Chapter 25: Nagsimula sa eksperimento, magtatapos sa eksperimento

Chapter 25: Nagsimula sa eksperimento, magtatapos sa eksperimento

Third Person Omniscient's Point of View

Ang koponang "Anti-Zombie Squad" ay nagplano na ng kanilang gagawin.

"Ganito ang plano. Maghahati kayo sa tatlong grupo. Uunahin natin ang tatlong mga drug laboratory. Mananatili kami rito si Chelsea dahil pilay pa rin ako at buntis si Chelsea. Babantayan kami ni Ma'am ZJ. Makinig. Sa unang grupo, pupunta kayo sa drug laboratory dito lang sa Manila. Kayu-kayo lang yun, Taiga, Daniel at Yanni. Ang pangalawang grupo naman ay sina Dragon, Momo at MVP. Sa Mindoro kayo. At ang pangatlo ay sina Zoey, Lisa at Justin, sa Palawan. Handa ba tayong lahat para rito? Tandaan niyo, final battle na natin ito. Hindi dapat tayo bumigo. Para sa Pilipinas ito." pagpaplano ni Hank Bahinting.

"Opo! Kakayanin namin ito! Para sa Pilipinas at bawat Pilipino." reaksyon ni Daniel Quinn.

"At Daniel. Sa iyo na itong mga poison guns na ito. Para lalo kang maging nakakatulong sa labanan. Galing sa ospital, tinapos naming gawin para magamit mo na talaga." sabi ni Hank Bahinting kay Daniel Quinn.

"Salamat, Kuya! Salamat talaga ng napakarami! Okey ito!!!" maligayang pagpapasalamat ni Daniel Quinn.

"Parang wala ata kayong enerhiya. Ano, kakayanin ba? Isa isa. By alphabetical squad list. Momo Arreola!"

"YES!!!"

"Ikaw naman, Dragon Bautista!"

"HANDA AKO, KAKAYANIN KO! TO THE MAX DRAGON POWER!"

"Next, Daniel Buenavantura!"

"Yes po, Kuya!"

"Justin Buenavista!"

"Kaya ko, para sa aking minamahal na bayan!"

"Eh paano si Taiga Daike, the tiger?"

"KAYANG KAYA, SIYEMPRE! AKO PA?!"

"Lisa Medina, buhay ka pa ba?"

"Oo! Buhay pa ako para maging bayani at mamamatay bilang bayani ng Pilipinas, sisiguraduhin ko yun!"

"Chelsea Perez! Okay ka lang ba? Kakayanin mo bang dumepensa ng konti kung saka-sakali?"

"Oo naman. Para kay Felix at Junior ito!"

"Siyempre di magpapatalo ang isa pang youngest na si Yanni Pontero!"

"TAMA! KAKAYANIN KO ITO!"

"Paano yung hot na rich na famous na mahusay na golfer, si Marc Victor Paolo Sabalza?"

"Super Golfer on the go!"

"Santos, Zanella. Ah, honey! Siyempre handa yan. Tama ba o mali?"

"TAMA! Tayong AZS ay magtatagumpay! Kakayanin natin ito para sa ating mahal na bansa! Kahit anong mangyari!"

"At..Santos, Zoey. Anak, isigaw mo nga ang Anti-Zombie Squad Go. Alam ko nang kayang-kaya mo eh."

"ANTI-ZOMBIE SQUAD, GO!!! FOR THE PHILIPPINES! REPEAT AFTER ME! ALTOGETHER!" sinigaw ni Katana Queen ang battle cry nila.

"ANTI-ZOMBIE SQUAD, GO! FOR THE PHILIPPINES!" sabay sabay namang sigaw ng iba.

Sa unang grupo.

Ginamit nina Daniel Quinn, Little Blade at Crazy Bully Killer ang motorsiklo ni Hank. Si Crazy Bully Killer ay marunong magmaneho ng mga motorsiklo, kaya kumapit na lang sa kanya si Little Blade at kay Little Blade si Daniel Quinn.

