Chapter 24: Mga Nadiskubreng Bagay

Chapter 24: Mga Nadiskubreng Bagay

Hank Bahinting's Point of View

Bumiyahe kami papunta sa isang temporaryang base, sa isang hotel dito sa Baguio. Dito kami nagpalipas ng oras.

Nanonood muna ako ng telebisyon. Kasama ko sina ZJ, Zoey at ang nalulungkot na si Chelsea. Ang iba ay nagsasaya sa mga kwarto nila. Nag-gogolf si MVP at tinuturuan pa niya si Momo, kahit na medyo pilay sila. Tutal, paa lang naman ang masakit sa kanila, ang kamay ay hindi naman. Naglalaro ng mga video games sa mga device nila sina Yanni at Daniel. Natulog na lang sina Justin at Lisa, sapagkat wala naman silang ibang magagawang pisikal sa mga injury nilang pinakamalala sa kanilang lahat. I mean pinakamalala pagkatapos ng sa akin. Speaking of that, ang hirap pa rin talaga gumalaw ngayon. Dislocated at fractured ang mga binti ko. Tapos may sugat pa ako sa mga kamay ko. Piling ko, hindi muna ako makakalaban ng matagal, sa kondisyon na ito.

Pinanood namin ang balita.

"Rehiyong Ilocos. Rehiyong Cordillera Administrative Region. Kalma kalma lamang  po tayong lahat. Alam nating may zombie apocalypse, pero narito ang mga sundalong militar para solusyonan ito. Mayroon din palang nadiskubreng isang koponan na parang mga sundalong pinapatay ang mga zombie na ito kaya wala nang mga zombie sa iba pang mga rehiyon ng Luzon. Alamin natin yan sa pag-uulat ni James Regulano. James?" sabi ni Adrian Yabot, isang tagaulat sa telebisyon.

Nagulat kami rito.

"Um, tayo ba yan? Yung sinasabi? Parang tayo eh. Mukha namang walang ibang gumagawa ng mga ginagawa natin." sabi ni ZJ.

"Siguro. Tignan natin." tugon ko naman.

"Ngayong araw lang, nadiskubreng mayroon nanamang parang mga terorista sa elikoptero. Pero nadiskubre rin namin na hindi pala sila talagang mga kriminal. Sila'y mga bayani pala ng mga bansa." ulat ni James, at nagpakita ang mga larawan ng isang helicopter at pagkatapos larawan nina Dragon at Taiga na binabaril mula sa malayo ang mga zombie habang nakasakay dito.

"Noong napanayam sila, nalaman na sila pala ay mga miyembro ng isang grupong tinatawag na 'Anti-Zombie Squad.' Ang pinuno nila ay ang anak ng dating Brigadier General na pulis, si Heinson Bahinting na patay na ngayon at nanay din ng patay na na tanyag na dalub-agham, si Doktora Thalia Bahinting, walang iba kung hindi si Henry Bahinting, o mas kilala bilang 'Hank.' Labing-walo sila, at anim na ang namatay. Una, ay isang nurse, si Sonji Pontero, o mas kilalang Scarlet Medic. Sumunod ay isang magsasaka ng Quezon City, si Alexandro Ojeda III, o Grim Harvester. Pagkatapos ay ang CSI na si Dana Buenavantura. Nasama pa si Captain Armano Huligan ng militar, ang pinakabatang sundalo na nasa mataas na posisyon, o mas kilala sa alyas na Captain Killer na sumali sa kanila at napatay nang iligtas ang isang traydor mula sa pagkapaslang na nagbago na ngayon dahil sa sakripisyo niya. At ang dalawang pinakahuli. Isang estudyante, si Wenia Sandoval at ang kanina lang namatay na si Felix Andre Cruz, isang tanyag at mahusay na chef, kilala sa katawagang Chef Boy-Machine Gun. Sa ngayong labing-dalawa na lang sila at nakilala natin ang dalawa sa kanila sa personal, sina Drake Gideon 'Dragon' Bautista o Dragon Gangster at Taiga Daike o Crazy Bully Killer, ang traydor na napabago ni Captain Huligan. Pakinggan natin ang isang panayam sa kanila.

