Chapter 20: Matuto tayo sa ating mga pagkakamali!
Chapter 20: Matuto tayo sa ating mga pagkakamali!
Crossbow Princess CL's Point of View
Ang sarap matulog. Lalo na kung galing ka sa pagod, antok at kayabangan. Isama mo na roon ang kalungkutan pagkatapos ng isang masaklap na pangyayari. Naging overconfident kaming kakayanin namin. Naisip namin na masyado kaming malakas at mahusay, kakayanin namin ang runners sa kabila ng kahusayan din nila. Yun pala, hindi rin. In english, we became too cocky, we keep thinking we can do it without worrying of a possible risk we would get. Such arrogant persons we are..
Katabi ko si Felix, siyempre. Dulo kaming kama, sa tabi ng bintana banda. Kasama rin namin yung dalawang bata na sina Little Blade at Daniel. Medyo siksikan, pero ayos lang naman. Sa gitnang kama naman ay ang kama nina Hank Bahinting, Ma'am ZJ at Katana Queen. At ang pinakakanan na kama ay ginagamit nina Death, HD-Queen, Super Golfer at Bad Knife. Sa sahig na lang natulog sina Crazy Bully Killer at Dragon Gangster upang di makasiksik. Sa tabi ng pintuan ang kutsyon nila.
Pagkagising ko, gising na sina Felix at Hank, nag-uusap sila.
"Almusal muna tayo, tapos saka na tayo aalis, para kalabanin pa ang mga runners. Matagal pa siguro kung magluluto ka pa." sabi ni Hank.
"Oo, sige, ayos lang yun. Wala rin namang mga kagamitan para magluto ako." sabi naman ni Felix.
"Gisingin na natin ang iba. Para mabilis. Ngayon, sisiguraduhin nating wala na tayong magiging mga pagkakamali. Iiwasan nating may makagat sa atin." utos ni Hank.
Nang lumingon si Felix, agad niya akong nakita at ngumiti papunta sa akin.
"Hun, gising ka na pala!" sabi niya sa akin.
"Oo! Kakagising ko lang at kakarinig ko lang ng usapan niyo ni Hank!" sabi ko naman sa kanya.
"Gisingin na natin ang iba!"
Ginising na namin ang iba. Una ang mga bata; sina Little Blade at Daniel Quinn. Pagkatapos ay yung ibang mga lovebirds na sina Death at HD-Queen at Super Golfer at Bad Knife. Si Hank na ang gumising kina Ma'am ZJ at Katana Queen, saka kina Crazy Bully Killer at Dragon Gangster.
Nang magawa namin ang morning routines namin, ang pagsisipilyo at paghihilamos, bumaba na kami para mag-almusal.
Buffet ang almusal sa baba, kaya kami ang pumili ng kakainin. Kanya-kanyang trip kami rito. Pero siyempre, ang aking kasama sa trip ng kakainin ay si Felix. Holding hands kami habang pumipili.
"Gusto mo omelette, darling?" tanong niya sa akin.
"Oo naman."
Kumuha kami ng omelette.
"E meatball soup?"
"Sige!"
"Paano naman ang tempura?"
"Sige rin!"
Kumuha rin kami ng meatball soup at tempura.
"Dagdagan pa natin ng konting hotdog, sapat na ito!"
"Yes na yes, hun!"
Nagdagdag pa kami ng konting mga hotdog.
Umupo kami sa hiwalay na lamesa, kaming dalawa lang. Parang date namin ito, yay! Hart hart! ❤️❤️❤️
Sa isang malaking lamesa na katabi namin nakaupo sina Hank, Ma'am ZJ, Katana Queen, Crazy Bully Killer, Death, HD-Queen, Super Golfer at Bad Knife. Sa kanan nito, mag-isa sa isang lamesa ang nalulungkot at nagsisising Dragon Gangster na hanggang ngayon hindi pa rin maginhawa ang pakiramdam, hindi pa rin nakakamove-on sa nangyari kay Lady Shooter kagabi.
