya cute na kapatid, gentleman din siya. Na mukhang maaasahan mo. Kakaiba ang spirits niya, buhay na buhay at hindi ka makararamdam ng pagka-bored.
At kung si Mergus naman, nakabubuhay nga ng dugo at madalas ay kumukulo pa. Nabubuhay ang iritasyon ko sa kanya.
“Thanks. Sige na, mag-rest ka na rin,” ani ko at tumango siya.
“Dito lang ang kuwarto ko sa kabila. If you need something, don’t hesitate to call me, okay?”
“Okay,” I replied and nodded.
Pumasok na ako sa loob ng room ni Mergus at ni-lock ko pa ang door niya. Alam ko naman na hindi siya matutulog dito dahil nandito ako at ayaw naman niya akong makasama, eh. That’s why expected na hindi siya matutulog dito.
Humiga ako sa malaking bed niya na ’saktong tumunog ang phone ko. Hindi ko iyon dinala kanina kaya nasa bedside table lang siya. Hindi ko rin naman kasi in-expect na dadalhin ako sa kung saan ni Miko. Tapos makikilala ko pa ang mga kaibigan ni Mergus.
Bumangon ako para kunin iyon at tiningnan ang caller ID. Si Dad ang tumatawag. Mabilis ko itong sinagot dahil mukhang urgent.
“Yes, Dad?” sagot ko sa kabilang linya.
“Naging maayos din ba ang pakikitungo mo sa Brilliantes clan?” agad na tanong ni Dad. Sa halip na tanungin ako na kung okay lang ba ako rito pero iba yata ang gusto niyang malaman kung ano na ang nangyayari. “Kilala kita, May Ann. Ayaw mo sa maraming atensyon. Na kung minsan ay nawawalan ka na ng respeto.”
“Dad, hindi po ako ganyan. Kung makukuha ko po ang lahat ng atensyon ng iba ay mas pipiliin ko na lang ang umalis at manahimik. Hindi po ako nakikipagsagutan sa ibang tao. Hindi ko po ugali ’yan,” pagtatanggol ko sa sarili ko. Dahil hindi ako ganoong klaseng tao.
Mas pipiliin ko na nga ang umalis kaysa ang makapagsalita pa ako nang hindi magaganda. Ako ang kusang umiiwas.
“Sino ka para pagsabihan ng ganyan ang Dad mo? May Ann, anak ka lang ng Daddy mo at huwag mo siyang sinasagot-sagot ng ganyan,” narinig kong sabi ni Mommy. Hindi lang pala si Dad ang tumatawag ngayon. Pati si Mom ay nakikinig din siya sa usapan namin.
“I’m sorry, Mom,” sabi ko at napayuko pa ako dahil nararamdaman kong kahihiyan at sama nang loob.
Parang iyon lang naman, na pinagtanggol ko lang ang sarili ko pero sumobra na ako sa kanila, iyon ang sa tingin nila na nagawa ko. Ang walang respeto sa iba at nawawala rin daw ang manners ko.
“Venus...”
“Dapat matuto ’yang anak mo. Hindi tayo nagkulang sa pagpapalaki sa kanya. Kaya bakit hindi niya na lamang tularan ang anak nating si Arveliah? Masyado siyang mapagmataas, kesyo nasa kanya na ang lahat. Dapat tandaan niya na kung wala tayo ay walang-wala rin siya ngayon.”
“Stop it, Venus. Kinakausap ko pa ang anak natin. Huwag mo siyang pagsabihan ng ganyan,” mahinang suway ni Dad.
When they say something I don’t like I really manage to say something na hindi naman naaayon sa gusto nila.
But it’s always like this. They always compare me to my sister. Na why I’m such an arrogant person, that since I was born I have everything, that’s what my Mommy said just now. Na why I don’t just be like my sister who scared of them at kapag pinapagalitan na ay tumatahimik agad. Na bakit kung ako ang napapagalitan nila ay sinasagot-sagot pa ako sa kanila?
