Chapter 1: Mga Mensahe Para Kay Dragon
Chapter 1: Mga Mensahe Para Kay Dragon
Drake Gideon "Dragon" Bautista / Dragon Gangster
2017
(Isang taon matapos ang zombie apocalypse.)
Ikinasal na rin sina Hank Bahinting at ang kanyang sweetheart na si Zanella. Hehehe.
Suportado naman ako sa aking pare. At dahil sa pagkakaibigan namin, na nabuo simula noong zombie apocalypse, ginawa niya akong "best man".
Ang anak ni Zanella na si Zoey ay ay naging "Maid of Honor". Siyempre, dahil anak siya. Tapos, ang aming mga Bridesmaid ay sina Momo, Lisa at Chelsea. Ang mga Groomsman naman ay sina MVP at Justin. Si Daniel ang Ring Bearer, samantalang Flower Girl si Yanni. Kami-kaming Anti-Zombie Squad ang mismong nasa mga wedding roles na ito. Kami nag-asikaso ng lahat. Si Jasper, ang nakababatang kapatid ni Justin ay ang taga-dala ng bibliya at si Loisa, ang nakababatang kapatid ni Lisa ay ang taga-dala ng kandila.
Marami-rami rin kaming mga bisita. Mga sikat at mahahalaga itong tao ng bansa, katulad ni Pangulong Duterte, at iilan pang miyembro ng pamahalaan. Eh, kasi naman, grabe ang kasikatan naming Anti-Zombie Squad ngayon, matapos ang aming nagawang pagligtas sa bansa mula sa zombie apocalypse. Kinilala kami ng buong bansa bilang mga bayani.
Ito na rin ang naging dahilan ng aking tuluyang pagbabago. Ginusto ko na maging bayani. Nasanay ako bilang kriminal mahigit benteng taon, subalit ngayon, mas mabuti kung maging bayani na lang nga ako. Ayun din naman ang ginusto sa akin ni Kuya Baril, bago siya mamatay. Hindi ko siya nabigo. Hindi. Pati rin ang una kong naging kasintahan, si Wenia na minahal ko kahit ilang araw lang naging kami, ay hindi ko nabigo. Alam kong tama ang aking mga ginagawa.
Napakasaya ng kasal. Ako'y proud na proud sa aking matalik na kaibigan, si Hank. Kung tutuusin, parang kuya na nga siya sa akin, pero "best friends" ang tinatrato namin sa isa't isa, kahit pa man mas matanda siya sa akin ng walong taon. Dati, magkaaway talaga kami, sapagkat isa akong kriminal na gumagawa ng maraming krimen, kasama sina Kuya Baril at ang marami ko pang kriminal na mga kaibigan, ang aming Bautista's Baril Boys Gang. Wasak na kami ngayon. Wala na. Nakakalungkot, pero, hindi na kasi sila nagbago. Nagbago ako, pero ayaw pa nila magbago. Napapaisip ako kung kamusta na ngayon ang iba pang mga miyembro namin na nawawala. Alam kong hindi pa lahat sila ay kasama ni Theodore noong binihag niya ang aming grupo. Karamihan lang iyon. May konti pa.
Habang nangyayari ang kasalan, naabala ako. Ang daming gumugulo sa isip ko.
Napapansin ako ni Hank, pero sinasabi ko lang sa kanya na huwag na mag-alala sa akin, alam ko na naman na ang gagawin sa sarili ko, ako na ang bahala.
Biglang pumapasok sa isip ko si Wenia. Sinusubukan ko siyang ialis muna, ngunit hindi ito gumagana. Hindi ko alam kung ako lang ito, o minumulto talaga niya ako. Nararamdaman kong parang may gusto siyang sabihin. Sinubukan ko pa rin ang pinakakaya ko upang hindi magulo, sapagkat may importanteng pangysyari ngayon. Nagtagumpay ako, ngunit sumunod agad si Kuya Baril. Bigla na lang siya gumugulo sa isip ko. Mukhang may sasabihin din siya. Sinubukan kong maghintay sa sasabihin niya, ngunit bigla siyang nawala nang tawagin ang atensyon ko ng pari.
"Hijo, okay ka lang po ba?" tanong niya sa akin.
