Chapter 5: Anti-Zombie Squad!
Chapter 5: Anti-Zombie Squad!
Hank Bahinting's Point of View
Kanina pa kami ni Super Golfer pumapatay ng mga zombie at bumibiyahe. Mga isang oras na siguro. Tuwing napakarami ang nakikita namin, kaagad na pinpindot ko ang pampalabas ng isang misayl sa motorsiklo ko at agad silang namamatay lahat. Pero siyempre, nakakabawas ito ng gas. Sa ngayon, mga 50% na lang ang gas. Kung di naman sobrang dami ang bilang ng mga zombie, tumitigil na lang kami at igogolf ni Super Golfer ang mga kemikal na granada upang patayin sila. Kung isa isa lang o sobrang konti nang nadadaanan namin, binabaril na lang namin.
"Hank, makakahanap pa ba tayo ng mga survivor na nasa labas, lumalaban sa zombie apocalypse? Mukhang wala, eh." tanong ni Super Golfer.
"Huwag kang mag-alala, makakahanap din tayo. Mahirap, pero kakayanin. Impusible naman na tayong dalawa lang ang may lakas ng loob na lumaban." sagot ko.
"Sana nga, sana nga."
"Magpa-gas muna tayo. Baka kailanganin natin ng mas maraming gasolina."
"Ge."
Minaneho ko ang motorsiklo patungo sa malapit na gas station. Nakita namin, isang van na nagpapa-gasolina sa harapan namin.
Naisip ko..mga survivors siguro ito. Sinubukang kong silipin at mula sa malayo, nakita ko isang babaeng blonde ang buhok na may katabing babaeng kulay kape ang buhok.
"Ah, Hank?!" Tinawag ako ni Super Golfer.
"Bat?" Tanong ko.
"Hindi mo ba napansin yung mga empleyado, duguan. Isa pa, may mga bangkay din ng mga zombie rito at dugong nakakalat. Tingin ko, mga zombie na rin yang mga empleyado na yan." Sagot niya.
"Um, di eh. Pokus ako sa van na yun, pwedeng mga survivors yung nandoon." Tugon ko sa opinyon niya.
"Ano na plano mo ngayon?" Tanong niya.
"Dito ka lang, MVP. Pupunta ako sa van na yun. At maghanda ka. Kung mga zombie talaga yung empleyado, patayin mo sila." sagot ko.
"O, sige!" Sumang-ayon naman si Super Golfer.
Umalis na ako sa motorsiklo at pumunta sa van.
Habang nilalagyan ng gas ang van, kinatok ko yung bintana sa kanang harap.
Kaagad na binuksan ito ng isang lalaki na mukhang salbahe sa isang tingin pa lang.
"Excuse me po —" sabi ko ng may galang, ngunit pinutol kaagad ako nung lalaki.
"Hoy! Walang excuse me po dito sa van na ito! Lahat kami rito ay mga mangangasong kinakalaban ang mga masasamang tao na pabigat lamang sa mundo katulad mo! Pwede bang umalis ka na lang at huwag mo kaming guluhin?! Nasa seryosong misyon kami, eh!" sabi ng lalaki sa akin.
Yup, salbahe nga siyang lalaki.
"Ah, sir, mawawalang galang lang po, pero —" sabi ko pa pero pinutol nanaman ako.
"Mawawalang galang lang? Eh kanina ka pa naman ganyan, eupemistiko lang yan siguro sa iyo dahil talagang wala kang galang! Umalis ka na, please! Nagmamakaawa na ako, isang mabait at banal na Crazy Bully Killer na magbago ka na upang maging anghel ka rin! Pamaskara-maskara ka pa! Siguro, wanted na kriminal ka! Kaya pala ganito ang ugali mo, noh, bata? Haha!"
Nagalit na talaga ako. Nilabas ko na yung mga nakakatusok kong mga metal na kuko mula sa aking mga metal na guwantes. Sumosobra na itong salbaheng maangas na lalaking ito. May galang ako, at hindi ako nang-gugulo, kung makasalita siya, ah. Siya ata ang walang galang eh, kung makapagyabang pa na mabait at banal siya, parang naniniwala ako. Hindi man lang ako pinapatalis magsalita, angal na kaagad. Parang di edukado, parang squater.