"Ingat ingat Kuya Taiga. Pwede kaming tumalsik na lang bigla." sabi ni Little Blade.

"Mga bagets, huwag kayong mag-alala. Magaling naman si Kuya at maingat kapag nasa mga motorsiklo. Ano ako eh..maingat na mabilis magmaneho." ang tugon naman ni Crazy Bully Killer.

"Buti naman. Oy, mga zombie! Pero walkers. Permission for a drive-by?! Kayang kaya ko naman, eh. Poison guns!" reaksyon ni Daniel Quinn nang makakita ng mga walker zombies.

"Sige. Kapag marami, pindutin ko na lang ang pampasabog ng missile. Ingat ka lang, kasi nakakapit ka lang. Babagalan ko na lang ng konti." sabi naman ni Crazy Bully Killer.

Sinimulan ni Daniel Quinn barilin ang mga zombie gamit ang poison guns niya, habang ang isang kamay ay nakakapit pa rin kay Little Blade.

"OH YEAH!!!"

Nang makalayo sila, nakasalubong nila ang isang malaking grupo ng mga zombie, kaya pinindot ni Crazy Bully Killer ang pampasabog ng isang missile. Tumama sa gitna ang missile at sumabog, patay na lahat agad ang mga walker.

"Ayos! Idol talaga kita, Taiga!" sabi ni Daniel Quinn kay Crazy Bully Killer.

"Ge. Salamat. Malapit na tayo. Pa-Santa Mesa na itong daan na ito." sabi naman ni Crazy Bully Killer.

Pagkatapos ng ilang minuto, narating na rin nila ang drug laboratory.

"Hala sa dead-end? Secret laboratoy talaga na mukhang bahay ito, eh." reaksyon ni Daniel Quinn.

"Oo. Ngayon, pasok na tayo." sagot ni Crazy Bully Killer.

"Dahan-dahan. Naku, buti na lang walang mga zom—" sabi ni Little Blade, pero biglang nagbukas ang sirang pinto, lumabas ang isang grupo ng mga walker na zombie.

Tumingin sina Crazy Bully Killer at Daniel Quinn kay Little Blade.

"Naku po. Bakit pa kasi kailangan ko lagi buksan ang napakalaki kong bibig!" sabi ni Little Blade sa inis sa sarili niya.

"Nakakatamad pumatay. In fact, pag ginawa ito, apektado na rin naman ang drug laboratory." sabi ni Daniel Quinn, at ini-start agad muli ang motorsiklo. Pagkatapos nito, mabilis na pinindot niya ng dalawang beses ang pampasabog ng mga missile.

"Huy, teka lang!" sabi ni Crazy Bully Killer, na pipigilan na sana si Daniel Quinn, pero huli na, natamaan na ang laborotaryo at mga zombie ng missile.

"Cowabunga! CAN I GET A WHUT-WHUT? I sure can get one with the amazing fireworks! Oh!!!" maligayang sigaw ni Daniel Quinn nang sumabog ang laboratoryo at namatay ang lahat ng mga zombie.

Lumayo ang tatlo habang nangyayari ang malaking pagkasabog.

"Ayos din yun, ah. Nakamit agad natin ang ating mga layunin." sabi ni Crazy Bully Killer, at nakipag-brofist kay Daniel Quinn.

"So ano ba ibigsabihin nang pagbibisita sa drug lab at sirain ito pati ubusin mga theronater?" tanong ni Little Blade.

"Ganito kasi yan. Kapag nawala na totally ang mga theronater, wala nang magiging mga zombie. May mga tao pa kasing kumukuha ng drugs na yun at kumakalat din ito." sagot naman ni Crazy Bully Killer.

"Ah, okay. So ano na susunod nating gagawin? Kausapin yung mga scientist sa Camp Crame since tayo ang pinakamalapit?"