Nagpakita ang isang video kung saan pinapanayam sina Dragon at Taiga ni Pangulong Duterte.

Duterte: Ikaw muna, Bautista. Kilala ko mga magulang mo, sina Diana Gabriella Bautista at Romeo Bernard Bautista, mga drug pusher at drug lord na pinapaslang ko na, matagal na. At mukhang kilala rin kita, isa kang gangster ng poblemang grupo sa Metro Manila, ikaw ang parang pinuno kasama ang kapatid mo si Brian Riley, saan na siya?

Naiyak muna bigla si Dragon, nang maalala si Kuya Baril niya.

Dragon: Magandang araw po. Ako po si Dragon Bautista, dating gangster, dating masamang kriminal. Miyembro po ako ng Anti-Zombie Squad at isa rin sa mga alalay na pinuno. Hindi po talaga siguro ako dapat maging bayani. Noong namatay kasi si Kuya Baril, sinabi niyang magpakabait ako at tumulong itigil sa zombie apocalypse na ito at naniniwala siyang kaya ko magbago.

Duterte: Nakakaiyak pala iyan, boy! Nakakagulat na ang laki ng pagbabago mo. Maipapagmalaki mo dapat yan, bilang pilipino! Tunay na dragon ka talaga. Kapag naging zombie ka, dapat mukhang dragon, ha!

Tumawa sina Dragon, Taiga at ang ibang mga manonood sa studio kung nasaan sila. Si Duterte talaga. Hanggang ngayon na napakalaki't lala na ng poblema ng Pilipinas, nagagawang magpatawa pa.

Duterte: Ikaw naman, iho. Ikaw na mukhang gangster din. Para ka naman ngayong tiger, sa mga marka mo sa mukha na parang whiskers, di ba? Ano ka, Tiger Gangster? Kung siya ay Dragon Gangster.

Tawanan ulit.

Taiga: Hindi po. Crazy Bully Killer po. Pangalan ko po ay Taiga Daike, isa po akong bully sa school na binubully kahit sino. Siguro kung di pa po ako nagbabago, pati ikaw po mabubully kita at wala akong paki kung subukan niyo po akong patayin. Kaya malaki na ang papasalamat ko kay Captain Huligan, siya ang nagpabago sa akin.

Duterte: Eh halos parehas lang naman pala kayo ng storya! According to Dragon, his older brother made him have a change of heart because he believed he would change already from being a bad person. While for Tiger, it's almost the same, Captain Huligan made him change by the sacrifices which was meant for him to change. Wow! Dragon and tiger really go together!

Nagtawanan nanaman sina Dragon, Taiga at ang mga tao sa studio.

Tumigil na ang video ng panayam. Bumalik na kay Adrian Yabot.

"Yan po. Sana naman, magtagumpay ang militar at itong Anti-Zombie Squad na ito para mailigtas ang ating bansang pilit na kinukuha ng mga zombie. Marami pang mga balita ang ating matutuklasan sa pagbabalik ng bago lamang na programa, ang APOCALYPTIC NIGHT UPDATES, kaya stay updated lagi lagi!"

Nag-commercial na.

"Commercial naman na. Excuse me, guys. Tatawagan ko lang yung mga artistang yun na sikat na sa telebisyon at napersonal pa si Duterte." nagpaalam ako, at naglakad papunta sa medyo malayo. Ginamit ko ang mga saklay ko at dahan-dahang naglakad, upang hindi ko maramdaman ang sakit.

Pagkatapos nito, kinuha ko na ang aking cell phone mula sa aking bulsa.

Tinawagan ko si Dragon.

Ako: Musta na kayo diyan? Ha, Dragon and Tiger?

Dragon: Ay, boss! Okay na okay po! Napanood niyo na, noh? Hehe. May magandang balita naman kami, siyempre.

Ako: Siyempre. Ano ang balita na yan?"

