Chapter 23: Mga Hindi Inaasahan
Chapter 23: Mga Hindi Inaasahan
Ma'am ZJ's Point of View
Ilang oras kami nagpahinga. Si Hank ay kinakausap sina Taiga at Dragon time to time upang maging updated sa status ng misyon nila sa Cordillera Administrative Region. Si Zoey ay nagpapahinga lamang sa kama niya. Naglalaro naman ang iba ng boys and girls, sapagkat yun lang ang tanging magagawa nila mula sa mga injury at sugat nila. Dahil naiinip ako, pinakinggan ko na lang sila.
"Makakakuha tayo ng score sa bakbakan na tayo. Kanino kayang koponan ang may mas magandang fighting performance kagabi?" sabi ni Super Golfer.
"Ah! Sige! Ilang points mabibigay niyo rito? Sinipa ko sa weakspot ng isang lalaki ang drayber ng kotse na kung nasaan kami kinidnap ni Justin. Napatigil bigla ang kotse dahil napatigil yung drayber na gangster. Sisipain ko na sana ang susunod, pero nahila ako ng lahat ng mga gangster, pinagtulungan ako, kinaladkad ako, pinapalo-palo ng malakas sa bubong ng kotse maraming beses ang katawan ko, at pagkatapos, tinapon na lang ako mula sa bintana, tumama ako sa kabilang sasakyan, yung sa inyo, MVP. Tapos, sinubukan kong maglakad. Nakita ko, may sasakyan na sasagasaan na ako at hindi ako makalakad sa pilay ng kaliwa kong paa at halos di na rin makagalaw ng dumagdag pa ang kanan kong kamay. Akala mo mamatay na ako, hindi ko ineexpect na biglang sumulpot si Justin, umalis mula sa sasakyan namin at mabilis na inalis ako sa daan, at nasagaan siya ng sasakyan! Kaya..napilay siya ngayon sa kaliwang binti at kaliwang kamay. Buti, mahina lang ang bangga at naiwasan pa niyang matamaan ang ulo niya. Saka buti na rin at yung isang kamay at isang paa ay hindi nainjure at mababa lang binagsakan mo. Pero salamat talaga, Justin ah. Niligtas mo buhay ko roon. Siguro dapat lang na friendly na ako sa iyo. Masyado na kitang tinatarayan, eh.." sabi naman ni HD-Queen.
Pumalakpak silang lahat.
"Wew!!! Friends na sila! I mean..different level of friends na sila? Anong level? Parang kina MVP at Momo, ganun, romantic relationship? O yung more than that na na relationship, sexual relationship na tulad nina Felix at Chelsea pati nina Hank at Ma'am ZJ?" tanong ni Yanni.
Tila nahiya at nagblush si Death, sumipol na lang siya at tumingin sa kabilang side.
"Depende sa kanya. Habang nagiging Anti-Zombie Squad tayo na lumalaban sa mga zombie at ilan sa inyo ay mga couple na kung saan inspiration niyo ang isa't isa sa pakikipaglaban, nararamdaman ko na parang gusto ko na rin ng kasintahan." sagot ni HD-Queen.
Napalingon si Death sapagkat kumuha ito ng atensyon niya. Ngayon naman, mukhang natutuwa at nasasabik siya.
"Hey! Gusto ko ng romantic relationship na! Bilis! Matagal mo na ako di sinasagot dito!" sabi ni Death.
"YES NA YAN! YES NA YAN! YES NA YAN! ALTOGETHER.." sigaw ni Super Golfer.
"YES NA YAN! YES NA YAN! YES NA YAN! YES NA YAN!" sabay sabay na sigaw nilang lahat kina Death at HD-Queen.
Natawa muna si HD-Queen at si Death ay tumalikod. Paulit-ulit naman ang sigaw ng iba.
"Ahem, ahem. Tigil muna sa cheer ninyo, hindi ito intrams. May ibibigay na akong sagot. Handa na ba kayo? Siyempre hindi. Tama ba?" nagsalita na si HD-Queen.
Tumigil na sila sa kakasigaw ng "Yes na yan" paulit-ulit.
"Hindi po! Handa na po kami, ate! Titigil na po kami, at hihintayin na ang sagot mo." sabi ni Yanni.
"Good. So ang sagot ko ay.."
