Chapter 8: Pag-eensayo

Chapter 8: Pag-eensayo

Scarlet's Medic's Point of View

Ang tanghalian namin ay sinigang, na luto ni Boy Machine Gun. Napakasarap nito kaya lahat kami ay napa-second round pa sa pagkain. Marami naman ang niluto niya kaya di kami naubusan. Biruin mo, kung 16 kaming members ng AZS, plus 4 relatives na hindi miyembro, equals 20, times 2, equals 40, 40 dishes!

Pagkatapos nito, bumalik kami sa bawat kwarto namin. Nanonood lang kami ng telebisyon muna ni Yanni sa pahinga namin.

Hanggang sa maramdaman kong naiihi ako.

"Yanni, lalabas lang ako para umihi. Dito ka lang, ha?!" sabi ko kay Yanni.

"Oo, sige, ate!" tugon ni Yanni.

Umalis na ako at dumeretso sa isang banyo.

Pagkaihi ko, nakita ko si Hank, kasama yung nanay ni Katana Queen. Nag-uusap sila.

Nacurious ako kaya sinundan ko sila.

"Matagal na nga po, Ma'am Zanelle. Umaasenso na po ako ngayon. Pero di ko pa rin alam o masabi kung ano talaga ang trabaho ko. Basta nag-iinbento ako ng mga bagay at nagpapatigil sa mga kriminal." sabi ni Hank.

"Ang layo na nang narating mo. Hindi lang siguro ang turo ko sa iyo ang nagpahusay sa iyo, pati rin ang pagtitiyaga at dedikasyon mo lalo!"

"Naging mabuting guro ka po, ma'am. Kaya hinding hindi po kita malilimutan talaga. Kung wala ang mga turo mo sa taon ng highschool at kolehiyo. Buti pala nalipat ka sa departamento ng kolehiyo nang marating ko ang kolehiyo para maging guro pa rin kita."

"Magandang marinig yan, Hank. Talagang napakatalino ko tulad ng nanay mo, pero I can admit na mas matalino siya sa akin. Marunong din ako mag-inbento pero hindi masyado namana ni Zoey ito mula sa akin. Mas namana niya ang pisikal na kahusayan ng tatay niya. Kung papansinin mo, mas mahusay siya sa iyo sa pisikal na kakayahan. Ang talino naman ni Zoey ay nakakaabot sa lebel ng talino mo, nagiging honor student din siya. Hindi ko lang siya nakikita na may kakayahan sa pag-iinbento o kung anoman na may application of science."

"Ah, hindi naman po siguro. Baka hindi lang po niya nalalabas ang kahusayan niya."

"Sana nga, may kakayahan siya. Anyway, ang bata bata pa lang naman niya. Pero naiisip ko pa rin na ilayo siya mula rito. Kasi yung mga iba ritong tao..di ko pinagkakatiwalaan. It's just for her own safety. "

"Okay po. Habang nandito pa po kayo, ipapangako kong iingatan ko kayo mula sa kanilang hindi niyo pinagkakatiwalaan, lalong lalo na roon kay Taiga Daike, Oi, Sonji! What's up?" sabi ni Hank at napatingin bigla sa likod, nakita niya ako. Ay! I'm really not that stealthy like Yanni! Napansin niya siguro ang maiingay ko na mga yapak.

"Okay lang naman, nacucurious lang ako sa inyo. Magkakilala ba kayo ng nanay ni Katana Queen?"

"Oo. Guro ko siya dati. Ngayon na kami nag-usap kasi kanina, rocky embrace kami."

"Ah, okay. So ano na gagawin ninyo ngayon?" tinanong ko sila.

"Ieensayo namin ang mga di nakasama sa misyon niyo kanina. Pero sasama ka sa amin, dahil baka masugatan sila o kung anoman na sakit sa combat practice na ito. Ma'am Zanella, pakitawag na po sina Dragon, Wenia, Armano, Taiga, Felix, Chelsea at Mang Alexandro ." sagot ni Hank.

"Sige."

Kaagad na lumabas si Ma'am Zanella at tinawag ang anim.

"Sonji, kunin mo na ang nursing pack mo. Sa taas na ako, sa training room, ha!"

"Sige!"

Tumakbo na ako papunta sa kwarto. Kinuha ko ang backpack ko kung saan ang mga pampagamot. Nagpaalam muna ako kay Yanni. "Yanni, doon muna ako sa training room, kung okay lang sa iyo. Kailangan ako ni Hank doon sa combat practice nina Dragon Gangster, Lady Shooter, Captain Killer, Crazy Bully Killer, Boy Machine Gun, Crossbow Princess CL at Grim Harvester. Pwede ka bang maiwan dito?"

"Sige, ate Sonji! Ayos lang naman ako diyan!"