Dragon: Cleared ang Cordillera, maliban siguro diyan sa Baguio, hehe sensya. Naubusan kami ng mga pampasabog. Anyway, to the rescue na ang buong puwersa ng militar, dadating ang iba diyan sa inyo. Pero sila na raw bahala sa rehiyong Ilocos. Aalalay din kami, okey lang ba yun? Kami naman ang mga powerhouse, eh!

Ako: Ge. Ingat lang kayo! Kami rito, pahinga lang. Um, pahinga lang habang nasasaksihan ang inyong mga kasikatan.

Dragon: Haha oo nga, pre. Kaming dalawa ni Taiga ang naging representative ng AZ Squad kahit ikaw dapat. Pero okey na rin yun, parang leader din naman ako, di ba?

Ako: Oo. Mga malalakas naman kayo. Kaya nga, Dragon at Tiger, eh, di ba? Next time nga, papasuotin kita ng mga gawa-gawang pakpak para unang tingin pa lang iisipin na nilang dragon ka. Si Taiga kasi, mukhang tigre na sa parang mga whiskers na sulat sa mukha niyang minarkahan niya ng marker. At yung name niya, halos katunog ng tiger, di ba?

Dragon: Haha tama, tama. Sige lang. Pero sige, brad. Paalam na muna, back to work. Mamaya na uli tayo mag-usap. Oras na muli para pumatay ng mga zombie. Tumutulong kami kasalukuyan sa Ilocos.

Ako: Have some rest muna. Gabi na, eh. Pabayaan mo muna yung mga sundalo. Ha, pahinga kayo ni Taiga?

Dragon: Ay oo nga, noh. Sige. Pahinga muna kami sa ngayon. Salamat, tol. Marami ka na talagang naitulong dati pa.

Ako: Walang anoman, Dragon. Ingatan niyo sarili niyo ni Taiga, ah! Pahinga muna, kumuha ng enerhiya at iwasan ang kamatayan na posibleng posible mangyari sa inyo!

Dragon: Geh, bye! Sa inyo rin na handicapped!

Natapos na ang tawag. Tinago ko na ang cell phone at bumalik sa kanila. Narinig ko ang usapan nina Super Golfer at Bad Knife habang mabagal at dahan-dahan akong naglalakad gamit saklay ko.

"Boy Machine Gun's death is really sad, you know. It was just an ecstatic good news that he and Crossbow Princess already have a son. I'm not sure if it is an assurance that it is a boy, but BMG himself expects and yearns it more to be a boy than a girl. For that..we girls should really give you five points. In this game, if a member of a party dies, then five points will be given to that party." sabi ni Momo, at ginamit ang golf club niya bigla, tumalsik ang golf ball at tumama sa akin banda habang naglalakad, pero natamaan naman agad ito ng saklay ko, bumalik sa kanila.

"No. The game should stop first. Giving five bonus points happily after a death isn't good at all and doesn't seem to be a good way of honoring a teammate who just passed away. This game is for joy, and we are experiencing sorrow right now. As the kind of referee of the game, I say it will stop for now. It will resume when we are already done with the sorrow. For now, it will be stopped." sabi naman ni MVP at narinig ko na parang tinamaan niya na ang isang golf ball.

Pagkatapos nito, naging normal ang mga bagay. Pahinga kaming lahat dito na may mga injury. Sina Dragon at Taiga ay tumulong sa militar na ubusin ang mga zombie sa Luzon bago pa sila kumalat sa Visayas, Mindanao at iba pang mga hiwalay na isla tulad ng Spratly at Panay.

Dalawang linggo ng pahinga ang makalipas, nabalita ang ligtas na kondisyon ng Luzon, na nilusuban ng mga zombie.

Gumaling na ang mga injury nila. Ako na lang siguro ang hindi. Pero, nawala na ang mga sugat ko. Kaya kahit papano, mas komportable na ang pakiramdam ko ngayon.

Kung pag-uusapan ang mga natitira kong mga kakampi, lahat sila ay may mga magagandang balita.

Ang aking girlfriend na si ZJ ay nadiskubre ang galing sa agham at sa larangan ng pag-iinbento kaya natulungan niya ako sa pag-tapos ng isang inbensyoin na nahanap ko sa ospital na inbensyon ng mga doktor na hindi nila natapos: ang mga poison guns.

