CHAPTER 1
Chapter 1: First introduction & meeting Don Bril
MAY ANN VALLEJOS’ POV
I SMILED when I touched the piano keyboard. It feels good when my fingers touch it. Especially if I already hear a tone, which I myself create a sweet melody.
Naalala ko noong bata pa lamang ako. Limang taong gulang pa lamang ako nang mapanood ko ang isang babaeng tumutugtog ng piano. The beauty of that music calms my mood and lightens the weight in my chest.
Yes, I was so young to feel that. Especially na hindi maganda ang relasyon namin ng parents ko.
Kaya dahil doon ay ninais ko na ang matuto kung paano tumugtog ng piano. Wala namang naging hadlang sa bagay na gusto ko. Nakiusap ako, nakiusap ako sa babaeng iyon na turuan ako at hindi naman siya naging madamot sa akin. She’s one of a kind na hinding-hindi ko rin makalilimutan.
Buong puso niya akong tinuruan at hindi ko akalain na siya pala. . . Na siya pala ang tunay kong ina. Na hindi naman ipinakilala sa akin ni Dad. Dahil. . .
I closed my eyes and took a deep breath. My fingers began to move to create sounds that my heart also wants it.
This instrument became my. . .friend. Yes, this thing seems funny, that the piano became my friend and not a person. Because of this, it has been the witness of my whole being, it has been the witness of my sorrows, of painful experiences and also one of the witnesses of my happiness.
Nagsimula ang bagong tugtog na ako lamang ang tanging nakaririnig nito dahil isa ito. . . Isa ito sa mga sekreto ko na hindi dapat malaman ng iba. Kasi. . .
Alam ng lahat, na ang Vallejos family ay kailanman hindi nagkaroon ng interest sa mga musika. Dahil alam din nila, na tanging pagpapatakbo lamang ng kompanya at pagnenegosyo lang ang gusto namin, ang nasa puso namin.
Huminto ang mga daliri ko at nagmulat ako ng aking mata. Kahit ayaw na ayaw na gawin ito ng parents ko ay naging matigas pa rin ang ulo ko. Ginawa ko pa rin ang isang bagay na labag sa kanilang kalooban. Palagi ko silang sinusuway pagdating sa kaibigan ko.
“Why did you stop?” Nagulat ako nang makarinig ako ng isang boses. Umalingawngaw pa iyon sa tahimik na music room. Dahan-dahan naman akong lumingon upang makita ang taong iyon. Isang matandang lalaki na may katangkaran, mukha siyang negosyante. Base pa lamang sa kasuotan niya. May katandaan na nga siya pero bakas pa rin sa mukha niya ang kagandahang lalaki niya noong kabataan pa lamang niya. “Alright, continue that,” he insisted to me.
“I don’t know how to play,” I refused. I heard his weak laughter.
“Eh, I heard you from the beginning. Go ahead. I want to hear the music you’ve been creating lately. That’s new to my ears,” he said to me and slowly approached my seat. Kung kaya’t mas napagmasdan ko na ang kaniyang kasuotan.
Nakaitim na suit siya, halatang mamahalin ang mga iyon. Ang magkabilang kamay niya ay nakatago sa kaniyang likuran.
“Maybe it came from the hall,” I said.
“Which?” he asked.
“The music you heard,” I answered quickly and his laughter only got louder.
“The party is not here and is in the hall. So, what are you doing here? Instead you have fun there. Are you one of the guests of the youngest daughter of Mr and Mrs. Vallejos? The architect and owner of this mansion?” he asked. He was referring to my father.
“It’s only one person and why are your questions so detailed?” I politely asked him.
“To be sure,” he answered. I nodded and smiled.
“How about you, Sir? Why are you here? The party is in the hall. So, what are you doing here? Are you also a guest?” I asked him again.
“Yes, you’re right. I was one of the guests and. . .just nothing. I just want to breathe fresh air. I was actually about to go out but I heard a beautiful and soft piano music. So, my feet took me right here,” he continued.
“Are you interested in music? So, did you let your foot take you to this place?” naaaliw na tanong ko sa matandang lalaki. Sunod-sunod ang kaniyang pagtango.
“Yes. I remember my youth, and especially when I first met my beloved wife,” he answered and I felt something in my chest when I heard what he said about his beloved wife.
Mukha naman siyang hindi malungkot dahil matamis ang kaniyang ngiti. Inaalala niya lang din ang nakaraan niya, sa mga panahon na kasama pa nga niya ang babaeng mahal na mahal niya—noong kabataan pa nila. His beloved wife.