Nagtinginan ang lahat sa akin. Agad na lumapit sa akin si Hank, at sumunod na rin ang ibang mga Anti-Zombie Squad na miyembro.
"Ano nangyayari sa iyo, Dragon? Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Hank.
Hindi naman ako makasagot, dahil bigla namang lumabas ang mga miyembro ng aming 3B Gang, katulad nina Theodore, Miko, Oliver at marami pa.
"Baka naman kinikilig lang siya sa kinuwento ni Father." biro ni Pangulong Duterte.
Nagtawanan ang karamihan, kasama na sina Justin, Lisa, MVP, Momo, Daniel, Yanni, Jasper at Loisa.
"May...gumugulo lang..sa isip ko. At sumasakit yata ulo ko." sagot ko naman, tungkol sa kondisyin ko.
"Maimumungkahi ko na pumunta ka muna sa banyo, upang ayusin ang iyong sarili." mungkahi ni Pangulong Duterte.
Tumango ako. "Maraming salamat po. Excuse me." sabi ko, at pumunta agad sa banyo, na malapit lang.
Sinarado ko ang pintuan, at ni-lock. Dito ko na tinapos ang lahat.
Umupo ako, pinikit ang aking mga mata at nag-concentrate na.
Sunod na pumasok sa isipan ko ay sina Sonji, Manong Ojeda, Dana, Armano, Felix, Taiga at si Wenia muli, ang mga dating miyembro ng aming Anti-Zombie Squad, na sumakabilang-buhay na.
"Ano ang kailangan niyo? Ano ang gusto niyong sabihin sa akin?" tanong ko sa kanila.
"Hindi pa tapos." sabay-sabay nilang sabi.
"Hindi ganon katagumpay ang eksperimento nila sa akin. Hindi pa tapos ang lahat. Mayroon pa. Kailangan ulit kayo ng bansa." sabi naman ni Taiga, na nagpagulo lamang ng labis sa akin.
"Kailangan mo rin itong sabihin sa iba. Huwag niyo kaming bibiguin. Alam naming kaya niyo ito." dagdag ni Wenia, na nagpagulo lang ng lalo sa akin.
"Sinasabi namin ito sa iyo dahil ikaw ang pinaniniwalaan naming magiging susi sa tagumpay. Alam naming sumisimbolo ka ng pag-asa. Naniniwala talaga kami sa iyo. Ilagay m lang sa isip ang aming mga sasabihin." pagpapaliwanag ni Manong Ojeda.
"Bukod kay Hank, may nakikita rin kaming pag-asa sa iyo bilang pinuno ng grupo. Makikita mo rin iyan sa sarili mo. May nangyayari nanaman ngayon, at kailangan muli kayo. Kailangan niyo na umaksyon." sabi pa ni Dana.
"There's just something about you, that you have to discover. You have potential, and you have to discover it. I'm sure it'll do something good for your team and on saving the country. You really seem to be such a wonderful figure that can make a difference." saad ni Sonji na English pa talaga.
"Huwag niyo kaming bibiguin, Dragon. Lalo na ikaw. Huwag niyo bibiguin ang Pilipinas. Gawin niyo ang lahat, para sa bansa. Ilabas niyo muli ang inyong mga nasyonalismo na bukal mula sa inyong mga puso. May ikinahaharap nanaman na suliranin ang bansa ngayon. Ang pag-asa ng Pilipinas ay nasa inyo. " malalim na pahayag naman ni Armano.
"Kaya mo 'yan, pre. Naniniwala kami sa iyo. Kung kakayanin mo, kakayanin 'yan ng Anti-Zombie Squad. Hindi lang ito para sa amin. Para rin ito sa Pilipinas, sa mga Pilipino at sa inyo. Pakisabi rin pala kay Chelsea na mahal na mahal ko siya." dagdag ni Felix.
"Mahal na mahal ka namin, Dragon. Tandaan mo iyan. Alam namin na kasama kami sa marami mong dedikasyon sa pagpapatuloy sa buhay. Ialay mo ang muling pakikipaglaban na ito sa amin, alam kong makakatulong iyon. Kilala ka namin bilang isang bayani na lumalaban hindi lang gamit ang kakayahan niya, kung hindi ang puso. Lumalaban ka ng may pagmamahal, na alay-alay sa mga taong minamahal mo. Bago kami, may nauna. Parehas din na mensahe ang gusto niyang ipadala sa iyo." sabi naman sa akin ni Wenia.