"Ikokonpirma yan ni Hank sa atin. Teka lang."

Kinuha ni Crazy Bully Killer ang cell phone niya at tinawagan si Hank Bahinting.

Hank Bahinting: Hello. Ano na balita? Tapos na kayo?

Crazy Bully Killer: Oo. Ano na ngayon? Kamusta yung iba?

Hank Bahinting: Nag-share-share kasi yung dalawang grupo sa isang helicopter. Eh, isa lang ang mayroon tayo, di ba? Tutal, mgkalapit lang naman halos ang Mindoro at Palawan. Sa gagawin niyo, pwedeng kayo na lang kumausap sa mga scientist doon sa Camp Crame. Pinakamalapit naman kayo at wala pang progreso yung mga yun.

Crazy Bully Killer: Geh! Okay yun! Musta naman kayo diyan? May sumugod na ba?

Hank Bahinting: Wala pa. Pahinga lang kaming tatlo rito.

Crazy Bully Killer: Gegegege salamat! Handang handa na kaming tatlo rito! Medyo makulit ang kids, pero mahuhusay talaga silang lumaban, masasabi ko.

Hank Bahinting: Magandang balita yan. Good luck!

Crazy Bully Killer: Salamat, salamat! Kakayanin namin ito para sa Pilipinas! Sana okey yung solusyon na naisip nang mga scientist. Gagawin namin ang lahat, kahit na kukuha ito ng mga buhay namin. Pangako iyan.

Hank Bahinting: Mabuti talaga. I'm proud of my Anti-Zombie Squad. Sige, proceed to the mission na kayo.

Crazy Bully Killer: Gege, buh-bye.

Natapos na ang tawag.

"Tara na. Sa Camp Crame na tayo."

Pumunta na sila sa Camp Crame, ang base ng Philippine National Police o PNP kung saan nangyari ang eksperimento sa isang sundalong militar na nagresulta sa aombie apocalypse.

Mga isang oras lamang ang makalipas, narating na rin nila ang lugar.

Nakita agad nila, maraming mga pulis at sundalo ang nakabantay sa labas.

Bumaba ang tatlo.

"Magandang araw po. Anti-Zombie Squad po ito. Pumunta kami rito para kausapin ang mga scientist na humahanap ng pampatigil sa zombie apocalypse. Pwede po ba?" nagpaalam si Crazy Bully Killer.

"Oo naman. Pasok kayo." pahayag naman ng isang pulis, at binuksan na ang pintuan para sa kanila.

Nakita nila ang loob ng Camp Crame. Namangha talaga sila, lalo na sina Daniel Quinn at Little Blade. Pero mas namangha sila ng marating ang lugar kung nasaan ang layunin nila: ang lugar kung nasaan ang mga scientist. Sampung mga dalub-agham ang naroroon, at kasama nila ang ilang mga heneral ng Philippine Army.

"Anti-Zombie Squad ito. I mean..partly lang, since tatlo lang kami out of twelve." sabi ni Crazy Bully Killer sa kanila.

"Mabuting dumating kayo! Icocontact sana namin yung pinuno niyo, pero nandito na pala kayo, hehe. Tapos na kasi kami sa solusyon, naghihintay na lang kami para sa..SPECIMEN. Sa specimen na ito, pwede nang mawala lahat ng mga zombie sa buong Pilipinas. Parehas na artifacts at mga substance a ginamit namin doon sa ginamit din ng iba naming mga kasamahan noong ineksperimentshan nila ang isang bangkay ng sundalo. Ni-re-engineer lang namin para kabaliktaran ang resulta, at sigurado na kaming magtatagumpay. Perpektong specimen ang katulad niyong Anti-Zombie Squad para rito, sapagkat kayo ang may pinakamaraming encounter sa mga zombie, kayo overall ang mga pilipinong may pinakamaraming napatay na mga zombie. Kaya kailangan namin ang isa sa inyo na pumunta roon sa loob ng machine na yun para sa isang cryogenic freeze. Gagamitin namin ang katawan para maapektuhan ang buong Pilipinas sa malakas na enerhiya ng katawan na kinakalaban ang mga zombie. Dito, mawawala na silang lahat ng tuluyan." sabi ng isang kalbong scientist na mukhang pinuno nilang sampu, si Professor Leonard Rusty Tusing.

