Chapter 13: Pag-ibig sa isang pagliligtas

Chapter 13: Pag-ibig sa isang pagliligtas

Hank Bahinting's Point of View

Nakakuha sina Boy Machine Gun at Crossbow Princess CL ng kotse, isang asul na Innova. Pinasakay ko na rin doon sina Little Blade at Katana Queen sapagkat sa palagay ko, masyadong delikado pa kapag nasa isang motorsiklo. Okay..mukha na nga akong tatay. Youngest sina Little Blade at Katana Queen, at tumatayong father-figure ako sa kanila. Sa bagay, ako na ang pinakamatanda kung tutuusin, simula nang mamatay na si Grim Harvester.

Naisipan na naming bumalik sa bahay. Doon naman posibleng dumeretso na yung iba. Isa pa, maganda na rin kung mabalikan namin yung mga taong nandoon, baka kung ano na ang nangyari sa kanila.

Si Crossbow Princess CL ay may contact pala kay Bad Knife, pero wala siyang load. Nagkaroon muna ng proseso bago niya nacontact ito sapagkat kumuha muna siya ng load. Nang matapos niya ang pagload, tinawagan na niya agad si Bad Knife.

Naka-loud speaker ito kaya nariring namin. Hehe, nakabukas bintana nila, eh.

Crossbow Princess CL: Hello, Mnemosyne?

(Boses na hindi kay Bad Knife): Hi naman diyan, chicks ka ba? Save ko nga number mo.

"Hoy! Taken na siya, ako ang una at huling lalaki sa buhay niya! Wala kang karapatan na magpacute sa kanya!" biglang sabi ni Boy Machine Gun.

"At yung boses na yun..pamilyar sa akin." dagdag ni Dragon Gangster.

Crossbow Princess CL: KUNG SINO KA MAN, ANONG GINAWA MO KAY BAD KNIFE? AT SA IBA?

Boses: Ako si Rico Mabagos. Kasama ko rito si Ricky Canlas. Nasa amin ang inyong mga kaibigan. Isa sa kanila ay patay na. At isa pa ay tumakas, nawala na!

Agad kaming nalungkot at nagulat sa sinabi niya.

"Hala!!!" sigaw naming lahat.

"Rico, Ricky. Bakit niyo ito ginagawa?" sabi naman ni Dragon Gangster.

Crossbow Princess CL: Kilala kayo ni Dragon..pero bago yun. SINO ANG NAMATAY NA? SINO ANG TUMAKAS NA NAWAWALA?

Rico: Yung Dana ang namatay at ang nakatakas ay yung magandang parang adult na. May sumusunod pa rin naman sa kanya na mga kasamahan namin, wala a siyang takas.

"Sina Dana Quinn at Ma'am Zanella!!! Si Dana..patay na." sabi ko at naiyak. Naiyak din sila pagkatapos malaman ang balita.

"Chelsea, akin na ang cell phone. Kakausapin ko sina Rico at Ricky." sabi ni Dragon Gangster kay Crossbow Princess CL.

Inabot naman ni Crossbow Princess CL ang cell phone. Katabi lang naman nila ang truck na minamaneho ni Dragon, kaya di naging sobrang hirap.

Dragon: Ricky, Rico, ano ito? Dragon Gangster ito. Isa akong pinuno, sundin niyo naman ako, tumigil na kayo!!!

Ricky: Tigil? Pre, isa kang traydor, di mo ba alam? Magkakampi kayo ni Bahinting, na ibigsabihin ay di na kami. We are using Hank's friends as bait for him, and we didn't expect na kasama ka pala roon!

Dragon: Sige na. Hindi na tama ito. TAMA NA! Sumali ako sa kanila para pagandahin ang pangalan nating 3B GANG! Yun ang utos sa huling mga salita ni Kuya Baril bago siya mamatay. Sumunod na lang kayo, maging katulad ko na bumabait na, mabait na gangster kumbaga.

Ricky: Wow, wow. Yan ka naman, eh. Oo na. Salita ka lang, pero di pa rin kami magbabago. Kaaway ka na, kaaway ka na. Kakampi mo sila, kakampi mo na sila, sama-sama kayong pumunta rito para sa ating pagtutuos. HINDI MO NA YUN MABABAGO, DRAGON TRAITOR! PERIOD!