Kaya feeling ko, hindi rin ako naging mabuting anak sa kanila. Na palaging palpak sa lahat ng bagay. Na palaging nagkakamali sa mga gusto nilang pinapagawa sa akin.
“May Ann. Tandaan mo na hindi basta-basta ang mga taong ’yan. Malaki ang maitutulong nila sa atin kapag ikinasal kayo ng apo ni Don Brill. Kaya gawin mo ang best mo na pakisamahan sila at lalo na kunin mo ang loob ni Engineer Mergus. Dapat magustuhan ka niya. Huwag mo siyang i-disappoint dahil kapag nangyari iyon ay wala ka nang babalikan pa rito kung kusa ka nilang paaalisin sa poder nila. Kung kailangan mo siyang akitin ay gawin mo,” mahabang sabi niya sa akin para lang sumikip ang dibdib ko at nakaramdam ako nang sakit sa puso.
“Gagawin ko po, Mom,” sabi ko.
“May Ann.”
“Dad?”
“Basta ang tandaan mo, kailangan mong makuha ang loob nilang lahat. Hindi lang ito para sa amin. Para rin ito sa ’yo,” sabi niya at pagkatapos no’n ay pinatay na niya ang tawag nang hindi man lang sinasabi sa akin na “mag-iingat ka”.
Ibinato ko sa likod ko ang phone ko, sa bed lang naman ito tatama. Napahilamos pa ako sa aking mukha at bayolenteng bumuntong-hininga. Bumibigat lang ang dibdib ko.
Hindi lang para sa kanila? Para sa akin? Pero hindi ko mahanap ang dahilan na iyon, mukhang hindi para talaga sa akin. Dahil gusto lang nila akong... umalis sa family namin. Dahil hindi naman ako mahalaga pa. Ayos lang naman sa kanila kapag nawala ako. Ikasasaya pa nila kapag umalis na ako.
“Why did you locked this, May Ann? Open the door.” I looked at the door when I heard Mergus’ voice.
Parang gusto kong tumawa ngayon. Gawin ko raw ang best ko para makuha ang loob ng family ni Mergus na kahit siya ay kailangan ko rin na makuha ang kanyang loob. Na kung aakitin ay dapat ko ring gawin. Aakitin?
Paano ko naman makukuha ang puso ng lalaking ito kung sa iba na yata nakalaan? At sa sarili ko pang kapatid?
“May Ann! Bubuksan mo ba ’to o sisirain ko na lang?” tanong niya na may iritasyon sa boses niya. I heaved a sigh again at naglakad ako palapit sa pintuan. “Isa... dalawa...”
Hindi na nga niya napigilan pa ang inis niya at basta na lamang niya sinipa ang pintuan. Nasira nga iyon at bumukas pero hindi naman ako nasaktan dahil kusa akong huminto ilang hakbang ang layo ko sa pinto.
Salubong ang kilay niya nang magtagpo ang mga mata namin. Nakikita ko na agad ang init at iritasyon niya sa guwapo niyang mukha. Pero walang emosyon ko lang sinalubong ang masama niyang tingin.
“Alam mo ba—”
“Paano ko makukuha ang puso mo?” sabat ko sa sasabihin niya sana.
“Makuha ang puso—ano? Ano ang pinagsasabi mo riyan?” nagtatakang tanong niya sa akin.
“Ang puso mo... Paano ko iyon makukuha?” balik na tanong ko sa kanya.
“What are you talking about? I don’t understand. Ano’ng puso iyon?” kunot na kunot-noong tanong pa niya.
“Paano mo ako... magugustuhan?” I asked him again at nang naintindihan na niya ang tanong ko ay natawa na lamang siya na walang buhay. Ngunit nanatiling nakatikom ang aking bibig at seryoso ko lang siyang tinitigan.
“Paano kita magugustuhan? Kahit magkamukha pa kayo ng kapatid mo ay hindi pa rin kita magugustuhan at kahit mas maganda ka pa kaysa sa kanya ay hindi pa rin ako magkakagusto sa ’yo. Si Arveliah, siya lang ang babaeng gusto ko,” sabi niya.
