Chapter 15: Misyon sa CaLaBaRZon!

Chapter 15: Misyon sa CaLaBaRZon!

Boy Machine Gun's Point of View

So far, masaya kaming nreunited na muli. Namatayan man ng tatlo at nagtanggal ng isang nagdala lamang ng poblema, positibo lang kaming Anti-Zombie Squad. Nadagdagan naman kami ng isa. Masaya ako para kay Hank na naging sila ni Ma'am ZJ. Mararanasan na rin niya ang nararanasan ko sa love life. Bagay naman sila ni Ma'am ZJ. Parehas silang matalino na pwede magtulungan. Napapansin ko rin mismo na parang tatay na si Hank sa iba, lalong lalo na kay Katana Queen na ang anak ni Ma'am ZJ. Malaki nga ang age gap nila, at ang mas bata ay si Hank. Hehe by the way, di ko na siya kinikuya dahil magkaedad lang kami, xD. So ako ang pangalawang pinakamatanda, mas matanda lang sa akin si Hank ng months, kung sa eksaktong edadan, pero no need na tawagin siyang Kuya.

Naging abala silang lahat sa kanilang mga sari-sariling gawain ngayong umaga, habang naghihintay sa almusal na hindi ko nahanda agad kagabi sa pagod at antok ko. Ang aking girlfriend, si Crossbow Princess CL ay ineensayo sa fitness and acrobatic moves sina Dragon Gangster, Lady Shooter, Bad Knife at Super Golfer. Sina Death at HD-Queen ay nagsasaya kasama ang mga kapatid nila sa isang kwarto. Si Little Blade ay kasama si Daniel sa isang kwarto kung saan tinuturuan niya ito one on one ng fighting skills. Si Captain Killer ay inaasikaso yung mga nanakaw nilang mga kagamitan mula sa isang bahay ng isang kolonel na sundalo. Sina Hank at Ma'am ZJ ay nasa kabila, sa laboratory, nag-eexperiment ata o may pinag-aaralan, at kasama nila si Katana Queen. At ako? Nagluluto. Hehe.

Sa pagiging chef ko, lagi sa akin tinatanong kung bakit napakasarap ng mga luto ko at paano. Medyo mahirap sagutin, pero isang sagot lang naman ang maisasagot ko palagi. Para maging maayos at masarap na masarap ang luto mo, ilagay mo lang ang puso mo rito kung saan pokus na pokus ka at sinusubukan mo ang pinakakaya mo. Isa pa, isipin mo rin na ikaw ang kakain para mapilitan mo ang iyong sarili na husayan ang pagkaluto.

Ano nga ba ang niluluto ko? Isang special type of sisig. May mangkok ng mahanghang na sisig para sa may gusto nito. Natapos ko naman agad ito bago pa sila gutumin ng lalo.

Inakyat ko sina Crossbow Princess CL sa kwarto nila.

"Ang almusal ay nandito na. Kain muna kayo at pakitawag ang iba!" sabi ko.

"Sige, honey!" sabi naman ni Crossbow Princess CL at tumakbo papunta sa iba pang mga kwarto upang tawagin ang iba.

Bumalik na ako sa baba kasama sina Dragon Gangster, Lady Shooter, Super Golfer at Bad Knife.

"Huy mahanghang sa akin!" sabi ni Super Golfer.

"Me too!" sabi rin ni Bad Knife.

"O, sige. Kuha na kayo kung alin ang gusto niyo, mahanghang man o hindi."

Nagsikain na silang apat. Sina Super Golfer at Bad Knife ay kumain ng mahanghang na sisig. Samantala sina Dragon Gangster at Lady Shooter ay kumain lamang ng normal na sisig.

"Pre, sobrang sarap. Sa unang subo pa lang. Pwede pa kainin lahat?" sabi ni Dragon Gangster.

"Haha ang dami dami naman niyan, eh. Saka pangit sa gangster at sa dragon pa nga ang mataba. Tataba ka, sige ka! Magiging kriminal ka naman sa pagkain! Mahirap na ang pagbabago kapag ganun!" reaksyon ko naman sa pahayag niya na may kasamang biro.

Natawa si Dragon Gangster habang kumakain.

Nakababa na sina Death, HD-Queen, Jasper, Loisa, Little Blade, Daniel at Captain Killer. Nasabik agad sila pagkakita at amoy nila sa ulam.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakabalik na rin si Crossbow Princess CL, kasama na ngayon sina Hank, Ma'am ZJ at Katana Queen.

"Mukhang masarap yan, ah." sabi ni Hank.