Tinapos na ni Ricky ang tawag. Kitang kita ko ang galit ni Dragon Gangster, na halos masisira na niya ang cell phone sa mga kamay niya. Naabot naman niya ito ng maayos kay Crossbow Princess CL.

"Ano na ngayon? Ang dami-daming poblema..namatayan nanaman tayo, nakuha ang iba nating mga kakampi at nawawala pa yung Ma'am Zanella." sabi ni Boy Machine Gun.

"Kayong anim, dumeretso kayo kung saan ang mga kakampi natin. Maghanda kayo sa pagtutuos na sinasabi." sabi ko sa kanila.

"Paano po ikaw, Kuya? At si mama po?" tanong ni Katana Queen sa akin, na lumabas mula sa sasakyan at pumunta sa akin.

"Ako na ang magliligtas kay ma'am, huwag kang mag-alala. Sumama ka lang sa kanila, Zoey. Mas delikado pa kung sasama ka rito sa pagligtas sa mama mo. Mag-isa siya at sigurado, may mga sumusunod pa sa kanya. Mas ligtas ka kung kasama mo silang lima. Isa pa, kailangan nila ang pisikal na kahusayan mo. Pangako kong maililigtas ko si mama mo, basta pangako mong susunod ka sa akin ngayon at ikaw mismo, mag-iingat. Okay ba yun?" sagot ko naman kay Katana Queen.

"Opo, Kuya. Pangako ko po! Maasahan niyo po ako diyan. Sana po mailigtas niyo nga po si mama. Naniniwala po akong kakayanin niyo. Salamat po!" sabi ni Katana Queen at niyakap na ako. Yup. Parang tatay na nga ako sa kanila. Pero sino naman kaya ang nanay? Ha, walang magsasabi si Dana, ah! Unang una yumao na siya. Pangalawa, she's only like a sister to me. Close associate for a few years na nagsimula siyang maging working student sa police station ni daddy. I've never been interested into girls..erm, sorry. May isang beses pala, na isang beses lang at hindi naging maganda kaya tumigil na ako, kailanman, hindi na naulit. Mamaya, ikukwento ko.

"Sige, Hank! Good luck, ha! Mag-ingat ka, pre! Stand-alone mission talaga?" sabi ni Captain Killer.

"Oo, sa inyo rin. Kaya natin ito. ANTI-ZOMBIE SQUAD, GO!" sabi ko at minaneho na muli ang motorsiklo ko palayo at kabilang direksyon, baliktad sa kanila.

Kinuha ko na ang bago kong cell phone, cinontact si Ma'am Zanella. Kabisadong kabisado ko number niya, eh, hehe. Tinawagan ko agad siya.

Ako: Hello po, ma'am. Saan na po kayo?

Ma'am Zanella: Hank, kail..kail..rangan, langan ko -- tul-tul-tulong mo, bil-l-lis. Nandito..nandito..nandito..na..na..sil ah!

Ako: Ma'am, wala po akong masyado maintindihan. Ano po siansabi mo? Dahan dahan lang po, huwag po pautal-utal.

Ma'am Zanella: Mabilis kang pumunta rito. Nasa isang hotel ako sa Rizal, basta yung pinakamalapit na mapupuntahan mo agad pagkakanan mo ng Pasig mula Mandaluyong. Siguro naman sa paghahanap sa akin, alam mo na agad, sa talino mo. Pwede mo rin naman itrack phone ko, eh. Di ba? Basta..bilisan mo. Nandito lang sila, nasundan nila ako hanggang dito. Di pa nila ako nahahanap pero kung nagtagumpay sila..hindi ko na alam. Ire-rape nila ako at papatayin. Yung mga..yung mga lalaki na yun na siguro alam mo na ngayon kung sinu-sino.

Ako: Sige po. Pupunta na po ako, bibilisan ko po.

Ma'am Zanella: Si Zoey nga pala, musta?

Ako: Sa ngayon ligtas, hindi ko siya kasama para maiwas sa pahamak.

Ma'am Zanella: Sige..sige. BASTA ILIGTAS MO NA AKO, BILISAN MO NA!

Ako: Opo. Sige po.

Natapos na ang tawag. To the rescue na ako.

Naging guro ko si Ma'am Zanella dati at malaki ang galang ko sa kanya, siya ang talagang naging paborito kong guro. Sa ganitong nalalaman kong nasa poblema siya, mahirap din ito para sa akin. Kung ako nagiging father figure sa mga kakampi ko ngayon, siya ay naging isang mother figure sa akin noon. Pero hindi lang yun ang naging trato ko sa kanya.