"Dapat siguro enjoy lang talaga tayo sa buhay all the time." sabi ni Felix.
"Oo, tama, hun. Pero mahirap, lalo na ngayon na lagi may mga mangyayaring masasaklap. Masarap i-apply ang live life to the fullest, pero hindi na masarap kapag ikaw mismo, nakaranas ng pampanira rito."
"Um, ang tanging kasiyahan na pwede kong makuha ngayon maliban sa iyo ay yung pakikipaglaban. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa mga labanan tulad nito."
"Ako rin eh. Pero alam mo..ang laban na ito ay para sa Pilipinas. Pag-usapan nga natin ang mga namatay, isa-isa."
"What do you mean? Sina Sonji, Mang Alexandro, Dana, Armano, Wenia, blah blah."
"Oo."
"Chelsea, sweetheart. Lahat ng kamatayan na ito ay tulay para sa isang malaking pangyayari, na mas malaki pa pala sa pangyayari ng kamatayan na iyon. Ano pa gusto mong pag-usapan doon?"
"Lahat ay may pagmamahal sa bayan nang namatay habang kinakalaban ang mga zombie. Turo yan ng ating pinunong si Hank. Si Scarlet Medic, passion niya na ang pag-gagamot sa mga tao at pagtulong sa marami. Namatay siya dahil nasipa siya ni Taiga na nakikipag-away kay Captain. Nagiging peacekeeper kasi siya. Passion niya rin ang magbigay ng kapayapaan sa bawat gulong makikita niya. Yun pala ang nagampanan niyang papel sa grupo natin."
"Ah, gets ko na ang sinasabi mo. Oo, sang-ayon ako roon. Si Mang Alexandro naman, si Grim Harvester. Nagsilbi siyang parang warning sa atin na hindi tayo nagiging mabuting team. Siya ang pinakamatanda bago dumating at naging miyembro si Ma'am ZJ. Mayroon siyang sympathetic background na kinatatakutan at pinagsisisihan niya. Tinuring niya tayong pamilya at hindi tayo hinayaang mawala at mabiktima ng mga zombie noong nagkapoblema tayo sa misyong Metro Manila noon. Ang role niya siguro ay parang..the uniting inspirational figure. Blah, hindi ko man lang naiayos. Sabihin na lang natin na siya talaga yung nag-inspire sa atin noong hindi pa maayos ang koponan natin. Nagsimula sa kanya yung pagtrato natin sa isa't isa bilang isang pamilya. For some time, he became the heart of our team and tried to keep us well united."
"Tama ka, Felix. Yung kay Dana? Siya ang pangalawang pinuno dati bago si Ma'am ZJ. Parang kapatid siya ni Hank, at biglang namatay noong nabihag sila nang mga dating ka-gang ni Dragon. Namatay siyang niligtas si Death mula sa isang atake ng zombie na pinaglalaruan ng mga gangster na yun. May sinisimbolo siya. Sabihin nating ang ginampanan niyang papel ay yung pagiging selfless leader na gagawin ang lahat, kahit ano pa basta lang magiging maayos at ligtas ang mga miyembro. Hindi niya inisip ang sarili niyang buhay. Inisip lang niya ang mas mabilis at mas magandang paraan para mailigtas na kaagad ang kakampi niya. Nagpakita siya ng tunay na qualities ng isang tunay na bayani at pinuno na rin. So..ganun. May tamang mga kaugalian at asal si Dana na dapat nating gayahin talaga sa pagiging mga miyembro ng isang grupo na may nasyonalismo para sa Pilipinas."