“I’m not very good at playing the piano, but do you want me to present you with a. . .music that for the first time you will hear for the rest of your life?” I asked him, smiling and he seemed to become a child because he nodded quickly.
Nanatili siyang nakatayo sa tabi ng piano at nanood lang siya sa akin. At that time it was also for the first time that I felt my importance in this world.
Sanay ako. . Sanay ako na hindi pansinin ng mga tao. Sanay ako na palaging nasa likod lamang ng aking pamilya. Sanay na akong lagpasan lang ng mga karamihan. Because it seems like I don’t belong in this world and never deserve to live, a person who doesn’t exist because I’m just the fruit of a mistake. My father...
After my mini performance, I guess. Nagawa pa niya akong palakpakan and he’s so happy.
“Bravo... Ang husay mo.” Nanlaki ang aking mata nang marinig ang sinabi niya.
“You... Are you a Filipino, Sir?” I asked him in a surprise tone. He nodded.
“Yes. I’m from the Philippines, actually,” he replied.
“Wow... That’s good...”
“Ikaw?”
“Iisa lang po ang ating pinanggalingan, Sir,” saad ko.
“So... Ano ba ang title ng musikang iyon?” tanong niya at gusto niyang bigyan ko rin ng title ang pagtugtog ko kanina.
Napaisip naman ako dahil ako nga ang naghandog sa kanya at naaalala niya raw ang dating asawa niya. Siguro puwede na ang...
“The unforgettable love, Sir. Love of the past that still lives in the present. Ganoon po ba kayo, tama ako?” aking tanong at siya naman ay tumango lamang.
“Tama. Tama ka riyan,” aniya at hindi man lang naglaho ang kanyang ngiti. “Hindi ka ba dadalo sa party? Dito ka lang mananatili?” kanyang tanong na may halong tinig ng kuryusidad.
“Pupunta pa rin po and you need to go too, Sir,” I uttered and stood up from my seat. Inilahad ko ang kamay ko papunta sa pintuan at nauna naman niyang naglakad.
“Masyadong malaki ang mansion ng Vallejos family. Hindi ka ba naliligaw rito?” he asked.
“Hindi po. I’m used to it. Hindi po kayo maliligaw sa sarili mong tahanan, Sir,” I stated at napahinto naman siya para harapin ulit ako. May pagtatakang tiningnan niya ako at pinagmamasdan pa niya nang maigi ang aking mukha.
“Ikaw... Kahawig mo si Mr. Vallejos,” may pagdududang sambit niya at nakangiting tumango naman ako.
“He’s my father, Sir,” I told him and his eyes widened in shock.
“No offense, hija. Pero ang damot naman ng mga magulang mo para itago ka mula sa amin. Isa lang ang ipinakilala niya sa amin at akala ko... Nag-iisang anak lamang si Ms. Arveliah, may kapatid pa pala siya na kasing ganda niya rin pero mukhang higit pa.” Tinanggap ko na lamang na isang compliment ang huling sinambit niya.
“Hindi po kasi ako mahilig sa party at makipagkilala sa karamihan,” saad ko.
“Tell me your name, please,” he said. Para sa lahat, ang matandang lalaking ito ay isa lamang estranghero pero magaan ang loob ko sa kanya. Dahil walang kahirap-hirap niya akong napapangiti.
“May Ann Vallejos, that’s my name, Sir.”
“May Ann... Wait, I heard that name before. Ah... I remember, ikaw pala ang isang namamahala ng V. Estate Company II?” namamanghang tanong niya.
“Yes po.”
“Ang akala ko ay kapatid lang ni Mr. Vallejos, kasi ang sabi ng mga naging kliyente niyo... ay kasing husay mo siya kaya... Anak ka pala niya.”
“Opo,” ani ko.
“Your parents such a lucky to have you as their daughter, hija... Para maging patas naman tayong dalawa. Ako naman ang magpapakilala sa ‘yo. I’m Denbrill Arkun Brilliantes. Just call me, Don Bril,” pakilala naman niya. Hindi ko pa narinig ang pangalan niya kaya hindi rin ako pamilyar.
“Nice meeting you, Don Bril,” I said.
“Mukhang... kilala ko na ang susunod na magiging apo ko,” aniya na hindi ko masyadong naintindihan. Makikilala na raw niya ang susunod niyang magiging...ano? Magiging apo niya? Sino naman ‘yon?
“Bakit po? May nawawala ho ba kayong apo niyo?” interesadong tanong ko.
“Hindi sa ganoon. Ang panganay kong anak na lalaki ay tatlo na ang nakilala ko na puwede niya ring maging anak,” sabi pa niya at mas nangunot lang ang aking noo. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ano ba kasi ang mga pinagsasabi niya?