Si Zoey, ang inampon ko nang anak ay naging interesado na rin na tumulong sa amin sa laboratorya sa pag-iinbento. Sinubukan niyang madiskubre ang potensyal niya rito. At higit sa lahat, tanggap na tanggap niya ako bilang bagong tatay niya.

Naturuan na talaga ni MVP si Momo ng golf, kaya dahil dito, natuto na rin si Momo mag-golf ng mga granada kahit papano. Patas naman sila. Si Momo, tinuruan niya si MVP sa pag-gamit ng kutsilyo, kaya marunong na rin lumaban si MVP gamit ang mga kutsilyo. Itong magkasintahan talaga na ito.

Naging maayos at maligaya ang relasyon nina Justin at Lisa. Masayang malaman na hindi na tinatarayan ni Lisa si Justin at magkasundong magkasundo na sila, tapos malambing pa. Nakakakilig talaga silang mag-syota.

Sina Daniel at Yanni ay naalagaan naman, bilang pinakabata sa koponan. Best friends yung dalawa at nahahalata namin ang tila lambingan nila paminsan. May mga affections yata sila sa isa't isa. Sigurado naman akong hindi pa sila papasok sa relasyon dahil katorse pa lang sila at alam nila yun. Sapat na ang pagiging best friends nila. Isa pang maganda ayarehas na silang naka move on totally sa mga ate nilang namatay na kakampi rin namin dati, sina Dana at Sonji.

Si Chelsea? Nakaka move on na rin kahit papano. Naiintindihan namin na napakahirap ito, lalo na para sa kanya. Buntis siya kaya iniingatan din namin siya. Pagkatapos ng ilang linggo pa, magpapaultra-sound na kami tungkol sa sanggol niya. Sana nga, lalaki, para Junior ni Felix na laging makakapagpagunita sa kanya.

Siyempre, ang huli, sina Dragon at Taiga naman ay ligtas at buhay na buhay na nakabalik sa amin. Nagsaya silang pumatay pa ng zombie habang nagpapahinga kami. Kasama nila ang Philippine Army kaya talagang ligtas sila. Yung ibang mga sundalo siguro ang nakakagat, pero hindi sila, buti na lang. Naging representative talaga sila ng koponan namin.

Nakabalik kami lahat sa bahay ko.

Sa kwarto ko, ang kasama ko ay sina ZJ at Zoey, sapagkat pamilya kami. Sa kwarto naman ni tatay sina Dragon, Taiga, Daniel at Yanni. Sa kwarto ni nanay sina Justin, Lisa, MVP at Momo. At mag-isa sa dressing room si Chelsea.

Alam naming hindi pa talaga tapos ang zombie apocalypse na ito, kaya dapat lang na maghanda pa rin kami. Oo, ang militar ay sinisiguradoing ubos na ang zombie sa bawat lugar ng Luzon, pati na rin sa lugar na wala pang zombie upang makasigurado lang.

At tama kami. Ito nangyari ng isang umaga:

Sa dining room, habang kinakain namin ang luto ni Chelsea na ginaya at binase niya sa pagkaluto ng yumao niyang kasintahan na si Felix, nanonood kami ng balita sa telebisyon. Ang almusal namin ay burger steak at pork steak. Parehas akong kumuha ng beef at pork sapagkat parehas ko itong gusto. At okay naman ang pagluluto ni Chelsea. Pero siyempre, pinakamaganda talaga sa lahat ang luto ni Felix. Sayang talaga, kasi patay na siya.

"Magandang umaga po. Ito nanaman po ang programang 'Apocalyptic Updated Morning.' Ako po si Adrian Yabot, dito sa studio. Sinasabing sa mga nakaraang linggo, naubos na ng mga sundalo at ng Anti-Zombie Squad ang mga zombie rito sa Pilipinas. Pero, nadiskubre lang ngayon na hindi pa pala ito tapos. Nagkakaroon pa rin ng mga zombie at nadiskubre rin ang pinagmulan nito. Alamin natin yan sa pag-uulat ni Juan Darwin Chavez. JD?" sabi ni Adrian Yabot.