Katotoohan ito. Ang ibang mga estudyante ay nagkakagusto sa mga guro nila. Lalo na kapag nagagandahan o nagagwapuhan sila. Pero as science and psychology says, ito pala ay nagiging susi sa mas mabuting pag-aaral na magagawa ng isang estudyante. Pero siyempre, hindi 100%. Mas common siguro yung babasng estudyanteng nagkakagusto sa lalaking guro. Iba kasi kapag lalaking nagkakagusto sa mas matatandang mga babae, katulad na lang ng mga babaeng guro nila. Sa ingles, "cougar" ito, o paminsan pa nga, "sugar momma romance." Bakit ko nga pala ito sinasabi? Dahil ako mismo, dumaan ako sa ganito.

Kukwento ko na. Nagkagusto ako sa Science at T.L.E teacher namin simula ng highschool hanggang kolehiyo. Naiinspire akong tumutok ng sobra sa aral at ilabas ang buong talino ko. Ako lagi first honor, pinakamatalino sa buong batch at lagi pinupuri ng mga kapwa estudyante't guro. Pero isang guro lang naman ang gusto kong purihan ako. At tagumpay. Siya ang gurong pinakanatutuwa sa akin. Sino nga ba ang ating pinag-uusapan dito? Si Ma'am Zanella Jubilee Guadarrama-Santos. Yup. Maganda kasi siya at advanced in intellect tulad ko. Aaminin ko, si Hank Bahinting ay nainlove sa isang guro na ngayon ay nanay ng isang anak-anakan niyang nasa koponan na kung saan pinuno siya (lol) at siyang ililigtas niya ngayon. Imagine that. Kakaiba talaga, pati sa taken na na mas matanda sa akin nagkakagusto ako. Pero normal na nagkakaroon tayo ng crush. Bat ba ako tumigil, na nabanggit ko kanina? Di talaga ako actually tumigil, hehe. Di ko lang napataas yung lebel ng pag-ibig ko kay Ma'am Zanella, kahit ngayon na tumatagal na ang panahon na namatay na asawa niya, pwedeng pwedeng may pumalit doon. Napagtanto ko at nalaman ko mula sa iba na kung papasukin mo ang buhay ng pag-ibig, siguraduhin mong handa ka na talaga dahil nas huli ang pagsisisi. I suddenly think na hindi ko na masyado kailangan ng pag-ibig, kung mas mabuting sundan na lang ang yapak ng tatay kong pulis at nanay kong inbentor. Isa pa, baka naman masasaktan lang ako while espressing my feelings.

Nagkataon lang ngayon, nainlove na ulit ako. Ang sinasabi nga nilang "destiny," tila nangyayari na ba ngayon? Pero huwag din nga ako "paasa" dahil baka nagkataon lang na natagpo kami muli. Hai, just live a normal life to the fullest with all you got! Walang alala, magsaya lamang sa bawat segundo! Pabalik sa paksang guro-estudyante na pag-ibig, alam niyo yung papansin sa isang klase na pakitang gilas pa sa guro? Hehe. Si Hank Bahinting yun, at nagagamit pa niya ang advance na talino niya na siguro di gumana since hopeless romantic naman siya. Hehe-hey.

Anyway, back to the action. Siguro halos mga lagpas thirty minutes o isang oras nakalipas na motorsiklo ako ng motorsiklo, medyo mabilis. Gaano ba kalayo ang Rizal sa Las Piñas? Haha, shortcut pa lang na alam ko, matagal na. Di ko nacalculate sa mathematical mind ko ang oras dahil sa kakaisip kay Ma'am Zanella na naging crush ko talaga, haha. Nakakainis ka talaga, pag-ibig, noh? Hoy! Wala pong mga insulto diyan. Isang beses lang po ako at wala pa nga akong "first love," eh, o first kiss (parents and siblings excluded in the two things mentioned). Early 20s na lalaki, late bloomer pala, highschool lang nagkaroon ng "first crush" at wala pa talagang karanasan sa totoong pag-ibig. Geh, tawa na kayo. Okay lang ako rito. Anyway, tama na sa mga ganyang paksa. Back to the action.