"Lagi naman po, kapag luto po ni Chef Felix, itay." sabi naman ni Katana Queen sa kanya.

Buti na lang, sapat na ang kalakihan ng bahay para magkasya silang lahat. Kumain na rin ako pagkatapos, upang makisali sa kasiyahan nila sa pagkainl

"Magaling ka talaga magluto, Felix. You never seemed to have failed impressing me." malambing na sabi sa akin ng girlfriend kong si Crossbow Princess CL, na katabi ko ngayon. Nagholding-hands na kami.

"Ayon sa pagsiyasat namin, ang masasabing posibleng wasting teoriya ng pinagmulan ng mga zombie ay pinaghaluan ng marami pang mga iba pang teoriya. Ang neurotoxin na napupunta sa mga katawan ng tao at sa kalagayan ng neurotoxin na ito nagkakaroon na ng virus, isa yun. Kasama na rin ang bagong mga droga na nagpapazombie na sa isang tao, simula siguro sa isang drug lord. Sunod ay gawa ng mga ibang dalub-agham o pwede ring doktor na isang parang nagpapa-zombie sa isang tao. Sa lahat ng ito, nagkaroon na ng mga zombie, maraming mga zombie dito sa Pilipinas. Sa Hilagang Luzon, may digmaang nangyayari kung saan ang nananalo ay ang mga zombie na may pagka-'runners' na. Pero dito sa bandang timog at gitnang bahagi ng Luzon, walkers pa rin. Sa Visayas at Mindanao, wala pa rin pero nahuhulaan na malapit na lang din magkaroon ng mga zombie roon." binahagi sa amin ni Hank ang nasaliksik nila.

"Um, wala akong masabi kung hindi — BURP!!!" sabi ni Dragkn Gangster at biglang dumighay ng malakas.

Natawa sina Death, HD-Queen, Jasper at Loisa.

"Excuse me! Hehey!"

"Runners? Tapos dito, walkers? Kakaiba yun, ah. Paano na ngayon?" reaksyon ko sa pagbabahagi ni Hank.

"Oo. Sa ngayon, let's just hope na magagawan ito ng solusyon ng Philippine Army. Ang gagawin naman natin ay pokus sa Luzon, bago pa ito lumala ng lalo." tugon naman ni Hank.

Pagkakain namin, nagplano muli si Hank.

"Oras na para simulan natin ang laban para sa Calabarzon. Simulan natin sa Rizal at Quezon. This time, ang susugod naman ay ako, si ZJ, sina Boy Machine Gun, Crossbow Princess CL, Dragon Gangster, Lady Shooter at Captain Killer. Ang iba ay depensa. Kayong mga dedepensa, siguraduhin niyong walang mapapahamak. Super Golfer at Bad Knife, sa inyo namin ni ZJ mapapagkatiwala si Katana Queen. Siguraduhin niyong ligtas siya sa lahat ng oras. Klaro ba yun?"

"Opo, Kuya!" sagot ni Super Golfer.

"Pero bago yun, may warm-up muna tayo. Felix, Chelsea, Dragon, Wenia at Captain, deretso na kayo sa taas para sa isang simpleng pag-eensayo."

Kaming lima ay dumeretso sa taas. Sumunod na lang sina Hank at Ma'am ZJ.

Nag one v one fights kami. Buti na lang, hindi kay Chelsea ako pinalaban. Masakit iyon, eh, haha.

Kami ni Captain Killer ang naglaban.

Masyado siyang mahusay, ginamit niya ang pang militaryang mga pisikal na kahusayan niya.

Sinusubukan ko siyang suntok-suntukin, pero naiilagan niya agad ang mga tama ng kamao ko. Nag-flying kick naman ako, ngunit binuhat lang ni Captain Killer ang paa ko at inikot ito, lumipad na ako sa hangin, tumama ako sa pader. Ang sakit ng tama nito, nahilo agad ako. Wala naman akong mga pasa, sugat, mga bali sa buto o pagkapilay.

Sina Dragon at Hank ay naglaban.

Suntok ng suntok si Hank pero naiilagan agad ito ni Dragon.

"Kahit kailan dragon ka talaga. Ang hirap mong kalaban, iilagan mo lahat ng tama sa iyo. Dapat pala Ilagan ang apilido mo, hindi Bautista! Haha!"

Sinubukan pa ni Hank ng pinakakaya niya, hanggang sa mahila niya ang damit ni Dragon, nabigyan niya na rin ng mga suntok ito na tumama sa kanya. Natamaan man niya ito, nakalaban kaagad si Dragon. Habang sinusuntok na siya ni Hank ng malakas, inagaw niya ang mga kamay nito at ginamit ang lakas niya para mabuhat si Hank. Nagbackflip siya habang buhat si Hank, at si Hank ay tumalsik, tumama rin sa isang pader.

