Chapter 1: Isang bago't kakaibang poblema ng Pilipinas
Author's Note: Bago ang lahat, babatiin ko muna ang isa sa aking best friends dito sa Wattpad at ating squadmate na si SergeantAatros na may tatlong karakter na sina Super Golfer, Grim Harvester at Dragon Gangster. Pero sa kabanatang ito, si Super Golfer pa lang ang karakter niya na lalabas. Fifteen years old na siya ngayon, alam kong yung iba sa inyo below 15, tulad ko, so pwede niyo siyang tawaging kuya. Sana mabati niyo kahit dito lang, hehe. Muli, MALIGAYANG KAARAWAN KAY MARC VICTOR PAOLO "M.V.P" G. SABALZA, A.K.A SUPER GOLFER!!! Happy fifteenth sa iyo, SergeantAatros !
Hank Bahinting's Point of View
Ako si Henry "Hank" Tyler Bahinting, isang simple pero masasabi kong misteryosong binata. Tatlong-put taong gulang na ako. Isa akong siyentista, inbentor, inhinyero at pulis. Perpekto talaga ako sa pagigng siyentisya at inbentor sa kakayahan at talino ko. Angkop na angkop din ako maging pulis, pero huwag lang sundalo. Sa katotoohanan, gustong guso ko talaga pagsamahin ang mga iyon, pero naisip ko na dapat din siguro mag-isa ako, solo. Kung sa ingles, I prefer to be a "solo vigilante." Ginamit ko yung kagalingan ko sa pag-iinbento para sa paggawa ng aking mga sandata. Nakasuot ako ng mga metal na guwantes na may halong teknolohiya na kung saan kaya ko magkaroon ng mahaba't nakakatusok na mga kuko na gawa sa metal. Ang sapatos ko ay pang-skating at pwede pang maging nakakatusok, sa pamamagitan ng pagkakaroon bigla ng mga ispaik. Ang tsaleko at pantalon ko na lagi kong suot ay bulletproof, nakamaskara pa akong bulletproof din palagi. Gumagamit din ako ng mga back-up weapons tulad ng mga granadang kemikal at pistola. At mayroon akong motorsiklo na nakakapagpasabog ng misayl. Pero itong motorsiklo na ito ay orihinal na ginawa ng nanay kong inbentor at siyentisya na hindi niya natapos dahil napatay siya ng mga kriminal. Ako na lang ang nagtapos nito. Kaya simula nito, kadalasan na akong lumalabas ng mag-isa at pumapatay ng mga kriminal, as a secret vigilante. Ang tatay ko na pulis ay namatay sa isang napakahirap na misyon, kung saan susubukan niyang patigilin ang mga ito. Namana ko ang kagalingan sa pakikipaglabanan mula sa tatay ko at katalinuhan mula sa nanay ko. Ang alyas ko ay simple lang, Hank Bahinting lang. Sa buhay ko, nagsaya ako sa kadalasang gawaing pang-pisikal at pag-eensayo sa akin ng pulis kong tatay at sa pakikipagtulungan ko sa nanay kong inbentor sa paggawa ng mga bagay. Ngayon, parehas na silang patay. Pati nga mga kapatid ko, nauna na sa kanila. Dinali kami ng mga kriminal; unang namatay ay yung bunso namin na si Teddy, tapos yung pangatlo na si Harry, yung gitna, si Thea at yung pangalawa, si Hera. Matagal na nawala sila, walong taon ang nakalipas, hindi man lang nakaabot sa aking graduation. Inensayo ako lalo ng aking ama. Bgunit napatay din siya noong nakaraang apat na taon, at hindi pa umabot ng aking ika-dalawangput-anim na kaarawan. Sumunod agad ang aking nanay makalipas ang isang taon. Ito ang dahilan para magsikap pa ako na maging mahusay na pulis at inbentor. Dati, napakasaya ng buhay ko, ngayon malungkot na. Hindi lang naman ako nagpapasalamat sa tatay ko sa kahusayang pisikal ko at sa nanay ko para sa talino at mga kakaibang sandata na mayroon ako, sa diyos na rin, siyempre. Tutal, siya naman ang lumikha sa akin at ang nagbigay sa akin ng mga napakamarangal na magulang at mga kapatid. Tatlong taon na akong namumuhay ng mag-isa.
Ngayon, kinalulungkutan ko pa rin ang pagkamatay nila. Namatay ang mga magulang ko ng may nasyonalismo. Kaya ako, habang buhay pa ay dapat lang na mahalin ang aking bansa, ang bansang Pilipinas.
Sa ngayon, pinagpahinga muna ako sa trabaho ko bilang pulis ng Philippine National Police (PNP). Isang araw lamang naman.