Agad silang nawala pagkatapos ng huling mga salita ni Wenia, at sunod na lumabas si Kuya Baril.
Hindi siya nagsalita, at nagpakita lamang siya sa aking isipan.
"KUYA BARIL! KUYA BARIL! KUYA BARIL!" paulit-ulit ko aiyang tinawag, ngunit wala siyang sinagot.
Nagpakita lamang sa aking isipan ang mga alaala ko sa kanya.
Pagkatapos nito ay bigla siyang nawala, at napalitan ng mga zombie na kumakain ng mga tao.
"AH!!!" napa-sigaw ako bigla, at tumigil na ang lahat.
Naghintay ako ng ilang mga segundo, hanggang sa wala nang gumugulo sa isipan ko.
Nag-isip na ako ng malalim pagkatapos. Pinag-isipan ko ang tungkol sa mga nakita ko, at lalo sa mga sinabi nina Wenia.
Una muna ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko bilang pagtatataka.
Hindi pa tapos.
Ano ang ibigsabihin nito? Ano ang hindi pa tapos?
Nagtaka ako ng lalo dahil sa sinabi ni Taiga.
"Hindi ganon katagumpay ang eksperimento nila sa akin. Hindi pa tapos ang lahat. Mayroon pa. Kailangan ulit kayo ng bansa."
Sabi niya, hindi raw ganon katagumpay ang eksperimento sa kanya. Hindi pa raw tapos ang lahat, mayroon pa, at kailangan ulit kami ng bansa. Teka lang. Ang eksperimento sa kanya ay ang ginamit upang mapatay ang lahat ng mga zombie sa bansa. Ibigsabihin ba nito, mayroon pang mga zombie sa bansa?
"Kailangan mo rin itong sabihin sa iba. Huwag niyo kaming bibiguin. Alam naming kaya niyo ito."
Ang una namang sinabi ni Wenia ay lalong nagpa-isip sa akin na baka nga may poblema nanaman, at tungkol ito sa mga zombie.
Pagkatapos ay ang paliwanag ni Manong Ojeda sa akin.
"Sinasabi namin ito sa iyo dahil ikaw ang pinaniniwalaan naming magiging susi sa tagumpay. Alam naming sumisimbolo ka ng pag-asa. Naniniwala talaga kami sa iyo. Ilagay mo lang sa isip ang aming mga sasabihin. Mahahalaga ito, at alam naming talagang makakatulong ka."
Naguluhan lang ako ng lalo. Bakit nga ba nila sa akin ito sinasabi? May spesyal ba sa akin? May ginawa ba ako? Hindi naman ako ang pinuno, si Hank iyon. Hindi ko maintindihan.
Ito na, nasagot naman ni Dana ang tanong ko kung bakit hindi si Hank ang sinasabihan nila.
"Bukod kay Hank, may nakikita rin kaming pag-asa sa iyo bilang pinuno ng grupo. Makikita mo rin iyan sa sarili mo. May nangyayari nanaman ngayon, at kailangan muli kayo. Kailangan niyo na umaksyon."
Pero ano ibigsabihin niya na kailangan na namin umaksyon? Ano na ba ang nangyayari ngayon?
Ito naman ang sinabi ni Sonji.
"There's just something about you, that you have to discover. You have potential, and you have to discover it. I'm sure it'll do something good for your team and on saving the country. You really seem to be such a wonderful figure that can make a difference."
Dumugo lang ang ilong ko kay Sonji.
Pero teka, wala na munang g*guhan.
(A/N: Masanay po kayo kay Dragon, palamura po talaga siya. :3)
Ang sabi niya, there's something about me na kailangan kong i-diskubre. May potensyal daw ako, at makakabuti raw ito sa koponan ko at sa pagliligtas sa bansa. "Wonderful figure that can make a difference" daw ako. Naguguluhan pa rin talaga ako. Lalo lang nadagdagan ang mga tanong sa isipan ko.
Ito naman si Armano, nagbigay ng malalim na pahayag.