Si Arveliah... Ang kapatid ko lang palagi ang nagugustuhan ng mga taong nasa paligid namin.
“Paano kung sasabihin ko sa ’yo na gusto kita?” tanong ko na ikinahinto niya sa pagtawa at natigilan siya.
“Nagpapatawa ka ba? Paano mo—”
“I plan to like you. Huwag kang assuming. I just said that para maging aware ka sa gagawin ko next time,” sabat ko at nagtungo ako sa study table niya. Pinagmamasdan ko ang papers niya at may laptop pa siya.
“Seriously? Pinaplano ba ang pagkagusto sa isang tao?” naiinis niyang tanong.
“Ano-ano ang mga katangian mo? Maliban sa...ang pangit nga ng attitude mo,” sabi ko.
“Hindi mo ako magugustuhan. Dahil ibang-iba ako sa mga lalaki—”
“Hindi ka gentleman, hindi ka marunong makiramdam sa feelings ng isang tao kapag nagsasalita ka na ng hindi maganda sa kanila. Yes, straight forward kang tao pero tandaan mo na may kinalalagyan ang pagiging prangka mo. Hindi lahat ng mga tao ay makukuha ang salitang gusto mong sabihin. Masama man ito o hindi ay iba pa rin ang iisipin nila at tatanggapin nila na isang masamang judgement mula sa ’yo. Engineer Mergus, mas mahalaga nga ang opinyon mo sa isang bagay at ika ng lahat, saktan mo siya sa katotohanan at huwag ang puro kasinungalingan. Pero paano na lamang kung may sakit sa puso ang taong iyon at pinagsabihan mo siya nang masasamang salita? Paano na lang kung may depression ito at malaking problema ang kinakaharap? Para sumama lalo ang loob niya? Na kung minsan...mas ayos na ang manahimik ka na lamang at hayaan na sila. Tandaan mo rin na may kanya-kanya tayong buhay at imbis na pakialaman mo sila ay ang buhay mo na lang ang pagtuunan mo ng pansin. Kung mananahimik ka ay walang masasaktan,” mahabang sabi ko at tuluyan siyang natahimik.
“Matulog ka na lang at masyado nang malalim ang gabi,” sabi niya at siya na rin ang sumuko sa huli. But I didn’t respond. I remained silent at nakaupo lang ako. “Go to sleep. Sa sahig ako matutulog,” sabi pa niya.
I took a deep breath at sumunod na lang ako sa sinabi niya. Humiga ako sa bed niya at hinayaan ko na rin siyang humiga sa sahig.
“Hindi ba kung ayaw mo sa isang tao...ay hindi mo siya natatagalan na makasama sa iisang lugar?” tanong ko sa kanya. I thought ay hindi na niya ako sasagutin pa dahil ilang minuto ang nakalipas ay wala nga siyang isinagot.
“Kayang pagtsagaan. Alam mo, matulog ka na nga. Bukas ka nang magdaldal sa akin,” sabi niya.
Ilang beses na naman akong magbibilang bago ako makatulog pero hindi ko pa yata natatapos ang 100 numbers ay diretso na agad ang tulog ko. Hindi ko alam kung bakit.
Nagising ako in the next day ay wala na si Mergus sa sahig. Baka maaga rin siya nagising at nauna na rin siyang lumabas. Pumasok na lang ako sa bathroom to take a shower at inayos ko lang ang sarili ko.
Si Michael naman ang unang bumungad sa akin paglabas ko pa lang at kasama niya ang isang... pamilyar na pusa. Nakauwi na rin pala siya.
“Where’s your fiancé, Ms. May Ann? Alam mo ba’ng iniwan niya sa akin ang pusa niya dahil sa ’yo?” tanong niya at hindi ko maintindihan na kung bakit ginawa iyon ni Mergus. Tss.
“Bakit mo siya hinahanap?” tanong ko at umatras ako nang binabalak niyang lumapit sa akin.
“Heto, alagaan mo ang anak niyo ni Kuya,” sabi niya at ibinigay niya nga sa akin ang pusa. Tumaas agad ang balahibo ko sa braso nang maramdaman ko ang malambot na balat nito, o tamang sabihin ay balahibo ng pusa.