At sa katotohanan, mahirap talaga pagsabayin ang pagiging pulis ko sa pagiging sikretong inbentor ko. Binabalanse ko pa rin, kahit mahirap. Ginagawa ko ito para sa pamilya ko. Hinding hindi ko papabayaan na lumala ang mga aksyon ng mga kriminal. Hinding hindi ko kakayanin kung mararanasan ng iba ang naranasan ko. Kailangan ko gawin ito, para sa pamilya ko, para sa iba pang mga mamamayan at sa aking bansang Pilipinas.
Nanonood muna ako ng telebisyon. Mamaya, kapag gabi na, may mga kakalabanin akong mga kriminal. Pinapanood ko ang isang teleserye hanggang sa magpakita ang programa ng balita.
"Balita? Ano mayroon, sobrang emerhensya naman ata ito kaya pinutol na kaagad ang teleserye?!" nagtaka ako.
"Sa lahat ng makakapanood nito, sana ay manatili lang kayo sa loob ng mga bahay niyo sapagkat mayroong zombie apocalypse na dumating sa ating bansa. Inuulit ko, sa lahat ng makakapanood nito, sana ay manatili lang kayo sa loob ng mga bahay niyo sapagkat mayroong zombie apocalypse na dumating sa ating bansa. Mag-ingat dahil kumakalat na ang virus at baka kayo maka—" sabi ng taga-ulat ngunit naputol ng biglang makaramdam ng sakit na tila may kumagat sa kanya sa likod.
"Gat...basta kayo'y mag-ingat..totoo itong zombie apocalypse.." Tinuloy pa ngtaga-ulat na nakagat pala ng isang zombie at pagkatapos, nawala na yung video ng pag-uulat.
Naging alisto kaagad ako rito.
"Totoo ang zombie apocalypse. At kailangan ko na gawan ito ng aksyon. Hank Bahinting on the go!" sabi ko at naghanda na. Sinuot ko na ang maskara ko, ang tsaleko, pantalon, guwantes at sapatos ko. Nilagay ko na sa likod ko ang backpack na may mga granadang kemikal. Hinanda ko ang mga kemikal na pistola. Bumaba ako sa bandang garahe at minaneho na ang motorsiklo ko.
Nang pagkalabas ko, nagulat ako nang makita na napakaraming zombie na nasa harapan ng bahay ko.
"Hala?! Wow! Hindi ko man lang napansin o naramdaman na kanina pa sila nandito? Di bale na, oras na para pasabogin sila! Para sa PILIPINAS!" sabi ko at may pinindot sa motorsiklo ko at kaagad na may lumabas na misayl. Lumipad ito at inabot ang lugar ng mga zombie, sa bandang gitna kaya lahat sila ay namatay.
"Okey iyon, pero titipirin ko yung gas ng motorsiklo ko. Ang laki kasi kaagad ng bawas ng isang misayl pa lang eh." sabi ko, habang minamaneho pa nang motorsiklo.
Naisip ko bigla ang zombie apocalypse. Nakakalungkot at nakakatakot ang nangyayari sa bansa ngayon. Hindi nga ako makapaniwala na nangyari ito. Mas malalang kalaban ang mga zombie kaysa sa mga kriminal. Sana, mapatigil ito ni Hank Bahinting. Ngunit tingin ko, higit na mabuti kung isang grupo na nagkakaisa at nagtutulungan ang gagawa ng aksyon para rito, hindi isang independent na tao lamang. Sa pagkabanggit ng salitang "grupo," may narinig akong tunog ng tila isang tao na may kinakalaban. Siguro, katulad lang niya ako na kumakalaban ng mga zombie.
Binilisan ko ang takbo ng motorsiklo dahil baka makagat pa siya.
Pagkakita ko, isang medyo maliit na lalaki na mureno, pumapatay ng mga zombie gamit golf club niya. Nang pababa na ako ng motorsiklo, nabali bigla ang golf club niya, kaya lumayo muna siya ng konti bago kumuha ng bagong golf club. May lima pang mga zombie na kailangan niyang patayin. Kaagad akong sumugod, tumakbo ng pinakamabilis ko at hinanda ang dalawa kong mahahabang mga kuko, tinusok ko ang dalawang zombie nito sa mga ulo nila at samantala ang lalaki ay pinatay ang isa pang zombie gamit ang golf club niya.
"Salamat sa tulong." Nagpasalamat siya sa akin.
"Walang anu— teka, MVP Sabalza?" Tugon ko naman pero nagulat ako bigla ng makita ko ng mabuti ang mukha — yung tanyag na golfer sa Pilipinas, si MVP! Wow. Suwerte ko, nakilala ko siya in person.
"Oo, ako nga. Nice to meet you." sabi niya sa akin at nakipagkamayan.