"Mag-ingat ka lagi, Sonji, ah! Baka may mga zombie o lumabas ang tunay na kulay ng iba diyan. Basta mag-ingat ka!"

"Oo, lagi naman, ate!"

Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso ng fourth floor.

Nakita ko, nandoon na si Hank. Hinanda niya ang mga dummy na mukhang mga zombie. Napakarami nito.

"Ito ba yung iniinbento mo simula kahapon pa?" tanong ko.

"Oo, ito nga. Para ito sa combat practice na pinaplano ko. Kakatapos ko lang kanina." sagot ni Hank sa akin.

Nagbukas bigla ang pintuan. Sina Ma'am Zanella, Grim Harvester, Boy Machine Gun, Crossbow Princess CL, Lady Shooter, Dragon Gangster, Captain Killer, Crazy Bully Killer at pati na rin si Katana Queen ay pumasok na.

"Sinama ko si Zoey para wala akong alala pa. Kasi pag di ko siya kasama, magiging worry-sick ako. Kung okay lang sa iyo, kasama siya sa training." sabi ni Ma'am Zanella.

"Oo, okay lang po." sabi naman ni Hank.

"Nandito na pala tayo ng lahat, eh. Excited na akong magsimulang baliin mga buto niyo para sa advanced dinner ko. Taralets!"

"Ge, simula na. Para sa warm-up, racing kayo. Iikutan ko niyo ang buong kwarto. Ako ang dadaanan niyo, ha! Para madali ko kayo mascoran. Kung sino ang unang makabuo ng 50 laps ay ang panalo. Kapag panalo, may price akong ibibigay, isang inbensyon. Posisyon na kayo rito sa harap ko." sabi ni Hank.

Pumosisyon na yung pito.

"Ready."

"Set."

"GO!"

Sinimulan na nila ang karera. Kadalasan ang nauuna ay sina Dragon Gangster at Captain Killer. Sumusunod sa kanila at paminsan nauuna si Crazy Bully Killer. Sunod sina Lady Shooter, Crossbow Princess CL at Boy Machine Gun. Huli kadalasan si Grim Harvester pero nauunahan niya paminsan sina Lady Shooter, Crossbow Princess CL at Boy Machine Gun.

Makalipas ang ilang minuto, napagod na ang pito. Sina Dragon Gangster, Captain Killer at Crazy Bully Killer lamang ang hindi napagod o hiningal man lang. Ang iba ay pagod na at suko na. Tutal, alam naman na nilang hindi sila mananalo sa karera. Ayaw na nilang magpagod pa.

"49 laps kayong tatlo. Isa na lang. Kung sino mauna sa inyo rito, panalo!" sabi ni Hank.

Lahat sila ay tumatakbo lamang na pantay halos. Sa desperasyon ni Captain Killer na manalo, nagbackflip siya bigla upang marating agad si Hank, ang finish line. Ngunit bigla naman nagalit si Crazy Bully Killer, nadala na siya ng sama ng loob. Naisip niya na itulak si Captain Killer palayo.

"Hindi ka mananalo, ikaw na sundalo ka!" sabi ni Taiga at tumalon ng mataas, hinarangan ang direksyon na lalandingan ng backflip ni Captain Killer. Nang magkabngaan sila, bigla silang parehas natumba. Ang binagsakan nila ay hindi man lang narating ang lugar na kinatatayuan ni Hank. Samantala, si Dragon Gangster naman, na walang dayang ginawa at tumakbo lamang, ay nakalagpas kay Hank.

"At ang panalo ay si Dragon Gangster! Congrats, ang husay mo, Dragon! Dahil diyan, sa iyo na ito, flaming gauntlets!" sabi ni Hank at mula sa backpack noya sa likod, kinuha ang dalawang mga metal na guwantes.

"Luh!!!" Namangha bigla sina Crazy Bully Killer at Captain Killer ng marinig at makita nila ang premyo.

Sinuot agad ni Dragon Gangster ang guwantes.

"Magalit ka at sumuntok ka sa hangin, lalabas ang apoy mula sa mga guwantes na yan. It fits you pala, noh? Kasi Dragon ka." sabi ni Hank sa kanya.

Tumakbo si Dragon at sinuntok ang hangin sa pamamagitan ng guwantes niya. Agad na may apoy na lumabas sa guwantes.

"Wow! Dapat kasi ako ang nanalo. T*ngina, ikaw kasing g*go ka, Huligan!" nagmumura na sabi ni Crazy Bully Killer.

"Sorry naman, pre, sinusubukan ko lang naman manalo, eh ikaw, pwede ka naman sumubok na manalo na hindi ako pinpigilan." sabi naman ni Captain Killer.

