Chapter 9: Laban para sa Metro Manila!
Chapter 9: Laban para sa Metro Manila!
Grim Harvester's Point of View
Pagkatapos ng aming pag-eensayo, tinipon muli kaming lahat na miyembro ng Anti-Zombie Squad ni Hank Bahinting.
Sina Dragon Gangster, Lady Shooter, Death at HD-Queen ay umupo sa sofa sa kaliwa. Sa gitnang sofa umupo sina Scarlet Medic, Little Blade, Captain Killer, Super Golfer at Bad Knife. Sina Boy Machine Gun, Crossbow Princess CL, Dana Quinn at Katana Queen ay nasa kanang sofa. Si Crazy Bully Killer ay nakahiga lamang sa sahig, sa carpet, nagrerelax. Parehas kami ni Hank nakatayo.
"Oras na para ubusin ang mga zombie sa Metro Manila. Pero kailangan natin ng taktiko. Siguro, maghihiwalay tayo, dalawang grupo. Malaki rin ang buong Metro Manila. May mungkahi pa ba kayo?" sinabi na sa amin ni Hank ang kanyang plano.
"Hindi siguro dapat tayo maghiwalay. Maganda kung sama-sama tayong lahat." binahagi ni Dragon Gangster ang kanyang opinyon.
"Um, pwede naman, sige. May truck naman ako diyan."
"Eh sino dedepensa sa bahay na ito? May mga walang laban na kamag-anak yung iba sa atin, di ba?" tanong naman ni Scarlet Medic.
"Ako na lang. Nandito ang nanay ko eh. Poprotektahan ko talaga siya." sagot ni Katana Queen.
"Di na siguro kailangan, sama sama na tayo rito at mapapatay naman natin ang lahat ng mga zombie, di ba? Siguro, mauubos na sila, bago pa man makaabot dito sa bahay." sabi naman ni Hank sa kanila.
"Hank, di ba may napag-usapan kayo ni mama? Yung tungkol sa proteksyon naming dalawa. Ayaw niyang di ako kasama."
"Oo, Zoey, pero ayaw ko naman na madamay silang di miyembro na walang kakayahan sa pakikipaglaban sa mga zombie. Maayadong delikado it kung sasama pa sila. Magiging ligtas naman tayo kung magkakaisa tayo."
"Tama, tama! Simulan na natin sugpuin ang mga zombie!" sabi ni Dana Quinn.
"Hindi tayo magkakasya sa isang kotse, so dalawang sasakyan? Baka dalawang mga gwapong sasakyan ang masayang, pre. Paano na ito?" tanong bigla ni Death na medyo patawa yata.
"Um, magkakasya tayo sa isang malaking sasakyan, ang police truck dati ni tatay. Malaki, malawak at isang magandang bagay doon ay open yung likuran, walang mga bubong, walang salemen ang mga bintana, madali kayong makakabaril habang umaandar ang sasakyan." sagot ni Hank.
"Wow! Siguro yan talaga yung fafang sasakyan!" reaksyon ni Death.
"Oo, hindi katulad mo dahil hindi ka fafa." sabi ni HD-Queen.
"Ow, burn! Burn, burn, ow, you got burned by the queen of thug life, Charmaigne Lalisa Medina!" sabi ni Little Blade kay Death.
Natawa naman si Death.
"Siyempre joke lang. Peace po!" binunyag ni HD-Queen na nagbibiro lang siya at pinakita ang peace sign kay Death.
"No more time for goofing around, Anti-Zombie Squad. Let's go now!" sabi sa amin ni Hank Bahinting na seryosong seryoso.
Dumeretso na kami sa police truck sa garahe. Ang nasa harap ay sina Dana Quinn at Lady Shooter. The rest, sa likod, including me. Si Hank, sasakyan ang motorsiklo niya kasama si Dragon Gangster.
Pero yung iba hindi muna sumakay, nagpaalam muna sa mga kamag-anak nila.
"Daniel, ingat ka rito, manatili ka lang sa loob at huwag na huwag kang lalabas lalo na kapag may zombie, okay? Pangako kong iingatan ko ang aking sarili para sa iyo. Babalik akong buhay, pangako iyan!" sabi ni Dana Quinn kay Daniel Rey Buenavantura, ang kapatid niya at pagkatapos nagyakapan sila.