Pinaghintay sila ni HD-Queen. Si Death ay napapasmirk na lang at sumipol muli.
Humarap na si Death. Pinalo muna niya ang dibdib niya.
"Naku, di na ako makahintay. Ako na ang magpapasagot sa iyo kung di ka talaga makaisip!" sabi niya at lumapit na kay HD-Queen. Dumeretso siya sa bandang mukha nito. Halatang hokage moves ito. Mukhang hahalikan niya na si HD-Queen.
Ngunit nang hindi inaasahan, bago pa mahalikan ni Death si HD-Queen, si HD-Queen na mismo ang humalik sa kanya!
Limang segundo ang halik. Namangha kaming lahat dito. Walang nakapagsalita, kahit yung cheerleader na si Super Golfer.
Halos mahimatay na si Death pagkatapos, tinumba niya ang sarili niya na mukhang nagpapanggap lang na nahimatay na.
Humalakhak naman si HD-Queen.
"So yes na???" tanong ni Daniel.
"Of course. Indirectly ko nang sinagot. Nakita niyo naman na siguro." sagot ni HD-Queen.
Napatayo na rito si Death.
".............YEAAAAAAAAAAAAAH BOY!!!" sigaw niya sa ligaya, at pagkatapos niyakap ng mahigpit si HD-Queen, natumba sila parehas na nagyayakapan.
Sinipol ni Super Golfer ang kanyang pito kaya nagmukha siyang referee talaga.
"5 points for both parties ito. Sa kaninang kinuwento ni HD-Queen, plus 3 points din sa parehas. 8-8, draw. The MVPs are Death and HD-Queen." sabi niya.
"Para maimpress ko for the first time si sweetheart girlfriend ko, plus five sa kanila. Ha, MVP?" pakiusap ni Death kay Super Golfer, habang nakikipaglambingan na kay HD-Queen.
"Ano? Baliw ka ba? Pinapanalo mo sila?" angal ni Boy Machine Gun.
"Relax, Felix. Nasa unang progreso lang ako sa karanasan niyo nina Hank, MVP at Dragon..um, dati para sa kanya. Pagbigyan mo na, ngayon lang. Isa pa, first moral na maituturo ko kay honey Lisa ay ang sportmanship. It's just a game. Who cares? We win, we lose, we experience both but no matter what, let's not take it very serious. Ang seryosong bagay lang doon ay yung pagrirelate natin nito sa totoong buhay. Ang buhay kasi, parang gulo." tugon naman ni Death.
Sumipol ulit si Super Golfer sa pito niya.
"My ears are burning. Anyway, the score is now 8-13, in favor of girls. The MVP is Lalisa Medina, aka HD-Queen." pagdeklara niya.
"Ang galing ng boyfriend ko, ah. Big words pa. Inspiring and wise na siya, eh! Three points para diyan!" pakiusap ni HD-Queen.
"11-13! Oh yeah, Justin for threeee!!!" sabi ni Super Golfer.
"Ang lambing talaga. Pero mga bata pa kayo. Pagkatapos ng aombie apocalypse na ito, babalik na sa dati ang lahat, malamang siguro kasama na ang school doon. Kaya sana kahit nahanap niyo ang isa't isa, hindi niyo mapapabayaan ang pag-aaral niyo. Death, ikaw muna. Kamusta grades mo? May line of 7 ka ba, may at least one ka bang subject na kung saan napakataas ang grade mo?" payo ko naman sa kanila.
"Good news! Wala akong line of 7 so far the past quarter! At marami na rin akong line of 9!" sabi sa akin ni Death.
"Weh? Eh ano highest at lowest mo?" tugon ko rito.
"Parehas na bagong record. First time ko maka-98, sa M.A.P.E, hehe. Matataas kasi ako sa mga tests ng Music, sa gawa sa arts at lagi pa perfect sa mga skill test ng P.E. Pero sa pangalawang bagong record, first time ko rin maka-68 sa Math. Hirap, eh! O, di ba? Walang line of 7! Yun lagi tanong kapag nangangamusta sa grades, eh. Haha!" sabi niya na may halong patawa.
Natawa naman ako rito. Okey naman ang biro niya.
Natawa rin ang iba. Habang tumatawa, sinipol ni Super Golfer ang kanyang pito.