Narating ko yung hotel kung nasaan si Ma'am Zanella. Pinark ko yung motorsiklo sa tapat. Pumasok ako at nakitang may mga zombie sa hotel, sa counter pa lang. Binaril ko ito ng kemikal kong pistola, namatay na sila agad. Chineck ko yung record para malaman kung anong floor si ma'am. Nakita ko, tenth floor, 1019. Nag-elevator na ako patungong tenth floor. Ligtas naman, wala masyadong pahamak, walang nakasalamuhang mga zombie o ibang mga tao. Hinanap ko yung 1019, at nakita ko, katabi ito ng fire exit stairs. Sira ang pintuan na halatang may lumusob dito, kaya pumasok na ako. Kinabahan na ako sa kalagayan ni ma'am. Dahil studio type ito, nakita ko agad lahat. Si Ma'am Zanella, nakasuot ng pulang sleeveless at asul na pantalon. Nakatali ang kanyang buong katawan habang nakaupo sa isang silya at nakatape ang bibig. Kitsng kita agad ang maputing katawan niya. Maraming mga lalaki ang pumapaligid sa kanya.

"Ah, nandito ka na rin. Sabi na nga ba, dadating ang kanyang boyfriend na mukhang mahina rin tulad niya." sabi ng isa sa mga lalaki na parang pinuno nila. Lahat sila ay nakamaskarang itim, naka-leather jacket at nakapantalon. May mga baril sila.

"Oo nga. Akala ko hindi na dadating ang lalaki ni Ma'am Beautiful. Kasi baka isa sa atin ang umangkin na sa kanya, o kaya patayin na ng deretso. Pero siyempre, kung papatayin, may gagawin muna kaming bastos. So ito pala, Bahinting, ang girlfriend mo. Aba, kahit mga 30+ na siguro, mukhang bata pa rin ah. Suwerte ka." sabi ng isa pa na ang pinakamatangkad sa kanila.

"Pakawalan niyo na siya! Sige na! Mabubuhay kayo kapag mapayapa niyo kaming pinalaya! Kung nakikita niyo ang mga pistolang ito, hindi lang sila basta bastabg pistola, may kemikal ito. Kung iilagan niyo man ito, kaya kong humanap ng paraan, ang kemikal na bala ay hahanap ng paraan para tamaan lang kayo. Pwedeng sa sahig, kung saan apektadong apektado kayo o sa kisame, o sa pader." sabi ko naman sa kanila.

"Di kami natatakot. In fact, gusto ka namin masubukan, makita kung ano talaga ang kahusayan sa iyo!" sabi naman ng isa pa sa kanila, yung pinakamaliit.

Hinanda ko mga pistola ko at minaskaraan ang aking mukha. Nang nagsimula nang silang sumugod, binaril ko ang dalawa sa kanila at namatay na ang mga ito. Binaril naman nila ang mga pistola ko na hindi matitibay, kaya sumabog ito, umilag kaagad ako bago pa man ako matamaan ng delikadong mga kemikal. Sumugod na lang ako, at ginamit ang mga metal kong kuko. Nakasaksak ako ng dalawa sa kanila.

"Bakit di ka natatamaan ng baril???" galit na tanong ng isang matabang lalaki.

"Bulletproof clothes kasi ang tawag diyan!" sagot ko at sinaksak siya sa noo.

Pinagsisipa ko naman ang mga di ko nasasaksak na alam kong makakapatay sa akin. Naisipan kong kunin ang mga baril na nahulog mula sa isang napatay ko. Dalawang mga simpleng pistola, at sa pamamagitan ng mga ito, napatay ko na agad silang lahat.

Nakita ko si Ma'am Zanella na tila may sinasabing di ko maintindihan sapagkat naka-tape ang bibig niya. Alam ko na siguro ang sinasabi niya. Tinanggal ko siya sa pagkatali sa upuan at huli kong tinanggal ang tape sa bibig niya, na pagkatapos nito ay nakita ko muli ang maganda niyang labing masarap halikan.

"Maraming salamat! Niligtas mo ang buhay ko!" sabi niya sa akin ng mabilis at bago pa ako makasalita o galaw, nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako, na laking ikinamangha ko.

Sa pagdidikit ng aming mga labi, nasarapan ako at ako mismo, hindi ko nakontrol sa sobrang gulat at kakaibang saya na nakuha ko bigla sa ginawa niya. Napansin kong hinabaan ni Ma'am Zanella ang halik naming dalawa. Pagkatapos siguro ng mga halos sampung segundo. Wala akong nasabi. Naihi na ako ng sobra sa kilig para sa aming dalawa. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, nagbablush na ako.