"Jasper, Loisa. Mag-iingat kami ni Ate Lisa niyo sa laban na ito, sana kayo rin habang hinihintay niyo kami rito. Para sa inyo naman ang laban na ito, eh." sabi ni Death kina Jasper Jacob Buenavista at Sharon Loisa Elise Medina, ang mga kapatid nila ni HD-Queen.
"Oo, tama siya. Kailangan talaga namin ito gawin para maibalik ang mundong sinira ng mga zombie. Makakatulong ito lalong lalo na sa inyo na magiging bagong generasyon soon." dagdag ni HD-Queen.
Niyakap nila ang kanilang mga kapatid pagkatapos.
At si Ma'am Zanella ay kinausap sina Hank Bahinting at Katana Queen.
"Ma'am, sige na po, payagan mo na po si Zoey sa misyon na ito. Iingatan ko naman po siya, sisiguraduhin kong buhay pa po siya pagkabalik at magiging maayos akong pinuno para hindi mapahamak si Katana Queen. Susubukan ko rin ang makakaya ko para iiwas siya sa gulong pwede idala nang hindi mapapagkatiwalaan na iba sa amin." pinilit ni Hank Bahinting si Ma'am Zanella.
Nag-isip muna si Ma'am Zanella, hanggang sa nakagawa na rin siya ng desisyon.
"O, sige. Basta mag-ingat kayo and make me proud. Zoey, ikaw na lang ang natitirang pamilya sa akin. Hank, naging estudyante kita ng maraming taon, marami pang pangarap ang mga magulang mo para sa iyo at pinagkakatiwalaan kita kay Zoey." sabi niya sa dalawa.
"Opo, nay. Di ka po namin bibiguin." sabi ni Katana Queen at niyakap ng mahigpit ang nanay niya.
"Ikaw din, Hank, ah. Ingat." sabi ni Ma'am Zanella at niyakap din si Hank.
"Opo, opo! Magiging tagumpay po ang laban na ito!"
Pagkatapos nito, sumakay na sila sa police truck. Para kina Hank Bahinting at Dragon Gangster, sa motorsiklo sila. Buti pala, nandoon sila, kasi ang luwag dito sa likod, nakakarelax pa ako!
Bumiyahe na kami. Iikutan namin ang buong Metro Manila upang patayin ang mga zombie. Pinapatay na nung mga may baril (crossbow para kay Crossbow Princess CL) kaagad yung mga madadaanang zombie na kokonti lang kung dumating at hindi naman grupo-grupo. Mga dalawang oras naming nilibot ang Metro Manila. Hindi naman kami bumababa dahil mga drive-by lang ang pwed naming gawin. Pra sa aming mga melee weapon lang ang hawak, kami'y nalulungkot at naiinip dahil hindi namin nararanasan ang sayang nararanasan nung mga may baril o ranged weapons. Kung may mga malalaking grupo, ginagamitan ito ni Hank ng missile. Pero mga dalawang beses, pinagbigyan kaming mga melee weapon lang ni Hank na labanan ang isang malaking grupo ng mga zombie, at si Katana Queen ang the best in fighting!
Habang nasa biyahe, naglalambingan lang sina Super Golfer at Bad Knife sa kaliwa ko. Di ko alam kung sila na ba o hindi pa talaga. Sina Boy Machine Gun at Crossbow Princess CL, ang magkasintahan ay nagiging mga sniper, seryoso ngunit magkaholding hands pa talaga habang naghihintay makapatay ng mga zombie. Sila naman ang katabi ko sa kanan. Nilalambing ni Captain Killer si Scarlet Medic kahit pilit na lumalayo't umiiwas ito sa kanya. Nakahiga lang si Little Blade kay Scarlet Medic, bored na siguro. Si Crazy Bully Killer ay ang nasa pinakalikod, nakaabang para makapatay ng mga zombie. Ang pinakaharap sa likod ay si Katana Queen, na walang ginagawa, naghihintay lang kung kailan bababa para makapatay na rin siya sa pamamagitan ng mga espada niya. Sina Death at HD-Queen naman ay nag-uusap, nagkwekwentuhan. Nagtatawanan pa nga sila, so baka mga patawa nila ang nasa usapan. Sa harapan, si Dana Quinn ay siyempre nagmamaneho samantala si Lady Shooter nakatulala lang, sumisilip sa paligid. Sina Hank Bahinting at Dragon Gangster sa motorsiklo nila ay pokus lang sa daan. Nag-uusap sila paminsan.