Nagtinginan ang tatlo sa gulat.

"Naku, ibigsabihin, mamamatay yung isang taong pupunta roon sa loob niyan?" agad na nagtatakang reaksyon ni Little Blade.

"ANO? Baliw na ba kayo? Papatayin mo ang isa sa amin, kung pwede naman isa s ainyo o sa mga sundalo? May utak pa ba kayo??? Pasensya na sa pagkukulang ng galang, ha. Pero totoo naman ang mga sinasabi ko." galit na reaksyon naman ni Daniel Quinn.

Tahimik lamang si Crazy Bully Killer sa pag-iisip.

Tumayo ang isang scientist na gulo-gulo ang kulot na buhok, si Doctor Maurice Abraham Severino.

"Iho. Kayong Anti-Zombie Squad ay may kakaibang genetics. Ang kinuha namin talaga ay sa inyo in the first place. Sinimulan namin kayong eksperimentahan kaya ininject namin dati sina Taiga at Dragon, siguro naikuwento nila sa inyo at nasabing pag-aaralan lamang ang kahusayan ninyong koponan. Nalaman namin na kung kayo ang specimen, kayo talaga ang pinakamabisang makakapatay ng tuluyan sa lahat ng mga zombie kaya dugo ninyo ang kinuha namin. Ay, teka. Nakalimutan namin. Dalawa lang pala sa inyo ang pwede, since yung dalawang dugo lang na kinuha ang sinama namin na mga substance. Sina Taiga at Dragon. Kaya alam niyo na siguro kung sino ngayon." sabi niya, at nagsitinginan lahat kay Crazy Bully Killer.

"Kuya Taiga? Ikaw? Gagawin mo?" tanong ni Little Blade na medyo naiiyak na.

"Yun ang pinag-iisipan ko, kanina pa nang marinig ko ang sinabi ni Professor Rusty. Ito ang tanging paraan para magtapos na ito. Wala na tayong oras na dapat aksayahin. Bago pa kumalat musto ang hindi natatapos na zombie apocalypse, gagawin ko ang dapat. Ngayon na nalaman kong kami lang ni Dragon ang pwede, hindi na ako magdadalawang-isip pa. Para sa Pilipinas ito. Sa hilaga, ang mga runners ay marami na muling nakakain. Ganun din sa bandang timog Luzon kahit walkers lang ang nandoon. Pasensya na, kailangan ko gawin ito. Mahal ko kayong lahat. Para ito sa aking bansa at mga kapwang pilipino na mahal na mahal ko." sagot ni Crazy Bully Killer at pumunta na sa makina.

Sinubukan siyang hilain ni Little Blade, pero nilayo na niya ang sarili niya.

"Marami akong nagawang masama sa mga kapwa pilipino ko dati, na parang hindi talaga ako pilipino at hindi ko mahal ang Pilipinas, kaya ngayon magbabago na talaga ako. At ito ang tatandaan niyo, ang pinakamahalagang moral na natutunan ko sa buhay ko: mahal na mahal ko kayong lahat na mga kaibigan ko, ang mga pinakamagandang kayamanan na natanggap ko sa aking buhay. Salamat sa lahat. Patawarin niyo ako." sabi pa ni Crazy Bully Killer at halos naiyak na sa huli.

"KUYA TAIGA!!!" napasigaw na rin si Daniel Quinn habang humahagulgol.