"As they say..cheaters never win, and winners never cheat. Marami akong nararanasan sa 25 years ng buhay ko. Kayo, dapat alam niyo ito. Ang pandaraya at desperasyon ay hindi niyo ikakapanalo." sabi bigla ni Grim Harvester which was quite unexpected since anti-social person siya.

"Mang Ojeda? Nagsasalita ka pala? Wow!" sabi ni Taiga.

"Oo, bihira nga dahil sa mga linagdadasnan ko. Malalaman niyo rin naman kalag tumagal na. Sa ngayon, pokus tayo muna sa training. Tara na!"

"Tama siya. Training na kayo. Hand-to-hand muna. Unarmed combat. Katana Queen, sumali ka para walo, even number."

"Sure. Okey ito. Makikita ko rin muli kung gaano talaga ako kagaling sa hand-to-hand combat." sabi ni Katana Queen.

Nagtraining na sila.

Si Captain Killer ay kinalaban si Crazy Bully Killer. Parang wrestling ang naging labanan nila. Beast mode na beast mode si Crazy Bully Killer, kaya wagas siya kung baliin ang mga buto ni Captain Killer. Hindi halos makalaban si Captain Killer sa kabila ng galing niya.

"Matatalo ka, Huligan! Matatalo ka!!! Hindi mo ako kaya!" sabi ni Crazy Bully Killer habang pinagsusuntok ang tumbang katawan ni Captain Killer sa lapag.

"Talaga, Daike? Perhaps di mo pa talaga 100% na alam ang aking special moves! Like this, a dropkick right into your fur ball!" tugon naman ni Captain Killer at nag-dropkick bigla, natamaan ang bayag ni Crazy Bully Killer.

Natumba kaaagad si Crazy Bully Killer at dumaing sa sobrang sakit.

"Pasensya na. Sana di ka mamatay."

"Hainaku Armano, hainaku! Hand-to-hand, ginawa niyong wrestling na halos patayan na. Huwag bayagan, please! Alam niyo naman na kamatayan ng lalaki ang mga maselang bahagi ng katawan nila. At mahirap yan gamutin kung natamaan ito at nagdulot ng sakit." sabi ni Hank.

"Haha, sorry talaga. Anyway, mahina lang naman yun. Baka makabangon pa — siya, ah!!!" sabi naman ni Captain Killer at biglang sinugod muli ni Crazy Bully Killer na tiniis siguro ang sakit.

"Gagantihan talaga kita, Huligan!!!" sigaw ni Crazy Bully Killer at pinukpok ng malakas ang katawan ni Captain Killer.

Sina Dragon Gangster at Boy Machine Gun ay naisipang kalabanin ang isa't isa.

"Oi, gangster. Ipakita mo sa akin na mahusay ka talaga. Talunin mo ako, kamay sa kamay na labanan!" sabi ni Boy Machine Gun.

"Oo. Ipapakita ko talaga! Hiy-ya!" sumugod na si Dragon Gangster. Susuntukin na sana niya si Boy Machine Gun, nang umilag ito.

"You got a tactic, I got a tactic too!" sabi ni Dragon Gangster, at biglang tumakbo ng mabilis. Hinabol naman siya kaagad ni Boy Machine Gun.

Tumigil bigla si Dragon Gangster at hinayaan na puntahan siya ni Boy Machine Gun.

Susuntukin na sana siya nito, nang biglang suntukin niya ang kamao nito.

"Brofist muna tayo bago suntukan. Dahil tapos na, susuntukin na kita! HIY-YAH!! My own dragon moves!" sabi ni Dragon Gangster na nakipagbrofist muna at pagkatapos ay nagbigay ng rapid punches sa tiyan ni Boy Machine Gun na nagpahina sa kanya. Pagkatapos nito, nagflying-kick si Dragon Gangster. Nang halos matutumba na si Boy Machine Gun, tumalon ng mataas si Dragon Gangster, mabilis na sinuntok sa dibdib ito, kaya instant na tumba ito.

Sina Lady Shooter at Katana Queen ang nagharapan.

Puro suntukan silang dalawang babae, pero ang mas mahusay sa suntukan ay si Katana Queen. Walang wala si Lady Shooter sa kahusayan ni Katana Queen

"Um, you are a good fighter! Even in unarmed!" sabi ni Lady Shooter.

"I'm impressed, but that doesn't mean I can't fight for it!" dagdag ni Lady Shootsr at ginamit ang buong lakas at puwersa, binuhat niya at binato, tumama ito ng malakas sa isang pader.

At, kinalaban ni Grim Harvester si Crossbow Princess CL.

"Sori kung masasaktan kita rito sa labanan, manong. No hard feelings, I still respect you."

"Sure. Farmers also have hand-to-hand combat skills. It's like I'm harvesting you!" sabi ni Grim Harvester at biglang binunggo ng malakas si Crossbow Princess CL.