"E si Captain? Sa kanya ang pinakaiba. Niligtas niya ang kaaway. Isa siyang sundalo na mataas ang posisyon at matagal na naglilingkod. Siya ang pinakabatang sundalo na nasa mataas na posisyon. Spesyal at kakaiba talaga siya, kung tutuusin. Naniniwala siyang magbabago rin ang mga masasamang tao. Na-gets ko ang perspective niya, eh. Di ba kalaban natin ang mga zombie? Naisip niya na ang mga zombie ay ang tunay na mga kalaban, hindi na sila magbabago, kalaban talaga sila ng Pilipinas, ng mga pilipino. Pero yung katulad nina Theodore Dimalanta at Taiga, alam niyang mga tao ito, mga pilipinong pwede pa talagang magbago dahil tao ang mga ito! Pinakamarangal na siyang sundalo para sa akin, talo pa ang admiral o five-star general. Nagsisilbi siyang magandang halimbawa hindi lang para sa grupo natin, kung hindi pati na rin sa buong pilipinas, sa lahat ng mga pilipino, sa buong mundo. Siya ang nagpabago at nagpabalik kay Taiga, ang sanhi kung bakit bayani na muli ngayon si Taiga at hindi na bully sa mga kapwa niya tulad natin. Siya yung tipong parang 'the fighter with the noble values,' di ba?"
"Tama, wasto lahat yun. At si Wenia naman, ang pinakahuling namatay."
"Excuse me, lovebirds. Ayoko talagang putulin ang makabuluhang usapan niyo, pero speaking of Wenia, hindi ba siya yung gumagapang na yun sa bintana?" pinutol kami bigla ni Hank, at tinuro ang isang runner na zombie sa bintana na tila gusto na kami kainin. Minukhaan ko at napagtanto na tama si Hank. Si Lady Shooter nga ang zombie na yun.
Nagsitakbuhan ang mga kasabay naming kumakain at yung mga empleyado rin.
Agad naming hinanda mga sandata namin.
Nagsimulang mabasag ang bintana sa puwersa ni Lady Shooter. Agad na gumapang siya at pagkatapos, tumalon ng napakataas kaya nailagan niya ang mga tama namin. Dumeretso ang talon niya sa lugar ni Dragon Gangster. Kinabahan ako para sa kanya, napapikit na ako sa takot, ngunit waring nabingi bigla sa isang malakas na tunog ng mga bala.
Dumilat ako, at nakita si Dragon Gangster, hawak hawak ang mga sub machine gun niya na pinang-patay sa zombie ni Lady Shooter.
"Wow. Again, sasabihin ko nanaman ito noong pinatay mo si Theodore Dimalanta..that was unexpected pero parang expected na rin." reaksyon ni Little Blade.
"Iba naman na ngayon, Yanni. Love life na ito! Lalong di talaga dapat tayo makapaniwala kasi..sarili niyang girlfriend na zombie na, napatay niya sa panahong mapapatay na siya nito." sabi naman ni Daniel Quinn.
Pumunta si Crazy Bully Killer kay Dragon at hinakbayan niya ito.
"Naks naman, iba ka na ngayon, boss Dragon! Lovelife-related na pamaslang, kinaya mo! Kung ako yun, baka magpapakagat na lang ako para parehas na kami!" sabi niya kay Dragon.
"Kung ang isa sa mga best friend kong tumalikod sa akin at ayaw kumampi sa atin ngayon na si Theodore Dimalanta ay kinaya kong patayin, siyempre ito rin. Kahit pa man heart-breaking talaga at lalong magpapalungkot sa iyo...." pahayag naman ni Dragon Gangster at naiyak na muli. Tinahan naman agad siya ni Taiga.
"Pagkatapos ng almusal, aakyat na muli tayo upang kunin na lahat ng gamit at magchecheck out na rin tayo. Klaro ba yun?" sabi naman sa amin ni Hank.
"Opo, Kuya!" sagot ko.
"Wow, hindi sumagot ang iba, hun. Ikaw lang. Haha, ayos!" reaksyon ni Felix sa sagot ko.
Nagtawanan kami.
Pinag-usapan naming muli si Lady Shooter.