"Okay po, maghanda na po kayo. Sa loob, pakiramdaman niyong lumalaban kayo habang yumeyelo katawan niyo, para makakuha kami ng maraming enerhiya roon." sabi ng isang lalaking scientist na mahaba ang buhok, si Doctor Carmelo Noel Tividad, at pinapasok na si Crazy Bully Killer.

Pinroseso na ng mga scientist ang pag-gamit sa katawan ni Crazy Bully Killer para mawala na ang mga zombie.

Habang humahagulgol sina Little Blade at Daniel Quinn, tinahan sila ng mga sundalo.

Nangyari na ang eksperimento. Tumagal ito ng maraming minuto.

Ang pangalawang grupo; sina Dragon Gangster, Super Golfer at Bad Knife ay kinakalaban ang mga zombie. Pinagbabaril ni Dragon Gangster ang mga zombie na nakaharang sa drug laboratory na dapat nilang pasabugin. Si Bad Knife naman ay ginamit mga machete niya, nakahiwa ng maraming mga zombie na madadaanan niya. At si Super Golfer ay tinutulungan sila, nagpapasabog ng mga granada sa mga zombie gamit ang golf club niya at style ng golfing niya kahit ang tunay niya na layunin ay pasabugin ang drug laboratory. Napakarami kasing nakaharang na mga zombie.

Habang laban lang sila ng laban, biglang natumba na lang ang mga zombie, wala nang buhay.

"Huh? Ano nangyari? Biglang namatay lahat?" tanong ni Dragon Gangster sa pagkalito at pagtataka.

"I don't know, but I think it is the work of the scientists in Camp Crame." sagot naman ni Bad Knife, habang nililigpit ang mga machete niya.

"Yeah, I agree, I think that too. And this is our work!" sabi ni Super Golfer, at tumakbo papunta sa granada niyang nakalagay sa isang tee. Tinamaan niya ito ng napakalakas, at pagkatapos, ang isa pang granada sa isa pang tee. Tumama ito parehas sa drug laboratory na katapat lang nila. Sumabog ito ng tuluyan. Wala na ang pagawaan ng theronater. Nawala na rin ang mga theronater na kakalat sana.

"THAT WAS AWESOME, MVP!" sabi sa kanya ni Bad Knife at niyakap siya nito.

Naisip naman ni Dragon Gangster bigla ang ala-ala niya tungkol sa namatay niyang dating girlfriend, si Lady Shooter dahil dito. Ngumiti na lang siya at naging positibo.

Sa ikatlong grupo naman, ang grupo nina Katana Queen, HD-Queen at Death.

Pinasok nila ang drug laboratory sa Palawan at nakitang nagagawa ang mga theronater. Nakita rin nila ang mga trabahador, mga zombie na.

"Paano natin ito masisira ng tuluyan?" tanong ni HD-Queen.

"Patayin muna natin ang mga zombie. Pwede natin ito subukang pasabugin." sagot n Death.

Nang papatayin na sana nila ang mga zombie, bigla silang natumba, wala nang buhay.

"On second thought, huwag na pala." sabi ni Death.

Wow. Sinong makakapaliwanag sa nangyari? Bago pa natin sila patayin, namatay na sila. Kakaiba ito, ah. May majika ba tayo, o ano?" gulat at nagtatakang reaksyon ni HD-Queen sa nangyari.

"Huhulaan ko lang. Baka siguro dahil sa sinasabing solusyon ng mga scientist." ang tugon ni Katana Queen dito.

"Pwedeng pwede. So paano natin ito papasabugin?" tanong ni HD-Queen.

"Huwag ka nang mag-alala, Lisa my labs. Nandito na rin ang solusyon. Mga dinamita. Kumuha ako nito kay Super Golfee ng palihim, eh, hehe. Kung sakaling..kailanganin ko." sagot ni Super Golfer at ipinakita ang tatlong mga dinamita.

"Wow. Ayos iyan! Galing talaga ni bebe Justin ko!" reaksyon agad ni HD-Queen.