Nang susugod pa siya, biglang bumangon na may dalang mga malalakas na suntok si Crossbow Princess CL. Natamaan sa dibdib si Grim Harvester. Nang matumba siya, sinuntok pa siya ng malakas sa tiyan ni CL.

Ang nanalo sa labanan nina Captain Killer at Crazy Bully Killer ay si Crazy Bully Killer. Nagkaroon ng maraming mga sugat at pasa si Captain Killer. Sa pagtutuos naman nina Dragon Gangster at Boy Machine Gun, nakatanggap lamang ng mga pasa ang natalong si Boy Machine Gun. Ang natalo sa labang Lady Shooter versus Katana Queen, si Katana Queen, ay nagkaroon ng isang sugat sa likod si Katana Queen mula sa tama ng pader sa kanya. At si Grim Harvester naman ay walang mga pasa o sugat na natanggap, kahit natalo siya ni Crossbow Princess CL.

"Okay, now. For the most exciting part..zombies. In less than 30 seconds, kaya niyo bang patayin ang mga zombie dummies na yan? Do not worry, may weapons na kayo this time." hamon ni Hank.

"Lets do this!" sabi ni Lady Shooter.

Binaril nina Lady Shooter, Dragon Gangster, Captain Killer, Crazy Bully Killer at Boy Machine Gun ang mga zombie. Gumamit ng crossbow si Crossbow Princess CL, nakapatay na siya ng mga zombie mula sa malayo. Hiniwa ni Katana Queen ang mga zombie dummy. At isa isang nakasira ng mga ganito si Grim Harvester gamit ang pitchfork niya.

Mga halos 15 seconds lang ang tumagal para maubos nila ang mga ito.

"Nice job. Ngayon naman, siguro kaya niyo na ang totoong mga zombie, noh?" tanong ni Hank.

"Oo! Mas masaya nga yun! Saan ba?" sagot ni Crazy Bully Killer.

"Nasa baba!" sabi ni Hank at binuksan ang bintana.

Sumilip naman silang lahat.

"Wow. Aba, nanghula ka lang pero tumama bigla." reaksyon ni Boy Machine Gun.

"Kayong pito lang. Katana Queen, di ka muna kasali, hehe. Nakaranas ka na nito kanina sa misyon niyo." sabi ni Hank sa kanila.

"Pero bago yun, magpagamot muna yung magpapagamot kay Scarlet Medic! Baka magpahina sa inyo, di niyo makalban yung mga zombie ng maayos!" biglang dagdag ni Hank.

Ginamot ko naman na sina Armano at Zoey, ang mga may sugat. Pero mas ginamot ko si Armano na mas maraming sugat at mas kailangan sapagkat lalaban siya.

"Salamat sweetheart Sonji. Nakakaginhawa talaga kapag ginagamot mo ako!" malambing na sabi sa akin ni Armano.

"Haha loko ka talaga, Armano. Ikaw na Captain Killer ka, sundalo ka pero natalo ka ng isang school bully na lagi beast mode lalo na sa mga labanan!" sabi ko naman sa kanya.

Nang matapos ko silang gamutin ni Katana Queen, niyakap niya ako at hinalikan pa sa pisngi.

"Ay, doon na nga tayo sa baba! Wala nang lambingan at landian!" sabi ko.

Bumaba na kami. Pinanonood namin ang pito habang kinakalaban nila ang mga zombie. Binaril ni Dragon Gangster ang mga zombie gamit ang mga sub machine gun niya at ginamit pa nga ang flaming gauntlet na kakabigay lang ni Hank. Sina Lady Shooter at Crossbow Princess CL ay pumapatay ng mga zombie mula sa malayo sa pamamagitan ng double hand gun (Lady Shooter) at crossbow (Crossbow Princess CL). Si Boy Machine Gun ay medyo malapit kay CL, ginagamit ang light machine gun nya na parang machine gun turret na talaga. Sumugod si Grim Harvester sa pamamagitan ng kanyang pitchfork na mabilis ding nakapatay. Ginamit ni Captain Killer ang flamethrower niya at sumpak na shotgun naman para kay Crazy Bully Killer.

Naubos na ang mga zombie na umaatake sa bakuran ng bahay.

"Magaling, magaling. Mukhang handa na pala ang lahat, kayong Anti-Zombie Squad para sa first adventure natin..time to nullify zombies in Metro Manila first!" sabi ni Hank sa amin.

ABANGAN!

Author's Note: Here is the second of the double update. A bit late, hehe, I attended the funeral of my grandfather who just died, sadly. At sana magustuhan niyo, sorry sa errors, most specially the typos. I will fix it soon! Keep supporting, thank you for everything. Maligayang pagbabasa! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top