"Si Wenia kasi ay matapang. Kasing-ugali niya si Dragon at parehas pa sila ng point of view tungkol sa school. Kung si Dragon hindi nakapagtapos, si Wenia naman ay nagkakaroon ng poblema sa edukasyon, puro cutting classes siya lagi kasi tinatamad siya. Mga dragon sila parehas, kung tutuusin. Ang naging papel niya talaga ay yung pagiging mandirigma na nakakaimpluwensya sa atin na patuloy lang lumaban hanggang sa makakaya natin at lagyan natin ito ng dedikasyon. Yun kasi siya. Malakas ang fighting spirit, lalo na kapag may dedikasyon siya para sa pagsisikap at pagtitiyaga niya. Siya yung 'inspiring, dedicated warrior with the fighting spirit' ng grupo natin." sabi ko.
"Tama. Sino kaya ang susunod na mamamatay? Sana wala na, noh? Ayos na yung limang mawawala sa atin." sabi naman ni Felix.
"Oo, tama. Let's hope."
Dumighay na ako pagkaubos ko ng mga pagkain sa plato ko.
Nagtawanan kami ni Felix pagkatapos. Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin kumain ang lahat.
Umakyat na kami, sa pamamagitan ng elevator.
Nang makapasok kami sa kwarto, kinuha namin ang lahat ng mga gamit namin at siniguradong wala kaming naiwan.
Dumeretso na kaming lobby pagkatapos nito. Sinimulan ni Hank ang check out na proseso.
Naghintay kami sa sala ng sofa, kung nasaan ang mga sofa. Nainip kami, lalong lalo na si Super Golfer, kaya nag-golf na lang siya, sa pamamagitan ng mga normal na golf balls at hindi yung mga granada. Kami ni Felix ay naglambingan at naglandian. Si Bad Knife ay tinitignan ang mga machete niya. Sina Katana Queen at Ma'am ZJ ay gumagamit ng internet sa isang laptop sapagkat may free wifi na malakas sa hotel. Si Daniel ay naglalaro ng video games sa iPad niya. Nakikinig ng music si Little Blade sa iPod niya kasabay ng pagfe-facebook sa kanyang iPhone. Sina Death at HD-Queen ay nirereload ang mga baril nila. At si Crazy Bully Killer ay cinocomfort ang isang nalulungkot pa rin na Dragon Gangster.
Bigla naman kaming nakarinig ng mga tili at mga kakaiba ngunit pamilyar na tunog ng mga yapak. Tumigil kaming lahat sa mga gawain namin. Hinanda ni Super Golfer ang mga granada niya at inalis ang mga golf ball. Naging alisto na kami ni Felix. Tumayo na si Bad Knife at tinutok ang mga machete sa direksyon ng ingay. Niligpit na nina Katana Queen, Ma'am ZJ, Daniel Quinn at Little Blade ang mga device nila. Tinapos na nina Death at HD-Queen ang pagrereload ng mga baril nila. At sina Crazy Bully Killer at Dragon Gangster ay tumigil na muna, hinanda mga sandata nila.
Nakita namin bigla, mga taong tumatakbo at tumitili. Kasunod nila sa pagtakbo ang mga zombie na humahabol sa kanila. Nag-golf ng granada si Super Golfer at agad na sumabog ang mga zombie na malalapit nang kumagat sa mga tao, kahit pa man nakasira ito ng imprastaktura ng sahig ng lobby. Lumapit naman na sina Death at HD-Queen, binaril ang mga susunod pang mga zombie.
"Finally, may aksyon nanaman!" sabi ni Death, na masayang pinapatay ang mga susunod na zombie.
"Oo, masayang makapatay muli, pero saan sila nanggaling? Paano naman sila nakapasok?" tanong naman ni HD-Queen.
Sumali na sina Katana Queen Little Blade at Bad Knife sa labanan. Ginamit nila ang mga katana, cane knife at machete nila.
"Blade power! Haha!" sabi ni Bad Knife.
"Para sa tanong ni ate Lisa, ang sagot siguro ay doon sa nabasag na bintana ni ate Wenia kanina. Nakapasok sila mula roon sa dining room, hanggang dito na." sabi bigla ni Daniel, na ginagamit ang mga pistola niya upang tumulong sa pagpatay ng mga zombie.