“Pardon, Sir?”
“Kidding aside, hija. Babalik na ako sa hall, and I hope... I can meet you there with your parents. Gusto kong ipakilala ka naman nila sa amin,” sabi niya at tiningnan ko lang ang papalayong likuran niya.
Naiiling na napangiti na lamang ako. May pagka-weird din pala si Don Bril. Wew, unang beses ko ring ma-meet ang isang tao na galing pa sa Philippines.
Isinara ko na ang takip ng piano. Kahit against si Dad dito ay hindi naman niya tuluyang pinasara ang music room at hindi niya inalis ang instrument dito.
Paglabas ko ay bumungad naman sa akin ang isa sa kasambahay naming Pilipina rin. “Miss Ann. Pinapahanap po kayo ng Daddy niyo. Maghanda na raw po kayo at pumunta na sa bulwagan,” sabi nito at tumango naman ako.
“Okay,” tipid na sagot ko lamang at nagmamadali na siyang umalis.
I took a deep breath. Hindi naman si Dad ang naghahanap sa akin at alam kong isa na namang kasosyo niya o kaibigan niya sa business world kaya... Kaya niya ako ipinatawag.
Patungo sa kuwarto ko ay madadaanan ko pa ang hall kung saan ginanap ang 24th birthday ng nag-iisa kong kapatid na si Arveliah.
July 11, itong special day ni Arveliah ay ang death anniversary ng biological mother ko.
Kaya ako nasa music room dahil bumigat nga ang dibdib ko dahil naalala ko siya, naalala ko siya na nakasama ko lang siya sa maikling panahon. Na hindi man lang ako nabigyan ng maraming oras na makasama siya habang nabubuhay pa siya sa mundo.
Yes, anak lang naman ako sa labas ni Dad at ang babaeng nagturo nga sa akin sa pagtugtog ng piano ay ang biological mother ko. Isa rin ako sa panganay at bunsong kapatid ko si Arveliah, na madalas pinapaboran ni daddy at ang kinikilala kong ina. Hindi ko alam kung paanong nangyari ang lahat ng iyon.
Maayos naman ang relationship namin ng kapatid ko. Hindi siya katulad ng Mommy namin na sobrang strict at isang kamalian mo lamang ay mapapagalitan ka na. Kakaiba rin silang magdesiplina sa amin pero alam ko naman na sa akin lang sila ganoon. Hindi kay Arveliah.
“Miss May Ann, magmadali na po kayo. Kanina pa naghihintay ang mga kaibigan ng daddy niyo!” natatarantang sabi nito at binalikan pa niya talaga ako.
“Oo na. Sige na, puwede ka nang bumalik sa trabaho mo,” sabi ko at nawala naman ang ngiti ko nang makita ko si Mommy. “M-Mom,” I called her.
“What are you still doing here, May Ann? Go to your room and go dress up. Huwag mong paghintayin ang daddy mo,” she said. Tumango lang ako at saka ko na siya iniwan doon.
Pagpasok ko sa kuwarto ko ay nakita ko agad ang dress ko na pinaghandaan na rin ni Mommy.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil kapag birthday ni Arveliah ay pinaghahandaan ako ni Mommy ng mga damit na susuotin ko sa party or malulungkot dahil... Dahil gusto niya ngang makalimutan ko ang death anniversary ng Mama ko at para hindi ko na nga maalala pa ang babaeng nagsilang sa akin sa mundong ito.
“Hindi naman masama ang susuwayin ko siya ngayon, hindi ba?” tanong ko sa sarili ko at tiningnan ko ang suot kong damit. Naka-office attire pa ako na kulay lila.
Kinuha ko lang ang wallet at susi ko saka ako tuluyang lumabas from my room. Nagtungo ako sa front door and I was about to leave na sana but...
“Where are you going, Ate May Ann? Birthday ko po ngayon. Aalis ka na naman po ba?” Humarap naman ako sa aking kapatid. Palagi siyang nakabantay sa front door dahil alam niya. Alam niyang palagi akong umaalis sa araw ng birthday niya mismo. “Ate? May party na po roon.”
“Arveliah...”
“Please, Ate. Kahit ngayon lang na birthday ko. Huwag ka munang umalis, Ate May Ann...” nakikiusap na sabi niya at niyakap ang braso ko pero nagawa kong tanggalin iyon.
“I’m sorry,” sabi ko lang at umalis na ako.
“Ate May Ann...”
I’m May Ann Vallejos, the eldest daughter of Vallejos family. 28 years old and until now... I’m still unwanted daughter of my father and my Arveliah’s Mom doesn’t care about my existence, my father as well.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top