"2 points. The score is now currently 13-13. Draw. The MVPs are Justin Buenavista and Lisa Medina." dineklara niya ang pagpuntos.
"Ang galing mo talaga magpatawa, Justin." sabi ni HD-Queen kay Death.
"Siyempre. Lalo na kapag nandiyan ka!" sabi naman ni Death.
"OWWW!!!" reaksyon ng iba.
Sumipol muli si Super Golfer.
"Additional point, making it 14-13, now in favor of boys. Their MVP is Justin Buenavista, aka Death."
"Excuse me muna. Iihi lang ako. Hindi ko alam kung may UTI ako at ihi ako ng ihi kanina pa." sabi bigla ni Chelsea, at pumunta ng banyo.
"Samahan na kita!" boluntaryong giit ni Felix.
"Ah, hindi na. For now, mag-isa muna. Okay lang naman ako." tugon naman ni Chelsea at pumasok na kaagad sa banyo.
"OWWW, BURN!!! ANG KAWAWANG CHEF BOY!" reaksyon agad ni Daniel.
"Savage talaga, haha! Iba yun, ah! Pag-ibig na ang pinag-uusapan, ang sakit nun!" dagdag ni Yanni.
"Haha! REJECTED!! REJECTED!!! REJECTED!!! You've been rejected, son!" asar ni Bad Knife.
Tawanan na sila,
Nagkamot ng ulo si Felix at nakitawa na lang.
"MVP, I demand two points for the girls for that." pakiusap ni HD-Queen.
Sumipol si Super Golfer sa pito niya.
"Ge. 14-15, in favor of girls this time, having HD-Queen as the MVP. Aba, dikit ang laro ah. Pwedeng pwede pa bumawi ang boys." pagdeklara ni Super Golfer.
Bigla naman kaming napatigil nang makarinig kami ng parang nasusuka.
"Sa banyo! Si Chelsea! Taralets!" agad na sabi ni Felix at tumakbo na ng napakabilis papunta sa banyo.
"Hoy! May mga injury pa kami! At 1 point na yan for the girls dahil sabi ko, kitang kita at rinig na rinig niyo naman in HD! Additional point pa para sa joke!" sabi naman ni HD-Queen.
Sumipol si Super Golfer at dineklara: "14-17, in favor of girls."
"Chelsea! Chelsea! Ano nangyayari? Okay ka lang ba?" tanong ni Felix kay Chelsea sa banyo.
"Hindi..ang sakit ng ulo ko, sobra. Ayaw mawala ng sakit ng ulo, kahapon pa. Pabalik-balik! Sa pagod siguro sa kakalaban sa mga zombie at sa mga gangster. Hindi ko rin alam kung bigla akong nasuka, siguro nga dahil din sa sobrang pagod." sagot naman ni Chelsea.
Napatayo na si Hank at naglakad gamit ang mga saklay niya papunta sa amin.
"Sinabi mo bang kahapon ka pa nakakaramdam ng pabalik-balik na mga sakit ng ulo? Tapos kanina ka pa ihi ng ihi na parang may UTI? At ngayon, nasusuka ka na. Hindi kaya, ang ibigsabihin nito ay.." sabi niya, ngunit napatigil ng makaramdam ng sakit sa kamay niyang may sugat.
"Ano, Hank? Pabitin ka naman! Kailangan ko na malaman!" tugon ni Felix.
"Sensya. Malakas ang pakiramdam kong si Chelsea ay posibleng..BUNTIS." tinuloy ni Hank ang sasabihan na ikinamangha naming lahat.
Napatigil muna kami, hanggang sa pumalakpak ang iba.
"Palakpak para sa magiging anak ng number one na hot couple natin dito sa AZS!" sabi ni HD-Queen.
"At palakpak din kay resident genius-vigilante-leader Henry Bahinting, na ang nakadiskubre niyan sa talino niya! Woohoo! 3 points yan! Bahinting for three!!! 17-17, draw nanaman!" pagdeklara ni Super Golfer.
Tuwang tuwa naman sina Felix at Chelsea. Maligaya silang naghalikan ng matagal.
"May masama ring bahagi ang balita na ito. Kapag may buntis, maging pabigat at pahirap din ito. Pero sigurado akong kakayanin naman natin itong solusyonan." biglang sabi ni Hank.