"Oo nga, noh. Talino, ah. Yung youngest pa talaga natin ang nakafigure-put nun!" sabi naman ni Taiga, at sumali na sila ni Dragon sa labanan. Ginamit niya ang minigun niya at sub machine guns para kay Dragon.
Saka na kami sumali ni Felix sa labanan. Kaming "turret duo" ay tulungan na suporta sa iba para walang makagat sa kahusayan ng mga runners.
Agad naman naming naubos ang mga ito, sakto noong natapos na si Hank na ipa-check out kami sa reception.
"Tara na, guys. Mukhang bumibigat ang trabahong kailangan nating pagsikapan." niyaya na kami ni Hank na pumunta sa garahe, sa basement.
Doon pa rin kami sa dati naming lugar kagabi.
"Oras na para ubusin natin ang mga zombie sa Gitnang Luzon. Handa na ba kayo, Anti-Zombie Squad?! HA?! SAGOT!!!" sabi sa amin ni Hank. Bukas ang aming mga bintana kaya nagkakarinigan kami kahit na dalawang sasakyan ang gamit namin.
"HANDA NA!!!" pasigaw na sagot naman naming lahat.
Bumiyahe na kami at sinimulan ang misyon.
"Iiwasan natin ang ating mga pagkakamali ngayon na pumatay sa lima nating dating mga kagrupo. Wala na sanang makikipag-away dito. Iwasan niyong magsimula ng mga gulo, dahil isa tayong koponan, walang iwanan, puro tulungan at wala dapat mga galit sa isa't isa. Isa tayong pamilya rito. Mag-ingat tayo, maging alisto dahil iba ang mga zombie na kinakalaban natin ngayon. Huwag na huwag magiging mayabang ngayon, lalong lalo na kapag wala kayo sa kondisyon, klaro ba yun?" sabi ni Hank.
"OO!" sabay sabay naming sagot.
"Para maiwasan ang mga kagat kahit papano, may naisip akong pwedeng gawin sa ating mga katawan. Dati ko pa ito naisip, ngayon ko lang naisip ipatupad sapagkat ngayon ang pinakaangkop ng oras para rito."
Pinag-jacket kaming lahat ni Hank, para matakpan ang buong braso namin. Buti na lang, tinago niya sa sasakyan ang mga ito. Binalutan din namin ang aming mga leeg.
Nilibot namin ang Zambales muna. Pinatay namin ang mga madadaanan sa pamamagitan ng mga drive-by, para sa mga may baril.
At bumababa kami kapag mga malalaking grupo ang nakakasalubong namin.
Kami ni Felix ay sayang saya, bilang "turret duo."
Si Hank ay kadalasan hindi lumalaban, dahil hindi talaga siya ganun na pure fighter tulad namin. Yes, may skills siya, namana niya sa tatay niyang pulis, pero more on brain and leadership siya, a bit lang sa pagiging brawn at pinky. More on science siya at pinapanood na lang niya kami, inoobserbahan ang mga zombie at kami, tinitignan kung paano kami lumaban bilang pinuno at biglang umaalalay kapag may nasa kritikal, kung saan malapit na mabiktima ng mga zombie. Ginagamit niya ang mga metal na kuko mula sa metal na guwantes niya at pati na rin ang mga kemikal na baril niya.
Si Ma'am ZJ ay suporta lang din halos, dahil pinapabayaan niya kaming gawin ang karamihan ng patayan. Kadalasan, kasama niya si Katana Queen, ang anak niya sa pakikipaglaban upang protektahan ito.
Si Katana Queen ay naging mahusay na swordswoman. Napakabilis niya at magaling sa mga stunts, natalo niya ang mga zombie rito. Bago pa nga sila makalapit sa kanya, nahihiwa na niya ang mga ito ng mga katana niya.