"Labas na tayo at tig-iisa tayong magbabato ng dinamita para sumabog na itong lugar na ito." utos ni Death, at binigyan sina HD-Queen at Katana Queen ng tig-iisang mga dinamita,

Tumakbo na palabas ang tatlo at nang makalayo, binato nila ng sabay sabay ang mga dinamita.

Sumabog na ang drug laboratory.

"Woohoo! Ang galing talaga natin!!!" sabi ni Death, at tumalon silang magkayakap ni HD-Queen.

Nanatiling tahimik si Katana Queen, ngunit ngumiti bigla sa tagumpay nila.

Nawala na ang lahat ng mga zombie sa Luzon, namatay na rin. Lahat ng ito ay kapalit ng buhay ng isang tao, isang pilipino at mas higit pa roon: ISANG BAYANI.

Siya ay walang iba kung hindi si Taiga Daike, o mas kilala bilang "Crazy Bully Killer" na talagang nagbago na ngayon. Inalay niya ang kanyang buhay para sa Pilipinas at bawat Pilipino.

Naging masaya muli ang Pilipinas at gumawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng "Apocalyptic Rehabilitation Program" o isang rehabilitasyon ng Pilipinas mula sa sirang nadala ng zombie apocalypse.

Nagsaya naman sa kanya-kanyang mga buhay ang bawat miyembro ng Anti-Zombie Squad.

Sina Hank Bahinting, Ma'am ZJ at Katana Queen ay nanirahan ng sama-sama, bilang isang pamilya. Nagpokus muli sa pag-aaral si Katana Queen, samantala ang mga magulang niya ay naging mga dalub-agham. At ito ay ang nangyari.

Naka-blindfold si Ma'am ZJ, at dinadala siya ni Katana Queen sa isang lugar, sa hardin ng bahay nila.

"Para saan ba ito, Zoey? Sana maganda ang ipapakita mo sa akin, ha." sabi niya kay Katana Queen.

"Oo naman po. Unexpected po talaga ito at sigurado akong pinakamagandang bagay na ito na makikita mo. Handa ka na ba?" sabi naman sa kanya ni Katana Queen.

"Sige. Siguraduhin mo, ha! Ayoko ng kalokohan! Alisin mo na ang blindfold, para makita ko!"

Inalis na ni Katana Queen ang blindfold, at nagpakita si Hank Bahinting. Ang mga kamay niya ay nakatago sa likod na tila may tinatago.

"Hank? Para saan ito? Anong sopresa ba ito sa akin?" tanong ni Ma'am ZJ.

"Alam mo namang mahal na mahal kita, Zanella. Matagal na, dati pa. Tumagal na tayo bilang pamilya at nakasanayan na natin iyon. Ngayon, naisip ko na oras na ito para sa malaking bagay na ito na ibang iba talaga. Para na itok sa habang buhay nating dalawa, at ni Zoey. Handa ka na ba?" sagot ni Hank Bahinting.

"Oo, handa na ako!" sabi ni Ma'am ZJ at hinintay ang sopresa.

Pinakita na ni Hank Bahinting ang tinatago niya sa likuran, isang kahon ng singsing at pagkatapos sinuot ito kay Ma'am ZJ, na kanyang ikinamangha ng sobra. Nagkaroon pa nga siya ng tears of joy.

"WILL YOU MARRY ME?" pag-aalok ni Hank Bahinting para sa isang kasalan, habang naiiyak na rin.

Agad na sumagot si Ma'am ZJ. "Yes, I do. I will marry you!"

Tumayo na si Hank Bahinting, at naghalikan na sila ng matagal ni Ma'am ZJ.

Sayang saya rito si Katana Queen. Simula ng engagement na ito, kinuha at ginamit na ng mag-ina ang apilidong "Bahinting" imbis na "Santos" bilang paghahanda sa opisyal na kasal.