"Tama, tama! 1 point naman diyan! Leader's message na tama naman!" pagsasang-ayon ni Death.
Sinipol ni Super Golfer ang kanyang pito.
"Ge. 18-17, in favor of boys, Death as MVP." sabi niya.
"Sana boy. Mas gusto ko boy, pinagpaplanuhan ko pa ang perfect name. Ayoko ng girl, hehe! Kung girl yun, ikaw na, Chelsea bahala sa pagpapangalan!" binahagi ni Felix ang kanyang kagustuhan.
Ngunit bigla kaming nakarinig ng parang tunog ng tilian at mga zombie.
Lumingon kami, nakita namin, mga zombie sa pintuan. Nakapasok na sila!
"Sinong iresponsableng napabayaan ang pintuan?" sabi ni Felix at binaril agad ang mga zombie na nakapasok gamit ang LMG niya. Pagkatapos, sinarado niya ang pintuan, ang sliding door.
"Chelsea, tayo ang may pinakaminor na injury, tulungan natin lumabas ang iba. Pati kay Ma'am ZJ na walang injury. Sa fire exit tayo dadaan." utos sa amin ni Felix.
Binuksan muna namin ang fire exit door. Inalalayan namin ni Chelsea maglakad sina Super Golfer at Bad Knife. Si Felix naman ay inalalayan ang dalawang bata, sina Daniel at Yanni. Sunod ay tinulak ng dalawa ang mga wheelchair nina Death at HD-Queen.
Pagkatapos, tinulungan ko si Hank.
"Salamat, hun. Da best ka talaga." sabi niya sa akin.
"Hehe, anything for you." sabi ko naman sa kanya.
Tulungan namang tinulak nina Felix at Chelsea ang kama ni Zoey kung saan siya confined kasama ang kinakabitan ng dextrose niya. Pagkatapos kong maihatid si Hank, kinuha ko ang mga kahon ng gamit na nakuha namin.
Bigla naman naming naramdamang mababasag na ang glass na sliding door at tila nasisira na rin ang kahoy na kisame. Naku, mga zombie. Hindi pa kami tapos, pero parating na sila agad. Hindi pa nga nila napapagkasya ang kama ni Zoey at di pa nga ako nakakalabas habang buhat buhat ang mga kahon.
"Naku, hindi talagang magandang ideya na rito tayong ospital pumunta. Hindi matibay ang kisame." sabi ni Felix at hinanda LMG niya.
"Felix, hun, saan ka pupunta?" tanong ni Chelsea.
"Medyo papatigilin ko lang sila if ever na makakalapit sila sa atin." sagot ni Felix at sinimulan barilin mula sa malayo ang mga nakapasok na na zombie na nagsitakbuhan pagkabasag ng pintuan. Ngunit biglang nasira ang buong kisame, napakaraming zombie ang bumagsak at ang iba ay nakatalon papunta sa amin. Nailagan ko ang mga sumusugod sa akin at nabaril ito kaagad ni Felix. Habang lumalabas na kami papunta sa fire exit, binabaril lang niya ang mga ito, at tulungan namin ni Chelsea na tinulak ang kama at dinala ang mga kahon, ngunit biglang bumangon ang mga natumbang zombie. Sama-sama silang tumalon at nadaganan nila si Felix nang nakapasok na kaming lahat sa fire exit at sinasarado niya na ang pintuan. Nabukas muli ang pintuan at marami na ang pumatong sa kanya. Sa dami nila, nabitawan ni Felix ang LMG niya at nahirapan na, nakagat na siya sa maraming bahagi ng katawan niya ng iba't ibang mga zombie!
Nalungkot agad ako rito. Humagulgol si Chelsea, napatili ng napakalakas. Hindi siya nakalaban o nakagalaw, kaya hinila ko na lang siya paalis at binaril ang mga zombie na sumugod na nakuhanan ng atensyon ang tili ni Chelsea.
"Umalis na kayo. Kagat na ako, wala na ako. Huwag na..na..n-n-na..kayo..huwag na kayong lumaban pa. Useless na yun, mas mabuti na kung tumakas na kayo. Pero..pero. P-p-pero, bago ko makalimutan, alagaan niyo si Chelsea lalo na't buntis na siya ngayon. At Chelsea, oo nga pala, p-p-para sa..para sa a-a..anak. Anak natin. Gawin mo na lang na Junior. In honor na lang din sa akin. Gets mo, ah! Paalam na." pautal-utal na sabi ni Felix habang ginagamit ang puwersa niya upang mapaalis ang mga zombie na nakapatong sa kanya. Naiiyak na rin siya.