Si Crazy Bully Killer ay nasa rooftop, nagiging sniper laban sa mga zombie.
Si Dragon Gangster ay nagiging dragon talaga, nilabas niya ang kanyang buong galit sa mga zombie, mabilis siyang nakapatay ng mga zombie gamit ang mga SMG at flamethrower niya.
Si Super Golfer ay puro granada lang at tinitipid ito; kadalasan lamang siya ng mga zombie, na ginagamit lamang ang granada kapag masyadong madami ang kakalabanin at wala siyang direktang sugod sa mga zombie. Kung mayroon man, ito ay kapag pumupunta sila sa lugar niya at madali niya itong napapatay gamit ang mga golf club niya.
Si Bad Knife ay mahusay na ginagamit ang machete niya, at lagi niya kapares si Little Blade na mga cane knife ang gamit, ang isang mas maliit at mas magaan na uri ng machete. Mabilis silang nakakapatay ng mga zombie sa paghiwa lang gamit ang mga machete nila.
Si Daniel Quinn ay mga pistola lang gamit, nakakapatay naman ng marami at kung kinakailangan, bumabato ng mga granadang lason, lalong lalo na kung nauubusan na siya ng bala at kailangan niya mag-reload o kapag may nasa malaking poblema sa pakikipaglaban.
Sina Death at HD-Queen ay tulungan kahit may bangayan sa pakikipaglaban. Parehas sila ng mga baril na ginagamit every time, upang makapatay ng mabilis sa pagsasama nila. Wow, what a nice chemistry, haha.
Paulit-ulit lang ang ganitong proseso at so far, ligtas kami, walang nakakagat. Nagawa namin ito hanggang sa paglilibot sa Tarlac, Nueva Ecija at Aurora. Ginabi kami sa malaking laban na ito. Pagod na pagod kami, kaya sinarapan namin ang aming pahinga. As usual, lambingan at landian lamang kami ni Felix....
"Naubos na ba natin ang mga zombie sa Region 3?" tanong ko.
"Tingin ko. Ngayon naman, sa Region 2 tayo, sa Cagayan Valley. Sana handa kayo para bukas sa laban natin." sagot ni Hank.
"Wait lang! Paano sina Jasper at Loisa roon sa base? Hindi ba muna natin sila babalikan? Baka kasi may bagong base muna o kung gusto niyo magpahinga ng saglit.." biglang kontra ni Death.
"Oo nga, noh. Ay oo! Baka may mangyari na sa kanila roon na masama! Mga bata pa lang naman yung mga yun!" dagdag ni HD-Queen.
"Um, chillax lang kayo. Kalma po! Babalikan muna natin, pahinga muna tayo roon. O pwede, magsplit-up na lang tayo. May mga bantay at depensa roon. Pwede naman may papasunduin ako na susunod na lang sa atin pagkatapos. Sa ngayon, pahinga muna tayo. Kahit hindi nagpapahinga ang mga zombie.." sabi ni Hank.
Tama siya. Hindi nagpapahinga ang mga zombie.
NAKU, KAILAN BA MATATAPOS ANG POBLEMA NA ITO?
ABANGAN!
AZS Status:
13/18 (five dead)
Official Last Appearance of:
Wenia Iris Sandoval a.k.a Lady Shooter (zombified, killed)
Author's Note: Last 5 chapters, guys. Matatapos na rin ang Season 1 ng AZS. Stay tuned po, sana consistent ang mga suporta ninyo sa huling mga limang kabanata. By the way, idedelay ko muna po yung mga updates ng PDE 2 for now since ako mismo, nawawalan na ng ideya sa ngayon at gusto ko, matapos muna ito. Sana maintindihan niyo. Salamat talaga sa mga suporta niyo. Pasensya na sa typos, hehe. Sana magustuhan niyo. Have a blessed Sunday, sana hindi niyo nakakalimutan ang Sunday obligation niyo, para sa mga katoliko diyan. Happy Reading! Have fun, everyone! =) ;) :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top