Biglaan akong tinanong ni Death sa kuryusidad niya. "So Mang Ojeda, ano po ba ang kwento ng buhay niyo? Yung sa inyo na lang po ang hindi namin alam. Basta ang alam namin, isa kang magsasaka na bigla na lang nalaman na ang lahat ng trabahador sa kapatagan mo ay mga zombie na."
"Ah, gusto niyo bang malaman? Oras na siguro, noh. Hindi natin alam, baka may mamatay sa inyo na hindi malalaman ang aking storya. O ako pa nga. Malalaman niyo na rin ang dahilan..ang dahilan kung bakit ako naging Grim Harvester." sabi ko naman sa kanila.
**Flashback**
April 19, 2009
"Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya! Masyado ka na, alam mo yun! Malaking kahihiyaan ang ginagawa mo, Alexandro! All over the news na makapal ang mukha mo, isa kang wanted criminal!" sabi ng nanay ko, si Sheila Ojeda sa aking tatay, si Alexandro Emmanuel J. Ojeda Jr. (ako kasi si Alexandro Emmanuel J. Ojeda III, thirdy ang tawag ng pamilya ko sa akin).
"Ayaw mo na? Mas lalong ayoko na kasi wala ring katarungan ang mga ginagawa mo. Dati ka pa nandadaya sa akin. Lagi kay may mga lalaki, Sheila. Ano kaya masasabi nina Thirdy at ni Stephen? Ha? Kriminal ka rin naman at isang demonyitang lalakero!" tugon ni tatay kay nanay.
"Sige na, parehas na tayong masama!!! Kailan pa ba tayo nagkasundo, ha?! Lagi na lang naman away, magkatapusan na tayo! Tutal, kriminal ka naman, pwedeng pwede mo akong patayin."
"Ha, ikaw na hayop ka! Sige! Baka kaya mo ako! Kailan mo pa ba ako kinaya? Ang kaya mo lang naman magdrugs at humanap ng ibang mga lalaking iibigin mo kahit mag-asawa na tayo! Mga bisyo at mga kalokohan mo!!! Tapusin na natin ito!"
Hinanda na ni tatay ang baril niya at kinuha na ni nanay ang kutsilyo mula sa bulsa niya. Tumakbo ng pinakamabilis niya ang aking nanay upang masaksak si tatay. Nang masaksak niya ito sa leeg, nabaril naman siya sa ulo. Parehas silang namatay na.
Too late na, hindi namin napigilan ni Stephen ang patayan nila.
Humagulgol kami at tumagal na naging napakalungkot.
Kinupkop kami ng aming lolo pagkatapos nitong pangyayari na ito. Napakasama at mapang-abuso niya, naiinis at nahihirapan na ako. Tila hindi ko na ito kaya..
Naisipan kong patayin na siya dahil parang pinapatay na niya kami ni Stephen sa torture. Sa kabila ng pagpigil sa akin ni Stephen, hindi nagbago ang isip ko. Dahil magsasaka na ako sa oras na iyon, isang sickle ang ginamit ko.
September 10, 2011
Habang natutulog si Lolo Alexandro, hinanda ko ang sickle ko. Naging stealthy ako, parang ninja. Hindi ko namalayan na ang nakakabata kong kapatid na si Stephen ay sinusundan ako.
Sumugod na ako nang malapit na ako.
"Mamatay ka na, LOLO ALEXANDRO SENIOR!" sigaw ko at sasaksakin na sana siya sa leeg, nang biglang humarang si Stephen na hindi ko inexpect.
"Stephen, bakit? BAKIT MO ITO GINAWA?!" Tanong ko bigla nang natumba siya.
"Huwag ko ito gawin, kuya. Masama ito..huwag mo gayahin sina mama at papa na masasamang tao. Sige na..mahal na mahal kita kahit salbahe ka." sabi ni Stephen at napapikit na, patay na.
Humagulgol ako rito. NAPATAY KO SI STEPHEN!
Ang kapatid ko lang ang tanging minamahal ko sa malungkot na buhay na ito at ngayon..namatay na siya. Ako ang nakapatay sa kanya! Namatay siya para sa aking pagbabago. Masyado na kasi akong salbahe.
Sa hagulgol ko, nagising na si lolo.
Nakita niya kaagad ang bangkay ni Stephen.
"Mamamatay-tao ka, ha! Pati kapatid mo, pinapatay mo! Manang mana ka talaga sa mga magulang mo! Sana katulad ka na lang ni Stephen na napakabait, di katulad mo! Tatawag ako ng pulis, ipapakulong na kita habang buhay para makulong ka na roon!" sabi ni lolo sa akin at biglang nagdial na sa telepono, tinawagan ang mga pulis.