"Huwag niyo kaming bibiguin, Dragon. Lalo na ikaw. Huwag niyo bibiguin ang Pilipinas. Gawin niyo ang lahat, para sa bansa. Ilabas niyo muli ang inyong mga nasyonalismo na bukal mula sa inyong mga puso. May ikinahaharap nanaman na suliranin ang bansa ngayon. Ang pag-asa ng Pilipinas ay nasa inyo. "
Subalit ito ang nagpalinaw sa akin na may poblemang pambansa nanaman na kailangan namin malutasan.
Pampa-motivate naman ang sinabi ni Felix. Natawa rin ako bigla sa huli niyang sinabi. Sige, sasabihin ko kay Chelsea. Teka lang.
"Kaya mo 'yan, pre. Naniniwala kami sa iyo. Kung kakayanin mo, lalong kakayanin 'yan ng Anti-Zombie Squad! Hindi lang ito para sa amin. Para rin ito sa Pilipinas, sa mga Pilipino at sa inyo. Pakisabi rin pala kay Chelsea na mahal na mahal ko siya."
Noong binanggit ni Felix ang "Anti-Zombie Squad", lalong naging maliwanag sa akin na isa nga itong pambansang suliranin na kailangan ang aming tulong upang masolusyonan na rin. At hindi lang iyon - maaaring tungkol nanaman ito sa mga zombie.
At ang pangalawang sinabi ni Wenia - nagparamdam ito sa akin ng pagmamahal. Pinuri niya ako, at para bang naliwanagan na ako sa lahat sa mga sinabi niya. Alam ko rin na ang huli niyang binanggit ay si Kuya Baril.
"Mahal na mahal ka namin, Dragon. Tandaan mo iyan. Alam namin na kasama kami sa marami mong dedikasyon sa pagpapatuloy sa buhay. Ialay mo ang muling pakikipaglaban na ito sa amin, alam kong makakatulong iyon. Kilala ka namin bilang isang bayani na lumalaban hindi lang gamit ang kakayahan niya, kung hindi ang puso. Lumalaban ka ng may pagmamahal, na alay-alay sa mga taong minamahal mo. Bago kami, may nauna. Parehas din na mensahe ang gusto niyang ipadala sa iyo."
Ang kaluluwa siguro ni Kuya Baril ay may gusto rin sabihin sa akin, pero hindi niya masabi. Sabi nga ni Wenia, parehas din ang mensaheng gusto niyang sabihin sa akin.
Noong nagpakita ang mga zombie na kumakain ng tao, nakonpirma ko na ang suliranin na ito ay tungkol nanaman sa kanila. Maliwanag na ang lahat sa akin.
Naisipan kong maghugas muna ng mukha, at siyempre, mga kamay na rin.
Pagkatapos ay lumabas na ako, at bumalik sa puwesto ko. Sa pagbabalik ko, nakatingin talaga ang lahat sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin.
Bumalik na ang lahat sa dati. Wala nang gumugulo sa isip ko. Sinigurado ko rin mismo na hindi na ako magugulo pa.
Pagkatapos ng kasal, may pictorial muna na tumagal ng maraming minuto, at sumunod na ang program.
Kainan na!
Nagpakita ang video noong nag-propose si Hank kay Zanella, at kasama pa si Zoey noon. Bilang spesyal na video na handog para sa aming Anti-Zombie Squad, may video rin kami! Kasama rin dito ang aming dating mga miyembro na pinaparangalan namin. Naalala ko naman bigla ang mga sinabi nila kanina sa akin.
Dahil dito, naabala nanaman ang isip ko, hindi ko na masyado nasaksihan ang susunod pa na mga nangyari sa program. Wala naman yatang nakapansin sa akin.
Tinawag ako bigla nila, upang magbigay ng pahayag para sa bagong kasal na sina Hank at Zanella. Bilang 'best man', ako ang una.
Pumunta naman ako sa harapan, at binigay sa akin ni Pangulong Duterte ang micropono. Humarap ako kina Hank at Zanella, na nakaupo sa harapan.
Hindi agad ako nakapagsalita, sapagkat nang-galing ako sa pag-iisip.
