Three
Dahyun's POV
Umaga na at papasok na naman ako sa school. Lumabas na lang muna ako ng kwarto since mas gusto ko kumain muna ng agahan.
Pagkalabas ko ng guest room - oo guest room, dahil dito ako natulog sa bahay nila Tita - nakasalubong ko agad ang walanghiyang si Taehyung. Medyo magulo pa ang buhok niya, mukhang kagigising lang din.
"Hi Good morning. Kumusta tulog mo?" Nakatawa niyang sabi. Yung tawa bang nakakaloko. Tinignan ko lang siya ng masama.
"Problema mo?" Inis na sabi ko. Agang-aga, mukha niya agad ang nakita ko. Agang kabadtripan ah.
"Wow. Init agad ng ulo sakin ah? Inaano ba kita diyan?" Natatawa pa rin siya. Mungtanga na naman 'to. Hay nako.
"'Wag mo kong kausapin." Sabi ko na lang at naglakad papunta sa kusina.
"Oh anak. Kumain- anong nangyari sa mukha mo?" Tanong agad ni mama sakin. Nagtaka naman ako sa tanong niya.
"Bakit mama? May kakaiba sa mukha ko?" Tanong ko. Narinig ko na lang sa tabi ko ang lalaking pigil na pigil kung tumawa.
Inabutan naman ako ng salamin ng tawang-tawa na si Taehyung. Agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin at nakita ko ang repleksyon kong, mukhang demonyo. Putspa.
"Walastek ka talagang lalaki ka!" Sigaw ko at nanakbo lang siya kaya hinabol ko pa para lang saktan siya.
"Ayieee! Ang agang lambingan naman niyan." Pang-aasar ni Ate Sora, yung katulong nila na nagbe-babysit kay Taeha.
"Anong lambingan?! Asa! Mukha ba 'tong lambingan? Itsura 'to ng papatay!" Sigaw ko hahang hinahabol parin si Taehyung na tawa ng tawa.
Natawa na lang siya at tinulungan na lang si Mama at Tita sa pag-aayos mg almusal.
"Hoy lalaki! Lumapit ka dito! Susuntukin talaga kita sa mukha!"
"Bakit ako lalapit? Ano ako shunga? Susuntukin mo ko tapos lalapit ako? Ayoko nga." Pang-aasar niya pa. Pinaiikutan lang namin ang mga sofa dito sa sala at dito naghahabulan.
"Bwisit ka talaga!" Sigaw ko. Tumakbo naman siya palayo sa sala kaya agad ko siyang hinabol. Mahabol ko lang siya, makakatikim talaga siya sakin ng suntok.
Tumakbo siya papunta sa banyo at nilock yon. "Buksan mo to!"
Kinatok at kinalabog ko yung pinto pero di niya parin binuksan. "Ayoko nga! Hahaha!" Sigaw niya pabalik.
"Argh! Buksan mo to!"
"Ganiyan mo ba talaga ka-gusto ang katawan ko? Nasa banyo ako Dahyun, ano ka ba naman."
Umiral na naman ang kamanyakan. -___-
"Bwisit ka talaga! Balahura!" Sigaw ko.
At dahil napagod na ako sa pagkatok. Tumigil na ako. Hmp. Babawian na lang kita mamaya. Bahala ka diyan.
Umalis na lang ako doon at pumunta sa kusina.
"Good morning ate Dahyun." Bati ni Taeha sakin at nakaupo na siya sa isa sa mga upuan sa dining.
"Good morning Taeha." Bati ko rin sa kaniya. Buti pa tong batang to nakakagoodvibes. Yung kuya niya kasi kabaliktran niya. -____-
"Anong nangyari sa mukha mo ate?" Tanong niya. At dun ko lang narealize na di parin pala ako naghihilamos. Ugh. Bwisit ka talagang hinayupak ka Taehyung.
"Ah. Haha. Pang-asar kasi ang kuya mo." Sabi ko na lang.
"Maghilamos ka na lang muna nga anak. Nakakadistract ang mukha mo sa pagkain ko e." Sabi ni mama sakin kaya nagtawanan silang lahat. -____-
Paano ako maghihilamos? E ang lintik na lalaking yon nasa banyo.
"Psh. Opo."
Naglakad ako pabalik sa banyo at nakasalubong ko ang hayop. Natawa siya nang makita niya ang mukha ko.
"Ha-ha. Funny." Sabi ko na lang at nilampasan siya. Dumeretso ako sa banyo at naghilamos.
"Aaaaaah! Ang hirap naman tanggalin nito! Bwisit talagaa!" Sigaw ko sa sarili.
"Wawa naman haha." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nakatayo lang pala siya sa may pintuan.
"Kasalanan mo to e!" Sigaw ko sa kaniya.
"Easy ka lang."
"Easy ka diyan?! Ang hirap hirap tanggalin nito e!"
"Pfft-"
"Nakakatawa yon? Nakakatawa?"
"Oo, kaya nga ako tumatawa."
Inirapan ko na lang siya at naghilamos na lang uli. Sakit sa mukha. Letche.
"Hoy. Dahan-dahanin mo nga! Namumula na kaya ang mukha mo!"
Di ko na lang siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ginagawa ko. Kaso nagulat ako nang higitin niya ako. Sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.
"Tignan mo oh! Namumula na mukha mo kakakuskos." Sambit niya at kumuha ng tuwalya sabay punas sa mukha ko ng dahan-dahan.
Shet. Yung mukha niya, bakit.. ang lapit masyado? At saka.. Bakit gwapo ata siya ngayon?
Anoo? No waaay! Wala akong sinabi haaa?! Wala yooon! Walaaa!
"Luh? Bakit namumula parin? Hay nako. Grabe kasi makakuskos. Medyo nabura na naman. Okay na yan."
"Psh! A-akin na nga yang tuwalya! Kaya ko punasan sarili kong mukha no!" Sigaw ko at tinulak siya.
"Arte. Tara na nga. Bagal mo. Iniintay kita e. Magkakainan pa tayo." Sambit niya at ngumisi pa.
Bakit parang ang green non?!
"Siraulo ka!" Sigaw ko at sinutok yung braso niya.
"Aray ko! Totoo naman ah? Kakain na tayong lahat ng almusal. Ano ba kasing iniisip mo ha?" Sabi niya at tumawa. Halang nang-aasar. Nananadya talaga to e.
"Diyan ka na nga!" Binato ko lang sa kaniya yung tuwalya at naglakad na palayo sa kaniya.
--x
[vote and comment guys hehe]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top