"Taiga, pwede ba? Tumigil ka na muna. May manners siyang kumatok at ikaw lang ang hindi nagbibigay ng galang. Tumahimik ka, Taiga, huwag mo ilabas yang masama mong ugali o di na ako magdadalawang isip na patayin ka. Wala akong paki kung malakas ka o kung anoman. Kung hindi ka marunong makisama, baliwala yang lakas at pwedeng maitutulong mo sa ating koponan. Anyway, Sir, pwede ka na pong magsalita, go. Kung ano sasabihin ninyo." sabi ng babaeng drayber at tinutok ang isang baril sa ulo ng lalaki na ang pangalan ay "Taiga."
"Magtatanong lang sana ako kung mga survivor ba kayo na lumalaban sa zombie apocalypse. Kasi plano kong bumuo ng isang koponan na magkakaisang bibigyang katapusan ang zombie apocalypse na ito. Dalawa kami ni MVP Sabalza, isang golf player dito sa Pilipinas. At ako si Henry Tyler Bahinting, isang inbentor at vigilante. Hank na lang ang itawag niyo sa akin." sabi ko at hinubad muna ang aking maskara.
"Ah, oo. Tungkol sa join forces na binabanggit mo, papayag na papayag naman talaga ako, huwag kang mag-alala. Mas maganda nga ito eh, mas nakakatulong. Ipapakilala ko muna ang mga kasama ko. Itong lalaking hindi ka ginalang ay si Taiga Daike, a.k.a Crazy Bully Killer. Ang nasa likod ko na may hawak na espada ay si Zoey Jane Santos, a.k.a Katana Queen. Yung blonde na hanggang balikat ang buhok na may Colt-45 ay si Charmaigne Lalisa Medina, a.k.a HD-Queen. Ang lalaking katabi ni HD-Queen ay si Justin James Buenavista, a.k.a Death. Yung blonde naman sa likod nila ay si Yanni Pontero, kilala ring Little Blade. At yung may brown na buhok na katabi niya ay yung ate niya, si Sonji Pontero, kilala ring Scarlet Medic. At ako si Wenia Iris Sandoval, Lady Shooter na lang. Ano tingin mong magiging pangalan ng koponan natin? At sinu-sino pa ang kasama, may isasama ka pa ba?" Pinakilala ni Lady Shooter ang sarili niya at mga kasamahan niya sa akin.
"Astig ka, pre, ah! May mga metal na claws, parang Wolverine ng Marvel, o kaya..Shredder ng TMNT! Astig!" sabi ni Death.
"Oo nga, eh! Maganda kung kasama pala natin siya, mukhang malakas, o!" sabi naman ni HD-Queen.
Nakarinig ako bigla ng tunog ng kemikal na granada na sumabog.
"Makakapaghintay pa yung sagot ko para sa tanong mo sa huli, Lady Shooter." sabi ko at pumunta muli sa likod kung nasaan si Super Golfer.
Nakita ko, ginolf niya ang isang kemikal na granada na pumatay sa tatlong empleyado na zombie na. Nakita ko rin na ang naglagay ng bote ng gasolina sa motorsiklo ay napugutan ng ulo, siguro dahil ito sa golf club ni Super Golfer.
"Tama ako. Mga zombie na nga sila. Bago pa sila magpalit ng anyo, napatay ko na sila." sabi niya sa akin.
"Wow, ang galing mo, ah! Yung tungkol naman sa van na iyan, mga survivor nga sila na katulad natin. Pumayag silang maging isang koponan tayo." sabi ko naman.
"Orayt! Rock N' Roll to the, er, zombified world!"
Umatras naman kaagad ang van, at pumunta sa tapat namin. Bumosina si Lady Shooter.
"Tara na, boys! Sa likod na kayo!" sabi ni Lady Shooter sa amin.
Binuksan ko ang pintuan sa likod. Pagkatapos, binuhat namin ni Super Golfer ang motorsiklo papunta sa likod. Kaagad kaming sumakay na rin sa likod at sinarado ang pintuan pagkatapos.
Umandar na ang van.
Tahimik lang muna kami sa loob, habang tinitignan ang paligid. Nakaabang kami para sa mga zombie.
Pagkatapos ng ilang minuto, nakakita kami bigla ng mga zombie.
"Uy, may mga zombie, o, Wenaya! Tigil ka muna at papatayin ko sila!" sabi ni Crazy Bully Killer.
