Album

Emeritus prenuptial...

Napapa iling nalang ako sa sarili ko habang patuloy lang ako sa pag kuha ng letrato. Sobrang gwapo. Bakit ba kasi may mga lalaking gwapo na nga nag papa ganda pa ng katawan? Yun bang mga lalaking nababasa lang sa pocketbook?

"Baby bakit hindi ka nag ahit?" tanong ng sosyalera niyang girlfriend na kelan lang niya naka landian (sa pag kaka alam ko). Napa iling ako dahil nasira nanaman ang diskarte ko dahil sa pag sulpot niya.

"Sorry Santi, let's have a break."

"OK." Sagot ko nalang.

Tumalikod agad ako nang lapitan siya ng girlfriend niya.

Inisa-isa kong tinignan ang mga shots ko sakanya kanina, perpekto lahat ng anggulo, hindi ko alam kung dahil magaling ako o dahil magandang lalaki lang talaga siya. Hindi nga siya nag ahit, pero ang gandang tignan ng pinong balbas niya , parang yung mga lalaki sa commercial ng Marlboro? Kung batang 90's ka naka panood ka ng patalastas na yon.

"Santi."

Napa iktad ako nang marinig ko ang boses niya.

"Oh?" hinarap ko siya.

Inabutan niya ako ng isang bote ng mineral water. "Thanks."

"Sobrang init pero ang ganda dito." Nakita ko ang pag libot ng mata niya sa malawak na dagat.

"Yeah." I sounded formal.

Nakita ko ang pag sulyap niya sa akin. Hindi maiwasang magka tinginan kami.

"It's been a year Santi."

Yeah. He remembers. "Is that an insult?" hindi ko maiwasang makaramdam ng pagka inis.

"No. I-.. just missed you."

"This is a favor Emeritus. Umuwi ako from States para lang maging photographer sa Kasal mo?"

"Yeah, Thank you Santisima."

"Punyeta!" singhal ko. Nilayasan ko siya nang marinig ko ang pinaka pangit na pangalan sa buong mundo.

Ang lutong ng tawa niya. Sa totoo lang na miss ko din siya. Sobra.

Emer was my first love. NO. My best friend. Yun lang, A year ago nag confess ako sakanya... hindi niya alam kung ilang kilong cheese ang kinain ko para lang manahimik ang mga daga sa dibdib ko. But he choose to break my heart. Hindi niya ako kayang mahalin. Yun ang sabi niya.

So I decided to leave. Pero pagka tapos ng ilang buwan tinawagan niya ako. And tadah... I'm here, para saktan ulit ang sarili ko. Hindi pa ko maka get over eh. I thought pag nakita ko siya mapapa tunayan ko sa sarili ko ang isang bagay, yun na nga. In love parin ako sa kanya...

***

Sa kasal-

Walang naka gown at naka barong. Ewan ko anong klaseng theme ito at naka shorts lang ang ikakasal, hinanap ko ang bride niya, nakita ko na naka suot lang ng... ewan ano yun, one piece pero may mahabang scarf na naka pa ikot sa magandang katawan niya.

Maya-maya pa ay nawala na sa paningin ko ang bride dahil malapit nang mag simula ang ceremony.

Sinimulan kong gawin ang trabaho ko.

Hidi ko alam kung magagawa ko ng ma ayos ang trabaho ko dahil ramdam ko ang pag tutubig ng mga mata ko. For the last minute inamin ko sa sarili ko na hindi ko kaya. But I have to stay cool.

Nag simulang mag lakad ang mga tao papunta sa aisle. Emer smiled at me nang maka pwesto siya sa harapan.

It was a calm afternoon, banayad ang liwanag ng palubog na araw... tahimik ang dagat at malamig ang hangin. Perfect.

I know my shots are perfect. Everything was indeed... perfect.

"Santi..." Napa kislot ako nang biglang mag salita si Emer.

My tears fall.

I was actually in the middle of the aisle.

Tinignan ko siya.

"Santi.." ulit niya.

"Fuck you ka!" how could you look at me like that! Gusto ko siyang sigawan.

I saw his misty eyes. At naguluhan ako.

Nakita ko din ang pagka atubili sa mukha niya.

"I-I was actually planning to ask you this the day your dirty rubber shoes steps on NAIA."

Napa tanga ako. Bakit pati ang madumi kong sapatos dinamay niya? Gusto ko tuloy ipasok sa dalawang butas ng ilong niya ang medyas kong one week ko nang suot.

"I'm sorry hindi kita kayang mahalin."

Gusto kong gumulong sa buhanginan nang ulitin niya ang mga salitang pumunit sa puso ko a year ago.

"Because you deserved more than love... more of me, sorry I don't know pano ko sasabihin."

"Huh?" bumabanat ba siya? Teka nga?! Ano bang sinasabi niya?

"Santi mahal kita. Matagal na."

"Ayii.." narinig kong nag tilian ang mga tao sa paligid.

Nakita ko ang samut-saring expression nila.

Napa tanga ulit ako. Namalayan ko nalang na naka lapit na pala siya sa akin. Then he kneels.

"Will you marry me Santisima?"

Parang sinampal ang eardrums ko sa sinabi niya.

"Tang ina naman oh." Impit ko.

"Santi?" pigil ang pag tawa niya. Alam talaga niya ang weakness ko.

Hindi ako kumibo.

"Sayang naman ang mga abs ko kung tatanggihan mo ko."

I stared at him.

"It was a set up. Pinsan ko si Bethany." Explain niya habang naka bitin parin sa ere ang kamay niyang may hawak na singsing.

Nakita kong naka hinga siya ng maluwag nang ibigay ko ang kanang kamay ko sa kanya.

Hindi ako kumibo dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin sakanya, kaya si father nalang ang kinausap ko.

"Father, simulan na po natin at pakakasalan ko pa ang abs ng lalaking ito."

Hinila ko siya palapit sa harap pero hinila niya ako pabalik. "You may now kiss my abs." he said before claiming my lips.

Even my first kiss...

Perfect.

-pepi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top