Nag-iba ng ng eksena, nagpakita na si JD Chavez sa isang kalsada.

"Oo, Adrian. Nandito pa talaga ang zombie apocalypse at hindi nawawala. Ayon sa mga scientist ng Pilipinas, nadiskubre na rin nila ang dahilan nito. Dalawa raw ang dahilan nito. Ang una ay dahil sa isang droga, na nahaluan ng kung anu-ano pa sa pagkakamali ng gumawa. Ang may-ari ng mga laboratoryang may ganito ay ang instik na si Theron Huang, na ngayon ay patay na rin, nakain na habang nangyayari ang zombie apocalypse. Ang drug na ito ay tinawag na..theronater. Ang orihinal na layunin nito ay para sa mga mamamatay na na mabuhay pa at maging malakas. Akala ni Huang, gagana ito ayon sa kagustuhan niyo, pero hindi pala. Imbis na ang mamamatay na ay mabuhay pa, namatay lang siya at nabuhay muli, bilang zombie. Tatlo ang laboratarya niya. Sa Manila, sa Mindoro at sa Palawan. Sa kanya galing ang mga walkers na zombie. At ang pangalawang pinagmulan ay ang eksperimento ng militar dati, sa Camp Crame. Ito'y isang eksperimento sa isang patay na sundalo na nakaapekto sa lahat ng iba pang patay at mga mamamatay na kapag namatay ay magiging zombie na. Dahil sa dugong sundalo nang patay na magaling na sundalo na yun, naging runners ang mga zombie na nang-galing dito, magagaling sa mga reflexes at stunts. Sa kasalukuyan, sinusubukan ng mga scientist humanap ng paraan para mapatigil na rin ito. Mayroon silang natuklasan sa Camp Crame na matutunghayan natin sa pag-uulat ni James Regulano mamaya. Parating pa lang siya roon. Back to you, Adrian." pag-uulat ni Chavez.

"Salamat, JD. At marami pa tayong balitang matutuklasan sa pagbabalik ng..APOCALYPTIC UPDATED MORNING!!!" sabi naman ni Yabot.

"So nalaman na rin natin ang pinagmulan nito. May aksyon na ba tayong gagawin para rito?" tanong ni Justin, habang minumuya ang kanyang burger steak kaya medyo hindi naiintindihan ang kanyang pagkasabi.

"Siguro. Ayaw tumigil ng mga zombie. Nandito pa rin sila dahil sa dalawang pinagmulan na ito. Kailangan natin wasakin ng tuluyan ang mga drug laboratory na yun at siguraduhing wala na talaga ang droga na yun sa mundo na yun. Pagkatapos, kakausapin ang mga scientist tungkol sa nahanap nilang paraan para tanggalin na rin ang mga runner sa ating bansa." sagot ni Dragon.

"Tama. Oras na para tapusin ito. Sana, handa na kayo para sa magiging huling labanan natin sa mga zombie na ito. ANG PAGTATAPOS. Anti-Zombie Squad?" sabi ko naman sa kanila.

"GO!!!" sabay sabay nilang sigaw.

ABANGAN AT WALANG BIBITIW, DAHIL SEASON FINALE NA ANG SUSUNOD.

Author's Note: Last chapter of the season na po ang susunod, hintayin niyo. Active and consistent support naman diyan! Yung iba, ghost readers na yata! Busy yung iba, okay. Pero yung iba mukhang nagbabasa pero hindi aktibong aktibo. Siguro dadalawa o tatatlo o aapat lang yung aktibo pa rin hanggang ngayon. Sa kabila nito, alam kong mapapagkatiwalaan ko pa rin kayo na maibibigay niyo pa rin ang inyong mga suporta hanggang huli. Brace yourselves for the season finale at pasensya talaga sa anim na mga namatay. Salamat sa lahat at pasensya na rin sa typographical errors. Have a blessed Saturday to all of you. Happy Reading and stay tuned for the finale!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top