"Teka lang, Taiga. Kailangan natin ng taktiko. Kitang kita mo naman kung gaano karami ng zombie! May tao pa nga, o!" sabi naman ni Lady Shooter.
Nakita ko yung tao, isa siyang binata na gumagamit ng sub machine gun, pinapatay ang maraming mga zombie. Pamilyar siya. Tila isa siya sa mga kriminal na kinakalaban ko gabi-gabi.
"Kailangan natin tulungan at iligtas yung lalaking nandoon. Isasama natin siya sa potensyal na koponan natin." sabi ko.
"Mahirap maging pinuno, Hank. Ikaw na lang siguro, since ikaw mismo ang may pinakagusto makabuo ng koponan." sabi ni Lady Shooter sa akin.
"Payag ako na maging pinuno. Ngayon, makinig muna kayo sa akin bago niyo gawin ang isang bagay. Maghintay lang kayo rito, susunduin ko yung lalaki." sinabi ko sa kanila ang aking plano.
Lumabas na ako ng sasakyan habang nakasakay sa aking motorsiklo. Pinindot ko ang pampasabog ng misayl dalawang beses. Mula sa tambutsyo ng motorsiklo, lumipad ang dalawang mga misayl, umabot sa lugar ng mga zombie. 20% kaagad ang bawas sa aking gas. Maraming zombie ang namatay dito. May konti pang natira. Naisipan kong kalabanin na lang ito gamit ang guwantes ko.
"Super Golfer, ibalik mo ang motorsiklo sa kotse." Utos ko kay Super Golfer at kaagad naman niyang ginawa ito.
Tumakbo ako ng mabilis at sinaksak agad ang mga zombie sa mga ulo nila ng metal kong mga kuko. Namatay ang mga ito. Ang lalaki naman ay napatay gamit ang sub machine gun niya ang iba pang mga zombie.
"Hank Bahinting?!" sabi ng lalaki.
"Oo, ako nga. Dragon Bautista, kailangan namin ang tulong mo. Marahil mayroon nang zombie apocalypse na nangyayari, hindi na tayo dapat magkalaban ngayon. Magkakampi na dapat tayo laban sa delikadong mga kalaban, ang mga zombie. Patawarin mo na ako sa nagawa ko sa gang mo, basta ngayon sumama ka sa akin, sige na!" sabi ko sa kanya.
"Oo naman, Hank. Pangako ko na magbabago na ako. Patay na ang mga kasamahan ko sa 3B Gang, wasak na kami. Ako na lang ang natitira, at ang sinabi sa akin ng kuya ko bago siya mamatay, ay magpakabait ako, gawing maganda ang pangalan ng Bautista's Baril Boys Gang. Gusto niyang maging solusyon ako sa zombie apocalypse na ito, naniniwala siyang kaya ko makatulong." sabi ni Dragon Gangster at napaiyak na.
"Ano na, sasama ka ba, o hindi?" Tinanong ko siya.
"Oo, Hank. Sasama na ako. Para sa pagbabago. Maasahan mo na yan sa akin." sabi niya na medyo mahinhin na ang boses dahil sa pag-iiyak niya.
"Tara na at tahan na, Dragon. Naniniwala rin ako na kaya mong makatulong at magbabago ka." sabi ko at hinakbayan siya papunta sa van. Agad na binuksan ni Super Golfer ang pintuan para sa amin.
"Lets go, lets go!" sabi ko.
Nang makasakay na kami ni Dragon Gangster, agad na umabante na si Lady Shooter.
"Dragon, paano nawasak ang 3B Gang ng basta basta? Ano nangyari?" Tinanong ko siya.
Umiiyak pa rin siya.
"Kaming walong natitira sa grupo kanina ay pinlanong nakawan ang isang fast-food restaurant at grocery mart. Hindi namin inasahan na may mga zombie roon. Eh, yun. Nakagat na sina Benedict, Oliver, Jason, William at Paul. Tapos, nahuli kami ng pulis, nabaril si Miko. At nang mapapatay na sana ako ng pulis, nagsakripisyo para sa akin si Kuya Baril." naiiyak niyang sabi.
Tinahan naman namin siya ni Super Golfer.
Hanggang sa biglang mag-ring ang cellphone ko.
Tumatawag ang kaibigan kong si Dana Quinn.
Dana Quinn: Hank, nasaan na kayo?
Ako: On the way na papunta sa bahay. Kayo?