Huling kasamaan na gagawin ko ito..pangako. Magbabago na ako para kay Stephen. Hinanda ko ang aking sickle upang patayin si lolo.
Tumakbo ako ng napakabilis at sinaksak siya, patay na rin siya.
Pagkatapos nito, humagulgol pa ako ng lalo. At tumakas ako mula sa bahay na ito, tumira sa sarili ko. Nagpatuloy ako sa pagiging magsasaka, at ang aking naging dedikasyon ay si Stephen. Ang aksidenteng pagpatay ko sa kanya ay ang nagsilbing realisasyon ng kasamaan ko. Ito rin ay ang nagpabago sa atin.
**End of Flashback**
Naiyak na ako pagkakuwento sa kanila.
"So ayun pala yung pinagdadaanan mo, hanggang ngayon? Kaya pala ang sungit mo, manong. Kaya pala The Grim Harvester.." sabi ni HD-Queen.
"Oo eh..masaklap ang nangyari sa akin at nainis talaga ako sa sarili ko...."
"Okay lang po yan, manong. As long as may kusa ka na po ngayon na magbago, wala pong poblema. Lahat naman tayo natetempt ng demonyo at may anghel na biglang pipigil sa atin at kailangan mapahamak muna bago tayo magbago." sabi ni Scarlet Medic.
"Grim Harvester has a sympathetic background.." sabi naman ni Bad Knife.
"Yup. But now, he has a new family. Us." dagdag ni Super Golfer.
"Speaking of us, kailangan na natin bumaba, may malaking grupo ng mga zombie ang nanggagaling sa isang mall! Di na ako pwede magpasabog ng misayl, 10% na lang ang fuel ng motorsiklo ko, eh." sabi ni Hank Bahinting sa amin.
Nakita namin, napakaraming mga zombie ang nasa isang mall.
Bumaba na kaming lahat. Nang marating namin ang mga zombie, agad na sumugod kami at sinugpo sila.
Sina Dragon Gangster, Lady Shooter, Death, HD-Queen, Scarlet Medic, Captain Killer at Crazy Bully Killer ay binaril na ang mga zombie sa pamamagitan ng mga baril nila.
Mula sa malayo, tumulong na sina Boy Machine Gun at Crossbow Princess CL.
"Oh yeah, some action!" sabi ni Super Golfer at ginolf ang isang kemikal na granada na nagpasabog sa maraming mga zombie.
Sina Little Blade at Bad Knife ay ginamit ang kanilang mga kutsilyo upang sumaksak ng mga zombie.
Naghi-5 muna sila. "TO THE GIRLY POWER OF KNIVES!" sabay nilang sabi.
Si Katana Queen ay mabilis na nakapatay ng marami sa katana niya. Si Dana Quinn naman ay gumagamit ng mga bombang lason na nakapatay sa maraming zombie. Si Hank Bahinting ay ginagamit ang mga kemikal na pistola niya at pati na rin ang mga metal niyang kuko.
At ako? Sinasaksak ko ang mga zombie gamit ang sickle ko. Sa kahusayan ko mabilis naman ako nakapatay.
Hindi inaasahang biglang nagkaroon pa ng alitan sa pagitan nina Captain Killer at Crazy Bully Killer.
"Ano ba! Muntik mo na ako masunog ng flamethrower mo! Ingat ka nga!" galit na sabi ni Crazy Bully Killer at pinalo ng dos por dos si Captain Killer.
"Grabe ka naman. Mang-aaway ka pa agad! Kanina ka pa, ah!" sabi ni Captain Killer.
"May angal ka, ha?! Lakom'paki kung sundalo ka, Huligan! Wala yun sa akin! Kayang kaya kita! I can and I may!" sigang sabi ni Crazy Bully Killer at pinalo pa si Captain Killer, natumba na siya.
"Huy, tama na!" sabi bigla ni Scarlet Medic at sinubukan silang patigilin, ngunit napatalsik lang siya sa isang malakas na sipa ni Crazy Bully Killer.
Bumagsak si Scarlet Medic sa isang grupo ng mga zombie na hindi pa napapatay at gusto sanang kagatin si Crazy Bully Killer. Napatingin sila bigla kay Scarlet Medic nang bumagsak siya. Binaril ni Scarlet Medic ang mga ito, ngunit biglang naubusan. Gagamitin na sana niya ang butt stock ng baril nang madulas siya. Kinain na siya nang mga zombie na hindi niya nabaril.