"M-m-ma'am? A-a-ah. B-b-b-ba-k-k-kit?" pautal-utal kong reaksyon, na hindi ko makompleto sa aking nararamdaman. Sunod na ginawa niya ay hinawakan ang mga kamay ko at ngumiti bigla.

"Nakakapanibago at nakakamangha ang aking ginawa, Hank. Alam ko yun. Magtataka ka siguro kung bakit kita hinalikan. Iisipin mong di pwede maging tayo sa pagitan ng ating edad. Siguro..ngayon na you became my hero, ngayon ang oras na aminin ko sa iyo ang totoo kong nararamdaman. Mahal na mahal kita, Hank. Dati pa noong naging estudyante ko ang kasing husay at talino mo. Napaibig na rin ako sa iyo habang tumagal na nakakasama kita. Hindi ko talaga alam kung bakit. Sa karamihan na taon na nga na yun, may asawa akong tao na attracted pa sa iyo. Pero ngayon..lalo lang ako nagkagusto sa iyo. Sana di ka magalit, Hank. Alam kong kakaiba na isang katulad ko, na parang nanay mo lang ay magkakagusto sa iyo. Di ba may mga more than ten years tayong age gap?"

Hindi ako makasalita. Nakalimutan ko na ata ang pangalan ko. Indi ako makapanisala na ang crush ko ay crush din ako. Mahirap na ngayon, hindi koalam sasabihin ko. Hindi ko alam kung matututuwa ba ako na ipapakita saya ko o itago muna ito.

"Hank?" tanong niya at hinigpitan pa ang hawak sa mga kamay ko.

Pinilit ko na magsalita. This is my moment, our rather our moment. "Baka konti lang po masabi ko, pero matagal ko na rin po kayong gustong gusto. Simula pa ng highschool na naging guro kita, crush na talaga kita. Napakaganda mo po kasi at napakatalino, nakakainspire ka po sa akin. Siguro mas bata ka lang po sa mama ko ng konti, pero okay ka na po. Malaki ang age gap pero it is just a number, it doesn't matter, mahal naman natin ang isa't isa." sabi ko at nagblush na ata.

Bigla siyang natuwa.

"Maganda kung ganito! Magkakatuluyan na pala tayo! Pwedeng pwede, tutal, tumatayo ka nang parang tatay ni Zoey. Kailangan ko rin ang katulad mo sa buhay ko. Payag ka ba roon? Mamumuhay na tayo bilang parang..ah, mag-asawa siguro. Magiging masaya tayo." sabi naman niya.

Agad akong nagbigay ng sagot at hindi na nahiya. "Ayos na ayos po! Magsasama-sama na po tayo ng masaya. Tayo na po, ma'am. I love you very much!" Niyakap ko na siya ng mahigpit pagkatapos.

"I love you too, Hank. Siguro ngayon, di mo na ako kailangan i-po. Lovebirds naman na tayo. ZJ na lang itawag mo sa akin. ZJ Santos na intime magiging ZJ Bahinting na rin." sabi niya at niyakap din ako habang niyayakap ko siya.

Nagtinginan pa kami ng matagal pagkatapos sa sobrang kagustuhan sa isa't isa at sa kasiyahan na magkatuluyan na riin, sa wakas.

"Ma'am — I mean ZJ, I will recruit you in my team. Ikaw ang bago kong second-in-command. Since ikaw lang siguro ang may kayang tulungan ako sa mga inbensyon, ikaw ang katuwang ko sa laboratarya. Ang mga sandata mo fornow ay yung mga baril ng mga lalaking namatay na ito. Soon, magagawan din kita ng sarili mo. Sa ngayon, kailangan natin iligtas yung iba." sabi ko kay ZJ, ang aking girlfriend ngayon na aking dati pang minimithi.

AZS Status:

13/17 (one new, one kicked out, three dead)

New Recruit to the team:

Zanella Jubilee "ZJ" Guadarrama a.k.a ZJ Guadarrama

Author's Note: Hehe sorry kung walang update yesterday. First time no update Friday, eh? Busy kasi, inuna ko mga assignments. Enjoy. I gave attention to Hank's love life, if you would notice. Sorry for all the typos. Anyways, enjoy the story. Maligayang pagbabasa at masayang Sabado po! One or two more updates coming up! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top