"Hank!!! Lagot ka sa akin, Dragon! Hai-ya!" sabi ni ZJ na nag-interfere. Pinukpok niya ng malakas at pagkatapos tumalon ng mataas, at binigyan na ng isang malakas na flying kick si Dragon, natumba na siya sa sahig at nawalan na siya ng balanse.

"Aray..that's what you'll get for injuring the boyfriend of a girl with an avenging fighting spirit! Ah, correct grammar ba ako?" sabi ni Dragon Gangster.

Sina Crossbow Princess CL at Lady Shooter ay naglabanan, unarmed combat.

"Matatalo kita, Chelsea! Matatalo kita!" sabi ni Wenia at pinagsusuntok si Chelsea.  Sinipa naman niya ito, natumba si Chelsea. Nakabangon naman kaagad si Chelsea at napangiti na tila may naisip. Hehe trust me, yan yun, may naisip talaga siyang ideya sa mukha niya, kilala ko na siya.

"Natalo mo ako sa suntok at sipa, pero hindi sa habulan! Heheh!" sabi ni Chelsea at tumakbo, nagpahabol kay Lady Shooter.

"Kayang kaya kaya kita! Sa kahit saan! Akala mo lang, hehe. Sa habulan mabilis din ako! Matalino pa, sapat na para magtagumpay laban sa iyo!" sabi naman ni Lady Shooter.

Narating ni Chelsea ang isang istante na wala pang mga laman. Tumalon siya ng napakataas at nakapunta sa pinakamataas na bahaging pinaglalagyan ng mga libro, ang tuktok.

"Wow. I'm impressed na kaya mo talaga yan gawin. Pero maiimpress ka rin sa akin dahil kaya ko puwersahin yang istante at matutumba ka mula diyan, matatalo ka siguro. Hehe. Nagsasaya ako sa larong ito, ha! Sana manalo ako at no hard feelings, pagkatapos, okay?" sabi ni Lady Shooter at nagsimulang buhatin ang istante, ginamit niya ang puwersa nito at sinubukang patumbain ito ng lakas niya. Nang matutumba na ito, nakatalon pababa si Chelsea. Habang tumatalon, nasipa niya si Lady Shooter at natumba siya. Natumba ang istante at tumama ito sa kanya.

"Wow, ang husay mo talaga, bebe Chelsea!" sabi ko, habang sinusuntok pa ni Captain Killer at nahihirapan nang lumaban pa.

"Okay, guys. Tama na ang mga labanan. Baka lalo lang may masaktan. Captain,  Dragon at Chelsea, since kayo mga panalo, maghanda kayo. Makalabanin niyo na ang zombie dummy. In less than ten seconds, dapat patay na sila. Using your weapons. Malakas naman na kayo, eh!" utos sa amin ni Hank.

Naghanda na sina Captain at Dragon. Binuhat ni Chelsea ang istante at tinulngang makatayo si Lady Shooter.

"Wenia, okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" tanong niya.

"Haha, wala. Wala namang mga sugat akong nakuha sa pagkatumba. Walang nakakasugst na delikadong mga bahagi rito sa istante. Wala ring mga pasa, hindi naman masakit talaga." sagot ni Lady Shooter.

Nilabas na ni Ma'am ZJ ang isang grupo ng maraming mga zombie na dummy.

Ginamit ni Captain Killer ang minigun niya at mabilis na nasira agad ang kalahati sa mga ito. Ginamit ni Dragon Gangster ang sub machine gun niya at nasira niya ang kalahati ng isa pang kalahati ng mga zombie dummies. At napana ni Crossbow Princess CL ang iba pa. Eksaktong siyam na segundo nila nagawa ito.

"Mahusay, ah! Mukhang handa na pala tayong lahat. Tara na! May misyon pa tayo!" sabi ni Hank at niyaya na kaming umalis para sa misyon.

Dumeretso kami sa baba at sumakay sa FV. Sa harap sina Hank at Ma'am ZJ, Sa likod kami nakaupo nina Chelsea, Captain, Dragon at Wenia. Katabi ko si Chelsea, siyempre. Magkakatabi sa kabila sina Captain, Dragon at Wenia.