Dana Quinn: Nandito na kami sa loob. Naiwan mong bukas ang bahay mo kaya pumasok na lang kami.
Ako: Okay, papunta na rin kami diyan. Kasama ko na ang iba pang magiging mga kakampi natin sa ating koponan. Maghintay na lang kayo.
Dana Quinn: Sige, ingat kayo diyan,
Ako: Kayo rin. Ge, mamaya na lang ulit.
Natapos na ang tawag.
"Lady Shooter. Dederetso tayo sa bahay ko. Doon, magkakakilala na rin tayong Anti-Zombie Squad." sabi ko.
Makalipas ang halos isang oras, nakarating na kami sa bahay.
Sa garahe, nakita namin, isang Crosswind ang nandoon. Sasakyan siguro ito nina Dana Quinn.
Nang pagka-park, lumabas na kaming lahat at dumeretso sa loob. Pero siyempre, kumatok muna kami.
Nakita namin, nasa sala sila, nag-uusap-usap hanggang sa mapatigil ng makita kami. Nakita ko, sina Dana Quinn, Chef Boy Machine Gun, si Crossbow Princess CL, tapos isang magsasaka, isang binatang sundalo, at isang magandang babae na parang model.
"Hank!" agad na lumapit sa akin si Dana at niyakap ako.
"Oh, maligaya rin ako na makita kang buhay at ligtas, Dana." sabi ko sa kanya.
"Sonji? Yanni?" Namanghang sabi nung sundalo.
"Armano Huligan..also known as Captain Killer. Nagbalik ka na at sundalo ka na ngayon. Sana naman sa pagiging koponan nating labing-anim, hindi mo na kami itorture tulad nang dati." sabi ni Scarlet Medic kay Captain Killer, yung sundalo.
"Mas maganda na kayo ngayon, kaya hindi na." tugon ni Captain Killer na may kasamang pagkaromantiko at landi.
"Sa mga hindi nakakakilala, ako ay si Dana Quinn. Kaibigan ako ng ating pinunong si Hank Bahinting. Ito ay sina Boy Machine Gun, Crossbow Princess CL, Bad Knife. Captain Killer at Grim Harvester." pinakilala ni Dana sa amin yung mga kasamahan niya.
"Sa mga hindi nakakakilala sa inyo na mga kasamahan ni Dana, sila ay sina Lady Shooter, Crazy Bully Killer, Katana Queen, HD-Queen, Death, Little Blade at Scarlet Medic." ako naman, pinakilala ko yung mga kasamahan ko, yung mga estudyante.
"Um, astig talaga yung mga alyas natin pati mga kakayahan at sandata!" Reaksyon ni HD-Queen.
"So ano na ngayon? Di pa natin lubos na kilala ang isa't isa, pero ngayon dapat natin tanggapin na isa na tayong koponan, di ba?" sabi naman ni Lady Shooter.
"Oo. Tayo ang Anti-Zombie Squad, PH! Bilang Anti-Zombie Squad, ang ating layunin ay ubusin ang mga zombie sa Pilipinas at maibalik ang mundong sinira ng mga zombie. Pero hindi natin yun magagawa kung hindi tayo magtutulungan at magkakaisa. Masasabi kong natutuwa ako sapagkat magkakasama na tayong lahat. Kakayanin natin ito, di ba? ANTI-ZOMBIE SQUAD PH! Uubusin natin ang mga zombie isa isa sa tatlong pulo at sa isa-isang pulo, rehiyon sa bawat rehiyon. Luzon muna, kung nasaan tayo ngayon. At sa Luzon, uunahin natin ang Metro Manila. Klaro ba yun, Anti-Zombie Squad?" sinabi ko sa aking koponan.
"OO!" sigaw nilang lahat (maliban kay Grim Harvester na halatang anti-social).
"Anti-Zombie Squad, Go! Pwede niyo bang ulitin yun?"
"ANTI-ZOMBIE SQUAD, GO!" sabay sabay nilang sabi (kasama na si Grim Harvester ngayon).
Author's Note: Hehe, second of the double update as I have said in the last update. Sorry for the errors. Sana magustuhan niyo ito. Give votes and comments. Don't be a silent reader who just keep voting the chapters without giving feedback. Yun lang, maraming salamat sa mga sumusuporta ng napakaaktibo. Maligayang Pagbabasa!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top