"Ahhh. Hank! Pare! CONGRATULATIONS! Alam mo naman na proud na proud ako sa'yo lagi, diba? Grabe, pre. Magkaaway na magkaaway tayo dati, pero ngayon, ano na? Best friends? Best friends forever pa nga, kahit walang forever? Siyempre, mayroon forever. Oo, BFF na nga tayo, pareko'y. Masayang masaya ako para sa iyo. Mula sa pagiging pulis at siyentisya na lumaban mula sa mga masasaklap na nangyayari sa kanya, ngayon, iba ka na! Lumalove-life ka na ngayon! Masaya ako para sa inyo ng minamahal mo. Nakakakilig kayo, alam niyo 'yun? Alam kong matagal ka nang may gusto sa kanya, at ngayon, pinagtagpo talaga kayo ng tadhana. Masaya akong natuloy na ang matagal mong pinapangarap na akala mkng hindi magkakatotoo. Masyado na ata mahaba ito, at wala na rin akong maisip na idagdag pa. Basta, alam mo namang masayang masaya ako para sa inyo, diba? Proud best friend and brother mo ako, Hank! Ipagpatuloy mo lamang ang lahat ng gusto mo. Sundin mo ang iyong puso sa lahat ng oras. Basta ako, suportadong-suportado kita palagi. Masayang masaya talaga ako sa iyo ngayon, yun lang! Zanella, masaya talaga akong nakatuluyan mo si Hank! Sigurado talaga akong ikaw ang babae para kay Hank. Ang suwerte mo nga, eh! Ang astig kaya ni Hank! Pulis na nga, siyentisya pa! Saan ka pa? Huwag kayong mag-aaway, ha? Magmahalan lang kayo ng magmahalan, hanggang sa huli. More blessings like these to come! God bless! Napa-English pa tuloy ako. Sige. Alam kong magiging masaya kayo magkasama! Yun lang! Mahal ko kayo! Haha! Congratulations sa inyo!" sabi ko, at nakipag-apir kay Hank pagkatapos.
"Salamat, pre, ha! Hahahaha! Na-flatter ako sa mga sinabi mo! Masaya akong may kaibigan talaga akong katulad mo!" tugon ni Hank sa akin, at nagyakapan kami pagkatapos. Nakipag-kamayan din ako kay Zanella.
Umupo na ako sa puwesto ko sa lamesa naming Anti-Zombie Squad, katabi ni MVP at tapat ng upuan ni Hank.
Sunod na magsasalita ay si Zoey, ang anak ni Zanella.
"Hey, man." may narinig akong bumulong, mula sa pamilyar na boses ng parang English-speaking na lalaki.
Tumingin agad ako sa likod ko, at nakita ko si MVP.
"Bakit, MVP?"
"Bro, I saw you a while ago, well not just a while ago, but a couple of times already, that you seem to not be feeling well. Kanina naman, after mo lumabas ng banyo, okay ka na, pero ngayon, ano nanaman nangyayari? Bumabalik nanaman ang nararamdaman mo kanina? It's pretty much obvious to me." sabi sa akin ni MVP.
"Ahhh..." sabi ko, na naputol pa. "Oo, eh. May gumugulo lang talaga sa isip ko."
"Gumugulo? Ano naman yun?"
"Kasi, ganito 'yan. Biglang pumapasok sa isip ko si Wenia, tapos ang Kuya Baril ko. Hindi ko alam kung bakit, may mensahe ata silang sasabihin. Pati nga mga ka-gang ko dati, eh. Tapos 'yun, sumunod na nangyari, may sinabi sa akin sina Sonji, Manong Ojeda, Dana, Armano, Felix, Taiga at Wenia. Marami sila sinabi, pero..ang buong sinasabi nila ay may paparating na pambansang suliranin. At sa mga sinasabi nila, napagtanto ko na zombie apocalypse nanaman ang poblema. Nakonpirma ko ito ng magpakita ang mga zombie na kumakain ng mga tao sa isipan ko. Nakakagulat nga na ako pa talaga ang sinasabihan nila nito." pagpapaliwanag ko.
"Well." sabi ni MVP.
Nakita ko ang manghang-mangha niyang reaksyon, at mukhang nahihirapan siya ibigay ang tugon niya rito.
Bigla na lang kami nakarinig ng tunog ng pagputok ng baril.