"SONJI!!!" sigaw agad ni Captain Killer nang makita niya ang pangyayari.
"Ate!!!" sigaw naman ni Little Blade. Napatigil siya at napaiyak kaagad.
"SCARLET MEDIC!" at sigaw ng aming pinunong si Hank Bahinting.
Ako mismo nakaramdam din ng sama ng loob sa pangyayari, nagalit ako, nakapatay ako ng mas maraming zombie sa pag-beast mode ko.
Napatigil ang karamihan at ang iba ay nagpatuloy lang sa labanan, pero mas nakakapatay na sila sa pandagdag na lakas mula sa galit, tulad ko.
Pumunta sina Hank Bahinting, Little Blade at Captain Killer sa lugar ni Sonji at kaagad napatay ang mga zombie rito.
Si Dragon Gangster naman ay biglang sinuntok ng malakas si Crazy Bully Killer. Nasunog agad ang damit niya sa bandang likurang bahagi.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito! P*ta, parang di mo siya kakampi, ah! T*r*nt*do ka talaga, mamatay ka na lang!" sabi ni Dragon Gangster sa kanya na may mga mura na.
"Minumura mo ako, ha? At ang lakas naman ng loob mo na sunugin ako at ipainggit ang bagong sandata na naging premyo mo kanina! Ako pa rin ang mas malakas!!!" tugon ni Crazy Bully Killer at biglang ginamit ang buong lakas, binuhat ang katawan ni Dragin Gangster, binato ito sa police truck namin na malapit lang. Natamaan ng mga guwantes ni Dragon Gangster ang sasakyan ng malakas, kaya nagkaroon ng sunog dito.
Pumunta agad ako rito at inalis ang katawan ng nahilong Dragon Gangster mula sa sasakyan.
"Salamat, Mang Ojeda..salamat." sabi niya sa akin.
"Walang anoman."
Si Crazy Bully Killer ay tumakas na, umalis na at hinabol siya ni Katana Queen. Samantala, sina Hank Bahinting, Little Blade at Captain Killer ay nag-iiyakan habang kinakausap si Scarlet Medic na mamamatay na, magiging zombie na.
"Katana Queen, teka! Pinangako ko kay Ma'am Zanella na siguraduhing ligtas ka! Baka mapahamak ka lang sa panghahabol kay Taiga!" sabi ni Hank Bahinting at tumakbo patungo sa motorsiklo niya, para mahabol si Katana Queen.
Sumabay na rin si Captain Killer. "Kaya nga! Sama na ako! Kung mahuhuli natin yang si Taiga, papatayin ko na talaga!"
At si Little Blade naman ay tinanggap na lang ang katotoohanan na wala na si Scarlet Medic, ang ate niya. Tulad ng turo niya sa kanya na maging matapang, naging matapang siya. Binaril niya ang ate niya sa ulo bago pa siya maging zombie. Pagkatapos nito, mabilis siyang tumakbo papunta sa motorsiklo ni Hank Bahinting. Silang tatlo ay umalis na, sinundan si Katana Queen.
Hindi pa rin nauubos ang mga zombie, at nahihirapan na yung iba. Sa kanan, naubusan ng kemikal na granada si Super Golfer at lasong granada si Dana Quinn. Pati bala ng baril, naubusan na sina Dana Quinn at Lady Shooter. Ang ginamit na lang ni Super Golfer ay golf club, baseball bat para kay Dana Quinn. Si Lady Shooter, wala nang mga sandata, nagtatago na lang siya sa lugar na walang mga zombie, sa likod nilang tatlo. Sa kaliwa, sina Death, HD-Queen, Boy Machine Gun at Crossbow Princess CL ay wala namang mga poblema pa. Marami pang mga bala. Marami kasing baril si Death, binigyan pa niya ata si HD-Queen ng isang colt-45 na mayroon siya since naubusan na ng bala yung colt-45 niya. Kaya, naisipan kong pumunta sa kanan upang tumulong.
Nabali bigla ang golf club ni Super Golfer. Makakagat na sana siya ng mga zombie, ng patayin ko ang mga ito.
"Marami pang mga zombie ang lumalabas mula sa mall. Umalis na kayo, tumakas na kayo, wala na kayong mga panlaban. Puro melee weapon ang mayroon kayo, baka makagat kayong lahat! Ako na bahala, go!" sabi ko sa kanila at pumatay pa ako ng mga zombie.
