Two

Dahyun's POV

"Hi Dahyun! I miss you. Bakit hindi ka na bumibisita dito sa bahay?" Pambati agad ni Tita (Taehyung's Mom) pagkakarating ko. Niyakap niya ako at bineso.

Err.. Pwede ko bang sabihin na, "Manyak po kasi ang anak niyo kaya ayoko pumunta dito. Isa pa, nakakaasar ang pagmumukha niya baka mabwisit lang ako."? Kaso syempre, bawal sabihin. Baka masampiga ako ni mama na katabi lang ni tita.

"Hehe. Busy lang tita." Palusot ko na lang. Pumasok naman si Taehyung sa eksena. "Talaga ba? By the way, hi tita!" Pang aasar niya pa sakin sabay deretso sa kinaroroonan ni mama at yumakap din.

Ganito kasi yan, si mama at si tita bestfriend since birth kaya naman hindi talaga sila mapaghiwalay. At dahil kami ang mga anak nila, no choice kung hindi ang magkita kami ng ungas sa ayaw man o sa gusto ko. Noon pa man, hindi na talaga kami magkasundo ni Taehyung. I mean, ako lang pala talaga ang bwisit sa kaniya at siya ang lapit ng lapit para mang-asar. At obviously, walang pagbabago sa ugali niya hanggang sa lumaki kami naging manyak pa nga siya. Ew.

"Okay. Let's eat na bago lumamig ang pagkain." Sabi ni tita at naglakad kaming apat papunta sa lamesa.

Nakita ko si Taeha, kapatid ni Taehyung, na pinapakain ng yaya niya.

"Ate!" Sigaw ni Taeha pagkakita niya sakin sabay takbo papunta sakin. "Uy baka madapa ka. Wag ka tumakbo." Pag-aalala ko ay sinalubong ang yakap niya.

"Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mong nawala. Ang bad mo ate." Pagtatampo ni Taeha sakin. Narinig ko pa ang side-comment ng bwisit na si Taehyung. "Ayan kasi.. Tsk tsk." May pa iling iling pa siyang nalalaman. Ang sarap niya talaga sipain.

"Babawi na lang ako next time okay?" Sabi ko na lang.

"Promise?" Tanong niya at iniharap pa sakin ang pinky finger niya.

"Promise?" Tanong ko kay Taehyung habang nakahaya sa kaniya ang pinky-finger ko. "Oo. Promise ko yan Dahyun." Sambit niya habang nakangiti at inintertwine ang pinky finger niya sa pinky finger.

"Oo naman. Promise yan." I smiled at inintertwine ang daliri ko sa daliri niya.

Kumapit at nagpabuhat lang sakin si Taeha habang kumakain kami. Ako na rin ang nagpakain sa kaniya dahil namiss niya raw ako.

Bakit ang adorable ng batang to? Bakit si Taehyung hindi? Ampon lang yata yon si Taehyung kaya ibang iba ang ugali. Joke.

"Oh? Problema mo na naman ba? Bakit ka nakatingin diyan?" Tanong ko nang mapansin kong nakatingin sakin si Taehyung. Sila mama at tita ay umakyat sa taas dahil may ipapakita daw si Tita kay Mama since tapos na naman sila kumain. Si Taeha na lang naman ang kumakain since bata pa siya ata mabagal kumain.

"Assuming ka. Si Taeha kaya ang tinitignan ko." Kfine. Ako na assuming.

"Kuya that's bad. Don't lie. I saw you staring kay ate Dahyun kaya." Pang-aaway ni Taeha kay Taehyung habang "naglalagot-ka-sign" pa. Huli ka ngayon.

"Ako pa pala ang assuming ha? May witness oh." Sabi ko na lang.

"Tsk. Nakakatawa lang. Mukha ka kasing nanay. Hahaha." Napairap na lang ako. Wala talaga siyang ibang alam kung hindi ang bwisitin ako.

"..nanay ng mga anak ko." Patuloy niya pa habang nakangisi. "Yun na yon? Luma na yan." Asa pa siyang kiligin ako sa pinagsasabi niya.

"I don't know kung nag-aaway kayo or not ate and kuya." Takang sabi ni Taeha samin.

"Wag mo na isipin yon Taeha. Ganyan lang talaga kami maglambingan." Sabi ni Taehyung kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kung ano ano pa sinasabi sa bata. Polluted utak niya, pinopollute din utak ng kapatid niya. Kailangan ko yata ilayo-layo si Taeha kay Taehyung.

"Lambingan? Ibig sabihin couple kayo?"

"Oo naman. / Hindi ah!" Sabay naming sabi. Bwisit talaga to.

Napatagilid ang ulo ni Taeha at takang-taka. "Ano po ba talaga?"

"Wag ka maniwala sa kuya mong panget."

"Panget? Hindi naman ako panget Taeha diba? Nagsisinungaling ate mo, kaya ako paniwalaan mo."

"Shut up Taehyung."

"Nah. I know you really want to hear my voice for the rest of your life."

"Manigas ka."

"Hm. Gusto mo patigasin?"

"Ew! Kadiri ka!"

"Green-minded~"

Napansin kong palipat-lipat ang tingin ni Taeha sa pagbabangayan namin kaya nanahimik na lang ako. Kawawa naman si Taeha at mukhang litong-lito na.

"Kumain ka na lang Taeha. Wag mo na lang intindihin pinag-uusapan namin." Sabi ko na lang at sinubuan siya ng pagkain. Sumunod naman siya at kumain na lang din.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top