Si Dragon Gangster? Hindi man siya edukado, pero pinasok niya ang isang bagong pagsubok: ang pagiging pulis. Sa ngayon, siya ay SPO4 pa lang sapagkat kakasimula lang niya sa konting buwan. Napromote agad siya sa husay niya at sa katotohanang ginugunita ng bansa ang Anti-Zombie Squad, kung saan utos din ito ni Pangulong Duterte. Kahit na pulis na siya at kabaliktaran ng tipikal na kriminal, alyas pa rin niya ang "Dragon Gangster."

Si Super Golfer naman ay bumalik sa golfing career niya. Yumaman na siya, nagiging milyonaryo na sa mga nakukuha niyang pera sa pagiging golfer ng Pilipinas. Samantala ang girlfriend niyang si Bad Knife ay naging artista na at sumikat. Kumalat ang balita tungkol sa relasyon nilang dalawa. Naging artista na rin si Super Golfer at nagkaroon sila ng pelikula ni Bad Knife.

Nagpatuloy ng pag-aaral sina Death at HD-Queen sa paaralan nila. Mas matanda man ng dalawang taon si HD-Queen, hindi pa rin nila nilalayo ang kani-kanilang sarili sa isa't isa, nagiging matibay ang relasyon nila. Konti na lang ang mga eatudyante at guro sa eskuwelahan nila at sa konti na yun, sila mismo ang sikat, kilalang kilala bilang hottest couple, ang tinaguriang Campus King and Campus Queen na nga nila kahit fourth year high school pa lang si Death at second year college na si HD-Queen. Kaparehas nila ng paaralan sina Little Blade at Daniel Quinn, na second year high school pa lang o Grade 8. Sila naman ay tinaguriang Campus Prince at Campus Princess. Para kina Death at HD-Queen, nandiyan pa rin ang alaga nila sa mga nakababatang mga kapatid nilang sina Jasper at Loisa. "Campus National Hero" naman ang tawag kay Crazy Bully Killer bilang parangal sa kabayanihan niya na nagligtas sa buong Pilipinas. Binigyan din ng parangal ang ibang mga miyembro ng Anti-Zombie Squad na patay na at sa paaralan din na yan nag-aaral. Sila ay sina Scarlet Medic at Lady Shooter, ang tinatawag na mga "Campus Heroes," kung Campus National Hero himself si Crazy Bully Killer. 

Si Dana Quinn ay pinaragalang "CSI Hero" ng mga pulis sa pagkamatay niya kasama ang Anti-Zombie Sauad na sinusubukang labanan ang zombie apocalypse ng Pilipinas. 

Si Crossbow Princess CL? Siya'y nagretiro muna sa pagiging fitness gym instructor dahil buntis siya. Inalagaan niya ang sarili niya habang buntis siya. Tumitira siya kasama ng naging matalik na kaibigan niya sa koponan na si Bad Knife, at tinulungan siya nito habang buntis siya.

Ang lupang sakahan ng namatay na si Grim Harvester at restaurant ng namatay na chef na si Boy Machine Gun ay binenta na lang, pero ang mga pangalan ng mgs ito ay nakapangalan pa rin sa mga namatay na orihinal na may-ari bilang parangal sa kanilang naging mga nasyonalismo.

Sa isang reunion ng koponan, ito ang nangyari:

Nasa ospital sila. Nagpa-ultrasound si Crossbow Princess CL sa doktor, hanggang sa malaman ang resulta.

"Congratulations, Miss Perez. The gender is finally confirmed. It's a boy!" sabi ni Doctor Ron Thaddeus V. Yap, ang kanilang doktor.

"Yehey, Junior! Felix Andre Cruz Jr ang magiging pangalan!!!" agad na reaksyon ni Daniel Quinn.

"Oo nga, natupad ang hiling ni Felix bago siya mamatay!!!" dagdag ni Little Blade.

"Salamat po, doc." pinasalamatan ni Crossbow Princess CL si Doctor Yap.