Napatigil ang lahat dito. Ang iba ay nagsi-tilian at takbuhan na. Kaming Anti-Zombie Squad ay kalma lang, ngunit tumingin naman kami kay Hank.
"Kalma lang po tayo." sabi sa amin ni Duterte, ang host ng program.
Kumalma naman ang mga tao.
Binigay ni Duterte ang micropono kay Hank.
"Dragon, MVP! Tignan ninyo ang nangyayari roon! Huwag niyo kakalimutan ang inyong mga sandata." utos sa amin ni Hank.
"Let's go!" sabi sa akin ni MVP, at agad kaming umalis, tumakbo papunta sa direksyon ng tunog ng pagputok.
Nilabas ni MVP ang kanyang mga pistola, na nasa pantalon lang niya palagi, upang magamit kapag kinakailangan na. Bagama't "Super Golfer" man siya, mas sinasanay na niya ang sarili niya ngayon sa ibang mga sandata bukod sa pang-golf, para mas maging mahusay siya sa pakikipaglaban. Ako naman, ang mga sub machine gun ko ang palagi kong dala. Dito kasi ako pinakamahusay at pinakasanay.
Tinutok namin ang mga baril namin sa paligid, dahil baka may mga kaaway na makakapatay.
"What do you think happened?" tanong sa akin ni MVP.
"Wala akong ideya, pero kung pagputok ito ng baril, maaaring gawa ito ng-" sagot ko, ngunit napatigil sa bigla naming nakita.
HINDI ITO PWEDE MANGYARI!
...
ABANGAN!
***
Dadating po ang Pangalawang Bahagi sa Biyernes, ika-lima ng Mayo.
Author's Note:
Finally, Chapter 1 is here! Sana nagustuhan niyo! Sa ngayon, ayan muna. Ayan ang magsisilbing introduction sa Season 2. Bitin ba? Don't worry, Chapter 1 pa lang kasi. There are more to come! Ganyan talaga kapag Chapter 1. Remember yung Chapter 1 ng AZS Season 1? Bitin din yun, diba? Hehehe. Mahaba naman na ang lahat ng susunod. :3
Just to inform you, iibahin ko na po pala ang edad nina Hank at Dragon. Si Hank po ay thirty years old na po, samantala si Dragon ay twenty-two. Yung portrayer naman po ni Dragon, pinaiba po ni @SergeantAatros, si Nikko Natividad ng Hashtags na lang daw, since mas bagay nga siya kaysa sa original portrayer na si Francis Magundayao. Mostly because of tattoos and gangster aura. At si Hank Bahinting pala, may portrayer na rin! Si Coco Martin na po ang portrayer niya. I think he'll be good to be casted as Hank. Take "FPJ's Ang Probinsyano" for example.
If ever may nag-apply na kaparehas ng portrayer ng old characters, don't worry, ako na po bahala, hahanapan ko po ng paraan, depende po sa characters ang ipapalit ko.
Wednesdays and Fridays po ang schedule ng pag-update, pero sometimes, pwede rin Sundays, depende kung kaya ko.
And, hey! I just want to promote a collaboration story na kasama ako. It is called "Behind Crimson Scarlet", by TheGuysWhoWrite ! I'm with four other authors. First is our leader @BestRoleInLife , a very great author of several stories, just like "The Final Exam", then two more good authors, @ESJ1004 and @Mr_iOusman , known for several stories as well, such as "The Purge: A Trip To Hell" and "Pass The Message: Mirrors", respectively. Recently, we are joined by @Mastershikifu, also a good author and even trailer-maker! Our story is about passengers arriving at an island they thought is a paradise, but is actually an island that led them to their deaths. There are a lot more mysteries and good stuff about the story, so just read it, if you are interested! We want your support too!
PS. @ESJ1004 is the owner of the characters Yanni (S1-present), Sonji ((S1) and Armano (S1). I've also mentioned last chapter that he's the one who made the book cover for AZS S1 and the current temporary cover for AZS S2.
And by the way, pwede pa po pala humabol sa characters anytime! Feel free to apply characters pa. Hindi pa po closed, pwedeng pwede pa po humabol.
That's all for now!
Thank you!
=) ;) :D
-AgentRevenger
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top