Binaril ko naman ng assault rifle ko ang mga zombie na papalapit sa amin habang tumatakas kami.
Bigla namang napatalsik na ni Felix ang mga zombie na pumapating sa kanya, ngunit tumalsik ang LMG at baseball bat niya sa amin ng magawa niya ito. Matapos ito, sinarado niya ang pintuan at pinagsuntok na ang mga zombie roon sa loob ngayon na napunta sa amin ang mga sandata na.
"Tara na!" sabi ko kay Chelsea at hinila na siya patakbo habang humahagulgol siya at nakatingin kay Felix.
Sina Super Golfer at Bad Knife na ang tumulak sa wheelchair nina Death at HD-Queen. Sinubukan nila kahit na may mga sprain sila. Nang kinaya na ni Chelsea ng konti na makatakbo habang humahagulgol, iniwan ko na muna siya at binuhat ang mga kahon. Konuha ko rin ang nahulog na LMG at baseball bat ni Felix. Binody-bag ko ang LMG at inipit ang baseball in between.
Sina Daniel at Little Blade na ang tumulak sa kama ni Zoey. Sinubukan nila ang kaya nila. Buti na lang, second floor lang ito, kaya konti lang ang hagdan, di kami masyado mapapagod at di tatagal na magiging ganito kaming naghihirap dahil sa mga injury.
Lumabas agad kami sa ground floor at nahanap ang mga kotse namin.
Pagkalagay ko ng mga kahon sa likod ng Mazda, dahan-dahang tinanggal ko na ang pagkadextrose kay Zoey. Pagkatapos, sinakay ko na siya sa kotse. Katabi niya ay sina Daniel at Yanni. Kami ni Hank ay magkatabi sa harap. Sa kabila naman na kotse, nakaupo sa harap si Chelsea. Siya na ang magmamaneho. Wala na siyang katabi. Sa gitna sina Death at HD-Queen. Sa likod sina Super Golfer at Bad Knife.
"Another death in the squad..naku. Pero hindi yun inaasahan at walang may kasalanan sa atin nun. Biglang sumulpot ang mga zombie habang injured tayo. Mabibilis pa sila, nadaganan agad si Felix at dahil sobrang outnumbered and outmatched siyang dinedepensaan tayo, nakagat na rin siya. Sana maginhawa rin tayo mula sa pangyayari, lalong lalo na para kay Chelsea. Mahirap talaga ang pagmu-move on lalo na kung napakahalaga na ng tao para sa iyo, pero mas mahalags ang Pilipinas. Mas malaki pa ang hindi natatapos na misyon natin ngayon kaysa sa malaking kalungkutan natin ngayon. Siyempre, habang sinusubukang maging matagumpay sa misyon na ito, may mga namamatay din. Ganyan naman ang buhay, eh. Marapat lamang na ihanda natin ang ati mga sarili na tanggapin ito. Naniniwala naman akong kakayanin ito ng Anti-Zombie Squad. Hindi na ako mangungulit pa ng yell natin, ang battle cry o kung anoman pa dahil sa kalungkutan na natin ngayon. May pagkakaintindihan din tayo sa isa't isa rito, siyempre. Isa naman yun sa mga tunay na katangian ng isang koponan, eh." sabi ni Hank sa amin.
ABANGAN.
AZS Status:
12/18 (six dead)
Deaths:
Felix Andre Cruz a.k.a Boy Machine Gun (zombified)
(VARIABLE) Last appearance of:
Felix Andre Cruz a.k.a Boy Machine Gun (zombified)
Author's Note: Last two chapters. Abangan niyo na, maging malakas sa pagsuporta! Pagkatapos nun, ipagpapatuloy ko na ang PDE 2. Sana, handa na kayong lahat. Okay, salamat sa lahat at sorry sa typos. Sana magustuhan niyo ito at ang buong storya na rin. Maligayang pagbabasa at masayang Biyernes na gabi sa inyong lahat! =) ;) :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top