"Henry Tyler Bahinting, one of your fans. Pero Hank na lang tawag mo sa akin, Hank Bahinting."
"Um, Bahinting? Yung pulis? Yung inbentor? Sila ba mga magulang mo? Ikaw ba yung anak nila na nagiging sikretong vigilante tuwing gabi na kinakakatakutan o paminsan hinahamon ng mga kriminal? Nice to meet you rin, ah. Astig ka rin, eh, haha." Tanong ni MVP sa akin.
"Oo, ako nga. Pero mamaya na siguro ang usapan, marami pang mga zombie eh." sabi ko at tinuro ang isang malaking grupo ng mga zombie na paparating.
"Hala, naku po! Tingin ko hindi ako makakapatay masyado at mamamatay kaagad ako. Nasisira rin pala ang golf club, eh. Mauubos din ang mga golf club ko rito"
"Huwag kang mag-alala, ang pwede mong gawin ay gamitin ito. Ituring mo silang parang mga bola sa golf. Mga granadang gawa sa kemikal. Mabilis itong makakapatay ng mga zombie, sigurado ako. Ginawa ko yan dahil mahirap humanap ng granada ng basta basta rito sa bansa. Mga kemikal na lang ng nanay ko ang ginamit ko. So, parang improvised yan. Mas epektibo yan laban sa zombie kaysa sa tao, kaya gamitin mo na!" sabi ko at inabot ang backpack na may mga granadang kemikal ang isasabog.
"Wow, sige ba! Salamat!"
Kaagad siyang kumuha ng ilan at sinimulan na itama ito papunta sa mga zombie gamit ang golf club niya.
Tumama ito sa uluhan ng isang zombie kaya nagkaroon ng isang pagsabog na hindi lang siya ang namatay, pati mga kasamahan niya.
Dahil may mga natitira pa, patuloy lang na gumagamit ng mga kemikal na granada si MVP samantala ako ay ginagamit ang mga kemikal na pistola ko na pumapatay naman ng mga zombie. Ang kemikal na ginamit dito sa mga pistola at mga granada ay napakadelikado kaya nakakapatay kaagad, lalo na kapag sa ulo ang tama.
Naubos kaagad ang mga zombie sa pagkakaisa naming dalawa.
"Nagsasaya ako rito, ah. You can call me..THE SUPER GOLFER!" Maligayang sabi niya.
"Ako, Hank Bahinting na lang. Pwede rin..THE DOCTOR VIGILANTE!" sabi ko naman.
"Kailangan natin maging seryoso, Hank. Marami pang mga labanan ang mga nangyayari. Malaki ang epekto nitong zombie apocalypse na ito. Ang mga Pilipino, nababawasan, nagiging mga zombie at napipilitan tayong patayin sila." sabi ni Super Golfer sa akin.
"Sige, tara na. Sakay na tayo sa motorsiklo. Tama ka, MVP. Marami pa tayong kailangan gawin. Seryoso talaga itong zombie apocalypse na ito." sabi ko naman at niyaya na siyang umalis.
Sumakay na kami sa motorsiklo at lumayo.
Habang bumibiyahe, nakita namin na halos wala nang tao sa paligid. Kung mayroon man, mga zombie na sila.
"MVP, dahil nagmamaneho ako, ikaw ang bumaril sa mga zombie na madadaanan natin. Babagalan ko ang pagmamaneho para matamaan mo pa sila."
"Sige, Hank."
Inabot ko ang pistola ko sa kanya at ginamit niya kaagad ito upang patayin ang mga zombie sa paligid.
"Sa tingin ko, mayroon pang iba diyan na buhay pa at nilalabanan ang zombie apocalypse na ito bukod sa atin. Dapat siguro na hanapin natin sila at magsama-sama, magtulungan-tulungan at magkaisa. Para sa Pilipinas." sinabi ko ang aking opinyon.
"Wasto ang iyong sinabi. Nakakatuwa na mayroon kang nasyonalismo para sa bansa, lalo na ngayon na kakaiba ang sitwasyon, tila impusible itong maitigil. Pero tiwala lang, dati naman nakabangon ang mga Pilipino mula sa mga kolonyalismo ng ibang mga lahi. Kakayanin natin ito. Sa ngayon, hanapin natin yung iba." sabi ni Super Golfer.
Tuloy lang kami sa biyahe upang hanapin ang iba pa.
Author's Note: O, ayana, hehe. Lalabas na ang iba sa mga susunod na kabanata. Nakahati ang bawat characters sa iba't ibang grupo. Students, workers, etc. Sana totoo yung sinabi niyo sa isang parte na susuportahan niyo ito. Alam ko naman na maasahan ko iyon sa inyo, eh. Pagpasensyaan niyo ang mga typos, ha. Hehe. Happy Reading! Sana magustuhan niyo, please give feedback.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top