"But we can't just leave you behind like this, Sir Alexandro!" sabi ni Bad Knife sa akin.
"Just go! I don't like to lose a family again. I won't let it happen again. This time, I want my family to survive. I don't care about anything, just save yourselves! Your lives are more important than mine. I can finish them all even if I'm gonna get infected. Kung kayo naman, ginawa niyo ang gagawin ko, posibleng hindi lang isa sa inyo ang makakagat. Dali na, dali na! Listen up, please. Even if I die, I will always be here for my family, just like my previous family is, I know that! Our team is not that well united. We didn't have the spirit of teamwork. For now, alis muns kayo at ilayo ang inyong mga sarili sa pahamak! Go!!!" sabi ko sa kanila.
Nagtinginan silang apat. Tumakbo na sina Super Golfer, Bad Knife at Lady Shooter. Nanatili si Dana Quinn at tinulungan pa akong patayin ang mga zombie. Hanggang sa biglaang may zombie na nagtangkang kagatin siya. Tinulak ko kasgad siya palayo at ako ang nakagat.
Awww! Ang sakit, grabe!
"Ouch!!!" sigaw ko sa sakit." Sabi ko sa iyo eh, alis ka na, tumakas ka na!
Tumakbo na si Dana Quinn palayo. Tiniis ko muna ang sakit ng kagat at pumatay pa.
Nakita ko, ang apat pang iba ay medyo nahihirapan na sa dami ng mga zombie. Habang pumapatay kami ng marami, marami pa ang naatract namin, lumalabas na sila mula sa mall.
Naku po, hiwa-hiwalay na pala sila!
"Death, HD-Queen, Boy Machine Gun at Crossbow Princess CL. Hiwalay ang iba mula sa inyo at magkaibang direksyon. Kailangan niyo silang hanapin at kung pwede, ibuo muli. Napansin kong wala masyadong pagkakaisa sa inyo."Sabi ko roon sa natitira pa sa lugar.
"Doon tayo sa kanan kung nasaan sila Dana!" sabi ni HD-Queen.
"Hindi, doon tayo kina Hank! Doon yung mga mss malakas!" sabi naman ni Boy Machine Gun.
"Tulad niyan. Wala nang oras para sa away! Since di talaga kayo magkakasundo, split up na lang din kayo. Boy Machine Gun at Crossbow Princess CL, doon kayo sa kanan, kung nasaan dumeretso ang grupo ni Dana Quinn. Death at HD-Queen, doon kayo sa pinagtunguhan nina Hank." utos ko sa kanila.
"Hindi ba pwedeng gamitin ang sasakyan? Nakakatamad maglakad, eh!" tanong ni Death.
"Hindi na. Ang laki ng sunog na nadala ng guwantes ni Dragon Gangster. Wala tayong tubig at wala pang oras para kumuha o maghanap nito. Dali na! Alis na kayo, ako na bahala sa mga zombie. Tutal, kagat naman na ako." sagot ko naman.
Tumakbo na ang apat, sa dalawang magkaibang direksyon. Sinunod nila ang utos ko.
Ako naman, patuloy lang na pinapatay ang mga zombie bago pa ako maging katulad nila. Pumasok pa nga ako sa loob ng mall. Naisipan kong ilure ang mga zombie papunta sa nasusunog na police truck. Nang nagawa ko ito, sinasagasaan ko ang mga malalapit at pagkatapos minaneho ito papunta sa mismong pintuan ng mall. Kumalat ang mga malalaking apoy sa kalsada. Maraming mga zombie ang namatay na. Wala naman silang isip, kaya naglakad lang sila kahit may apoy.
Bumaba na ako at pinatay ang iba. Napakarami kong napatay, hanggang sa bigla kong maramdaman na nagiging zombie na ako.
...
Author's Note: Sana magustuhan niyo! Today, I will be trying for a double update again. Sorry for the errors, most specially the typos. Forgive me, I will fix that soon! Enjoy, everyone. Thanks for everything, most specially for your support, hopefully it will continue until the end! Happy Reading and happy sunday to everyone! =) ;) :D
AZS Status:
14/16 (TWO DEAD)
Deaths:
Sonji Pontero a.k.a Scarlet Medic (Zombified and killed)
Alexandro Emmanuel J. Ojeda III a.k.a The Grim Harvester (Zombified)
Official last appearance of:
Sonji Pontero a.k.a Scarlet Medic (Zombified and killed)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top