Buong araw, inikot namin ang buong Calabarzon. Habang umaandar ang kotse, pinapatay namin ang mga madadaanan naming mga zombie. Ginamit ni Captain ang ingay ng minigun niya para makuha ang atensyon ng mga zombie na nasa loob ng mga bahay, gusali, etc. Agad na lumalabas naman ng dahan dahan ang mga zombie mula sa kinaroroonan nila at nang magpakita sila, binabaril na namin.

Tumagal kami sa Rizal ng dalawang oras sa paglilibot ng buong lugar. Sa Quezon Province ng tatlong oras, apat sa Laguna, dalawa't kalahati sa Cavite at tatlo't kalahati sa Batangas. Dalawang oras ang nakalipss para makabalik kami sa Rizal. Gumamit naman ng shortcut si Ma'am ZJ. Siguro, kung longcut, baka apat na oras pa ang tatagal. Wala kaming pahamak na naranasan. Puro mga drive-by lang naman ginagawa namin. Tutal, lahat nakan kami ay baril ang sandata at buti na lang, baon namin ang mga extra na bala ng mga baril namin, nauubusan din kami, eh. Puro maneho lang si Ma'am ZJ, siya lang siguro ang hindi bumabaril.

Hating gabi na iami nakauwi, at nakatulog na sina Crossbow Princess CL, Dragon Gangster at Lady Shooter. Nakatulog sa lap ko si Crossbow Princess CL. Magkatabing natutulog sa kani-kanilang mga balikat sina Dragon Gangster at Lady Shooter. Si Captain Killer ay hindi inantok at kinaya ang gabi. Eh, sundalo naman siya, eh. Ayoko pa matulog dahil gusto ko pa makita ang mga mangyayari. Saka..di talaga ako inaantok ngayon. Pagod lang.

Nang makarating kami sa loob, agad na sinalubong kami nina Super Golfer at Bad Knife, na gising na gising pa.

"Guys! Guys! Nakauwi na rin kayo, sa wakas!" sabi ni Super Golfer.

"Wow, gising pa kayo, MVP?" tanong ni Captain Killer.

"Kamusta si Zoey? Kamusta ang base na ito, naatake ba?" tanong naman ni Ma-' ZJ.

"Oo, gising pa kami. At okay pa si Zoey, tulog na siya ngayon. Hinihintay kasi namin kayo na dumating, para masabi ang isang balita.." sagot ni Super Golfer.

"Ano yun?" nagtaka kami.

"Mukhang may nagdambong ata sa bahay natin ngayon. Nawala ang mga bomba't dinamita. Siyempre yung lahat ng mga granada nasa akin, mga bagong golf balls ko yun. Halatang nagalaw ang mga gamit at may nakapasok."

"And not just that. We have also watched in the news..somebody is using a helicopter to make explosions through bombs and dynamites. Theories say that he's only trying to save the world, using those explosives to kill zombies from the sky, even if it is destroying structures."

"Um. Anti-hero? Sino naman kaya gumawa nito? At bakit kailangan pa tayong nakawan?" reaksyon ni Crossbow Princess CL.

"Posibleng kakilala na natin at may parehas na kagustuhan siya sa atin: ang pagpatay sa mga zombie, ang pagligtas sa ating mundo na pilit na kinukuha ng mga zombie mula sa atin." sabi naman ni Lady Shooter.

Inantok bigla si Hank. "Well, guys. Hiyaaaah. Inaantok na ako. Sa ngayon, maraming mga misteryosong bagay na kinabukasan, malalaman na rin natin. Tulog muna tayo, pwede? Pasensya na, pero ang pinuno niyo kasi..k-k-kasi..wala sa kondisyon. Anti..a-a-anti z-z-omb-zomb-b-bie S-s-squa..squa..squa..squad..." Pautal-utal na sabi ni Hank sa antok.

"Para ka nang zombie sa pagkasabi mo, pero naiintindihan ko, Hank. Tulog ka muna. Ako na lang. Pinuno naman na rin ako halos, eh. ANTI-ZOMBIE SQUAD......huwaaah." sabi ni Dragon Gangster ngunit bigla na ring inantok, hindi nasabi ang huling salita.

"Wala ka rin pala, eh! Ako na kasi, gising na gising ako, walang antok sa katawan, pramis! ANTI-ZOMBIE SQUAD, TULUGAN NA! GOOD NIGHT PO!!!" sigaw naman ni Captain Killer ng buong enerhiya at tumalon ng napakataas.

Author's Note: Like what Captain Killer said, tulugan na po! Hehe! A great night for the triple update of the day. Sorry for the typos, thank you for your support and everything else. Please give feedback and enjoy. Happy Reading! Magandang gabi po sa inyong lahat! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top