"Walang anuman. Iwan ko muna kayo rito." sabi naman ni Doctor Yap, at umalis muna.

"So ano na mga susunod na mangyayari? Balita ko, ikakasal na kayo, Hank at Ma'am ZJ. Ako ang best man, siyempre! Wala ka naman nang mga kapatid, kaya best friend na lang, which is me!" sabi ni Dragon Gangster.

"Oo. Ikakasal na nga kami. Sa susunod na linggo na yun, kaya naghahanda na agad kami. At siyempre ikaw ang best man, SPO4 and soon to be PNP Chief Dragon Bautista." ang tugon ni Hank Bahinting dito, habang hawak ang kamay ng nobya niyang si Ma'am ZJ.

"Masaya lang talaga dapat tayo ngayon na wala na ang zombie apocalypse." sabi naman ni Ma'am ZJ, habang sumasandal kay Hank Bahinting.

"Hindi ko na naririnig ang battle cry sa tagal na wala tayong mga laban. Pwede ba nating sabay sabay sabihin? Pagkatapos ng tatlong segundo." pakiusap ni Hank Bahinting.

Pagkatapos ng tatlong segundo..

"ANTI-ZOMBIE SQUAD, GO!!!" sabay-sabay nilang sigaw.

AZS Status:

11/18 (seven dead)

Deaths:

Taiga Daike a.k.a Crazy Bully Killer (killed)

Official last appearances of:

Felix Andre Cruz a.k.a Boy Machine Gun (zombified, killed)

Taiga Daike a.k.a Crazy Bully Killer (killed)

Final AZS Status:

Five Boys

1. BAHINTING, Henry Tyler Y. / Hank Bahinting

2. BAUTISTA, Drake Gideon F. / Dragon Gangster

3. BUENAVANTURA, Daniel Roy P. / Daniel Quinn

4. BUENAVISTA, Justin James B. / Death

5. SABALZA, Marc Victor Paolo G. / Super Golfer

Six Girls

1. ARREOLA, Mnemosyne I. / Bad Knife

2. BAHINTING, Zanella Jubilee G. / Ma'am ZJ

3. BAHINTING, Zoey Jane G. / Katana Queen

4. MEDINA, Charmaigne Lalisa D. / HD-Queen

5. PEREZ, Chelsea Louisse S. / Crossbow Princess CL

6. PONTERO, Yanni A. / Little Blade 

In Honor of the Dead: (by order of the time of death)

PONTERO, Sonji A. / Scarlet Medic (Chapter 2,  Chapter 5-Chapter 9)

OJEDA, Alexandro Emmanuel III J. / Grim Harvester (Chapter 4-Chapter 10)

BUENAVANTURA, Dana Shane P. / Dana Quinn (Chapter 4-Chapter 12) 

HULIGAN, Armano C. / Captain Killer (Chapter 4-Chapter 16)

SANDOVAL, Wenia Iris M. / Lady Shooter (Chapter 2, Chapter 5-Chapter 20)

CRUZ, Felix Andre H. / Boy Machine Gun (Chapter 4-Chapter 25)

DAIKE, Taiga / Crazy Bully Killer (Chapter 2, Chapter 5-Chapter 10, Chapter 17-Chapter 25) 

Author's Note: Happy finale ang sa Season 1, ewan ko lang kung ganun din sa Season 2 at iba pang mga susunod. Epilogue is coming up next. Para po siyang conclusion ng story at ang tulay sa pagitan ng unang yugto at ikalawang yugto ng kwento. Kaya ano, bibitiw pa ba kayo? Di ba, hindi? Nandiyan lang ang suporta niyo, di ba? Alam na alam ko yan. Huwag kayong mag-alala! Maraming salamat sa lahat. Sa lahat ng mga kabanata, nagsaya akong gawin ito dahil sa inyo. P.S sorry sa typos. I will definitely start working on fixing these soon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top