“A-Ano’ng...”
“Sige, aalis na ako, ha? Busy ako, eh,” sabi niya at nagmamadali na siyang umalis. Napatitig ako sa pusa at nang nagsimulang nanakit ang ilong ko ay nabitawan ko na lang iyon bigla.
“The fvck!” malutong na mura niya nang makita na nabitawan ko ang alaga niya. Yeah, si Mergus. “Why did you let her go?! Alam mo ba sa ginawa mo ay puwede siyang masaktan?! Nakita mo naman na ang liit-liit pa niya!” sigaw niya sa akin pero hindi ako nag-react sa lakas ng boses niya.
Bored na bored ko lang siyang pinagmamasdan habang nasa bisig na niya ang pusa.
“Sinabi ko na sa ’yong ayaw ko sa pusa,” malamig na saad ko at nilagpasan ko siya para makababa na rin.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap!” asik niya at napailing na lamang ako sa kanya. Bakit ba galit na galit siya? Pusa lang iyon at hindi ko naman sinasadya na mabitawan ko ito dahil may allergy nga ako.
“Hindi naman tayo...” Nabitin sa ere ang sasabihin ko sana nang makita ko si Mikael. ’Saktong paakyat na kasi siya. Pinanood ko lang siya habang naglalakad. Hindi pa niya ako napapansin kaya noong nakita na niya ako ay saka lang siya huminto.
Bakit kaya na-f-feel ko na may kakaiba sa kanya? At ang mukha niya. Kung naging babae lang siya ay mas maganda pa yata siya kaysa sa iba. Natural beauty...
“May Ann.” Hindi ko naiwasan ang paghawak niya sa kamay ko dahil hindi ko tinantanan sa titig ko si Mikael. “What are you doing here, Mikael?” tanong niya sa kapatid niya at pasimple kong tinanggal ang kamay niya sa siko ko.
Sumulpot naman bigla si Miko.
“Ano pa ang ginagawa niyo riyan? Kakain na raw ng breakfast sabi ni Mom at Kuya, huwag mo ngang inaano ang kakambal ko,” sabi pa niya at nagawa niyang akbayan ito.
“He’s not your twin brother,” sabi ko at natigilan pa si Miko. Maski ang katabi ko ay naramdaman ko rin na natigilan siya.
“Ha?” gulat na saad pa ni Miko. “Ano ba ’yan... Tara na nga, Mik. Sa labas na lang tayo kumain ng breakfast natin!” sabi niya na mukhang natataranta pa. Umalis na nga silang dalawa at napangiwi pa ako nang hinablot na naman ni Mergus ang kamay ko.
“Kung ano-ano ang pinagsasabi mo. Bumaba na lang tayo,” sabi niya at hinila na nga ako pero ang mukha ko na ang iniiwas ko dahil sa pusa niya.
“Ang baho ng pusa mo, eh,” reklamo ko at tinakpan ko ang ilong ko. Salubong na naman ang kilay niya at inamoy pa niya ang balahibo nito.
“You’re weird. Kung ayaw mo sa pusa ko ay huwag mo siyang pagsabihan niyan. Ikaw...” I looked away nang inaamoy na naman niya ako. “Ginamit mo na naman ang body shower ko and my shampoo,” he said. Hinawakan ko ang mukha niya at itinulak siya.
“Let me go,” mariin na utos ko at sumunod naman siya.
“May Ann... Aalis tayo mamaya kaya maghanda ka,” sabi niya.
“Saan naman?”
“Ipapakita ko sa ”yo ang working place mo,” he answered.
“Ang company ni Dad?” tanong ko sa kanya.
“Hindi iyon. Ang sabi sa akin ng Daddy mo ay ako raw muna ang masusunod. Kaya ang gusto ko... Magtatrabaho ka sa firm ko.”
“Ayoko,” ani ko.
“Bilang engineer,” he said and stilled.
As engineer? A-Ano...ano naman ang plano niya? Seriously? Bakit...bakit naman niya iyon naisip?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top